Hindi ko na alam kung maiinis o matatawa ako. Alam kong wala siyang ibang intensyon kundi guluhin ang isipan ko. Mga baliw ang mga taong ito."Ayos na ba ang palabas ninyo?" singhal ni Mommy, halatang naiinis na din. "Kung tapos na, umalis na kayo!"Parang wala nang ibang masabi si Tita Felyn kaya nagpatuloy pa siya sa pagsasalita, pero hindi ko na siya pinakinggan. Napabuntong-hininga siya bago nagsalita sa totong pakay nila."Sa totoo lang, nandito ako para bigyan ka ng babala.”Habang sinasabi niya iyon ay tumingin siya kay Ate Anne. "Ang babaeng ito ay isang malas, isang anino ng kamalasan. Napakabait mong bata, Vivian, pero nadamay ka sa ganitong kalaking gulo. Maniwala ka nangyari ito sayo dahil sa panganay kong anak."Sa sobrang inis, biglang natawa si Ate Anne at malamig ang tonong sumagot. "so Felyn, ano’ng gusto mong sabihin?!"Biglang sumabog si Tita Felyn ng tawagin siya ni Ate Anne sa pangalan niya. "Anne, nagiging bastos ka na talaga!Pati ina mo, tinatawag mo na lang
Napasandal ako sa pader, halos hindi na ako makatayo ng maayos. "Kaya... hindi ka nakapunta dahil sa kanya?""Hindi." Itinaas niya ang tingin niya sa akin. "Alam mo na ang sagot diyan Vivian. Ayaw ko lang. At walang makakapilit sa akin.""Kung gano’n, bakit?!" Ramdam ko ang pagkapunit ng puso ko sa sakit. Hindi ko na napigilan ang pagluha. "Kung hindi mo naman ako gusto, bakit mo tinulungan na burahin ang masamang balita tungkol sa akin online?""Dahil pamangkin ka ni Hector. ‘Yun lang." Diretsong sagot ni Keifer.Parang binuhusan ako ng malamig na tubig. "‘Yun lang?" Umiling ako at lumapit saka ko hinawakan ang kwelyo ng suot niya. "Hindi, hindi ako naniniwala! Ginawa mo ito dahil kay Uncle Hector, hindi ba? Sinabi mo noon, ayaw mong maging pangalawa sa kanya! Dahil mas magiging mababa kaysa kanya!""Hindi." Umangat ang kilay ni Keifer at marahan niyang tinanggal ang kamay ko sa damit niya. "Vivian, magkaiba kami ni Hector. Siya, gusto niya si Anne, pero pinigilan niya ang sarili
Bago pa makalayo ang sasakyan ay sumigaw na ang bodyguard ko"Boss, papupuntahin ko na si Alan ngayon para sunduin ka.""Mm." Sagot ko nang walang emosyon.Sa sumunod na sandali, isang payat na babae ang tumakbo rin papasok sa bus stop.Nadaan niya ako at naiwan ang banayad na halimuyak ng pabango niya.Hindi ko namalayang napatingin pala ako sa kanya.Mahaba ang buhok niyang bumagsak hanggang baywang, basa at dikit-dikit dahil sa ulan. Mukha siyang medyo basang sisiw, pero sa kabila ng lahat, kapansin-pansin ang kagandahan niya. Kasingputi ng bagong balata ng itlog ang kanyang balat, at ang mahaba niyang leeg ay makinis na walang bahid.Ang manipis na bestidang nabasa sa ulan ay dumikit sa katawan niya, kaya’t kitang kita ang perpektong hubog niya. Parang isang diwata siyang bumaba mula sa langit at may kakaibang alindog, pero ang malalaking mata niya ay walang bahid ng kasamaan.Napansin niyang nakatingin ako, kaya dahan-dahan siyang lumayo.Bahagyang dumilim ang paningin ko bago ko
