Share

Chapter Five

Author: Ehryn Writes
last update Last Updated: 2022-06-16 12:12:05

"Haayy!" Pabagsak akong umupo sa malambot na sofa sa may garden ng bahay ni Leilani.

Dito ako dumiretso pagkatapos kong pumirma ng kontrata. Honestly, hanggang ngayon nagdadalawang-isip ako kung tama ba ang ginawa ko. Am I even thinking? Just because of my interest with a guy?

Suminghap ako. P'wede ko pa namang bawiin, hindi ba? Like, wala pa namang isang oras mula nang pumirma ako. I can just tear that sheet of paper and moved on with my life.

"Argh!" Umirap ako at pinadyak padyak ang paa sa magandang tiles.

Sa harap ko ay ang magandang garden at medyo maluwang na pool ng bahay ng kaibigan ko. May maliit na space na may bubong at parang maliit na living area, at dito ako nakaupo ngayon. Sa tapat ko ay si Leilani na nakabusangot at masama ang tingin sa akin.

"Alam mo, hindi ako matatapos lalo kung puro ka ganyan," aniya. "Ano ba ang problema mo? Pinipilit ka na naman ba nila tito na pumasok na sa kumpanya niyo?"

"Gosh," I grunted. "Mas malala ito, Lei! Mas malala!"

Binitawan niya ang hawak na lapis, nag-i-sketch kasi ito kanina. Ipinatong niya ang kamay sa armrest ng inuupuan niya at diniretso ang mga mata sa akin.

"Ano na naman, Ems? Naku! Huwag mo lang talaga mabanggit-banggit na may kalokohan ka na namang ginawa at talagang sasabunutan na kita. Ang dami ko ng stress na naipon sa linggong ito!"

Kinagat ko ang ibabang labi. Malalaman at malalaman din naman nila.

"Oh, ano'ng bagong chika?"

Sabay kaming napalingon sa kararating lang na si Kyra. Naka-hoodie at leggings ito. She probably just walked from her house to here. Magkalapit lang kasi sila ng bahay ni Lei, unlike sa akin na ilang kanto pa ang layo.

Leilani shrugged her shoulders off. Kapwa sila tumingin sa akin, nag-aabang kung anong mga salita at kalokohan na naman ang sasabihin ko. Kailan lang ako umuwi ng Pilipinas pero mukhang sawang-sawa na sila sa mga naririnig nila sa akin.

"Hi, girls!"

Great! Another one.

Umupo si Red sa tabi ko at ibinaba ang magazine na dala-dala niya sa center table sa harap namin.

"May new released na sila?" Lei's eyes glowed. Paborito niya kasi ang magazine brand na iyon, bukod sa accurate at maayos sila maglagay ng article, ay updated sila sa mga sikat na personalidad at maski sa mga bagay na tungkol sa business, designs, at maraming mga informative materials ang nasa loob.

I sometimes read, too, but I'm the type who would get bored easily.

"Obvious ba?" sagot ni Red.

"Sa sobrang obvious, talagang kinuha mo pa itong magazine sa kwarto ko para lang ipunta rito," ani Leila at ngumisi na tila ba nahuli ang kapatid sa isang kalokohan nito.

Ngumisi ako. Minsan talaga masyadong halata si Red, eh. He likes Kyra if it isn't obvious yet. Kaya sa halos lahat ng lakad namin ay kasama namin siya kahit hindi naman siya invited. Para-paraan para makasama si Ky. They know each other for years now at alam ko rin na matagal ng may gusto si Red kay Kyra, only that, the former is torpe and the latter is manhid.

Great combo, right?

Naagaw ng cover ng magazine na iyon ang atensyon ko. At the very center of it is the gorgeous face of Kier Montenegro. Seryoso at tila walang pakielam sa camera ang kuha na iyon. Medyo naka-side view pero halatang-halata pa rin ang rahas ng bawat detalye ng kanyang mukha. His beautiful lips look so expensive.

How could a man be this gorgeous?

"And of course, ang apple of the eye niya ngayon, Kier Montenegro," ani Kyra na kahit hindi ko kita ay alam kong umiikot ang mata.

"Montenegro?" Humalakhak si Lei. "Naku, tigilan mo na ang ilusyon mo, Ems, alam kong mayaman ka rin pero kahit ano'ng gawin mo ay hindi ka papansinin niyan at mas lalong hindi ka papatulan. Ang daming sikat, magaganda, at mga sexy na modelo ang nakapila para lang mapansin niya."

