TRIDA'S POV
"Damay mo kami, Trids!" pahabol ni Matthew pero hindi na lang ako kumibo.Naramdaman ko naman ang pagtayo ni Ivy sa upuan niya at saka ako nilapitan. "Ano'ng maitutulong ko?""Pabalat at pahiwa 'yong sibuyas at bawang." Inabot ko sa kaniya 'yong kutsilyo pero nagulat siya at napaatras dahil naitutok ko pala sa kaniya 'yon. "Sorry," sabi ko, 'tsaka ko inayos ang pag-abot. Akala niya siguro sasaksakin ko siya.Sinimulan ko nang i-prepare ang ibang kailangan ko sa pagluluto ng adobo. Habang 'yong apat na lalaki nasa dining table, nagbabardagulan at naghihintay na naman ng ayudang ulam galing sa 'kin."Trida, bakit pinaiyak mo 'yang bago mong roommate?" tanong ni Matthew. Nilingon ko naman si Ivy at nakita kong tumutulo nga ang luha niya—habang naghihiwa ng sibuyas. Gusto kong matawa sa itsura niya pero pinigil ko na lang muna dahil bigla akong naawa.***Magkasama kami ni Ivy na kumakain, 'yong apat naman nasa kabilang table. Binigyan ko na sila ng ulam dahil napadami na rin naman 'yong niluto ko. Isa pa, may ambag dito 'yong bestfriend ko—si Zee. Sa kaniya kasi galing 'yong pera na ipinamili ko. I mean, hiniram ko sa kaniya."Sarap talaga nang luto mo Trida, p'wede ka na mag-asawa!" Nag-angat ng tingin si Matthew at nag-thumbs up pa sa 'kin."Kung mag-aasawa ako para lang maging tagaluto, 'di bale na lang. Baka lasunin ko pa s'ya!" umirap ako sabay subo sa pagkain na nasa kutsara. Kunwari namang nasamid si Haze dahil sa sinabi ko. Binaling ko 'yong tingin ko kay Ivy dahil napansin kong sumisinghot-singhot pa rin siya dahil sa pag-iyak niya kanina sa sibuyas."Grabe naman 'yang mata mo. Sibuyas pa lang 'yan pero umiiyak ka na? Pa'no pa kaya 'pag nagka-jowa ka tapos nag-break kayo?" seryoso kong sabi sa kaniya.Hindi siya sumagot kaya si Haze ang bumanat. "Ibig sabihin umiyak ka no'ng nag-break tayo?" he teased.Nag-angat naman ako ng tingin sa kaniya. "Oo naman. Tears of joy!" Ngumisi ako.Medyo natawa 'yong mga kasama niya habang nakikinig sa 'min. Pero agad siyang bumawi. "Para namang hindi ka nag-I love you at I miss you sa 'kin no'n tuwing magkausap tayo sa hating-gabi.""Kailan 'yon? 'Di ko maalala," palusot ko."'Yon ang mga panahon na mahal na mahal mo 'ko. Na pati sa panaginip mo ako 'yong nakikita mo," he said, giving me a playful smirked."Ah, kaya pala madalas akong bangungutin noon!" I shot back."Bangungot? E, hindi ka nga no'n nakakatulog hangga't hindi mo 'ko nakakausap!" He laughed."Bakit, ikaw rin naman, ah!" Nagsimula nang kumulo ang dugo ko. "Hindi ka rin nakakatulog no'n hanggat hindi ko sinasagot ang tawag mo!""Kaya nga buti na lang break na tayo. At least ngayon nakakatulog na 'ko nang maayos at mahimbing." Ngumisi ulit siya na lalo kong ikinainis."Ay wow! Shoutout naman sa'yo no'ng sinabi mong ikamamatay mo kapag nawala ako! Ano na! Matagal pa ba! Kapeng-kape na 'ko!" ganti ko sa kaniya. Hindi nakasagot si Haze. 'Yong apat naman halatang nagpipigil nang tawa. Narinig ko rin si Ivy na natawa nang mahina kaya nilingon ko siya. "Oh, marunong ka pa lang tumawa?""Baka kainin mo 'yang mga sinasabi mo at magsisi ka kapag wala ka nang nakitang tulad ko?" balik ni Haze sa 'kin kaya binalik ko ang tingin sa kaniya."Kung wala na 'kong makikitang tulad mo... THANKS GOD! I'M RELIEVED!""Bakit no'ng kayo pa ang tahimik ng mundo? Magbalikan na nga lang kayo!" sita ni Kayden sa 'min."Kung may babalikan man ako, 'yon ang time na hindi ko pa siya nakikilala!" sagot ko sabay irap kay Haze."Ako naman, kung may babalikan ako, 'yon ang panahon na nililigawan mo pa 'ko. Para binasted na lang sana kita." Humalakhak siya nang malakas kaya lalo akong nairita. Tumayo ako sa kinauupuan ko at lumapit sa kaniya. Inagaw ko 'yong kutsara na isusubo na sana niya pati ang plato niya. "Teka hindi pa 'ko tapos!"Hindi ko siya pinakinggan at diretso kong nilagay sa sink 'yong plato niya. "Hindi mo deserved kumain!" inis kong sabi. Nawalan na rin ako ng gana kaya niligpit ko na 'yong pinagkainan ko 'tsaka ako bumaling kay Ivy. "Sumunod ka na lang sa taas pagkatapos mong kumain. 