"IKAW na naman!" Sira agad ang araw ni Hope nang madatnan niya si Rain sa Myca's two days after ng infuriating encounters nila.
"Uy, ikaw ulit, Ms Sungit?" Cool lang na saad nito. "Grabe ha, hanggang dito ba naman nakasunod ka? Malapit na akong matakot sa'yo. Stalker ba kita?"
"Excuse lang ho 'no, dito ako nagtatrabaho... Ibig sabihin, ikaw ang sumunod sa akin! Tabi riyan!"
"Oh? Eh, dito rin ako nagtatrabaho." Sinabayan nito ang pagmamartsa niya papasok sa loob.
"Talaga? Kailan pa?" Tinaasan niya ito ng kilay.
"Kahapon lang. Teka nga, 'di kita nakita dito kahapon."
"Absent ako. Paki mo ba?"
"Bakit ba ang suplada mo? Inaano ba kita?"
"'Wag mo kasi akong susundan. Naiinis ako sa'yo!" Angil niya nang humarang pa ito sa daraanan niya.
"Uy ha, may gusto ka ba sa akin?" Tumaas na naman ang sulok ng labi nito sa isang nakakainis na ngisi.
"Kapal naman," ngumiti siya rito, 'yong best smile niya. Para namang natigilan ito at napakurap. "Tabi at baka ikaw pa ang ma-inlove sa'kin!" She walked passed him.
"Bakit ka nagpapa-cute?" Sinundan pa rin siya ng binata.
"Natural ko 'yon."
Tumawa lang ito at nilubayan siya.
"Sira ulo," bulong niya.
They were like aso't pusa ng mga sumunod na linggo. Sa housekeeping din ito kaya ayaw man ni Hope, lagi silang nagkikita.
"Understaffed ba ang resort?" Hindi na napigilan ni Hope ang sarili na komprontahin si Myca.
"Bakit?" Wala pa nga siyang sinasabi ang laki na ng ngiti ng kaibigan niya.
"Because I don't think we need Rain here!" Galit na galit siya, hindi kasi siya tinigilang asarin ng asarin ni Rain kanina. Tinawag pa siya nitong matabang baboy gayong hindi naman siya mataba.
"Ito naman. Inirekomenda kasi ni Mang Paeng. Hindi ko matanggihan. Alam mo naman na asawa niya ang pinakamamahal kong Yaya," paliwanag nito.
"Eh bakit sa housekeeping pa? Andami na namin doon!"
"Cute kasi kayong magkasama," tukso nito.
Napatampal siya sa noo. Sinadya ba nitong pagsamahin sila ni Rain?
"That guy infuriates me!" Bulalas niya.
"Mabait naman 'yong tao, Hope. Besides, aminin mo, medyo gumaang ang trabaho mo lalo na sa laundry..."
"Excuse me? Hindi siya mabait. And I can do the laundry alone!"
"Hah... Ewan ko sa'yo. Ako ang boss. Ako ang masusunod," irap ni Myca.
"Why are you doing this to me?" Sa halip na umalis ay naupo siya sa harapan ni Myca.
"Hope Ferreira, kasal na ang kapatid ko. Hindi ka na no'n babalikan." Sa halip ay diretsang sabi nito at parang mapait na likidong gumuhit iyon sa kalamnan ni Hope.
"What are you talking about?" Maang-maangan niya pero tiningnan lang siya ni Myca nang nananantiya.
Michael- Myca's older brother was her former flame. Actually, childhood sweetheart. Pero dinurog lang nito ang puso niya noong ma-inlove ito sa naging kaklase nito sa Maynila noong nag-college ito sa lungsod. At ngayon nga, kasal na ang mga ito.
"It's not about Michael," sabi niya. "Hello, ilang taon na ba nakalipas? Five years? Move on na move on na ako sa kapatid mo. Otherwise, I'm not going to work here!"
"Oh siya, sabi mo, eh. But I am not pulling Rain out," pagtatapos nito ng usapan and she had no choice but to go out.
Naiinis siya na pinaalala ni Myca ang kuya nito. She was over him. Michael doesn't affect her anymore...
Pero twenty minutes later, natagpuan niya ang sariling umiiyak sa silong ng malaking puno ng mangga sa likurang bahagi ng Myca's.
