Author's note: Most of the character names came from the reader I have in my writing account, my whole appreciation for supporting my first Paranormal story. If you want to join the journey of this story, just message me. I'll promise to do your request.CHAPTER 30ABALA sa pag-aayos ng mga gagamitin sina Andy at ang mga ka-bandmates niya. Ngayon ang araw kung kailan siya magpe-perform as the new vocalist of Maze.Hanggang ngayon ay kinakabahan pa rin siya at pakiramdam niya ay may mangyayari na hindi maganda o inaasahan. Kitang-kita na marami ang manonood dahil sa mga nakalagay na stall sa gilid ng School ground. Puno rin ng mga dekorasyon at may nakapaskil na 'Happy Teacher's Day!'. Matatanaw ang mga estudyante na may mga hawak na sulat, bulaklak, tsokolate at iba pang pwedeng iregalo sa kanilang mga guro."Oy," pagpukaw ni Kino ng kanyang atensyon pagkatapos siyang sikuhin, "Huwag kang kabahan, nandito lang ako para sumuporta sa iyo." mahinang sabi ni Kino bago nag-fighting sign.
CHAPTER 31: DREAM"Bakit nawala ka kanina?" puno nang kuryosidad na tanong ni Andy habang sabay silang naglalakad pauwi ni Kino.Hindi ito nagsasalita simula nang makita niya ito na hinihintay siya sa labas ng gate kaya nabahala si Andy sa kaibigan."Hindi lang ako makapaniwala," seryosong wika ni Kino bago huminto at humarap sa dalaga.Kunot ang noo na sinabayan ni Andy ang tingin ni Kino."Makapaniwala saan?" tanong ni Andy.Napaisip si Kino bago nagkibit-balikat."Na ang gwapo ko talaga, biruin mo 'yon? Umamin sa akin si Lylia na may gusto siya sa akin." pagmamayabang nito.Namilog ang mga mata ni Andy bago napapadyak."Mongggiii! Sabi ko sa iyo e. Pero bakit ang tahimik mo?"Nawala ang pagmamayabang sa mukha ng binata at nabalot ng pagkalito."Kasi gusto niya raw akong ligawan."Nahinto si Andy dahil sa kan'yang narinig at hindi makapaniwalang nakipagtitigan sa kaharap. Pinilit niyang matawa sa pag-aakalang nagbibiro lang si Kino ngunit napawi iyon nang mapagtanto niya na hindi si
Chapter 32: Revenge"Siya ba iyon? Seryoso ba kayo na ganiyan ang tipo ni Denum? Ni hindi marunong magsuklay ng buhok.""Sumisikat kasi siya dahil siya ang bagong bokalista ng Maze, siya rin siguro ang nagpakalat na pinatulan siya ni Denum Gozo.""Sa bagay, ngayong wala na si Denum sa mataas na posisyon. Kailangan niya ng tao na mag-aangat sa kan'ya. Kawawa namang babae, ginagamit lang."Sa lahat ng narinig ni Andy na usapan patungkol sa kumakalat na relasyon nila ni Denum ay ito ang nagpahinto sa kan'ya. Ang salitang ginagamit.Mabilis pa sa alas-kwatro na nilapitan ni Andy ang grupo ng mga kababaihan at kinilala ang mga mukha nito. Kitang-kita ang gulat ng mga babae sa pagkilos ni Andy.Isang tipid na ngiti ang isinukli niya sa mga ito."Siguraduhin niyong hindi kayo pupunta sa Girl's comfort room mamaya, may multo akong nakita kanina." pananakot niya na tinawanan lang ng mga babae."Sira ba ang ulo mo? Tingin mo ay matatakot mo kami sa mga kabaliwan mula sa Club niyo, hindi eepekto
