Share

Chapter 45

last update Last Updated: 2025-02-20 20:53:27

Tahlia POV

Pagdating ko sa mansiyon ng mga Villafuerte, pakiramdam ko ay may kakaiba kasi biglang dumoble ang mga security guard. Hindi ko alam kung anong eksaktong mali, pero sa sandaling ipinasok ko ang sasakyan sa garden, agad akong hinarang ng mga bodyguard doon. Minsan ko nang nakita ang ilan sa kanila, pero hindi pa ako kailanman pinigilan ng kahit sino sa lugar na ito.

"Ma'am, hindi na kayo puwedeng pumasok," seryosong sabi ng isa sa mga guwardiya habang tumatapat siya sa gilid ng sasakyan ko.

"What? Since when?" tanong ko na hindi makapaniwala. "Axton is expecting me. Just let me in."

Hindi siya sumagot, pero hindi rin siya tumabi. Ramdam ko ang kaba sa dibdib ko. Sa puntong ito, gusto kong bumaba at pumasok na lang nang hindi nila pinapansin, pero bago ko pa magawa iyon, bumukas ang pinto ng mansiyon nila Axton.

OMG! Nakauwi na pala siya.

Doon ko siya nakita—si Mama Toni. Nasa Pilipinas na pala siya ulit.

Ang saya ko pa kasi close na kami simula pa nung bago palang kami ni A
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Related chapters

  • For Rent: Groom For The Billionaire    Chapter 46

    Tahlia POVBumagsak ang katawan ko sa upuan ng sasakyan habang mahigpit kong hawak ang manibela. Tumutulo pa rin ang luha ko, hindi ko na mapigilan ang patuloy na pagtulo ng mga luha sa mga mata ko.Wala akong pakialam kung magmukha akong kahabag-habag sa mga taong nakakasabay kong mag-drive ng kotse dito sa highway. Wala na si Axton. Tinago na siya ng mama niyang si Toni, dinala na sa ibang bansa, malayo sa akin, malayo sa kahit anong paraan para makabalik ako sa tabi niya.Hindi alam ng mama ni Axton na inaalagaan kong mabuti si Axton ngayon kapag may free time ko. Hindi niya alam na kami na lang ni Zain ang nagpapasaya sa kaniya, tapos ilalayo pa niya ito.Sana kasi ay magsalita si Zain para alam ng mama niya ang sitwasyon namin ngayon. Bakit kasi pumayag siyang lumipad sa ibang bansa.Nagmamadali akong nagmaneho pauwi. Wala na akong ibang matatakbuhan kundi ang mga magulang ko. Kahit alam kong hindi nila lubos na naiintindihan ang pagmamahal ko kay Axton, sila pa rin ang inaasahan

    Last Updated : 2025-02-20
  • For Rent: Groom For The Billionaire    Chapter 47

    Zain POVMaghapon akong abala sa pag-aayos at pamimili ng mga kulang pang gamit para sa bahay namin. Maaga pa lang, sinundo ko na ang mama ko sa bahay at sabay kaming nagtungo sa palengke. Hindi lang basta kasangkapan ang binili ko, kundi pati na rin ang mga bagay na sa tingin ko'y magpapagaan ng buhay niya.Kasama rin namin si Boyong, siyempre. Malakas siya sa akin, kaya kahit ano'ng ituro niyang gusto niya, agad ko nang nilalagay sa cart. Hindi ko naman maipagkakailang malaki rin ang utang na loob ko sa kanya.“Sigurado ka bang kaya mo ‘to lahat, Zain?” tanong ng mama ko habang tinitingnan ang listahan namin.“Ma, ano ka ba? Konti lang ‘to. Titingin pa tayo ng kurtina saka unan mamaya.”Napailing na lang siya, pero alam kong masaya siya. Noon kasi, puro tiyaga lang kami sa luma naming gamit. Ngayong mapera na ako, gusto kong bigyan siya ng ginhawa, kahit sa simpleng paraan lang.Mabuti na lang at may kakilala akong nagpapaupa ng lumang jeep. Hindi ko na kailangang magbayad ng malaki

