Tahlia POVMainit.Buwisit, bakit ang init?Nasa tapat naman ako ng shower, ramdam ko ang lamig ng tubig na bumabagsak sa balat ko, pero bakit pakiramdam ko ay nag-aapoy ang buong katawan ko? Sinapo ko ang pisngi ko, mainit ba ako? Nilalagnat ba ako? O baka naman…Napapikit ako habang pilit na binubura sa isip ko ang walanghiyang eksena kanina ni Zain.Zain, you idiot talaga!Bakit ba kasi hindi siya marunong magtapis ng tuwalya? Ilang beses ko na siyang nakitang ganoon, at sa totoo lang, hindi na ako natutuwa. Dati, deadma lang. Pero ngayon? Pakiramdam ko ay parang ako pa ang nagkakasala. Hindi ko gusto ito. Hindi ko dapat iniisip iyon. Hindi ko dapat siya iniisip ng ganito!Damn it, Tahlia, get a grip. May boyfriend ka. Si Axton. Mahal mo si Axton.Pero, bakit sa tuwing makikita kong walang saplot si Zain ay napopogian ako sa kaniya, na parang gusto ko siyang sakmalin, landiin at higit sa lahat…putangina, gusto ko siyang tikman sa kama.Hindi ko na kayang magsinungaling din. Bakit a
Tahlia POVBumaba na kami ni Zain sa ibaba dahil oras na ng pananghalian. Hindi ko alam kung gutom ba talaga ako o gusto ko lang matapos agad ang pagkain para makaiwas sa isang buong araw na naman ng pagpapanggap. Ngunit nang makababa kami sa dining area, napahinto ako. Napakurap ako ng ilang beses habang tinatapunan ng tingin ang babaeng biglang sumulpot sa paningin ko.Syet, nakauwi na pala ng Pilipinas ang bruhang si Xamara.At hindi siya nag-iisa.Kasama niya ang isang lalaking matangkad, may tindig na parang isang taong sanay sa atensyon at may mga tattoo sa braso. Naka-black polo siya na nakabukas ang unang dalawang butones, kita ang maliit na bahagi ng balat niya at halatang may ibubuga sa porma pa lang. Pogi, mukhang mayaman at mukhang bad boy. Hindi ko alam kung paano napadpad ang ganitong klase ng lalaki sa buhay ni Xamara, pero wala akong balak magpakita ng interes sa kanila."Tahlia!" biglang sigaw ni Xamara. Bigla siyang tumakbo palapit sa akin at niyakap ako na para bang
Zain POVHabang kumakain kami ng tanghalian sa mansiyon ni Lola Flordelisa, hindi ko maiwasang mapansin ang lalaki sa kabilang dulo ng hapagkainan, si Giyo, ang ipinagmamalaking boyfriend ni Xamara.Panay ang papansin niya kay Lola Flordelisa, panay ang pagpapakilala, siya raw ang may-ari ng isang motor shop, tatlong gasoline station at isang beach resort. Puro pasikat. Parang gaya ko, alam na alam na rin nito ang sasabihin niya, parang inutusan o tinuruan din ni Xamara.Pero si Lola Flordelisa? Wala man lang interes sa kanya. Tatango lang ito ng marahan, walang gaanong emosyon sa mukha. Ang sagot lang niya sa bawat kayabangan ni Giyo ay isang simpleng, "Mainam," o kaya, "Good job."Para bang wala lang sa kanya kung mayaman ito o hindi. Kanina ko pa ramdam na parang nawala na rin sa mood si Xamara kasi nakikita nito na walang hindi gusto ni Lola Flordelisa si Giyo. Mukha kasing adik, mayaman nga, oo, pero istura at pagsasalita ay halatang mayabang at mukhang bad boy.Sa akin naman, ib
