Share

[02]: Pulang Rosas

Author: xeniyaeh
last update Huling Na-update: 2020-08-11 18:08:34

Chapter 2

JENNA'S POV

Friday ngayon at nagsabi kami ni Aliane sa cafe na tinatrabahuan namin na mag-aabsent muna kami dahil maghahanap pa kami ng apartment na matitirahan ko.

"'Nu ba naman 'to! Ba't kasi ang hirap humanap ng apartment eh. Dun ka na lang kaya ulit?" Reklamo ni Aliane.

"Alam mo na hindi ako papayag diba? Wag na please, nakakahiya na kapag nandoon ako, noh? Tama na ang lahat ng binigay ni mommy at daddy, sapat na yon."

"Hmp, bahala ka. Bibigyan pa naman sana kita ng bagong tshirt na color lilac, diba nagcocollect ka non?" Itong si Aliane, ang hilig-hilig talaga mangblackmail sa'kin basta makuha lang ang gusto niya. At ang loko naman na si ako, bumibigay rin ng basta-basta. Pero kasi yun yung tshirt na kinocollect ko ehh, gusto ko kasing may collection ako ng tshirts na yon.

"Aish, cge na nga. Ok na, pero hangga't hindi pa tayo makakakita ng apartment ko ngayong araw, tutuloy ulit ako sa inyo. Ok?" Napipilitan kong pagbigay sa pagbabanta niya.

Naghanap kami buong araw pero wala talaga eh. Di kami makahanap. Kaya dumiretso kami muna sa bahay para kunin ang mga gamit na kakailanganin mamaya tsaka pumunta sa restobar na kinakantahan namin, nag-order ng maiinom at doon naghintay magdamag.

"Jenna, Jenna, gising na. Ala-sais na pala't magsisimula na ang banda natin." Pukaw ni Aliane sa'kin. Nakatulog pala ako, 'di ko namalayan. Sa pagod lang ata 'to sa kakahanap ng apartment.

"Oo nga pala. Pagod lang siguro 'to. Lika na." Aya ko.

Tumugtog na ang banda at nagsimula na akong kumanta. Kinakabahan parin ako lalo na't medyo may karamihan ang mga tao ngayon.

Loving him is like driving a new Maserati down a dead-end street

Faster than the wind, passionate as sin, ending so suddenly

Loving him is like trying to change your mind once you're already flying through the free fall

Like the colors in autumn, so bright just before they lose it all

Losing him was blue like I'd never known

Missing him was dark grey all alone

Forgetting him was like trying to know somebody you never met

But loving him was red

Loving him was red

Touching him was like realizing all you ever wanted was right there in front of you

Memorizing him was as easy as knowing all the words to your old favorite song

Fighting with him was like trying to solve a crossword and realizing there's no right answer

Regretting him was like wishing you never found out that love could be that strong

Losing him was blue like I'd never known

Missing him was dark grey all alone

Forgetting him was like trying to know somebody you never met

But loving him was red

Oh, red

Burning red

May nakatingin na naman sakin na parang hindi pangkaraniwang tingin. Kaya tumingin ako sa direksyon niya pero ang bilis niyang mawala na parang bula.

Remembering him comes in flashbacks and echoes

Tell myself it's time now, gotta let go

But moving on from him is impossible

When I still see it all in my head

In burning red

Burning, it was red

Oh, losing him was blue like I'd never known

Missing him was dark grey all alone

Forgetting him was like trying to know somebody you never met

'Cause loving him was red

Yeah, yeah, red

We're burning red

And that's why he's spinnin' 'round in my head

Comes back to me, burning red

Yeah, yeah

His love was like driving a new Maserati down a dead-end street

Natapos na ang unang kanta at sumunod naman ang isa. At dahil friday ngayon, mga sawi yung mga kakantahin namin.

Kung hindi rin lang ikaw ang dahilan

Pipilitin ba ang puso kong hindi na masaktan?

Kung hindi ikaw ay hindi na lang

Pipilitin pang umasa para sating dalawa

Giniginaw at hindi makagalaw

Nahihirapan ang pusong pinipilit ay ikaw

Kung di rin tayo sa huli

Aawatin ang sarili na umibig pang muli

Kung di rin tayo sa huli

Aawatin ba ang puso kong ibigin ka?

Tuwing kumakanta sila ng kantang yan, kumikirot palagi ang puso ko. Ewan ko kung bakit, pero minsan hindi ko namalayan naluluha na pala ako. Pinapaalala niya ako ng bagay na hindi ko matandaan.