Nagkibit ako ng balikat at misteryosong ngumiti. Nawala ang mga mapang-uyam na ngisi sa mga labi nilang tatlo at naging seryoso ang reaksyon ng kanilang mga mukha.

Umayos ako ng upo. At bagaman mukha akong confident sa harapan nila ngayon ay kabaliktaran no'n ang nasa loob ko. Alam kong maiinis sila, magagalit, kokontra... at siguradong hindi matutuwa.

Ni ako nga ay hindi ko alam kung tama ba ang ginawa ko o hindi.

"Actually, guys..." Huminto ako para huminga nang malalim. Halos hindi kumukurap ang mga mata nila sa pag-aabang ng sasabihin ko. "I'm his new secretary."

Nanatili ang ganoon nilang reaksyon, seryoso at malalim ang iniisip, pero matapos ang mga sampong segundo ay halos sabay-sabay silang malaglagan ng panga.

"Damn it," dinig kong bulong ni Red na nakapaloob sa tono ang mensahe na isang malaking pagkakamali na naman ang ginawa ko.

"You..." Umiling-iling si Kyra. "You didn't... hindi iyan totoo."

"Fvck you, Chavez," malutong na mura naman sa akin ni Leilani. Pumikit ito nang mariin saka itinuro ako kay Kyra. "Kausapin mo iyang kaibigan mo."

Sumimangot ako. "Come on, guys, hindi ko na nga alam ang gagawin ko."

"Aba! Bakit ka naman kasi papasok na sekretarya ng lalaking iyon, eh, may sarili ka namang kumpanya. Ano ba ang pumapasok sa isipan mo, Emily!"

Napasabunot si Kyra sa kanyang buhok at tila ba napakalaking problema ang dinulot ko sa kanila.

"You know it's a good thing, too, marami akong matutunan sa kanya--"

"Like what? Sex positions? Kinds of kisses? Best brand of condoms? My goodness, Emily, sabi ko sa'yo, tigilan mo na iyan at hindi ka papatulan niyan," halos pasigaw na sabi ni Leila sa akin.

I pursed my lips together. Muntik na kasi akong matawa sa mga sinabi niya. For real? Hindi naman ako ganoon kabastos, ah? Nagkatinginan kami ni Kyra at sabay na buminghalit ng tawa. Si Red naman ay napailing-iling sa kapatid niya.

Tumayo si Red at tinuro si Leila. "Watch your words. Hindi magandang pakinggan ang mga lumalabas sa bibig mo," anito.

"Duh! This is Emily we are talking here, Red--"

Red rolled his eyes. Pagkatapos ay nagpaalam ito at gagawa raw ng meryenda namin. He probably knows that I would like to discuss this topic with the girls.

"At kayong dalawa, ano naman ang nakakatawa?" Pinagsiklop niya ang dalawang braso sa harap ng kanyang dibdib at nakairap sa amin.

"Come on, Lei, sex positions, really? Hindi naman ako manyak, ano! But thanks for the idea, I might as well ask him what's his preference--"

"Shut up, Emily!"

Humalakhak akong muli. Biro lang naman iyon pero pikon na pikon siya.

"So, balik na tayo sa topic, kailan ka magsisimula magtrabaho sa kanya? At paano mong napapayag ang dad mo?"

Kwinento ko sa kanila ang mga nangyari bago ang contract signing kanina. Of course, sa buong oras ng pagkukwento ko ay panay sila komento. But it's fun, medyo nabawasan ang bigat sa dibdib ko dahil sa kanila.

Mabilis na lumipas ang weekend. O baka dahil excited lang ako mag-Monday. And today is the day I will meet him again.

The cold billionaire. I wonder if he's excited to meet his new secretary, hmm?

"Good morning, Mom, Dad." Humalik ako sa pisngi nila pareho at nakisabay sa pagkain ng breakfast.

"You're early today," ani mommy.

Madalas kasi na hindi ako nakakasabay mag-breakfast sa kanila unless late silang papasok. Pero iba ngayong araw na ito, it will surely be a fun day.

"May pasok ako, mom," sabi ko dahil mukhang nakalimutan niya.

