IVY POVLumabas si Trida sa temporary cell kung saan kami nakakulong para makitawag. Habang mag-isa, nagsimula na rin akong mag-isip kung sino ang p’wede kong tawagan para hingan ng tulong. Si mommy at daddy kaya? Kaso, paano nila akong tutulungan, eh, iba ang pangalan ng magulang ko na nakalagay sa birth certificate ko ngayon.Baka may makakilala sa kanila kapag pinapunta ko sila rito at baka malaman ni Mr. David na ako ang bunsong anak nila mom—Pero teka?Hindi si mommy at daddy ang kailangan kong hingan ng tulong ngayon, kun’di si Mr. David.Ang sabi sa akin ni daddy noon, kapag ready na akong makipagkita sa apo ni Mr. David, sabihin ko lang daw sa attorney nila, at sasabihin ‘yon ng attorney kay Mr. David. Ngayon, kung sasabihin kong makikipagkita na ako sa apo niya, baka magawan nila ng paraan para makalabas ako rito.'TAMA! I'm so f*cking smart talaga.' Lumapit ako sa pintuan ng selda at kinawayan ko si kuyang pulis na tahimik habang nagta-type sa computer. Akala ko iisnabin ni
IVY POVInihinto ako ni Atty. Morris sa harap ng gate ng dorm. "Ako ang co-contact sa'yo bukas kung saan kayo magkikita ni Supremo. Sa ngayon, 'wag ka na lang maingay. Wala kang pagsasabihan ng tungkol sa kan'ya."Tumango ako pagkatapos ng sinabi niya at dali-dali na akong nagpaalam bago bumaba ng sasakyan.Tinulak ko ang gate dahil naabutan ko naman 'yon na nakaawang nang bahagya. Dumaan ako sa lobby pero tahimik. Wala si Ate Mildred. Ang receptionist namang nakabantay, nakadukdok at mukhang nakatulog dahil hindi man lang niya namalayan ang pagdating ko.Agad akong dumiretso sa taas. Saktong pag-akyat ko sa 3rd floor, may bumukas na pinto sa gawing kaliwa at lumabas doon si Precious. Napatingin siya sa akin at mukhang nagulat pa siya nang makita niya ako. Pareho kaming natigilan sa puwesto namin. Para siyang nakakita ng multo.Agad siyang umatras at bumalik sa loob. Malakas niya ring sinara ang pintuan ng kwarto nila, na siya kong ipinagtaka. 'Bakit gano'n ang reaksyon niya?' Nagmada
IVY PIÑAFLORIDAHalos isang oras akong nakatulala at hindi kumikibo dahil hindi ako makapaniwala na si Trida ang pumatay kay Racquel. Pilit ko pa rin kinukumbinsi ang sarili ko na hindi ‘yon totoo at hindi niya ‘yon magagawa, pero...bakit may dugo ‘yung dress niya? Sinabi niya lang ba na wala siyang maalala para itago sa ‘kin ang nangyari?Naisipan kong bumaba sa basement pag-alis ni Precious sa kwarto namin. Nabanggit niyang sa basement pinatay si Racquel kaya gusto kong tingnan ang lugar. Ngunit habang pababa ako sa hagdan, parang bigla akong natakot.Tutuloy ba ‘ko o hindi? Pa’no kung multuhin ako ni Racquel dito tapos sisihin niya ‘ko na pinatay siya ng kaibigan ko? Kkrrrhhhh. Hindi naman siguro.Bumaba ako nang tuluyan at dahan-dahang nilibot ang basement. Malinis na. Saan kaya pinatay si Racquel dito? I mean saang spot? At bakit dito sa basement? Iginala ko ang paningin ko habang humahakbang palabas sa pinto kung saan may maliit na taniman ng mga gulay si Ate Mildred. Pumikit a
IVY PIÑAFLORIDA Hindi ko pa nga masyadong naa-absorbed mabuti ang sinabi sa akin ni Precious about kay Trida, ngayon naman dumagdag pa sa problema ko si Zee.Napapikit ako at nanatiling nakayuko kahit namamanhid na ang mga binti ko. Tahimik lang ako at hinintay kong makaalis si Matthew. At nang sa wakas, after a century of waiting ay narinig ko na ang paghakbang niya palayo. Halos hindi na ako makatayo sa sobrang ngawit ng mga binti ko.Dahan-dahan akong umalis sa rooftop at bumaba sa hagdan nang matantya kong tuluyan na siyang nakababa. Sinikap kong hindi makagawa ng kahit kaunting kaluskos.Tahimik akong nakabalik sa kwarto at naabutan kong nakailaw ang phone ko. Chineck ko ‘yon. May nag-text sa akin na unregistered number pero alam ko na agad kung sino. Si Atty. Morris.Sinend niya sa akin ang lugar at kung anong oras kami magkikita ni Supremo bukas.☆゚.*・。゚Kinabukasan. Lunes. Maaga akong gumising at gumayak, pero hindi ako sigurado kung tutuloy ba ako sa school knowing na nasa k
