Iniabot ko ang aking kamay ay hinila si Anne palapit sa akin, pinaupo ko siya sa aking kandungan. Ngumiti ako sa kaniya at mahinahon na nagtanong, "Ano ang iniisip mo kanina? Nung pinag-sasabihan ko si Vivian?"{Sa totoo lang , kanina habang tinuturuan ni Hector si Vivian, hindi niya nakalimutang obserbahan ang maliliit na ekspresyon ng kanyang asawa.}Saglit akong kinabahan nang mapansin ko ang kakaibang reaksyon ni Anne.Nakahinga naman ako ng maluwag ng bahagyang ngumiti si Anne. "Iniisip ko lang ang tungkol sa bata.""bata?" Nagulat ako sa sinabi niya. "Anak?" Isang bakas ng pagkainis ang sumilay sa aking mga mata, sabay abot ng kamay upang hawakan ang patag na tiyan ni Anne na may di makapaniwalang ekspresyon.Kung nakita lang ni Anne ang itsura ko? Makikita niya sa aking mukha na hindi ko gustong dumating ang maliit na nilalang na ito!Nagbibiro ba si Anne? Kakakasal lang namin, hindi ko gustong maging monghe, okay?!Hinawi ni Anne ang aking malaking kamay, namumula ang kaniyang
ANNE POVSa sumunod na sandali, biglang tumunog ang doorbell namin. “Haha nice timing!” pang-aasar kong bulong sa mga labi ni Hector. “Hindi good timing para sa akin, nakakainis. Hon… pwede bang itapon ko na lang ang pamangkin kong iyan sa labas.” malambing na tugon ni Hector habang hinahaplos ang aking buhok. “Sige na… buksan mo na yung pamangkin mo.” Kabasay ng pagbalik ni Anne ang pag ring ng aking cellphone. Natatawa ako habang nakatingin sa asawa ko habang papalapit sa may pintuan namin. Bugnot na bugnot siya habang binubuksan ang pintuan. Samantala, sa aking kinatatayuan bigla akong kinabahan ng makita ko ang hindi pamilyar na numerong rumehistro sa aking cellphone. Kinakabahan akong baka sila Mama ang tumatawag sa akin sa kung ano na namang gusto nilang ipagawa. Gayunpaman sinagot ko pa rin ito. Pagkasagot ko ng tawag ay narinig ko kaagad mula sa kabilang linaya ng boses ni Vince. "Anne, please ako ito. Si Vince.Huwag mong ibaba ang tawag. May sasabihin ako sa iyo." "
HECTOR POVNapailing na lang din ako at nakatingin sa pintuan ng kwarto ni Anne bago nito tuluyang isara ang pintuan. Nagulat si Vivian, namutla ang kaniyang mukha habang naglalakad papunta sa tabi ng aking wheelchair, kalahating nakaluhod at humihingi ng tawad para kay Anne."Uncle Hector, sana wag mo nang panghimasukan si hipag, okay lang?""Oo alam kong nagkakaroon sila ng problema ni kuya ngayon, at ang pangunahing dahilan noon ay dahil galit siya sa sawsawerang girl besfriend niya na yun! AKo na ang humihingi ng pasensya sa inyo dahil nadadamay ka pa tuloy ngayon.” Naalala ko din ang reaksyon ni Anne kanina, at tumango ako ng may pag-iisip "Sa tingin mo ba, si Anne ay naiinis dahil sa girl bestfriend na iyon ni Vince?” "Oo naman! Kung ako nga nabu-bwisit sa kaniya. Galit na galit ako sa babaeng yun! Sa totoo lang, hindi ito tungkol sa pagiging girl bestfriend siya o hindi. Minsan, maaaring mga female secretaries, mga senior sisters, mga female assistants, at iba pa. Yun ang n
