ONCE AGAIN"Ano?! Seryoso ba?" Bulalas ni Betty nang maikwento niya dito ang nangyari noong nagdaang gabi.Mabilis naman niyang tinakpan ang bibig nito lalo pa't naplingon sa kanila ang ilang customers sa loob. Napangiwi si Betty at nag-aalalang humarap sa kanya."Ano ng gagawin mo ngayon, Mari? Tatanggi ka ba sa pakiusap niya?"Napabuga siya ng hangin. Mamayang gabi ay kukunin na ni Vincent ang sagot niya pero hanggang ngayon ay hindi parin siya makapagdesisyon sa kung ano ang dapat niyang gawin."Ewan ko Bet. Hindi ko alam," umiiling niyang tugon."Gusto mo ba ako na ang kakausap sa kanya para sabihin na hindi mo na kayang gampanan ulit ang pinapagawa niya?""Hindi. Ayokong madamay ka sa kung anuman ang pag-uusapan namin," tanggi niya.Bumukas ang front door ng cafe at iniluwa niyon si Tristan na nagmamadaling pumunta sa gawi niya. Kunot noo niyang pinagmasdan ang kaibigan nang halos hindi maipinta ang mukha nito."Anong nangyari sayo? May problema ba?""Did Vincent come here?" Tano
UNSCRIPTED KISS Sobrang bilis ng panahon. Hindi niya aakalaing dalawang linggo na ang nakalipas simula ng pumayag siya sa kasunduan nilang dalawa ni Vincent. Kagaya ng dati, lagi siyang kasama ni Vincent sa anumang importanteng lakad nito. Napagkasunduan din nila ni Betty na ang biyenan muna nito ang magbabantay kay Kreios habang isinasagawa niya ang trabaho niya. Sinuswelduhan naman niya ito kahit na tumanggi ang matanda. Ayon dito ay sapat na ang naitulong niya kina Noel at Betty pero hindi parin siya pumayag. Hindi man sang-ayon si Betty sa kanyang desisyon, sinuportahan parin siya nito. "Basta ipangako mo Mari na hindi ka gagawa ng bagay na alam mong ikakasira mo balang araw. Alalahanin mo ang anak mo at ang magiging reaksyon niya pagdating ng panahon," anito nang mag-usap sila pagkatapos niyang pumayag sa pakiusap ni Vincent. Tumango siya at nangako sa kaibigan. Hindi rin nagustuhan ni Tristan ang naging pasya niya. Pakiramdam niya ay nagtatampo ito dahil madalang ng dumalaw a
HIS TWISTED MARRIAGE "Huyyy!!!" Halos mapatalon si Mari sa counter nang gulatin siya ni Betty. Napahugot na lang siya ng malalim na hininga. Ang sarap talagang hampasin minsan nitong kaibigan niya. "Ano ka ba naman Betty. Hindi magtatagal ay aatakihin ako sayo," nakasimangot niyang turan. Betty chuckled kapagkuwan ay seryosong tumitig sa kanya. "Kanina pa kasi ako nagsasalita dito pero parang hindi ka nakikinig ano? Nag-abroad na ba ang kaluluwa mo matapos ang date ninyo ni Mister Galanteng Bilyonaryo kagabi?" "Ano bang date iyang sinasabi mo, Betty? Pumunta lang kami sa premiere night ni Georgina para magkunwari kaya hindi date ang tawag dun," pairap niyang sabi. Nag-ngising aso naman ang kaibigan niya. "Ah, kaya ka ba tulala ngayon umagang-umaga?" Tinaasan siya nito ng kilay at sinipat ng tingin. Hindi niya naiwasang mapakagat labi dahil naguiguilty siya ng labis. Betty pointed her finger towards her. "Ikaw Mari ha? Ayus ayusin mo lang yang pagkukunwari ninyong dalawa. Tandaan
