Laking gulat ko nang marinig ko ito at napadilat ang aking mga mataBigla namang tumawa si Hector at muling nagsalita "Gusto kong maghanap ng maari kong iregalo sa babaeng nililigawan ko. Tinuruan ako ng kaibigan ko na kung akong magbibigay ng bag araw-araw sa babaeng nililigawan ko ay makukuha ko ang matamis niyang o-o!” , Maiinis na sana ako kaya lang ay naalala ko ang plano niyang panliligaw sa akin at natawa ako sa kalokohan nitong si Hector, iniisip ko kung anong klaseng mga kaibigan mayroon siya!Sa tamang pagkakataon, kumindat si Hector kay Renz.Agad na lumapit si Renz at mahinang sinabi "Madam, ang tindahang ito ay pag-aari ni Mr. Luigi. Ang mga bag dito ay may mataas na halaga, pati na ang mga pre-loved na bag ay mahal din. May utang pa rin si Mr. Luigi kay Boss, at ayaw niya itong binayaran. Gusto ring makuha ni Boss ang ilang mga gamit na may halaga mula sa store niya!” “Ah ganun ba?!” Nang marinig ko na mahal ang halaga ng mga bag dito, at pumasok na naman sa isip k
Pagkatapos, sinabi ni Mary "Pero bilang isang malapit na kaibigan, i can say na mas okay si Hector kaysa sa pamangkin niya!"Hindi ko masyadong pinansin ang sinabi ni Mary, at habang naglalakad ay sumagot ako kay Hector.[Okay, ano ang plano mo?]Naisip kong mas mabuti pang pakinggan ang asawa ko at hayaan siya sa plano niya, baka turuan siya ng mga kaibigan niya kung paano magbigay ng bag o kung ano pa!Agad namang sumagot si Hector [Sinabi ng kaibigan ko na ang pagde-date ay nagsisimula sa pagpapakilala sa isa't isa. May ilang paraan ng pagpapakilala: a blind date, b online dating, c pagkikita sa ulan, d pagkikita sa campus, e dinner with friends, f outdoor activities...] Mabilis akong tumingin, at isinasaalang-alang ang kondisyon ng mga binti ni Hector, pinili ko ang mas makakabuti sa aming parehas: [Mag-blind date tayo.]Hector: [Sige, Miss Anne, magkita tayo mamayang gabi sa lakeside dinner ng 7 o'clock. Ako yung nakasuot ng gold-rimmed glasses at may hawak na pink roses.]Na
THIRD PERSON POVSa kabilang banda, sa St*rbucks Coffee.Isang binatang mga 27 years old ang nakasuot ng magarbong damit, ang pumasok sa isang pribadong kwarto. Siya si Elmo Alcantara, ang pinuno ng Baili Company, at malayong pamangkin ni Jennie Valderama.Pumasok si Elmo Alcantara sa pribadong kwarto na may mukhang maloko. Nang makita niyang masama ang mukha ni Jennie, ay agad niyang inabot ang isang cold coffee na paborito nito. "Tita, sino ang nang-away sa'yo?"Hindi sumagot si Jennie , kundi mapaet itong tinanong pabalik"Bakit mo ba ako pinatawag?"Humugot ng malalim na hininga si Elmo Alcantara "Anong magagawa ko? Nagpapasalamat lang ako sa'yo na pinaalalahanan mo akong maghanap ng scapegoat bilang legal na kinatawan. Kung hindi, baka nasa kulungan na ako ngayon. Pero hindi ko pa kayang kunin ang 10 milyong investment mo."Tiningnan ni Jennie Valderama si Elmo Alcantara at napansin niyang hindi nito alam na siya ang dahilan kung bakit isinara ang kumpanya nito, kaya't sina