ANNE POVHabang nasa CR si Vivian, napansin kong may isang bakanteng booth. Itinaas ko ang kurtina at akmang papasok nang bigla akong makarinig ng hindi masayang boses mula sa likuran."Ano'ng ginagawa mo? May tao dito!"Agad akong napatigil at napakunot-noo nang marinig ko ang pamilyar na boses. Paglingon ko, nakita kong nakasimangot si Jennie.Nagkatinginan kami at parehong natigilan."Ano'ng ginagawa mo dito?" tumaas ang boses niya. "Pero sakto din naman! Hinahanap kita! Hindi ko inakalang kusa kang lalapit sa akin!""Wala akong dapat sabihin sa'yo," sagot ko nang kalmado at tumalikod na para umalis.Pero bigla niyang hinila ang braso ko nang mariin, halatang iniisip niyang may kasalanan ako."Huwag kang umalis! Magpaliwanag ka impokrita!"Napailing ako. Iniisip ko ano na namang drama ng bruhang ex-byenan kong ito!"Anne, talagang noon pa man ay hindi na kita gusto! Pinilit mo pa talaga si Vince na ibigay sa'yo ang bank card niya! Ang kapal ng mukha mo! Wala kang kahihiyan?!"Muli
Hindi siya nakasagot. Sa mga oras na iyon ay saka lang siguro napagtanto ni Jennie na kasal na ako kay Hector. Pero nang marinig niyang hindi ko gusto ang anak niya, para siyang tandang na handang makipaglaban."Anong sinabi mo?! Anong mali sa anak ko?!Hindi siya maluho, masunurin siya, mabait sa pamilya, at hindi babaero!May ibang binata ba sa Manila na kayang tapatan ang anak ko?!Ang malas mo lang kaya hindi mo siya napakasalan!Ngayon, hindi mo na siya mapapakasalan, pero gusto mo pa ring manipulahin ang anak ko para bigyan ka ng pera?!Sinasabi ko sa’yo, habang buhay pa ako, hinding-hindi ka makakapasok sa bahay ko!"Pagkatapos niyang isigaw iyon, biglang dumating si Vivian na may madilim na ekspresyon sa mukha."Mom—kapag wala si Kuya, ganito mo binu-bully ang ex-hipag ko? Kaya pala gustong makipaghiwalay ni Ate kay Kuya! Kahit ako, hindi ko gugustuhing magkaroon ng biyenan na katulad mo!" Natigilan si Jennie ng makita niya si Vivian. Hindi niya inaasahan na makikita siya ng
Tiningnan ni Mrs. Sanvictores si Vivian nang may paghanga. "Nakakatuwa ka iha. Iba ka sa nanay mo. Mas mahinahon ka mag-isip."Napatingin din si Anne sa namamagang pisngi ni Vivian. Naramdaman niya ang halo-halong emosyon—pasasalamat at pag-aalala. "Vivian, mas mabuting dalhin na kita sa ospital para matignan yang pisngi mo.”"Oo nga, ang sakit nga sa totoo mang! Pero huwag naman sanang masira ang mukha ko."Sabay na dinala ni Anne at Mrs. Sanvictores si Vivian sa pinakamalapit na ospital.Habang nasa daan, panay ang reklamo ni Vivian sa kanyang kuya sa messenger."Kuya, alam mo ba kung bakit ka iniwan ni ate? Kasi hindi mo alam, sobra si Mommy! Tinawag pa niyang masama si Ate at muntik na siyang saktan!"Kasabay ng mensahe, nag-selfie siya at agad itong ipinadala kay Vince."Kuya, tingnan mo! Kung hindi ko lang sinalo ang sampal ni Mommy, si Ate na ang may pasa ngayon!""Kuya, grabe talaga si Mommy! Habang wala ka, geabe ang pagpapahirap niya kay Ate! Grrr nanggigil talaga ako! Kung
Magalang na sinisilbihan ni Elaine si Mrs. Valderama at nagpatuloy sa pagsasabi ng kung anu-ano sa impokritang nanay ni Vince. “Pinaghihinalaan namin na nakahanap si Mr.Hector ng isang maliit na bahay para ilipat ang aking kapatid at duon inilipat ang rehistro ng bahay ni Anne. Pagkatapos, nagpanggap silang nagpakasal upang linlangin si Don Antonio Valderama, at ang kapalit ng lahat ng iyon ay ang maliit na bahay na binigay ni Hector. Biglang lumiwanag ang mga mata ni Jennie, at bahagyang ngumiti: “Ang galing mo talaga Hector, umaarte ka pa sa harap ni Papa!”Sa isip ni Jennie: Ano sa tingin ni Felyn, gugustohin kong maging kapalit ni Anne si Elaine para ipakasal sa Vince ko?! Tsh . No fvcking way! Hindi ako papayag. Sino ba ang nagsasabing nirerespeto ko ang pamilyang ito. Matapos makuha ang mahalagang impormasyon na iyon ay tumayo siya at gusto na sanang umalis.Ngunit ng makita ni Felyn ang intensyon ni Jennie ay dali-dali siyang pinigilan nito.“Mrs. Valderama, alam kong minamal