Kung hindi rin lang ikaw ang dahilan

Pipiliin bang umiwas nang hindi na masaktan?

Kung hindi ikaw ay sino pa ba?

Ang luluha sa umaga para sating dalawa

Bumibitaw dahil di makagalaw

Pinipigilan ba ang puso mong iba ang sinisigaw?

Kung di rin tayo sa huli

Aawatin ang sarili na umibig pang muli

Kung di rin tayo sa huli

Aawatin ba ang puso kong ibigin ka?

Naliligaw at malayo ang tanaw

Pinipigilan na ang pusong pinipilit ay ikaw

Ang ganda nilang tingnan. Kahit na break-up song yun, sila naman ay hindi dinadama ang mesahe ng kanta pero kita sa mga mata nila ang pagnining-ning ng pag-iibigan nila.

Kung di rin tayo sa huli

Aawatin ang sarili na makita kang muli

Kung di rin tayo sa huli

Aawatin ba ang puso kong ibigin ka?

Kung di rin tayo sa huli

(Kaya bang umibig ng iba?)

Aawatin ba ang puso kong ibigin ka?

Kung di rin tayo sa huli

(Papayagan ba ng puso kong...)

Aawatin ba ang puso kong ibigin ka?

Kinakanta yun palagi ng lovebirds, ni Ethan tsaka ni Aliane. Kinuha ni Aliane ang parte ng babae at syempre kay Ethan yung lalake. Napapansin ko talagang may nakatingin sa'kin habang nagigitara ako eh. Hindi siya normal na tingin lang, yung may gusto siyang ipaabot sa'kin. Hindi ko alam kung ano yon. Kaya tumingin ako sa direksiyon ng mga titig niya pero nagulat ako na bigla na lang siya nawala. Guni-guni ko lang ba yun?

Natapos na ang limang kanta na itinugtog namin. Pumunta naman sa direksyon namin ang manager ng restobar at may iniabot sa'kin.

"Jenna, may nagpapabigay sa'yo." Abot niya sa'kin ang isang kumpol ng pulang rosas. Tinanggap ko na lang dahil wala naman akong magawa dahil manager ng bar mismo ang nagbibigay sa'kin, kaya hindi ko pwedeng mahindi-an. Mawawalan ako ng trabaho 'pag 'di ko yun tinanggap. Natatandaan kong binabanta niya ako.

Tinukso na naman ako ng mga ka-banda ko sa tuwing makakatanggap ako ng bulaklak. Palagi na lang may nagbibigay sa akin ng mga kumpol na mga bulaklak sa tuwing kakanta ako sa restobar. Kaya hindi na ako nagtanong kung kanino nanggaling ang mga bulaklak na natatanggap ko dahil hindi naman nila ako sasagutin. Palagi akong nakakatanggap ng pulang rosas pero sa tuwing makakatanggap ako ng pula na parang pink na carnation, iba ang nararamdaman ko.

Hindi naman siya naglagay ng kahit isang note lang na galing yun sa kanya. Nuong una akong nagtrabaho dito ay agad akong nakatanggap ng carnation kaya ang iniisip ko'y galing yun sa manager ng bar bilang pag-welcome sa'kin dito pero sa mga nagdaang taon, nalaman kong hindi pala galing sa kanya ang mga bulaklak na natatanggap ko.

Diretsong inamoy ko yung mga bulaklak at napansing parang may kakaibang amoy pero binalewala ko lang. Pagod na pagod ako ngayong araw. Alas diyes na ng gabi at hindi pa ako nakakain ng hapunan. 'Di ko alam kung saang kanto na kami nakaabot sa paghahanap ng apartment pero wala talaga eh. Sasabihin ko sana kay Aliane yung nangyari kanina pero pinagpasyahan kong wag na lang. Biglang sumakit yung mga mata ko na parang babagsak na sa tinding pagod. Grabe, naglilibot na ang mata ko at parang sumasakit na rin yung ulo ko.

Pumunta ako sa bar area at nakita kong may hawak si Hanz ng tubig, yung anak ng may ari ng bar na fourth year na college na sa ibang school, sa pagkakaalam ko. Hiningi ko sakanya yun at diretso yun ininom dahilan para mas lalong sumakit ang ulo ko.

