Allysa Chloe Hernandez
Lunes ng umaga. Maaga akong nagising dahil ayokong malate papunta sa school.Maayos na ang pakiramdam ko dahil boung araw ng linggo akong nagpahinga. Hindi nga ako naka attend ng fellowship namin sa church dahil kinailangan ko talaga ang magpahinga hindi rin ako pinayagan ni Daddy dahil baka kung mapaano pa daw ako doon.After kong magshower at magpalit ng school uniform ay bumaba na ako. Bitbit ang aking shoulder bag ay dumiretso ako sa dining area at nadatnan kong kumakain si kuya Allen."Where's Mom and Dad kuya Allen?"Tanong ko dito."Maagang umalis eh. May meeting daw sila ng maaga with the client. Maupo kana at kumain. Ako ang maghahatid sayo sa school."Utos nito sa akin.Naupo ako sa upuang katapat niya at nagsimula ng kumain. Kumuha ako ng sandwich, hotdog, bacon at nagpatimpla din ako kay ate Helen ng hot chocolate.Nang mapansin ni kuya na iisang sandwich ang kinuha ko ay nagsalita ito."Kumain ka nga madami Allysa. Hindi uso ang pagdidiet ngayon ha."Pagkatapos ay kinuha pa niya ang isa pang sandwich at nilagay yun sa plato ko."Ubusin mo yan ha."Nakangiting utos nito na parang inaasar pa ako."Fine."Ang tanging naging sagot.These days siguro ay napansin niyang hindi ako masyadong kumakain dahil sobrang busy sa pagrereview dahil sa exam week namin.After kong kumain at gawin ang skin care routine ko ay lumabas na ako. Naghihintay na si kuya Allen habang nakasandal sa kanyang red Ferrari 458 car. So he's going to drive one of his favorite car. Ipagyayabang na naman niya ang birthday gift ni Daddy sa kanya.Nang makita niya ako ay pumasok na ito sa loob ng sasakyan. Sumunod naman ako at naupo sa front seat. After kong magseat belt ay umalis na kami.Pagkarating sa parking area ng school ay pinagtitinginan kami ng ibang estudyante. Lalo na ang mga estudyanteng babae. Kulang na lang ay lapitan nila kami. Maybe because of the car. Well he's driving one of the most expensive car.Bumaba siya at pinagbuksan ako ng pintuan ng sasakyan."What are you doing? Kaya ko naman bumabang mag-isa."Naiinis kong tanong sa kanya."Wala gusto ko lang. Just want to see the reaction of your suitors kung meron man. I'm sure nakatingin sila ngayon."Nang-aasar na sambit nito."Stop messing around kuya. Nakakainis ka. Umalis ka na nga. Baka malate ka pa."Habang tinutulak tulak ko pa siya na sumakay na sa kanyang sasakyan.Pagkatapos ay naglakad na 'ko papasok sa gate ng aming university. Buti na lang talaga at magkahiwalay kami ng pinapasukang university. Kundi araw-araw sasakit ang ulo ko sa pang-aasar na ginagawa niya. By the way he's taking Criminal Law sa isang All boys university sa kabilang bayan."I fetch you later baby."Sigaw nito na lalong kinaasar ko. Hindi ko na siya nilingon pa at dali-dali akong naglakad palayo sa kanya dahil pinagtitinginan na ako ng ibang mga estudyante. Ewan ko ba sa lalaking yun. Lagot talaga siya sa akin pag-uwi. Baka kung ano isipin ng mga estudyante dito. Hindi pa naman nila alam na kapatid ko yun.Nang malapit na 'ko sa Business Administration Building ay may tumawag sa akin. It was Bea ang bestfriend ko."Good morning Allysa."Nakangiting bati nito."Good morning din. Kanina ka