Share

Flames of Admiration
Flames of Admiration
Author: MyMischievous_M

PROLOGUE

Author: MyMischievous_M
last update Huling Na-update: 2024-10-29 19:42:56

Prologue

"Azen!!"

Rinig na rinig ko ang malakas na boses ni Lorain mula sa aking tainga kahit hindi pa siya nakakalapit sa aking upuan. Busy ako sa pagrereview ng aking notes kaya naman wala na akong oras para makipagkulitan o intindihan pa ang kung sino. Ilang oras na lang ay magsisimula na ang quiz bee sa Science kaya naman hindi na ako mapakali sa aking kinauupuan habang tinititigan isa-isa ang mga reviewer ko.

"Huy ano ba! Ang busy mo naman masyado diyan. May nagpapabigay sayo nito ghurl." Walang gana akong napatingin kay Lorain nang makita ko ang kanyang bitbit. Napakunot ang aking noo habang tinitignan ang mga chocolates at bulaklak na hawak ngayon ni Lorain.

"Para kanino daw yan?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Huy ano ka ba, para sayo ito may nagpapabigay! Hindi kaba nainform Valentine's Day ngayon! Nakakainggit ka nga kasi may nagbibigay sayo nito." Nakasimangot na tugon ni Lorain habang nakatitig sa kanyang bitbit.

Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Lorain. Sa sobrang busy ko pala hindi ko na namalayan ang araw ngayon.

"Edi sayo na." Tipid na sagot ko sa kanya sabay balik sa aking ginagawa.

"Huy ano ka ba! Sayang naman ito oh napakasama mo ghurl! Kawawa naman yung tao nag-effort pa para sayo tapos di mo lang kukunin." Sunod-sunod na sagot ni Lorain.

"Whatever! Malay mo kinupit nya pa pambili nyan sa nanay nya edi ako pa naging dahilan!" Sarkastiko kong sagot sa kanya sabay taboy gamit ang aking kamay.

"Huy grabe ka talaga!" Sagot ni Lorain habang hindi mapigil ang pagtawa dahil sa sinabi ko.

"It's either you take it, bring it back to him or worse throw it." Sagot ko sa kanya.

"Sige! As you wish!" Sagot naman ni Lorain sabay lakad papalayo habang bitbit ang mga bulaklak na ang sakit sa ilong ng amoy. Napabuntong hininga ako habang deretsong nakatitig sa aking mga reviewer. Hay naku may lalaki nanamang walang magawa kaya pinagtitripan nanaman ako.

Hindi naman ako naniniwalang seryoso yun kung sino mang nagbigay nun. Sigurado akong gusto lang akong pagtripan nung mga yun. Alam ko namang hindi ako ganoong kaganda para may mag-effort na magbigay nun sakin. Paano ko ba naman hindi masasabi ang mga ito eh hindi ko alam kung ilang beses na ba akong may nakaaway na lalaki sa napakadaming dahilan.

Maraming lalaking nagtitrip sakin na nagsasabing plano daw ako nilang ligawan pero yun pala pinagtitripan lang ako. Kaya sobrang dalang-dala na talaga ako sa ganyang mga usapin. Hindi ako gaanong nakikipag-usap sa mga lalaking alam kong hindi matino at alam kong makakaaway ko lang.

Ang dami ng lalaking nagtangkang lumapit sakin pero walang nagseseryoso kahit isa. Atsaka kahit naman magseryoso sila hindi ko naman sila talaga papatulan. Sa papangit ba naman ng mga mukha ng mga gagong yun tingin nila papatulan ko sila? Hindi ako maganda pero wala akong planong umibig sa mas pangit pa sakin.

Napahigpit ang hawak ko sa aking ballpen nang maalala ang mga panggagagong ginawa sakin dati nung naging kaklase kong repeater. Iprint ba naman yung mga stolen shots ko nang hindi ko alam. Ang nakakainis pinagpapaskil nya pa sa iba't-ibang parte ng room. Pero okay lang atleast napaputok ko naman ng isa yung labi nya sa pamamagitan ng suntok. Ewan ko ba bakit palagi na lang ako ang napipili nilang pagtripan? Ganon talaga siguro kapag palaban palagi na lang gustong pagtripan.

