IVY POVKinuha agad ni daddy sa kamay ko ang cell phone at saka niya 'yon tiningnan. Nang makita niyang restricted number ang nasa screen ay agad niya 'yon ibinalibag. Tumama 'yon sa pader at nagkahiwa-hiwalay."Dad...b-bakit..." Pareho kaming nagulat ni mommy sa ginawa niya."Get a new one. Kinuha ng lalaki kanina ang number mo sa phone ko. And it's very easy to hack a cell phone, even if all they have is the phone number. They can also find your location," seryoso niyang sabi. Bigla naman akong natakot. Ibig sabihin, gusto talaga nila akong mahanap dahil sa kwintas? "Simula ngayon, don't let anyone touch your phone and don't let others have your phone number. You have to be careful."***Pagkatapos ng naging pag-uusap namin nila mommy at daddy ay sinabihan na agad nila akong umalis at baka raw may pumunta ulit sa bahay para hanapin ako.Pinipilit din nila ako na hanapin ang kwintas na iniwan sa akin ni lolo para ibigay sa kanila. Wala na rin daw silang pakialam sa kasal at kayamanan
IVY’s POVIminulat ko ang aking mga mata kasabay ng paghilot sa aking sintido. Ang sakit ng ulo ko. Napansin ko rin na wala ako sa room namin ni Trida kun’di nasa sala.Agad akong bumangon at tiningnan ko ang oras sa wall clock na nasa lobby. 5:30 am. Teka? Bakit nga pala ako narito? Dito ba ako natulog kagabi? Ano ba’ng...?(ꏿ﹏ꏿ;)I gasped in astonishment nang maalala ko bigla ang nangyari. Agad akong tumakbo paakyat sa 3rd floor at pumasok ako sa kwarto namin. Nang buksan ko ang pinto ay naabutan ko pa siyang tulog kaya agad akong umupo sa gilid niya."Trida! Trida! Gising!" Niyugyog ko siya sa braso para gisingin at sabihin ang nangyari kagabi."Hmm. Ang aga-aga paaaa~" maktol niya sa akin habang nakapikit pa rin. Hinatak niya rin ang kumot at itinakip sa mukha niya ngunit agad ko rin ‘yon inalis."Gumising ka muna! May ikukwento ako sa’yo, dali!" Pero hindi pa rin siya sumunod at tinalikuran pa ako. Wala na tuloy akong choice kun’di ang hilahin ang kumot na nakabalot sa kani
TRIDA POV"Aray! Teka! Makahila ka naman!" reklamo ko. Pagkatapos kasi namin kumain ng almusal, niyaya agad ako ni Ivy sa taas. Halos kaladkarin niya pa nga ako papasok sa kwarto."Pulong muna tayo. Lock mo pinto, dali." Wow. Ako na ngayon ang inuutusan niya. Nagtaka ako pero sinunod ko na lamang siya. Nang maisara ko 'yon at mai-lock ay agad akong umupo sa gilid ng bed ko at humarap sa kaniya."Bakit? Tungkol saan?" tanong ko habang naglalakad siya nang pabalik-balik at mukhang hindi mapakali, with matching kagat pa sa kuko. She looked so worried. "Maupo ka nga. Nahihilo 'ko sa'yo!" Bigla siyang tumigil at tiningnan ako. Bakas ang kaba sa kaniyang mukha."Alam ko na kung sino si Supremo," she said quietly, but enough for me to hear."Sino?" Naupo siya sa tabi ko at nagsimula ng magkuwento. "Narinig mo 'yung sinabi ni Haze? Nakasalubong n'ya si Kierz paakyat sa hagdan bandang ala-una ng madaling araw. Pero bumaba s'ya ng alas dose papunta sa basement. Doon ko s'ya narinig na may kaus