pa?"Nakangiting sambit ko din sa kaniya."Ngayon lang din naman."Sagot ko naman sa kanya.Habang paakyat kami sa second floor ng aming building ng ikwento ko sa kanya ang nangyari noong community service.Nabanggit ko din sa kanya ang tungkol kay Kent Liam and guess what kilig na kilig siya habang nagkukwento ako.Sinearch niya ito atFinollow niya din sa i*."Why did you follow him?"Nagtatakang tanong ko sa kanya."Ano ka ba gusto ko lang maging updated din sa life niya. Feel ko kasi crush mo na 'to eh."Nakangiting sambit nito."Nako hindi ah. Pinagsasasabi mo at isa pa I just met him last weekend tapos sasabihin mo crush ko na agad."Pagdedeny ko sa kanya."Don't deny it. Kitang kita ko yung saya habang nagkwekwento ka no.""Stop it Bea, you're just imagining things."Suway ko sa kanya. Dahil mukhang hindi ako titigilan ng babaing ito.Hanggang sa loob ng room ay hindi ako tinitigilan ni Bea ng kakatanong tungkol kay Kent Liam. Why she's really curious.Maya maya pa ay dumating na ang aming intructor mabuti naman at ng tigilan na ako ng kakakulit nitong kaibigan ko.Habang nagdidiscuss si sir Michael ay hindi ko malimutan yung sinabi ni Bea kanina. Maybe I have a little crush on him. Ang cute kasi niya and super bait pa. The way he speak is full of gentleness.Nang matapos magdiscuss si sir Michael ay launch time na. Bumaba kami ng building at dumiretso sa cafeteria. Nag order lang ako ng rice, sisig at pineapple juice. Habang kumakain kami ni Bea ay nagtanong ito."Oy Allysa, paano ka nag thank you kay Kent Liam after what happened?""Why are you so curious? Kanina ka pa ha. Tigil-tigilan mo nga ako baka kung saan pa mapunta 'tong usapan na 'to."Suway ko sa kanya. Napakakulit talaga ng babaing 'to."Wala naman. Gusto ko lang malaman kung paano mag thank you ang isang Allysa Chloe Hernandez."Nakangiting sambit nito."Kumain ka na nga lang. I'll tell you later.""Ayain mo kaya sa isang resto.Pa thank you ganoon."Dagdag pa niya habang tumatawa."Tumigil ka nga Bea Anne, baka kung ano pa isipin noon kapag inaya kong mag dinner no. Alam mo naman guys these days. Baka mamisinterpret pa nila 'ko no."Pero deep inside I know na iba si Kent Liam. Sinasabi ko lang yun para tigilan na ako ng bestfriend ko ng kakaasar.After naming kumain ay dumiretso kami sa ladies comfort room ng cafeteria. Bago kami pumasok ay may narinig kaming nag-uusap sa loob. Aalis na sana kami ni Bea ng marinig kong binanggit nila ang pangalan ko. Kaya ang ginawa namin ay nagstay kami sa labas ng comfort room para marinig kung ano ang pinag-uusapan nila."You know what Kylie ang galing galing talaga ng ginawa mong plan last week. Akalain mo yun nailagay natin ng maayos sa bag ni Allysa ang answer key ni Ma'am Joy ng walang kahirap hirap."Sambit ng boses mula sa loob. So they are the ones who set me up. I'm a kind person pero kapag ganitong usapan ay hindi ko palalampasin. Napahiya ako kay dean at kay Mommy ganoon din sa iba kong kaklase ng dahil sa kanila. Nagcommunity service pa 'ko at nahimatay ng dahil sa accusations na hindi ko naman talaga ginawa.Gusto ko ng buksan ang pintuan ng comfort room at sugudin sila loob ng pigilan ako ni Bea. Nanggigigil ako gusto ko