"Ghurl nakakainis!!" Gulat akong napatingin kay Lorain nang lumapit siya sa akin na may nakasimangot na mukha.

"Bakit anong nangyari? Gulat na tanong ko sa kanya.

"Binuksan ko yung mga chocolates na binigay sayo ni Alfred. Grabe halos masuka ako nung natikman ko kasi expired na pala yun lahat!! Hindi ko lang napansin yung expiration date." Malungkot na sagot ni Lorain habang nakanguso pa.

"Sabi ko naman sayo itapon mo na lang o di kaya ibalik mo sa kanya tuloy ngayon imbes na ako yung mamatay eh mas mauuna ka pa ata dahil sa katakawan mo." Natatawa kong sagot matapos makumpirma ang aking hinalang pinagtitripan nanaman ako nila.

"Huy O.A. ka nakatikim lang ng expired patay agad?" Maarteng sagot naman ni Lorain na may pag-irap pa.

"Para namang kapapanganak mo lang kahapon. Hindi ka na ba nadala? Edi ba sabi ko naman sayo pinagtitripan lang ako ng mga yan? Edi ikaw tuloy nabiktima ngayon." Nakangisi kong sagot sa kanya habang may pag-iling pa.

Kahit kailan talaga hindi ako binibigo ng aking kutob. Hinding hindi talaga ako magpapaloko sa kanila. Pinatawag na ako ng aking trainor kaya naman agad na akong pumunta habang bitbit ang aking white board ang marker. Sandali nya muna akong nireview ng mabilisan pagkatapos ay sinamahan nya ako papunta sa room kung saan magaganap ang science quiz bee.

Nagtinginan lahat ng mga tao mula sa loob nang pumasok na ako. Paano ba naman ang lakas ng tunog ng pintuan kapag binubuksan. Lalong bumilis ang tibok ng aking puso at talaga namang ramdam ko ang aking kaba dahil parang hindi basta quiz bee lang ang lalabanan ko ngayon. Galing sa iba't-ibang school ang mga makakalaban ko. Agad na akong umupo sa number 5 na upuan dahil iyon rin ang number na magsisilbing pangalan ko ngayon.

Tumingin ako sa paligid kumunot ang aking noo nang mapansing halos mga lalaki ang kalaban ko ngayon. Out of 15 students 5 lang kaming babae. Every year ako ang representative ng school namin para lumaban sa Science Quiz Bee na ito at masaya ako dahil palagi kong naiuuwi ang trophy pero ngayon hindi ko alam kung mangyayari pa yun dahil panigurado ako na di-hamak na mas matatalino ang mga lalaki compare to girls.

Napalunok ako bago isinulat ang aking sagot sa anung itinanong na katanungan. Pagkatapos ng tatlumpong segundo ay ipinataas na ang aming mga white board. Laking pasalamat ko na lang nang tama ang aking isinagot.

Patagal ng patagal ang laban ay pahirap din ng pahirap ang mga tanong. Sa first level natanggal agad ang 2 girls and 3 boys kaya naman 10 na lang kaming natitira. Sa second level untikan akong matanggal buti na lang tama yung sagot ko sa last question. Sa third level 5 na lang kaming natira ako na lang ang nag-iisang babae kaya naman halos hindi ko na magawang makapagsulat ng maayos dahil sa pamamawis ng aking kamay dulot ng nerbyos.

Tatlo na lang kaming natira. Dalawang lalaki at isang babae. Final question na ang aming sasagutin. Nang banggitin na ng guro ang sagot hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at agad ko ng isinulat ang sagot. Tinignan kong maigi ang formula na naisulat ko at laking gulat ko nang mapagtantong mali ang naisulat ko. Formula ng velocity ang dapat na aking ginawa pero speed ang aking nailagay. Napakagat labi ako habang hinahagilap kung nasaan na ba ang aking eraser.