IN HIS SAFE HAVEN'S ARMSVincent keeps on throwing everything inside the room like a mad man. All he could feel was the sense of betrayal he's experiencing. Mas matatanggap pa niyang nagloko ang asawa niya sa ibang lalaki pero hindi eh. Mismong kaibigan niya rin ang kinalantari nito. They must be laughing behind his back right now lalo na't kakapadala lang nito ng information na pinepeke lang pala ng mga hayop na yun. "Putangina!" He punched the glass window. Nasira man yun at nasugatan siya but he can't feel anything. Parang namamanhid yata siya sa sakit.He slowly sat on the messed up floor. Nagkalat ang lahat ng gamit sa loob pero parang kulang pa. Vincent frustratedly grip his hair at tuluyang nasapo ang kanyang noo. His hands are bleeding but he couldn't care less.Hindi nagtagal ay bumukas ang pintuan ng library pero wala siyang pakialam at nanatiling nakayuko."What the fuck!" Zeus muttered a curse bago lumapit sa kaibigan. "Ano bang nangyari Vincent?"Tristan entered the room
LUNCH TOGETHER Nagising mula sa pagkakahimbing si Vincent nang maramdaman niyang parang binibiyak ang ulo niya sa sakit. Damn! What did he do last night? Habang nakapikit siya ay pilit niyang inaalala ang nangyari noong nagdaang gabi. Tama. He was drunk. Ilang drum siguro ang ininom niya kaya ito ang resulta. "Aw Fuck!" Nasapo niya ang kanyang ulo. Kapag ganito katindi ang hang-over niya, naiisipan niyang magsisi kung bakit lumaklak siya ng napakaraming alak. He slowly exhaled. The scent was familiar. It belongs to Mari. Nasaan ba siya? Imposible namang kasama niya si Mari sa villa. Unti unti niyang iminulat ang kanyang mata. He was greeted by a cheap ceiling fan na maingay na umiikot sa itaas. Maliwanag na sa labas base sa jalousie window. The place is cheap. Kaninong kama ba itong kinahihigaan niya? Ang tigas naman! Dahan dahan siyang bumangon at sinuri ang sarili. He was wearing a faded shirt that looked like an old one. Shit! Hindi pala siya sa villa umuwi kagabi. Kaninong bah
LETTING HER GO"Nga pala dude. Tinapos mo na ba ang kontrata niyo ni Mari?" Maya maya'y tanong ni Zeus kahit puno ang bibig."Hindi pa," kaswal niyang sagot."Why? May plano ka bang ituloy yung nasimulan niyo?""Nope." Not a chance!"Then why are you still keeping her? Let her go Vince," ani naman ni Tristan.Sinamaan niya ito ng tingin. "Ba't ba atat na atat ka ha?"Tristan puts his hands up as a gesture of surrender. "Wala akong balak makipag-away sayo dude. I saw you sleeping at her apartment last time kasi sinundan kita dahil alam kong lasing na lasing ka. She take you in and look after you. Ang akin lang naman ay kung gusto mong makipagkaibigan sa kanya freed her from your contract and approach her with pure intention of friendship not because you were lonely but because you simply want to be her friend."Tsss. Sa kanya pa talaga nanggaling ha.Tristan sighed and looked at him intently. "Sabi mo nga dati Mari isn't Vivoree for me to get close to her. And most of all she isn't som
LOST Grace was staring at the email she received this morning. It came from Zion Kade Samaniego, her husband's lawyer—soon to be ex husband pala. Vincent already signed the divorce paper and even passed it to the court for hearing. Alam niyang mapapadali iyon knowing how rich and influential Vincent is. Mula sa kanyang likuran ay yumakap ang lalaking kasama niya sa hotel suite kung saan siya nananatili habang hindi pa tapos ang fashionshow—her boyfriend, Jerome. Like Vincent, Jerome was a very handsome man too kaya karamihan sa mga kababaihan ay baliw na baliw din dito at naging dahilan yun ng kanilang hiwalayan noon. "Hey, what's wrong?" Malambing nitong tanong. "Vincent agreed on the divorce," walang gana niyang sagot. Jerome loosened his hug and made her face him. Malamlam ang mga mata ng lalaking nakatitig sa kanya. "What's with the long face? Hindi ba dapat magsaya ka. You chose me, you got what you wanted at kalahati ng kayamanan ng asawa mo, mapupunta sayo dahil hindi ka na