Kinuha ni Hector ang menu at inabot ito kay Anne "Ms. Anne, paano kung tingnan muna natin kung ano ang gusto mong kainin?"Umorder si Anne ng isang mangkok ng pasta at ilang meryenda.Matapos mag-order, naging tahimik na naman ang dalawa.Nang magtagpo ang kanilang mga mata, bigla silang pareho na natawa."Madalas ko naririnig sa mga katrabaho ko na nakakahiya ang mga blind date, pero hindi ko inasahan na totoo pala." pagbibiro ni Anne.Nag-apologize si Hector nang may pagiging gentleman"Shocks ang awkward naman nito! Sorry, hindi siguro tayo para sa isang blind date! Alam kong nahihirapan ka ng ituloy ‘to , ako din. Ganito na lang Anne, kung may gusto kang malaman tungkol sa akin, ikaw na ang magtanong." Nag-isip si Anne at sinabi "Hector, ano ang mga kinakailangan mo para sa magiging partner mo sa hinaharap?" Pagkatapos magtanong, pinagpawisan si Renz para sa kaniyang amo. Hindi madaling sagutin ang tanong na 'yan!Kung sasabihin kong wala akong mga hinihingi, mukhang peke naman
Napangiti ako habang nakatingin sa aking asawa. Honestly? Hindi ko inaasahan na ganoon ang isasagot niya sa akin. Gulat na gulat ako kung gaano siya ka straight forward gayun pa man ay kinilig ako ng husto. Kung ako ang tatanungin, yung mga ganitong klaseng lalaki ang pinapahalagahan. Lahat ng sinabi niya ay nagkaroon ng malaking impact sa akin. Siya talaga ang lalaking pinapangarap ko!Ngayon isang bagay ang tumatakbo sa isip ko. Kung talagang magagawa ni Hector ang lahat ng kaniyang sinabi, siguradong matatalo niya si Vince.Minsan pa nga ay nagbiro si Mary na sa akin na baka nag-a-aral pa rin daw ng arkeolohiya si Vince habang nanganganak ako.Matapos ang ilang minutong pag-iisip, maluwag akong sumagot kay Hector “Binibigyan kita ng perfect score. Ngayon, ikaw naman Mr. Hector ang may pagkakataong magtanong sa akin. Kahit na ano?!”Ngumiti si Hector “Parehong tanong, parehong tanong na ibinigay ni Ms.Anne sa akin”Natigilan ako at napapailing. Tuso rin pala si Hector. Pero dahil
Matapos naming pag-usapan ang tungkol sa libangan, halos naubos na namin ang pagkain namin.Kinuha naman ni Hector ang kanyang cellphone at iniabot sa akin ang kaniyang QR code para sa kaniyang apps , sabay mahinahong sinabi, “Ms.Anne dahil nagkaroon tayo ng isang napakagandang usapan, bakit hindi natin idagdag ang isa’t isa sa messenger?”Napaisip ako bigla. Hindi ba matagal na kaming magka-chat?Tumingin ako sa QR code nang may pagtataka, saka napangiti.Ang kagalang-galang na si Hector ay naging isang “kabit”?At ang pangalan niya sa Messenger ay: Hector Valderama! (kabit/mistress)Hindi ko napigilan ang bumirit ng tawa. Halos maluha-luha ako sa kakatawa dahil sa ganitong kalokohan ni Hector. Biglang nagpaliwanag si Hector sa ng makita niya ang reaksyon ko “Ahh…Pinag-isipan ko ito ng matagal. Mas magandang paghiwalayin ko ang magkaiba kong identidad. Para alam ko kung paano ako aakto ng tama. Atleast magkaibang pagkatao , magkaibang pananalita. Halimbawa.. Bago pa siya matapos
Pero bago tuluyang umalis ay nilingon kami ng lalaki at tinignan kung sino ang lalaking nasa harapan nila at bigla itong natawa ng malakas. “Putsa pre, pilay pala ‘to?”“‘Yan ang asawa mo?”Nang makita ng mga ito si Hector na nakaupo sa wheelchair, hindi nila napigilang matawa nang malakas.Ngunit ni katiting, hindi ininda ni Hector ang panlalait ng tatlong ito. Ang buong atensyon niya ay nakatuon lang sa akin, putlang putla ako sa takot. Agad niyang hinawakan ang malamig kong kamay at mahinahong nagtanong sa akin.“Natakot ka ba?”Muling bumilis ang tibok ng puso ko.Kanina lang, sa isang saglit, naramdaman kong baka iyon na ang katapusan para sa akin.Hindi pa rin ako makabawi sa pagkabigla.Hinaplos ni Hector ang aking mga kamay at halatang nag-aalala. “Huwag ka ng matakot. Narito na ako. Wala nang mangyayari sa’yo.”Habang pinapainit niya ang kamay ko ay nagtanong siya na parang isang pinuno ng pamilya “Sabihin mo sa asawa mo, saan ka nila hinawakan?”Sa isip ni Hector: Kung
