Chapter 35"Kino, paabot nga nung ketchup." utos ni Andy habang kumakain silang dalawa ni Kino.Hindi siya tiningnan ng binata kaya muli niyang inulit ang sinabi niya."Kumag, yung ketchup. Paabot po.." mahinahong wika niya ngunit tila walang naririnig si Kino kaya walang nagawa si Andy kundi tumayo at siyang kumuna ng ketchup bago bumalik sa upuan.Malapit na siyang matapos kumain nang tumayo si Kino at binitbit ang bag nito na ikinagulat ni Andy."Aalis ka na? Sandali lang, kumakain pa ako." wika ni Andy."Male-late na ako." tipid na tugon ni Kino bago nagmamadaling lumabas ng bahay.Dahil sa pagkadismaya ay mabilis na tumayo si Andy at binitbit ang isang hotdog habang hinahabol sa paglalakad si Kino. Nang maabutan niya si Kino sa paglalakad ay saka niya lang kinain ang hotdog na binitbit niya."Bakit hindi mo na lang tinapos yung pagkain mo?" medyo iritable na tanong ni Kino."Gusto nga kasi kitang makasabay. Marami akong gustong ikwento." paliwanag ni Andy habang nginunguya ang ki
Chapter 36"No! Baka pwede natin itong mapag-usapan Andy." hindi pagsang-ayon ni Kino sa dalaga habang nagliligpit ito ng mga gamit nito."Pinag-usapan na natin 'to kanina." tugon ni Andy.Habang patuloy sa paglalagay sa bag ng mga damit si Andy ay siya namang pagtanggal ni Kino rito."Wala kang mapupuntahan, hindi mo kailangan na umalis dito. Pwede kang mag-stay bilang kaibigan ko, hindi bilang katulong. Wala namang kaso sa mga magulang ko." pamimilit ni Kino."Marami akong bus station na mapupuntahan at wala naman talagang kaso sa mga magulang mo dahil hindi ko naman sila kinasuhan." pamimilosopo ni Andy bago ipinagpatuloy ang pagliligpit.Umawang ang bibig ni Kino dahil sa itinugon ni Andy bago inagaw ang bag na balak sana nitong bitbitin.Pagod na tiningnan ni Andy ang binata bago bumuntong-hininga at napaupo sa kama. Kanina pa kasi siya nagliligpit ng mga gamit ngunit hanggang ngayon ay hindi siya matapos-tapos dahil sa pangingialam ni Kino.Kita ni Kino ang pagod sa mukha ng dal
Chapter 37Nasa labas palang sina Andy at Kino ngunit maririnig na ang boses ng isang anghel na nagpapatugtog ng gitara sa loob ng Clubroom.Pareho sina Andy at Kino na napasilip sa bintana kung saan kitang-kita si Lylia na abala sa pagpapatugtog gamit ang gitara at nakadekwatro habang prenteng nakaupo sa mesa na may pangalan ni Andy.Kaagad iyon napansin ng huli kaya kunot-noo nitong binalingan si Kino na sinenyasan siyang manahimik."Hayaan mo muna siyang libangin ang bisita natin. That's my first task as a newbie in our Club." paliwanag ni Kino na hindi nililingon si Andy.Muling tiningnan ni Andy ang naggigitarang si Lylia ngunit tulad ng inaasahan, wala siyang nakita na kasama nito."Nasaan yung bisita?" pagtatanong ni Andy habang inililibot ang paningin.Itinuro ni Kino ang sopa na walang tao ngunit kakaiba ang nararamdam ni Andy nuong tapunan niya iyon ng tingin."Paano mo siya napilit na maging miyembro natin sa kabila ng nangyari?" may pagkalito na tanong ni Andy.Sa puntong
Chapter 38Papasikat palang ang araw ngunit kinailangan na agad bumangon ni Andy matapos marinig ang mga katok ni Kino."Andy, bumangon ka na. Tutulungan mo pa si Lylia. Kapag natapos ka maligo, kumain ka na muna, pinaghanda kita ng breakfast. Babalik muna ako sa pagtulong... Good morning." halata ang pagod sa boses ni Kino habang nagsasalita.Sinubukan ni Andy na takpan ng unan ang ulo niya para hindi marinig ang sinasabi ni Kino ngunit umalingawngaw iyon sa buong pasilyo kung nasaan sila kaya walang nagawa si Andy kundi ang tumayo kahit gusto niya pang matulog."Ayan, kasalanan mo ito Andy. Nasobrahan ka sa yabang." pagsaway niya sa kaniyang sarili.Matapos mag-ayos at mag-agahan ay muli siyang umakyat upang katukin ang pinto ni Kino."Papasok na ako, Kumag. Goodbye." tamad na paalam niya ngunit wala na siyang narinig na tugon mula rito.Habang kinakapa ang likuran niya na nilagyan niya ng dalawang pain relive patches ay mabagal na binagtas ni Andy ang daanan patungo sa kanilang Paa
