Napangiwi si Luigi at napatanong, "Eh... paano kung hindi ko ginawa 'yon kanina? Paano kung hinayaan ko lang na mahuli ka ng asawa mo?” "Pagtiisan mo na lang d’yan sa puno saglit. Ipapakuha ko si General kay Renz bukas ng umaga."Biglang nawalan ng pag-asa si Luigi. "Hindi naman mahirap, pero parang ang hirap mabuhay."Napangiti ako bago ko ibinaba ang tawag. Pakiramdam ko ay gumaan ang loob ko.Ngunit sa sumunod na sandali, tumawag si Renz."Boss, gusto kang makausap ni Damian.""Okay." Sa loob ng isang segundo, biglang dumilim ang ekspresyon ko at mariing nagngitngit ang aking mga ngipin. Sa ward. Nang makita ako ni Damian, awtomatikong umatras siya patungo sa gilid ng kama, itinuturo ako at nauutal na sinabi, "Ikaw—diyan ka lang, huwag kang lalapit."Naka-upo ako sa wheelchair, ang mahahabang daliri na may malinaw na mga kasukasuan ay sumusuporta sa salamin na may gintong rim sa aking ilong, at ngumiti ng may kasamaan. "Aba Damian, para kang nakakita ng multo? Hindi ba't sin
May malumanay at walang kasamaan akong napangiti. "Sige." Sumagot si Renz at nagsimula nang ayusin ito. Hindi pa lumipas ang kalahating oras, sinabi ni Renz na tinawagan na niya ang pulisya para ipasara ang lending company. Tumango ako ng kuntento at tinawagan si Jennie. Nang matanggap ni Jennie ang tawag, nagulat siya "Hoy, Hector, anong masamang hangin ang nagdala sa'yo para tawagan ako? Gusto mo bang magmakaawa at gusto mong palayain ko si Anne?"Pumreno si Jennie at nagbiro"Ikaw lang ang nagtatangi kay Anne. Hindi siya gusto ng pamilya niya, at hindi ko rin siya gusto. Ano? Takot na takot ka na ba? Gusot mo bang..." Bago pa niya natapos ang sinabi niya ay, ininterrupt ko na siya. "My dear sister in law, kilala mo ba ang JV Company?"Agad na natigilan ang ngiti sa mukha ni Jennie. Ang kumpanya na iyon ay isang lending company na pinatayuan ng malayong kamag-anak niya, at sobrang taas ng interest rate. Hindi siya basta-basta nag-i-invest sa mga ordinaryong kumpanya, pero dahil s
ANNE POV [Anne, mamatay ka na!] [hayop na teacher yan ng dahil sa kaniya baka ang anak ng lalaking nilandi niya ay nagpakamatay] [Paano naging teacher ang ganoong klaseng tao!] [Hindi lang ito maling paggabay sa mga estudyante, kundi pananamantala sa tao! Kung nagpakamatay ang estudyanteng iyon, dapat na makulong yang teacher Anne na yan!] [Oo! Buhay kapalit ng buhay!] [tama kawawa ang bata!] [sobrang ligalig ng teacher na yanb! Napakalupit ng teacher na to! Sa tingin ko, pinilit niyang magpakamatay ang anak ni Damian para pakasalan siya nito! Sa ganuong paraan, wala nang makikipaglaban para sa ari-arian sa hinaharap!] [My God! Nakakatakot ang ganitong klaseng babae!] [Sama-sama tayong magreklamo sa departament of education at kasuhan siya, para hindi na siya makapagturo sa anumang paaralan sa Tondo!] [Sige, gawin natin! Sasali ako!] … Tumindi nang tumindi ang mga komento sa internet, at may ilan pang nagsabing patay na si Malou. May ilang netizens na nagsim
