Napasigaw ang isa pang babae “ay talaga ba?! Totoo yun?”Kitang kita ko ang pagtango ni Jessie, “Ano ka ba? Tingin mo nagbibiro ako? Narinig ko mismo! Tumanggi si Damian na mahulog sa tukso niya. Lumingon siya at sinabi na ang isa pang tao ang may gusto sa kanya, at kahit tinamaan pa niya si Damian sa ulo gamit yung vase para pilitin siyang sumunod, sinasabihan niya pa si Damian na kung hindi siya papayag, tatawagin niya ang pulisya. Kaya ayun, sa huli, wala nang nagawa si Damian kundi sumunod na sa kanya.”Dinuraan ng babae ang gilid, “Pwee! nakakadiri! Hindi ko akalaing ganito pala si Anne—seryoso ang ipinapakita niya, pero napakatuso pala niya sa likod nito!”Nakangising tumango si Jessie, “Tama! Narinig ko nga na yung bunso sa mga Valderama ay pinaghintay siya ng tatlong taon at hindi siya pinakasalan. Nang makita niyang wala na siyang pag-asang makapasok sa isang mayamang pamilya, agad siyang humanap ng paraan para makakapang-asawa ng isang CEO, siyempre nga naman easy way para
[Putangina, hindi karapat-dapat ang ganitong klaseng guro!][Kung anak ko ang nasa klase niya, ililipat ko agad siya!][Narinig ko na itinapon siya ng mga magulang niya mula sa pinaka-honored na klase papunta sa pinakamababang klase sa buong batch!][Pero hindi ba ito isang malaking panganib para sa mga tatay ng mga estudyante sa class 8?!][Iminumungkahi kong kanselahin ang kanyang nominasyon bilang Outstanding Teacher!][Nakakasuka! Isa siyang mantsa sa hanay ng mga guro, lumayas siya sa paaralan!][Tama! Huwag niyang dungisan ang sagradong lugar ng edukasyon!][Hayop na babae! Mamatay ka na! Sana masagasaan ka ng sasakyan at mamatay ka agad!]Malalim na huminga si Anne upang pakalmahin ang sarili. Alam niyang malulupit magsalita ang mga tao sa internet, pero hindi niya inaasahan na ganito ito kasama!Biglang nagsalita si Irene. “Anne, lumipat ka sa school ko!”Inilahad niya ang kanyang kamay bilang tanda ng alok. “Sa sitwasyong ito, mahihirapan ka sa paaralan mo. Kahit ipagtanggol
"Pero naisip mo na ba kung paano kung tumapon sa mukha ko ang tasang iyon ng kumukulong kape at masira ang itsura ko?""Ah... hindi naman masyadong mainit ang kape, swear... tinikman ko na! Ikaw... ikaw lang ang nagpapalaki ng maliit na bagay! Siguradong hindi papansinin ng pulis ang ganitong kaliit na isyu."Habang nagsasalita ang babaeng nasa sahig, lalo pang naging pabagu-bago ang kanyang boses. Sa totoo lang, hindi niya naman talaga natikman ang kape at hindi niya alam kung gaano ito kainit. Ngunit ngayon, talagang nakaramdam siya ng takot. Kung sakaling napinsala niya nang husto ang mukha ng babaeng nasa harap niya, hindi niya ito kayang bayaran kahit ibigay niya ang lahat! Unti-unting nagsisi ang babae na nagtapon ng kape, napagtanto niyang masyado siyang naging padalos-dalos.Lalong lumamig ang ekspresyon ni Anne. "Oo nga, sa paningin ng mga taong katulad ninyo, masyado kayong nagpapadala sa mga nakikita niyo onlince , wala kayong pakielam kasi hindi naman kayo ang nasaktan! An
