Hindi akalain ni Hope na pwede ring magselos kapag nakita mong masaya ang kaibigan mo kapag may kasama itong ibang babae.
Kaya nga kaibigan eh. Dapat masaya ka kapag masaya siya, hindi ba?
"Oh, bakit ang haba ng nguso mo?" Puna ni Myca na humarang sa view nina Rain at Cindy sa 'di kalayuan.
"Huh?"
"'Wag ka kasing titingin. Saka hello, at least si Cindy, hayagang inaamin na gusto niya si Rain. Hindi katulad ng mga iba r'yan."
"Anong sinasabi mo?" Maang-maangan niya.
"Gusto mo si Rain pero ayaw mong aminin," diretsong tugon naman ni Myca.
Hindi siya sumagot. Pero oo na. Gusto niya si Rain. Pero magkaibigan lang sila. Hindi kasi siya gusto ng binata. Paano niya alam? Kasi kahit minsan, hindi ito nakipag-flirt sa kanya gaya ng ginagawa nito kay Cindy.
After that Michael and Kim incident, mas lalo silang naging close ni Rain. Hindi niya alam pero naging protective ito masyado sa kanya. Parang naging older brother niya. Minsan pa nga parang tatay.
Pero ni minsan hindi ito naging parang isang lalaki na p'wede siyang magustuhan. Pero kay Cindy, sweet ito. Sinong hindi makakaramdam ng selos?
"He's not interested in me. Besides, hindi taga rito si Rain. Malay ba natin kung masamang tao siya na nagpapanggap lang na mabait?"
Three months since he first came in San Gabriel, Rain remained discreet about his past. Hindi ito nagkukuwento tungkol sa buhay nito bago ito napunta roon.
"That's exactly what a bitter person would say. Hoy Hope, inaano ka ba no'ng tao? Ang bait bait nga sa 'yo ni Rain at kung meron man sa atin dito ang makakapagsabi ng kabutihan niya, ikaw iyon!"
"Oo na," humalukipkip siya at muling binalingan ang naghaharutang sina Rain at Cindy.
"Ay!" Biglang tinakpan ni Myca ang mga mata niya nang halikan ni Rain sa pisngi si Cindy.
Akala naman nito 'di niya nakita. Hope pulled her gaze away at naglakad palayo.
Strange. Ang sakit.
*****
"INIIWASAN mo ba ako?" Pinigilan siya ni Rain sa braso nang magkasalubong sila isang beses.
"Hindi ah," kaila niya, nitong mga nakalipas na araw, sinusubukan niyang iwasan ang binata.
"You're avoiding me, Hope. May problema ba tayo?" Inilapit nito ang mukha sa kanya.
"Amoy yosi ka," she said to desperately move her face away from him.
"I quit smoking that day we met at the bus stop." He held her chin up using his thumb and index finger, locking their gaze in the process.
Hope suddenly felt crowded at his proximity. Umatras siya and he advanced until she felt her back pressing against the wall.
"You didn't," sabi niya kahit totoo naman na 'yong unang pagkikita lang nila ang una at huling beses na nakita niya itong naninigarilyo.
"I did."
He smiled. 'Yong paraan na nakakatunaw ng resolve. Pero tinigasan niya ang mukha at nakipaglaban ng titigan kay Rain. She wouldn't back down kahit malapit na siyang malunod sa lalim ng tingin ng malakaragatan sa pagka-asul na mga mata nito.
He smiled again. This time, mas smirk iyon. Medyo may kahalong kayabangan as he slowly pulled away.
"Don't try to avoid me again."
"Hindi nga kita iniiwasan." Nakahinga na siya nang maluwag although she hadn't realized that she have been holding her breath.
"Gusto mong isa-isahin ko kung paano ko nasabing iniiwasan mo ako?" Hamon nitong nagcross arms sa harapan niya.
"Whatever." She rolled her eyes at nagcross arms din. "I was just giving you space."
"Space?" Kunot noo nitong tanong.
"Oo, space!"
"Did I ask you for such?"
"No. I'm just sensitive enough to know when to give you time to be with your girlfriend!"
"Girlfriend?" Mas lumalim ang pagkakakunot nito ng noo.
Narealize naman niyang inunahan na naman ng bibig niya ang utak niya kaya akma na sana siyang tatakas nang bigla na naman nito siyang hilahin sa braso, causing her to fall back in his arms.