VINCE POV Pagkarating ko sa archaeological site, agad kong isinubsob ang aking sarili sa trabaho, naging abala ako sa pagsasalin ng mga dokumentong kailangang tapusin. Hindi ko na namalayan ang oras hanggang sa maisipan kong silipin ang cellphone ko.Pagbukas ko ay agad kong napansin ang mensaheng ipinadala ng "manliligaw ni Anne" kanina. May kalakip itong larawan, si Anne, kumakain ng hapunan kasama ang isang lalaki.Agad akong napakunot-noo.May ibang manliligaw ba si Anne?Isang matinding pakiramdam ng pangamba ang bumalot sa akin. Hindi ko na kayang paglabanan ito. Agad kong tinapos ang natitirang trabaho at humingi ng pahintulot para mag-leave.Pilit akong pinipigilan ni direktor pero matigas ang desisyon ko.“Dalawang araw na lang, birthday na ni Daddy. Kasunod noon, New Year na. Ngayong taon, gusto kong ipagdiwang ito kasama si Anne.”Pagkasabi ko nito, agad akong humiram ng cellphone mula sa isang kasamahan at nagpadala ng mensahe kay Anne:[Anne, hintayin mo ako. Nagpaalam
Ngumiti ako at sinabi, "You’re Welcome. Malamang pareho lang ang nararamdaman natin, kaya naiintindihan kita. Dahil mahal na mahal ko ang asawa ko. Wala akong ibang gusto kundi siya lang. Kung ilalagay ko ang sarili ko sa ganitong sitwasyon, nakakairita talaga kapag may ibang tao na nagpapahayag ng damdamin sa’yo at pilit na dumidikit, pero hindi mo naman basta-basta matanggihan."{Keifer: …Bakit sa bawat usapan, napupunta palagi sa asawa niya?}{Luigi: …Bakit ko pa kailangang umupo rito para lang masaksihan ang ganitong eksena?}Pagkatapos kong magsalita, tumayo ako at nag-unat. "Sige na, babalik na ako sa lumang bahay para samahan ang asawa ko. May inihanda siyang sorpresa para sa akin ngayong gabi."Tumingin nang malalim si Keifer sa akin. "Malaki ang posibilidad na si Vince ay dumiretso sa lumang bahay pagdating niya sa Manila. Hindi mo ba naisip kung gaano ka-exciting ang sitwasyon niyong mag-asawa kung sabay kayong andoon?"Napangiti ako at umiling. "Wala tayong magagawa. Kah
Tok, tok.May kumatok sa pinto.Pumasok ang isa sa mga katulong. "Madam, dumating na po si Sir Hector. Kakapasok lang niya sa kwarto sa itaas.""Oh," sagot ni Cielo habang iniwawasiwas ang kamay. "Busy pa kami ni Anne sa pag-aayos ng buhok! Hahayaan ko na lang na si Vince ang bumati sa kanya pagdating niya."Hindi naman kasi maganda kung siya mismo, bilang hipag, ang aakyat para salubungin si Hector.Habang nag-uusap kami, napatingin ang katulong sa mangkok ng bird’s nest na nasa mesa at tila nagulat."Madam, kinain niyo po ba ang bird’s nest?""Oo naman! Bakit, may problema ba?" nagtatakang sagot ni Cielo.Ang katulong ay medyo kinakabahan habang itinuro ang mangkok. "Bakit po hindi niyo ako tinawag para ihain ito sa inyo? At Madam, alin pong mangkok ang kinain niyo?"Bahagyang nagbago ang ekspresyon ni Cielo. Kumurap-kurap siya na parang inosente. "Iyong puting mangkok!"Biglang lumawak ang mga mata ng lingkod. Itinuro nito ang beige na lalagyan ng stew at nagtanong, "E-eh... sino p
Si Felix ang pinakamatanda sa pamilya, isang mabagsik na coach na kinatatakutan sa Manila Military Academy. Mayroon siyang matipunong pangangatawan at isang personalidad na kayang magpatibok ng puso ng sinumang babae.12 years ang tanda niya kay Cielo, at gusto niya ang pagiging madiskarte ng kanyang asawa sa lahat ng bagay.Tiningnan niya ang kanyang munting asawa na umiiyak sa bisig niya at ngumisi "Oh? Ano na naman ang lasong nainom mo ngayon? Paano kita matutulungan, mahal?"Mabilis na umiling si Cielo. "Hindi, hindi ito tungkol doon..."Kinuha niya ang puting panyo, ipinalibot ito sa kanyang leeg, at hinatak ito ng dalawang beses habang inilalabas ang dila "Asawa ko, mamamatay na ba talaga ako ngayon?"Napangisi si Felix. "Aba, bakit hindi mo na lang hayaan ang asawa mong bigyan ka ng CPR?"Pagkasabi niya noon, biglang pumasok si Vivian sa sala.Felix: ...Cielo: ...Nanlaki ang mga mata ni Cielo, at agad niyang pinalo si Felix nang malambing."Ikaw talaga! Matandang manyak! A