    Last Updated : 2025-02-20
  • For Rent: Groom For The Billionaire    Chapter 48

    Zain POVPagdating ni Tahlia sa bahay ko, halata na agad sa mukha niya ang lungkot. Namumugto ang mga mata niya at hindi ko na kailangang magtanong kung bakit. Alam kong may bumabagabag sa kanya.Nang sabihin niya sa akin na inaway siya ng mama ni Axton, doon ko lang tuluyang na-realize na mali pala ang naging hinala ko. Akala ko patay na si Axton, pero parang ganoon na rin. Malayo na siya kay Tahlia, nasa ibang bansa na at mukhang hindi na babalik pa.Para sa akin, hindi iyon tama. Alam kong kaunting panahon na lang ang natitira kay Axton at wala pang alam doon si Tahlia. Hindi niya man lang nalaman ang totoo, tapos lalo pang pinaglayo sila ng mama ni Axton.Napabuntong-hininga ako. Kaunting oras na lang ang natitira para sa kanila, pero sa halip na samantalahin iyon, naging hadlang pa ang pamilya ni Axton.Napatingin ako kay Tahlia, na parang wala na talagang ibang maisip kundi ang sakit na nararamdaman niya ngayon.“Gusto kong uminom,” biglang sabi ni Tahlia na ikinagulat ko.Napat

    Last Updated : 2025-02-20
  • For Rent: Groom For The Billionaire    Chapter 49

    Tahlia POVMas lalo pang nadurog ang puso ko nang marinig ko ang sinabi ni Zain. Hindi lang pala basta lumayo si Axton, kundi may dahilan na mas mabigat, mas masakit. May taning na ang buhay niya at hindi manlang iyon sinabi sa akin ni Axton at kahit ng mama niya.Parang nagdilim ang paningin ko. Parang biglang naging puti at itim ang paligid ko na parang nawalan nang kulay. Wala nang sigla. Wala nang dahilan para ngumiti pa.Naramdaman kong nanginginig ang mga kamay ko habang tinatakpan ang bibig ko, habang pilit na hinaharang ang hikbi na gustong kumawala sa akin. Pero hindi ko na napigilan talaga. Isang malalim na buntong-hininga at kasunod noon, isang malakas na hagulgol. Hindi ko na alam kung paano ko mapipigilan ang luha ko. Paano pa kasi nakakalungkot malaman na ang lalaking matagal kong minahal na nilayo sa akin ng pamilya niya ay malapit na palang mamatay."Why? Why would they do this to me?" Iyak ko habang napapahawak sa buhok ko."Tahlia..." Lumapit si Zain habang kita ko s

    Last Updated : 2025-02-21
  • For Rent: Groom For The Billionaire    Chapter 50

    Zain POVBilog ang buwan pero parang mas maliwanag pa rin ang ilaw ng poste sa kalsadang tinatahak namin ni Tahlia. Ang dulo ng Garay Street ay tahimik tuwing ganitong oras, pero sa bawat hakbang namin, ramdam ko ang bigat sa dibdib ni Tahlia. Kahit natigil na siya sa pag-iyak, alam kong hindi ibig sabihin nun ay nawala na rin ang lungkot niya."I want lugaw," biglang sabi niya habang pinipilit lumakad nang diretso.Napabuntong-hininga ako habang pilit na inaayos ang paningin kong unti-unting bumabalik sa normal matapos akong huminto sa pag-inom ng alak. Hindi ko na kayang magluto ng kahit ano sa lagay kong ‘to, kaya imbes na pilitin ang sarili, inaya ko na lang siyang lumabas."There's a place at the corner. Let's just eat there."Hindi siya tumanggi, kaya nagpatuloy kami sa paglalakad. Para kaming mga zombie. Ako, unti-unting bumabalik na sa wisyo, samantalang siya, medyo gewang-gewang na. Hindi ko alam kung dahil sa alak o dahil sa pagod sa kaiiyak.Habang naglalakad kami, nadaanan