'Wag mong huhugasan 'yong pinagkainan mo. Hayaan mong si Haze ang lumandi sa mga plato." Hindi ko na siya hinintay makasagot at agad na 'kong umalis.IVY'S POVPagkatapos kong kumain, tumayo ako para hugasan 'yong sarili kong pinagkainan. "Iwan mo na lang 'yan, si Haze na bahala d'yan," sabi ng isang lalaki sa 'kin na sa pagkakatanda ko, Matthew ang pangalan."Okay lang, kaya ko na 'to." Isa lang naman, e. Dugtong ko pa sa isip ko. Nahihiya akong pahugasan pa 'yong pinagkainan ko dahil hindi ko pa naman sila kilala."Talaga? Kung gano'n..." lumapit sa 'kin si Matthew sabay lagay ng pinagkainan niya sa sink, "pakidamay mo na rin 'to." Ngumiti siya at tinapik pa 'yong braso ko bago umalis.Sumunod na rin lumapit 'yong Zee ang pangalan, at nilagay rin sa sink 'yong pinagkainan niya. "Ito rin." Ngumiti siya bago umalis."Tapos na rin ako," sabi no'ng Kayden at inihabol din ang plato niya.Sunod namang lumapit si Haze habang nakangiti sa 'kin. "Thank you, Ivy. You saved me!" Umalis na rin siya matapos niyang iwan sa 'kin ang plato niya. Napatulala naman ako habang nakatitig sa mga platong nagmamakaawa na kuskusin ko na sila.Pagkatapos kong hugasan lahat, umakyat na 'ko sa 3rd floor. Pumasok ako sa kwarto at naabutan ko si Trida na nakahiga at tahimik. 'Di ako sanay.Hindi na lang din ako kumibo. Umupo ako sa bed ko na katapat lang nang kaniya at inayos ko ang bag ko na gagamitin bukas sa school."Ivy?" Lumingon ako sa kaniya nang tawagin niya 'ko. "Hindi mo ba 'ko tatanungin kung bakit kami nag-break?" tanong niya sa 'kin. Umiling naman ako kaya bigla siyang sumimangot. "Ano ba 'yan ang boring mo naman kausap! Para kang engkantong nagpapanggap lang na tao!" Bumalik na ulit siya sa paghiga at tinakip ang kumot sa mukha.TRIDA'S POVNakadapa ako at nakasubsob sa bed ko habang 'yong unan ko nakataklob ko sa ulo ko. 10:30pm na pero hindi pa rin ako makatulog. Kung kailan ko gusto ng katahimikan, do'n naman umaatake 'tong si Ivy. Hindi ako makatulog dahil sa hilik niya. Tahimik nga siya 'pag gising pero halimaw naman kapag tulog!Bumangon ako at sinindihan ang ilaw. Tiningnan ko siya, nakakanganga pa. Paano 'ko makakatulog ngayon? Hindi pa naman ako sanay na may naghihilik. Lagyan ko kaya ng tape ang bibig niya? Umiling ako. That's a bad idea. 'Di naman ako gano'n kasama.Nilapitan ko siya at kinuha ko 'yong isang unan sa gilid niya. Ipinatong ko 'yon sa mukha niya para kahit papa'no mapigil at humina 'yong paghihilik niya.Bumalik na ulit ako sa bed ko at nahiga. Kaso ilang minuto pa lang ang lumilipas, lumakas na naman 'yong hilik niya. Nilingon ko siya at nakita kong nakalaglag na 'yong unan na itinakip ko sa mukha niya. Sinubukan kong hindi na lang pansinin ang paghilik niya pero hindi ko talaga kaya.Bumangon ako at piniga ko 'yong ilong niya para hindi siya makahinga. At successful naman 'yong ginawa ko dahil no'ng hindi siya makahinga gamit ang ilong, medyo gumalaw siya at umikom 'yong bibig. Natigil na rin siya sa paghilik kaya bumalik na ulit ako sa bed ko at nahiga na para matulog.Pero wala pa yatang sampong minuto kong naipipikit ang mata ko nang magulantang ako sa bigla na naman niyang paghilik. Hindi ko na alam gagawin ko!IVY'S POVBumangon ako at nag-stretch ng kamay habang naghihikab. Ang sarap nang tulog ko. Bumaling ako kay Trida at— "Ay kalbo!" Napalakas ang boses ko sa gulat sa kaniya. Nakaupo siya sa gilid ng bed niya at nakatulala habang nakatingin sa 'kin. Nangingitim ang palibot ng mata niya. Para siyang panda. Nag-drugs ba siya habang tulog ako?"Kumusta...tulog...mo?" dahan-dahan at matamlay niyang tanong sa 'kin."M-maayos naman.""Sana all..." Tumayo na siya at kumuha ng twalya sabay pasok sa banyo. Ano'ng nangyari sa kaniya?***Naglalakad kami papasok sa school. Nakasuot siya ng sunglasses para hindi raw makita 'yong eyebags niya. "Bakit kasi hindi ka nakatulog kagabi?" tanong ko sa kaniya. Sabi niya kasi sa 'kin kanina, 3:00am na raw pero gising pa siya.Huminto siya sa paglalakad at bumaling sa 'kin. "Hindi mo alam? You sure?" medyo may pagka-sarcastic niyang sabi. Umiling ako at bumuntong-hininga naman siya. "Nevermind." Nagpatuloy na ulit siya sa paglakad habang ako, nakahinto pa rin at nakatingin sa kaniya.Napaisip naman ako bigla. Naalala ko no'ng tinanong niya ako kung hindi ko raw ba itatanong kung bakit sila nag-break ng ex niya. Si Haze.Ah...baka she reminisced about her past with him kaya hindi siya nakatulog. Bigla akong naawa sa kaniya. Siguro mahal niya pa 'yon tapos nagkukunwari lang siya na hindi na. Sighed. Ano kaya'ng gagawin ko para medyo gumaan 'yong dalahin niya?Naglakad ako para habulin siya. "Okay lang 'yan...malalagpasan mo rin 'yan." Natigilan siya sa paglalakad at kasabay nang pagharap niya, ay ang paggaya ko sa kaniya no'ng tinanong niya ang pangalan ko. "RAAWWRR!"Kumurap-kurap ako nang ilang beses dahil walang epekto sa kaniya 'yong ginawa ko. Sa halip, parang nahiya pa siya sa mga taong nagdaan at nakakita sa 'min. "Punta na 'ko sa department, sunod ka na lang." Tumalikod na ulit siya at naglakad palayo.Ako naman ay sa registrar muna pumunta para ayusin ang pag-enroll ko. Hindi pa naman regular ang klase dahil mag-iisang linggo pa lang naman simula no'ng nagsimula ang pasok.