Agad kong binura ng mabilis ang solution na aking ginawa. Malapit ng matapos ang oras dahil sa pagpapanic nabitawan ko ang aking panulat sa lapag at gumulong ito patungo sa isang upuan. Agad akong lumakad habang nakayuko para kunin ito nang biglang unahan ako ng isang estudyante na kalaban ko sa quiz na ito. Napatanga ako sa itsura niya nang iabot niya ito sa akin. Hindi ko alam pero parang nawala ang frustration ko nung makita ko siya. Tipid niya akong nginitian sabay hinawakan niya ang aking kamay upang ibigay sakin ang aking marker. Napakagat ako sa aking labi dahil sa ginawa niya.

Hindi ko namalayan na napatitig pala ako sa kanya ng matagal. Agad siyang bumalik sa pagsasagot matapos iabot iyon sa akin.

Hindi na ako nag-aksaya pa ng panahon at muling sinagutan ang tanong ngunit kahit anong focus ko hi di ko magawang makapag-isip ng mabilis dahil sa paulit-ulit kong naaalala ang mukha ng lalaking nasa tabi ko ngayon at ang nag-abot sa akin ng marker.

Napakagat na lamang ako sa aking pang-ibabang labi nang matapos na ang oras kaya naman kinakailangan ko ng itaas ang bored kahit na hindi pa ako tapos magsagot. Matapos ang quiz bee binigyan muna kami ng 30 minutes break bago iannounce ang winner. Sa may gymnasium daw iaanounce ang winner para alam din ng ibang estudyante ng school. Walang gana akong kumakain ng binili kong cheese burger habang nakasimangot dahil naaamoy ko na ang aking pagkatalo ngayong year.

First time ko lang matatalo ngayon at ang mas masaklap natalo ako dahil sa hindi ko rin alam na dahilan. Ano kayang meron sa lalaking yun at ganoon na lang ang pakiramdam ko sa kanya. Hawakan ba naman yung kamay ko ng walang pasabi sinong hindi kikiligin.

"Congratsss"

Nagulantang ako sa boses na umalingawngaw malapit sa aking tainga. Agad kong nilingon kung sino iyon. Sinamaan ko ng tingin si Lorain nang malaman kong siya pala ang sumigaw malapit sa aking tainga. Kasama niya si Jeymee sabay umupo sila sa dalawang bakanteng upuan sa aking harapan.

"Wag mo na akong icongratulate. Di naman tayo panalo ngayon." Matamlay na sagot ko sa kanya.

"Bakit? Mahirap ba ngayon compare nung mga nakaraang laban mo? Sinong nanalo?" Sunod-sunod na tanong naman ni Jeymee.

"Hindi naman siya sobrang hirap. Hindi lang siguro ako pinalad ngayon. Pero hindi pa naiaanounce yung winner mamaya pa daw sa gym." Nakangiting sagot ko sa kanila habang pilit pinapawi ang lungkot.

"Ikaw naman, hindi pa naman pala nasasabi yung panalo ang negative mo agad. Kamusta na nga pala yung sinasabi mong bet mo? Yung trainor mo nga ba yun?" Pag-iiba ni Lorain ng usapan.

Kunot noo akong napatitig sa sinabi nya. Napatango ako nang maalala na pinipilit nga pala nila akong pasagutin nung minsan kung sino daw bang nagugustuhan ko. Dahil makulit sila sinabi ko na lang na si sir. Ian na trainor ko sa Science yung gusto ko kahit hindi naman talaga.

"Thank you for the students who participated in Science Quiz Bee. Let us recognize the top 3 who attained the highest scores in quiz bee."

Nagkatinginan kaming tatlo nang marinig ang boses na iyon na nanggagaling sa gym.

Nagtakbuhan ang mga students mula sa canteen papuntang gym nang marinig iyon. Hindi narin nagpahuli pa sina Jeymee at Lorain hinigit ni Lorain ang aking braso upang mabilis na makarating doon kahit na wala narin naman akong balak na makilahok pa dahil sigurado naman akong hindi ako ang panalo.

"May I call Antonio Dela Mesa for receiving a third place award."