ng hilahin ang buhok nila isa-isa. Bakit nila ginawa yun?Ano bang kasalanan ko sa kanila?Pinakalma ako ni Bea at ipinakita niya sa akin na nairecord niya sa kanyang cellphone ang usapan ng mga tao sa loob. I know hindi lang dalawa ang nasa loob. Siguro ay nasa tatlo sila."Oo nga eh buti nga sa kanya. She deserve that. Mang-aagaw kasi."Boses yun ni Kyline.Teka bakit nila ako sinasabihan ng mang-aagaw? Sa pagkakaalam ko wala akong inaagaw sa kanila at isa pa hindi ko gawain yun.Maya maya pa ay hinila na ako ni Bea paalis sa tapat ng pintuan dahil mukhang palabas na sila. Nang makalabas sila sa cafeteria ay sumunod kami. Dumiretso sila sa garden ng Business Ad. Department at naupo sa mga bench na naroon.Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko at lumapit ako kay Kyline to confront her. Nakasunod naman sa akin si Bea."Why did you that Kyline?"Panimula kong tanong sa kanya.I don't want to sound rude kaya't pinipilit kong ikalma ang aking sarili.Mukhang nagulat pa nga siya sa biglaang paglapit ko."I'm sorry Allysa pero ano bang pinagsasabi mo?"Naguguluhang tanong niya.She's a great pretender huh."Huwag ka ng magkaila pa. Narinig namin ang usapan niyo sa comfort room kanina. Bakit mo ginawa yun? Bakit mo nilagay yung nawawalang answer key ni Ma'am Joy sa bag ko? Why did you set me up?"Sunod-sunod na tanong ko sa kanya."That's out of the line, Allysa. What you said is just a false accusation."Sambit ni Joylyn-isa din sa mga classmate namin at bestfriend ni Kyline."That's not a false accusation. That's the truth. Here the evidence."At ipinakita ni Bea ang cellphone niya habang nagpiplay ang recorded audio ng naging usapan nila.Nagulat sila ng marinig ito. Lumapit sa amin si Claire at naka crossed arm na humarap sa amin."Well you deserved that dahil mang-aagaw ka."Mataray na sambit nito sa harap namin.Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko at sinugod ko si Claire. Agad kong hinila ang kanyang buhok. I really hate it when people accused me for the things na hindi ko naman ginawa.Mayamaya pa ay nakisali na din si Kyline na pilit hinihila ang aking buhok na pinipigilan naman ni Bea. Samantalang humingi naman ng tulong sa ibang estudyante si Joylyn para awatin kami. Pero hindi ako tumitigil. How dare them to accused me na mang aagaw and because of that thing nagawa nilang iset up ako para mapahiya sa ibang estudyante at sa dean ng aming university.Nang may dumating na seniors ay inawat kami. Magulo ang buhok namin pareho at puro kalmot ang aking braso dahil sa kagagawan ni Kyline.Hawak ako sa braso ng isang senior na lalaki ng magsalita ako."Can you please let me go."Galit kong sambit sa lalaking nakahawak sa braso ko.Pagkatapos ay binitawan naman niya ako. Sinamaan ko siya ng tingin dahil sa sobrang sakit ng pagkakahawak niya sa braso ko.Ang bigat bigat ng kamay niya.Bago ako umalis ay lumapit ako kay Kyline at nagsalita."Next time na gumawa ka ng plano para siraan ako make sure na malinis ha, yung walang makukuhang evidence. And please pakitali ng aso mo para hindi na tumahol sa iba kung yun lang ang ikinagagalit mo."Mataray kong sambit sa kanya. Nang mapatingin ako sa lalaking umawat