***Pagdating ko sa department, umakyat ako sa second-floor para hanapin 'yong room na nakalagay sa forms na hawak ko. BSTM 2 Blk 1. Room 201.Madali ko lang nakita 'yong room dahil nasa bungad lang. Pagpasok ko sa loob marami ng mga estudyante at may kaniya-kaniyang mundo. At mostly mga babae. Kaunti lang ang lalaki sa room at 'yong ilan halatang malambot pa."Ivy!" boses ni Trida 'yong narinig ko. Nakita ko siyang nakaupo sa harap at may ilang kakwentuhan. Naglakad siya palapit sa 'kin. "Dito ka rin?" tanong niya habang suot pa rin ang sunglasses niya. Tumango naman ako at ngumiti nang bahagya. "Tara sa cafeteria, kain muna tayo habang wala si ma'am." Naglakad siya palabas kaya napilitan akong sumunod.Habang naglalakad kami, napansin ko na lahat nang nakakasalubong namin, ngumingiti sa kaniya. May iba naman na naghe-hello at hi sa kaniya. Para bang napakaraming nakakakilala sa kaniya dito sa school.TRIDA'S POVNamimili na ako ng pagkain sa mga naka-display sa mahabang salamin. "Gusto mo nito?" tanong ko kay Ivy sabay turo sa pagkain na napili ko. Tumango naman siya. Kumuha ako ng bottled juice sa ref na katabi namin. "How about this one?" Tango lang ulit ang isinagot niya sa 'kin. Wala ba siyang dila? Pagkatapos namin magbayad nagpunta na kami sa bakanteng mesa. Kakain na sana 'ko pero bigla akong na-curious kay Ivy so I studied her face. "Bakit Tourism ang kinuha mong course?"Nag-angat siya ng tingin sa 'kin at medyo matagal bago siya sumagot. "Gusto kong maging flight attendant at makapag-travel sa iba't-ibang bansa.""Nah, you're not qualified." Pinag-ekis ko pa ang dalawang kamay ko. "Flight attendant must have a good communication skills and interpersonal skills. Pero ikaw halos 'di ka nagsasalita. Parang takot kang makipag-usap. Tango ka lang nang tango!" Napailing ako habang nakatingin sa kaniya. And again, 'di pa rin siya kumibo. Nakatingin lang siya sa 'kin. Mukhang disappointed sa sinabi ko. "A flight attendant's primary job is keeping airline passengers and crew safe. They respond to any emergencies that occur on the aircraft and make sure everyone follows FAA regulations," I added. "Pa'no kapag naging flight attendant ka at isa ako sa passenger n'yo? Tapos biglang magca-crash na pala 'yong eroplano? Baka kapag tinanong kita kung katapusan ko na ba...baka tanguan mo lang ako!" singhal ko sa kaniya."Grabe ka naman! Hindi lang kasi ako sanay makipag-usap 'pag hindi ko pa gaanong kilala," dipensa niya. Nagpatuloy na ulit kaming kumain pero maya-maya, siya naman ang nagtanong sa 'kin. "Eh, ikaw? Bakit ka nag-Tourism?" she asked curiously."Wala, trip ko lang. Magaganda kasi at sexy 'yong mga flight attendant kaya feeling ko do'n ako nababagay. I also want to ride the pilo— I mean, airplane." I laughed a little. "At saka gusto ko rin ma-experience 'yong hihinto ang eroplano sa taas para magpa-gas!" I joked."Wala naman gasoline station do'n sa taas.""Mayro'n. May cr nga rin, e. Kaya kapag naiihi ka at occupied 'yong cr sa eroplano, sabihan mo lang 'yong piloto na ihinto ka sa gasoline station, iihi ka lang kamo."Her eyes turned sullen, and pity appeared in her eyes. "Hindi ko alam kung ano'ng dahilan nang paghihiwalay n'yo ni Haze pero...okay lang 'yan. Magiging okay ka rin soon. Pakatatag ka." 'Yong tono niya, para bang pinapalabas niyang may mental disorder ako.Pero sa halip na mainis, natawa pa 'ko sa kaniya. "Ayan! Gan'yan nga! Matuto kang sumagot!"Napailing na lang siya at nagsimula na ulit kaming kumain. "Matagal mo na ba silang kilala?" tanong niya nang mabaling ang tingin niya sa pwesto ni Matthew at Zee."Ah, sila ba? Hmm, well...si Zee best friend ko. Si Matthew naman nakilala ko lang dahil tropa siya ni Zee. Since last year dito na sila naka-dorm kaya kahit papa'no close ko na sila.""Anong year na sila?""Si Matthew at Zee, 3rd year college. Si Kayden at Haze naman, 4th year, graduating na. Lahat sila Businesses Administration ang course kaya sa kabilang department sila," paliwanag ko. Tumango naman siya habang ngumunguya. At pansin kong hindi niya inaalis ang tingin niya kay Matthew. "Bakit? May bet ka ba sa kanila?"Nasamid siya bigla sa tanong ko kaya naibuga niya sa 'kin ang nasa bibig niya. Na naging dahilan para matulala ako. Parang gusto ko tuloy siyang kaldabugin."Sorry..." agad siyang dumukwang para tanggalin ang ilang butil ng kanin na tumalsik sa mukha ko."Masyado yata akong naging mabait sa'yo Ivy kaya inaabuso mo 'ko." Dinampot ko 'yong tissue sa tabi ko at pinunasan ang mukha ko. Ewww.