Masigadong palakpakan ang narinig sa buong gymnasium nang iannounce na ang third place. Dahan-dahan akong napalunok nang matapos na ang third place. Alam ko na naman na hindi ako panalo pero hindi parin mawala na umaasa parin ako ngayon.

"Jey Azenaiah Hicayo."

Walang gana akong umakyat ng entablado nang tawagin na ako bilang second place sa quiz bee. Kitang-kita ko ang pagtataka sa mukha ng lahat ng nanunuod dahil hindi sila makapaniwala na hindi nanalo ang representative ng school na ito na unang beses lamang nangyari. Sobrang dissapointed ako ngayon hindi pa ako nakakatagal sa entablado ay agad na akong lumakad pababa kahit hindi pa sinasabi ng mga coordinator.

"Uy bakit naman ganyan itsura mo. Proud parin kami kahit hindi ka nanalo kasi hindi nawawalan ng award ang school natin kapag ikaw ang panlaban." Bati sakin ni Jeymee habang hawak ako sa braso pilit pinapangiti.

"And now let us announce the first place who won in this quiz bee."

Agad akong nabuhayan nang maalala ko ang lalaking naging dahilan kung bakit ako natalo ngayon. Sigurado akong siya ang mag-uuwi ng title. Alisto akong nakinig upang malaman kung anong kanyang tunay na pangalan.

"The winner is....... LAjshsu Flint iwsuhdlaksj"

Napahawak ako sa aking tainga sa sobrang sakit nito dahil biglang nagtulakan at nag-iritan ang malalanding estudyante nang umakyat sa stage yung lalaking estudyante ng ibang school na nanalo na inaabangan ko rin. Sumimangot ang aking mukha habang iniinda ang sakit ng pagsiko sa aking tainga dahil hindi ko man lang narinig ng maayos ang pangalan ng lalaking yun.

Kaasar yun na nga lang ang iniintay ko hindi pa ako nagwagi.

Rinig na rinig ang mga hiyawan, iritan ng mga kababaihan ngayon kahit na hindi naman nila kilala yung lalaking nanalo. Samantalang ako na nagrepresent ng school na ito wala man lang akong natanggap na cheer mula sa mga malalanding estudyanteng ito. Napasulyap ako kay Lorain at nakita ko na isa narin siya sa nga babaeng umiirit at pumapalakpak ngayon sa lalaking nasa unahan.

"Azen ang pogi nung nanalo. Saang school kaya sya? Parang gusto ko na lang dun mag-enroll next year." Kinikilig na sabi ni Lorain .

"Ano bang pangalan nya?" Curious na tanong ko dahil sa pagiging bigo na malamn ito.

"Hindi ko rin alam eh nagkagulo kadi kanina yung mga girls, ayan hindi ko tuloy narinig ng maayos." Dismayadong sagot sakin ni Lorain.

Matamlay ako habang nakaupo sa sofa namin ngayon. Alam kong pilit lang na naging proud sakin si Mama nung sinabi ko na second place lang ako kahit na ang totoo ay hindi rin siya makapaniwala. Naiinis ako sa aking sarili dahil sa nangyari. Katalinuhan ko na nga lang ang maipagmamalaki ko hindi ko pa ginalingan.

"O, Rose kamusta kana! Kahapon pa ako nagplano na pumunta kaso hindi ko agad natunton ang bahay mo." Napatingin ako sa aming bakuran nang marinig ko ang masayang tinig na iyon. Siguro ay kaibigan ni Mama ang dumating.

"Pasok ka muna mukhang ang layo pa ng dinayo mo bago ka makarating. Sa bahay ka na maghapunan." Paanyaya naman ni Mama sa kanya. Narinig ko ang mga yabag ng paa senyales na tutuloy sila dito sa bahay.

"Nasan na si Madja at si Maxine? Aba matagal ko ng hindi nakikita ang mga magagandang batang yun. " Tanong ng bisita ni Mama habang inilibot ang kanyang mata sa buong bahay.

