7 YEARS AGOON THE WAY SA UNIVERSITYANNE POV“HOY! Herodes kang dimonyo ka!, bumaba ka sa sasakyan mo! Naku talaga makikita mo ang hinahanap mo” hindi ko mapigilan ang sarili ko sa pagsigaw kasabay ng malakas na paghampas sa aking manibela dahilan para walang tigil na tumunog ang aking busina sa sasakyang nakagitgitan ko. Pero kahit anong lakas ng sigaw ko ay hindi niya ako sinasagot tila nabingi na ito sa lakas ng aking busina. “Nakakainis talaga Mary ! Parang minamalas ako ngayong araw…Nakakainit ng ulo! Gusto ko ng sakalin ang lalaking ito gamit ang sarili niyang kurbata! Napaka bastos at ang yabang!. Aba sinabihan niya akong tanga at parang bata kanina! Sabi pa niya paano daw ako naka pasa sa pagkuha ng drivers license ee hindi naman daw ako marunong mag-maneho? Hay ang sarap niyang murahin. Naghahabol pa naman ako ng oras. Paniguradong mala-late ako nito sa entrance exam! Girl ayokong magkahiwalay tayo ng Unversity na papasukan” hindi ko pa rin inaalis ang kamay ko sa manibela
PRESENT TIMEANNE MENDOZA:"This is bullshit!" napapamurang bulong ko sa aking sarili. Hindi ko hahayaang mahulog ako sa patibong ni Madam Jennie Alcantara Valderama, ang future monther-in-law ko. Hindi mawala sa isip ko ng marinig ko kanina ang pakikipag-usap nito sa isang lalaki sa plano nilang pagpapadala sa akin sa kama ng ibang lalaki, at lahat ng ito ay isasakatuparan nila sa sandaling umalis na si Vince para sa kaniyang urgent business trip. Hindi ko sila hahayaang magtagumpay sa gusto nilang mangyari."Aaa..." mahina kong angal sa iniinda kong pagsakit ng aking katawan. Pilit kong binabangon ang sarili ko mula sa pagkakahiga sa malambot na kamang iyon, ngunit bago pa ako tuluyang makabangon ay umalingangaw na ang sigaw ng isang galit na lalaki mula sa silid kung saan ako naruruon."Sinong nagsabi sayong pumasok ka sa kwarto ko?!"Nanlaki ang mga mata ko sa pagkabigla. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Pilit kong inaalala kung pano ako napunta sa lugar na iyon? At kung nasan nga b
THIRD PERSON POVPagkasabi ni Anne ay mabilis siyang tumayo , walang magawa si Hector kundi hayaan ito sa kaniyang desisyon. Hindi niya maaring pilitin ang dalaga. Nakatingin lang siya kay Anne habang pilit itong tumatayo ngunit kitang kita ang panginginig sa kaniyang mga binti, bago pa siya tuluyang bumagsak ay mabilis na pinaandar ni Hector ang kaniyang wheelchair papalapit sa kinatatayuan ni Anne. Kinapitan niya ang braso nito at magkasabay silang bumagsak sa sahig. Nalaglag si Anne sa dibdib ni Hector. Ang mabangong aroma ng katawan ni Anne ang nagpabalik sa ala-ala ng ngyaring iyon kagabi sa pagitan nila ni Hector. At ang laway ng pagnanasa ay gumuhit sa adams apple ni Hector. Sa sobrang kahihiyan ni Anne, gusto niyang bumitaw, ngunit nanghina ang kanyang mga binti at hindi siya makatayo. Muli na naman siyang bumagsak sa katawan ni Hector ng subukan niyang tumayo. Pagkatapos, narinig niya ang banayad ngunit seryosong tanong ni Hector sa ibabaw ng kanyang ulo,"nasaktan ba kita kag