sa akin kanina ay napapangiti ito habang nakatingin sa akin. What's wrong with him? Nakakainis.Hinila ko na si Bea para umalis dahil masyado na kaming nakakaagaw ng pansin sa ibang estudyante.Allysa Chloe HernandezNagpunta kami ni Bea sa clinic para humingi ng alcohol kay nurse Mia. Kahit mahapdi ay pinilit niyang linisan ang mga kalmot na nasa braso ko. Pagkatapos ay dumiretso na kami sa room namin dahil malapit ng magsimula ang afternoon class. Habang nakikinig sa aming instructor ay hindi mawala ang pagkainis ko kay Kyline at sa mga kaibigan niya. Sasabihin namin ni Bea kay dean ang nangyari para malinis na din ang pangalan ko at matapos na ang issue na kinakasangkutan ko. Nang matapos ang klase ay nagkaroon ng biglaang meeting ang lahat ng block president ng bawat section ng lahat ng department at isa na ako doon. Habang nasa meeting room ako at naghihintay na magsimula ay nakita kong pumasok yung lalaking senior kanina, yung tumulong umawat sa amin ni Kyline kasabay ng iba pang president ng ibang block section. Naglakad siya palapit sa kinaroroonan ko at naupo sa upuang malapit sa akin. Akala ko nga ay tatabihan niya ako buti na lang at naupo siya sa pang-apat na
Allysa Chloe HernandezNang dumating si Manong Jose ay umuwi na kami. Pagdating sa bahay ay agad akong dumiretso sa kwarto. Nagpalit ako ng damit pangbahay at nagsimula ng gumawa ng school works. 7pm ay bumaba na ako para kumain ng dinner. Nang makarating ako sa dining area ay naabutan kong naghihintay na si Mommy at Daddy. Siguro ay may pag-uusapan kami kaya maaga silang umuwi."There she is."Sambit ni Daddy ng makita niya ako. "Let's eat Allysa."Aya ni Mommy.Habang kumakain kami ng dinner ay nagsalita si Mommy"Allysa may ginawa ka na naman bang kalokohan?"Tanong nito sa akin."Why?"Balik kong tanong sa kanya."Well tinawagan lang naman ako ni dean kanina. She said na may kailangang pag-usapan issue tungkol sayo. Ano na naman bang ginawa mo ha? Allysa please start to avoid some troubles. Hindi ka na bata."Siguro ay nagreklamo si Kyline at ang mga kaibigan niya sa dean's office kanina. Well she's the one who started it. "Just a little cat fight Mom."Ang tanging naging sago
Allysa Chloe HernandezNatigil ang nararamdam kong kaba ng magsalita si Mommy. "Dinner is ready Mr. and Mrs. Enriquez. Let's eat first. We can talk other things naman over dinner. So let's go?"Nakangiting anyaya ni Mommy sa aming mga bisita. Agad naman silang sumang-ayon, tumayo at naglakad papunta sa dining area habang nakasunod ako sa kanilang hulihan ganoon din si Dave Arkiel na para bang napipilitan lang sa ginagawa niya.Si kuya naman ay halos kasabay ko lang na naglalakad habang nakangisi. I know gustong gusto na 'ko nitong asarin dahil sigurado akong nahahalata niyang kinakabahan ako. Hindi niya lang magawa dahil mayroon kaming mga bisita. Pagdating sa dining area ay naunang umupo sila Mommy at Daddy at ang mag-asawang Enriquez. Uupo na sana ako sa upuang katabi ni Mommy ng biglang lumapit si Dave Arkiel at ipinaghila ako ng upuan. What a gentlemen o baka naman nagpapa impress lang."Thanks." Ang tanging nasabi ko sa kanya habang nakangiti. Ngumiti naman siya pabalik.