FASCINATED "Putangina kang bata ka! Hahara hara ka sa daraanan ko! Nasaan ang nanay mo ha!" Galit na bulyaw ng driver at hinablot ang maliit na braso ng paslit. Pumalahaw ng iyak ang bata. Kumulo naman ang kanyang dugo sa narinig. Bakit kasalanan parang ng bata gayong nakared naman ang signal ng traffic light kanina? "Why are you shouting at that innocent kid?" Malamig niyang tanong habang naglalakad patungo sa direksyon ng mga ito. The kid turned to his direction. Sandali siyang natigilan. He looks familiar to him. Nagliwanag ang mukha nito na para bang nakahanap ng kakampi sa katauhan niya. Hindi siya pwedeng magkamali. Ang batang ito ang kasama ni Mari sa larawan na nasa silid ng dalaga. He's also the feisty kid he met at the hospital. "Wag kang makialam dito! Tuturuan ko leksyon ang batang ito!" Sigaw ulit ng driver at pinilit na itinatayo ang bata para paluin. Mabilis siyang humakbang palapit at itinulak ang lalaki. Napaupo ito sa kalsada. Dinaluhan niya ang bata at mabilis
"Himala! What brought you here Vincent? Parang noong nakaraang buwan lang takot na takot kang sumabay samin magbar. Hindi ka na ba under de saya?" Pangbubuska ni Xerxes sa kanya.It was still nine in the evening. Nagpaalam naman siya kay Mari na sasama sa mga kaibigan niya. It's been months mula ng makipagbonding siya sa mga ito. Hindi naman siya pinagabawalan ni Mari but he's just excited to go home lalo na at naghihintay ito sa kanya."Hindi ako under de saya tukmol. 'Tamo darating din ang araw na ikaw naman ang magkukumahog na umuwi dahil may magandang asawang naghihintay sayo pauwi," tugon niya dito.Xerxes chuckled. Sa lahat ng nasa mesa ay mukhang siya at ito lang ang walang problema. Zeus and Tristan are facing crisis on their hearts kaya parang pinagsakluban ang mga mukha nito ng langit at lupa."Tsk. So anong meron at nandito ka ngayon?"He released a deep sigh. "I'm bored. Mari's spending her quality time with her siblings. Hindi siya tumatabi sakin sa pagtulog. And my son w
Nagmamadali siyang umuwi ng villa galing sa construction site kung saan siya isinama ni Tristan. Kung bakit ba kasi walang signal ang lugar na iyon! Hindi niya tuloy nasagot ang tawag ni Mari. Nang makarating siya sa syudad ay tinawagan niya ito pero hindi na ito sumagot pa, maging sa telepono ay ayaw siyang kausapin ng asawa.Kakapasok pa lang niya sa bahay nang bigla na lang may lumipad patungo sa direksyon niya. Mabuti na lang at mabilis siyang nakailag kung hindi ay baka dumugo na ang ilong niya. Tumama iyon sa isa sa mga interior pillar ng bahay. Nakita niyang remote control iyon ng TV nila."Bakit ka umiwas ha?!" Galit na boses ni Mari.Mariin siyang pumikit. His pregnant wife was now in furious. Bahagya ng namula ang magandang mukha nito tanda na naiinis ito sa kanya. Mari is five months pregnant. Kung gaano siya katapang noon, mukhang triple yata ngayon. But he understands that it's her pregnancy hormones kaya siya ganyan."Dahil matatamaan mo'ko. Jagi naman—""Eh kaya nga kit