"Oo nga pala," aniya sa problemadong tono, hindi pa rin talaga siya sang-ayon sa desisyon ko.

"I hope you'll learn a lot from the man, anak," sambit ni daddy at tinanguan ko na lang dahil hindi ko na alam pa ang sasabihin.

I wore a mini daring bloody red dress for my first day. I partnered it with black stilettos, gold accessories, and black mini designer bag.

Red lipstick, check.

Minimal make up, check.

So, I guess, ready na ako.

Sumakay na ako sa sasakyan at mabilis na pinaharurot iyon patungo sa kumpanya. Montenegro Holdings, here I come.

"Good morning, Ma'am," kabi-kabilang bati ng mga naroon.

May mga bulungan akong narinig ag nagtatalo kung pumasok ba ako bilang partner ng kumpanya o secretary ng boss nila.

"Good morning, what floor is Mr. Montenegro's office?" magiliw na tanong ko sa front desk.

"Good morning, Miss Emily, seventh floor po. Should I go with you?"

"No, no, it's fine. Thank you!"

Napansin ko ang pag-iwas ng karamihan sa akin, of course, they probably think I'm a new boss. Pero hindi iyon ganoon. Pinilit kong makipag-usap pero medyo ilang sila at ending, wala pang sumabay sa akin sa elevator.

Ngumuso ako pero hindi ko hinayaan na makaapekto iyon sa first day of work ko.

"Good morning, Miss Emily," the red-haired lady greeted me.

"Good morning! Ano'ng name mo?"

"Shaira, I'm the administrative assistant"

"Oh, it's nice meeting you! I'm the new secretary, of course, I knew that you are aware."

Ngumiti siya ng matamis. "Karamihan ay mga highest ranking officers ang nakapwesto rito. Yung lalaki na naka-focus sa laptop niya banda roon ay si James, siya ang head ng engineering department. Then yung girl na medyo malapit sa gawi niya is si Sofia, siya ang project manager, then we have Kathy, our accountant, Ellie as business analyst, Clarence as general manager- siya na basically ang may hawak sa mga iba't ibang company under the holding, sa kanya na bumabagsak lahat ng mga informations and papers mula sa mga manager ng mga partner companies. Then we also have Ezra as our HR Manager. Sila lang ang nandito sa floor na ito aside kay Mr. Montenegro at sa Chief Financial Officer at Chief Marketing Officer natin."

"So, p'wede ako sa'yo magtanong kapag may kailangan akong malaman?"

She smiled sweetly, she really looks kind and at the same time, formal.

"Sure, Miss Emily, I will be glad to assist you."

"Cut the Miss. Emily na lang. So, I think I have a new found friend?"

She giggled. "Huwag lang tayo magkukwentuhan sa harap ni Mr. Montenegro, allergic iyon sa mga nag-uusap na hindi work-related dito sa opisina."

I winked at her. "Trust me, I know how cold that guy is."

"Oh, sige, pumunta ka na. Ay, teka, alam mo ba magtimpla ng kape o ako na muna?"

"Ako na," sabi ko at nagpaturo kung saan sila nagtitimpla ng kape.

I lived alone for quite some time kaya naman alam ko at marunong ako magtimpla ng kape.

I knocked at his door three times before opening it. Hindi niya ako pinansin o nilingon man lang. I was a bit stunned upon seeing him in his navy blue suit. Sobrang seryoso niya habang nakahawak ng mamahaling ballpen at may isinusulat na kung ano.

"Good morning!" I greeted.

Nag-angat siya ng mukha sa akin. Although nabasa ko ang gulat sa mga mata niya ay hindi niya iyon ipinahalata sa akin. I smirked. Nangunot naman ang noo nito at ibinabang muli ang ulo sa pinagkaka-busy-han.

"Here's your coffee pala," sabi ko at ibinaba sa mesa niya ang kape. Dahil curious ako ay lumapit ako ng kaunti sa kanya. "What are you writing?"

Tiningnan niya ako ng masama. "Step back, woman."

Ngumiwi ako. "Call me when you need me," sabi ko at kumindat sa kanya bago nag-walk out ng opisina.

Dumoble ang pagkakabilog ng mga mata ko nang makalabas sa opisina niya. Oh my gosh! Oh my!

Weird. And it feels weird because its weird. Gets niyo ba? Hindi ganito yung nasa isip ko, eh.