Nagpatuloy ako sa pagsasalita. “Ngayon, pag-usapan natin ang ating iisang kaaway. Ang sarili mong anak ay nasa panig ni Anne ngayon. At kapag bumalik ang anak mong lalaki at nalaman niyang ikaw mismo ang nagtulak sa girlfriend niya patungo sa kama ng tiyuhin niya, tiyak na tatalikuran ka rin niya. Kung parehong anak mo ang magtatakwil sa’yo, tuluyan kang mawawalan ng kakampi. Kaya kailangan mo ako. Kailangan mong alisin si Anne bago bumalik ang anak mo, at mabawi ang tiwala ng anak mong babae.”Saglit na lumitaw ang bakas ng pagkabahala sa mukha ni Jennie.Alam kong mahihirapan si Vince at Vivian na patawarin siya kapag nalaman nila ang totoo.At ito ang pinakanag-aalala ngayon si Jennie.“Ano bang magandang ideya ang meron ka?” tanong niya Dahan-dahang lumitaw ang isang tusong ngiti sa aking labi. “May naisip akong paraan na tatama sa tatlong target nang sabay-sabay… Pabayaan nating si Anne mismo ang magbigay ng gamot kay Vivian at itulak siya sa kama ni Elijah.”Nanlumo ang mukha
"Bakit? Ibig sabihin, si Papa lang pala ang nakakaalam na maayos ang binti mo?"Habang nagsasalita si Anne ay kalmado nang naupo si Hector sa tabi niya."Mas kaunti ang nakakaalam, mas mabuti. Kung hindi nila alam, mas natural ang magiging reaksyon nila, kaya mas madali nating maloloko ang mga tagalabas. Si Papa? Hindi rin talaga niya alam nagkataon lang na nakita niya akong nagre-rehabilitate."Sandali siyang tumigil bago nagpatuloy. "Ilang taon na ang nakalipas, may isang misteryosong organisasyon na lumitaw sa Tondo na tinatawag nila ang kanilang sarili bilang Black Hawk Hall.""Ang grupong ito ay palihim na pumasok sa malalaking pamilya, sinusubukan nilang makipagsanib sa kanila upang manupalahin at kontrolin ang ekonomiya ng Tondo. Noong panahong iyon, gusto nilang gamitin ang pamilya Valderama bilang tulay para maipasok ang isang lason na bakuna sa pamamagitan ng pambansang sistema, yung mga libreng turok sa mga healt care center sa mga baranggay para sa mga bata.” "Tumanggi si
Sa wakas, tumayo si Hector at mahigpit na hinawakan ang kamay ni Anne, at seryosong sinabi, "Hintayin mo ako. Magpapakuha muna ako ng kwarto para doon ko ipaliwanag sa'yo nang maayos. Maraming tao dito sa corridor, at hindi ko gustong may ibang makarinig sa usapan natin."Sa isang iglap, agad niyang tinawagan ang kanyang mga tauhan upang kumuha ng kwarto, pagkatapos ay mabilis na dinala si Anne palayo.Habang si Luigi , na naiwan sa lugar, ay napaihip sa hangin at hindi makapaniwala."Si Hector ba talaga ‘yung lumuhod kanina?Tama ba ang nakita ko? Nananagip ba ako?Pero hindi ako maaaring magkamali sa nakita ko.My God!Talaga bang lumuhod si Hector para humingi ng tawad sa asawa niya?!Si Hector ang hari ng Tondo, lumuhod sa isang babae?!Grabe, pasabog to! Hahaha” Dali-daling tinawagan ni Luigi si Keifer upang ipamalita ang tsismis. "Keifer, alam mo ba kung ano ang nakita ko ngayon?""Ano?"Halos hindi mapakali si Luigi sa sobrang tuwa. "Ito na nga, nakita kong nag-aaway si Hect