Napangiwi si Luigi at napatanong, "Eh... paano kung hindi ko ginawa 'yon kanina? Paano kung hinayaan ko lang na mahuli ka ng asawa mo?” "Pagtiisan mo na lang d’yan sa puno saglit. Ipapakuha ko si General kay Renz bukas ng umaga."Biglang nawalan ng pag-asa si Luigi. "Hindi naman mahirap, pero parang ang hirap mabuhay."Napangiti ako bago ko ibinaba ang tawag. Pakiramdam ko ay gumaan ang loob ko.Ngunit sa sumunod na sandali, tumawag si Renz."Boss, gusto kang makausap ni Damian.""Okay." Sa loob ng isang segundo, biglang dumilim ang ekspresyon ko at mariing nagngitngit ang aking mga ngipin. Sa ward. Nang makita ako ni Damian, awtomatikong umatras siya patungo sa gilid ng kama, itinuturo ako at nauutal na sinabi, "Ikaw—diyan ka lang, huwag kang lalapit."Naka-upo ako sa wheelchair, ang mahahabang daliri na may malinaw na mga kasukasuan ay sumusuporta sa salamin na may gintong rim sa aking ilong, at ngumiti ng may kasamaan. "Aba Damian, para kang nakakita ng multo? Hindi ba't sin
May malumanay at walang kasamaan akong napangiti. "Sige." Sumagot si Renz at nagsimula nang ayusin ito. Hindi pa lumipas ang kalahating oras, sinabi ni Renz na tinawagan na niya ang pulisya para ipasara ang lending company. Tumango ako ng kuntento at tinawagan si Jennie. Nang matanggap ni Jennie ang tawag, nagulat siya "Hoy, Hector, anong masamang hangin ang nagdala sa'yo para tawagan ako? Gusto mo bang magmakaawa at gusto mong palayain ko si Anne?"Pumreno si Jennie at nagbiro"Ikaw lang ang nagtatangi kay Anne. Hindi siya gusto ng pamilya niya, at hindi ko rin siya gusto. Ano? Takot na takot ka na ba? Gusot mo bang..." Bago pa niya natapos ang sinabi niya ay, ininterrupt ko na siya. "My dear sister in law, kilala mo ba ang JV Company?"Agad na natigilan ang ngiti sa mukha ni Jennie. Ang kumpanya na iyon ay isang lending company na pinatayuan ng malayong kamag-anak niya, at sobrang taas ng interest rate. Hindi siya basta-basta nag-i-invest sa mga ordinaryong kumpanya, pero dahil s
ANNE POV [Anne, mamatay ka na!] [hayop na teacher yan ng dahil sa kaniya baka ang anak ng lalaking nilandi niya ay nagpakamatay] [Paano naging teacher ang ganoong klaseng tao!] [Hindi lang ito maling paggabay sa mga estudyante, kundi pananamantala sa tao! Kung nagpakamatay ang estudyanteng iyon, dapat na makulong yang teacher Anne na yan!] [Oo! Buhay kapalit ng buhay!] [tama kawawa ang bata!] [sobrang ligalig ng teacher na yanb! Napakalupit ng teacher na to! Sa tingin ko, pinilit niyang magpakamatay ang anak ni Damian para pakasalan siya nito! Sa ganuong paraan, wala nang makikipaglaban para sa ari-arian sa hinaharap!] [My God! Nakakatakot ang ganitong klaseng babae!] [Sama-sama tayong magreklamo sa departament of education at kasuhan siya, para hindi na siya makapagturo sa anumang paaralan sa Tondo!] [Sige, gawin natin! Sasali ako!] … Tumindi nang tumindi ang mga komento sa internet, at may ilan pang nagsabing patay na si Malou. May ilang netizens na nagsim
THIRD PERSON POVLingid sa kaalaman ni Anne na ang nagmabuting loob na ito sa kaniya ay padala ng kanyang asawang si Hector. Hindi niya alam na ng mga sandaling nakasakay na siya sa taxi ay sumunod din ang babaeng ito sa kaniya para protektahan siya. Di nagtagal, nakarating si Anne sa lumang museum na iyon.Pagkababa pa lang niya ng sasakyan, agad niyang narinig ang mahihinang boses ng mga estudyante mula sa plataporma sa ikaapat na palapag.Pamilyar ang boses na iyon sa kaniya at iyon ay walang iba kundi ang mga estudyante niya mula sa dati niyang klase.Napangiti si Anne sa tuwa, at habang papasok na siya sa museum, bigla niyang narinig ang sunod-sunod na pagsara ng mga pinto ng sasakyan sa likuran niya.Isa sa kanila ang napasigaw “Tingnan niyo! May mga estudyante sa taas!”“Bilis, kunin ang mga gamit at simulan ang pagkuha ng video!”“Oo, oo! I-live broadcast ko agad ito ngayon!”Napatigil si Anne at nang tumingala siya, halos tumigil ang tibok ng kanyang puso sa takot.“Oh God