At... teka...

"I-arrange mo raw lahat ng files in accordance sa date ng project. Tapos i-summary mo lahat ng dates, investor, short details per project sa isang file."

"Okay, ilang weeks ko raw gagawin?"

Humalakhak ng kaunti si Shaira. "Anong weeks? Kailangan na iyan after lunch."

Nalaglag ang panga ko habang nakatingin sa sandamakmak na folder sa mesa ko. I looked back at the office and murmured a curse.

Hindi ba dapat pa-welcome party ko ngayon? Bakit ganito? Haist!

Related chapters

  • Flirting the Cold Billionaire    Chapter Six

    This is hell!Kanina pa ako nagpupuyos sa inis dahil sa dami ng trabaho na itinambak niya sa akin. See? Kaya ayaw ko magtrabaho sa kumpanya namin dahil sandamkmak ang babasahin, gagawin, aayusin... I do not even have passion for these things."Coffee, Emily?" Shaira offered. Kanina pa siya patingin-tingin sa gawi ko. Magkatabi lang kasi ang cubicle namin although medyo malaki ang cubicle per person kaya hindi rin ganoon kalapit. Mukhang naaawa siya sa akin na hindi ko maintindihan.I pursed my lips together and closed my fists. Come on, Emily, pinasok mo ito kaya panindigan mo."Yes, please," halos mangiyak-ngiyak na sagot ko."Patapos na ako sa ginagawa ko, ibigay mo na lang sa akin ang kalahati para mai-type ko at i-copy mo na lang pagkatapos," aniya.Mabilis akong lumingon sa gawi niya at tila nakakita ng mumunting pag-asa."Talaga? Okay lang?"She nodded and smiled. "Magtitimpla na muna ako ng kape." Tumayo siya at lumapit sa akin. Tinapik niya ang balikat ko. "Pasensya ka na kay

    Last Updated : 2022-06-18
  • Flirting the Cold Billionaire    Chapter Seven

    "Hi!" sambit ko pagpasok na pagpasok sa opisina niya. Hindi niya ako tiningnan, boses pa lang alam niya ng ako ito. Oh well, at least now he's already familiar with my voice.Lumapit ako sa mesa niya at padausdos na hinaplos ang pangalan niyang nakaukit sa harap ng kanyang mesa."By the way, I love your name."Pero yung pangalan niya ay medyo kabaliktaran ng pag-uugali niya. Kier sounds angelic while he's not.Nakayuko ang ulo ay sumulyap ang mga mata niya sa akin. His eyes stopped a bit on my cleavage, well, I told you, men are all the same. Pero agad niya ring itinaas ang ulo upang salubungin ang mga mata ko."What's your email?"Gumuhit ang mapang-akit na ngisi sa mga labi ko at itinaas ang isang kilay. Bakit naman email? He's too formal."I'll send my number insted--""Tell me your email so I can send you the rules and regulations inside my company."My lips twitched. Bahagyang nalilito at bahagyang naiinis. What does he mean? "What--""First day, you're late. Second day, you bro

    Last Updated : 2022-06-19
  • Flirting the Cold Billionaire    Chapter Eight

    "Thank you, Mr. Montenegro.""I'm looking forward for a great partnership with you, Mr. Chua," sabi naman ni Kier at nagkamay silang dalawa.Napatingin ang matanda sa akin. Bahagyang nanliit ang mga mata na tila sinusuri kung sino ako."This is...?" Humarap siya kay Kier."My new secretary." Lakas maka-kilig ng word na 'my' ha."Emily Chavez po, sir," pagpapakilala ko. "Oh," amazed and shocked at the same time. "Now I know why you are familiar. Why is this Chavez heiress your secretary?"Tiningnan ako ng masama ni Kier at the same time ay mayroon sa tingin niya ang nagsasabi na ako ang sumagot sa tanong dahil maski siya ay hindi alam kung bakit."I want to learn from the greatest and youngest businessman of my generation, Sir, as you may know, I'm just new in this business.""That's great! I'm looking forward to work with you, too." Nag-offer siya ng handshake at tinanggap ko naman.Pagkatapos no'n ay lumabas na rin ang dalawa sa may meeting hall kasabay ng ilan pang mga kasama sa me