Allysa Chloe HernandezSaturday ng umaga. I packed all the things that I might need. Nagbaon din ako ng snacks at iba pang personal things. Sabi ni Bea ay mag oovernight daw kami kaya naman kagabi pa lang ay nagpaalam na 'ko kay Mommy at Daddy buti na lang at pinayagan ako but in one condition. Si kuya Allen ang maghahatid at susundo sa napili naming beach at siya rin ang mag aayos ng pagchechek-in sa hotel para masigurado na wala kaming ibang kasama. 6am pa lang ay nagbiyahe na kami. Masarap kasing maligo sa dagat kapag maaga pa. Dinaanan namin si Bea sa bahay nila. Habang nasa biyahe ay pana'y ang aming kwentuhan. "Kuya Allen what do you think sa lalaking magiging soon to be fiancee ni Allysa?"Biglang tanong ni Bea kay kuya Allen. Bakit niya kailangan pang itanong yun. "Well he's good naman. Bagay sila. Napakagentlemen pa nga diba Allysa?."Nakangiting sambit ni kuya Allen habang nakangisi sa akin. Talagang hanggang ngayon ay inaasar pa rin niya ako. "Oh yun naman pala. So ano
Allysa Chloe HernandezTahimik lang kami ng makarating sa Nipa Hat na tinutuluyan ni Dave Arkiel. Napagpasyahan kong huwag munang tumuloy sa room namin ni Bea dahil sigurado akong sasabihin niya kina Mommy at Daddy ang nangyari. Mag-aalala pa ang mga yun at baka pauwiin pa kami ng wala sa oras. Masisira ang dapat na weekend gala namin ni Bea. Minsan na nga lang kami makapag bonding tapos may mangyayari pang ganito. Inalalayan akong maupo ni Dave Arkiel. Nang makaupo na ako sa wooden sofa sa loob ng Nipa Hat ni Dave Arkiel ay agad niya akong inabutan ng tubig. Nanginginig pa rin ako hanggang ngayon dahil sa takot. Hindi ko naman alam na mangyayari 'to. Sana pala ay hindi na lang ako lumabas ng Nipa Hat kanina. Sana pala ay hindi ako naglakas loob na mag swimming mag-isa. "Pwede bang dito na 'ko matulog?"Lakas loob kong tanong kay Dave Arkiel.Alam kong hindi pa kami close masyado pero wala akong ibang choice kundi dito na magpalipas ng gabi. "Yeah sure. Dalawa naman ang kama na ma
Allysa Chloe HernandezAfter 10 minutes ay dumating na ang professor namin sa Literature. Si sir nathan, mahigit dalawang oras din ang naging klase. Discussions then short quiz, katulad lang din ng ibang ginagawa ng mga prof namin sa ibang subjects. After that class ay break time na. Nagpaalam ako kay Bea at Kenny na didiretso muna ako sa liblary para humiram ng kailangan kong libro bago pumunta sa cafeteria. Nauna na sila kaya't sinabi kong ipagreserve nila ako ng upuan sa loob. Nang sabihin ko kay Ma'am Annie ang kailangan kong libro ay agad niyang itinuro sa akin kung saan ito makikita. Nasa dulong bookshelves ang kinalalagyan nito. After kong makuha ang libro at magpaalam kay Ma'am Annie ay naglakad na ako papunta sa cafeteria.Nang makarating ako sa loob ng cafeteria ay agad kong hinanap ang dalawa kong kaibigan. Dahil maraming estudyante na ang naroon ay nahirapan akong hanapin sila. Maya maya pa ay may narinig akong boses na tinatawag ako. Boses ni Kenny yun sure ako. "Allys
Allysa Chloe Hernandez"So, what are we going to talk about?"Sambit ko kay Dave Arkiel ng makaupo kami sa loob ng De Lara's cafè. "Let's order first. What do you want?"Tanong nito sa akin. "Okey na ako sa Cafe Latte.""Okey. Just wait for 5 minutes."Pagkatapos ay tumayo ito at pumunta sa counter ng cafè. Nanatili naman akong nakaupo habang nagbobrowse ng mga ig stories ng friends ko. Maya-maya pa ay dumating na si Dave Arkiel bitbit ang dalawang cup. Naupo siya pagkatapos ay inabot sa akin ang isang cup ng Cafe Latte."Thanks."Nakangiting sambit ko sa kanya."I heard sa summer na magaganap ang engagement party natin. Any plans kung paano natin pipigilan 'to?"Panimula niya.Nagulat ako ng sambitin niya ito."What? Sa summer? This coming summer? Paano mo nalaman I mean hindi pa 'to nasasabi sa akin ng parents ko. So anong gagawin natin?"Naguguluhang tanong ko."Relax, relax okey. Mayroon pa tayong three months para gumawa ng plano.""Three months? Do you think we can do that?