Chapter 39: Quarrel"Maling-mali ang ginawa mo, Lylia! Maari kang makasuhan sa gulong nangyari!" halos pasigaw na sabi ni Kino habang kaharap ang dalaga na bagong miyembro ng kaniyang club.Hindi makikitaan ng kahit anong emosyon si Lylia na abala sa paglalaro sa kakulay ng buhok niya na lollipop. Walang halong pagsisisi na makikita sa kaniyang mukha."Palagi namang mali ang ginagawa ko sa paningin ng iba, Kino." diretsong sabi nito bago tipid na ngumiti at dahan-dahang dinilaan ang hawak na lollipop, "Hmm, but that's your choice. Wala akong magagawa kung panget rin ang tingin mo sa akin, kasi sa totoo lang.. Wala na akong pakialam." dagdag pa nito bago inirapan ang si Kino at ibinaba ang mahabang manggas ng uniporme para hindi masyadong makita ang mga maliliit na sugat at pasa sa kaniyang mga braso at kamay.Tinanggal ni Kino ang suot na sombrero bago sinuklay ang buhok gamit ang mga daliri sa isang kamay."Look, hindi kita kinakausap bilang superior mo dahil ako ang presidente. I ju
CHAPTER 40: PATIENCE"Wow, ang dami mong dala na pagkain." nakangiting bungad ni Lylia nang dumiretso si Andy sa Clubroom matapos ang klase.Bitbit niya ang plastic bag na pinaglagyan niya ng mga chichirya at tinapay na hindi niya nakain dahil nawalan bigla ng gana.Tamad na umupo si Andy sa puwesto niya at napahilamos ng mukha."Mongggiii..." mahinang bulong niya bago tumungo sa mga braso na nakalapag sa mesa.Walang ideya na lumapit si Lylia sa puwesto ni Andy bago kumuha ng tinapay sa plastic bag na nakalapag sa mesa.Ngumunguya siya nang maisipan niyang magtanong."Umamin ka nga sa akin, Andy. Wala ba talagang namamagitan sa inyo ni Angry bird?" puno ng kuryosidad na tanong ni Lylia.Iniangat ni Andy ang tingin sa babaeng prenteng nakasandal sa mesa niya bago ngumiwi."Pati ba naman ikaw? Bakit ang big deal kapag si Denum ang kasama ko?" masama ang mukha na tanong ni Andy.Tumingin sa ibang direksyon si Lylia bago tumango."Kasi bagay kayo. " tipid niyang sagot na ikinabigla ni An
CHAPTER 41: I DON'T FLIRTLumipas ang ilang mga araw na hindi nagparamdam o nagpakita man lang ang kaluluwa na biglaang nawala matapos halikan si Denum na hindi na rin nakita ni Andy matapos tumakbo."It is more than a week since you last saw your man.. Did you missed him?"Kunot ang noo na pinasadahan ni Andy ng tingin si Kino na nakahiga sa kama nito habang nagwawalis siya."Anong 'your man? Si Denum?" panghuhula ni Andy.Pigil na ngumiti si Kino bago bahagyang umupo at sumandal sa headboard ng kama nito."So, you mean your crush was Denum not the Krimstick guy?" medyo umakto pa ito na nagulat, "Woah, kung kailan hindi ko na kayo inaasar sa isa't-isa, tsaka pa kayo nagclick." patawa-tawa nitong sabi.Sumama ang timpla ng mukha ni Andy bago mabilis na ibinato kay Kino ang hawak niyang walis-tambo."G@go ka ba? E siya lang naman ang madalas mong inaasar sa akin.." may gigil na paliwanag ni Andy bago pumameywang, "At anong krimstick guy? Shut up, hindi mahilig sa krimstick si Krem!" ha