… Itinaas ni Malou ang kanyang kamay, at ang ibang mga estudyante ay tumahimik. Tiningnan niya ang mga kamera na nakatutok sa kanya: *“Hayaan niyo akong magsalita muna. Teachet Anne, sobrang gusto kita. Ikaw ang pinakamagaling na teacher na nakilala ko. Ipinakilala mo sa akin ang maraming mga kaakit-akit na kaalaman na hindi ko matutunan mula sa mga aklat-aralin.” “Gusto ko ang mga alamat. May mga talaan na hindi mo rin maintindihan. Ngunit tuwing tinatanong kita, sisikapin mong mangalap ng maraming impormasyon, magsusulat ng mga tala, at pagkatapos ay ibabahagi ito sa akin. kaya gustong gusto kita.” “Hindi mo ako tinutukso sa mga gusto ko, at hindi ka katulad ng mga magulang ko na laging sinasabi na walang kwenta ang mga binabasa kong libro.” “Pero hindi ka gusto ng Mommy ko. Sabi niya, kulang ang mga takdang-aralin mo. Kaya gusto ka niyang paalisin.” “Nakita ko mismo na sinusulsulan niya ang loob ng iba pang mga magulang sa parent group para ilipat ka sa ibang klase. Masakit n
"hmp….Huwag mong sabihin..." Mabilis na tinakpan ni Anne ang kanyang bibig, "Paano mo nasabi lahat ng ito?""Misis ko ang pagkain at sex ay likas sa tao. Nag-aalala ako na kung hindi ko ipapakita ang tunay kong mga hangarin sa iyo, baka isipin ng misis ko na hindi ako sapat."Anne: ...Bigla akong nakaramdam na parang ako ang nagpapakawala ng bala sa aking sariling paa."Eh...ehh, wag ko na lang kayang isulat. Nakakahiya" Ang ulo ni Anne ay nakayuko ng mababa, nakasandal sa akin na parang isang munting quail.Talaga namang minahal ko siya sa ganitong paraan at hindi ko maiwasang biruin pa siya ng husto. "Ay hindi pwede. Paano kung tumanggi si Mrs. Valderama na magbayad? Kailangan ang utang ay binabayaran ng may interes. Tandaan mo negosyante ako"Sinasabi ko iyon habang kinakagat ang earlobe ni Anne "At may nakasulat na akong handwritten note para sayo hon... Hindi ba't dapat lang na ang Misis ko ay magsulat din para sa akin? O hindi ba ako mahal ng misis ko?"Pinagdikit ni Anne an
"Okay naiintindihan ko, pero hon, ano’ng naging resulta?""Ang resulta, kami ang tumira sa kanilang mga pangunahing kumpanya, at ng makuha na namin ito at hindi na nila kayang tumayo. Hinayaan na nila ang Tondo Pharmaceutical Industry at hindi na nangahas pang manghimasok. " hindi ko namamalayang lumakas pala ang tono ko at puno ng kapangyarihan at pagplano. Ang puso ni Anne ay kumabog na parang may tumama sa kanya.Hinawakan niya ang aking mukha at hinalikan ako ng direkta "hayst, ang galing talaga ng asawa ko! Gumastos ka ba ng malaking pera para durugin ang mga taong yun?""Oo." Tumango ako. "Malaki talaga ang unang puhunan. Nang mag-invest kami, unti-unting bumagsak ang mga stocks nila. Pero nung kinolekta na namin ang huling neto kagabi, lahat ng investments namin ay dumoble. At kumita kami ng malaking kita!"Ang dugo ni Anne ay uminit nang marinig iyon, at lalo pa niyang pinapuri ako."Honey, ang galing mo! Ikaw talaga ang pinaka-magaling na asawa sa buong mundo!"[sa isip ni A
