Siting’s POVNakaupo ako sa recliner chair habang nakatukod ang magkabilang siko ko sa gilid ng study table, hawak ang magkabilang gilid ng aking ulo. I was reviewing my notes for my upcoming board exam isang buwan mula ngayon. Pilit inaabsorb ng utak ko ang binabasa. Kailangan kong aralin mabuti para maipasa ko kaagad ang exam.“Blood component given to patients with aplastic anemia is PRBC from WB. PRBC means Pack Red Blood Cells-” natigil ako sa pagrereview ng maramdaman ko ang magaan niyang mga daliri sa magkabilang sintido ko. Unti-unti akong napaayos ng upo at dahan-dahang napasandal ang likod ko sa sandalan ng recliner chair habang dinadama ang magaan niyang masahe.“You’re studying too much, baby. Take a break, pause for a while, relax,” mahinang usal niya. Naipikit ko ang mga mata ko.“I have to, alam mo naman malapit na ang board exam. Kailangan kong mag-aral mabuti baka ‘di ako pumasa,” tugon ko.“You’re good, you’re smart, you study so hard, you’re gonna pass probably, b
Chapter 48Doring’s POVKatatapos ko lang maghugas ng pinggan. Binilisan ko talaga ang paghugas dahil nananabik na akong masilip ang mga mensahe sa panay na pagva-vibrate ng cellphone kong bigay sa akin ni Sir Nalusuan. “Nay, tay, tapos na po akong maghugas. ‘Di na muna ako sa papag sa labas magpapahangin,” paalam ko sa mga magulang.“Sige, basta ‘di ka na pwedeng lumayo, anak at gabi na. Alam mo naman maraming gumagalang masasamang tao sa dis oras ng gabi,” paalala ni Nanay.“Opo, Nay!” Pagkasabi ko’y agad akong lumabas. Tinungo ko ang ginawang papag ni Tatay sa ilalim ng punong nangka, tatlong metro ang layo mula sa bahay namin. Nang marating ay agad akon4g umupo. Tinanggal ko ang suot kong tsinelas at inangat ang mga paa sa papag, nagsquat ako. Sasandal sana ako buti naalala ko na giniba na pala ni Tatay ang sandalan nito dahil inanay. . Kinuha ko ang cellphone mula sa bulsa ko upang tingnan ang mga mensahe ni Sir Nalusuan. Hindi ko mapigilang manabik, mangiti at kiligin sa isipin
Doring’s POV“Si Ser ba, murag taaalaaa!” Muli ay naibulalas ko. “Gusto kita, Doring,” naluha ako nang naisubo ko ang buong kamao ko sa loob ng bibig ko, nabilaukan ako, nalimutan kong kamao yung naisubo ko. Napaubo pa ako. “Okay ka lang, Doring?” Tanong ni Ser sa akin.“Ha? Ah, oo, nagulat lang ako sa sinabi mo, Ser,” saad ko. “Bakit naman?” Tanong niya muli tapos naisip ko baka gusto niya ako bilang estudyante niya hindi bilang babae. Shuta! Ang feeler ko naman!“Kasi Ser lagi niyo akong sinusungitan, paano ko mapapaniwalaan na gusto niyo ako bilang estudyante mo?” Tanong ko.“I have to… I need to, Doring nang sa ganun ay maalala kong guro mo ako at estudyante kita pero the more na pinipigilan ko ang nararamdaman ko para sa iyo ay mas lalo lamang akong nahuhulog sa iyo…” Natigil ako. Tila nahinto ang pag-ikot ng aking mundo. Totoo ba ‘tong naririnig ko? Kung sakaling panaginip pwede ba akong mananatili rito habang buhay? “Doring? Are you still there?” Untag nito sa akin ng ilang m
Chapter 50Doring’s POV“Aaack! Kenekeleg pa rin ako hanggang ngayon sa inyo Doring!” Tili ni Siting.“Anong feeling mayakap ang kras uy!” Kiniikilig na tanong naman ni Aning sa akin.“Oo nga! Yawa! Aaack!” Tili rin ni Meling!“Para kang dinuduyan iyan sa hangin, dama ko yan ng halikan ako ni Daomingsi!” Kinikilig ring saad ni Ajing.“Okay lang,” saad ko sabay ipit ng buhok ko sa likod ng aking tenga. Pabebe ba pero ang mga hinayupak kong kaibigan kinuyog ako. Si Siting Sinabunutan ako, si Aning niyugyog ang kanang balikat ko habang sa kaliwang balikat ay si Ajing habang si Meling sa leeg ko. Shutang mga kaibigan ‘to! Papatayin pa ako! “Ano ba! Maghunus dili!” Nabitiwan nila ako ng iwaksi ko ang kanilang mga kamay. “Ano ba! Ako lang ‘to! Aray! Yawa!” Muli ay impit ko ng muli nila akong kinuyog.“I’m so happy for you!” Saad ni Meling.“Sana all!” Saad ni Ajing.“How to be por you!” Saad ni Aning. “Anong how to be por you?” “E, ano ba dapat?”“How to be you!” Pagko-korek ni Siting.“E