TRIDA POV"Now, the decision is yours. Will you trust me or not?"Natahimik ako saglit. I studied his face and I know for sure na puwede ko siyang pagkatiwalaan. I leaned forward and rest my forearm in the table."Come closer," bulong ko sa kaniya. Ngumiti naman siya. Mukhang pabor na pabor sa kaniyang maging malapit sa akn. Nirest niya rin ang forearm niya sa mesa at inilapit ang mukha niya sa mukha ko. Luminga-linga muna ako sa paligid just to make sure na kami lang dalawa ang tao sa rooftop at walang ibang makakarinig sa sasabihin ko. Binalik ko na ulit ang tingin ko sa kaniya pero inilayo ko nang bahagya ang mukha ko dahil sobrang lapit na namin. "Ganito 'yon," I started. "Di ba aware naman kayo sa mga nangyayari sa school natin. 'Yung mga namatay na estudyante?"Tumango siya. "Oo. Bakit?""Alam namin kung sino ang nasa likod ng bagay na 'yon at kung ano'ng dahilan ng pagpatay."He furrowed his eyebrows. "Sino?" he asked, confused."Si Supremo," I whispered. Lalong kumunot ang kan
IVY POV4:00 am pa lang ay gising na ako. Mababaw lang ang naging tulog ko dahil hanggang ngayon ay natatakot pa rin ako sa nangyari noong minsang pababa ako sa basement—sa ginawang pagtakip ng panyo sa akin ni Kierzyuwi Hindi ko rin maiwasang mapaisip ngayon. Kung si Kierzyuwi si Supremo—ano'ng kaugnayan niya kay Mr. David? Kilala ba niya ang magiging fiance ko? Hindi ko pa alam ang sagot ngunit isa lamang ang nasisiguro ko. Hindi niya poprotektahan ang nakatago rito sa dorm kung hindi siya related kay Mr. David.Bumangon ako saglit para kuhanin sa cabinet ang maliit na box kung saan nakalagay ang kwintas na ibinigay sa akin ni lolo noon at saka ako muling naupo sa gilid ng kama habang pinagmamasdan 'yon.Ano'ng meron dito? At sino ang lalaki na nagtali kina daddy at gustong kunin 'tong kwintas ko? Si Kierzyuwi ba? Kaya ko ba s'ya nasalubong noong pauwi ako sa amin? Pero bakit? Bakit n'ya gustong kunin 'to?Ang dami kong tanong na hindi ko kayang bigyan ng kasagutan. Napabuntong-hi
IVY POVTapos na ang last period pero wala pa rin si Trida. Magpapasama pa naman sana ako sa kaniya para bumili ng bagong cell phone. Hindi na kasi gumana ang phone ko matapos 'yon ibalibag ni daddy.Nasaan na kaya siya? Hindi man lang niya sinabi sa akin kung saan siya pupunta. Pati rin noong nakaraan na umalis siya—kahit kinukulit ko siya ay hindi niya rin ipinaalam sa akin.'Huwag niyang sabihin na may ginagawa siyang hindi ko alam? Tch.'Naglalakad ako palabas sa gate ng school nang biglang may umakbay sa akin, dahilan para mapatigil ako. At nang ibinaling ko ang aking tingin sa kaniya, nakangiti pa siya sa akin."Matthew?""Bakit mag-isa ka? Hindi mo kasama si Trida?" tanong niya, nakaakbay pa rin. Inalis ko bigla ang kamay niya sa balikat ko bago ako sumagot."May pinuntahan siya.""Saan naman?""Hindi ko alam." Nagsimula na ulit akong maglakad at sumunod naman siya."Bakit nga pala hindi ka nagre-reply sa 'kin?" "Nasira kasi 'yung cell phone ko. Hindi pa 'ko nakakabili.""Kaya
IVY POVPagkatapos namin bumili ng cell phone ay niyaya ako ni Matthew na kumain dahil hindi pa rin daw siya naglu-lunch.Siya ang umorder ng pagkain namin kaya naiwan akong mag-isa sa table. At habang wala siya ay inabala ko muna ang sarili ko. Nilagyan ko ng sim card ang phone kong binili at saka ako agad nag-text kina mommy at daddy. Bagong sim din ang ginamit ko.Nag-reply naman si daddy at tinatanong niya sa akin ang tungkol sa kwintas. Ngunit sinabi ko sa kaniya na hindi ko pa iyon nakikita. Kailangan ko munang malaman kung ano'ng mayroon sa kwintas na 'yon bago ko i-surrender.***"Ano pala'ng pangalan ng parents mo? May kapatid ka ba?" tanong ko kay Matthew habang kumakain kami sa isang restaurant na nasa loob lamang din ng isang sikat na mall.Nag-angat naman siya ng tingin sa akin at biglang ngumiti. "Bakit parang bigla kang naging interesado sa 'kin?" Ngumiti rin ako. Pabebe smile. "Interesado naman talaga ako sa'yo," I said flirtatiously. Kailangan ma-fall sa akin 'tong