THIRD PERSON POVLingid sa kaalaman ni Anne na ang nagmabuting loob na ito sa kaniya ay padala ng kanyang asawang si Hector. Hindi niya alam na ng mga sandaling nakasakay na siya sa taxi ay sumunod din ang babaeng ito sa kaniya para protektahan siya. Di nagtagal, nakarating si Anne sa lumang museum na iyon.Pagkababa pa lang niya ng sasakyan, agad niyang narinig ang mahihinang boses ng mga estudyante mula sa plataporma sa ikaapat na palapag.Pamilyar ang boses na iyon sa kaniya at iyon ay walang iba kundi ang mga estudyante niya mula sa dati niyang klase.Napangiti si Anne sa tuwa, at habang papasok na siya sa museum, bigla niyang narinig ang sunod-sunod na pagsara ng mga pinto ng sasakyan sa likuran niya.Isa sa kanila ang napasigaw “Tingnan niyo! May mga estudyante sa taas!”“Bilis, kunin ang mga gamit at simulan ang pagkuha ng video!”“Oo, oo! I-live broadcast ko agad ito ngayon!”Napatigil si Anne at nang tumingala siya, halos tumigil ang tibok ng kanyang puso sa takot.“Oh God
… Itinaas ni Malou ang kanyang kamay, at ang ibang mga estudyante ay tumahimik. Tiningnan niya ang mga kamera na nakatutok sa kanya: *“Hayaan niyo akong magsalita muna. Teachet Anne, sobrang gusto kita. Ikaw ang pinakamagaling na teacher na nakilala ko. Ipinakilala mo sa akin ang maraming mga kaakit-akit na kaalaman na hindi ko matutunan mula sa mga aklat-aralin.” “Gusto ko ang mga alamat. May mga talaan na hindi mo rin maintindihan. Ngunit tuwing tinatanong kita, sisikapin mong mangalap ng maraming impormasyon, magsusulat ng mga tala, at pagkatapos ay ibabahagi ito sa akin. kaya gustong gusto kita.” “Hindi mo ako tinutukso sa mga gusto ko, at hindi ka katulad ng mga magulang ko na laging sinasabi na walang kwenta ang mga binabasa kong libro.” “Pero hindi ka gusto ng Mommy ko. Sabi niya, kulang ang mga takdang-aralin mo. Kaya gusto ka niyang paalisin.” “Nakita ko mismo na sinusulsulan niya ang loob ng iba pang mga magulang sa parent group para ilipat ka sa ibang klase. Masakit n
ANNE POVLaking gulat ko ng pagkasabi noon ni Malou sa akin ay bigla siyang sumugod sa anak at pinalo ito sa likod ng ulo. "Ikaw... ikaw talaga… wala kang kwentang bata! Kumakampi ka pa sa ibang tao! Alam mo bang inilantad mo ang nakaraan ng ama mo sa harap ng napakaraming tao? Hindi ka nag-iisip. Alam mo bang maari itong ikapahamak ng ama mo!” Napayuko sandali si Malou matapos matamaan, pero agad siyang tumingin nang diretso sa Mommy niya, puno ng determinasyon ang kanyang mga mata."Mommy, hindi ganoon, gusto ko lang ng peace of mind. Nakukunsesnsya na kasi ako sa ginagawa ng mga tao kay Teacher Anne!” Natigilan si Mrs. Sanvictores, halatang nagulat siya sa sinabi ng kanyang anak. Hindi siya makapaniwalang makakapag salita ng ganoon ang kaniyang anak, kung iisipin sa edad nitong sampung taon ay parang napakalabong makapag isip ito ng ganoong mga bagay. "Ang ama mo... ang ama mo... sa totoo lang..." Nais sanang ipagtanggol ni Mrs. Sanvictores ang imahe ng kaniyang asawa batay sa
Pumabor ang reputasyon online sa akin, at natapos na rin ang voting channel para sa district teacher election.Ang competition committee, na dati ay itinatago ang mga resulta, ay kinuha ang pagkakataong ito upang ilabas na ang resulta, ipinahayag ang top three ng district para sa outstanding people's teacher teaching competition.Kabilang dito, ang pangalan ko na matibay na nakatayo sa unang pwesto.Maraming guro sa school group ang nagpadala ng mga voice message ng pagbati.[Anne, congratulations!][Teacher Anne, congratulations!] [Anne, treat mo kami this time!][Tama, Teacher Anne, bukas ay Sabado, bakit hindi tayo bumili ng mga sangkap para sa hot pot at pumunta sa bahay mo para mag-dinner? By the way, pwede na rin nating ipagdiwang ang kasal mo at ang pagkapanalo mo sa first prize sa district teacher competition.]Nagulat ako nang marinig ko ang voice message, at awtomatikong napatingin ako kay Hector "Gusto ng mga kasamahan ko na pumunta sa bahay natin, okay lang ba?"Ngumit