CHAPTER 33: GIGHindi mapigilang matuwa ni Andy habang tinitingnan ang mga tao na pumuno sa Bar kung saan sila magpe-perform."Wow, hindi ko inaasahan na mapupuno ang lugar na ito." puno ng pagkamangha na wika ni Andy habang nakasilip mula sa backstage.Mahinang tumawa si Gus na pinapanood ang reaksyon ng dalaga."Siguro naman wala nang maghahagis ng pagkain rito," biro ni Gus kaya nilingon siya ni Andy."Oo, mga bote ng alak lang naman ang susunod nating sasalagin." dugtong ni Alu na nasa kabilang side ni Andy.Siniko ni Krem si Alu bago kinuha ang atensyon ni Andy sa pamamagitan ng pagkalbit dito."Huwag ka'ng mag-aalala, nandito naman kami kung sakaling may mangyari na namang batuhan." pagpapakalma ni Krem na nagpangiti kay Andy.Pagkapasok palang nina Kino at Lylia ay kaagad na hinanap ni Kino ang presenya ni Andy."Nasa backstage sila," biglang sabi ni Lylia kaya tiningnan siya ni Kino. Pinagkrus ni Lylia ang mga braso bago pinantay ang mga kilay at hindi na muling kumibo.Hindi
CHAPTER 34"Sa ngayon, naisip ko na huwag na munang magperform sa mga susunod natin na Gig para mabawasan ang atensyon patungkol sa nangyari kanina." may pagkadismaya na wika ni Krem bago mapansin ang tahimik na kakambal, "Bakit ang tahimik mo?" pagkuha ni Krem ng atensyon ni Lylia habang nakaupo sila sa labas ng pinto at nakatingala sa madilim na kalangitan.Hindi sumagot ang kakambal kaya sinulyapan niya ito at nahuling nakatitig sa kan'ya. Nagpantay ang mga kilay ni Krem dahil sa paraan ng pagtingin ni Lylia, tila nang-uusisa."Ano naman klaseng tingin iyan, Iya?" naguguluhang tanong ni Krem.Sa ikalawang pagkakataon ay hindi sumagot si Lylia kaya tumayo na si Krem at hindi na ginambala ang kapatid."Katok ka na lang, ila-lock ko ang pinto." huling sinabi ni Krem bago isinara ang pinto.Nanatiling tahimik si Lylia habang binabalikan ang pag-uusap kasama sina Kino at ang sinasabing kaluluwa ni Andy."Mukhang kailangan ko na sabihin ang totoo," may pag-aalangan na sabi ni Kino."Anon
Chapter 35"Kino, paabot nga nung ketchup." utos ni Andy habang kumakain silang dalawa ni Kino.Hindi siya tiningnan ng binata kaya muli niyang inulit ang sinabi niya."Kumag, yung ketchup. Paabot po.." mahinahong wika niya ngunit tila walang naririnig si Kino kaya walang nagawa si Andy kundi tumayo at siyang kumuna ng ketchup bago bumalik sa upuan.Malapit na siyang matapos kumain nang tumayo si Kino at binitbit ang bag nito na ikinagulat ni Andy."Aalis ka na? Sandali lang, kumakain pa ako." wika ni Andy."Male-late na ako." tipid na tugon ni Kino bago nagmamadaling lumabas ng bahay.Dahil sa pagkadismaya ay mabilis na tumayo si Andy at binitbit ang isang hotdog habang hinahabol sa paglalakad si Kino. Nang maabutan niya si Kino sa paglalakad ay saka niya lang kinain ang hotdog na binitbit niya."Bakit hindi mo na lang tinapos yung pagkain mo?" medyo iritable na tanong ni Kino."Gusto nga kasi kitang makasabay. Marami akong gustong ikwento." paliwanag ni Andy habang nginunguya ang ki
Chapter 36"No! Baka pwede natin itong mapag-usapan Andy." hindi pagsang-ayon ni Kino sa dalaga habang nagliligpit ito ng mga gamit nito."Pinag-usapan na natin 'to kanina." tugon ni Andy.Habang patuloy sa paglalagay sa bag ng mga damit si Andy ay siya namang pagtanggal ni Kino rito."Wala kang mapupuntahan, hindi mo kailangan na umalis dito. Pwede kang mag-stay bilang kaibigan ko, hindi bilang katulong. Wala namang kaso sa mga magulang ko." pamimilit ni Kino."Marami akong bus station na mapupuntahan at wala naman talagang kaso sa mga magulang mo dahil hindi ko naman sila kinasuhan." pamimilosopo ni Andy bago ipinagpatuloy ang pagliligpit.Umawang ang bibig ni Kino dahil sa itinugon ni Andy bago inagaw ang bag na balak sana nitong bitbitin.Pagod na tiningnan ni Andy ang binata bago bumuntong-hininga at napaupo sa kama. Kanina pa kasi siya nagliligpit ng mga gamit ngunit hanggang ngayon ay hindi siya matapos-tapos dahil sa pangingialam ni Kino.Kita ni Kino ang pagod sa mukha ng dal