IVY POVTwo weeks later...Nakalabas na sa ospital si Trida, pero si Haze ay hindi pa. Ang balita ko kay Matthew baka bukas pa raw o sa isang araw madi-discharged si Haze dahil mas grabe ang mga sugat na tinamo niya kaysa kay Trida. Himala na nga lang daw na nabuhay pa sila pagkatapos bumaligtad ng sasakyan. At buti na lang hindi sila nasabugan.Si Trida naman ay pansamantalang inuwi ng mommy at daddy niya sa kanila nang dalawang araw bago umuwi rito sa dorm—para raw maalagaan at mamonitor siya roon. At kitang-kita ko kung paano siya tumutol noong araw na ‘yon dahil ayaw niyang umuwi sa kanila. Ang kaso ay wala siyang nagawa sa desisyon ng parents niya.At sa dalawang gabi na wala akong kasama sa kwarto, halos hindi ako nakakatulog dahil naiisip ko na paano kung biglang may pumasok sa kwarto namin at patayin ako? WAAAAH!Ngunit kahit nakabalik na siya sa dorm ngayon ay hindi pa rin siya pinapayagang pumasok sa school para sa mas mabilis niyang recovery. Kailangan muna niyang magpalaka
TRIDA MONTANAMaaga kaming pumasok ni Ivy sa school dahil ipinatawag kami sa dean's office. Nabalita kasi sa department namin ang nangyaring pag-aresto at pagkakulong namin kaya kinausap kami ni Dean.Ngunit ang inaasahan ko ay iinterbyuhin niya kami regarding that matter, like kung totoo bang kami ang pumatay. Pero hindi pala."Nagpunta rito ang secretary ng daddy mo, Trida. All the misunderstanding has been cleared. So, focus on your study." Ngumiti si Dean bago ituloy ang sasabihin. "Kapag may narinig kayo o nagtanong sa inyo about sa nangyari, report to me right away. Their names, block, and course if they are from different department. Okay?""Okay po." Ngumiti lamang din ako nang bahagya sa kaniya at ganoon din si Ivy bago kami tuluyang nagpaalam."Buti naman kung gano'n. Alam mo bang kung anu-ano'ng pinagsasabi sa 'kin ng mga classmates natin noong pumasok ako?" sumbong ni Ivy sa akin paglabas namin ng Dean's Office."Nagmagaling ka kasing pumasok, eh. Hayun tuloy ang napala mo
TRIDA MONTANAAlas-onse ng gabi nang makarating kami ni Zee sa dorm. Siya ang nag-ayang umuwi sa ‘kin matapos namin matanaw sa lounge si Ivy at Matthew na magkalapit ang mukha at parang magki-kiss. Landi ni acckla!Nakiusap pa naman ako kay Zee na aantabayanan ko itong makalabas kaya naghintay kami sa labas ng building. Pero mag-iisang oras na ay hindi pa rin siya sumusulpot kaya kinulit ko pa si Zee na samahan ako pabalik sa loob dahil baka utak na niya ang pinasabog sa loob kanina.Pero hayun nga. Pagpasok namin, natanaw namin sila ni Matthew. Ang lalandi talaga."Matulog ka na para hindi ka mapuyat. May pasok pa bukas,” paalala ni Zee pagtungtong namin sa third floor.Huminto rin ako at nilingon siya. “Salamat kanina.”Dahil kasi sa nangyaring pagputok ng baril at pagkawala ng ilaw, agad naglabasan ang mga tao sa club. Nataranta rin ako noong oras na ‘yon dahil may mga nagsisigawan at halos lahat nagpa-panic. Buti na lamang ay agad niya akong natunton at iginiya palabas. Kung hindi