"Girlfriend?" Ulit nitong nakangisi na habang nakayuko sa kanya while she just stared back at him with wide eyes.
"Cindy," she pulled her lips into thin line as she struggled to regain her balance.
"Cindy," parang engot na inuulit-ulit nito ang mga sinasabi niya.
"Yeah," annoyed na nakatayo rin siya sa wakas.
Tumango-tango naman muna si Rain bago mabagal na ngumiti.
"What?" Siya naman ang napakunot-noo.
"Are you jealous?" Amused na tanong nito.
"Ha-ha so funny!" Inirapan niya ito. "In your dreams!"
"Hope Ferreira, may gusto ka ba sa akin?"
"Nagpapatawa ka," sinabayan niya iyon ng pilit na tawa.
"Come on, p'wede naman tayong gumawa ng arrangement kung talagang in love ka na sa akin," patuloy nitong tuwang-tuwa sa reaksyon niya.
"Ang yabang mo," angil niya. "Hindi ako pumapatol sa lalaking may girlfriend!"
"Wala akong girlfriend."
"Meron. Si Cindy."
"You're funny when you're jealous," tumatawang inakbayan siya ni Rain sabay pisil sa tungki ng ilong niya.
"I'm not jealous!"
"To clear things out-" tumigil ito sa pagtawa. "Cindy is not my girlfriend. I'm single and I have no plans of having a girlfriend anytime soon."
Hindi alam ni Hope kung matutuwa o masasaktan sa sinabi ni Rain. He wasn't in a relationship with Cindy, alright. But he has no plans of having a girlfriend either. So that will leave her to have an unrequited love for him. Which is not good.
"Halika na, lilibre kita. Itigil mo na yang pag-iwas iwas mo. Hindi mo bagay."
"Leave alone!"
"Halika na!" Hinila na siya nito at wala na siyang nagawa kundi magpahila.
SINCE wala namang planong magkagirlfriend si Rain, napagkasunduan nila ni Myca na maghahanap siya ng ibang mapagbabalingan ng atesyon habang maaga pa at hindi pa full bloom ang pag-ibig na nararamdaman niya para sa binata.
According to Myca, mainam daw na may options siya para hindi siya masaktan nang husto kung 'di nga siya magugustuhan ni Rain.
Funny thing was, hindi naman siya umamin sa kaibigan na gusto niya si Rain. At kaya siya pumayag na sumama kay Myca sa family reunion ng mga ito ay para pagtakpan din ang hinala nito sa tunay niyang nararamdaman sa binata. Besides, Michael and Kim couldn't make it to the party dahil nasa ibang bansa ang dalawa.
"I didn't know that Yael's gonna bring a date," ani Myca patungkol sa pinsan nitong pinaplano nitong ipakilala sa kanya.
"Pabayaan mo na," natatawa niyang saad sa failed attempt ng kaibigan.
"Kaasar lang. Why do men in my family opt to go with sexy bitches?"
"Alam mo, late na. I should go," sa halip ay sagot niya.
"Wait, teka. Ihahatid na kita."
"No need. Maliit lang ang San Gabriel. Wag kang OA."
"Hope, I invited you here. Hindi kita p'wedeng pauwiin mag-isa."
"OA much, best friend. Teka, papaalam lang ako kina tito at tita. Don't worry, I'll find my way out."
"Hope!" Protesta nito pero wala ring nagawa.
Safe sa San Gabriel kahit maglakad ka mag-isa sa gitna ng kalaliman ng gabi. Sa multo ka lang siguro matatakot kung matatakutin ka. Pero so far, wala namang kwento ng ghost sightings sa bayan nila.
It was easy to walk. Ang problema, naka-dress kasi siya at naka-high heels. So baka bago siya umabot sa sakayan, nakapaa na siya.
She was walking slowly when tiny raindrops started falling from the cloudy sky. Napayakap siya sa sarili habang lihim na nagsisisi kung bakit tinanggihan niya ang alok na paghatid sa kanya ni Myca. Pero since done na ang bagay na iyon, she had to move on with high hopes na sana hindi pa lumakas ang ulan.
Pero unti-unti nang lumalaki ang patak ng ulan at nababasa na rin siya when out of the blue, a guy in his bicycle stopped in front of her.
"Rain!" She exclaimed nang makilala ang binata.
"Bakit ka umuuwi mag-isa? 'Asaan ang date mo?" Nakasimangot na bumaba ito at ibinigay sa kanya ang suot nitong raincoat.