    Last Updated : 2022-06-22
  • Flirting the Cold Billionaire    Chapter Nine

    "Oh em gee! Seryoso ba?" bulalas ni Kyra nang ikwento ko ang nangyari sa opisina kanina. Dumiretso ako sa club ni Red at inaya sila. Leila's busy though kaya tatlo lang kaming nandito. "Sure ka bang hindi mo sinadya?" tanong ni Red na mas nagpainit ng ulo ko."At bakit ko naman sasadyain?" masungit na sabi ko. "Get me a vodka bull, please.""May pasok ka bukas, Ems. Baka lalo lang magalit ang boss mo kung papasok kang may hangover bukas," ani Kyra na naka big sister mode na naman.Magagalit dahil may hangover? Ni hindi niya iyon mapapansin panigurado. He won't even make an eye contact with me. Kung mayroon man ay puro matatalim pa na tingin."Hindi ako malalasing sa isang baso lang, Ky."Nagbuga ito ng hininga saka isinenyas ang pagpayag kay Red. Pagkaalis ni Red ay may umupo sa tabi ko."Hi, girls."Patrick Suarez, the hottie male actor. Ngumiti ako sa kanya pero problemado pa rin na dumukdok sa mesa. Gulong-gulo ako. Hindi ko alam kung paano ako hihingi ng tawad o babawi kay Kier.

    Last Updated : 2022-06-26
  • Flirting the Cold Billionaire    Chapter Ten

    Malapit na mag-out ang mga kasama ko pero heto at kulang pa ako ng dalawang page. Si Kier ay bumalik na kanina pero may kinuha lang yata pagkatapos ay may pinuntahang meeting. I know he has a meeting because I have his schedule. Medyo matigas ang reaksyon niya kanina kaya alam ko na hindi pumayag si Mr. Morada kaya doble ang kaba ko ngayon.Kapag nalaman ito ni dad ay tiyak na hindi na niya ako pagtatrabahuin pa rito at sesermonan pa ako ng bongga no'n. Kier won't say it but if the project with Mr. Morada won't push through, my father would know either way.Naka-off na ang ibang ilaw at ako na lang ang tao sa floor namin. Ngayon lang ako nag-over time ng ganito sa buong buhay ko. Sinilip ko ang oras sa suot kong relo. Malapit ba mag-nine. Shit! Wala na akong aabutan sa opisina niya.I have no choice. Habang hinihintay na lumabas sa printer ang mga ginawa ko ay tinawagan ko si dad para humingi ng tulong. Wala akong alam tungkol kay Mr. Morada bukod sa pangalan niya pero si dad, I know

    Last Updated : 2022-06-28
  • Flirting the Cold Billionaire    Chapter Eleven

    Isang oras na yata akong nakangiti habang pabalik-balik ang tingin sa mesa ko at sa pintuan ng opisina niya. He said thank you, right? Hindi pa naman ako bingi sa pagkakaalam ko at hindi pa naman ako sobrang baliw para gumawa ng sariling eksena sa isipan ko at sabihin totoo iyon.Or am I?No.He definitely said that."Aaissh!" Dumukdok ako sa mesa. Hindi ko alam kung bakit ba nandito pa ako, eh, wala naman akong ginagawa.Kier has no meeting today. Wala rin siyang pupuntahan at base sa kopya ng schedule niya na mayroon sa akin ay tuwing sabado niya tinatapos ang mga bagay na hindi niya natapos sa buong linggo dahil marahil sa mga meetings, lalo na sa mga emergencies na hindi naman nakasingit sa schedule niya."Hindi ka pa uuwi, Emily?" tanong ng isa sa mga kasama ko rito.Nagliligpit na sila ng gamit. It's an hour before lunch break. Mukhang tapos na sila sa ginagawa nila. At ako? Ano nga ba kasi ang ginagawa ko rito bukod sa tumunganga.I groaned before standing up. Bibili na lang ak