Isa sa pinaka problema naming mga teacher ay ang paggising ng napaka aga bago pumasok sa araw-araw! Lalo na ang ibang teacher na nakatira sa malalayong lugar. Kaya nahihirapan ang lahat kapag taglamig na, kailangan pa nilang bumangon sa kanilang malalambot na kama ng 5-6am para makahabol sa bus ng 7:30am. "Anne, talagang naiinggit ako sa iyo!""Tama, kung ako lang, gusto ko ring makatira sa bahay na ganyan. Gigising ka talaga ng may ngiti sa mga labi” Ilan sa mga teacher na hindi ko nakakaaway ay nagpahayag ng kanilang pagkainggit sa akin. At sa mga sandaling iyon, biglang dumating ang ilang guards na nakapila at sabay-sabay silang nagbigay galang.Isa sa mga nangungunang security guard ang lumapit at magalang na nagtanong, "Mrs. Valderama, uuwi na ba kayo kasama ang inyong mga kaibigan? Gusto niyo po bang ihanda ko ang service bus para ihatid ko na kayo?” "Okay sige po Manong, salamat."Ngumiti ako at tumango, at agad na tinawagan ng security guard ang service bus at inayos ang
Sa galit, isa sa kanila ang biglang tinulak ang balikat ni Anne at sinabing "Hoy! Alam mo ba kung sino ang kinakalaban mo? Alam mo ba kung sino si Euleen? Siya ang great love ni Hector!"Napaatras si Anne at napatitig sa kanila.Alam niyang matagal nang hinahabol ni Euleen si Hector, pero hindi niya alam na ito pala ay tinatawag na "great love" niya.Nakita ng isa pang socialite na tila nagulat siya, kaya mas lalo itong nagmayabang. "Si Euleen lang ang kaisa-isang babae na ipinakilala at pinrotektahan ni Hector sa publiko. Alam mo ba kung sino si Hector? Anong tapang mo para kalabanin ang babaeng iniingatan niya?"Napalingon si Anne kay Euleen na nakangiti nang may pagmamalaki.Lumapit si Euleen at bumulong malapit sa kanyang tainga:"Siguro hindi mo pa alam ang tungkol sa nakaraan namin ni Hector, hindi ba?" Tumawa siya nang mahina at mas lalong inilapit ang kanyang bibig kay Anne."Hindi mo siguro alam na ibinigay sa akin mismo ni Hector ang isang room card."Nanlaki ang mga mata
Dahil nagbago ang mga patakaran sa election dinner pero hindi niya ito pwedeng sabihin sa kandidato kaya’t nagbigay lang ng payo si Mrs. Sanvictores ng mahinahon. "Anne, relax ka lang. Ang mahalaga ngayon ay kailangan mong maghanda ng magandang gown na gagamitin mo mamaya sa event.Lahat ng mga babae ay magpapaganda para sa banquet ngayong gabi. Kung gusto mong talunin si Euleen, mahalaga rin ang imahe at porma mo."Pagkasabi niya nito ay kumatok ang isang styling team sa opisina ni Mrs. Sanvictores"Miss Anne, kami po ang team na ipinadala ni Sir Hector para ayusan kayo."Masayang lumapit ang Mrs. Sanvictores upang tingnan ang gown at hindi nakalimutang purihin si Anne "Napaka-maalalahanin talaga nitong si Hector."Hindi naman napigilan ni Anne ang mapangiti. "Oo, talagang sobrang bait niya sa akin, wala na kong mahihiling pa sa asawa ko."Pagsapit ng gabi, nagsimula na ang election dinner para sa Vice Chairman ng Care for Women Charity Foundation.Si Euleen ay dumating na nakasuo