CHAPTER 42: BEHEADEDNASA unang pinto palang si Andy ay nakaramdam na siya nang kakaiba ngunit mas pinili niya na magpatuloy dahil sa kagustuhan na mahanap si Krem at makausap.Kumatok siya.Isang katok, walang sumagot.Pumangalawa, wala pa rin.Saglit na tumigil sa ginagawa si Andy bago inilapit ang tenga sa pinto upang pakinggan kung may tao sa loob. Balak na sana niyang umalis ngunit ilang saglit pa ay may narinig siyang boses."Hindi po ako gutom.. Matutulog na lang po ako." there is a crack voice inside the room.Nakaramdam ng kaginhawaan si Andy nang makilala kung sino iyon, that voice.. That voice she always wants to hear.Krem...Hindi napigilang ngumiti ni Andy nang muling marinig ang boses ng kaibigan na isang linggo niya na ring hindi nakikita.Marahan niyang pinihit ang siradura ng pinto sa pag-aakala na nakasara iyon ngunit laking-gulat niya nang ito ay bumukas kaya dahan-dahan siyang sumilip.Dahil hindi maliwanag sa buong bahay ay hindi kita ang pagbukas ng pinto. Madal
TURN OF TABLES"Nasaan ang katawan mo?" tanong ni Kino matapos makalapit sa kanila si Andy.Hindi na nila magawang makababa dahil sa nanghihina pa rin ang katawan nina Denum at Lylia.Nagkibit-balikat si Andy, "Hindi ko na alam kung saan ko naiwan dahil sa pagtakbo ko."Inulit ni Krem ang sinabi ni Andy kaya tiningnan siya ng apat. Nalukot ang mukha ni Lylia."Bakit ka ba tumatakbo?" takhang tanong ni Lylia bago hinahanap kung saan siya titingin dahil hindi niya makita si Andy.Hinawakan ni Kino ang isang balikat ng dalaga at inalalayan sa pagharap kay Andy kaya nakaramdam ito ng pamumula.Biglang bumalik sa isipan ni Andy ang nangyari kanina at tiningnan ang mga kaharap. Nagdadalawang-isip siyang banggitin iyon dahil sa sitwasyon nila."Dito lang kayo, hahanapin ko muna ang katawan ko..." pag-iiba ni Andy ng usapan bago mabilis na tinalikuran ang mga kaibigan.Naguguluhang pinanood siya ni Kino matapos ulitin ni Krem ang sinabi ng dalaga."Sundan natin siya.." wika ni Kino at hahakban
CHAPTER 52“Bagay..” tanging nasabi ni Denum bago umiwas ng tingin matapos tanungin kung bagay ang hindi inaasahang gupit ni Lylia.Gumaan ang pakiramdam ni Lylia matapos marinig ang sagot ni Denum at muli ay nginitian ang binata.“Hindi ko inaakala na mabait ka pala, magkakasundo tayo...” natutuwang wika ni Lylia.Hindi na siya tinugon ni Denum dahil may narinig itong mga yabag. Natigilan sila sa pag-uusap at parehong nakiramdam.“A—ano iyon?” tanong ni Lylia.Itinaas ni Denum ang isang kamay para pigilan ang dalaga na kumilos.“Sshh.. Huwag kang maingay,” pabulong na sabi ni Denum.Hindi na kumilos pa si Lylia at pinakiramdaman ang pinanggagalingan ng yabag. Bawat yabag ay palakas nang palakas at mukhang papunta kung nasaan sila.“Baka bumalik sina Entice..” nagsisimula nang kabahan si Lylia dahil alam niya na hindi maganda ang mangyayari kung tama ang iniisip niya.Hindi tumugon si Denum at pinanood ang pagpasok ng liwanag mula sa bumukas na pinto. Marahan ang pagbukas nito at ang l
CHAPTER 51VOICEANDY run as fast as she could while touching every tree she can rely on to avoid losing her balance in the middle of the forest with a limited shed of light coming from the moon. Kahit nahihirapan dahil sa dilim ay mas pinanatili niya ang bilis sa pagtakbo upang matakasan kung anuman ang takot na nagsisimulang bumalot sa kanya.“Kanan...”Saglit na nahinto si Andy nang makarinig ng boses sa kung saan. Hindi niya makilala ang boses ngunit sinunod niya ito nang makaramdam nang kakaiba sa hangin.Halos matumba na si Andy sa bilis ng pagtakbo na halos makalimutan na niya ang sariling katawan na naiwan. Akala niya ay hindi siya matatakot sa kung anuman ang nasa itaas ng puno ngunit nang marinig niyang sabihin nito ang mga katagang, “Sino ang mamamatay? Si Denum o si Lylia?” ay tuluyan nang nawalan ng kontrol si Andy at mas minabuting tumakbo upang hanapin ang dalawang kaibigan.“Bangin!”Dahil sa pag-iisip at pagmamadali ay hindi napansin ni Andy ang susunod na daraaanan.