Zain POVMaganda ang gising ko. Maaliwalas sa pakiramdam. Sa araw na iyon, bitbit ko ang tsekeng may halagang isang milyon, hindi pa rin ako makapaniwala. Kahapon lang, akala ko'y panaginip lang ang lahat. Ngayon, hawak ko na ang perang kayang baguhin ang buhay ko at ng mama ko."You need to go to the bank first," sabi ni Tahlia habang hawak ang kanyang iced coffee. "Do you have an account?"Tumango ako. "Yeah, but I never deposited this much before."May bank account ako kasi minsan, nakapag-work ako bilang janitor sa school, at sa bank account ko pumapasok ang sahod ko, kasi ang munisipyo ang nagpapasahod sa akin ng Lopez Jaena Town."Don’t worry. I’ll help you," sagot niya sabay kuha sa tseke at tinuro kung saan ko dapat pirmahan.Good mood siya, palibhasa’t marami akong nagawang magandang eksena kahapon sa bahay ng lola niya.Pinag-drive pa niya ako kasi mukhang wala raw akong alam, sayang naman kung mawawala lang ang perang pinasahod niya sa akin.**Pagdating namin sa bangko, hi
Zain POVPagkaalis ni Tahlia nang hapon na iyon, tinanaw ko pa siyang sumakay ng kotse hanggang sa tuluyan na siyang mawala sa paningin ko. Sabi niya, wala pa naman masyadong trabaho sa pag-acting namin na mag-syota kaya mag-stay muna ako sa mama ko para magka-bonding naman kami.Napabuntong-hininga ako. Sa wakas, may sarili na kaming bahay ni Mama. Hindi ko pa rin lubos maisip na sa loob ng isang araw, ang dating pangarap lang ay nagkatotoo na agad. Kapag talaga may pera, walang imposible.Habang pinagmamasdan ko ang maluwag na sala, napansin kong tahimik ang paligid. Malayo sa dati naming tinitirhan kung saan halos dikit-dikit ang bahay at rinig mo ang bawat galaw ng kapitbahay. Ngayon, parang ang tahimik ng mundo.“Tol, dito muna ‘ko matutulog, ah?” biglang sabi ni Boyong na kagagaling lang sa labas. Nilinis kasi niya ang garden dahil ang daming malalaking damo. May dala pa siyang plastic bag na may lamang softdrinks at tinapay.“Wala namang problema, tol. Mas okay nga na may kasam
Tahlia POVPagdating ko sa mansiyon ng mga Villafuerte, pakiramdam ko ay may kakaiba kasi biglang dumoble ang mga security guard. Hindi ko alam kung anong eksaktong mali, pero sa sandaling ipinasok ko ang sasakyan sa garden, agad akong hinarang ng mga bodyguard doon. Minsan ko nang nakita ang ilan sa kanila, pero hindi pa ako kailanman pinigilan ng kahit sino sa lugar na ito."Ma'am, hindi na kayo puwedeng pumasok," seryosong sabi ng isa sa mga guwardiya habang tumatapat siya sa gilid ng sasakyan ko."What? Since when?" tanong ko na hindi makapaniwala. "Axton is expecting me. Just let me in."Hindi siya sumagot, pero hindi rin siya tumabi. Ramdam ko ang kaba sa dibdib ko. Sa puntong ito, gusto kong bumaba at pumasok na lang nang hindi nila pinapansin, pero bago ko pa magawa iyon, bumukas ang pinto ng mansiyon nila Axton.OMG! Nakauwi na pala siya.Doon ko siya nakita—si Mama Toni. Nasa Pilipinas na pala siya ulit. Ang saya ko pa kasi close na kami simula pa nung bago palang kami ni A
Tahlia POVBumagsak ang katawan ko sa upuan ng sasakyan habang mahigpit kong hawak ang manibela. Tumutulo pa rin ang luha ko, hindi ko na mapigilan ang patuloy na pagtulo ng mga luha sa mga mata ko.Wala akong pakialam kung magmukha akong kahabag-habag sa mga taong nakakasabay kong mag-drive ng kotse dito sa highway. Wala na si Axton. Tinago na siya ng mama niyang si Toni, dinala na sa ibang bansa, malayo sa akin, malayo sa kahit anong paraan para makabalik ako sa tabi niya.Hindi alam ng mama ni Axton na inaalagaan kong mabuti si Axton ngayon kapag may free time ko. Hindi niya alam na kami na lang ni Zain ang nagpapasaya sa kaniya, tapos ilalayo pa niya ito.Sana kasi ay magsalita si Zain para alam ng mama niya ang sitwasyon namin ngayon. Bakit kasi pumayag siyang lumipad sa ibang bansa.Nagmamadali akong nagmaneho pauwi. Wala na akong ibang matatakbuhan kundi ang mga magulang ko. Kahit alam kong hindi nila lubos na naiintindihan ang pagmamahal ko kay Axton, sila pa rin ang inaasahan