Allysa Chloe HernandezKinabukasan"Hoy 'te iba ka ha. Nagbabasa ng libro na nakabaligtad."Nagulat ako ng magsalita si Kenny.Agad kong inayos ang librong hawak ko. Nako baligtad nga. Nakakainis bakit kasi kung ano ano pumapasok sa isip ko. Dapat talaga kapag may problema sa bahay ay iniiwan ko na sa bahay hindi yung dinadala ko pa sa school. Nagmumukha tuloy akong tanga buti na lang talaga at mga bestfriend ko lang ang nakakakita ng katangahan ko."I'm sorry. Hindi ko napansin."Pagdadahilan 'ko sa kanila. I need to act normal. Yung parang walang nangyari. Baka kasi kung ano pa ang isipin ng mga 'to. "Hindi napansin? Nako ha Allysa Chloe ano bang problema? Kanina ka pa kasi tulala diyan at parang wala sa sarili. Baka gusto mong ishare makikinig naman kami?"Tanong ni Bea sa akin. Siguro perfect time 'to para ishare ko sa kanila yung nangyari kagabi."Alam niyo noong una talaga, tinatawanan ko yung mga movie at romance novel na nagkakaroon ng fixed marriage tapos nagkakaroon ng hap
Allysa Chloe HernandezNang makauwi sa bahay ay agad akong umakyat sa kwarto upang magbihis. Lunes ngayon at maraming school works na kailangang tapusin kaya't naisipan ko munang magmeryenda sa baba bago magstart sa aking mga gawain. Kumain lang ako ng cookies at uminom ng pineapple juice. Pagkatapos ay muli akong umakyat sa kwarto. Nagsimula na akong gumawa ng school works. Hindi ko alam kung ano pang mararamdaman ko. Last day feeling ko nagugustuhan ko na si Dave Arkiel, and the next day si Kent Liam. Siguro ay dahil sa mga actions na pinapakita nila sa akin. Mabilis pa namang akong ma-attached sa isang tao. Yun pa naman ang bagay na pinaka ayaw ko sa sarili ko. Habang nagtatakedown ako ng notes ay tumawag si Kenny. Ano na naman kaya ang dalang chismis ng kaibigan kong ito. "Uy girl, may problema tayo."Sambit nito sa kabilang linya ng sagutin ko ang tawag niya."Ano namang problema yan?"Tanong ko naman sa kanya. Baka kasi mamaya nampaprank lang pala ito. "Eh kasi naman next we
Allysa Chloe HernandezMabilis na lumipas ang mga araw at dumating na ang lunes- ang araw na aking pinakahihintay. Dahil bukod sa makukuha ko na ang book kay Kent Liam ay makikita ko pa siya. Papasok pa lang ako sa university ay para akong teenager na excited nang makita ang crush niya. Sabi kasi ni Liam lunch time daw ako pumunta sa Engineering Building dahil sure siya na hindi siya aalis during lunch time. Chinat na rin niya 'ko sa ig kung anong floor at room number, ang tanging gagawin ko na lang talaga ay pumunta roon. Isasama ko nga pala si Bea, para hindi masyadong nakakahiya. Pagdating sa university ay dumirestso agad ako sa Business Ad. building. Habang nagkaklase ang prof. namin sa Salesmanship ay inip na inip ako. Gusto ko ng bumilis ang oras para makapunta na lang agad ako sa aking crush. I can't wait to see him. After class, lunch time na dali dali kong hinila si Bea palabas ng room. Nagpaiwan na si Kenny dahil gusto na daw niya dumiretso sa cafeteria. Siguro ay nagugu