TRIDA MONTANA"Kumain ka na miss, oh. Kahapon mo pa hindi ginagalaw lahat ng pagkain na binibigay namin sa’yo," sermon sa ‘kin ng isang pulis. May inaabot siya sa akin na McDo na nasa take-out bag pero hindi ko ‘yon kinuha."Ayoko n’yan. Gusto ko BTS meal." Sabay irap dito."Mamayang tanghali na lang ‘yon. Kainin mo muna ‘to," pamimilit niya sa akin habang nasa loob pa rin ako ng selda at nakaupo malapit sa pintuan."Hindi ako kakain hangga’t hindi ako nakakalabas dito!""Magugutom ka kapag hindi ka kumain.”"Wala akong pakialam," ganti ko sa kaniya. "Napaka-unfair n’yo!" Tumayo ako bigla at hinarap ang pulis na ‘yon. "Pa’nong nangyari na nakalaya si Ivy tapos ako napag-abutan na ng magdamag dito?!" Naghy-hysterical na naman ako habang niyugyog ang bakal na pintuan ng selda. "Bulok ‘yung sistema n’yo! Hindi kayo patas!" Sunud-sunod ang paghahabol ko ng hininga dahil sa galit. "Remember this, I'll sue each and everyone here if you've broken any rules while investigating! You arrested an
TRIDA MONTANANakauwi na kami ni Haze sa dorm at naipaliwanag na rin niya kina Ate Mildred ang nangyari pati ang text message na kaniyang na-recieved mula sa totoong killer na si Migz, ex-boyfriend ni Racquel.Kaya lang...nakatulala ako sa kwarto namin ni Ivy. Ina-analyze kong mabuti sa isip ko ang nangyari.Inamin ni Migz sa text message na siya ang pumatay kay Racquel pagkatapos ay inilagay daw niya ang kutsilyong ginamit niya sa kwarto namin ni Ivy. After that, agad siyang tumakas sa dorm.Pero sa pagkakatanda ko, bago kami umakyat sa rooftop noong gabing ‘yon, wala ng mga estudyante sa dorm. Dahil usually ay weekend umuuwi ang mga estudyante. May iba nga na friday pa lang ng hapon ay umuuwi na sa kani-kanilang bayan pagkatapos ng klase. So, paano nangyari na siya ang pumatay kay Racquel?Pabagsak akong humiga sa kama at bumuntong-hininga habang nakatitig sa kisame. Bakit gano’n? Bakit hindi pa rin ako mapanatag? Feeling ko may mali sa nangyari pero hindi ko ma-sure kung paano o an
TRIDA MONTANAPababa ako sa hagdan nang masalubong ko 'yung tatlo. Si Kayden, Matthew at Zee. Nakasuot sila ng school uniform at halatang kauuwi lamang."Andito ka na? Ano'ng nangyari?" Si Kayden ang unang nagtanong."Bakit mas naunang nakalaya si Ivy?" Si Matthew."Hindi ba binanggit sa inyo ni Haze?" tanong ko naman sa kanila. Mukhang hindi pa nila alam ang tungkol kay Migz."Ang alin?" Nagtataka akong tiningnan ni Zee."Na nahuli na 'yung totoong pumatay kay Racquel kaya ako nakalaya," I stated. Nagtinginan saglit si Zee at Matthew bago ibalik ang tingin nila sa akin."Talaga? Mabuti kung gano’n! Edi makakapasok na ulit kayo ni Ivy?" nakangiting sabi ni Zee."Oo. Pero pagbalik na lang ni Ivy. Nahihiya akong pumasok mag-isa pagkatapos ng nangyari." Bahagya pa akong napabuntong-hininga."Bakit ka mahihiya? Wala na kayong dapat ipag-alala. Ngayon pa bang nahuli na 'yung totoong killer?" sabi naman ni Matthew sabay baling kay Zee. "Di ba, Zee?" Dinunggol niya pa ito nang bahagya sa bra
TRIDA MONTANA"What kind of outfit you think will suit me?" tanong ko habang patuloy sa pag-iikot sa loob ng isang clothing shop. Si Zee naman ay nakabuntot sa akin."Kahit ano. But I hope it will be something simple." Nakikihawi-hawi na rin siya sa mga naka-hanger na damit para maghanap ng para sa kaniya."Anong something simple? Usually di ba eye-catching outfit ang mga sinusuot ng mga nagpupunta sa club?" litanya ko."No, that's not true." Lumipat siya sa section ng mga pangbabae at doon namili. Mukhang tutulungan na niya ako.Nakakita naman ako ng black fitted skirt na leather at kinuha ko 'yon para ipakita sa kaniya. "Bagay ba sa 'kin 'to?" Ipinantay ko pa sa baywang ko para makita kung hanggang saan ko 'yon."No. Not that." Pinag-ekis niya ang kamay niya. "Ito na lang, oh." Sabay abot niya sa akin ng hawak niyang cotton long sleeves na kulay beige. "When I said simple, this is what I've been thinking about." Bahagya pa siyang ngumiti.Kinuha ko 'yon at saka ako ngumuso. "Club 'y