Zain POVMaghapon akong abala sa pag-aayos at pamimili ng mga kulang pang gamit para sa bahay namin. Maaga pa lang, sinundo ko na ang mama ko sa bahay at sabay kaming nagtungo sa palengke. Hindi lang basta kasangkapan ang binili ko, kundi pati na rin ang mga bagay na sa tingin ko'y magpapagaan ng buhay niya.Kasama rin namin si Boyong, siyempre. Malakas siya sa akin, kaya kahit ano'ng ituro niyang gusto niya, agad ko nang nilalagay sa cart. Hindi ko naman maipagkakailang malaki rin ang utang na loob ko sa kanya.“Sigurado ka bang kaya mo ‘to lahat, Zain?” tanong ng mama ko habang tinitingnan ang listahan namin.“Ma, ano ka ba? Konti lang ‘to. Titingin pa tayo ng kurtina saka unan mamaya.”Napailing na lang siya, pero alam kong masaya siya. Noon kasi, puro tiyaga lang kami sa luma naming gamit. Ngayong mapera na ako, gusto kong bigyan siya ng ginhawa, kahit sa simpleng paraan lang.Mabuti na lang at may kakilala akong nagpapaupa ng lumang jeep. Hindi ko na kailangang magbayad ng malaki
Xamira POVSa malayo, nakita kong nakatingin si Tita Karen. Ibig ko sana siyang ngitian, pero hindi niya deserve ang ngiti ko, lalo na’t nalason na ni Catalina ang utak niya.Kainis kasi sayang lang ang sinabi ko sa kaniya na yaman ng pamilya ko. Mas nasilaw siya sa may linaw na, kaysa sa akin na inaakala niya atang kuwento ko lang.Kainis, kung nasa akin lang sana ang maleta ko, kayang-kaya kong ilayo si Kalix sa Isla na ‘to. Makita lang sana namin ang mga magnanakaw, sure na sure na ilalayo ko na talaga si Kalix sa kanila. At sa pagbabalik namin, sisiguraduhin ko ring mayaman at okay na ang buhay ni Kalix.At kapag nangyari iyon, baka sumama na rin sa amin ang nanay at tatay niya. Tama, ganoon ang dapat kong gawin. Ang tanging alas ko nalang talaga sa ngayon ay ang nawawala kong maleta.“Kumusta?”Kahit hindi ako lumingon, alam ko na agad kung sino.“Walang maganda sa tanghali kapag bruha ang nasa paligid,” parinig ko sa kaniya.“Balita ko ay maghihiwalay na agad kayo, ah?” panunuks
Xamira POV“Tita Karen, alam ko naman po na marami kayong naging tulong sa akin, halos hindi ko na nga po mabilang. Opo, kaya ko namang iwan si Kalix, ang hindi ko lang po kaya ay makita siyang masaktan kapag ginawa ko po ang gusto ninyong mangyari,” paliwanag ko sa kaniya sa wakas. Akala ko kasi hindi ako makakapagsalita, pero naisip na dapat kahit pa paano may sabihin ako.Si Kalix kasi ‘yung lalaking karapat-dapat ipaglaban. Ramdam at kita ko kung gaano niya ako kagusto at kamahal. Kung makikinig ako kay Tita Karen, parang hindi na rin nalalayo ang eksena namin sa mga napapanuod ko sa palabas noon sa Lux city. Nakakatawa nga kasi nangyayari nga pala ito sa totoong buhay.Buwisit kasi na Catalina ‘yan, dahil sa kaniya, naging ganito tuloy ang mindset ni Tita Karen. Parang sa isang iglap, dahil sa pera, balak pa niyang saktan ang damdamin ng anak niya.“Hindi ko balak saktan kayo, lalo na si Kalix. Iniisip ko lang ang future namin. Matanda na kami ni Felix, Xamira. Gusto naman naming