CHAPTER 50It is a cold night, but many voices can be heard by Krem. Since when he stopped wearing headphones, his world begins to be more alive and full of excitement.May mga naririnig siyang humihingi ng tulong, mga kumakanta at mga tumitili o bumabati sa kaniya kahit wala naman siyang tao na nakikita. Kung dati ay kinatatakutan niya iyon, ngayon ay isa na iyon sa inspirasyon niya para mabuhay. Dahil sa kakayahan niya ay mas natutuhan na niyang pahalagahan ang buhay lalo na't mahirap magsalita nang walang nakakarinig kaya dapat hindi siya magbingi-bingihan habang nabubuhay pa siya. Hindi niya nakakausap ang mga kaluluwa ngunit minamarkahan niya ang mga lugar kung saan siya nakarinig ng mga humihingi ng saklolo upang kung makababalik muli sina Andy at ang Club nito ay ipakakiusapan niya ito para tumulong.His plain living has now a purpose, not just as a President of the Music Club but also, as a living person who hears the problem of the ghost he encountered.Habang sumusulat ay hi
CHAPTER 49"Andy..."May isang boses ng lalake ang tumawag sa pangalan ni Andy. Tumigil siya sa pagpupunas ng lamesa na kinainan at luminga-linga sa malaking bahay para hanapin kung saan galing iyon ngunit wala siyang nakita. Tanging siya na lang ang gising ng ganitong oras dahil siya ang pinaglinis at pinag-urong ng mga pinagkainan ng mga katulong at mayordoma. Hindi pa siya kumakain dahil hindi maganda ang pakikitungo sa kan'ya ng mayordoma na masama palagi ang tingin, nahiya na siyang sumabay.Matapos magpunas ay dumiretso siya sa refrigerator at kumuha ng isang basong gatas. Nagluto rin siya ng pancit canton na nilagyan ng itlog. Imbes na ilapag sa mesa ay pumunta siya sa labas kung nasaan ang garden. Umupo siya sa damuhan at doon kumain."Panigurado na lilinisin ko na naman yung lamesa kapag doon ako kumain." pagod na sabi ni Andy sa sarili.Busog na busog siya habang nakahilata sa damuhan. Tila nawala ang pagod niya sa paglilinis ng mga kwarto nila ni Kino at ang pagkilos sa bah
CHAPTER 48PAPASOK na mag-isa si Andy sa asul na gate ng Paaralan nang may sumiko sa kan'ya. Nagpantay ang kilay ni Andy bago nilingon ang dalawang binata na nakasunod sa kan'ya.Isa sa mga ito ay kasing-taas lang niya, kulay kahel ang ilalim ng buhok, kasing-kulay ng mabibilog nitong mata. Sa ngiti nito na abot hanggang tenga ay hindi maipagkakaila ang kapilyuhan. Ang vest na hindi madalas suotin ay nakasuksok sa kan'yang medyo bukas na bag na kasing liit lang ng isang libro at nakasabit sa isang braso.Tumaas-baba ang mga kilay nito bago pumantay ng lakad kay Andy na nagsisimula ng humakbang."Kumusta ang drama? Galit na galit si Mrs. Sanchez kahapon ah... Mukhang nag-cutting ka pa dahil hindi na kita nakita sa mga sumunod na subject." may pilyong ngiti na sabi ni Gus kay Andy.Sinamaan siya ng tingin ng dalaga."At paano mo nasabing nagcutting ako? Stalker ba kita?" nakangiwing tanong ni AndyMay pag-aalinlangan pa siya na kausapin ang mga ito dahil sa kumalat na balita tungkol sa