Nagulat si Anne at agad na sinarado ang pinto bago pa makapasok si Vince.Hindi, kailangan kong harapin ito ngayon!Sakto namang pumasok din sina Felix at Cielo.Napatingin si Felix sa aparador, kung saan may nakasipit pang puting bathrobe sa gilid ng pinto: ...{Pwedeng naman sigurong maging mas maingat sa pagtatago?}Pero sa loob-loob niya, hindi rin siya makapaniwala.Ang kapatid niyang sobrang taas ng tingin sa sarili, kailan pa siya natutong magtago sa aparador?!Tahimik at awkward ang buong eksena. Si Vince ang unang nagsalita: "Anne, anong ginagawa mo rito?"Mabilis na umeksena si Cielo upang takpan ang sitwasyon: "Ako ang nagpapanhik sa kanya!"Tumango si Anne: "Oo, si Ate Cielo ang nagpatawag sa akin!"Napakunot-noo si Vince, tumingin kay Anne, lumapit, at inilapat ang kamay sa kanyang noo: "Anne, may sakit ka ba? Dapat tawagin mo siyang ‘Auntie’, hindi ‘ate’." Iniwasan ni Anne ang pagdampi ni Vince sa kaniya dahil pakiramdam niya ay hindi siya komportable "Ayos lang a
Kaya saglit siyang natigilan, ngunit hindi niya napigilan ang munting ngiti na sumilay sa kanyang labi.Sa unang pagkakataon sa kanyang buhay, may isang taong ipinagmamalaki siya, ipinagtatanggol siya, at kinikilala ang halaga niya.Hindi tulad ng dati niyang pamilya, kung saan siya ay laging binabalewala.Naramdaman niya ang isang kakaibang init sa kanyang puso.At sa kauna-unahang pagkakataon... mas lalong lumakas ang pagmamahal niya sa kanyang sarili.Ibinaba ni Anne ang prutas sa mesa, itinakip ang katawan niya rito upang hindi makita, at mabilis na isinubo ang isang cherry sa bibig ni Hector.Napangiti si Hector, “Salamat, misis ko. Ang tamis.”Napakunot-noo si Anne at kunwaring nagtampo, pero bago pa siya makasagot, biglang pumasok nang nagmamadali si Renz at halatang balisa.“Hector! Magpapatawag ng shareholders' meeting si Jennie!”Pagkasabi nito ay halos sabay-sabay na nag-ring ang mga telepono nina Hector, Felix, at Henry .Napuno ng seryosong ekspresyon ang kanilang mga muk
"It’s time""Well, mukhang oras na," wika ni Anne at ang boses niya ay kalmado ngunit puno ng awtoridad.Napatingin ang lahat ng mamamahayag sa kanya at nag-aabang sa huling mga salita na kanyang bibitawan."Siguro naman ay naitanong na ninyo ang lahat ng gusto ninyong itanong. Kaya ngayon, gusto ko ring ibahagi ang aking opinyon."Huminga siya ng malalim bago nagpatuloy, "Bilang isang babae na hindi eksperto sa larangan ng pera, hindi ko lubusang nauunawaan kung paano nakakaapekto sa stocks ng Valderama Group of Company ang mga tsismis tungkol kay Vince.""Ngunit isang bagay ang sigurado ako, ang mga negosyante ay naghahanap ng kita, at ganoon din ang mga stockholders. Walang dahilan upang hayaan nating maapektuhan ang ating investment decisions ng mga usapang walang kinalaman sa tunay na pag-unlad ng kumpanya.""Una, hindi kasali si Vince sa mismong operasyon ng Valderama Group of Company.""Pangalawa, ang kakayahan ng isang kumpanya na kumita para sa mga stockholders ay nakabatay s