HECTOR POV“Anne, si ‘general’ ay mabait, bihira siyang masiraan ng ulo, pero kung mangyari iyon, maari lang makawala kung magkakagutay-gutay ang mga kamay niya!”Sa sandaling ito, umatras ang tatlong goons na may nanginginig na mga binti.Samantalang si "general" ay malupit na tumahol sa mga hudlong na ito.Matalino si “General” lahat ng ginagawa ko ay naalala niya, kaya naging mabangis siya dahil nakita niya akong nagalit at sumigaw. "Arf? Arf? Arf?"Nang makarating kami sa may maliwanag na parte ng daa, nakita ko ang pamimilog ng mata ng aking asawa, ngayon ay nakita na niya si ‘general’ ng buong-buo. Si ‘General’ ay may mahahabang kayumangging balahibo, may napakalaking katawan, malalakas na mga paa, at mukhang mabangis, ngunit sa hindi malamang dahilan, ang balahibo nito ay may iba't ibang nakatali na mga laso?!Nakita ko ang reaksyon ni Anne dahil sa kakaibang itsura ni ‘general’.Habang naglalakad ay isa sa mga goons ang nagtangkang tumakbo pabalik. Matalim siyang tinignan n
Nang makita niyang hindi pa rin pumapayag si Anne, tumingin siya rito na parang kawawang kuting."Makakaya mo bang iwanan ang isang buntis na may kambal sa gilid ng daan? Hindi ko pa kabisado ang lugar na ito, wala na rin si Kuya Vince.. Natatakot ako...""Manahimik ka! Joana, hindi ako lalaki, kaya hindi uubra sa akin ang ganyan mong paglalambing," inis na sagot ni Anne habang sumusulyap sa kanya. Alam niyang kung iwan niya ito at may mangyaring masama, siya ang masisisi, kaya napabuntong-hininga na lang siya."Sige, I-kabit mo na ang seatbelt mo!" dagdag niya nang may iritasyon. Mabilis namang sumilay ang tuwa sa mukha ni Joana at agad niyang isinara ang seatbelt.Sa biyahe ay nakangiting pinagmamasdan ni Joana si Anne."Ate Anne, ang galing-galing mo noong tumakbo ka bilang vice chairman. Sobrang hanga ako sa kung paano ka nag grow.""Ate Anne, gusto ko talaga na maging pamilya tayo at ituring kang Tita ko.""Pwede ba nating kalimutan ang mga hindi pagkakaunawaan noon at magkasun
Bumilis ang tibok ng puso ni Jennie at iniisip na baka nahuli siya. Gayunpaman ay pinapasok niya si Henry at pilit na nagpapanatili na kalmado saka nagtanong, "so , bakit ka nga nandito?"Huminga nang malalim si Henry at tiningnan siya nang may pag-aalangan. "Mag-impake ka. Pupunta ako sa Japan ngayon. Isasama kita para makita mo ang mga cherry blossom."Doon unang nagkita ang dalawa noon.Dahil sa maraming taon niyang pagtuon sa pag-aaral ng virus sa katawan ni Hector, napabayaan ni Henry ang kanyang pamilya. Sa totoo lang pakiramdam niya ay may pagkakasala siya sa nangyari sa pamilya niya.Gusto niyang isama si Jennie sa isang lakad at maipadama rito ang pagmamahal at maitama ang mga pagkakamali nito.Nanlaki ang mga mata ni Jennie sa pagka-gulat, at napangiti siya nang maluwang. "Henry, hintayin mo ako, maghahanda lang ako saglit.""Mm." Tumango si Henry .Maya-maya pa ay sabay na silang umalis.Sa kanilang biyahe na bumabalik sa kanilang alaala ng kabataan, kapwa sila nadala sa