***Noong matapos ang klase ay agad akong nag-aya sa dorm. Alas dose ng tanghali na. Pang-umaga ang schedule namin kaya ang pasok namin ay magsisimula ng 7:00am to 12:00 noon. May ibang araw naman na may hanggang 9:00 am lang kami at may isang subject kami na pang 5:00pm-6:00pm, pero every friday lang."Matulog ka pag-uwi natin sa dorm," sabi ni Ivy nang makita niyang naghikab ako. Gagawin ko naman talaga 'yon kahit hindi niya sabihin. Magdamag akong hindi nakatulog dahil sa paghihilik niya at kung mamayang gabi hindi na naman ako makakatulog, baka bukas makalawa mamatay na lang ako bigla.Pagpasok namin sa kwarto, hinagis ko agad sa paanan ng kama 'yong bag ko 'tsaka ako nahiga. Feeling ko wala na 'kong lakas tumayo at kumain ng lunch dahil sa sobrang antok."Tulog muna 'ko. Gisingin mo 'ko bandang 6:00pm para makapagluto tayo ng dinner," I said and immediately closed my eyes without waiting for her answer.IVY'S POVHabang tulog si Trida, kinuha ko 'yong cell phone ko at sinubukan kong tingnan kung may social media account siya. Nakita ko 'yong apelyido niya kanina sa suot niyang ID no'ng nasa classroom kami kaya sinubukan kong i-search 'yong pangalan niya. At agad ko naman 'yon nakita.Trida Montana. Marami siyang followers sa social media at active rin siya sa pag-posting.Habang ini-stalk ko 'yong profile niya, may nakita akong family picture nila, pero 'yong date ay two years ago pa. Apat sila sa picture at sa tingin ko kapatid niya 'yong isang lalaki na mukhang mas matanda sa kaniya. Napansin ko rin sa mga pictures niyang naka-post na halatang anak mayaman siya. Kaya siguro maraming nakakakilala sa kaniya sa school.TRIDA'S POVNagising ako sa pagtapik ni Ivy sa 'kin. "Ano'ng oras na?" I asked. Halatang kaliligo niya dahil basa pa 'yong buhok niya."Six." I got up and made my way to the bathroom. I brushed my teeth and washed my face."Ano'ng gusto mong kainin?" tanong ko sa kaniya paglabas ko."Kung ano'ng mayro'n."Nagpunas ako ng mukha at nagsuklay. "Sa susunod na mag-grocery ako, mag-share na tayo sa budget since magkasama naman tayong kumakain.""Sige," tipid niyang sagot at saka na kami lumabas sa kwarto para bumaba sa kusina.Papalapit pa lang kami, nakarinig na kami ng ingay. Ingay nila Matthew, Haze, Zee at Kayden. Pagdating namin do'n naabutan namin silang nagbabato-bato-pick."Ano'ng ginagawa n'yo?" usisa ko sa kanila.Bumaling naman sa 'kin si Matthew. "'Yong talo, magluluto." Napailing ako sa sagot niya. Ang tatamad talaga!Binuksan ko na 'yong ref at naghanap na ako ng p'wedeng iluto. Maya-maya pa, nagsigawan sila dahil sa pagkatalo ni Kayden. Lumingon ako sa kanila at nakita kong nakangiti si Kayden pero halatang dissapointed sa pagkatalo niya."Sarapan mo, ah!" natatawang sabi ni Haze sa kaniya."Tawagin mo na lang kami 'pag kakain na," dagdag naman ni Zee 'tsaka na sila umalis sa kusina, habang si Kayden naiwan para magluto.***Kasalukuyan na kaming kumakain ni Ivy. Mukhang nagustuhan naman niya 'yong niluto kong corned beef na may patatas.Si Kayden naman, sinigang ang iniluto. Sobrang asim no'n at hindi namin bet ni Ivy kaya kahit inalok niya kami, hindi kami kumuha."Not bad for the first timer," plain na sabi ni Zee nang tikman niya ang niluto ni Kayden. Mahilig kasi si Zee sa maasim kaya siguro nagustuhan niya."Walang'ya, ang asim nang sabaw! Parang pinaghugasan ng kili-kili!" komento naman ni Matthew at sinabayan pa nang tawa. 'Yong sinigang kasi ni Kayden, kasing asim nang paksiw."Hmm, Trida?" tawag sa 'kin ni Ivy habang kumakain kami kaya binalingan ko siya. "Bakit ka nagdo-dorm? Malayo ba 'yong bahay niyo rito sa school?" Natigilan ako sa tanong niya.Binitawan ko 'yong kutsara't tinidor na hawak ko dahil bigla akong nawalan ng gana.I looked up at her, and she's waiting for my answer. I let out a deep sighed before answering. "Naglayas ako sa 'min."IVY'S POVNaunang umakyat si Trida sa kwarto. Ako naman ang naiwan para maghugas nang pinagkainan namin. Wala na rin sa kusina 'yong apat dahil umakyat na rin sila kanina. Pagkatapos kong maghugas, agad na rin akong sumunod sa taas.Pagpasok ko sa kwarto, naabutan ko si Trida, gumagawa ng assignment. "Patapos na ‘ko, kopyahin mo na lang ‘tong sa ‘kin,” sabi niya habang nilalabas ko 'yong notebook ko sa bag. Gagawa na rin kasi sana ako."Baka mahalata ni ma'am na nagkopyahan tayo ‘pag magkamukha ang sagot natin,” sagot ko naman sa kaniya. "Hindi ‘yan! At saka isa pa, kung gusto ni ma'am nang magkakaibang sagot…sana nagbigay siya nang magkakaibang tanong!” Napaisip naman ako ro'n. May point din siya tumango na lang ako. Pagkatapos niyang gawin ang assignment niya, ipinasa niya sa ‘kin yong notebook at kinopya ko naman ‘yon without reviewing her answers. Mukha naman siyang matalino kaya tiwala ako sa sagot niya.***Pareho na kaming nakapantulog ni Trida. Pero bago ako mahiga, bigla niy