Allysa Chloe HernandezNang makarating ako sa park ay nagpunta ako sa paborito kong pwesto at doon naupo sa upuang naroon.Nagbabakasakaling makita ko ulit si Kent Liam, tulad noong nakaraang araw. Hindi ko alam pero kumportable akong kasama siya, hindi ako nahihiya, naiinis o kaya ay kinakabahan. Hindi tulad kapag si Dave Arkiel ang kasama ko. Habang nakaupo ako at nagbabasa ng librong binili ko sa bookstore kanina ay napansin kong dumaan yung lalaking binilhan namin ni Kent Liam ng ice cream noong nakaraan. Tumigil ito sa may gilid dahil may mag-inang nais bumili kaya naman lumapit din ako. "Kuya isang tig 20 pesos nga pong ice cream sa cup, yung cheese lang po ah."Sambit 'ko sa magtitinda ng ice icream.Nang iabot niya ang ice cream sa akin ay napangiti siya. Pagkatapos ay nagsalita. Siguro ay natatandaan niya ako. "Diba ikaw yung kasama ni Kent Liam noong nakaraan tama ba? Ako nga pala si Mang Bert.""Ah opo, ako nga po."Nakangiting sambit ko dahil mukhang mabait at approacha
Allysa Chloe HernandezDumiretso ako sa shower ng makaakyat ako sa aking kwarto. Ano bang iniisip nila? Na totoong inlove kami sa isa't isa. Hayss. Nakakainis, ano ba 'tong gulong pinasok ko. Kung hindi lang talaga magagalit si Daddy, hinding-hindi 'ko gagawin 'to. Pagkatapos 'kong maligo ay nagbihis na ako at bumaba. Naabutan kong nakaupo sa couch si Dave Arkiel hawak pa rin ang red envelope na binigay ng parents niya. "Saan ka pupunta?"Tanong nito sa akin ng mapansin niyang bumaba ako. "Sa bookstore lang."Tipid kong sagot sa kanya. "Samahan na kita. Saglit lang magbibihis lang ako."Pagkatapos ay dali dali siyang umakyat pataas. Hindi man lang niya hinintay na sumagot ako kung papayag ba akong samahan niya. May pagkapaladesisyon pala ang lalaking 'to. Maya maya pa ay bumaba na rin siya. Naka sout ito ng khaki shorts, black shirt at white sneakers. Infairness bagay sa kanya ang sout niya. "So let's go?"Tanong nito sa akin. Tumango naman ako bilang sagot at sabay kaming luma
Allysa Chloe Hernandez"What do you think your doing?"Gulat kong sambit kay Dave Arkiel ng makita kong inaayos niya ang kama kung saan ako matutulog. Nagulat din siya ng makita ako at biglang tumalikod sa akin. My ghad I forgot naka bathrobe nga lang pala ako ng lumabas sa bathroom. Mabilis akong pumasok sa bathroom at malakas na isinara ang pinto. Nakakahiya, bakit ba kasi siya nandito. Lumabas ako ng may sout ng damit pang bahay. Ipinusod ko ang buhok dahil mamaya na 'ko magboblower ng buhok ko."Ano bang ginagawa mo dito?"Naiinis kong tanong sa kanya."Ano pa eh di matutulog."Sagot naman niya sa akin habang nakaupo sa couch sa loob ng kwarto."Dito ka matutulog? Sige ako na lang sa guest room."Sagot ko sa kanya pagkatapos ay kinuha ko ang aking maleta at nagsimula ng lumabas sa pintuan. "Teka lang, ano bang iniisip mo? Dito tayo parehas matutulog."Paliwanag niya sa akin. Humarap ako sa kanya at nagsalita."Ano pang pinagsasasabi mo? FYI Mr. Enriquez hindi ibig sabihin na
Allysa Chloe HernandezKinabukasanMaaga akong nagising dahil maaga sa bahay ang mga event organizer na kinuha ni Mommy at Daddy. Sila yung sinasabi ni kuya Allen na mga kaibigan niya, 6 am pa lang ay nagkakaingayan na sa baba halatang mas excited pa sila sa akin. Kaya kahit gusto ko pang matulog ay hindi na pwede dahil sigurado akong mapapagalitan ako ni Mommy at Daddy. Ayoko namang simulan ang araw na 'to na puro hindi pagkakaintindihan. Pagkatapos magshower ay nagbihis na ako at bumaba. Dumiresto ako sa dining area at naabutan kong masaya silang nagkukwentuhan, panigurado ako na naman ang topic nila. Well, sino pa nga ba eh ako lang naman daw ang may special na celebration. Hayysst special ba yun eh ngayon pa lang iniisip ko na baka maging bangungot 'to sa buhay. "There she is."Nakangiting sambit ni tita Amelia ng makita ako. By the way she's my favorite tita. Nalungkot nga siya ang malaman ang tungkol sa engagement party ko ngayon dahil kahit siya ay hindi ineexpect na magaga