Five years ago na 'yon at ngayon ay masayang-masaya na ang dati niyang kasintahan. But for some reason, siya hindi pa rin masaya. Myca always tells her na hindi deserve ni Michael ang mga luha niya. Yeah, mas kampi ito sa kanya kaysa sa kapatid nito. Her brother might have found his true love in another girl but it didn't change the fact that he broke her young heart.
"Oh," awtomatikong napa-angat ng paningin si Hope sa taong nag-aabot ng mangga sa kanya. Oo, mangga, hindi panyo na pamunas dapat ng luha niya. "Ikain mo na lang 'yan." Naupo sa tabi niya si Rain na para bang binigyan niya ito ng permisong pakialaman ang pag-eemote niya.
May dala itong ilan pang pirasong mangga, kutsilyo at asin.
Dahil abala pa sa pagpupunas ng luha, 'di niya nakuhang magsungit agad.
"Ang mga taong pinapaiyak ka lang, walang kwenta," sabi nito.
"Akala mo naman kilala mo," sagot niyang nakatitig sa manggang hawak.
"Halata naman sa'yo na walang kwentang tao ang iniiyakan mo, eh," medyo mayabang pa rin ang dating ni Rain pero in fairness kaunti lang. "May kahalong pagdadabog 'yang pag-iyak mo."
Napatingin siya rito. Kanina pa ba siya pinapanood ng taong 'to? Sa inis kasi niya kanina, nagpapapadyak siya. Gusto niyang sumigaw but she couldn't do that dahil may mga guests sila.
"Tama ka. Wala siyang kwenta." For the first time, nagkasundo sila.
Thinking about Michael now, she realized na hindi niya dapat ito iniiyakan. It wasn't love anymore, galit na lang ang dahilan ng pag-iyak niya. Hindi niya matanggap na after all ng lahat ng pagmamahal na kayang ibigay noon ng batang siya ay nagawa pa rin siya nitong ipagpalit.
"The more you will think that he's an *ssh*le, the lesser it will hurt," he said.
"Expert ka ba?" Tinaasan niya ito ng kilay.
"No. But I think it's effective," tugon nito habang busy na nagbabalat ng mangga.
Lihim niya itong pinagmasdan. Kung absent pala ang kayabangan nito ay mas lalong lumulutang ang kagwapuhan nito.
"Don't look at me like that, Hope. I know I am right."
"Tsk," aniya. "Kung maka-english naman 'to," she noticed that, hindi ito mukhang hampaslupa. In fact kung hindi niya alam na sa sahod lang nito sa Myca's ito umaasa, iisipin niyang rich kid ito. Gaya noong una niya itong nakita, akala niya ay isa itong turista. Turned out, kargador pala ito sa palengke.
"So, are you going to share your problem with me?"
"No," maagap niyang sagot with matching taas ng kilay. "Hindi tayo close."
"But it will make you feel better." Pinangunutan siya nito ng noo.
"Kahit pa."
"Okay." Kinuha nito ang binigay nitong mangga kanina at pinalitan iyon ng nabalatan na.
"Thanks."
That marked the start of their love-hate relationship as friends. Magkaibigan na sila pero mas madalas pa ring magkaaway.
*****
"KUYA is coming next week." Binisita siya ni Myca sa station niya."So?"
"Bakasyon sila ng asawa niya dito mismo sa resort."
"Okay." She shrugged.
"Are you okay with it? I mean, if not, you can take a leave."
"Alam niyang nagtatrabaho ako rito. Taking a leave would mean affected pa rin ako." Umiling siya.
"Sigurado ka, ha? Concern lang naman ako. Alam mo na, may pagkasira si kuya minsan. Idagdag pa yong asawa niya. Tsk..."
"You should learn to accept Kim. She's your sister-in-law."
"Know what? I'm actually happy that you didn't end up with Kuya. He deserved to be with Kim. Pareho silang masama ang ugali." Humalukipkip ito and Hope just laughed at her friend.
"That's so mature, Myca."
"Whatever... So, kumusta naman kayo ng bago mong best friend?"
"Who?" She frowned.
"Si Rain!"
"Kailan ko naman naging best friend 'yon? Best enemy, pwede pa!"
"Oo na... I-deny mo pa. Mahuhuli rin kita, Hope Ferreira."
She shrugged. As if.