TRIDAS POVIsang linggo na ang nakalipas simula noong dumating si Kierzyuwi Yanzon sa aming dormitoryo. Bagong lipat siya at sa eskwelahan din namin siya nag-aaral. Base sa narinig ko, kaklase siya ni Haze at Kayden dahil Business Administration ddin ang kurso niya. Nakikita ko na rin siyang kasa-kasama nila Haze kapag kumakain sila sa kusina. Medyo tahimik ito pero mukhang kasundo naman niya ‘yong apat na kolokoy. Sila Haze, Kayden, Matthew at Zee. “Trida, samahan mo nga ako sa cr, naiihi na ‘ko.” Napukaw ang atensyon ko nang tawagin ako ni Ivy. “Halika na, dali!” “Apurado ka naman! Taeng-tae ka ba?!” “Hindi. Ihing-ihi na ‘ko!” Tumayo ako sa upuan ko at sabay kaming lumabas sa classroom. Pumunta kami sa restroom na nasa floor lang din namin. Pagpasok ni Ivy sa cubicle, pumasok na rin ako sa kabila. Iihi ako kahit hindi ako naiihi. Wala lang, trip ko lang. Saktong pag-upo ko, may narinig akong pumasok sa loob ng cr at kasabay no’n ang pagsara ng pintuan. Hindi pintuan ng cubicle, k
Third Person's POVNasa sala na ang lahat, sa dorm. Si Kierzyuwi, Haze, Kayden, Matthew, Zee, Trida, Ivy at ang tatlo pang nursing students na sina Michaela, Shane at Mikee. Kakilala ito ni Trida kaya inaya niyang sumali para kahit papaano ay maragdagan sila.Letter C shape ang style ng sofa sa sala kaya naman nagdagdag si Kayden at Haze ng monoblock para maging paikot ang ayos nila at maging magkaharap-harap.Magkakatabi ang mga babae at magkakatabi naman ang mga lalake. Para maging patas ang laro, nag-volunteer ang caretaker nilang si Mildred para magsilbing moderator o host nila.Nang maisulat na ni Mildred ang mga roles sa maliliit na papel ay ibinilot na niya iyon at inilagay sa isang food container at saka paikot na pinabunot ang bawat isa."Tingnan n'yo na ang mga roles niyo. Ingatan n'yong huwag masilip ng mga katabi niyo," paalala nito sa kanila. Isa-isa naman nilang binuklat ang kanya-kaniyang papel na hawak at pagkatapos ay nilukot nila iyon at itinago sa kanilang mga bulsa
Third Person's POVNapabaling si Ivy sa katabing si Trida dahil sa sinabi ni Keirzyuwi. "Mafia ka?" Tila gusto na rin niyang magduda rito."Hindi ako mafia! Si Kierz ang nararamdaman ko na may tinatago!" singhal ni Trida.“Hindi. Malakas ang pakiramdam ko na si Zee ang mafia o kaya si Kierzyuwi," natatawang sabi ni Haze habang nililipat ang tingin sa dalawa."Hindi ako mafia, dahil kung mafia ako malamang kanina ka pa patay!" ganti ni Zee sa kaniya."Time's up!” Itinaas na ni Mildred ang kamay sa ere. “Ituro niyo na ang taong pinaghihinalaan n’yong mafia." Agad naman silang sumunod. Matthew, Haze, Ivy and Kierz pointed to Zee. And Trida pointed to Kierzyuwi. "Zee, mayro’n kang isang minuto para dipensahan ang sarili mo,” baling sa kaniya ni Mildred.Umayos naman siya sa pagkaka-upo bago magsalita. "Listen, everybody. Wala pa tayong napapatay na mafia. Puro inosente ang namamatay. If you choose to kill me now, mas mahihirapan kayong malaman kung sino ang mafia without me, dahil pulis a
TRIDA'S POV "Kapag pinatay n'yo ako, magsisisi kayo!" Haze exclaimed. Medyo naguguluhan na 'ko sa nangyayari. Nakakabobo talaga ang laro na 'to. Nakakaitim pa ng budhi dahil mapipilitan kang magsinungaling. I mean, sila pala. Hindi naman kasi ako nagsisinungaling dahil citizen talaga ako."Sa tingin ko hindi si Haze ang mafia," komento ko na naging dahilan para tingnan nila akong lahat na para bang may krimen akong ginawa. Hayan na naman sila!"So, the mafia is trying to defend the other mafia!" Kierz said grinning at me. Pero hindi naman 'yon ang dahilan. Feeling ko lang talaga na hindi si Haze, dahil kung siya ang mafia, baka kanina pa rin niya ako pinatay."Iyon din ang hinala ko. Trida is a mafia and so Haze," dagdag ni kurimaw na Matthew."Hindi ako—""Trida tumingin ka sa 'kin," Ivy cut me off so I turned to her. "Mafia ka ba?" she asked seriously. Walang'ya! "Wow, Ivy!" Natawa ako nang mapait dahil sa tanong niya. Para bang pinagdududahan n'ya ako dahil sa sinabi ni Matthew.