"Ah wala pa sila nasa school pa pareho. Si Madja graduating ng college si Maxine naman graduating ng high school." Nakangiting sagot sa kanya ni Mama habang nakaupo sila sa kabilang sofa at nagkukwentuhan.

"Oh sino naman ito? Pamangkin mo?" Gulat akong napatingin sa babaeng yun nang bigla niyang ilihis ang atensyon sakin. Nagngitngit ang aking mga ngipin nang sabihin niya iyon.

"Ay hindi ko yan pamangkin, mare ano ka ba anak ko yan." Naiilang na sagot ni Mama na alam kong nababasa na niya ang galit na reaksyon ko.

Galit akong tumayo at naglakad papunta sa aking kwarto at sinarado ng malakas ang pinto. Humiga ako sa aking kama upang pigilin ang aking galit.

Hindi naman sa sinusumpa ko ang mga ate ko na naging kapatid ko sila pero nakakainis lang kasi dahil sila lang yung biniyayaan ng ganda. Literal silang maganda samantalang ako, talino lang meron. Hindi ako masyadong kamukha ng dalawa kong ate kaya naiintindihan ko naman kung bakit ganon yung tanong nung bwiset na bisita ni Mama. Minsan hindi ko lang talaga maiwasang hindi mainis kapag napapansin nila yun sakin.

"Flint"

Sandali akong napaisip nang maalala ko ang salitang iyon. Yun lang yung pangalan nung lalaki na medyo narinig ko pero hindi ko alam kung anong buo nyang pangalan.

Kainis minsan na nga lang magkagusto undefined pa!!

Kaugnay na kabanata

  • Flames of Admiration   CHAPTER 1

    Chapter 1:Bumungad sa tainga ko ang napakalakas na alarm na nagmumula pala sa aking cellphone. Pinindot ko na ito ng may kasamang iritasyon dahil sa pagputol ng aking pagtulog dahil sa nalikha nitong ingay. Kung sa bagay ako nga pala ang nag set ng alarm. Ayoko na kasing ma-late ako sa pagpasok. First day to kaya ayokong first time din maging "award winner"."Azen!" Narinig ko nanaman ang malakas na sigaw ni Mama hudyat na susugurin nanaman ako sa kwarto upang maghanda na para sa aking pagpasok. Ito naman si Mama tinuturing parin akong bata. I'm already 16 years old! "Not a kid anymore". Palibhasa ako ang pinakabata dito sa bahay kaya ganyan sila sa akin.Sabi ko na nga ba tama ang hinala ko andito na nga si Mama pilit na hinihigit ang paa ko para bumangon. As usual, I did the same thing. Palagi namang ganito sa first day of school, tinatamad na may halong excitement. Masaya ako dahil kaklase ko parin yung d

  • Flames of Admiration   CHAPTER 2

    Chapter 2:Agad akong sumakay ng jeep papunta sa school na aking pinapasukan. Pinilit ko talagang makapag-aral sa maayos na private school ngayon bago ako tumungtong ng college since alam ko na matalino naman ako kaya naging scholar ako sa Cypress University, private school na papasukan ko ngayon. Yes, inaamin ko na may kayabangan ako, wala eh ito lang naman ang kaya kong ipagmalaki since hindi ako maganda.Kahit pilit kong aliwin ang sarili ko at mag-isip tungkol sa iba't-ibang bagay hindi parin mawala ang kaba na nakabalot ngayon sa dibdib ko dahil sa bagal ng usad ng daloy ng sasakyan.Binilisan ko na ang pagtakbo para lamang marating ang room ko. Medyo malayo pa ang tinatakbo ko dahil may kalakihan itong campus. Ang tanging hinihiling ko lang ngayong school year ay sana wala na akong kaasaran this time.Nung mga nakaraang grade level ko hindi natatapos ang school year ng walang nambubwi