EPILOGUEMari was staring at her wedding picture. Ilang buwan na ang nakalipas magmula ng magpakasal sila ni Vincent. A night before he confessed his sin to her, nauna na niyang nakausap ang nanay nito.She remembered how Madam Charlotte kneeled and begged for her forgiveness. She told her the story behind what happened. Noong una ay nagalit siya. Wwll, ganun naman talaga ang unang reaksyon ng taong naagrabyado pero kalaunan ay natanggap niya rin. She knew that Vincent isn't a bad person at isa pa, mas gumaan ang pakiramdam niyang ito ang tunay na ama ni Kreios.Nang gabi ding iyon, pormal niyang pinakilala kay Kreios si Vincent bilang tunay nitong ama. Naalala pa niyang grabe ang iyak ng dalawa.Grace came too and told her about Vincent's secret but she knew her too well. She's doing it for her own benefit dahil gusto jitong makuhang muli si Vincent na hindi niya hinayaan. If you let people control your relationship and get swayed, hindi magtatagal ang relasyon ninyo.Hinaplos niya a
UNRAVELING II"Where are you Vincent?" Tanong ng nasa kabilang linya."I'm still at Connoisseur Deluxe Ice," tugon niya kay Isaac.Bumuntong hininga ito ng malalim. "I have all the information you asked me to gather, Vince. I think you need to see this asap. This is very important and very confidencial dude."Frustrated niyang sinuklay ang kanyang buhok. "I know dude. I'm coming." Sa tono ng pananalita ni Isaac, mukhang alam na niya ang nadiskubre nito. It was the information that Grace also had. Tumayo na siya sa mesang pinag-iwanan ni Grace sa kanya. Hindi niya alam kung ilang minuto siyang nanatiling nakaupo doon. All he knew is that she left him after threatening him.Mabilis niyang pinaharurot ang sasakyan patungo sa condo ni Isaac. Hindi siya nag-aksaya ng oras at agad na nagtungo sa loob ng lungga ng kanyang kaibigan."Look at this," inilahad ni Isaac sa kanya ang lahat ng mga files na nakalap nito.Isa isa niya iyong tiningnan. Nanginginig ang kanyang mga kamay habang iniisip
UNRAVELING"Are you really sure na gusto mong hanapin ang lalaking gumawa nun sa fiance mo? Para saan pa dude? Ayos lang ba yan sa kanya?" Kunot noong tanong ni Isaac sa kanya.Kasalukuyan siyang nasa condong tinutuluyan nito pagkatapos niyang makausap ang kapatid ni Mari. He wanted to know who the bastard did it to Mari. Gusto niyang maging handa kung sakaling darating ang araw na guguluhin sila ng lalaking iyon."Yes dude and please make it a secret for now. I don't wanna upset Mari at baka isipin niyang pinangungunahan ko siya sa mga desisyon niya."Isaac heave a deep sigh. "Okay if that's what you wanted. Pero paano kapag nakilala na natin ang lalaking iyon? What are you gonna do? Are you going to sue him?"Umiling siya. "I'll asked Mari first. Siya ang magdedesisyon niyan kung sakali, dude." It's Mari's battle anyway. Naroon lang siya para sumuporta sa babae kung saka-sakali man.Tinapik ni Isaac ang kanyang balikat. "I will call you right away kapag may impormasyon na ako."Hind
MAN OF THE DAY"Bakit mo nga pala naisipang tanggihan ang marriage proposal ko? Is it the sole reason or meron pang iba?" Tanong ni Vincent sa kanya habang tinutuyo nito ang kanyang buhok.Napasimangot siya. From his eyes, kahit na maglihim siya, alam niyang malalaman at malalaman parin nito dahil pati nga ang pag-iyak niya sa telepono alam ng lalaki. He got his eyes and ears everywhere."Tinakot kasi ako ni Grace," pagtatapat niya.Umangat ang sulok ng labi nito. "I knew it.""Paano mo nalaman?""I traced the phone number who called here nang itawag ni Manang na umiiyak ka. What else did she tell you?" Masuyo nitong tanong."She wants you back."Naiiling nitong ipinagpatuloy ang pagtutuyo ng kanyang mahabang buhok. "She can't have me back. That chapter of my life already ended. You are now my present, my priority and my future. Kayong dalawa ng anak natin."Napangiti siya. Talagang inari na nito si Kreios. Ang swerte nilang dalawa kay Vincent kaya nanganako siya sa sarili niya na gag