TRIDA's POVAt ang walang hiyang Ivy, tiningnan ako nang may pagdududa. "Sabihin mo sa 'kin na hindi ka mafia."Sasagot pa lang sana ako nang biglang magsalita si Haze. "Time to choose the mafia. Remember, dalawa ang inosente sa inyo. If you know who the innocent, then tang*na, try to keep them alive!" Humalakhak pa siya.Lumingon naman si Ivy sa 'kin. "Trida, this is the last game. Patayin na natin si Kierzyuwi. Kapag hindi pa natin s'ya pinatay at may pinatay s'yang isa sa 'tin—game over na!" Bakas sa mukha niya ang pag-aalala."If you kill me, you'll be done!" seryoso at tahimik na sabi ni Kierzyuwi kaya tiningnan ko siya. Nakatitig siya sa 'kin at nakangisi."Kanina ka pa n'ya pinapatay, 'di ba?" Hinawakan ulit ni Ivy ang braso ko para iharap ako sa kaniya. "Nakailang turo at boto na siya sa'yo. Kanina ko pa s'ya napapansin.""Pero binoto mo rin ako kanina, 'di ba?" Tinaasan ko siya ng kilay noong naalala ko na minsan niya rin akong binoto para ma-out."Dahil natakot ako na baka i
TRIDA'S POV “Ano? Hindi ba kayo matatapos d'yan?” natatawang sabi ni Haze sa 'min. Nagpipigil siya ng tawa dahil nanggigilid na ang luha ni Ivy.“Okay. Kill me now. It doesn't matter to me anymore!" Pabagsak na isinandal ni Yuwi ang likod niya sa upuan. Seryoso? Bigla akong napaisip at pinagmasdan si Ivy.“Pa'no kung nagsasabi ng totoo si Yuwi at inosente pala talaga s'ya?” tanong ko sa kaniya. At hindi pa man siya sumasagot, nabuwisit na agad ako. “Wow! Kapag inosente siya, ibig sabihin ikaw ang mafia at pinapaikot mo lang kami?” Lalong nalukot ang mukha ni Ivy na akala mo inapi ko siya.“Sumasakit na 'yong ulo ko sa totoo lang!" inis niyang ganti sa 'kin. "Sige na, ako na lang ang patayin n'yo para malaman natin kung sino talaga ang mafia sa inyong dalawa!” Sumandal siya sa sofa, tila nawalan ng ganang maglaro. “Pero 'pag pinatay n'yo ako at halimbawa man na si Kierzyuwi ang mafia sa inyong dalawa...ikaw mag-isa ang mag-grocery. Hindi kita sasamahan!” she warned.Agad namang ngumis
IVY'S POVNang dumilat si Trida ay agad niyang iginala ang paningin sa kwarto. Mukhang nagtataka pa siya kung bakit narito na kami sa dorm matapos siyang mawalan ng malay.“Buti gising ka na...” Inalalayan ko siyang makabangon.“Paano ako nakauwi?” taka niyang tanong nang bumaling siya sa 'kin. “At saka 'yong...'yong d-dalawang babae na...” Bumakas muli sa mukha niya ang takot. “Totoo ba 'yong nakita natin kanina?” seryoso niyang tanong. "Oo." Napatango pa ako nang bahagya.“Kung gano'n, paano ako nakauwi?” tanong niya ulit sa 'kin.“Binuhat ka ni Yuwi." Nagsalubong ang kilay dahil sa sinabi ko.Noong nakita kasi namin ang dalawang babaeng duguan na nakahandusay sa kalsada ay agad akong napasigaw at kasabay naman noon ay nawalan siya ng malay. Hindi ko alam kung ano'ng gagawin ko sa kaniya noong mga oras na 'yon. Gusto kong tumakbo palayo dahil natakot ako na baka mapagbintangan kami, lalo pa at walang masyadong bahayan sa lugar na 'yon at wala rin masyadong nagdaraan na mga tao o sa
TRIDA MONTANAMaaga kaming pumasok ni Ivy sa school dahil ipinatawag kami sa dean's office. Nabalita kasi sa department namin ang nangyaring pag-aresto at pagkakulong namin kaya kinausap kami ni Dean.Ngunit ang inaasahan ko ay iinterbyuhin niya kami regarding that matter, like kung totoo bang kami ang pumatay. Pero hindi pala."Nagpunta rito ang secretary ng daddy mo, Trida. All the misunderstanding has been cleared. So, focus on your study." Ngumiti si Dean bago ituloy ang sasabihin. "Kapag may narinig kayo o nagtanong sa inyo about sa nangyari, report to me right away. Their names, block, and course if they are from different department. Okay?""Okay po." Ngumiti lamang din ako nang bahagya sa kaniya at ganoon din si Ivy bago kami tuluyang nagpaalam."Buti naman kung gano'n. Alam mo bang kung anu-ano'ng pinagsasabi sa 'kin ng mga classmates natin noong pumasok ako?" sumbong ni Ivy sa akin paglabas namin ng Dean's Office."Nagmagaling ka kasing pumasok, eh. Hayun tuloy ang napala mo