IVY PIÑAFLORIDABANG!Kumabog ang dibdib ko dulot ng narinig kong putok ng baril mula sa loob ng VIP room kung saan ako nanggaling.Sa sobrang nerbyos ko, hindi ko na tinangka pang katukin muli ang pinto. Napaatras ako kasunod ang mabilis kong paghakbang palayo roon kahit na halos magkandarapa ako dahil sa dilim ng paligid.Binuksan ko ang clutch bag ko at kinapa sa loob ang phone ko. Nang makuha ko 'yon, binuksan ko agad ang flashlight at mas binilisan ko na ang paghakbang palayo.Halos patakbo ang ginawa ko kaya nang pababa na ako sa hagdan, nagkamali ako ng tapak sa baitang kaya, dahilan para bumagsak ako at gumulong pababa."Aaww~" Hinilot ko ang tuhod kong naunang tumama sa matigas na semento. Sobrang sakit.Bumaling ako sa cell phone ko na isang dipa ang layo sa akin dahil nabitawan ko 'yon. Nakailaw pa rin ang flashlight pero nakabaligtad 'yon at sa sahig nakatama ang liwanag kaya wala akong masyadong maaninag sa paligid.Sinubukan kong tumayo kahit na ramdam ko na parang naipi
IVY PIÑAFLORIDANakatayo ako sa harap ng full length mirror sa kwarto ko habang hawak ang baril. Nakatitig ako ro'n. Nakasuot naman sa hita ko ang leg gun holster.Hindi kasi p'wede na sa clutch bag ko lang 'to ilagay dahil makikita 'yon bago kami pumasok sa club kapag nag-check ang security.Ayoko naman sana talaga magdala ng baril. Kaso naisip ko, paano kung may mangyari sa 'kin? Paano kung may gawin na masama si Supremo 'pag nagkaharap na kami? Lalo na at pinapupunta niya akong mag-isa. Kailangan ko ng pang-self defense kung sakali. Mahirap na.Sinuksok ko na ang baril sa leg gun holster na nasa hita ko at saka ko na sinuot ang spaghetti strap kong dress ko na kulay black. Pinagmasdan ko ang repleksyon ko sa salamin. Perfect! Hindi rin halata na may dala akong de@dly weapon.Dinampot ko na ang clutch bag ko pati na rin ang cell phone kong nasa kama. Paglabas ko sa kwarto, nakaabang agad sa akin si mommy."Anak, sigurado ka bang hindi mo kailangan ng kasama?" Bakas sa mukha niya ang
TRIDA MONTANA"What kind of outfit you think will suit me?" tanong ko habang patuloy sa pag-iikot sa loob ng isang clothing shop. Si Zee naman ay nakabuntot sa akin."Kahit ano. But I hope it will be something simple." Nakikihawi-hawi na rin siya sa mga naka-hanger na damit para maghanap ng para sa kaniya."Anong something simple? Usually di ba eye-catching outfit ang mga sinusuot ng mga nagpupunta sa club?" litanya ko."No, that's not true." Lumipat siya sa section ng mga pangbabae at doon namili. Mukhang tutulungan na niya ako.Nakakita naman ako ng black fitted skirt na leather at kinuha ko 'yon para ipakita sa kaniya. "Bagay ba sa 'kin 'to?" Ipinantay ko pa sa baywang ko para makita kung hanggang saan ko 'yon."No. Not that." Pinag-ekis niya ang kamay niya. "Ito na lang, oh." Sabay abot niya sa akin ng hawak niyang cotton long sleeves na kulay beige. "When I said simple, this is what I've been thinking about." Bahagya pa siyang ngumiti.Kinuha ko 'yon at saka ako ngumuso. "Club 'y
TRIDA MONTANAPababa ako sa hagdan nang masalubong ko 'yung tatlo. Si Kayden, Matthew at Zee. Nakasuot sila ng school uniform at halatang kauuwi lamang."Andito ka na? Ano'ng nangyari?" Si Kayden ang unang nagtanong."Bakit mas naunang nakalaya si Ivy?" Si Matthew."Hindi ba binanggit sa inyo ni Haze?" tanong ko naman sa kanila. Mukhang hindi pa nila alam ang tungkol kay Migz."Ang alin?" Nagtataka akong tiningnan ni Zee."Na nahuli na 'yung totoong pumatay kay Racquel kaya ako nakalaya," I stated. Nagtinginan saglit si Zee at Matthew bago ibalik ang tingin nila sa akin."Talaga? Mabuti kung gano’n! Edi makakapasok na ulit kayo ni Ivy?" nakangiting sabi ni Zee."Oo. Pero pagbalik na lang ni Ivy. Nahihiya akong pumasok mag-isa pagkatapos ng nangyari." Bahagya pa akong napabuntong-hininga."Bakit ka mahihiya? Wala na kayong dapat ipag-alala. Ngayon pa bang nahuli na 'yung totoong killer?" sabi naman ni Matthew sabay baling kay Zee. "Di ba, Zee?" Dinunggol niya pa ito nang bahagya sa bra