Kalix POVRamdam at pansin ni nanay na hindi ko pa rin siya kinikibo simula kahapon. Gising na siya at nag-aayos na ng mga kagamitan niya sa ginagawa niyang bukayo. Ngayon, parang uubusin na lang niya ang mga natitirang niyog dahil sa mga susunod na araw, magkakaroon na siya ng bagong trabaho. Talagang tinanggap na niya nang tuluyan ang pagiging cashier sa prutasan na itatayo ng pamilya ni Catalina.Inalok niya ako ng kape at pandesal pero umiling lang ako at sinabing busog pa. Pagkatapos, nagpaalam ako na aalis na at mangingisda.Pagkabukas ko ng pinto ng bahay kubo namin, agad akong nakita ang nakahanda nang sina Buknoy, Tisay, Buchukoy at siyempre, si Xamira.Nakangiti akong lumapit sa kanila habang bitbit ang lambat ko. Nasa gilid sila ng puno ng buko, nagtatawanan habang abala sa pag-aayos ng mga gamit para sa pangingisda namin.Pero hindi ko maiwasang mapako ang tingin ko kay Xamira. Kahit simpleng shorts at puting blouse lang ang suot niya, at kahit magulo ang buhok niya sa han
Xamira POVKahapon, nung pag-alis ni Kalix sa bahay kubo ko, hindi na siya bumalik. Basta, matapos niyang ipaalam sa nanay niya na magkasintahan na kami, bigla na lang siyang umalis sa kanila at tuloy-tuloy na sa pag-alis. Nakita kong napadaan pa siya sa harap ng bahay kubo ko, hindi ko alam kung saan siya nagpunta. Hindi ko na siya sinundo dahil alam kong hindi naging maganda ang pagpapaalam niya sa kanila na magkarelasyon na kami.Sure naman agad ako na dahil iyon sa pagdating ni Catalina at sa pang-uuto niya sa nanay ni Kalix. Dahil sa work na iyon, tila ba bumaliktad na si Tita Karen. Tila mas gusto na niya si Catalina kaysa sa akin. Dahil lang sa work na iyon at sa laki ng sahod nito sa pagiging cashier.Well, sige, nararamdaman ko nang marami nga siyang puwedeng gawin. Sabi ko nga, go lang, panunuorin ko muna kung hanggang saan ang kaya niyang gawin, hahayaan ko na munang paglaruan ni Catalina si Tita Karen hanggang makita ng nanay ni Kalix na hindi mabuting tao ang bruha na iyo
Kalix POVSinagot na ako ni Xamira.Tangina. Sinagot na niya ako! Hindi pa rin ako makapaniwala.Bumungad agad sa akin si Nanay Karen pag-uwi ko sa bahay kubo namin, nagwawalis siya sa harap ng bahay namin, nakasuot pa ng lumang daster na paborito niya, ‘yung may maliit na butas sa laylayan. Pero sa akin, kahit anong suot niya, siya pa rin ang pinakamagandang nanay sa buong Isla Lalia.“Nanay!” sigaw ko, sabay takbo palapit sa kaniya.Napalingon siya habang nakataas ng kilay. “Oh bakit, Kalix? Para kang taeng-tae na sa pagmamadali mo diyan.”Tawa ako nang tawa habang hinahabol ang hininga ko. Hindi ko na napigilang hawakan ang braso niya at inikot pa siya sa sobrang tuwa.“Nay! Sinagot na ako ni Xamira! Kami na! Kami na po!” sunod-sunod kong bulalas, na parang batang sobrang saya.Saglit siyang napatulala. Parang hindi niya agad nakuha ang sinabi ko.“Kami na, Nay! Ako na at si Xamira! Girlfriend ko na po siya,” ulit ko pa nang mas malakas na halos mapunit na ang boses ko sa sobrang s
Xamira POVNapangiti ako habang pinagmamasdan si Kalix na nagsasandok ng adobong kangkong sa pinggan niya. Imbis malungkot sa ginawang pananabutahe ni Catalina, mag-e-enjoy na lang ako kasama si Kalix sa pagkain nang niluto namin.“Sarap nito, Xamira,” puri ni Kalix matapos niyang sumubo ng malaking kutsara ng kangkong na may baboy. Parang kumislap ang mga mata niya habang kumakain, para bang batang nakatikim ng bagong paborito niyang pagkain.Napangiti tuloy ako ng todo. “Talaga? Baka naman nagugutom ka lang.”“Hindi,” tumawa siya ng mahina, “magaling ka pala talagang matuto agad.”Hindi ko mapigilang kiligin sa sinabi niya. Tumango lang ako at kunwaring nag-concentrate sa pagkain ko, kahit ang totoo, gusto ko nang gumulong sa kilig sa sahig. Kainis, kung nadalhan ko lang sana ng ulam ang nanay niya, mas masaya na dapat lalo ang pakiramdam ko.Habang tahimik naming ninanamnam ang bawat subo ng pagkain, napansin kong may gumagalaw sa labas. Sa pagitan ng mga haligi ng kubo, natanaw ko