KDRAMA VERSIONMariin siyang napapikit. God know how much she longed for this day to happen in her entire life. This is what she exactly wished for pero alam niya sa sarili niyang hindi niya deserve kung anuman ang pagmamahal binibigay nito sa kanya. She was a dirty woman with a dirty past. Vincent's pure love and intention deserves a pure woman.Nagmulat siya ng mga mata. Vincent was still on his knees while waiting for her answer with a big hope in his eyes. Ang sakit! Ayaw niyang tumanggi pero hindi niya rin ito kayang sagutin.Marahan niyang hinawakan ang singsing bago dahan dahang isinara ang kahita. Puno ng pagtataka ang mga mata nito. Malungkot siyang ngumiti."I-I'm...I'm sorry Vince...Pero hindi ako magpapakasal sa iyo."Mula sa pagkakaluhod ay mabilis itong tumayo. Hinawakan nito ang kanyang balikat at marahan siyang pinaharap ng lalaki. "Why? What's wrong? Hindi mo ba nagustuhan ang proposal ko or you still don't wanna get engage? Tell me, hmm?"Walang tigil sa pagpatak ng
UNWIND"Hindi ka ba papasok?" Puna niya nang makita si Vincent na nakapambahay lang at umiinom ng kape sa kusina.Nakangiti itong umiling. Lumapit siya sa lalaki at tumabi dito. Vincent gave her a soft kiss on her temple. "Mamamasyal tayo today," anito na ikinalingon niya."Hindi ka busy?""Nope. I cancelled all my meetings today."Kumunot ang kanyang noo. "At bakit naman?""Because I want to spend time with the both of you today," he grinned as he gave her a peck on her lips."All of a sudden?" Nagtataka niyang tanong. They have a plan this weekend kaya't nalilito siya kung bakit bigla nitong naisip na mamasyal sila."I just thought maybe we could unwind for the time being. Ayaw mo ba?"Nagpakawala siya ng malalim na buntong hininga. "Sino bang may ayaw basta ikaw ang kasama ko pero ang inaalala ko lang, paano na yung mga meetings mo? Diba sabi mo noong nakaraan tatapusin mo lahat ng trabaho mo para walang istorbo sa weekend?""Works could wait, Jagi..." Paungol nitong sabi at muli s
NIGHTMAREKahit na nag-aalangan siya, sinunod niya pa rin ang sinasabi sa sulat at nagmaneho patungo sa address na ibinigay ng hindi niya kilalang tao kaysa pumunta ng cafe. Ang lakas ng kabog ng kanyang dibdib. Wala namang ibang nakakaalam ng kanyang sikreto bukod sa kanya at sa pamilya niya. Pati rin si Tristan. Pero naniniwala siyang hindi siya ipagkakanulo ng lalaki dahil hindi ito ganoong klaseng tao.Hindi nagtagal, narating na niya ang isang tagong restaurant na sinasabi nito. Agad siyang bumaba ng kotse at nagtungo sa loob. Halos walang tao sa loob ng restaurant nang makapasok na siya. Inilibot niya ang tingin sa paligid hanggang sa makita na niya ang number eleven na table na sinasabi ng may-ari ng sulat kung saan nasa isang sulok iyon na parte ng restaurant.Mula sa mesa ay may isang taong nakasuot ng itim hoodie jacket at nakatalikod sa gawi niya. Marahil ito ang nagpadala sa kanya ng sulat kaya hindi na siya nag-aksaya pa ng panahon at agad na nilapitan ang estranghero.Na