Sa palagay mo ba makakabuti kay Joana ang patuloy na pagkaantala?"Muling ngumiti si Anne, ngunit sa pagkakataong ito, ang ngiti niya ay may bahagyang lamig."Tatlong araw pa lang mula nang natanggap ko ang balita, tama?""Sa loob ng tatlong araw, nagkaroon na raw ito ng matinding epekto sa bata at sa kalusugan ni Joana? Kung ganon, ano ang ginawa niya bago ito?"Naputol ang reporter—hindi nakasagot.Sa puntong ito, dalawang reporter naman ang halos magkasabay na nagtanong."Miss Anne, bilang pinag-uusapang malapit na kaibigan ni Hector at kandidato para maging susunod na ikakasal sa Pamilya Valderama , papanig ka ba sa Pamilya Valderama sa isyung ito?""Bilang isang babae, susuportahan mo ba si Joana, o papanigan mo ang Pamilya Valderama para masigurado ang iyong posisyon para makapag-asawa mula sa isang mayamang pamilya?""Miss Anne, sa tingin mo ba dapat ituloy ni Joana ang pagbubuntis, o ipalaglag niya ang bata?"Habang sunod-sunod ang matutulis na tanong, nanatiling kalmado si
Pagkalabas niya ng study room, nakasalubong niya si Vince na haggard na haggard at mukhang hindi maayos ang lagay.Tahimik lang ito at agad na tumalikod.Hindi sarado ang pinto ng study room kanina, kaya narinig niya ang sinabi ni Hector.Sinadya ito! Sinadya niyang ipahiya ako sa harap ni Anne!Sinasabi niyang bilyun-bilyon ang nawala sa kumpanya, parang sinabi na din niyang kasalanan ko ito?!Bukod pa rito, nang makita niyang naglalambingan ang dalawa, lalong bumigat ang pakiramdam ni Vince.Nakatungo siyang bumalik sa kanyang silid at ni hindi man lang namalayang nasalubong na pala niya si Joana.Halos pumutok sa inis si Joana sa asal niyang parang zombie.Wala siyang ibang iniisip kundi si Anne! Ni hindi man lang niya ako pinapansin!Galit na sinundan siya ni Joana papasok ng kwarto at agad na tinawagan ang kanyang kapatid."Kuya, alam mo ba kung magkano na ang nawala sa stocks ng Pamilya Valderama nitong nakaraang dalawang araw?""Magkano?" Tanong ng kanyang kapatid, na bagong g
Sa kabilang banda, nakikipagkita si Anne kay Mrs. Sanvictores sa isang café.Pagkaupo pa lang niya ay diretsahan niyang tinanong ito"Nagkaroon na ba ng ganitong kaso ang ating foundation noon?""Wala. Noon, ang ginagawa lang natin ay magsagawa ng mga offline na seminar para ipalaganap ang positibo at malusog na pananaw para sa mga kababaihan."Nag-isip sandali si Mrs. Sanvictores bago nagpatuloy "Nagbibigay din kami ng suporta sa mga babaeng mahihirap upang matuto ng bagong kasanayan at nag-aalok ng scholarship sa mga batang babae para makapagkolehiyo. Ang mga biktima ng domestic violence na humingi ng tulong ay tinulungan namin sa pakikipagtulungan sa Women's Federation."Inikot ni Anne ang kanyang kape nang may iritasyon "Ibig sabihin, wala tayong parehas na kaso na maaaring gawing basehan."Tumango si Mrs. Sanvictores "Nabalitaan ko nga ito kagabi at naguluhan din ako. Ang nanulsol sa pamilya ni Joana na gawin ito ay si Euleen.” "Alam ko na may kinalaman dito si Euleen!" Napabun
Napahiya si Jennie at halatang pinagsisisihan ang kanyang ginawa noon."Paano ko naman malalaman na magkaka-ganito pala…?"Ngunit agad siyang nagpatuloy. "Huwag kang mag-alala, anak. Hinding-hindi ko hahayaan na matupad ang gusto ng pamilyang iyon!"Napatingin si Vince sa kanya nang may alinlangan."Mommy... paano mo ako matutulungan sa lagay mo ngayon?"Matalim na ngumiti si Jennie."Anak, hanapin mo si Kuya Batang, yung driver na pinasok ko mula sa lumang bahay. May hawak akong ebidensya laban kay Euleen. Sabihin mo kay Kuya Batang na gamitin iyon para takutin si Euleen.Kapag nagawa niya iyon, makakalabas ako agad.Matagal ko nang gustong makipag-ugnayan kay Kuya Batang, pero itong mga guwardiyang ito, hindi nila ako tinutulungan!"Kahit may pag-aalinlangan ay tumango si Vince."Sige, gagawin ko agad.""Tapos na ang oras ng pagbisita."Dinala ng bantay si Jennie pabalik sa kanyang selda.Habang ikinakandado ang pinto ay napabuntong-hininga ang bantay."Ikaw naman… mag-isip ka na.