Mas pinili nitong hayaan ang mundo na isipin na may kakulangan siya, kaysa idagdag ang kahit kaunting bigat sa kanya.Mas mahalaga sa kaniya ang meron kami at ayos na siya sa kaniya na minsan siyang kinilala bilang Hector na kinatatakutan at iginagalang sa Tondo!Paano niyang hindi mararamdaman ang pagmamahal ng isang taong kasing kagaya ni Hector na nasa itaas na lipunan, na handang gawin ang lahat para sa kanya?Lumapit si Anne at marahang hinagkan si Hector sa kaniyang mga labi. "Salamat, asawa ko."Matapos ang mabilis na halik, tumalikod na sana siya nang biglang hawakan ni Hector ang kanyang baywang."Misis ko, hindi mo ba napapansin? Tuwing hinahalikan mo ako, sumasaludo sayo ang ang alaga ko? Laging ganito na lang."Napaisip si Anne at naalala niyang madalas nga niyang halikan si Hector at totoo ngang nakasaludo na naman ito ng hawakan niya. Kaya’t hindi niya napigilang matawa.Dumilim ang tingin ni Hector at mas pinalalim ang halik ang ginawad niya dito.Nang magsimulang gumap
"Sa ngayon mahirap pang malaman, hindi ko pa makumpirma ng maayos. Pero natuklasan ng mga tao ko na pinaghandaan na ito ng pamilya ni Joana.""Handa? Paano sila makakapaghanda para sa ganitong bagay?" Natawa si Anne sa narinig."Natuklasan namin na ilang beses nang kumonsulta si Joana sa gynecologist. pinasuri rin niya ang kanyang obulasyon at sinadya niyang imbitahan si Vince sa bahay nila sa tamang oras."Nagulat si Anne sa sinabing iyon ni Hector. Hindi niya inakala na sobrang plinano ni Joana ang lahat. Ngumisi si Hector nang malamig. "Akala niyo ba iyon na yun?!” "Sige ano pa?” Tanong ni Donya Estrelita. Pakiramdam ni Anne ay hindi sapat ang salitang "tuso" para ilarawan ang sitwasyon.Tumingin si Hector sa kanyang ina at diretsong ipinaliwanag ang natuklasan "Si Joana at ang kapatid niya ay bumili ng test tubes, medical freezers, at iba pang gamit para sa artipisyal na pagbubuntis.Pagkakuha nila ng similya mula kay Vince ay agad silang nagpunta sa pinakamalapit na ospital
"hmp….Huwag mong sabihin..." Mabilis na tinakpan ni Anne ang kanyang bibig, "Paano mo nasabi lahat ng ito?""Misis ko ang pagkain at sex ay likas sa tao. Nag-aalala ako na kung hindi ko ipapakita ang tunay kong mga hangarin sa iyo, baka isipin ng misis ko na hindi ako sapat."Anne: ...Bigla akong nakaramdam na parang ako ang nagpapakawala ng bala sa aking sariling paa."Eh...ehh, wag ko na lang kayang isulat. Nakakahiya" Ang ulo ni Anne ay nakayuko ng mababa, nakasandal sa akin na parang isang munting quail.Talaga namang minahal ko siya sa ganitong paraan at hindi ko maiwasang biruin pa siya ng husto. "Ay hindi pwede. Paano kung tumanggi si Mrs. Valderama na magbayad? Kailangan ang utang ay binabayaran ng may interes. Tandaan mo negosyante ako"Sinasabi ko iyon habang kinakagat ang earlobe ni Anne "At may nakasulat na akong handwritten note para sayo hon... Hindi ba't dapat lang na ang Misis ko ay magsulat din para sa akin? O hindi ba ako mahal ng misis ko?"Pinagdikit ni Anne an
"Okay naiintindihan ko, pero hon, ano’ng naging resulta?""Ang resulta, kami ang tumira sa kanilang mga pangunahing kumpanya, at ng makuha na namin ito at hindi na nila kayang tumayo. Hinayaan na nila ang Tondo Pharmaceutical Industry at hindi na nangahas pang manghimasok. " hindi ko namamalayang lumakas pala ang tono ko at puno ng kapangyarihan at pagplano. Ang puso ni Anne ay kumabog na parang may tumama sa kanya.Hinawakan niya ang aking mukha at hinalikan ako ng direkta "hayst, ang galing talaga ng asawa ko! Gumastos ka ba ng malaking pera para durugin ang mga taong yun?""Oo." Tumango ako. "Malaki talaga ang unang puhunan. Nang mag-invest kami, unti-unting bumagsak ang mga stocks nila. Pero nung kinolekta na namin ang huling neto kagabi, lahat ng investments namin ay dumoble. At kumita kami ng malaking kita!"Ang dugo ni Anne ay uminit nang marinig iyon, at lalo pa niyang pinapuri ako."Honey, ang galing mo! Ikaw talaga ang pinaka-magaling na asawa sa buong mundo!"[sa isip ni A