Allysa Chloe HernandezAfter three months.Mabilis na lumipas ang panahon. Tatlong buwan na agad ang lumipas. Parang kailan lang nakikipagmatigasan talaga ako sa magulang ako para sa magaganap na engagement party pero hindi ko alam na aabot pa rin talaga kami ni Dave Arkiel dito. Marami akong ginawang paraan para lang hindi matuloy ang engagement party pero sa huli ay wala pa rin akong nagawa. Dumating pa nga sa punto na naglayas ako sa sarili naming tahanan huwag lang matuloy ang pinag usapang kasal pero sa huli'y wala pa ding nangyari. Tama nga si Mommy at Daddy hindi ko pa kaya ang sarili ko. Hindi ko kaya na wala sila sa tabi ko. Bukas na magaganap ang engagement party. Maraming bisita ang imbitado lalo na ang mga taong kasosyo ng dalawang pamilya sa negosyo. I know from the start na ang magaganap na engagement party ay para sa convinience ng dalawang pamilya. Nag-usap na kami ni Dave Arkiel tungkol dito. Kailangan lang naming maging mahusay sa pagpapanggap dahil kung hindi ay ma
Allysa Chloe HernandezPagkarating sa bahay ay nadatnan kong nasa sala si Mommy at Daddy. Agad akong lumapit sa kanila at binigyan sila ng tig isang halik sa pisngi. Ganoon din ang ginawa ng dalawa kong kaibigan. My parents already know my bestfriends dahil simula grade school pa lang ay magkakaibigan na kami hanggang ngayong college na kami. We treat them like our family dahil hindi naman sila iba sa amin. "Where have you been anak. Kanina ka pa namin hinihintay. Tinatawagan din kita kanina kaso hindi ka naman sumasagot."Nag aalalang tanong ni Mommy. "I'm sorry Mom, nasa cafè lang po kami kanina. Nag-uusap po kasi kami about school stuff kaya po siguro hindi ko napansin na tumatawag kayo, diba girls?"Tanong ko sa mga kasama ko na agad naman nilang sinang ayunan. Shit, kailan ko pa natutunang pagsinungalingan si Mommy haysst ngayon lang 'to hindi na talaga mauulit. Kailangan ko lang talagang sabihin yun para maniwala siya. "Yes po tita, hindi pa nga po kami natapos kanina kaya b
Allysa Chloe HernandezSaturday 1pm. Binisita ako ni Kenny at Bea sa bahay. Nakahiga nga ako sa kama ng dumating sila at pumasok sa aking kwarto. Pagkapasok sa loob ay agad ko silang tinanong. Wrong timing naman eh nagsesenti ako dito tapos may biglang kakatok. What's wrong with these people. "Anong ginagawa niyo dito."Bungad ko sa kanila ng maupo sila sa couch na nasa gilid. "Namiss ka namin bakit masama ba?"Sagot naman ni Kenny. Namiss eh parang noong isang araw lang kami magkakasama."Wag niyo nga akong pinagloloko. Bakit nga?"Pangungulit ko sa kanila."Iniinvite kasi kami ni Kyla sa birthday party niya mamaya sa Knitz Restobar magcecelebrate. Pinuntahan ka namin dito para sure na makakasama ka kasi sabi niya isama ka. Sumama ka ha. Marami daw siyang invited na taga ibang department. Nako sis ha. Kailangan maganda tayo mamaya."Excited na kwento ni Kenny. Nako kapag talaga ganitong usapan hindi papahuli ang mga 'to."So what are we going to wear?"Tanong ko sa kanila. Wala din