"Aliane, mauuna na ako akong umuwi ahh. Nahihilo na kasi ako. May kausap ka pa kasi." Aawat pa sana si Aliane kasi may kausap siyang kaibigan niya noon na hindi niya nakita ng matagal.

"Jenna, okay ka lang? Hindi ka okay, tara uwi na tayo." Nag-aalalang tanong ni Aliane.

"Aliane, okay lang ako. Sige na, mag-usap na kayong dalawa. Sa bahay na lang ako maghihintay."

"Sure ka, Jen? Sabay na lang tayong umuwi. Nag-aalala na ako sa iyo ehh."

"Wag na promise, mauna na lang ako. Kaya ko naman eh. Sige, magkita na lang tayo mamaya ah." Nginitian ko siya at nagpaalam na sa mga kabanda namin para hindi na siya umawat tsaka nauna nang umalis sa restobar.

Dala-dala ko ang bouquet ng rosas palabas ng bar ng hindi ko nakaya ang sakit ng ulo ko dahilan para bumagsak ako sa sahig.

Nagising ako sa isang estrangherong lugar. Nasa malambot akong kama at napakalamig ng hangin na nanggaling sa aircon. 'Wala namang aircon sa kuwarto ni Aliane ah.' Tukoy ko sa sarili ko. Nasira kasi yung aircon si Aliane dahil sa kalumaan tapos wala pa silang time na gagawin yon. Napamulat ako ng may lalake sa gilid kong nakahiga at natutulog.

Nanlaki ang mata ko at tiningnan ang katawan ko kung may nangyari ba sa'min habang tulog ako pero nakita kong wala namang pinagbago. 'Teka, meron nga eh. Hinubaran niya ako?!' Gulat kong isip. Pero bakit may damit akong natatandaan kong hindi naman akin?

Tumagilid ako ng higa at nakita ang mukha niyang napakalambot tingnan. May balak ako sipain siya sa tiyan pero may parte saking tingnan na lang siya. Parang pamilyar sa akin 'tong taong 'to eh. Saan ko nga ba siya nakita? Nagsalita na lang ako ng 'Thank You' ng pabulong. Sandali bakit ako nagpasalamat? Ewan ko kung bakit ako nagthank you, sinasabi lang ng sarili ko eh.

Babangon na sana ako at aalis ng kama ng gumalaw siya at inilagay ang isang paa niya sa ibabaw ng paa ko tsaka yung kamay niya ay ipinatong sa bewang ko at hinapit ako papalapit. Napasinghot ako ng niyakap niya akong parang hotdog na unan.

Naistatwa ang katawan ko kasi yung ulo ko ay nasa bandang leeg niya kaya maaamoy ko yung panlalakeng pabango niya. Pamilyar yung amoy niya, nakakaadik. Yung feeling na ayaw mong bitawan yung amoy. Gagalaw na sana ako pero iminulat niya ang mata niya at nagsalita.

"Good morning, Sella." Bati niya. Sella? Diba siya yung babaeng nasa panaginip ko? Kumunot ang noo ko at napatingin sa kanya ng may pagtataka.

"Hal-la! S-sino k-a? S-sella? Sin-no siya?" Nauutal-utal kong tanong. Pamilyar ang mga titig niya sa'kin, hindi ko mabitawan.

Tinikom niya yung bibig ko. "Shh.. matulog ka muna alam kong masakit yung ulo mo." Tukoy niya. Hindi ako makapaniwala na katabi ko ang isang anghel na nahulog sa langit ngayon. Sobrang gwapo talaga niya, to the max! THANK YOU LORD! Thank you! Pero hindi to tama.

"Sorry talaga ah. Hindi kasi ako sanay na walang katabi matulog." Nakitingin lang ako sa kanya at hindi makapagsalita. May pumasok sa isip ko pero hindi ko alam kung ano.

"Aray!" Sumakit yung ulo ko dahilan para sumigaw ako sa sakit. 'Di ko na talaga kaya ang sakit. Nanlilibot na ang paningin ko. Hindi ko na talaga kaya, akmang babangon na ako ulit para umuwi na ng bumangon rin ang lalake at dali-daling pumunta sa banyo at binigyan ako ng gamot tsaka isang basong tubig. Wala na akong pake kung anong gamot yung ibinigay niya basta kumonti lang yung sakit.

"Oh, inumin mo yan para kumonti yung sakit ng ulo mo." Tinanggap ko yun at ininom diretso. Dahan-dahan kong ipinikit ang mga mata ko para maibsan yung pagikot ng paningin ko.