TRIDA MONTANANakauwi na kami ni Haze sa dorm at naipaliwanag na rin niya kina Ate Mildred ang nangyari pati ang text message na kaniyang na-recieved mula sa totoong killer na si Migz, ex-boyfriend ni Racquel.Kaya lang...nakatulala ako sa kwarto namin ni Ivy. Ina-analyze kong mabuti sa isip ko ang nangyari.Inamin ni Migz sa text message na siya ang pumatay kay Racquel pagkatapos ay inilagay daw niya ang kutsilyong ginamit niya sa kwarto namin ni Ivy. After that, agad siyang tumakas sa dorm.Pero sa pagkakatanda ko, bago kami umakyat sa rooftop noong gabing ‘yon, wala ng mga estudyante sa dorm. Dahil usually ay weekend umuuwi ang mga estudyante. May iba nga na friday pa lang ng hapon ay umuuwi na sa kani-kanilang bayan pagkatapos ng klase. So, paano nangyari na siya ang pumatay kay Racquel?Pabagsak akong humiga sa kama at bumuntong-hininga habang nakatitig sa kisame. Bakit gano’n? Bakit hindi pa rin ako mapanatag? Feeling ko may mali sa nangyari pero hindi ko ma-sure kung paano o an
TRIDA MONTANA"Kumain ka na miss, oh. Kahapon mo pa hindi ginagalaw lahat ng pagkain na binibigay namin sa’yo," sermon sa ‘kin ng isang pulis. May inaabot siya sa akin na McDo na nasa take-out bag pero hindi ko ‘yon kinuha."Ayoko n’yan. Gusto ko BTS meal." Sabay irap dito."Mamayang tanghali na lang ‘yon. Kainin mo muna ‘to," pamimilit niya sa akin habang nasa loob pa rin ako ng selda at nakaupo malapit sa pintuan."Hindi ako kakain hangga’t hindi ako nakakalabas dito!""Magugutom ka kapag hindi ka kumain.”"Wala akong pakialam," ganti ko sa kaniya. "Napaka-unfair n’yo!" Tumayo ako bigla at hinarap ang pulis na ‘yon. "Pa’nong nangyari na nakalaya si Ivy tapos ako napag-abutan na ng magdamag dito?!" Naghy-hysterical na naman ako habang niyugyog ang bakal na pintuan ng selda. "Bulok ‘yung sistema n’yo! Hindi kayo patas!" Sunud-sunod ang paghahabol ko ng hininga dahil sa galit. "Remember this, I'll sue each and everyone here if you've broken any rules while investigating! You arrested an
IVY PIÑAFLORIDA Hindi ko pa nga masyadong naa-absorbed mabuti ang sinabi sa akin ni Precious about kay Trida, ngayon naman dumagdag pa sa problema ko si Zee.Napapikit ako at nanatiling nakayuko kahit namamanhid na ang mga binti ko. Tahimik lang ako at hinintay kong makaalis si Matthew. At nang sa wakas, after a century of waiting ay narinig ko na ang paghakbang niya palayo. Halos hindi na ako makatayo sa sobrang ngawit ng mga binti ko.Dahan-dahan akong umalis sa rooftop at bumaba sa hagdan nang matantya kong tuluyan na siyang nakababa. Sinikap kong hindi makagawa ng kahit kaunting kaluskos.Tahimik akong nakabalik sa kwarto at naabutan kong nakailaw ang phone ko. Chineck ko ‘yon. May nag-text sa akin na unregistered number pero alam ko na agad kung sino. Si Atty. Morris.Sinend niya sa akin ang lugar at kung anong oras kami magkikita ni Supremo bukas.☆゚.*・。゚Kinabukasan. Lunes. Maaga akong gumising at gumayak, pero hindi ako sigurado kung tutuloy ba ako sa school knowing na nasa k