Sa isang iglap, nanlabo ang paningin ni Euleen.Ang kahihiyan ng nakaraang pangyayari ay muling bumalik sa kanyang isipan, at halos gusto niyang sumigaw sa sakit ng alaala.Mas masakit pa sa kanya ang pag-amin na hindi siya minahal ni Hector, kaysa sa mismong kamatayan.Sa loob ng mahabang panahon sinigurado niyang si Hector lamang ang lalaking mapapang-asawa niya.Pinilit niyang tumayo at gusto niyang tumakas.Ngunit biglang pumasok si Renz na may seryosong ekspresyon sa mukha. "boss, patay na ang driver. Totoo ang hinala mo, parte siya ng miyembro ng Black Hawk Hall."Biglang nanigas ang kamao ni Hector. Galit na galit siya ng maisip niyang may natitira pa ring miyembro ng Black Hawk Hall sa Tondo ang malayang gumagala gala.Matalim ang kaniyang tingin at ibinaling kay Renz. "Kung ganoon, wala nang halaga si Euleen. Itapon siya ngayon sa harapan ng hotel ng pamilya Cruz. Nakakairita siyang tingnan.""Ok boss!" mabilis na sagot ni Renz.Tumingin siya kay Euleen nang may matinding
Pumasok siya sa kwarto at ang matataas na takong ng sapatos niya ay lumalagutok sa sahig, puno ng kumpiyansa.Bago pa makapagsalita si Hector ay matalim na siyang tinitigan ni Anne at matapang na nag-utos—"Tumalikod ka. Huwag kang tumingin!"Agad na tumalikod si Hector at iniiwas ang tingin kay Euleen.Nakita ito ni Euleen at halos sumabog siya sa sobrang galit."Hector, ikaw ang lalaki?!Pinatalikod ka lang niya, sumunod ka agad!Huwag mong kalimutan, ikaw si Hector Valderama ang kinakatakutan ng lahat sa Tondo!"Pero nanatiling nakatalikod pa rin si Hector nang sumagot, malamig ngunit may halong biro"Sa pamilya namin, ang asawa ko ang may mas mataas ang ranggo.Kaya hindi ako pwedeng sumuway sa kanya.Kung hindi ako makikinig, baka wala akong maging baon sa mga susunod na buwan."Nanlaki ang mga mata ni Euleen.Parang may isang bagay siyang hindi maintindihan."A-Ano'ng sinabi mo?Asawa?!Paano mo siyang naging asawa?!""Hindi...hindi totoo yan. Imposible!" sigaw ni Euleen at hind
Ang lalaking nasa nakikita niya ay matangkad, may tuwid na tindig at ibang-iba sa lalaking nakapako sa wheelchair.Pero siya iyon.Ang kanyang asawa.Hindi maipaliwanag ni Anne ang pagkabigla sa kanyang dibdib, pero kasunod noon, nangibabaw ang galit niya sa panlilinlang ni Hector.Humanda ka Hector!Niloko mo akong hindi ka makalakad, tapos ngayon may lakas ng loob ka pang tumingin sa ibang babae?!Pinatay niya ang tawag at mabilis na naglakad papunta sa Room 808 ng hotel.Sa kabilang dako, halos mawalan ng malay si Euleen sa sobrang pagkahumaling nang makita si Hector.Ang mahalaga rito ay nakakatayo siya!Ang kanyang tindig ay matuwid, at ang kanyang presensya ay nakakabighani. Suot niya ang isang navy blue dark-patterned suit na perpektong plantsado, at nakasandal siya sa pintuan ng kwarto habang ang isang kamay ay nasa bulsa ng pantalon niya.Sa ilalim ng malamyang ilaw, lalong lumitaw ang kanyang pagka-elegante at nakakaakit na karisma.Ang kanyang mahahabang mata sa likod ng ka
Pagkatapos noon ay pumasok siya sa banyo.Sa puntong ito ay agad na sumakay ng taxi si Anne para pumunta sa binanggit na address ng hotel, at dali-daling pumunta roon.Ngunit hindi siya nagmadaling "mahuli sa akto."Sa halip, pumunta muna siya sa isang coffee shop malapit sa hotel, umorder ng kape at maliit na cake, saka naupo nang komportable.Sa totoo lang, curious din siya kung paano magre-react si Hector.Pagkalabas ni Euleen mula sa shower, agad niyang napansin si Anne sa video, relaks na nakaupo sa isang maliit na booth ng café, umiinom ng kape at kumakain ng cake.Ang walang pakialam na itsura nito ay lalo pang nagpagalit sa kanya."Anne, hindi ka ba kinakabahan? Malapit nang makipagtalik sa akin si Hector!"Ningitian lang siya ni Anne at eleganteng humigop ng kape, saka sumandal sa malambot na sofa."Euleen, sa tingin ko ay mas kinakabahan ka kaysa sakin. Sa totoo lang, hindi ka sigurado kung tatabihan ka nga ni Hector sa higaan, tama ba ko?"Biglang natigilan si Euleen pagkat