Bahagyang itinaas ni Vince ang mga labi niya at tinitigan si Hector na may kakaibang tingin sa mata.Alam niyang hindi ginalaw ni Hector si Anne ng gabing iyon! Tinutukso niya ang lahat, para ipaalam na hindi niya kayang gawin ang nagawa niya!Sa katunayan, hindi naman talaga niya kaya!Si Hector ay tinitigan ng mga tao at ang mukha niya ay malamig tulad ng yelo sa isang kuweba.Pinagawa niya kay Renz ang 20,000 frog jumps pero sa tingin niya ay mukhang kulang pa rin iyon!Si Hector: ...Si Anne: ...Nahulog ang talaba sa bibig ni Don Antonio "Ano ito? Bakit kinakain ito ni Hector?"Tinakpan ni Anne ang kanyang mukha sa sobrang hiya "sorry Pa, wala po ito, nagkamali lang talaga ako."Hindi naintindihan na ni Don Antonio ang ibig niyang sabihin at tumingin siya ng may pagkalito sa kanyang panganay na anak.Tumingin si Felix sa mga talaba na may kakaibang ekspresyon "Pa dapat ka rin niya para malakas ang mga tuhod mo!” Kaagad na nag-react ang matandang lalaki "Ay naku, matanda na ako,
"Maganda kung ganun, dahil sa totoo lang wala akong kapatid na kagaya mo, kaya hindi ka na dapat nakikipag-ugnayan pa sa akin. At saka, kung gusto mong pagtawanan ako, mukhang hindi na yata yan mangyayari. Huwag mong kalimutan, Misis Valderama na ako ngayon. Kahit na bumagsak pa ang asawa ko , bilang isang Valderama ay igagalang pa rin ako sa buong Tondo!” "At saka, si Elaine, na pinakamamahal niyo, ano man ang gawin niya ay hinding hindi siya magiging Valderama."Hindi na ako nagtagal pa, in-screen shot ko ang tawag na iyon at pinatay ko diretso ang tawag ni Charles at ipinadala iyon kay Elaine."Elaine, tignan mo nga naman, si Charles mismo ang tumawag sa akin. Ang saya-saya ko!” Pagkatapos kong ipadala iyon, iniwan ko na ang cellphone ko at nagpatuloy ako sa pag-ihaw ng mga oysters.Kahit na may mga problema sa buhay, mas lalo ko nang na-appreciate ang pagiging medyo "makulit" na Anne ngayon. Iniiwasan ko na ang maging mabait at sunud-sunuran kanino man.Natigilan ako sa ginagawa
Inisip ko na baka nakatulong na rin ang pagiging bukas ko tungkol sa aking pamilya, at baka kahit paano ay makita nila na hindi ako pabigat, kundi may malasakit din sa eskwelahan at mga mag-aaral.Pagkatapos kong magsalita, huminga ako ng malalim at napansin ko ang pagbabago sa ekspresyon ni Principal Leoncio. Hindi ako sigurado kung na-appreciate ba niya ang mga sinabi ko. Kung may naramdaman man siyang kaba kanina, ngayon ay tila nawala ito. "Sige, Teacher Anne, dahil malinaw naman ang paliwanag mo sa akin, tutulungan kita. Pero pwede bang ayusin mo ang isyu mo sa pamilya mo."Pagkatapos niyang magsalita, biglang tumunog ang cellphone ni Principal Leonci.Tiningnan niya ang pangalan sa screen, at ang dati niyang kalmadong ekspresyon ay bahagyang nagbago. Agad niyang sinagot ang tawag ng may nanginginig na boses."Hello, Sir Hector! How are you today?”Natigilan ako ng marinig ko ang pangalan ng isang ‘Hector’Asawa ko ba ang tumawag sa kaniya?Paulit-ulit na sumagot si Principal Leo