"Anong date? Wala ah... " sagot niyang hindi inabot ang raincoat.
"Take this. Basa ka na."
"Exactly. Basa na nga ako. Aanhin ko pa 'yan? Wear it instead."
"Basa na rin ako." Lumakas na kasi ang ulan so pareho na talaga silang basa.
"Then I don't think we need this," kinuha niya iyon at itinapon.
"Hope!" Pigil ang galit na sambit nito. "What's wrong with you?"
"Eh ikaw? What's wrong with you? Why are you here? Sinusundo mo ba ako?"
"Of course not. I just happened to see you walking alone." Umiwas ito ng tingin to look at nothing in particular behind her.
"Really, huh?" Kabisado na niya si Rain, kapag hindi ito makatingin, nagsisinungaling ito. That fact made her smile.
"Bakit ka nakangiti? Halika na. Sakay ka na." Sumakay ito sa bisekleta at inalok siyang sumabay.
"How exactly?" Tikwas ang kilay na tanong niya, wala namang sakayan sa likod ang bisekleta nito.
"Here in front." Parang gusto pa siya nitong batukan.
"No way." Nag-umpisa na siyang maglakad ulit.
Hindi siya sasakay sa harapan ng bike nito where she would be too close to him.
"Why are you being so difficult?" Inis nitong tanong. "Would you rather wish na sana kotse ang dala ko at hindi bisekleta? Well, I'm sorry, I don't have a car! But I came here to fetch you with honest intention to bring you home safely!"
"Sinundo mo ako?" Andami nitong sinabi pero 'yon lang ang naiwan sa utak niya and now she's smiling wide at him. She was touched. Sinasabi na nga ba niya't pumunta talaga ito roon dahil imposible namang naisipan lang nitong magbike sa kalaliman ng gabi at doon pa malapit kina Myca.
"Yes!" Hindi na nito ikinaila iyon. "I just wanted to make sure na hindi ka pagsasamantalahan ng ka-date mo."
"Wala nga akong date... Teka, Rain, may gusto ka ba sa akin?" Tukso niyang ginaya ang dialogue nito sa kanya noong nakaraan. "Are you jealous?"
"No!" Matigas nitong sabi and she almost felt the truth slapping her face.
"Okay. Mabuti na 'yong maliwanag." She shrugged para itago ang sakit na naramdaman. Why couldn't Rain like her? "Umayos ka r'yan, sasakay na ako."
"Very good kid," he remarked.
Gusto niyang umiyak sa sweetness ng itsura nila. The two of them, on a bike, in the middle of the night, under the pouring rain.
Unconsciously, isinandal niya ang ulo sa dibdib ni Rain. If only he could like her back then she would be the happiest.
LOVE-Hate-Love-Hate-Hate
Hope was already having a hard time dealing with her feelings for Rain. Paano naman kasi, pagkatapos siya nitong sunduin mula sa party, hindi na siya nito gaanong pinagkakakausap.
Nabawasan ang kakulitan nito. In fact kahit wala silang masyadong guest, lagi pa rin itong busy. And it was hurting Hope dahil 'di naman siya manhid para hindi marealize na iniiwasan siya nito.
Noong una hindi ito umaamin at inaakusahan pa siyang naghahallucinate. Until one day na napagod na yata ito sa kakulitan niya and he just blurted out his true feelings.
"I just don't want your friendship anymore, okay? I'm tired! I'm confused! I don't like it when you care too much! I don't like it that you're getting too attached to me! I just don't want to do anything with you, Hope... So back off and stay away!"
Dinaig pa niya ang hiniwalayan ng boyfriend. In fact parang mas masakit pa iyon sa break up nila ni Michael noon.
Hope was too shocked for words that she wasn't able to say anything hanggang sa makaalis ang binata.
May nagawa ba siyang mali? Bakit bigla itong nagalit sa kanya? What had she done that offended Rain?
"Rain, wait!" Humabol siya at humarang sa daraanan nito. "Why are you doing this? We're friends!"
"Didn't you hear what I said?"
"I don't understand--- why are you being like this? Rain, if there's a problem, let's talk. I'm your friend. I'm here to help you. You know that, right?" Tinangka niya itong hawakan sa braso pero lumayo ito.
"Which part is not clear to you?" Puno ng pang-uyam na tanong ni Rain. "Because as far as I know, what I said was so simple. Hope, our friendship is over."
