Chapter 36"No! Baka pwede natin itong mapag-usapan Andy." hindi pagsang-ayon ni Kino sa dalaga habang nagliligpit ito ng mga gamit nito."Pinag-usapan na natin 'to kanina." tugon ni Andy.Habang patuloy sa paglalagay sa bag ng mga damit si Andy ay siya namang pagtanggal ni Kino rito."Wala kang mapupuntahan, hindi mo kailangan na umalis dito. Pwede kang mag-stay bilang kaibigan ko, hindi bilang katulong. Wala namang kaso sa mga magulang ko." pamimilit ni Kino."Marami akong bus station na mapupuntahan at wala naman talagang kaso sa mga magulang mo dahil hindi ko naman sila kinasuhan." pamimilosopo ni Andy bago ipinagpatuloy ang pagliligpit.Umawang ang bibig ni Kino dahil sa itinugon ni Andy bago inagaw ang bag na balak sana nitong bitbitin.Pagod na tiningnan ni Andy ang binata bago bumuntong-hininga at napaupo sa kama. Kanina pa kasi siya nagliligpit ng mga gamit ngunit hanggang ngayon ay hindi siya matapos-tapos dahil sa pangingialam ni Kino.Kita ni Kino ang pagod sa mukha ng dal
Chapter 37Nasa labas palang sina Andy at Kino ngunit maririnig na ang boses ng isang anghel na nagpapatugtog ng gitara sa loob ng Clubroom.Pareho sina Andy at Kino na napasilip sa bintana kung saan kitang-kita si Lylia na abala sa pagpapatugtog gamit ang gitara at nakadekwatro habang prenteng nakaupo sa mesa na may pangalan ni Andy.Kaagad iyon napansin ng huli kaya kunot-noo nitong binalingan si Kino na sinenyasan siyang manahimik."Hayaan mo muna siyang libangin ang bisita natin. That's my first task as a newbie in our Club." paliwanag ni Kino na hindi nililingon si Andy.Muling tiningnan ni Andy ang naggigitarang si Lylia ngunit tulad ng inaasahan, wala siyang nakita na kasama nito."Nasaan yung bisita?" pagtatanong ni Andy habang inililibot ang paningin.Itinuro ni Kino ang sopa na walang tao ngunit kakaiba ang nararamdam ni Andy nuong tapunan niya iyon ng tingin."Paano mo siya napilit na maging miyembro natin sa kabila ng nangyari?" may pagkalito na tanong ni Andy.Sa puntong
Chapter 38Papasikat palang ang araw ngunit kinailangan na agad bumangon ni Andy matapos marinig ang mga katok ni Kino."Andy, bumangon ka na. Tutulungan mo pa si Lylia. Kapag natapos ka maligo, kumain ka na muna, pinaghanda kita ng breakfast. Babalik muna ako sa pagtulong... Good morning." halata ang pagod sa boses ni Kino habang nagsasalita.Sinubukan ni Andy na takpan ng unan ang ulo niya para hindi marinig ang sinasabi ni Kino ngunit umalingawngaw iyon sa buong pasilyo kung nasaan sila kaya walang nagawa si Andy kundi ang tumayo kahit gusto niya pang matulog."Ayan, kasalanan mo ito Andy. Nasobrahan ka sa yabang." pagsaway niya sa kaniyang sarili.Matapos mag-ayos at mag-agahan ay muli siyang umakyat upang katukin ang pinto ni Kino."Papasok na ako, Kumag. Goodbye." tamad na paalam niya ngunit wala na siyang narinig na tugon mula rito.Habang kinakapa ang likuran niya na nilagyan niya ng dalawang pain relive patches ay mabagal na binagtas ni Andy ang daanan patungo sa kanilang Paa
Chapter 39: Quarrel"Maling-mali ang ginawa mo, Lylia! Maari kang makasuhan sa gulong nangyari!" halos pasigaw na sabi ni Kino habang kaharap ang dalaga na bagong miyembro ng kaniyang club.Hindi makikitaan ng kahit anong emosyon si Lylia na abala sa paglalaro sa kakulay ng buhok niya na lollipop. Walang halong pagsisisi na makikita sa kaniyang mukha."Palagi namang mali ang ginagawa ko sa paningin ng iba, Kino." diretsong sabi nito bago tipid na ngumiti at dahan-dahang dinilaan ang hawak na lollipop, "Hmm, but that's your choice. Wala akong magagawa kung panget rin ang tingin mo sa akin, kasi sa totoo lang.. Wala na akong pakialam." dagdag pa nito bago inirapan ang si Kino at ibinaba ang mahabang manggas ng uniporme para hindi masyadong makita ang mga maliliit na sugat at pasa sa kaniyang mga braso at kamay.Tinanggal ni Kino ang suot na sombrero bago sinuklay ang buhok gamit ang mga daliri sa isang kamay."Look, hindi kita kinakausap bilang superior mo dahil ako ang presidente. I ju