Napaungol sa sakit si Hector at agad niyang inabot sa kaniyang ama ang tungkod nito. Napasimangot ako sa ginawang iyon ng matandang Valderama. Buong lakas itong sumigaw sa kaniyang anak."sabihin mo sakin ngayon. Ano ang gagawin mo para maayos ang kalokohang ginawa mo?""pakakasalan ko siya Papa, pananagutan ko kung ano man ang kasalanang ginawa ko sa kaniya."Ngumuso at halatang tutol si Don Antonio sa suhestyon ni Hector"pakakasalan mo si Anne? at pananagutan siya? sa itsura mong yan, hindi ikaw ang magdedesisyon tungkol diyan. Kailangan tanungin muna namin si Anne kung sang ayon siya sa gusto mong mangyari bago kami sumang ayon sa suhestyon mo!""Yaya, dalian mo at kunin mo ang latigo ko"Hindi naman ito kaagad sumunod sa pinag-uutos ni Don Antonio, nanatili itong nakatayo sa gilid ng matanda at nagmakaawa ito para kay Hector ."Don Antonio, baka po hindi pa kayanin ni Sir Hector? Hindi pa siya nakaka recover sa aksidenteng kinasangkutan niya, bakit hindi niya kayanin ang hagupit n
HECTOR VALDERAMANang tumalikod na si Papa ay inaya ko na si Anne na magtungo sa aming garahe. Habang naglalakad ay nakita ko sa kaniyang awra ang matinding pagkamuhi sa kahihiyang ginawa sa kaniya ni Jennie. Siguro nga ay hindi niya pa lubusang kilala ang sister-in-law kong iyon at kung gaano ito ka demonyo. Kung hindi pa niya naiintindihan ang lahat ng ngyari ngayong araw masasabi kong siya na ang pinaka tangang tao sa mundo. Lingid sa kaalaman niya na kahit na kailan ay hindi siya nagustuhan ni Jennie para sa anak nitong si Vince, palagi nitong minamaliit ang pamilya ni Anne kaya’t alam kong sa kahit na sa anong paraan ay gagawin niya para lang mawala sa landas niya si Anne. “Okay ka lang ba Anne?” tanong ko ng mahinahon sa kaniya Napabuntong hininga siya bago sumagot. “I’m sorry aaa… nadamay ka pa sa masamang planong ito ni Tita Jennie.. Ay Jennie na lang pala…” seryoso din ang kaniyang boses. “WalAnnen… matagal ko ng kilala si Jennie at lahat gagawin niya makuha lang ang gusto
HECTOR POVHindi ko iniisip ang kung anumang sinasabi ni Anne ngayon. Nagsisisi akong inalis ko kaagad ang aking daliri sa leeg ni Anne. “Tang ina ang sarap sa pakiramdam!” Bulong ko sa sarili ko. Ang lambot at ang kinis talaga ni Anne. Bahagya kong itinulak ang aking salamin , kailangan kong magtimpi. “Chill Hector. Alalahanin mo gentleman ka ngayon.” Pagpapaalala ko sa sarili.“Uhm.. ganito kasi yan Anne, siguro nung mga kapabataan ko , hindi talaga ako pasensyosong tao. Palagi akong napapa trouble pero hindi ko kailanman sinuway ang batas. Sakin dala lang yun ng mga trouble ng kabataan.”Nang mapatingin ako kay Renz pasimple ko siyang pinanlakihan ng mata. Pero makikita ang pag ngisi nito. Natatawa na lang din ako sa sarili ko. Bakit parang nababahag ang buntot ko pagdating kay Anne.To be honest, isa sa mga pang asar sakin ni Renz ay hindi daw ako nakikipag bubugan lang. Once na ako ang kinabangga , siguradong patay kagad. “Anne, yung mga negosyong pinapatakbo ko , yang mga ba
ANNE POVGulat na gulat ako sa bilis ng pangyayari. Sa isang iglap tila nagbago ang aking kapalaran . Kahapon lang ay nag-aalala ako kung saan ako titira pagkatapos ng lahat ng kaguluhang ito, wala na akong balak na bumalik pa sa unit ng mga magulang ko, pero ngayon?..., kapit ko sa kamay ko ang titulo ng unit at lupa na nakapangalan sa akin. Kaya naman nakahinga na ako ng maluwag. Hindi ko inaasahang ang tiyuhin pa ni Vince ang makakapagbigay sa akin ng ganitong klaseng pakiramdam na ligtas ako. Naiinis ako dahil dun , bilang pasasalamat ay malumanay kong sinabi “Huwag kang mag-alala Hector, aalagan kita ng maayos.”“Okay” gumuhit ang nakakabighaning ngiti sa labi ni Hector. Itinulak ko ang wheelchair ni Hector papasok sa loob ng munisipyo. At sa tulong ni Renz mabilis naming nakuha ang aming marriage certificate. Medyo nahihilo pa ako kaya hindi ko na pinansin ang kakaibang pag ngiti ng lalaking kumukuha ng picture namin ni Hector bilang katibayan sa aming kasal. Pagkakuha namin ng