Bahagyang itinaas ni Vince ang mga labi niya at tinitigan si Hector na may kakaibang tingin sa mata.Alam niyang hindi ginalaw ni Hector si Anne ng gabing iyon! Tinutukso niya ang lahat, para ipaalam na hindi niya kayang gawin ang nagawa niya!Sa katunayan, hindi naman talaga niya kaya!Si Hector ay tinitigan ng mga tao at ang mukha niya ay malamig tulad ng yelo sa isang kuweba.Pinagawa niya kay Renz ang 20,000 frog jumps pero sa tingin niya ay mukhang kulang pa rin iyon!Si Hector: ...Si Anne: ...Nahulog ang talaba sa bibig ni Don Antonio "Ano ito? Bakit kinakain ito ni Hector?"Tinakpan ni Anne ang kanyang mukha sa sobrang hiya "sorry Pa, wala po ito, nagkamali lang talaga ako."Hindi naintindihan na ni Don Antonio ang ibig niyang sabihin at tumingin siya ng may pagkalito sa kanyang panganay na anak.Tumingin si Felix sa mga talaba na may kakaibang ekspresyon "Pa dapat ka rin niya para malakas ang mga tuhod mo!” Kaagad na nag-react ang matandang lalaki "Ay naku, matanda na ako,
"Maganda kung ganun, dahil sa totoo lang wala akong kapatid na kagaya mo, kaya hindi ka na dapat nakikipag-ugnayan pa sa akin. At saka, kung gusto mong pagtawanan ako, mukhang hindi na yata yan mangyayari. Huwag mong kalimutan, Misis Valderama na ako ngayon. Kahit na bumagsak pa ang asawa ko , bilang isang Valderama ay igagalang pa rin ako sa buong Tondo!” "At saka, si Elaine, na pinakamamahal niyo, ano man ang gawin niya ay hinding hindi siya magiging Valderama."Hindi na ako nagtagal pa, in-screen shot ko ang tawag na iyon at pinatay ko diretso ang tawag ni Charles at ipinadala iyon kay Elaine."Elaine, tignan mo nga naman, si Charles mismo ang tumawag sa akin. Ang saya-saya ko!” Pagkatapos kong ipadala iyon, iniwan ko na ang cellphone ko at nagpatuloy ako sa pag-ihaw ng mga oysters.Kahit na may mga problema sa buhay, mas lalo ko nang na-appreciate ang pagiging medyo "makulit" na Anne ngayon. Iniiwasan ko na ang maging mabait at sunud-sunuran kanino man.Natigilan ako sa ginagawa
Inisip ko na baka nakatulong na rin ang pagiging bukas ko tungkol sa aking pamilya, at baka kahit paano ay makita nila na hindi ako pabigat, kundi may malasakit din sa eskwelahan at mga mag-aaral.Pagkatapos kong magsalita, huminga ako ng malalim at napansin ko ang pagbabago sa ekspresyon ni Principal Leoncio. Hindi ako sigurado kung na-appreciate ba niya ang mga sinabi ko. Kung may naramdaman man siyang kaba kanina, ngayon ay tila nawala ito. "Sige, Teacher Anne, dahil malinaw naman ang paliwanag mo sa akin, tutulungan kita. Pero pwede bang ayusin mo ang isyu mo sa pamilya mo."Pagkatapos niyang magsalita, biglang tumunog ang cellphone ni Principal Leonci.Tiningnan niya ang pangalan sa screen, at ang dati niyang kalmadong ekspresyon ay bahagyang nagbago. Agad niyang sinagot ang tawag ng may nanginginig na boses."Hello, Sir Hector! How are you today?”Natigilan ako ng marinig ko ang pangalan ng isang ‘Hector’Asawa ko ba ang tumawag sa kaniya?Paulit-ulit na sumagot si Principal Leo
Sumunod agad ang isa pang executive ay nagmamadaling magpaliwanag."Oo, tama! Maganda nga iyan saka sa pagkaka-alam ko ang mga indgredients niyan ay organic kaya usually siyang pino-promote ng mga sikat na personalidad! Kaya din naging malakas ang item na yan. Alam ko long last iyan!” Mukhang unti-unting lumuluwag ang tensyon, pero biglang sumingit ang isang bagong executive."Tama! Hindi ibig sabihin nito na may problema si Mr. Valderama sa aspetong iyon!"Renz: ...Lahat ng nasa meeting: !!!Muling lumubog sa awkwardness sa buong paligid.Biglang tumunog ang telepono sa mesa ko at galit ko itong sinagot.Sa kabilang linya, malakas at tuwang-tuwang boses ni Direktor Manuel ang bumungad sa akin."HAHAHAHA... Hector, narinig kong hindi ka na daw tinatayuan?” Hindi ko mapigilan ang lalong magalit sa narinig ko. "Sino naman ang nagsabi sa'yo niyan?""Sino pa, edi ang Asawa mo! Siya mismo ang lumapit sa akin at nagtanong tungkol sa kondisyon mo. HAHAHA! Hector, kung may nangyari sa'yo