Chapter 37Nasa labas palang sina Andy at Kino ngunit maririnig na ang boses ng isang anghel na nagpapatugtog ng gitara sa loob ng Clubroom.Pareho sina Andy at Kino na napasilip sa bintana kung saan kitang-kita si Lylia na abala sa pagpapatugtog gamit ang gitara at nakadekwatro habang prenteng nakaupo sa mesa na may pangalan ni Andy.Kaagad iyon napansin ng huli kaya kunot-noo nitong binalingan si Kino na sinenyasan siyang manahimik."Hayaan mo muna siyang libangin ang bisita natin. That's my first task as a newbie in our Club." paliwanag ni Kino na hindi nililingon si Andy.Muling tiningnan ni Andy ang naggigitarang si Lylia ngunit tulad ng inaasahan, wala siyang nakita na kasama nito."Nasaan yung bisita?" pagtatanong ni Andy habang inililibot ang paningin.Itinuro ni Kino ang sopa na walang tao ngunit kakaiba ang nararamdam ni Andy nuong tapunan niya iyon ng tingin."Paano mo siya napilit na maging miyembro natin sa kabila ng nangyari?" may pagkalito na tanong ni Andy.Sa puntong
TURN OF TABLES"Nasaan ang katawan mo?" tanong ni Kino matapos makalapit sa kanila si Andy.Hindi na nila magawang makababa dahil sa nanghihina pa rin ang katawan nina Denum at Lylia.Nagkibit-balikat si Andy, "Hindi ko na alam kung saan ko naiwan dahil sa pagtakbo ko."Inulit ni Krem ang sinabi ni Andy kaya tiningnan siya ng apat. Nalukot ang mukha ni Lylia."Bakit ka ba tumatakbo?" takhang tanong ni Lylia bago hinahanap kung saan siya titingin dahil hindi niya makita si Andy.Hinawakan ni Kino ang isang balikat ng dalaga at inalalayan sa pagharap kay Andy kaya nakaramdam ito ng pamumula.Biglang bumalik sa isipan ni Andy ang nangyari kanina at tiningnan ang mga kaharap. Nagdadalawang-isip siyang banggitin iyon dahil sa sitwasyon nila."Dito lang kayo, hahanapin ko muna ang katawan ko..." pag-iiba ni Andy ng usapan bago mabilis na tinalikuran ang mga kaibigan.Naguguluhang pinanood siya ni Kino matapos ulitin ni Krem ang sinabi ng dalaga."Sundan natin siya.." wika ni Kino at hahakban
CHAPTER 52“Bagay..” tanging nasabi ni Denum bago umiwas ng tingin matapos tanungin kung bagay ang hindi inaasahang gupit ni Lylia.Gumaan ang pakiramdam ni Lylia matapos marinig ang sagot ni Denum at muli ay nginitian ang binata.“Hindi ko inaakala na mabait ka pala, magkakasundo tayo...” natutuwang wika ni Lylia.Hindi na siya tinugon ni Denum dahil may narinig itong mga yabag. Natigilan sila sa pag-uusap at parehong nakiramdam.“A—ano iyon?” tanong ni Lylia.Itinaas ni Denum ang isang kamay para pigilan ang dalaga na kumilos.“Sshh.. Huwag kang maingay,” pabulong na sabi ni Denum.Hindi na kumilos pa si Lylia at pinakiramdaman ang pinanggagalingan ng yabag. Bawat yabag ay palakas nang palakas at mukhang papunta kung nasaan sila.“Baka bumalik sina Entice..” nagsisimula nang kabahan si Lylia dahil alam niya na hindi maganda ang mangyayari kung tama ang iniisip niya.Hindi tumugon si Denum at pinanood ang pagpasok ng liwanag mula sa bumukas na pinto. Marahan ang pagbukas nito at ang l