HECTOR POVNang makita ko ang namumula at halos duguang pisngi ni Anne ay bahagya kong inangat ang aking salamin sa tungki ng aking ilong. Binigyan ko ng isang malamig at nakakatakot na tingin ang mga magulang niya. Saglit na natigilan si Anne sa kaniyang kinatatayuan. Nang makita ni Renz ang panlilisik ng aking mga mata ay agad niyang nilapitan si Anne para baguhin ang namumuong tensyon sa aking utak. “Miss Anne, nag-alala kasi si Boss dahil hindi ka nakabalik kagad, nag-alala siyang baka nahirapan kang buhatin ang mga gamit mo, kaya kami pumasok na para tulungan ka.”Namumula ang mga mata ni Anne at ang kaniyang pisngi ay tila namumula sa init at malamang ay nananakit ito dahil sa bahagyang pag ngiwi ng kaniyang mga labi. Marahil ay nahihiya siya kaya nanatili ang kaniyang ulo na nakayuko at hindi nangahas na tumitig sa aking mga mata, mabuti na din ito dahil hindi niya nakita ang nanlilisik kong mata. Dala lang niya ang kaniyang maliit na bag, at maliit na maleta, mabilis siyang
"hmp….Huwag mong sabihin..." Mabilis na tinakpan ni Anne ang kanyang bibig, "Paano mo nasabi lahat ng ito?""Misis ko ang pagkain at sex ay likas sa tao. Nag-aalala ako na kung hindi ko ipapakita ang tunay kong mga hangarin sa iyo, baka isipin ng misis ko na hindi ako sapat."Anne: ...Bigla akong nakaramdam na parang ako ang nagpapakawala ng bala sa aking sariling paa."Eh...ehh, wag ko na lang kayang isulat. Nakakahiya" Ang ulo ni Anne ay nakayuko ng mababa, nakasandal sa akin na parang isang munting quail.Talaga namang minahal ko siya sa ganitong paraan at hindi ko maiwasang biruin pa siya ng husto. "Ay hindi pwede. Paano kung tumanggi si Mrs. Valderama na magbayad? Kailangan ang utang ay binabayaran ng may interes. Tandaan mo negosyante ako"Sinasabi ko iyon habang kinakagat ang earlobe ni Anne "At may nakasulat na akong handwritten note para sayo hon... Hindi ba't dapat lang na ang Misis ko ay magsulat din para sa akin? O hindi ba ako mahal ng misis ko?"Pinagdikit ni Anne an
"Okay naiintindihan ko, pero hon, ano’ng naging resulta?""Ang resulta, kami ang tumira sa kanilang mga pangunahing kumpanya, at ng makuha na namin ito at hindi na nila kayang tumayo. Hinayaan na nila ang Tondo Pharmaceutical Industry at hindi na nangahas pang manghimasok. " hindi ko namamalayang lumakas pala ang tono ko at puno ng kapangyarihan at pagplano. Ang puso ni Anne ay kumabog na parang may tumama sa kanya.Hinawakan niya ang aking mukha at hinalikan ako ng direkta "hayst, ang galing talaga ng asawa ko! Gumastos ka ba ng malaking pera para durugin ang mga taong yun?""Oo." Tumango ako. "Malaki talaga ang unang puhunan. Nang mag-invest kami, unti-unting bumagsak ang mga stocks nila. Pero nung kinolekta na namin ang huling neto kagabi, lahat ng investments namin ay dumoble. At kumita kami ng malaking kita!"Ang dugo ni Anne ay uminit nang marinig iyon, at lalo pa niyang pinapuri ako."Honey, ang galing mo! Ikaw talaga ang pinaka-magaling na asawa sa buong mundo!"[sa isip ni A