Kailangan niyang aminin mula nang makalakad muli si Hector, mas lalo itong naging kaakit-akit para sa kaniyang paningin!Napansin ni Donya Estrelita ang eksena at bahagyang napakunot ang kaniyang noo. "Anong nangyari? Masama ba ang pakiramdam ni Anne?"Nagkunwaring nagsisisi si Hector at nais iparating sa lahat ang nangyari sa kanila kagabi. "Kasalanan ko po ito Mama, kasalanan ito ng anak niyo. Hindi ko napigilan ang sarili ko kagabi, dahil sa malakas na nag binti ko kaya napagod ng husto si Anne.” Normal lang ang ekspresyon ni Anne, ngunit sa loob-loob niya ay gusto na niyang lamunin ng lupa! Napakabilis niyang isinubsob ang mukha niya sa dibdib ni Hector at palihim niyang kinurot sa braso nito.Ngumiti lang si Hector at hinaplos ang buhok niya. "Ayos lang yan, hindi naman magagalit si Mama. Dati nga, natatakot siya na hindi na tumitigas itong alaga ko."Napatingin nang matalim si Donya Estrelita sa anak niya at pababa niyang sinabi "Kakahiwalay pa lang ng pangalawa mong kapatid s
Nang marinig ito, lihim na napabuntong-hininga ang pamilyani Joana. "Sayang, kung alam lang namin, sana dinagdagan pa namin ang hinihingi namin ng ilang daang milyon pa!” "Sa hinaharap, nasa inyo na kung gusto ninyong ituloy ang pagbubuntis o hindi. Pero..."Saglit na tumigil si Hector sinadya niyang ngumiti nang bahagya, at nagbabala "Kung mapatunayang hindi kay Vince ang batang iyan, babawiin namin ang 100 milyon at kakasuhan kayo ng panloloko."Bahagyang natigilan ang pamilya ni Joana at iba't ibang anyo ng pagkaguilty ang lumitaw sa kanilang mga mukha. Kinabahan sila dahil alam nila ang totoo.Mabilis na sinulyapan ni Joana ang kanyang kapatid.Pinagsabihan na niya ito kagabi at sinabi niya na pigilan ang kanilang mga magulang sa panghihingi ng pera kapalit ng kasal pero anong ginawa nila.Pinaalalahanan niya ang kanyang kapatid "Kapag naubos ang pera, wala na tayong makukuha pa mula sa Pamilya Valderama. Pero kung ako ang magiging asawa ko si Vince ay patuloy tayong magkakaroon
Bagamat hindi masyadong matalim ang kanyang tingin ay parang pumatak ng yelo sa katawan ni Papa ni Joana, dahilan upang maiwasan nito si Hector at bitawan si Henry , bagama't nanggigigil pa rin ito sa galit.Bahagyang humina ang awra ng Papa ni Joana at nauutal niyang sinabi, "Hindi ba't sobra naman ito? Dalawang buhay ito, tapos basta na lang n'yong aayawan?"Sa malamig ngunit praktikal na tono ay sinabi ni Henry , "Ang mga bata ay responsibilidad ng dalawang kabataan. Kaya wala tayong karapatang manghimasok.""Ayaw ng anak ko sa kanila, pero kung gusto silang ituloy ng anak mo, iginagalang namin ang kanyang desisyon."Handa ang pamilya Valderama na sagutin ang lahat ng gastusin, hangga't mapatunayan na tunay ngang kay Vince ang mga bata."Nang marinig ito ay lalong nag-apoy sa galit si Papa ni Joana."Pera?! Ang yaman n’yo, pero puro pera lang ang alam n’yo! Hindi namin kailangan ng pera! Ang kailangan namin ay PANANAGUTAN!""Inosente ang anak ko, tapos pera lang ang ipapakita ninyo