Pagpasok ko pa lang sa loob ng principal’s office ay naglatag ng ilang picture si Principal Leoncio sa harapan ko. At ang mga picture na yun ay mga picture ko.Ang unang picture ay kuha noong araw na gusto akong hostage-in ng mga tauhan ni Papa sa harap mismo ng school.Sa isa pang picture, makikita akong nag-uutos sa mga bodyguard ng pamilya Valderama na itali ang mga taong iyon at dalhin sila sa teahouse sa kabila ng kalye kung saan naruruon ang Papa ko na nag-utos sa kanila.Sa anggulong ginamit sa kuha, nagmukha akong isang boss na matapang, may awtoridad, parang isang malaking boss sa isang mafia film.Nakita kong palihim na lumunok ng laway si Principal Leoncio , marahil ay natakot din siya..Dati, kaya pa niya akong kontrolin. Pero ngayon? Ibang Anne na ang nasa harap niya.Matagal siyang nag-isip bago maingat na nagsalita."Ganito kasi, Teacher Anne... may mga natanggap kaming reklamo mula sa maraming mga parents na may kasamang mga picture, at sinasabi nilang... nag-aalala s
Pinisil ko ang labi ko at ngumiti nang bahagya. "Sa totoo lang Mary, mas gusto ko ang sarili ko ngayon." Tinapik ni Mary ang balikat ko saka ngumiti "Dapat matagal mo nang ginawa 'yan!" Pero sa halip na mapangiti ako, naramdaman kong may bumabagabag pa rin sa akin. Napansin iyon ni Mary at sinulyapan ako. "Bakit? Tapos na ang pinakamalaking problema mo, pero mukhang hindi ka pa rin masaya?” Sa totoo lang, matagal ko nang gustong sabihin ito. Walang kinalaman ito tungkol sa nangyari sa akin. Dalawang gabi nang kakaiba ang ikinikilos ni Hector at hindi ko maiwasang mag-alala. Dalawang beses na niya akong tinatanggihan. Sa huli, napilit din nila akong magsalita. Pagkarinig pa lang niyon, napamura si Mary. "My God! Hindi na ba tumatayo ang tit* ni Hector?” “Hindi... hindi naman, hindi ganoon ang ibig kong sabihin ano ka ba yung bibig mo talaga nakakahiya kay Mrs.Sanvictores" mabilis kong sagot at pilit na ibinababa ang ulo ko. "Okay naman siya noon..." Umiling sa akin
"Naniniwala ako," sagot ko nang walang emosyon. "Pero alam mo naman ang ugali ni Papa, hindi ba? Tignan na lang natin kung paano ka niya paparusahan kapag nalaman niya ito." Sa sinabi ko kitang-kita ko kung paano siya napalunok at napaatras nang bahagya. Hindi na maitatago ang matinding takot sa kanyang mga mata. Alam niyang hindi basta-basta palalampasin ni Papa ang ganitong usapin at kilala namin pareho kung paano magalit si Papa lalo na kung malalaman niyang iniiputan siya sa ulo ni Mama. Hindi ko pa rin makalimutan ang nangyari dati , noong biglang yakapin ng isang baliw si Mama , halos mapatay na siya ni Papa sa bugbog. Dun pa nga lang sa bagay na hindi naman niya ginawa, paano pa kaya ngayon kapag nalaman ni Papa na ginamit niya ang pera ni Papa para ibigay sa ibang lalaki bilang tip? “Hindi. Hindi dapat malaman ni Rolando.” Matalim ang tingin na ibinigay sa akin ni Mama, ang kanyang mga ngipin ay mahigpit na nagkakaskasan habang nagsalita. "Hayop kang bata ka! Sabihi