    Last Updated : 2025-02-21
  • For Rent: Groom For The Billionaire    Chapter 51

    Zain POVMasakit ang ulo ko. Ramdam ko pa rin ang bigat ng katawan ko mula sa ininom namin kagabi ni Tahlia.Nakahiga ako sa sofa, nakatapat ang mukha ko sa kisame, habang sinusubukang alalahanin ang mga nangyari kagabi.Doon na ako nakatulog. Hindi ko na nagawang bumangon para pumunta sa sariling kuwarto. Ang alam ko, si Tahlia ang natulog doon. Ayaw niya raw akong makatabi sa pagtulog kaya hinayaan kong mag-isa siya matulog doon.Napansin kong malinis na ang paligid. Wala na ang mga bote at kalat namin sa lamesa dito sa sala. Alam kong hindi ako ang naglinis. Siguro si Mama.Kumalabog ang pintuan sa likuran ko at narinig kong lumapit si Mama. “Gising ka na pala, anak. May hangover ka pa ba?”“Medyo.” Sinapo ko ang noo ko habang pilit na iniisip kung ano ang uunahin kong gawin.“Maaga umalis si Tahlia. Madaling araw pa lang, wala na siya.”Napatayo ako nang marinig ko iyon. “Ha? Saan daw pupunta?”“Hindi ko na naitanong. Basta sinabi niyang aalis na raw siya.”Tumango na lang ako. Wa

    Last Updated : 2025-02-21
  • For Rent: Groom For The Billionaire    Chapter 52

    Tahlia POVIsang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ko, napahawak tuloy ako sa mukha ko dahil sa sakit pero hindi ako natinag. Mas mahapdi pa ang puso ko dahil sa nabalitaan kong tungkol kay Axton, tapos nasa malayo pa siya kaya wala akong magawa para ma-comport siya.“You’re throwing away ten billion pesos just like that?!” galit na sigaw ng papa ko. Kita ko ang pamumula ng mukha niya hang nanginginig ang mga kamao niya. Galit na galit siya. Pero wala na akong pake.Hindi ako sumagot. Tumayo lang ako doon, hinayaan ko siyang ibuhos ang lahat ng galit niya sa akin. Sa gilid ng paningin ko, nakita ko ang mama ko na umiiyak, nanginginig din habang pilit niyang inaawat si papa.“Dahil sa isang lalaki?! You’re ruining yourself, Tahlia!” Halos pasigaw niyang sabi sa akin.Napahinga ako nang malalim, saka ko siya tiningnan nang diretso sa mata. “Xamara can have it. Lahat. I don’t care.”Parang mas lalo siyang nag-apoy sa galit. Halos gusto na niya akong kaladkarin para ipaintindi sa aki

    Last Updated : 2025-02-21
  • For Rent: Groom For The Billionaire    Chapter 53

    Zain POVSa harap ng bahay namin, nasa ilalim ako ng malaking payong na siyang nagsisilbing bubong ng maliit kong fishball-an. Ang simpleng negosyo kong ito ang bagong simula ko matapos mawalan ng trabaho. Isang simpleng mesa, isang kalan na may kumukulong mantika at ilang lalagyan ng tusok-tusok ang bumubuo sa negosyo kong ito. Hindi man ito marangya tulad ng dati kong trabaho kay Tahlia, ito naman ang paraan ko upang kumita nang marangal.Kung tatanga kasi ako ay wala, walang mangyayari, mauubos lang nang mauubos ang pera ko.Kasama ko ang mama kong masiglang inaasikaso ang mga bumibili. Hindi man ganoon karami ang dumadagsa, steady naman ang kita. Hindi ko inasahan na magiging patok ang negosyo ko rito dulo ng Garay Street. Ang totoo niyan, wala naman kasing gaanong nagtitinda sa lugar na ito, kaya naman malakas ang benta ko.Habang patuloy ako sa pagtuos ng panukli, narinig ko ang pagpreno ng isang sasakyan sa harapan ng bahay namin. Napatingin ako. Isang mamahaling sasakyan ang h