CHAPTER 51VOICEANDY run as fast as she could while touching every tree she can rely on to avoid losing her balance in the middle of the forest with a limited shed of light coming from the moon. Kahit nahihirapan dahil sa dilim ay mas pinanatili niya ang bilis sa pagtakbo upang matakasan kung anuman ang takot na nagsisimulang bumalot sa kanya.“Kanan...”Saglit na nahinto si Andy nang makarinig ng boses sa kung saan. Hindi niya makilala ang boses ngunit sinunod niya ito nang makaramdam nang kakaiba sa hangin.Halos matumba na si Andy sa bilis ng pagtakbo na halos makalimutan na niya ang sariling katawan na naiwan. Akala niya ay hindi siya matatakot sa kung anuman ang nasa itaas ng puno ngunit nang marinig niyang sabihin nito ang mga katagang, “Sino ang mamamatay? Si Denum o si Lylia?” ay tuluyan nang nawalan ng kontrol si Andy at mas minabuting tumakbo upang hanapin ang dalawang kaibigan.“Bangin!”Dahil sa pag-iisip at pagmamadali ay hindi napansin ni Andy ang susunod na daraaanan.
CHAPTER 50It is a cold night, but many voices can be heard by Krem. Since when he stopped wearing headphones, his world begins to be more alive and full of excitement.May mga naririnig siyang humihingi ng tulong, mga kumakanta at mga tumitili o bumabati sa kaniya kahit wala naman siyang tao na nakikita. Kung dati ay kinatatakutan niya iyon, ngayon ay isa na iyon sa inspirasyon niya para mabuhay. Dahil sa kakayahan niya ay mas natutuhan na niyang pahalagahan ang buhay lalo na't mahirap magsalita nang walang nakakarinig kaya dapat hindi siya magbingi-bingihan habang nabubuhay pa siya. Hindi niya nakakausap ang mga kaluluwa ngunit minamarkahan niya ang mga lugar kung saan siya nakarinig ng mga humihingi ng saklolo upang kung makababalik muli sina Andy at ang Club nito ay ipakakiusapan niya ito para tumulong.His plain living has now a purpose, not just as a President of the Music Club but also, as a living person who hears the problem of the ghost he encountered.Habang sumusulat ay hi
CHAPTER 49"Andy..."May isang boses ng lalake ang tumawag sa pangalan ni Andy. Tumigil siya sa pagpupunas ng lamesa na kinainan at luminga-linga sa malaking bahay para hanapin kung saan galing iyon ngunit wala siyang nakita. Tanging siya na lang ang gising ng ganitong oras dahil siya ang pinaglinis at pinag-urong ng mga pinagkainan ng mga katulong at mayordoma. Hindi pa siya kumakain dahil hindi maganda ang pakikitungo sa kan'ya ng mayordoma na masama palagi ang tingin, nahiya na siyang sumabay.Matapos magpunas ay dumiretso siya sa refrigerator at kumuha ng isang basong gatas. Nagluto rin siya ng pancit canton na nilagyan ng itlog. Imbes na ilapag sa mesa ay pumunta siya sa labas kung nasaan ang garden. Umupo siya sa damuhan at doon kumain."Panigurado na lilinisin ko na naman yung lamesa kapag doon ako kumain." pagod na sabi ni Andy sa sarili.Busog na busog siya habang nakahilata sa damuhan. Tila nawala ang pagod niya sa paglilinis ng mga kwarto nila ni Kino at ang pagkilos sa bah
CHAPTER 48PAPASOK na mag-isa si Andy sa asul na gate ng Paaralan nang may sumiko sa kan'ya. Nagpantay ang kilay ni Andy bago nilingon ang dalawang binata na nakasunod sa kan'ya.Isa sa mga ito ay kasing-taas lang niya, kulay kahel ang ilalim ng buhok, kasing-kulay ng mabibilog nitong mata. Sa ngiti nito na abot hanggang tenga ay hindi maipagkakaila ang kapilyuhan. Ang vest na hindi madalas suotin ay nakasuksok sa kan'yang medyo bukas na bag na kasing liit lang ng isang libro at nakasabit sa isang braso.Tumaas-baba ang mga kilay nito bago pumantay ng lakad kay Andy na nagsisimula ng humakbang."Kumusta ang drama? Galit na galit si Mrs. Sanchez kahapon ah... Mukhang nag-cutting ka pa dahil hindi na kita nakita sa mga sumunod na subject." may pilyong ngiti na sabi ni Gus kay Andy.Sinamaan siya ng tingin ng dalaga."At paano mo nasabing nagcutting ako? Stalker ba kita?" nakangiwing tanong ni AndyMay pag-aalinlangan pa siya na kausapin ang mga ito dahil sa kumalat na balita tungkol sa