    Last Updated : 2022-07-08
  • Flirting the Cold Billionaire    Chapter One

    Emily Chavez's Point of View"Hi, gorgeous!"Nilaro-laro ko ang wine glass na hawak bago ibinaba iyon. I traced my not so long finger nails on the glass before looking at the man who sat just beside me on the counter of the night club where I am in right now.Kusang lumandas ang ngiti sa mga labi ko nang makita kung sino ang kaharap. It's the ever handsome Patrick Suarez, of course I know him. Isa siya sa pinakasikat na actor sa kasalukuyan dito sa Pilipinas. Una kong napansin ang buhok nito na medyo magulo at mahaba ng kaunti kaysa sa normal na malinis na gupit ng mga lalaki. The black small earring on his right ear sparkled. Hindi ko mapigilang punahin ang ilong niya na mas maganda pa ang korte kaysa sa akin."You're alone?" He asked in a usual husky and flirty voice of a guy.Bumaba ang tingin ko sa mapupulang labi niya. I gulped. I wonder what his lips tastes like. Binasa ko ang mga labi saka humalakhak ng bahagya.

    Last Updated : 2022-03-04
  • Flirting the Cold Billionaire    Chapter Two

    Hotels at Resorts ang businesses namin. Mula sa lolo't lola ko hanggang sa mga magulang ko ay iyon na ang pinagkakaabalahan. Nag-iisa akong anak at bagaman may pinsan naman akong isang lalaki ay mas bata iyon sa akin, high school level pa lang siya ngayon kaya ako lang din ang p'wedeng asahan sa ngayon.Sixteen years old ako nang umalis ako patungong France para mag-aral ng fashion design. I love fashion, girly things, luxuries, bags, clothes, name it. Kaya sinunod ko ang gusto ko kahit na alam kong hindi rin iyon ang magiging kahihinatnan ng lahat. I have to manage our business or at least own a position in it.Kaya nandito ako ngayon. I left my passion for this fvcking business thing I don't even know about.Yes napilitan ako na umuwi rito pero hindi naman ako pinilit nila mommy like pinilit as in. Alam ko rin naman ang responsibilidad ko at gusto ko rin bigyan ng chance, baka naman pagkatapos ng ilang buwan ay ma-enjoy ko rin.Pero iniisip ko p

    Last Updated : 2022-03-04

Latest chapter

  • Flirting the Cold Billionaire    Chapter Eleven

    Isang oras na yata akong nakangiti habang pabalik-balik ang tingin sa mesa ko at sa pintuan ng opisina niya. He said thank you, right? Hindi pa naman ako bingi sa pagkakaalam ko at hindi pa naman ako sobrang baliw para gumawa ng sariling eksena sa isipan ko at sabihin totoo iyon.Or am I?No.He definitely said that."Aaissh!" Dumukdok ako sa mesa. Hindi ko alam kung bakit ba nandito pa ako, eh, wala naman akong ginagawa.Kier has no meeting today. Wala rin siyang pupuntahan at base sa kopya ng schedule niya na mayroon sa akin ay tuwing sabado niya tinatapos ang mga bagay na hindi niya natapos sa buong linggo dahil marahil sa mga meetings, lalo na sa mga emergencies na hindi naman nakasingit sa schedule niya."Hindi ka pa uuwi, Emily?" tanong ng isa sa mga kasama ko rito.Nagliligpit na sila ng gamit. It's an hour before lunch break. Mukhang tapos na sila sa ginagawa nila. At ako? Ano nga ba kasi ang ginagawa ko rito bukod sa tumunganga.I groaned before standing up. Bibili na lang ak

  • Flirting the Cold Billionaire    Chapter Ten

    Malapit na mag-out ang mga kasama ko pero heto at kulang pa ako ng dalawang page. Si Kier ay bumalik na kanina pero may kinuha lang yata pagkatapos ay may pinuntahang meeting. I know he has a meeting because I have his schedule. Medyo matigas ang reaksyon niya kanina kaya alam ko na hindi pumayag si Mr. Morada kaya doble ang kaba ko ngayon.Kapag nalaman ito ni dad ay tiyak na hindi na niya ako pagtatrabahuin pa rito at sesermonan pa ako ng bongga no'n. Kier won't say it but if the project with Mr. Morada won't push through, my father would know either way.Naka-off na ang ibang ilaw at ako na lang ang tao sa floor namin. Ngayon lang ako nag-over time ng ganito sa buong buhay ko. Sinilip ko ang oras sa suot kong relo. Malapit ba mag-nine. Shit! Wala na akong aabutan sa opisina niya.I have no choice. Habang hinihintay na lumabas sa printer ang mga ginawa ko ay tinawagan ko si dad para humingi ng tulong. Wala akong alam tungkol kay Mr. Morada bukod sa pangalan niya pero si dad, I know