CHAPTER 47: MISSINGTAHIMIK na nilalakad ni Lylia ang school ground na may iilan lang tao dahil ang iba ay bumalik na sa silid-aralan at ang iba ay nasa Canteen.Kasabay nang pagbagsak ng mga dahon mula sa matataas na puno na dinaraanan ni Lylia ay ang biglaang pagtahimik ng buong lugar. Hindi ito pinansin ni Lylia at nagpatuloy lang sa paglalakad.Papalabas na si Lylia sa kanilang Paaralan at wala siyang dala bukod sa kan'yang sarili dahil alam niyang iuuwi rin naman ng kapatid ang mga naiwang gamit.Isang malakas na hangin ang nagpahinto sa kan'ya.Nilingon niya ang paligid at ngayon lang napansin na wala ang security guard sa Guard House. Maging ang ilang estudyante at school staff na nadaanan niya kanina ay nagsiwalaan. Tumalim ang tingin ni Lylia bago palinga-linga at hinahanap ang mga tao."Where the hell they are? Is this another stupid act from that girl? Hindi na ako makakapagtimpi pa kung sakaling saktan niya ulit ako." may inis na wika ni Lylia sa sarili bago iniyakap ang m
Chapter 46"If you don't want to befriends with anyone then, can I be your stranger?""If you don't want to befriends with anyone then, can I be your stranger?""If you don't want to befriends with anyone then, can I be your stranger?""If you don't want to befriends with anyone then, can I be your stranger?" Mabilis ang bawat hakbang ni Andy habang sinasalubong ang mga estudyante na papalabas palang dahil sa magsisimulang breaktime. Dahil sa bilis niya maglakad ay hindi na niya napapansin ang mga nakakabangga niyang estudyante.Ipinilig niya ang ulo habang mabilis ang bawat paghakbang. Hindi pa rin kasi maalis sa isipan niya ang mga sinabi ni Denum at ang ginawa nito na ilang minuto niyang ikinatulala.Hinawakan niya ang magkabilang pisnge at tinapik ito nang marahan. Ramdam niya pa rin ang pag-iinit nito kaya alam niyang namumula pa rin siya.Mariin siyang pumikit nang makapasok sa comfort room at mabilis na tinungo ang isa sa mga cubicle. Naisandal niya ang ulo sa pinto at dinama
CHAPTER 45: STRANGERAs the bell rang, the classes started. Katulad ng ibang araw ay normal lang ito para sa mga karaniwang estudyante.Pero hindi sa mga estudyanteng puro tsismis ang ipinunta sa eskwelahan. Hindi, definitely not, never.Sa klase kung nasaan ang mga pinakamagugulo at pinakapasaway. May kalakalan na nagaganap.Habang abala sa pagtuturo ang isang guro na may pantay na gupit ang bangs at maikli lang ang buhok na hindi lalagpas sa leeg nito. May mga estudyante na palihim na nagpapaikot ng kapirasong papel at may ibinabasa roon.Pinapaikot nila ito sa bawat estudyante na dumaraan para ikalat ang mahalagang balita na pag-uusapan nila sa oras na libre na ang klase. Nasa dulong upuan sa pinakahuling linya si Andy, nalipat siya dahil sa nahuli siya ng pasok ngayong araw. Tanging ang tatlong walang laman na upuan lang ang katabi niya maging ang mga basura sa ilalim nito.Bumuntong-hininga si Andy bago itinungo ang ulo sa kahoy na armchair.Monggii, wala na talagang nagbalak na