*****
IT WAS five years ago when she last saw Michael. That time, Hope was like a super devastated young girl who couldn't accept that her boyfriend left her for another girl.
Five years later, here she was faking a smile on her face while standing in front of her ex and his wife.
"Dito ka pa rin pala nagtatrabaho?" Sabi nito na may pangmamaliit sa boses, she wanted to roll her eyes. Minamaliit nito ang negosyo ng pamilya nito na naging daan para maabot nito ang kinaroroonan nito ngayon? And it wasn't like he was super successful. Nagkataon lang na napakayaman ng pamilya ni Kim. "Hindi ka na nakaalis sa lugar na 'to."
"Yeah. Gusto ko ang buhay dito sa San Gabriel," sagot niya.
"Oo nga pala. Hope and her simple joys," ngumisi ito. "By the way, this is my very beautiful wife, Kim," hinalikan nito sa harapan niya ang asawa nitong kung makalingkis din dito ay dinaig pa ang possessive na sawa sa prey nito.
"We already met." She was disgusted. Hindi siya nag-effort magpaka-nice. Paano naman niyang 'di makikilala si Kim kung kasama pa nito ang babae noong nakipagbreak ito sa kanya?
"So, are you still single?" Tanong nito. "Hanggang ngayon ba, hindi ka pa rin nakakamove on?" Mayabang nitong dagdag. "Hope -" itinaas nito ang mga kamay nilang magkahawak, showing off their fancy wedding rings. "I'm already married."
Gusto niyang magreact ng bayolente. Like putulin ang kamay ng mga ito para mabawasan ang kayabangan nilang dalawa. Who did they think they are?
Pero bago siya makaapuhap ng sasabihin, an arm snaked around her waist and lips pressed against her cheek.
"Play along," she heard Rain whispered.
Kulang ang sabihing nagulat siya but she managed to stay natural at the gesture sa kabila ng kakaibang sensasyong dulot ng ginawa nito. Maybe he was offering the help she didn't know she needed until she saw Michael's eyes na halos lumuwa sa pagkagulat.
"I've been looking for you, sweetheart." Isa pang halik sa pisngi niya ang iginawad ni Rain sa kanya, making her ball her fists on her side. "'Andito ka lang pala. Who are these people?"
"Hey," pasimple niyang inalis ang kamay nito sa bewang niya habang lihim itong pinandidilatan. "Rain, this is Michael, Myca's brother. And his wife Kim," pakilala niya. "Guys, this is Rain."
"Hope's boyfriend," Rain added to her introduction.
Gusto niyang sawayin si Rain sa kasinungalingang sinabi nito but seeing Michael and Kim's surprised faces was priceless. Worth it magsinungaling kung ang ibig sabihin noon ay ang pagka-deflate ng self confidence ng mag-asawa sa harapan nila.
"Really?" Nakabawi na si Michael. "Good. Good." Tumango-tango ito tapos inakay na nito ang asawa palayo sa kanya.
*****
"ARAY! Bakit ka nanununtok?" Reklamo ni Rain nang bigla niya itong suntukin sa mukha nang makaalis sina Michael at Kim.
"That's for stealing me a kiss!"
"What?!" Hindi makapaniwalang tanong nito. "I helped you! Is that how you say thank you?"
"I didn't ask for your help!"
"Wow ha? So, okay lang sa 'yo na pinagmumukha kang gag* ng dalawang 'yon?"
"Hindi ako naaapektuhan ng mga sinasabi nila."
"Liar."
"I'm not."
"Kaya pala kawawa ang itsura mo kanina."
Natameme siya sa sinabi ni Rain. Totoo ba? Kahit ba feeling niya 'di naman siya affected, her actions said otherwise?
"The least you could do is thank me, Hope. You shouldn't let other people see you as someone so worthless. You're more than meets the eye, Hope. You're special. Remember that and do not forget," he said before walking out.
Naiwan siyang nakatulala sa papalayong binata.