Doring’s POVNakailang message at misscalls si Sir nang gabing iyon ngunit wala ako sa mood na makipagtext o makipag-usap sa kanya. Panay ang pagvibrate ng phone ko ngunit ‘di ko iyon pinapansin hanggang sa nakatulugan ko na ngunit nagising pa rin ako dahil sa pagvibrate pa rin ng phone ko. Kinusot ko ang mga mata. Kinuha ko ang cp at tinignan kung anong oras na. Sir E calling…Panay pa rin ang tawag niya. Nanlaki ang mga mata ko ng makitang alas dose na ng gabi. Hindi ba siya natutulog? Tanong ko sa ‘king sarili. Bumangon ako. Tulog na lahat ng mga tao sa loob ng bahay. Ayokong sagutin sa kwarto ko ang tawag dahil baka marinig ng mga magulang ko sa kabilang kwarto ang bose ko. Kay nipis pa naman ng pagitan ng kwarto ko sa kanila. Pumunta ako sa tambayan sa bakuran ng bahay namin. Medyo madilim sa parteng iyon at ang ilaw mula sa buwan lamang ang tanging nagbibigay ng liwanag. Ako na lang yata ang gising sa mga oras na iyon. “Hello, Sir?”“Finally,” saad niya sa kabilang linya.“Ba
Doring’s POV “Pwede ka bang lumabas?” Nakahiga na ‘ko sa kama ko ng mabasa ko ang mensahe ni Sir. “Bakit po, Sir?” “Nandito ako malapit sa inyo.” Napabalikwas ako ng bangon ng mabasa ang reply niya. “Bakit po, Sir? Ano pong ginagawa niyo malapit sa ‘min?” “Can we talk?” Kinakabahan ako ngunit may halong pananabik, pananabik na makausap siya na kami lang dalawa, pananabik na makita siya at makasama. “Ano pong pag-uusapan natin?” “About us.” Gi-atay! Kinikilig ako. May kami pala? “May ‘US’ pala, Sir?” “Please, Dorina… I really want to see you.” Pisti na! Parang ginitara ‘yong tinggil ko sa kilig. Gustong-gusto ko rin siyang makita, excited din akong marinig kong ano man ang sasabihin niya tungkol sa aming dalawa. Kinakabahan ako na, ewan. Ang problema ko lang ay kung ano ang sasabihin kong rason para makalabas ng bahay pero sana ay tulog na sina nanay at tatay para ‘di ko na kailangan pang magsinungaling. “Sa’n ka ba, Sir?” “Dito sa malaking puno ng mahogany nakapar
Maria Sittienor Crisostomo’s POV“Siiiiitiiiiing!” heto na naman si Marilyn. Tinatawag na naman pangalan ko. “Ilang seconds yun?” tawang-tawang tanong ni Meling sa akin kung ilang segundo ang haba ng pagtawag ni Marilyn sa pangalan ko.Narito kaming magkakaibigan sa tambayan namin sa burol. Nilalantakan ang manggang ninakaw namin mula sa nadaanang puno isang kilometro ang layo mula sa eskwelahan.“Sex seconds!” pabirong sagot ko. Tawang-tawa ang buong tropa, sa lakas ng tawa naghampasan na.“Siiiiitiiiiing!” muli ay sigaw ni Marilyn sa pangalan ko.“Yun? Ilang seconds yun?” tanong naman ni Doring.“Sexty-nine seconds!” muling pabirong sagot ko. Tawang-tawa muli ang tropa. Umiilag na ako dahil si Aning kung makahampas daig pang may hawak na maso. Makakakita ka talaga ng bituin kapag nahampas ka sa mahiwagang palad nito.“Tanginang palad naman yan Aning!” reklamo ni Ajing. “Ang sakit, pisti! Pakiramdam ko na dislokit yung bowns ko sa arms,” natigil kami sa tawanan at napatingin kay Ajin
Dorina Crisanta Dacobisong’s POVNakangiting tumakbo ako sa gitna ng mga magagandang bulaklak. Nakasunod ang mga paru-paru sa akin. Suot ko ay magarang bestida na ang haba’y hanggang tuhod na ni sa panaginip ay ‘di ko maisip na makakapagsuot ako ng ganitong kagandang bestida. Napapalingon ako sa aking likuran. Mas lalong lumapad ang ngiti sa mga labi ko ng makitang papalapit na siya, hinahabol ako. Ang lalaking sobrang hinahangaan ko dahil sa taglay nitong kakisigan at kagwapuhan. Ang lalaking akala ko’y hanggang pangarap ko na lamang makakamit at hanggang panaginip na lamang na maging akin. “Andyan na ko Doring,” kinilig ako ng marinig ang sinabi niya. Tila ako lumulutang sa ulap habang tumatakbo palayo sa kanya. Napahinto ako ng mahapit niya ako sa baywang. Agad kong naramdaman ang matigas niyang dibdib sa aking likod. Tuwang-tuwa akong nahuli niya at tila nag-slow mo ang paligid ko ng i-angat niya ako at iikot. Nagpaikot-ikot kami sa gitna ng mga magagandang bulaklak. Nang mapah