FO? For real? Hindi niya napigilan ang pagpatak ng luha niya sa harapan mismo ni Rain. Nakita niyang natigilan ito pero saglit lang. Because in the end, he decided to walk passed her.
Staying away from Rain was tough. Nasanay na kasi si Hope na lagi itong nasa tabi niya at nakaalalay. Kung bakit naman kasi bigla itong nagbago. "Sandamukal na naman ang mukha mo. Hope, may mga guests tayo. Hindi maganda ang ganyang mukha. Malas sa negosyo." Myca told her, ito talagang kaibigan niya, hindi man lang siya mapabayaan sa trip niya. "I missed him," amin niya. "Ano ba kasi talagang nangyari sa inyo?" "Hindi ko rin alam. He just asked me to stay away." "Hindi kaya may problema siya?" "I really have no idea." "Sige, don't worry. I'll find a way para makausap siya." Nginitian siya ni Myca. "Now fix that face. Ang pangit tingnan!" She laughed. Myca knows how to make her feel better. ***** "Hi! Hope, right?" Bati sa kanya ng guest nilang taga Maynila. "Yes sir, what can I do for you?" She
Present..."HOPE," sinalubong siya ni Myca sa entrada ng resort."Bakit?""Let's talk first." Hinila siya nito sa guardhouse at pinaalis muna ang gwardya."About what?" Sigurado siyang tuyo na ang luha niya at hindi na siya mukhang nag-emote. So ano ang pag-uusapan nila ng kaibigan?"Kaden Aragon just arrived.""Zoey's fiance? Great!""Hope... Kaden- " parang nahihirapan itong ituloy ang sasabihin. "Kaden looks like Rain... A lot.""So I wasn't dreaming..." Mahina niyang saad, she did see Rain. But just someone who looked so much like him. He was Kaden Aragon."What do you mean?""I saw him. At the bus stop." She forced a smile. "I thought he was Rain... So this, thanks for warning me. At least I know what to expect...""Oh Hope!" Niyakap siya ni Myca. "If you think you can't handle this, just tell me.""Ano ka ba? Ngayon pa ba? Ang bigat ng bag ko oh!" Pinasigla niya ang boses
"Good morning!"Literal na napatalon sa gulat si Hope nang biglang nagsalita sa likuran niya si Kaden. Nanghihiwa siya noon ng sibuyas at dala ng pagkagulat ay aksidente na nahiwa niya ang daliri niya."Kaden!" Malalaki ang mga matang nilingon niya ang binata habang inilalayo sa ginagawa ang duguang daliri."Oops, I'm sorry!" Guilt flooded his handsome face as he approached her at walang pagdadalawang isip na dinaluhan ang sugat niya. "Hindi ko alam na magugulatin ka pala," dinala siya nito sa lababo para hugasan sa running water ang daliri niya."I can manage-" protesta niyang binabawi ang kamay sa mahigpit nitong pagkakahawak."Chef Hope, I really am sorry. Please let me do this for you..." sabi nito habang tinitingnan ang lalim ng sugat niya. Nahiwa niya talaga iyon ng halos one inch. Hindi siya magugulatin pero kapag ganoong lumilipad ang isipan niya, disgrasya talaga inaabot niya kapag nagugulat. "Where's the first aid kit?" Tanong nito sa sak
"We're going to the beach again, Chef," ani Zoey na sinabayan siya sa pasilyo ng resort. Naka-swimsuit na ito sa ilalim ng see through na sarong. "Alam mo, I really love it here... Ibang-iba sa kabusyhan ng lungsod. Nakakarelax. Seems like everyone's taking their time. Hindi nagmamadali.""Kaya nga ayaw kong umalis dito," nakangiti niyang turan sa napakagandang panauhin."Nakakainggit ka, Chef. Narito ang buhay mo sa San Gabriel." Sinipat nito ang suot na relo. "What's taking Kaden so long?"Tumingin siya sa direksyong pinagmulan nila."Here he comes," she told Zoey as she caught a sight of Kaden walking towards them.Naka-tshirt na puti ito at board shorts. The doctor was looking great as always. Mabilis siyang nag-iwas ng tingin nang magtama ang paningin nila."Kaden and I grew up together. But I still couldn't help falling for him everyday..." Kumapit sa braso niya si Zoey while looking at her fiance dreamily."He loo