TRIDA MONTANAAlas-onse ng gabi nang makarating kami ni Zee sa dorm. Siya ang nag-ayang umuwi sa ‘kin matapos namin matanaw sa lounge si Ivy at Matthew na magkalapit ang mukha at parang magki-kiss. Landi ni acckla!Nakiusap pa naman ako kay Zee na aantabayanan ko itong makalabas kaya naghintay kami sa labas ng building. Pero mag-iisang oras na ay hindi pa rin siya sumusulpot kaya kinulit ko pa si Zee na samahan ako pabalik sa loob dahil baka utak na niya ang pinasabog sa loob kanina.Pero hayun nga. Pagpasok namin, natanaw namin sila ni Matthew. Ang lalandi talaga."Matulog ka na para hindi ka mapuyat. May pasok pa bukas,” paalala ni Zee pagtungtong namin sa third floor.Huminto rin ako at nilingon siya. “Salamat kanina.”Dahil kasi sa nangyaring pagputok ng baril at pagkawala ng ilaw, agad naglabasan ang mga tao sa club. Nataranta rin ako noong oras na ‘yon dahil may mga nagsisigawan at halos lahat nagpa-panic. Buti na lamang ay agad niya akong natunton at iginiya palabas. Kung hindi
IVY PIÑAFLORIDABANG!Kumabog ang dibdib ko dulot ng narinig kong putok ng baril mula sa loob ng VIP room kung saan ako nanggaling.Sa sobrang nerbyos ko, hindi ko na tinangka pang katukin muli ang pinto. Napaatras ako kasunod ang mabilis kong paghakbang palayo roon kahit na halos magkandarapa ako dahil sa dilim ng paligid.Binuksan ko ang clutch bag ko at kinapa sa loob ang phone ko. Nang makuha ko 'yon, binuksan ko agad ang flashlight at mas binilisan ko na ang paghakbang palayo.Halos patakbo ang ginawa ko kaya nang pababa na ako sa hagdan, nagkamali ako ng tapak sa baitang kaya, dahilan para bumagsak ako at gumulong pababa."Aaww~" Hinilot ko ang tuhod kong naunang tumama sa matigas na semento. Sobrang sakit.Bumaling ako sa cell phone ko na isang dipa ang layo sa akin dahil nabitawan ko 'yon. Nakailaw pa rin ang flashlight pero nakabaligtad 'yon at sa sahig nakatama ang liwanag kaya wala akong masyadong maaninag sa paligid.Sinubukan kong tumayo kahit na ramdam ko na parang naipi
IVY PIÑAFLORIDANakatayo ako sa harap ng full length mirror sa kwarto ko habang hawak ang baril. Nakatitig ako ro'n. Nakasuot naman sa hita ko ang leg gun holster.Hindi kasi p'wede na sa clutch bag ko lang 'to ilagay dahil makikita 'yon bago kami pumasok sa club kapag nag-check ang security.Ayoko naman sana talaga magdala ng baril. Kaso naisip ko, paano kung may mangyari sa 'kin? Paano kung may gawin na masama si Supremo 'pag nagkaharap na kami? Lalo na at pinapupunta niya akong mag-isa. Kailangan ko ng pang-self defense kung sakali. Mahirap na.Sinuksok ko na ang baril sa leg gun holster na nasa hita ko at saka ko na sinuot ang spaghetti strap kong dress ko na kulay black. Pinagmasdan ko ang repleksyon ko sa salamin. Perfect! Hindi rin halata na may dala akong de@dly weapon.Dinampot ko na ang clutch bag ko pati na rin ang cell phone kong nasa kama. Paglabas ko sa kwarto, nakaabang agad sa akin si mommy."Anak, sigurado ka bang hindi mo kailangan ng kasama?" Bakas sa mukha niya ang
TRIDA MONTANA"What kind of outfit you think will suit me?" tanong ko habang patuloy sa pag-iikot sa loob ng isang clothing shop. Si Zee naman ay nakabuntot sa akin."Kahit ano. But I hope it will be something simple." Nakikihawi-hawi na rin siya sa mga naka-hanger na damit para maghanap ng para sa kaniya."Anong something simple? Usually di ba eye-catching outfit ang mga sinusuot ng mga nagpupunta sa club?" litanya ko."No, that's not true." Lumipat siya sa section ng mga pangbabae at doon namili. Mukhang tutulungan na niya ako.Nakakita naman ako ng black fitted skirt na leather at kinuha ko 'yon para ipakita sa kaniya. "Bagay ba sa 'kin 'to?" Ipinantay ko pa sa baywang ko para makita kung hanggang saan ko 'yon."No. Not that." Pinag-ekis niya ang kamay niya. "Ito na lang, oh." Sabay abot niya sa akin ng hawak niyang cotton long sleeves na kulay beige. "When I said simple, this is what I've been thinking about." Bahagya pa siyang ngumiti.Kinuha ko 'yon at saka ako ngumuso. "Club 'y