Mabilis na kumislap ang mga mata ni Hector bago ito bumalik sa pagiging kalmado. Hinawakan niya ang kamay ni Anne: "Kapag dumating ang tamang panahon, idaraos natin ang kasal."Napansin ni Anne ang saglit na pag-aalinlangan sa mga mata ni Hector. Nanigas sandali ang ngiti niya, pero pinilit pa rin niyang ngumiti at tumango.Nangamba si Hector na baka kung ano ang isipin ni Anne, kaya kusa niyang ipinaliwanag ang kaniyang dahilan "Tulad ng nangyari ngayong gabi, kung inihayag ko ang pagkakakilanlan mo, matatatakan ka na agad bilang asawa ko.Kahit anong pagsisikap mo o anong marating mo sa hinaharap, sasabihin lang ng mga tao na nakaasa ka sa akin.Tulad ngayong gabi kahit malinaw na ikaw ang nagwagi, may mga mag-iisip pa rin na dahil lang iyon sa akin. Anne, hindi iyon patas para sa’yo."Siyempre, hindi niya sinabi ang buong katotohanan.Ang pinakakinakatakutan niya ay ang mga natitirang miyembro ng Black Hawk Hall.Dahil anuman ang sabihin ng iba, kaya niyang baguhin ang paniniwala
Muling tumingin si Mrs. Sanvictores kay Hector nang may bahagyang pag-aalangan: "oh nandito ka na, heto na ang kamay ng asawa mo. Pwede na siguro akong umalis ngayon.” Matapos sabihin iyon ay naglakad na siya palayo nang nakaangat ang kanyang mga takong.Nang dumaan siya sa tabi ni Vince, mas lalo pang lumalim ang kanyang paghamak dito."Madam, nakapark na ang sasakyan ," yumuko si Renz at itinuro ang direksyon ng sasakyan.Kusang itinulak ni Anne si Hector pasulong at sumunod kay Renz upang umalis. Naiwan si Vince na nakaupo roon, yakap ang kanyang ulo habang humahagulgol sa sakit.Samantala, sa loob pa rin ng venue, si Elaine ay nakatitig pa rin sa direksyon kung saan umalis si Anne. Matagal bago siya nakabalik sa kanyang ulirat.Kitang-kita niya kung paano ipinagbunyi at pinaligiran ng mga tao si Anne bago ito umalis, at iyon ay nagpasiklab ng matinding selos sa kanya.Samantala, maraming tao ang lumapit kina Rolando at Felyn upang bumati at lahat ng ito ay dahil kay Anne."Boss
Sa loob ng venue hall ay lumapit ang lahat kay Anne upang batiin siya.Maging ang mga matrona na nagpahirap sa kanya noon ay nagpakumbabang humingi ng tawad.May ilan pang walang hiya na binuksan ang kanilang mga fb account sa cellphone nila "yung nangyari kanina, kalimutan mo na yun, pwede naman tayong maging magkaibigan hindi ba?! Idadagdag kita sa friendlist ko para madali tayong makapag communicate sa hinaharap.” "Hindi na, bihira akong makisalamuha sa iba, at saka hindi ako basta-basta nagdadagdag ng kaibigan. Gusto ko ang kaibigan ko yung may kalidad.” Ngumiti si Anne at magalang na tumanggi.Si Mrs. Sanvictores, na nakatayo sa isang tabi, ay tumango bilang pagsang-ayon saka siya lumapit kay Anne at hinawakan ang kanyang kamay saka siya dinala sa isang lihim na daanan."Anne, sumasang-ayon ako sa sinabi mo. Kaya nga pinutol ko na ang ugnayan ko kay Jennie.Ang mga taong may magkaibang pananaw sa buhay ay hindi maaaring magtulungan. Ayokong mag-aksaya ng oras sa mga maling tao ,
Sa huli, wala nang magawa ang mga taong ito kundi itaas ang kanilang mga karatula.Sumigaw ang MC sa stage "60 votes!""63 votes!""66 votes! Isang votes higit kay Miss Euleen!""Grabe! 70 votes na!""Ay, may gusto pa bang bumoto? 75 votes!""100 votes!""150 votes!""218 votes! Lumampas ang votes rate sa 98%! Binabati kita si Miss Anne, ikaw ang nanalo sa unang pwesto ngayong gabi, gaya ng inaasahan!" Masayang inannounce ng MC. Samantalang si Noel at Euleen, na hindi nagtaas ng kamay upang bumoto, ay nagmukhang madilim na parang ilalim ng palayok.Si Donya Estrelita ay bahagyang ngumiti at tumingin kay Noel: "Bother, hindi ba exciting ang palabas na ito?"Hindi na sumagot si Noel, ngunit tumayo siya, inayos ang kanyang suit at umalis sa venue. Bago umalis, tinignan niya si Euleen ng masama "Wala kang kwenta!"Si Euleen ay nagngangalit ang mga ngipin sa galit.Tinitingnan ang Anne na napapalibutan ng mga bulaklak at tao sa stage kaya halos mahulog ang mga mata niya.Dapat sana ito a