Kaden stared blankly at the little blue flowers of the plant that was sitting on the ledge outside the window of his clinic.Forget-me-nots. Then a packet of seeds, it was the keepsake he got from Myca's.He wondered what Zoey got. Pareho pa kasing mga buto ang nakuha nila na nakalagay sa loob ng souvenir ng resort. Nito lang din niya nalaman ang pangalan ng halaman noong magsimula itong mamulaklak.And since knowing it's Forget-Me-Nots, he couldn't help but look for its meaning, -associated in the language of flowers with true love - the love that never dies. It also relates to good memories, memories you wouldn't want to forget.Still another meaning was, when one was given such plant, it's wanting to tell you that you have forgotten someone close to your heart.And that's what he had been pondering over in the past days since the plant starting having those lovely blue flowers.Several months after meeting Hope, he still kept her ring. Gi
"Don't come home.""Bakit?""Basta."Hello? As if naman kapag sinabi ng ate niya na 'wag siyang uuwi ay susunod siya. It was the first time na sa halip na pauwiin na siya nito ay don't come home ang sinasabi ni Charity.Curious tuloy siya. May bisita ba ang ate niya na hindi niya pwedeng makita? Manliligaw kaya?Napangiti siya sa sarili. She'd been pushing her sister to have a love life. At forty-four, dalaga pa rin si Charity. Maganda naman ito, bukod sa mabait at maalaga. Pero hindi niya maintindihan kung bakit ayaw nitong magpaligaw sa mga nagtangka noong bata-bata pa ito. Some of those ay siya pa nga mismo ang nag-udyok. Ngunit sadyang matigas sa desisyon nitong 'wag ng mag-asawa ang kapatid niya.Katwiran nito, masaya na ito na napalaki siya nito nang maayos. Hindi na raw nito kailangan ng pamilya dahil 'andiyan naman siya."Tell me.""Sasabihin ko sa'yo kung pwede ka ng umuwi." Charity texted back instead.Tapos na
Several hours road trip by bus. Ipinaliwanag ni Kassey sa kanya na hindi ito marunong magmaneho. She was starting to learn how to drive then, pero naaksidente ang kuya nito while driving his own car and almost lost his life. Parang ito pa raw ang na-trauma sa nangyari at hindi na ito kailanman humawak pa ng manibela."At kung bakit naman ako lang ang sumundo sa 'yo, because it's a surprise." Dagdag ni Kassey.Tumango lang siya at tumingin sa labas ng bintana. Nasa Maynila na sila. She never wanted to leave San Gabriel. But just this one time, she had to.Paulit-ulit niyang nireremind ang sarili na gusto lang niyang makilala ang mga kamag-anak niya. Just know them and not make them a part of her. Kasi kahit bali-baliktarin man ang mundo, the fact that they caused her mother so much pain was irreversible. And they did that just for the reason na hindi nila ito kauri sa buhay."We're heading to our grandparents' house. That's where I live," sabi ni Kassey. "
She met her father's wife. Sandra Fontanilla was surprisingly warm and happy to see her. Nilinaw nito na hindi iyon dahil sa makukuha na nito sa wakas ang iniwanang kabuhayan ni James. But it's meeting her husband's child. Pakiramdam daw nito nakita nito ang isang parte ng asawa nito kahit na hindi sila magkahawig ng kanyang ama."I can live without my husband's money, Isabella." That's what she thought. Hindi naman papayag ang mga Fontanilla na ito ang pakasalan ng kanyang ama kung katulad ito ni Charity na mahirap lang. "But I won't lie to you and say na hindi ko iyon kailangan. I need the money to settle debts..." Hindi na nito pinalawig pa kung paano ito nagkautang. The money whom she didn't have access to was different from their conjugal properties as husband and wife."I don't want his money. You can have all of it, Tita Sandra."