CHAPTER 40: PATIENCE"Wow, ang dami mong dala na pagkain." nakangiting bungad ni Lylia nang dumiretso si Andy sa Clubroom matapos ang klase.Bitbit niya ang plastic bag na pinaglagyan niya ng mga chichirya at tinapay na hindi niya nakain dahil nawalan bigla ng gana.Tamad na umupo si Andy sa puwesto niya at napahilamos ng mukha."Mongggiii..." mahinang bulong niya bago tumungo sa mga braso na nakalapag sa mesa.Walang ideya na lumapit si Lylia sa puwesto ni Andy bago kumuha ng tinapay sa plastic bag na nakalapag sa mesa.Ngumunguya siya nang maisipan niyang magtanong."Umamin ka nga sa akin, Andy. Wala ba talagang namamagitan sa inyo ni Angry bird?" puno ng kuryosidad na tanong ni Lylia.Iniangat ni Andy ang tingin sa babaeng prenteng nakasandal sa mesa niya bago ngumiwi."Pati ba naman ikaw? Bakit ang big deal kapag si Denum ang kasama ko?" masama ang mukha na tanong ni Andy.Tumingin sa ibang direksyon si Lylia bago tumango."Kasi bagay kayo. " tipid niyang sagot na ikinabigla ni An
CHAPTER 41: I DON'T FLIRTLumipas ang ilang mga araw na hindi nagparamdam o nagpakita man lang ang kaluluwa na biglaang nawala matapos halikan si Denum na hindi na rin nakita ni Andy matapos tumakbo."It is more than a week since you last saw your man.. Did you missed him?"Kunot ang noo na pinasadahan ni Andy ng tingin si Kino na nakahiga sa kama nito habang nagwawalis siya."Anong 'your man? Si Denum?" panghuhula ni Andy.Pigil na ngumiti si Kino bago bahagyang umupo at sumandal sa headboard ng kama nito."So, you mean your crush was Denum not the Krimstick guy?" medyo umakto pa ito na nagulat, "Woah, kung kailan hindi ko na kayo inaasar sa isa't-isa, tsaka pa kayo nagclick." patawa-tawa nitong sabi.Sumama ang timpla ng mukha ni Andy bago mabilis na ibinato kay Kino ang hawak niyang walis-tambo."G@go ka ba? E siya lang naman ang madalas mong inaasar sa akin.." may gigil na paliwanag ni Andy bago pumameywang, "At anong krimstick guy? Shut up, hindi mahilig sa krimstick si Krem!" ha
CHAPTER 42: BEHEADEDNASA unang pinto palang si Andy ay nakaramdam na siya nang kakaiba ngunit mas pinili niya na magpatuloy dahil sa kagustuhan na mahanap si Krem at makausap.Kumatok siya.Isang katok, walang sumagot.Pumangalawa, wala pa rin.Saglit na tumigil sa ginagawa si Andy bago inilapit ang tenga sa pinto upang pakinggan kung may tao sa loob. Balak na sana niyang umalis ngunit ilang saglit pa ay may narinig siyang boses."Hindi po ako gutom.. Matutulog na lang po ako." there is a crack voice inside the room.Nakaramdam ng kaginhawaan si Andy nang makilala kung sino iyon, that voice.. That voice she always wants to hear.Krem...Hindi napigilang ngumiti ni Andy nang muling marinig ang boses ng kaibigan na isang linggo niya na ring hindi nakikita.Marahan niyang pinihit ang siradura ng pinto sa pag-aakala na nakasara iyon ngunit laking-gulat niya nang ito ay bumukas kaya dahan-dahan siyang sumilip.Dahil hindi maliwanag sa buong bahay ay hindi kita ang pagbukas ng pinto. Madal
CHAPTER 43: HOLDING HANDS"Ba't ang tahimik ng paligid?" Andy asked in an intriguing tone.Dahil sa dala ng kuryosidad ay luminga-linga si Kino bago kumunot ang noo na tila nag-iisip. Maya-maya pa ay lumiwanag ang mukha nito na mukhang may ideya na."Baka naka-mute.. Pft." pabirong sagot ni Kino habang nakasandal ang ulo sa headboard at nakalapat ang mga paa sa sahig.Tumingala si Andy para makita ang nagpipigil ng tawa na si Kino bago sinamaan ng tingin."Mongggiii." mahinang usal ng dalaga.There are four person inside the house but it looks like there is just the two of them.Ibinaling ni Andy ang tingin sa kisame habang masarap ang pagkakahiga sa malaki at malawak na puting kama.Iniisip pa rin niya ang mga sinabi ni Kino. Hindi pa rin siya makapaniwala na hindi siya nawalan ng malay kahit may kaluluwa sa paligid niya.How can it be possible? Is that because we cannot recognize who he was? Or... Is it because of Krem sitting next to me?*TikIpinikit ni Andy ang mata at mabilis na