  • Flirting the Cold Billionaire    Chapter Nine

    "Oh em gee! Seryoso ba?" bulalas ni Kyra nang ikwento ko ang nangyari sa opisina kanina. Dumiretso ako sa club ni Red at inaya sila. Leila's busy though kaya tatlo lang kaming nandito. "Sure ka bang hindi mo sinadya?" tanong ni Red na mas nagpainit ng ulo ko."At bakit ko naman sasadyain?" masungit na sabi ko. "Get me a vodka bull, please.""May pasok ka bukas, Ems. Baka lalo lang magalit ang boss mo kung papasok kang may hangover bukas," ani Kyra na naka big sister mode na naman.Magagalit dahil may hangover? Ni hindi niya iyon mapapansin panigurado. He won't even make an eye contact with me. Kung mayroon man ay puro matatalim pa na tingin."Hindi ako malalasing sa isang baso lang, Ky."Nagbuga ito ng hininga saka isinenyas ang pagpayag kay Red. Pagkaalis ni Red ay may umupo sa tabi ko."Hi, girls."Patrick Suarez, the hottie male actor. Ngumiti ako sa kanya pero problemado pa rin na dumukdok sa mesa. Gulong-gulo ako. Hindi ko alam kung paano ako hihingi ng tawad o babawi kay Kier.

  • Flirting the Cold Billionaire    Chapter Eight

    "Thank you, Mr. Montenegro.""I'm looking forward for a great partnership with you, Mr. Chua," sabi naman ni Kier at nagkamay silang dalawa.Napatingin ang matanda sa akin. Bahagyang nanliit ang mga mata na tila sinusuri kung sino ako."This is...?" Humarap siya kay Kier."My new secretary." Lakas maka-kilig ng word na 'my' ha."Emily Chavez po, sir," pagpapakilala ko. "Oh," amazed and shocked at the same time. "Now I know why you are familiar. Why is this Chavez heiress your secretary?"Tiningnan ako ng masama ni Kier at the same time ay mayroon sa tingin niya ang nagsasabi na ako ang sumagot sa tanong dahil maski siya ay hindi alam kung bakit."I want to learn from the greatest and youngest businessman of my generation, Sir, as you may know, I'm just new in this business.""That's great! I'm looking forward to work with you, too." Nag-offer siya ng handshake at tinanggap ko naman.Pagkatapos no'n ay lumabas na rin ang dalawa sa may meeting hall kasabay ng ilan pang mga kasama sa me

  • Flirting the Cold Billionaire    Chapter Seven

    "Hi!" sambit ko pagpasok na pagpasok sa opisina niya. Hindi niya ako tiningnan, boses pa lang alam niya ng ako ito. Oh well, at least now he's already familiar with my voice.Lumapit ako sa mesa niya at padausdos na hinaplos ang pangalan niyang nakaukit sa harap ng kanyang mesa."By the way, I love your name."Pero yung pangalan niya ay medyo kabaliktaran ng pag-uugali niya. Kier sounds angelic while he's not.Nakayuko ang ulo ay sumulyap ang mga mata niya sa akin. His eyes stopped a bit on my cleavage, well, I told you, men are all the same. Pero agad niya ring itinaas ang ulo upang salubungin ang mga mata ko."What's your email?"Gumuhit ang mapang-akit na ngisi sa mga labi ko at itinaas ang isang kilay. Bakit naman email? He's too formal."I'll send my number insted--""Tell me your email so I can send you the rules and regulations inside my company."My lips twitched. Bahagyang nalilito at bahagyang naiinis. What does he mean? "What--""First day, you're late. Second day, you bro

  • Flirting the Cold Billionaire    Chapter Six

    This is hell!Kanina pa ako nagpupuyos sa inis dahil sa dami ng trabaho na itinambak niya sa akin. See? Kaya ayaw ko magtrabaho sa kumpanya namin dahil sandamkmak ang babasahin, gagawin, aayusin... I do not even have passion for these things."Coffee, Emily?" Shaira offered. Kanina pa siya patingin-tingin sa gawi ko. Magkatabi lang kasi ang cubicle namin although medyo malaki ang cubicle per person kaya hindi rin ganoon kalapit. Mukhang naaawa siya sa akin na hindi ko maintindihan.I pursed my lips together and closed my fists. Come on, Emily, pinasok mo ito kaya panindigan mo."Yes, please," halos mangiyak-ngiyak na sagot ko."Patapos na ako sa ginagawa ko, ibigay mo na lang sa akin ang kalahati para mai-type ko at i-copy mo na lang pagkatapos," aniya.Mabilis akong lumingon sa gawi niya at tila nakakita ng mumunting pag-asa."Talaga? Okay lang?"She nodded and smiled. "Magtitimpla na muna ako ng kape." Tumayo siya at lumapit sa akin. Tinapik niya ang balikat ko. "Pasensya ka na kay