CHAPTER 47: MISSINGTAHIMIK na nilalakad ni Lylia ang school ground na may iilan lang tao dahil ang iba ay bumalik na sa silid-aralan at ang iba ay nasa Canteen.Kasabay nang pagbagsak ng mga dahon mula sa matataas na puno na dinaraanan ni Lylia ay ang biglaang pagtahimik ng buong lugar. Hindi ito pinansin ni Lylia at nagpatuloy lang sa paglalakad.Papalabas na si Lylia sa kanilang Paaralan at wala siyang dala bukod sa kan'yang sarili dahil alam niyang iuuwi rin naman ng kapatid ang mga naiwang gamit.Isang malakas na hangin ang nagpahinto sa kan'ya.Nilingon niya ang paligid at ngayon lang napansin na wala ang security guard sa Guard House. Maging ang ilang estudyante at school staff na nadaanan niya kanina ay nagsiwalaan. Tumalim ang tingin ni Lylia bago palinga-linga at hinahanap ang mga tao."Where the hell they are? Is this another stupid act from that girl? Hindi na ako makakapagtimpi pa kung sakaling saktan niya ulit ako." may inis na wika ni Lylia sa sarili bago iniyakap ang m
Chapter 46"If you don't want to befriends with anyone then, can I be your stranger?""If you don't want to befriends with anyone then, can I be your stranger?""If you don't want to befriends with anyone then, can I be your stranger?""If you don't want to befriends with anyone then, can I be your stranger?" Mabilis ang bawat hakbang ni Andy habang sinasalubong ang mga estudyante na papalabas palang dahil sa magsisimulang breaktime. Dahil sa bilis niya maglakad ay hindi na niya napapansin ang mga nakakabangga niyang estudyante.Ipinilig niya ang ulo habang mabilis ang bawat paghakbang. Hindi pa rin kasi maalis sa isipan niya ang mga sinabi ni Denum at ang ginawa nito na ilang minuto niyang ikinatulala.Hinawakan niya ang magkabilang pisnge at tinapik ito nang marahan. Ramdam niya pa rin ang pag-iinit nito kaya alam niyang namumula pa rin siya.Mariin siyang pumikit nang makapasok sa comfort room at mabilis na tinungo ang isa sa mga cubicle. Naisandal niya ang ulo sa pinto at dinama
CHAPTER 45: STRANGERAs the bell rang, the classes started. Katulad ng ibang araw ay normal lang ito para sa mga karaniwang estudyante.Pero hindi sa mga estudyanteng puro tsismis ang ipinunta sa eskwelahan. Hindi, definitely not, never.Sa klase kung nasaan ang mga pinakamagugulo at pinakapasaway. May kalakalan na nagaganap.Habang abala sa pagtuturo ang isang guro na may pantay na gupit ang bangs at maikli lang ang buhok na hindi lalagpas sa leeg nito. May mga estudyante na palihim na nagpapaikot ng kapirasong papel at may ibinabasa roon.Pinapaikot nila ito sa bawat estudyante na dumaraan para ikalat ang mahalagang balita na pag-uusapan nila sa oras na libre na ang klase. Nasa dulong upuan sa pinakahuling linya si Andy, nalipat siya dahil sa nahuli siya ng pasok ngayong araw. Tanging ang tatlong walang laman na upuan lang ang katabi niya maging ang mga basura sa ilalim nito.Bumuntong-hininga si Andy bago itinungo ang ulo sa kahoy na armchair.Monggii, wala na talagang nagbalak na