    Last Updated : 2025-02-21

Latest chapter

  • For Rent: Groom For The Billionaire    S2 - Chapter 43

    Xamira POVGabi na, pero hindi pa rin ako kumakain ng hapunan. Nakaupo ako sa bangko sa labas ng aking bahay-kubo, pinagmamasdan ang malamlam na ilaw ng buwan habang hinihintay ko silang dumating. Kanina pa ako nagluto ng adobong pusit, sinigang na hipon, at inihaw na isda na pinaggastusan ko talaga. Gusto ko silang pakainin nang masarap ngayong gabi. Gusto kong maging espesyal ang gabing ito dahil may special announcement din ako sa kanila.Isa-isa silang dumating. Una si Tisay na may dalang saging, sumunod si Buchukoy na may hawak na malamig na bote ng softdrinks, tapos si Buknoy na may dalang ginataang bilo-bilo na mukhang siya pa ang nagluto. Huli na dumating si Kalix kasi siya pa pala ang nagligpit at naglinis ng mga gamit pangisda namin.Tumango siya at ngumiti—yung tipong kahit tingin lang, alam naming kinikilig kami sa isa’t isa.“Wow, parang may birthday talaga, ah,” bungad ni Tisay habang sumisilip sa lamesa. “Ano ba kasing meron, Xamira?”“Mamaya, gusto kong marinig ninyong

  • For Rent: Groom For The Billionaire    S2 - Chapter 42

    Xamira POVSa malayo, nakita kong nakatingin si Tita Karen. Ibig ko sana siyang ngitian, pero hindi niya deserve ang ngiti ko, lalo na’t nalason na ni Catalina ang utak niya.Kainis kasi sayang lang ang sinabi ko sa kaniya na yaman ng pamilya ko. Mas nasilaw siya sa may linaw na, kaysa sa akin na inaakala niya atang kuwento ko lang.Kainis, kung nasa akin lang sana ang maleta ko, kayang-kaya kong ilayo si Kalix sa Isla na ‘to. Makita lang sana namin ang mga magnanakaw, sure na sure na ilalayo ko na talaga si Kalix sa kanila. At sa pagbabalik namin, sisiguraduhin ko ring mayaman at okay na ang buhay ni Kalix.At kapag nangyari iyon, baka sumama na rin sa amin ang nanay at tatay niya. Tama, ganoon ang dapat kong gawin. Ang tanging alas ko nalang talaga sa ngayon ay ang nawawala kong maleta.“Kumusta?”Kahit hindi ako lumingon, alam ko na agad kung sino.“Walang maganda sa tanghali kapag bruha ang nasa paligid,” parinig ko sa kaniya.“Balita ko ay maghihiwalay na agad kayo, ah?” panunuks

  • For Rent: Groom For The Billionaire    S2 - Chapter 41

    Xamira POV“Tita Karen, alam ko naman po na marami kayong naging tulong sa akin, halos hindi ko na nga po mabilang. Opo, kaya ko namang iwan si Kalix, ang hindi ko lang po kaya ay makita siyang masaktan kapag ginawa ko po ang gusto ninyong mangyari,” paliwanag ko sa kaniya sa wakas. Akala ko kasi hindi ako makakapagsalita, pero naisip na dapat kahit pa paano may sabihin ako.Si Kalix kasi ‘yung lalaking karapat-dapat ipaglaban. Ramdam at kita ko kung gaano niya ako kagusto at kamahal. Kung makikinig ako kay Tita Karen, parang hindi na rin nalalayo ang eksena namin sa mga napapanuod ko sa palabas noon sa Lux city. Nakakatawa nga kasi nangyayari nga pala ito sa totoong buhay.Buwisit kasi na Catalina ‘yan, dahil sa kaniya, naging ganito tuloy ang mindset ni Tita Karen. Parang sa isang iglap, dahil sa pera, balak pa niyang saktan ang damdamin ng anak niya.“Hindi ko balak saktan kayo, lalo na si Kalix. Iniisip ko lang ang future namin. Matanda na kami ni Felix, Xamira. Gusto naman naming