End of Chapter 2

Kita tayo sa next update! Pa vote naman po ng story pag nagustuhan niyo! Para naman po maganahan akong gumawa. Salamat!!

Kaugnay na kabanata

  • Forgotten Memories |VESAGLIMAN SERIES #1|   [03]: Evangeline

    Chapter 3Nakita ko na naman siya sa restobar. Palagi ko siyang binibigyan ng mga bulaklak pag pumupunta ako rito. Paborito niya kasi ang uri ng bulaklak na yun. Ang ganda pa rin ng boses niya. Kahit dalawang taon na akong nagpapabalik-balik dito sa tinatrabahuan niya, hindi pa rin ako nagsasawang pakinggan ang boses niya sa tuwing kumakanta siya.Heto ngayon, pinapakinggan ko siya habang kumakanta. Hindi ko mai-aalis ang tingin ko sa kanya. Nakasombrero ako para hindi niya ako makilala pero mas bilis pa sa kidlat na napansin niya akong nakatitig sa kanya. Ngayon lang ako naglakas-loob na tingnan siya ng malapitan. Noon kasi, nakaupo lang ako sa dulo at pinapakinggan ang maganda niyang boses.Nakatapos na sila ng limang kanta. Nakaupo ako walong metrong layo sa kinaroroonan niya. Sinenyasan ko ang babae at nakuha naman niya kung anong ibig sabihin non.Nakita kong humingi si Sella ng tubig kay Hanz, ang anak ng may ari ng bar. Nakalabas na

    Huling Na-update : 2020-08-11
  • Forgotten Memories |VESAGLIMAN SERIES #1|   [04]: Picture

    Chapter 4JENNA'S POVNagising ako sa tunog ng kotse. Iminulat ko ang mata ko at kinusot ito. Pinalibot ko ang mata ko sa kwartong tinutulugan ko. 'Kwarto na 'to ni Aliane ah. How did I got here? Is it just a dream?' Nagtataka ako kung bakit ako nakarating dito, sa pagkakatanda ko nahilo ako kahapon. Baka natagpuan ako ni Aliane sa parking lot kahapon. Bumangon ako at tiningnan ang orasan. 'Alas-nuwebe na pala.' tukoy ko sa sarili ko at pumasok na ng banyo."AAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHH!!!" Napasigaw ako sa gulat ng napansin ko ang damit ko na iba na ang sinusuot ko.'Teka. Panglalake 'to ah?' Agad kong tinakpan ang bibig ko, baka kasi marinig nila eh."AAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHH!!!!!!" Muli akong napasigaw sa pag-aalala. 'Ano ba'ng nangyari? Di kaya..' Tukoy ko sa sarili ko. Paulit-ulit kong sinasabi sa sariling kong 'hindi yon totoo' hanggang sa makaabot ako sa banyo."AAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!" Mabilis akong napahilamos at lumabas ng banyo. Baba

    Huling Na-update : 2020-08-11
  • Forgotten Memories |VESAGLIMAN SERIES #1|   [05]: Take Out

    Chapter 5Umaga na't nandito parin kami sa ospital nila mommy, binabantayan na gumising si Jenna mula nung hinimatay siya."Dad, bukas na lang kaya tayo tutuloy sa Tagaytay, hindi natin pwedeng iwan lang si Jenna dito. Magpahatid na lang tayo kay Rydyer bukas o mamayang gabi." Sabi ko."Sige, tawagan na lang muna natin siya." Lumabas si dad at naiwan akong nakaupo sa loob.'Jenna, alam mo bang gustong-gusto ko ng sabihin sa'yo ang lahat ng nangyari? Kaya lang hindi pa pwede eh. Hindi pa panahon para sabihin sa'yo ang katotohanan. Pero alam mo Jenna, mahal na mahal na mahal ka namin.'Napahikbi ako sa iniisip ko habang nakatingin sa tulog na mukha ni Jenna.*Nagising ako mula sa pagkatulog. Nakaidlip pala ako. Tumingin ako sa orasan at alas-kuwatro na ng hapon. Nagulat ako ng makita si Khairo na nakaupo sa kabilang gilid ni Jenna habang hinahawakan ang kamay niya. Nakatulog rin siya, gaya ko. Hindi ba siya natata

    Huling Na-update : 2020-08-11
  • Forgotten Memories |VESAGLIMAN SERIES #1|   [06]: Ospital