Pagkatapos sabihin iyon, nagbuhos siya ng tubig para kay Anne at inayos ang kanyang higaan.Nahiya si Anne, at mabilis siyang pinigilan. "Mrs. Sanvictores, huwag na po, nakakahiya naman. Maayos naman po ako, magpahinga na din po kayo at malayo ang binyahe niyo. Na-appreciate ko talaga ang pagpunta niyo dito at pagpayag sa kahilingan ng asawa ko"Ngumiti lamang si Mrs. Sanvictores at inayos ang kama, nagpalit siya ng komportableng cotton pajama, at umupo sa tabi ng higaan."Sinabi ko na kay Hector na aalagaan kita, kaya hindi muna ako babalik."Pagkatapos ay binuksan niya ang kumot at kinawayan si Anne."Anne, halika rito. Matagal ko nang gusto magkaroon ng anak na babae. Ngayong gabi, pagbigyan mo na ako at matulog tayong magkatabi."Nagkaroon ng kakaibang pakiramdam sa puso ni Anne.Mula pagkabata ay hindi niya kailanman naranasang matulog katabi ang kanyang ina.Minsan, naiinggit siya kay Elaine tuwing nakikita niyang kasama ng kanyang ina sa paglabas o natutulog magkasama.Pero sa
Pagkasigaw niya ay agad siyang nagsisi at luminga-linga sa paligid. Sa kabutihang palad, walang ibang tao sa paligid.Habang mas pinag-iisipan niya ma lalong hindi niya matanggap ang katotohanan.Sa simula pa lang ay ayaw niyang ituloy ito dahil napakasimple ng maliit na klinika at parang isang ilegal na pasilidad na walang sapat na lisensya.Nagkaroon ng saglit na katahimikan sa kabilang linya bago muling nagsalita ang kanyang kapatid,"Inamin ng matanda sa pulisya na ginalaw ka niya habang… nasa ilalim ka ng anesthesia at walang malay… ang batang dinadala mo ngayon ay siya ang totoong ama.""Ano?!"Parang binagsakan ng mabigat na martilyo ang ulo ni Joana, at dahan-dahang bumagsak ang katawan niya sa dingding."Hindi… paano… paano ako mabubuntis ng anak ng matandang iyon… ugh… ugh…hindi ako makakapayag"Pakiramdam niya ay masusuka siya sa sobrang pandidiri habang iniisip ang matandang lalaking humawak sa kanyang katawan. Napahawak siya sa kanyang bibig at pilit pinipigilan ang saril
“Sumama na lang po kayo ng matiwasay" Mahigpit na sagot ng pulis. "Inamin na ng pekeng teacaher na nag-abot ng susi ng sasakyan kay Miss Anne na kayo mismo ang nag-utos sa kanya na ibigay ang sasakyang may sira ang preno kay Miss Anne."Mabilis na nanlamig at namutla ang mukha ni Jennie.Napatingin siya kay Henry , ngunit sa halip na proteksyon, tanging matinding pagkadismaya ang nakita niya sa mata nito.Mabilis siyang lumapit at hinawakan ang kamay ng asawa, nagmamadaling nagpatunay."Hindi! Mahal, maling paratang ito! Pakinggan mo ko! Mahal! Please pakinggan mo ang paliwanag ko!Wala akong kinalaman dito! Tinawagan ko pa nga sila habang nasa daan para pigilan sila sa paggawa nito!"Pero nang matapos niyang sabihin iyon, napagtanto niyang naibulgar niya ang sarili niyang lihim at agad na nanahimik.Dahan-dahang binuksan ni Henry ang mga daliri ni Jennie, isa-isa."Wala ka na talagang pag-asa! Jennie, anuman ang maging resulta ng paglilitis sayo, maghihiwalay na tayo. Magpapagawa na