  • For Rent: Groom For The Billionaire    S2 - Chapter 40

    Kalix POVRamdam at pansin ni nanay na hindi ko pa rin siya kinikibo simula kahapon. Gising na siya at nag-aayos na ng mga kagamitan niya sa ginagawa niyang bukayo. Ngayon, parang uubusin na lang niya ang mga natitirang niyog dahil sa mga susunod na araw, magkakaroon na siya ng bagong trabaho. Talagang tinanggap na niya nang tuluyan ang pagiging cashier sa prutasan na itatayo ng pamilya ni Catalina.Inalok niya ako ng kape at pandesal pero umiling lang ako at sinabing busog pa. Pagkatapos, nagpaalam ako na aalis na at mangingisda.Pagkabukas ko ng pinto ng bahay kubo namin, agad akong nakita ang nakahanda nang sina Buknoy, Tisay, Buchukoy at siyempre, si Xamira.Nakangiti akong lumapit sa kanila habang bitbit ang lambat ko. Nasa gilid sila ng puno ng buko, nagtatawanan habang abala sa pag-aayos ng mga gamit para sa pangingisda namin.Pero hindi ko maiwasang mapako ang tingin ko kay Xamira. Kahit simpleng shorts at puting blouse lang ang suot niya, at kahit magulo ang buhok niya sa han

  • For Rent: Groom For The Billionaire    S2 - Chapter 39

    Xamira POVKahapon, nung pag-alis ni Kalix sa bahay kubo ko, hindi na siya bumalik. Basta, matapos niyang ipaalam sa nanay niya na magkasintahan na kami, bigla na lang siyang umalis sa kanila at tuloy-tuloy na sa pag-alis. Nakita kong napadaan pa siya sa harap ng bahay kubo ko, hindi ko alam kung saan siya nagpunta. Hindi ko na siya sinundo dahil alam kong hindi naging maganda ang pagpapaalam niya sa kanila na magkarelasyon na kami.Sure naman agad ako na dahil iyon sa pagdating ni Catalina at sa pang-uuto niya sa nanay ni Kalix. Dahil sa work na iyon, tila ba bumaliktad na si Tita Karen. Tila mas gusto na niya si Catalina kaysa sa akin. Dahil lang sa work na iyon at sa laki ng sahod nito sa pagiging cashier.Well, sige, nararamdaman ko nang marami nga siyang puwedeng gawin. Sabi ko nga, go lang, panunuorin ko muna kung hanggang saan ang kaya niyang gawin, hahayaan ko na munang paglaruan ni Catalina si Tita Karen hanggang makita ng nanay ni Kalix na hindi mabuting tao ang bruha na iyo

  • For Rent: Groom For The Billionaire    S2 - Chapter 38

    Kalix POVSinagot na ako ni Xamira.Tangina. Sinagot na niya ako! Hindi pa rin ako makapaniwala.Bumungad agad sa akin si Nanay Karen pag-uwi ko sa bahay kubo namin, nagwawalis siya sa harap ng bahay namin, nakasuot pa ng lumang daster na paborito niya, ‘yung may maliit na butas sa laylayan. Pero sa akin, kahit anong suot niya, siya pa rin ang pinakamagandang nanay sa buong Isla Lalia.“Nanay!” sigaw ko, sabay takbo palapit sa kaniya.Napalingon siya habang nakataas ng kilay. “Oh bakit, Kalix? Para kang taeng-tae na sa pagmamadali mo diyan.”Tawa ako nang tawa habang hinahabol ang hininga ko. Hindi ko na napigilang hawakan ang braso niya at inikot pa siya sa sobrang tuwa.“Nay! Sinagot na ako ni Xamira! Kami na! Kami na po!” sunod-sunod kong bulalas, na parang batang sobrang saya.Saglit siyang napatulala. Parang hindi niya agad nakuha ang sinabi ko.“Kami na, Nay! Ako na at si Xamira! Girlfriend ko na po siya,” ulit ko pa nang mas malakas na halos mapunit na ang boses ko sa sobrang s