Bahagyang itinaas ni Vince ang mga labi niya at tinitigan si Hector na may kakaibang tingin sa mata.Alam niyang hindi ginalaw ni Hector si Anne ng gabing iyon! Tinutukso niya ang lahat, para ipaalam na hindi niya kayang gawin ang nagawa niya!Sa katunayan, hindi naman talaga niya kaya!Si Hector ay tinitigan ng mga tao at ang mukha niya ay malamig tulad ng yelo sa isang kuweba.Pinagawa niya kay Renz ang 20,000 frog jumps pero sa tingin niya ay mukhang kulang pa rin iyon!Si Hector: ...Si Anne: ...Nahulog ang talaba sa bibig ni Don Antonio "Ano ito? Bakit kinakain ito ni Hector?"Tinakpan ni Anne ang kanyang mukha sa sobrang hiya "sorry Pa, wala po ito, nagkamali lang talaga ako."Hindi naintindihan na ni Don Antonio ang ibig niyang sabihin at tumingin siya ng may pagkalito sa kanyang panganay na anak.Tumingin si Felix sa mga talaba na may kakaibang ekspresyon "Pa dapat ka rin niya para malakas ang mga tuhod mo!” Kaagad na nag-react ang matandang lalaki "Ay naku, matanda na ako,
"Maganda kung ganun, dahil sa totoo lang wala akong kapatid na kagaya mo, kaya hindi ka na dapat nakikipag-ugnayan pa sa akin. At saka, kung gusto mong pagtawanan ako, mukhang hindi na yata yan mangyayari. Huwag mong kalimutan, Misis Valderama na ako ngayon. Kahit na bumagsak pa ang asawa ko , bilang isang Valderama ay igagalang pa rin ako sa buong Tondo!” "At saka, si Elaine, na pinakamamahal niyo, ano man ang gawin niya ay hinding hindi siya magiging Valderama."Hindi na ako nagtagal pa, in-screen shot ko ang tawag na iyon at pinatay ko diretso ang tawag ni Charles at ipinadala iyon kay Elaine."Elaine, tignan mo nga naman, si Charles mismo ang tumawag sa akin. Ang saya-saya ko!” Pagkatapos kong ipadala iyon, iniwan ko na ang cellphone ko at nagpatuloy ako sa pag-ihaw ng mga oysters.Kahit na may mga problema sa buhay, mas lalo ko nang na-appreciate ang pagiging medyo "makulit" na Anne ngayon. Iniiwasan ko na ang maging mabait at sunud-sunuran kanino man.Natigilan ako sa ginagawa
Inisip ko na baka nakatulong na rin ang pagiging bukas ko tungkol sa aking pamilya, at baka kahit paano ay makita nila na hindi ako pabigat, kundi may malasakit din sa eskwelahan at mga mag-aaral.Pagkatapos kong magsalita, huminga ako ng malalim at napansin ko ang pagbabago sa ekspresyon ni Principal Leoncio. Hindi ako sigurado kung na-appreciate ba niya ang mga sinabi ko. Kung may naramdaman man siyang kaba kanina, ngayon ay tila nawala ito. "Sige, Teacher Anne, dahil malinaw naman ang paliwanag mo sa akin, tutulungan kita. Pero pwede bang ayusin mo ang isyu mo sa pamilya mo."Pagkatapos niyang magsalita, biglang tumunog ang cellphone ni Principal Leonci.Tiningnan niya ang pangalan sa screen, at ang dati niyang kalmadong ekspresyon ay bahagyang nagbago. Agad niyang sinagot ang tawag ng may nanginginig na boses."Hello, Sir Hector! How are you today?”Natigilan ako ng marinig ko ang pangalan ng isang ‘Hector’Asawa ko ba ang tumawag sa kaniya?Paulit-ulit na sumagot si Principal Leo
Sumunod agad ang isa pang executive ay nagmamadaling magpaliwanag."Oo, tama! Maganda nga iyan saka sa pagkaka-alam ko ang mga indgredients niyan ay organic kaya usually siyang pino-promote ng mga sikat na personalidad! Kaya din naging malakas ang item na yan. Alam ko long last iyan!” Mukhang unti-unting lumuluwag ang tensyon, pero biglang sumingit ang isang bagong executive."Tama! Hindi ibig sabihin nito na may problema si Mr. Valderama sa aspetong iyon!"Renz: ...Lahat ng nasa meeting: !!!Muling lumubog sa awkwardness sa buong paligid.Biglang tumunog ang telepono sa mesa ko at galit ko itong sinagot.Sa kabilang linya, malakas at tuwang-tuwang boses ni Direktor Manuel ang bumungad sa akin."HAHAHAHA... Hector, narinig kong hindi ka na daw tinatayuan?” Hindi ko mapigilan ang lalong magalit sa narinig ko. "Sino naman ang nagsabi sa'yo niyan?""Sino pa, edi ang Asawa mo! Siya mismo ang lumapit sa akin at nagtanong tungkol sa kondisyon mo. HAHAHA! Hector, kung may nangyari sa'yo