Hinugot ni Euleen ang remote control, inalis ang baterya, tinignan ito, ibinalik ang mga battery, at pinindot ito ng matindi kay Anne.Bumukas ang indicator light, ngunit ang damit ni Anne ay mahigpit na nakadikit sa kanyang katawan, at walang anumang pagbabago."Paano nangyari ito?" Tanong ni Euleen habang pinipindot ang remote control na direkta kay Anne sa stage.Ngumiti si Anne na tila nakikita siya at may bahid ng pagsubok sa mga mata."Maraming salamat po sa inyong mga tanong.Ang damit na suot ko ngayon ay ibinigay sa akin ng isang kaibigan.Sinasabing nagkakahalaga daw ito ng 1 milyon.Pagkatapos ng salo-salo ngayong gabi, idodonate ko ang damit na ito sa foundation para sa auction. Ang perang makokolekta ay gagamitin para sa pondo ng Women's Care Association.Maraming salamat sa inyong lahat." Ang buong lugar ay muling napuno ng malalakas na palakpakan.Ibinato ni Euleen ang remote control at sobrang galit na tila puputok na ang kanyang mga baga!Ang walang hiya si Anne ay mu
"Oh, may mali ba sa sagot ko sa videong iyan?" tanong ni Anne na may ngiti.Nabigla ang celebrity at itinuturo ang malaking screen nang exxagerated "Hindi ba't malaking problema ito? Isang babae ang tumawag sa iyo para humingi ng tulong, at tinanggihan mo siya ng walang awa.Ang babaeng ito ay malamang na buntis. Ang pagtanggi mo ay katumbas ng pagtanggi sa dalawang buhay!Banaliwala mo ang buhay ng tao! Napaka-sama mo!""Teka lang ah, huminto tayo diyan sa sinabi mo." Pinutol ni Anne ang celebrity ng may ngiti, "Huwag ka kaagad mag-conclude ng masama.Una sa lahat, nung natanggap ko ang tawag na ito, hindi pa ako nahahalal bilang vice chairman, at wala pang sitwasyon na may mga mahihirap na grupo na kumonsulta sa akin at tinanggihan ko sila.Pangalawa, wala akong isyu sa sinabi mo. Ang babaeng ito ay buntis nga. Gusto niyang ituloy ang bata, pero may ibang opinyon ang ama ng bata, dahil ang gusto niya ay ipalaglag ang bata. So, nagkamali ba ako?Ang isyung ito ay usapin nila lang. H
Maaari bang magpakita ng simpatya ang isang tao na may bag na higit sa 3 milyon sa isang tao na kailangang mangalap ng 10,000 pesos kada buwan para sa mga gastusin nila sa buhay?Di’ba hindi!"Pagkatapos magsalita ni Anne, unang tumango ang direktor ng Women's Federation at sinabi, "Tama."Si Mrs. Sanvictores ang nanguna sa palakpakan sa tamang pagkakataon, at ang malalakas na palakpakan ay umalingawngaw sa buong lugar.Pagkatapos ng ilang saglit, ang pangalawang judge ay nagtaas ng sign para magtanong.Siya ang judge na may nagpa plastic surgery kanina na humarang kay Anne."Anne, sa pagkakaalam ko, ikaw ay nagkaroon ng pribadong pagpapagamot sa mental na kalusugan. Paano ka magiging may empatiya sa ating mga mahihirap na grupo kung ikaw mismo ay may isyu sa iyong mental health? Paano ka makakapagbigay ng tamang gabay sa kanila?"Pagkatapos ng matalim na tanong na ito, maraming tao ang nagbulungan.Ngunit kinuha ni Anne ang mikropono nang hindi kinakabahan."Kung ikukumpara sa isang