  • For Rent: Groom For The Billionaire    S2 - Chapter 37

    Xamira POVNapangiti ako habang pinagmamasdan si Kalix na nagsasandok ng adobong kangkong sa pinggan niya. Imbis malungkot sa ginawang pananabutahe ni Catalina, mag-e-enjoy na lang ako kasama si Kalix sa pagkain nang niluto namin.“Sarap nito, Xamira,” puri ni Kalix matapos niyang sumubo ng malaking kutsara ng kangkong na may baboy. Parang kumislap ang mga mata niya habang kumakain, para bang batang nakatikim ng bagong paborito niyang pagkain.Napangiti tuloy ako ng todo. “Talaga? Baka naman nagugutom ka lang.”“Hindi,” tumawa siya ng mahina, “magaling ka pala talagang matuto agad.”Hindi ko mapigilang kiligin sa sinabi niya. Tumango lang ako at kunwaring nag-concentrate sa pagkain ko, kahit ang totoo, gusto ko nang gumulong sa kilig sa sahig. Kainis, kung nadalhan ko lang sana ng ulam ang nanay niya, mas masaya na dapat lalo ang pakiramdam ko.Habang tahimik naming ninanamnam ang bawat subo ng pagkain, napansin kong may gumagalaw sa labas. Sa pagitan ng mga haligi ng kubo, natanaw ko

  • For Rent: Groom For The Billionaire    S2 - Chapter 36

    Xamira POVPagdating ko sa bahay, agad akong nag-ayos ng mga pinamili KO sa lamesa. Nakakatuwa, kasi ngayon ko ulit mararamdaman na makakapagluto na ako nang walang iniinda sa katawan. At sa isip-isip ko, may espesyal pa akong balak ngayong araw na gawin.Tamang-tama, nakita ko si Kalix na inaayos ang mga lambat nila sa pangingisda, mukhang bukas, handa na ulit kaming mangisda at excited na rin ako dahil makakasama na akong muli.“Kalix, tapos ka na ba sa ginagawa mo?” tanong ko sa kaniya nang lapitan ko siya.“Oo, tapos na ito, bakit, may kailangan ka ba?”“Puwede mo ba akong turuan magluto?” tanong ko habang nakatingin sa mga bycep niyang tila inaakit na naman ako. Nakasando kasi siya ngayon at medyo pawisan. “Gusto ko sanang ipagluto si Nanay Karen. Para sa lahat ng kabutihang ginawa niya para sa akin.”Narinig ko siyang tumawa nang mahina, iyong tipong parang natuwa siya sa narinig sa akin. “Anong gusto mong lutuin?”“Adobong kangkong… na may baboy na sahog,” sagot ko. Sa totoo la

  • For Rent: Groom For The Billionaire    S2 - Chapter 35

    Xamira POVSa wakas, nakapamalengke na rin ako ng mag-isa.Habang bitbit ang basket na bigay sa akin ng nanay ni Kalix, pakanta-kanta pa ako habang naglalakad sa makipot na daan papuntang palengke. Hindi ko mapigilang ngumiti. Para akong batang nakalabas sa unang pagkakataon pagkatapos ng mahabang pagkakakulong sa bahay. Ang sarap sa pakiramdam. Wala na ‘yung kirot sa binti ko, wala na ‘yung nananakit na hapdi sa hita. Para akong bagong laya.Kailangan ko talagang mamili ngayon. Halos wala na kasi akong pagkain sa bahay kubo ko. Nai-imagine ko na nga ang sarili kong nagkakamot ng tiyan sa gutom mamayang gabi kung hindi ako magpupursigeng mamili. Nakakahiya, nakailang gastos na rin si Kalix sa akin, baka maubos ang perang ipon niya.Pagdating sa palengke, sinalubong ako ng samu’t saring amoy ng mga fresh pang isda, bagong pitas na gulay, lahat ay kaaya-aya pa sa paningin kasi mga bagong-bago pa. Naglakad-lakad ako sa makikipot na espasyo ng mga paninda. Nang makakita ako ng mga kamatis

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status