  • Flames of Admiration   CHAPTER 3

    Chapter 3:"May I know your name please?" My teacher asks me by pointing her hand towards my direction. Narinig ko namang sandaling tumigil ang ingay na nagmumula sa aking mga kaklase at hinihintay ang pagbuka ng aking bibig upang sumagot."Jey Azenaiah Ambrocio Hicayo po." Pagbanggit ko ng aking buong pangalan na may diin sa aking apelyido."How about you?" Paglipat ng tingin ng aking guro sa kanya at pagturo din sa direksyon nito. Hindi ko alam kung bakit parang isa akong batang sabik na sabik na nag-iintay na malaman ang kanyang isasagot. Binuksan kong maigi ang aking pandinig, kung kaya ko lang sanang higupin ang lahat ng tutuli sa aking tainga ay gagawin ko marinig ko lang ng napakalinaw ang kanyang buong pangalan dahil mamaya siguradong siya ang magiging nasa top list sa search history ng aking Facebook account kapag nalaman ko na ang kanyang pangalan."Darius Flint Recafranca

  • Flames of Admiration   CHAPTER 4

    Chapter 4:"Tama ba ako? Ikaw nga ba si Hicayo na pumasok sa section ng Brilliance at nag-akalang ikaw ay ako?"Ito ang una kong narinig na binanggit niya ng makalapit sa akin. Ano daw? Naguluhan ako dun sa sinabi niya sa pahuli. Ikaw ay ako? So aware naman pala siya sa nangyari kanina sa kabobohan ko akala ko kasi wala lang siyang pakialam.Ilang segundo muna akong nakatingala at nakatitig sa mukha niya at dahil hindi ako makapaniwalang tumakbo pa talaga siya parang lang maabutan ako, sabagay alangan namang lumakad lang siya edi hindi niya ako naabutan! Yanong tanga ko talaga!"O-Oo." Mahina at paputol-putol na tugon ko. Tumango-tango naman siya ng ilang beses habang nakatitig sa mga mata ko."Saan ka ngayon pupunta?"Sunod naman na tanong niya. Adik ata ito. Natural pupunta room by room para hanapin ko ang section ko alangan na

  • Flames of Admiration   CHAPTER 5

    Chapter 5:"Since we finished checking attendance, let us move on to something that you always use to do in every first day of school."Napaisip ako sa sinabi ng teacher namin. Parang alam ko na kung anong tinutukoy niya ah! Sandaling hinanap ng mga mata ko si Darius kung saan ba siya nakaupo ngayon. Nalihis na kasi ang atensyon ko at hindi man lang nakapagpasalamat sa kanya kanina bago ako makaupo dahil nakita ko itong dalawa kong kaibigan.Natanawan ko siya sa gawing unahan habang ako naman ay nasa parteng gitna katabi ang dalawa kong kaibigan."I will be the one to do it first and then guess what I'm going to say after I finished my words."Nagsimula na ang teacher kong magsalita, lahat kami ay tutok na tutok sa kanyang sasabihin."I am teacher Larry Medina. 28 years old still single but not ready to mingle in case you giggle." Malanding

Pinakabagong kabanata

  • Flames of Admiration   PROLOGUE

    Prologue"Azen!!"Rinig na rinig ko ang malakas na boses ni Lorain mula sa aking tainga kahit hindi pa siya nakakalapit sa aking upuan. Busy ako sa pagrereview ng aking notes kaya naman wala na akong oras para makipagkulitan o intindihan pa ang kung sino. Ilang oras na lang ay magsisimula na ang quiz bee sa Science kaya naman hindi na ako mapakali sa aking kinauupuan habang tinititigan isa-isa ang mga reviewer ko. "Huy ano ba! Ang busy mo naman masyado diyan. May nagpapabigay sayo nito ghurl." Walang gana akong napatingin kay Lorain nang makita ko ang kanyang bitbit. Napakunot ang aking noo habang tinitignan ang mga chocolates at bulaklak na hawak ngayon ni Lorain. "Para kanino daw yan?" Nagtatakang tanong ko sa kanya. "Huy ano ka ba, para sayo ito may nagpapabigay! Hindi kaba nainform Valentine's Day ngayon! Nakakainggit ka nga kasi may nagbibigay sayo nito." Nakasimangot na tugon ni Lorain habang

DMCA.com Protection Status