TRIDA MONTANAPababa ako sa hagdan nang masalubong ko 'yung tatlo. Si Kayden, Matthew at Zee. Nakasuot sila ng school uniform at halatang kauuwi lamang."Andito ka na? Ano'ng nangyari?" Si Kayden ang unang nagtanong."Bakit mas naunang nakalaya si Ivy?" Si Matthew."Hindi ba binanggit sa inyo ni Haze?" tanong ko naman sa kanila. Mukhang hindi pa nila alam ang tungkol kay Migz."Ang alin?" Nagtataka akong tiningnan ni Zee."Na nahuli na 'yung totoong pumatay kay Racquel kaya ako nakalaya," I stated. Nagtinginan saglit si Zee at Matthew bago ibalik ang tingin nila sa akin."Talaga? Mabuti kung gano’n! Edi makakapasok na ulit kayo ni Ivy?" nakangiting sabi ni Zee."Oo. Pero pagbalik na lang ni Ivy. Nahihiya akong pumasok mag-isa pagkatapos ng nangyari." Bahagya pa akong napabuntong-hininga."Bakit ka mahihiya? Wala na kayong dapat ipag-alala. Ngayon pa bang nahuli na 'yung totoong killer?" sabi naman ni Matthew sabay baling kay Zee. "Di ba, Zee?" Dinunggol niya pa ito nang bahagya sa bra
TRIDA MONTANANakauwi na kami ni Haze sa dorm at naipaliwanag na rin niya kina Ate Mildred ang nangyari pati ang text message na kaniyang na-recieved mula sa totoong killer na si Migz, ex-boyfriend ni Racquel.Kaya lang...nakatulala ako sa kwarto namin ni Ivy. Ina-analyze kong mabuti sa isip ko ang nangyari.Inamin ni Migz sa text message na siya ang pumatay kay Racquel pagkatapos ay inilagay daw niya ang kutsilyong ginamit niya sa kwarto namin ni Ivy. After that, agad siyang tumakas sa dorm.Pero sa pagkakatanda ko, bago kami umakyat sa rooftop noong gabing ‘yon, wala ng mga estudyante sa dorm. Dahil usually ay weekend umuuwi ang mga estudyante. May iba nga na friday pa lang ng hapon ay umuuwi na sa kani-kanilang bayan pagkatapos ng klase. So, paano nangyari na siya ang pumatay kay Racquel?Pabagsak akong humiga sa kama at bumuntong-hininga habang nakatitig sa kisame. Bakit gano’n? Bakit hindi pa rin ako mapanatag? Feeling ko may mali sa nangyari pero hindi ko ma-sure kung paano o an
TRIDA MONTANA"Kumain ka na miss, oh. Kahapon mo pa hindi ginagalaw lahat ng pagkain na binibigay namin sa’yo," sermon sa ‘kin ng isang pulis. May inaabot siya sa akin na McDo na nasa take-out bag pero hindi ko ‘yon kinuha."Ayoko n’yan. Gusto ko BTS meal." Sabay irap dito."Mamayang tanghali na lang ‘yon. Kainin mo muna ‘to," pamimilit niya sa akin habang nasa loob pa rin ako ng selda at nakaupo malapit sa pintuan."Hindi ako kakain hangga’t hindi ako nakakalabas dito!""Magugutom ka kapag hindi ka kumain.”"Wala akong pakialam," ganti ko sa kaniya. "Napaka-unfair n’yo!" Tumayo ako bigla at hinarap ang pulis na ‘yon. "Pa’nong nangyari na nakalaya si Ivy tapos ako napag-abutan na ng magdamag dito?!" Naghy-hysterical na naman ako habang niyugyog ang bakal na pintuan ng selda. "Bulok ‘yung sistema n’yo! Hindi kayo patas!" Sunud-sunod ang paghahabol ko ng hininga dahil sa galit. "Remember this, I'll sue each and everyone here if you've broken any rules while investigating! You arrested an
IVY PIÑAFLORIDA Hindi ko pa nga masyadong naa-absorbed mabuti ang sinabi sa akin ni Precious about kay Trida, ngayon naman dumagdag pa sa problema ko si Zee.Napapikit ako at nanatiling nakayuko kahit namamanhid na ang mga binti ko. Tahimik lang ako at hinintay kong makaalis si Matthew. At nang sa wakas, after a century of waiting ay narinig ko na ang paghakbang niya palayo. Halos hindi na ako makatayo sa sobrang ngawit ng mga binti ko.Dahan-dahan akong umalis sa rooftop at bumaba sa hagdan nang matantya kong tuluyan na siyang nakababa. Sinikap kong hindi makagawa ng kahit kaunting kaluskos.Tahimik akong nakabalik sa kwarto at naabutan kong nakailaw ang phone ko. Chineck ko ‘yon. May nag-text sa akin na unregistered number pero alam ko na agad kung sino. Si Atty. Morris.Sinend niya sa akin ang lugar at kung anong oras kami magkikita ni Supremo bukas.☆゚.*・。゚Kinabukasan. Lunes. Maaga akong gumising at gumayak, pero hindi ako sigurado kung tutuloy ba ako sa school knowing na nasa k