    Chapter 6JENNA'S POVIminulat ko ang aking mga mata at kinusot ito. Naglapat ang tingin ko sa kanang kamay kong may dextrose na nakasabit at inilibot ang aking tingin sa buong kuwarto.'Ospital?' Bumangon ako, kinuha ang dextrose na nasa kamay ko at pumunta sa banyo. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin, ang putla ko na pala. Para akong multo kaputi na parang wala na akong dugo. Lumabas ako mula sa loob nang makaramdam ng gutom. 'Ilang araw na kaya akong tulog?' Naghanap ako ng pagkain pero wala akong makita kaya hinanap ko na lang ang cellphone ko."Saan na ba yun?" Sabi ko habang patuloy pa rin sa paghahanap. Maya-maya lang nakaramdam akong gumalaw si Aliane sa sopa."Jenna? Anong ginagawa mo? Bakit ka bumangon? Masakit pa rin ba ang ulo mo?" Direderetso niyang tanong. Huminto ako sa paghahanap at hinarap siya."Ano bang nangyari? Bakit ako'y nasa ospital?" Tumayo siya at nilapitan ako. Pinaupo niya ako

    Huling Na-update : 2020-08-11
  • Forgotten Memories |VESAGLIMAN SERIES #1|   [07]: Hot Compress

    Chapter 7ALIANE'S POVNagdaan ang isang araw at nakalabas na si Jenna sa ospital at eto kami ngayon, nagiimpake ng mga gamit papuntang Tagaytay. Napagkasunduan namin ni Rydyer na siya ang magdri-drive samin. Nang maayos na ang lahat, lumarga na kami.Flashback"Last na lang to Rydyer ah. Pagkatapos natin sa Tagaytay, wala ka ng pagkakataong lumapit pa kay Jenna. Lubus-lubusin mo na't umalis ka na sa Pilipinas at umalis ka na rin sa buhay niya. Isipin mong paglayo mo sakanya, ay para na rin sa kaligtasan niya. Alam mo yon." Tama na to. Kailanganng awatin ko na to. Isang pagkakataon na lang at babalik na rin sa lahat ang dati na parang wala lang may nangyari."Pangako, panghuli na to. I'll travel back to France and never come back to the Philippines. Sasama ako sa pamilya ng kaibigan ko dun." Pagsisiguro niya."Good luck kay Jenna ah. Saka wag kang bumalak na ibalik ang alaala niya dahil malilintikan ka sa'king bata ka

    Huling Na-update : 2020-08-11
  • Forgotten Memories |VESAGLIMAN SERIES #1|   [08]: Ice Cream

    Chapter 8JENNA'S POVMasaya kaming kumakain sa harap ng lamesa. Heto ngayon, kaharap ko si Rydyer. Sabi ni Liane, kahit masakit raw yung tiyan ko, kumain dapat ako para may laman yung tiyan ko. Wala akong choice kaya kahit masakit pipilitin ko. Nagtitinginan kami kanina pa, siguro nga napansin na nilang lahat."Hep, hep, hep. Kanina pa kayo nagtitinginan ahh. Di ba nangangalay ang mga mata niyo?" Tukoy ni Jace, bestfriend ni Rydyer. Napansin na pala nila. Tinitignan ko kasi siya ng masakit, pero nagpatuloy na lany ako sa pagkain."Yaan mo na sila Jace. May nangyari kasi kanina." Sabi ni Althea."Jace? Bakit walang kuya?" Sulpot ni Aliane.Pareho kaming hindi umiimik. Tumingin kaming lahat kay Thea. Wala sila mommy, Athena at daddy, nandoon sila kabilang bahay matutulog. Sa bahay raw ni tita Ysah, asawa ng kapatid ng tatay ni Aliane.Bale, lima kaming nandito. "Ate Liane, hindi mo ba iimbitahin si kuya Ethan? Wal

    Huling Na-update : 2020-08-11
  • Forgotten Memories |VESAGLIMAN SERIES #1|   [09]: Tubig?

    Chapter 9ALIANE'S POVTumayo ako saka binuksan ang pinto. Nagulat ako n

    Huling Na-update : 2020-09-23
  • Forgotten Memories |VESAGLIMAN SERIES #1|   [10]: Kwintas

    Chapter 10JENNA'S POVAlas-nuwebe na ng nagising ako. Punyeta, hindi ta

    Huling Na-update : 2020-09-23

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status