"Hindi ba ako hinahanap sa bahay?" Naalala niyang itanong kay Kaden habang pabalik sila sa resort. Hope realized na wala nga palang nagtanong kung nasaan siya at wala ring nagtangkang hanapin siya. "Pinagtakpan ka ni Kassey." "Really? Anong sinabi niya?" He shrugged, huminto sa paglalakad at ipinatong ang mga kamay sa magkabila niyang balikat. "Hopie." "Hmn?" She locked gaze with Kaden. "Bakit kayo magkasama ni Michael? Hindi ba't may asawa na 'yon?" Nanlaki ang mga mata niya. "Y-you know Michael?" How? The only time Kaden met her ex was when he was Rain. At sigurado siyang wala pa siyang nakukuwento kay Kaden tungkol sa lalaki. Ngumiti si Kaden at pinagdikit ang mga noo nila. Ang isang kamay nito ay ipinagsalikop nito sa isa niyang kamay habang ang isa ay inilagay nito sa bewang niya matapos ilagay sa balikat nito ang isa pa niyang kamay. Before Hope realized it, Kaden started singing bago marah
"Hindi ka makatulog?" Myca asked, pinuntahan siya ng kaibigan niya sa inuukopa niyang silid sa resort."I missed him," pagtatapat niya. "Hindi ko alam kung tama ang desisyon ko. Ang importante lang naman ay masiguro ko na walang mananakit sa kanya, 'di ba? At walang magpapakamatay dahil mas pinili ko ang kaligayahan ko?""Sa totoo lang," ginagap ni Myca ang mga kamay niya. "Dapat kinausap mo si Kaden. He would know how to deal with Zoey better."Napayuko siya. Myca had a point. Pero mababago pa ba niya ang desisyon niya? Lalo na at wala namang effort on Kaden's end na pigilin siyang lumayo. In fact, pasimple niyang tinanong sa text si Kellen kung kumusta na ang kuya nito and she answered na busy ito sa last minute details sa kasal nito at ni Zoey."Tuloy na ang kasal nila," mahina niyang sabi."So susuko ka na?""I have to... Hindi ko siya pwedeng ipaglaban, Myca.""I still think you underestimated Kaden's love for you.""I don
"Hope!" Excited siyang kinawayan ni Myca pagkadating na pagkadating niya sa terminal ng bus. "Na-miss kita, best friend!" Agad siya nitong niyakap nang makalapit."Na-miss din kita!" Masaya silang nagyakapan.It had been a while. No, humigit kumulang isang buwan lang pala. Pero pakiramdam ni Hope andaming nangyari."So pa'no? Sa resort ka muna ha?""Ano pa nga ba?"Her mother wasn't home. Finally ay pumayag ito na mag-enjoy naman. Kaya ayon, naka-tour ito kasama ang mga bagong kaibigan nito. Naka-lock ang bahay nila kasi 'di naman planado ang uwi niya."Pakiramdam ko, antagal kitang hindi nakita." Sinipat siya ni Myca ng tingin bago sila sumakay sa kotse nito. "Iba ang epekto ng pagyaman sa'yo. Sa lahat yata ng ordinaryong babae na naging señorita, eh ikaw lang ata ang stressed more than ever ang hitsura.""Hindi ko ginusto maging Fontanilla," mabigat ang loob niyang sagot."Hmmn, meron ka bang hindi kinukwento sa akin,
"Sa sobrang antok ko kanina, nauntog ako sa hamba ng pinto," Kaden told Hope nang usisain niya ang sugat sa noo nito.Alam niyang nakuha nito iyon sa pagpukpok ni Agusto rito ng baril. But Kaden didn't tell her the truth kaya sumasakit ngayon ang puso niya."Bakit 'di ka nag-iingat?" Napahikbi siya."Hey, I'm okay. 'Di pa ako mamamatay." He kissed her eyes. "Don't cry, please?""Ayokong nasasaktan ka," it's hurting Hope that Kaden was trying to hide the truth from her."Ang sweet naman ng mahal ko." Ikinulong siya ng binata sa isang masuyong yakap. "'Wag ka nang mag-alala, okay? Walang masamang nangyari sa akin."She opened her mouth to say something pero itinikom lang niya ulit iyon nang walang mamutawing salita roon.Gusto niya sanang tanungin kung nakausap na nito si Zoey. But she couldn't bring herself to ask Kaden. Natatakot siyang aminin nito na may problema at naiipit ito."I love you, Kade," sa halip ay sabi niya.