Xamira POVPagdating ko sa bahay, agad akong nag-ayos ng mga pinamili KO sa lamesa. Nakakatuwa, kasi ngayon ko ulit mararamdaman na makakapagluto na ako nang walang iniinda sa katawan. At sa isip-isip ko, may espesyal pa akong balak ngayong araw na gawin.Tamang-tama, nakita ko si Kalix na inaayos ang mga lambat nila sa pangingisda, mukhang bukas, handa na ulit kaming mangisda at excited na rin ako dahil makakasama na akong muli.“Kalix, tapos ka na ba sa ginagawa mo?” tanong ko sa kaniya nang lapitan ko siya.“Oo, tapos na ito, bakit, may kailangan ka ba?”“Puwede mo ba akong turuan magluto?” tanong ko habang nakatingin sa mga bycep niyang tila inaakit na naman ako. Nakasando kasi siya ngayon at medyo pawisan. “Gusto ko sanang ipagluto si Nanay Karen. Para sa lahat ng kabutihang ginawa niya para sa akin.”Narinig ko siyang tumawa nang mahina, iyong tipong parang natuwa siya sa narinig sa akin. “Anong gusto mong lutuin?”“Adobong kangkong… na may baboy na sahog,” sagot ko. Sa totoo la
Xamira POVSa wakas, nakapamalengke na rin ako ng mag-isa.Habang bitbit ang basket na bigay sa akin ng nanay ni Kalix, pakanta-kanta pa ako habang naglalakad sa makipot na daan papuntang palengke. Hindi ko mapigilang ngumiti. Para akong batang nakalabas sa unang pagkakataon pagkatapos ng mahabang pagkakakulong sa bahay. Ang sarap sa pakiramdam. Wala na ‘yung kirot sa binti ko, wala na ‘yung nananakit na hapdi sa hita. Para akong bagong laya.Kailangan ko talagang mamili ngayon. Halos wala na kasi akong pagkain sa bahay kubo ko. Nai-imagine ko na nga ang sarili kong nagkakamot ng tiyan sa gutom mamayang gabi kung hindi ako magpupursigeng mamili. Nakakahiya, nakailang gastos na rin si Kalix sa akin, baka maubos ang perang ipon niya.Pagdating sa palengke, sinalubong ako ng samu’t saring amoy ng mga fresh pang isda, bagong pitas na gulay, lahat ay kaaya-aya pa sa paningin kasi mga bagong-bago pa. Naglakad-lakad ako sa makikipot na espasyo ng mga paninda. Nang makakita ako ng mga kamatis
Xamira POVHindi ko na namalayan kung gaano na pala ako nakalayo. Sa wakas, nakakalakad na ako nang maayos. Wala nang bumabagal sa mga hakbang ko, wala nang kumikirot sa binti at hita ko.Ngayon, heto ako, nag-e-exercise na sa labas, habang tinatanggap ang bagong sikat ng araw.“Kalix!” tawag ko sa kaniya, sabay kaway mula sa may puno ng niyog. “Halika, maligo tayo!”Medyo nagulat siya, pero agad din namang ngumiti. Alam ko naman na wala siyang choice. Kapag ako na ang nag-aya, alam kong hindi na siya tatanggi pa.“Sige, kung ‘yan ang gusto mo,” natatawang sagot niya. Lumapit siya sa akin habang nakangisi, bitbit ang mga tsinelas namin sa isang kamay.Napailing ako. “Sayang, dapat kasama ‘yung tatlong makulit para maingay,” sabi ko. Ayaw niya kasing isama ‘yung tatlo.Lumapit siya sa akin, tapos marahang hinawi ng palad ang aking buhok na tinatangay ng hangin.“Gusto ko kasi, akin ka muna buong maghapon,” sabi niya. Ang tapang talaga, diretsahan at walang pag-aalinlangang sabihin ‘yun