Hindi akalain ni Hope na pwede ring magselos kapag nakita mong masaya ang kaibigan mo kapag may kasama itong ibang babae.Kaya nga kaibigan eh. Dapat masaya ka kapag masaya siya, hindi ba?"Oh, bakit ang haba ng nguso mo?" Puna ni Myca na humarang sa view nina Rain at Cindy sa 'di kalayuan."Huh?""'Wag ka kasing titingin. Saka hello, at least si Cindy, hayagang inaamin na gusto niya si Rain. Hindi katulad ng mga iba r'yan.""Anong sinasabi mo?" Maang-maangan niya."Gusto mo si Rain pero ayaw mong aminin," diretsong tugon naman ni Myca.Hindi siya sumagot. Pero oo na. Gusto niya si Rain. Pero magkaibigan lang sila. Hindi kasi siya gusto ng binata. Paano niya alam? Kasi kahit minsan, hindi ito nakipag-flirt sa kanya gaya ng ginagawa nito kay Cindy.After that Michael and Kim incident, mas lalo silang naging close ni Rain. Hindi niya alam pero nagin
Staying away from Rain was tough. Nasanay na kasi si Hope na lagi itong nasa tabi niya at nakaalalay. Kung bakit naman kasi bigla itong nagbago. "Sandamukal na naman ang mukha mo. Hope, may mga guests tayo. Hindi maganda ang ganyang mukha. Malas sa negosyo." Myca told her, ito talagang kaibigan niya, hindi man lang siya mapabayaan sa trip niya. "I missed him," amin niya. "Ano ba kasi talagang nangyari sa inyo?" "Hindi ko rin alam. He just asked me to stay away." "Hindi kaya may problema siya?" "I really have no idea." "Sige, don't worry. I'll find a way para makausap siya." Nginitian siya ni Myca. "Now fix that face. Ang pangit tingnan!" She laughed. Myca knows how to make her feel better. ***** "Hi! Hope, right?" Bati sa kanya ng guest nilang taga Maynila. "Yes sir, what can I do for you?" She
Present..."HOPE," sinalubong siya ni Myca sa entrada ng resort."Bakit?""Let's talk first." Hinila siya nito sa guardhouse at pinaalis muna ang gwardya."About what?" Sigurado siyang tuyo na ang luha niya at hindi na siya mukhang nag-emote. So ano ang pag-uusapan nila ng kaibigan?"Kaden Aragon just arrived.""Zoey's fiance? Great!""Hope... Kaden- " parang nahihirapan itong ituloy ang sasabihin. "Kaden looks like Rain... A lot.""So I wasn't dreaming..." Mahina niyang saad, she did see Rain. But just someone who looked so much like him. He was Kaden Aragon."What do you mean?""I saw him. At the bus stop." She forced a smile. "I thought he was Rain... So this, thanks for warning me. At least I know what to expect...""Oh Hope!" Niyakap siya ni Myca. "If you think you can't handle this, just tell me.""Ano ka ba? Ngayon pa ba? Ang bigat ng bag ko oh!" Pinasigla niya ang boses
"Good morning!"Literal na napatalon sa gulat si Hope nang biglang nagsalita sa likuran niya si Kaden. Nanghihiwa siya noon ng sibuyas at dala ng pagkagulat ay aksidente na nahiwa niya ang daliri niya."Kaden!" Malalaki ang mga matang nilingon niya ang binata habang inilalayo sa ginagawa ang duguang daliri."Oops, I'm sorry!" Guilt flooded his handsome face as he approached her at walang pagdadalawang isip na dinaluhan ang sugat niya. "Hindi ko alam na magugulatin ka pala," dinala siya nito sa lababo para hugasan sa running water ang daliri niya."I can manage-" protesta niyang binabawi ang kamay sa mahigpit nitong pagkakahawak."Chef Hope, I really am sorry. Please let me do this for you..." sabi nito habang tinitingnan ang lalim ng sugat niya. Nahiwa niya talaga iyon ng halos one inch. Hindi siya magugulatin pero kapag ganoong lumilipad ang isipan niya, disgrasya talaga inaabot niya kapag nagugulat. "Where's the first aid kit?" Tanong nito sa sak