  • Flirting the Cold Billionaire    Chapter Five

    "Haayy!" Pabagsak akong umupo sa malambot na sofa sa may garden ng bahay ni Leilani.Dito ako dumiretso pagkatapos kong pumirma ng kontrata. Honestly, hanggang ngayon nagdadalawang-isip ako kung tama ba ang ginawa ko. Am I even thinking? Just because of my interest with a guy?Suminghap ako. P'wede ko pa namang bawiin, hindi ba? Like, wala pa namang isang oras mula nang pumirma ako. I can just tear that sheet of paper and moved on with my life."Argh!" Umirap ako at pinadyak padyak ang paa sa magandang tiles.Sa harap ko ay ang magandang garden at medyo maluwang na pool ng bahay ng kaibigan ko. May maliit na space na may bubong at parang maliit na living area, at dito ako nakaupo ngayon. Sa tapat ko ay si Leilani na nakabusangot at masama ang tingin sa akin."Alam mo, hindi ako matatapos lalo kung puro ka ganyan," aniya. "Ano ba ang problema mo? Pinipilit ka na naman ba nila tito na pumasok na sa kumpanya niyo?""Gosh," I grunted. "Mas malala ito, Lei! Mas malala!"Binitawan niya ang h

  • Flirting the Cold Billionaire    Chapter Four

    "Totoo ba ang narinig ko? Magiging secretary ka ni Mr. Montenegro?" Punong-puno ng pagtataka at pag-aalala ang mukha ni mommy. Sino nga ba namang matinong tao na ayaw nga'ng mag-manage ng business ay mag-aapply naman na secretary ng isang sobrang busy na businessman? Ako lang siguro.Para saan? Para sa mga personal kong kagustuhan. Gusto kong patunayan na kaya kong mapa-inlove ang tao na iyon. U-huh, pride? Ego? Ganoon na nga siguro. Pero ang tanging nasa isip ko lang ngayon ay kung paano maisasagawa ang plano ko.How to make him mine. Kung paano ko magawang palingunin siya sa gawi ko kahit wala akong ginagawa. "Yes, mom."Lumamlam ang mga mata niya. Binitawan niya ang mga dala na paperbag at kinuha ang kamay ko."Anak, pinilit ka ba ng daddy mo? Ano ang sinabi niya sa'yo? Ako ang kakausap sa kanya--""Mommy," pagpigil ko sa kanya. "Desisyon ko rin po ito. After all, you know that no one can tell me what to do."Mas lalong nangunot ang noo niya. Ang makakapal niyang kilay ay halos m

  • Flirting the Cold Billionaire    Chapter Three

    Green sparkly above the knee tube dress with black pumps and a Chanel sage green bag. Tiningnan ko ang sariling repleksyon sa salamin. I especially love my dangling earrings especially made by my friend, Leilani, who is a jewelry designer.Naka-bun ang buhok ko at nagbaba lang ako ng ilang strands ng buhok para magmukhang sosyal ang buong look ko. Ngayon lang ako na-excite na um-attend sa ganitong event. Dati ay halos tumakas ako ng bahay para lang hindi sumama kanila mommy. Ang boring kaya roon.But the apple of my eye is there. Hindi ko lubos maintindihan kung bakit pero sobrang nacu-curious ako sa pagkatao niya. Or was it because I find it thrilling since he's not easy to get? Hindi ko alam."Sumabay ka na lang sa amin, anak."Umiling ako. "I'll use my car, mom."Bumuntong-hininga siya dahil alam niyang hindi niya ako mapipilit. Humakbang palapit sa akin si mommy at dinig na dinig ang pagdikit ng kanyang heels sa mamahaling tiles ng ba

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status