Pagpasok ko pa lang sa loob ng principal’s office ay naglatag ng ilang picture si Principal Leoncio sa harapan ko. At ang mga picture na yun ay mga picture ko.Ang unang picture ay kuha noong araw na gusto akong hostage-in ng mga tauhan ni Papa sa harap mismo ng school.Sa isa pang picture, makikita akong nag-uutos sa mga bodyguard ng pamilya Valderama na itali ang mga taong iyon at dalhin sila sa teahouse sa kabila ng kalye kung saan naruruon ang Papa ko na nag-utos sa kanila.Sa anggulong ginamit sa kuha, nagmukha akong isang boss na matapang, may awtoridad, parang isang malaking boss sa isang mafia film.Nakita kong palihim na lumunok ng laway si Principal Leoncio , marahil ay natakot din siya..Dati, kaya pa niya akong kontrolin. Pero ngayon? Ibang Anne na ang nasa harap niya.Matagal siyang nag-isip bago maingat na nagsalita."Ganito kasi, Teacher Anne... may mga natanggap kaming reklamo mula sa maraming mga parents na may kasamang mga picture, at sinasabi nilang... nag-aalala s
Pinisil ko ang labi ko at ngumiti nang bahagya. "Sa totoo lang Mary, mas gusto ko ang sarili ko ngayon." Tinapik ni Mary ang balikat ko saka ngumiti "Dapat matagal mo nang ginawa 'yan!" Pero sa halip na mapangiti ako, naramdaman kong may bumabagabag pa rin sa akin. Napansin iyon ni Mary at sinulyapan ako. "Bakit? Tapos na ang pinakamalaking problema mo, pero mukhang hindi ka pa rin masaya?” Sa totoo lang, matagal ko nang gustong sabihin ito. Walang kinalaman ito tungkol sa nangyari sa akin. Dalawang gabi nang kakaiba ang ikinikilos ni Hector at hindi ko maiwasang mag-alala. Dalawang beses na niya akong tinatanggihan. Sa huli, napilit din nila akong magsalita. Pagkarinig pa lang niyon, napamura si Mary. "My God! Hindi na ba tumatayo ang tit* ni Hector?” “Hindi... hindi naman, hindi ganoon ang ibig kong sabihin ano ka ba yung bibig mo talaga nakakahiya kay Mrs.Sanvictores" mabilis kong sagot at pilit na ibinababa ang ulo ko. "Okay naman siya noon..." Umiling sa akin
"Naniniwala ako," sagot ko nang walang emosyon. "Pero alam mo naman ang ugali ni Papa, hindi ba? Tignan na lang natin kung paano ka niya paparusahan kapag nalaman niya ito." Sa sinabi ko kitang-kita ko kung paano siya napalunok at napaatras nang bahagya. Hindi na maitatago ang matinding takot sa kanyang mga mata. Alam niyang hindi basta-basta palalampasin ni Papa ang ganitong usapin at kilala namin pareho kung paano magalit si Papa lalo na kung malalaman niyang iniiputan siya sa ulo ni Mama. Hindi ko pa rin makalimutan ang nangyari dati , noong biglang yakapin ng isang baliw si Mama , halos mapatay na siya ni Papa sa bugbog. Dun pa nga lang sa bagay na hindi naman niya ginawa, paano pa kaya ngayon kapag nalaman ni Papa na ginamit niya ang pera ni Papa para ibigay sa ibang lalaki bilang tip? “Hindi. Hindi dapat malaman ni Rolando.” Matalim ang tingin na ibinigay sa akin ni Mama, ang kanyang mga ngipin ay mahigpit na nagkakaskasan habang nagsalita. "Hayop kang bata ka! Sabihi