"We're going to the beach again, Chef," ani Zoey na sinabayan siya sa pasilyo ng resort. Naka-swimsuit na ito sa ilalim ng see through na sarong. "Alam mo, I really love it here... Ibang-iba sa kabusyhan ng lungsod. Nakakarelax. Seems like everyone's taking their time. Hindi nagmamadali.""Kaya nga ayaw kong umalis dito," nakangiti niyang turan sa napakagandang panauhin."Nakakainggit ka, Chef. Narito ang buhay mo sa San Gabriel." Sinipat nito ang suot na relo. "What's taking Kaden so long?"Tumingin siya sa direksyong pinagmulan nila."Here he comes," she told Zoey as she caught a sight of Kaden walking towards them.Naka-tshirt na puti ito at board shorts. The doctor was looking great as always. Mabilis siyang nag-iwas ng tingin nang magtama ang paningin nila."Kaden and I grew up together. But I still couldn't help falling for him everyday..." Kumapit sa braso niya si Zoey while looking at her fiance dreamily."He loo
Kaden stared blankly at the little blue flowers of the plant that was sitting on the ledge outside the window of his clinic.Forget-me-nots. Then a packet of seeds, it was the keepsake he got from Myca's.He wondered what Zoey got. Pareho pa kasing mga buto ang nakuha nila na nakalagay sa loob ng souvenir ng resort. Nito lang din niya nalaman ang pangalan ng halaman noong magsimula itong mamulaklak.And since knowing it's Forget-Me-Nots, he couldn't help but look for its meaning, -associated in the language of flowers with true love - the love that never dies. It also relates to good memories, memories you wouldn't want to forget.Still another meaning was, when one was given such plant, it's wanting to tell you that you have forgotten someone close to your heart.And that's what he had been pondering over in the past days since the plant starting having those lovely blue flowers.Several months after meeting Hope, he still kept her ring. Gi
"Don't come home.""Bakit?""Basta."Hello? As if naman kapag sinabi ng ate niya na 'wag siyang uuwi ay susunod siya. It was the first time na sa halip na pauwiin na siya nito ay don't come home ang sinasabi ni Charity.Curious tuloy siya. May bisita ba ang ate niya na hindi niya pwedeng makita? Manliligaw kaya?Napangiti siya sa sarili. She'd been pushing her sister to have a love life. At forty-four, dalaga pa rin si Charity. Maganda naman ito, bukod sa mabait at maalaga. Pero hindi niya maintindihan kung bakit ayaw nitong magpaligaw sa mga nagtangka noong bata-bata pa ito. Some of those ay siya pa nga mismo ang nag-udyok. Ngunit sadyang matigas sa desisyon nitong 'wag ng mag-asawa ang kapatid niya.Katwiran nito, masaya na ito na napalaki siya nito nang maayos. Hindi na raw nito kailangan ng pamilya dahil 'andiyan naman siya."Tell me.""Sasabihin ko sa'yo kung pwede ka ng umuwi." Charity texted back instead.Tapos na
Several hours road trip by bus. Ipinaliwanag ni Kassey sa kanya na hindi ito marunong magmaneho. She was starting to learn how to drive then, pero naaksidente ang kuya nito while driving his own car and almost lost his life. Parang ito pa raw ang na-trauma sa nangyari at hindi na ito kailanman humawak pa ng manibela."At kung bakit naman ako lang ang sumundo sa 'yo, because it's a surprise." Dagdag ni Kassey.Tumango lang siya at tumingin sa labas ng bintana. Nasa Maynila na sila. She never wanted to leave San Gabriel. But just this one time, she had to.Paulit-ulit niyang nireremind ang sarili na gusto lang niyang makilala ang mga kamag-anak niya. Just know them and not make them a part of her. Kasi kahit bali-baliktarin man ang mundo, the fact that they caused her mother so much pain was irreversible. And they did that just for the reason na hindi nila ito kauri sa buhay."We're heading to our grandparents' house. That's where I live," sabi ni Kassey. "