Kaden's a Doctor. May mga pagkakataon talaga na kahit may usapan silang susunduin siya nito sa restaurant, hindi ito makakarating kasi may emergency sa ospital.Okay lang naman 'yon kay Hope. Tulad noong isang gabi, hindi siya nito nasundo kasi may biglaang surgery. Pero ngayong gabi, tumawag ito at sinabi na hindi uli ito makakarating."I need to see Zoey," he said."Sure, Kade. I'll just take a cab," was her answer.One week. Hindi madali ang relasyon nila ni Kaden. He's getting married in three weeks and yet hindi pa rin ito nakakatyempo na makausap si Zoey para hindi na ituloy ang kasal."Hopie." Kaden sighed. "I'm sorry.""Okay lang." She assured him.Hope was trying to be patient. Hindi lang mapagpasensya, sinusubukan niya ring maging understanding. Lagi niyang sinasabi sa sarili na ikakasal na talaga sila Kaden at Zoey bago pa naging sila ng binata."I'm trying. But it's harder than I thought," amin nito."I told
The feeling was freeing. Para siyang nakawala sa matagal na pagkakakulong. Not literally though. Because it was a lie that held her captive for some time. A lie that broke her heart in almost unrecoverable pieces."I'm not a Fontanilla. We are not related, Hope." Kaden continued, she had stopped and he stayed where he was standing, few feet away from her.Naramdaman ni Hope ang tila pagbuhol ng kanyang sikmura. Kung isang napakasakit na biro ng buhay sa kanya ang maging pinsan si Kaden, para namang isang malaking sorpresa na malamang hindi totoo iyon. Pero hindi nga ba? Paano nangyari iyon?"I am dad's son to his first wife." Sabi nito as if reading her mind. "Agatha Fontanilla is not my mother, Hope. We are not blood related. Not even a drop."She wanted to face him, run to him, hug him and kiss him. But she stayed rooted on her spot as if she couldn't move.Because despite that wonderful fact, one thing remains unchanged. At iyon malamang, hindi
Hindi malaman ni Hope kung maiinis siya o magpapasensya na lang na dinala ni Kassey si Jasper sa dinner. Worst, she told everyone she was dating the guy. Natural, kahit nangingibabaw ang respeto sa hapagkainan, hindi nakaligtas kay Hope ang pagkagulat ng mga matatanda. Nobody dared to question her 'decision' and Hope hated it that they opted to judge her secretly."I thought you have a boyfriend, Hope," parang hindi naman nakatiis sa pananahimik na sabi ni Brianna."Ate Hope," Gina corrected her, Brianna just rolled her eyes at her stepmother."We broke up," tugon naman niya."Like when? Yesterday? And you're already dating???" Hirit pa ng pinsan niyang nakikipag-agawan ng pwesto kanina kay Zoey sa tabi ni Kaden.Right, Zoey was at the dinner. Beside Kaden, like a real wife and already a part of the family. Hope was already struggling the whole time na 'wag tumingin sa pares. Because it's hurting her deeply."I'm sorry--- We're not yet datin
"Don't waste your tears on him," dinala siya ni Kaden sa isang park tapos binilhan siya ng ice cream na wari ba'y isa siyang bata na pinapatahan nito.Natawa na siya kanina. She found it sweet and amusing to be treated by Kaden that way. Ang sarap nitong maging pinsan. Kung sana wala silang nakaraan, buong puso niyang tatanggapin ang masakit na katotohanan na iyon.Ngayon, maluha-luha na naman siya. Having Kaden as her cousin is the cruelest joke of her life. Paano ba i-undo ang pagiging magkamag-anak nila? Is there such a thing as unkinship?"Stop crying," he cupped her face as his thumb brushed away her tears. "Hopie, Kevin Tiu does not deserve you crying because of him."She smiled bitterly and looked at him eye to eye."Can I be honest with you?" She needed to ask Kaden ang kanina pa gumugulo sa kanya. Napagdesisyunan na niya na hindi niya kayang lagi itong nasa tabi niya. Sooner or later, his kindness and concern would drive her crazy to no ch
'Don't cry... I'll come back and marry you, Hopie. Please wait for me' he kissed Hope's hair while she was hugging him like she didn't want to let him go.'Babalik ka ba kaagad?' Tiningala siya nito, hilam sa luha ang mga mata.'Oo naman,' he dried her tears tapos iniangat niya sa labi niya ang kamay nitong may singsing at dinampian iyon ng halik. 'I'm going to make you my wife, remember?' He smiled down at her.'Hihintayin kita ' She tiptoed para halikan siya sa labi. He chuckled because his girlfriend was a short woman and that an attempt to kiss him without him bending down would be impossible.'I'll come back at once.' Yumuko siya para salubungin ang labi nito.'Andyan na ang bus.' Kumalas ito sa kanya pero ang higpit naman ng hawak nito sa kamay niya.'I have to go now.''Babalik ka, 'di ba?''Pangako... Wait for me, Hopie. May kailangan lang akong