"Hindi ba ako hinahanap sa bahay?" Naalala niyang itanong kay Kaden habang pabalik sila sa resort. Hope realized na wala nga palang nagtanong kung nasaan siya at wala ring nagtangkang hanapin siya. "Pinagtakpan ka ni Kassey." "Really? Anong sinabi niya?" He shrugged, huminto sa paglalakad at ipinatong ang mga kamay sa magkabila niyang balikat. "Hopie." "Hmn?" She locked gaze with Kaden. "Bakit kayo magkasama ni Michael? Hindi ba't may asawa na 'yon?" Nanlaki ang mga mata niya. "Y-you know Michael?" How? The only time Kaden met her ex was when he was Rain. At sigurado siyang wala pa siyang nakukuwento kay Kaden tungkol sa lalaki. Ngumiti si Kaden at pinagdikit ang mga noo nila. Ang isang kamay nito ay ipinagsalikop nito sa isa niyang kamay habang ang isa ay inilagay nito sa bewang niya matapos ilagay sa balikat nito ang isa pa niyang kamay. Before Hope realized it, Kaden started singing bago marah
"Hindi ka makatulog?" Myca asked, pinuntahan siya ng kaibigan niya sa inuukopa niyang silid sa resort."I missed him," pagtatapat niya. "Hindi ko alam kung tama ang desisyon ko. Ang importante lang naman ay masiguro ko na walang mananakit sa kanya, 'di ba? At walang magpapakamatay dahil mas pinili ko ang kaligayahan ko?""Sa totoo lang," ginagap ni Myca ang mga kamay niya. "Dapat kinausap mo si Kaden. He would know how to deal with Zoey better."Napayuko siya. Myca had a point. Pero mababago pa ba niya ang desisyon niya? Lalo na at wala namang effort on Kaden's end na pigilin siyang lumayo. In fact, pasimple niyang tinanong sa text si Kellen kung kumusta na ang kuya nito and she answered na busy ito sa last minute details sa kasal nito at ni Zoey."Tuloy na ang kasal nila," mahina niyang sabi."So susuko ka na?""I have to... Hindi ko siya pwedeng ipaglaban, Myca.""I still think you underestimated Kaden's love for you.""I don
"Hope!" Excited siyang kinawayan ni Myca pagkadating na pagkadating niya sa terminal ng bus. "Na-miss kita, best friend!" Agad siya nitong niyakap nang makalapit."Na-miss din kita!" Masaya silang nagyakapan.It had been a while. No, humigit kumulang isang buwan lang pala. Pero pakiramdam ni Hope andaming nangyari."So pa'no? Sa resort ka muna ha?""Ano pa nga ba?"Her mother wasn't home. Finally ay pumayag ito na mag-enjoy naman. Kaya ayon, naka-tour ito kasama ang mga bagong kaibigan nito. Naka-lock ang bahay nila kasi 'di naman planado ang uwi niya."Pakiramdam ko, antagal kitang hindi nakita." Sinipat siya ni Myca ng tingin bago sila sumakay sa kotse nito. "Iba ang epekto ng pagyaman sa'yo. Sa lahat yata ng ordinaryong babae na naging señorita, eh ikaw lang ata ang stressed more than ever ang hitsura.""Hindi ko ginusto maging Fontanilla," mabigat ang loob niyang sagot."Hmmn, meron ka bang hindi kinukwento sa akin,
"Sa sobrang antok ko kanina, nauntog ako sa hamba ng pinto," Kaden told Hope nang usisain niya ang sugat sa noo nito.Alam niyang nakuha nito iyon sa pagpukpok ni Agusto rito ng baril. But Kaden didn't tell her the truth kaya sumasakit ngayon ang puso niya."Bakit 'di ka nag-iingat?" Napahikbi siya."Hey, I'm okay. 'Di pa ako mamamatay." He kissed her eyes. "Don't cry, please?""Ayokong nasasaktan ka," it's hurting Hope that Kaden was trying to hide the truth from her."Ang sweet naman ng mahal ko." Ikinulong siya ng binata sa isang masuyong yakap. "'Wag ka nang mag-alala, okay? Walang masamang nangyari sa akin."She opened her mouth to say something pero itinikom lang niya ulit iyon nang walang mamutawing salita roon.Gusto niya sanang tanungin kung nakausap na nito si Zoey. But she couldn't bring herself to ask Kaden. Natatakot siyang aminin nito na may problema at naiipit ito."I love you, Kade," sa halip ay sabi niya.
Kaden's a Doctor. May mga pagkakataon talaga na kahit may usapan silang susunduin siya nito sa restaurant, hindi ito makakarating kasi may emergency sa ospital.Okay lang naman 'yon kay Hope. Tulad noong isang gabi, hindi siya nito nasundo kasi may biglaang surgery. Pero ngayong gabi, tumawag ito at sinabi na hindi uli ito makakarating."I need to see Zoey," he said."Sure, Kade. I'll just take a cab," was her answer.One week. Hindi madali ang relasyon nila ni Kaden. He's getting married in three weeks and yet hindi pa rin ito nakakatyempo na makausap si Zoey para hindi na ituloy ang kasal."Hopie." Kaden sighed. "I'm sorry.""Okay lang." She assured him.Hope was trying to be patient. Hindi lang mapagpasensya, sinusubukan niya ring maging understanding. Lagi niyang sinasabi sa sarili na ikakasal na talaga sila Kaden at Zoey bago pa naging sila ng binata."I'm trying. But it's harder than I thought," amin nito."I told
The feeling was freeing. Para siyang nakawala sa matagal na pagkakakulong. Not literally though. Because it was a lie that held her captive for some time. A lie that broke her heart in almost unrecoverable pieces."I'm not a Fontanilla. We are not related, Hope." Kaden continued, she had stopped and he stayed where he was standing, few feet away from her.Naramdaman ni Hope ang tila pagbuhol ng kanyang sikmura. Kung isang napakasakit na biro ng buhay sa kanya ang maging pinsan si Kaden, para namang isang malaking sorpresa na malamang hindi totoo iyon. Pero hindi nga ba? Paano nangyari iyon?"I am dad's son to his first wife." Sabi nito as if reading her mind. "Agatha Fontanilla is not my mother, Hope. We are not blood related. Not even a drop."She wanted to face him, run to him, hug him and kiss him. But she stayed rooted on her spot as if she couldn't move.Because despite that wonderful fact, one thing remains unchanged. At iyon malamang, hindi
Hindi malaman ni Hope kung maiinis siya o magpapasensya na lang na dinala ni Kassey si Jasper sa dinner. Worst, she told everyone she was dating the guy. Natural, kahit nangingibabaw ang respeto sa hapagkainan, hindi nakaligtas kay Hope ang pagkagulat ng mga matatanda. Nobody dared to question her 'decision' and Hope hated it that they opted to judge her secretly."I thought you have a boyfriend, Hope," parang hindi naman nakatiis sa pananahimik na sabi ni Brianna."Ate Hope," Gina corrected her, Brianna just rolled her eyes at her stepmother."We broke up," tugon naman niya."Like when? Yesterday? And you're already dating???" Hirit pa ng pinsan niyang nakikipag-agawan ng pwesto kanina kay Zoey sa tabi ni Kaden.Right, Zoey was at the dinner. Beside Kaden, like a real wife and already a part of the family. Hope was already struggling the whole time na 'wag tumingin sa pares. Because it's hurting her deeply."I'm sorry--- We're not yet datin
"Don't waste your tears on him," dinala siya ni Kaden sa isang park tapos binilhan siya ng ice cream na wari ba'y isa siyang bata na pinapatahan nito.Natawa na siya kanina. She found it sweet and amusing to be treated by Kaden that way. Ang sarap nitong maging pinsan. Kung sana wala silang nakaraan, buong puso niyang tatanggapin ang masakit na katotohanan na iyon.Ngayon, maluha-luha na naman siya. Having Kaden as her cousin is the cruelest joke of her life. Paano ba i-undo ang pagiging magkamag-anak nila? Is there such a thing as unkinship?"Stop crying," he cupped her face as his thumb brushed away her tears. "Hopie, Kevin Tiu does not deserve you crying because of him."She smiled bitterly and looked at him eye to eye."Can I be honest with you?" She needed to ask Kaden ang kanina pa gumugulo sa kanya. Napagdesisyunan na niya na hindi niya kayang lagi itong nasa tabi niya. Sooner or later, his kindness and concern would drive her crazy to no ch
'Don't cry... I'll come back and marry you, Hopie. Please wait for me' he kissed Hope's hair while she was hugging him like she didn't want to let him go.'Babalik ka ba kaagad?' Tiningala siya nito, hilam sa luha ang mga mata.'Oo naman,' he dried her tears tapos iniangat niya sa labi niya ang kamay nitong may singsing at dinampian iyon ng halik. 'I'm going to make you my wife, remember?' He smiled down at her.'Hihintayin kita ' She tiptoed para halikan siya sa labi. He chuckled because his girlfriend was a short woman and that an attempt to kiss him without him bending down would be impossible.'I'll come back at once.' Yumuko siya para salubungin ang labi nito.'Andyan na ang bus.' Kumalas ito sa kanya pero ang higpit naman ng hawak nito sa kamay niya.'I have to go now.''Babalik ka, 'di ba?''Pangako... Wait for me, Hopie. May kailangan lang akong