ViaNasa labas ako ngayon ng presinto para ibigay sana ang ebidensyang nakuha ko at iopen ulit ang kaso sa nangyari kina mama at papa, kaso parang may pumipigil sa akin.Hahakbang na sana akong aakyat papunta sa loob ng may tumawag sa akin. Nilingon ko iyon. Isang matandang lalaki. Nakasuit at may malaking sling bag na parang lagayan ng loptop. Naka eyeglass at ilang puting buhok na rin. Medyo magulo rin ito na para bang aakalain mong kagigising lang niya."Miss Morales, am I right?" tanong niya. Tumango ako."Ako nga po. Bakit niyo po ako kilala?" takang tanong ko."Because you are supposed to be my client. I'm attorney Joe Agustin. A lawyer. May 15 na kasong naipanalo at dalawa palang ang talo dahil tumagilid ang kliyente ko. Interisado rin ako sa kaso ng mama at papa mo. Gusto mo bang tulungan kita?" kumunot ang noo ko."Po?""Napanood ko kasi ang nangyari sa mama at papa mo sa news. Nakausap ko rin ang tita mo at willing din sana siyang kunin ako para sa kaso ng magulang mo pero ka
ViaKagabihan din ng araw na iyon ay tinext ko na si Attorney Joe na hindi ko na itutuloy ang kaso. Nagtaka at marami siyang tanong sa una pero naintindihan niya din ako sa dulo. Isa pa ay wala rin akong sapat na pera para pambayad sakanya. Ayaw ko rin iopen kay tita at baka magalit siya sa akin sa pagbigla biglang desisyon ko.Unang pumasok sa isip ko ay ang makatapos sa pag-aaral. Kailangan kong makapasok sa kumpanya nila. Wala ng ibang paraan kundi iyon lamang. Hindi naman ako pwedeng magsigaw sigaw sa harapan nila o kaya naman ay pumasok bilang katulong para makakalap lang ng impormasyon. Kailangan kong makapagtapos para hindi nila ako maliitin kung sakaling makilala at makaharap ko sila.Habang nag-aaral ako ay sinubukan kong maghanap din ng trabaho. Para makatulong at hindi maging pabigat din kina tita sa bahay. Lumaki akong binigay lahat sa akin kaya kailangan kong habaan ang pasensiya ko dito. Kailangan kong kumayod para sa sarili. Wala na akong ibang aasahan pa. May anak rin s
ViaAfter I read the note, I went out to find him. Hindi ko na siya makita. Tinuloy ko parin ang paglalakad para hanapin at bahala na kung saan ko ako dadalhin ng mga paa ko mahanap ko lang siya.Nagbabadya narin ang kalangitan na para bang uulan ng kahit na anong oras. Sa paglilibot ng mata ko at hanap sakanya, napansin ko ang isang lalaking naglalakad na kaparehas ng suot kanina ni Kian.Tinakbo ko itong nilapitan at hinawakan ang kamay na agad naman nitong kinalingon. Napaatras at bitaw ako ng maling tao pala ang nilapitan ko. Nilibot kong muli ang paligid. Naiiyak na ako.Yung tipong sobrang excited mong makita siya at mayakap din. Tinuloy kong muli ang paglalakad hanggang sa makita ko siya sa isang bus stop. Alam kong siya na ito. Kilala ko ang likod at side nito kahit hindi kita ang mukha. Nakatalikod at nakapamulsa sa bulsa ng jacket nita. Nakacap.Naglakad akong lumapit sakanya. May parte sa akin na naiiyak ako sa tuwa."Kian." mahinang tawag ko at alam kong sapat iyon para mar
Via"Kian." tawag ko habang nakatalikod at hinuhugasan ang mga gulay na pinamili namin kanina na kakainin namin ngayon.Gusto kong magtanong. Gusto kong may alam din sa nangyayari sakanya pero parang iniiwasan niyang sagutin ang mga iyon."Gutom ka na?" tanong niya habang ginagawa niya parin ang pagpiprepare sa mga iluluto."Ikaw ba ang hinahanap ng mga taong nasa sasakyan kanina? May ginawa ka bang mali kaya ka hinahanap?" Out of my curiosity ay natanong ko na ang mga gusto kong malaman.Natigil ito sa ginagawa pero maya maya ay pinagpatuloy niya ulit."Naniningil lang sila ng utang. But don't worry" tumingin ito sa akin. "may pangbabayad na ako. Kukunin ko palang bukas." he assured. "Paano kayo nagkautang? Ano ba nangyari noong umalis ka? Walang kang proper explanation noon. Walang akong alam Kian kung ano ang nangyari at nangyayari sayo noon." may saad kong pagrereklamo.Tumigil muli ito pero hindi siya nagsalita. I was desperate to know the reason behind why he leave that day. Nag
Elthon"Pass muna ako. Tatapusin ko pa yung ibang reports. Sa susunod nalang." Tanggi ko sa mga barkada kong nagyaya sa akin na pumunta sa bar."Ayaw mo bang makita si Via? Paniguradong nasa bar na siya ngayon." natawa nalang ako sa pang-aasar nila sa akin."Saka na, tsaka makakaistorbo lang ako kay Via doon. Kailangan ko rin makiramdam minsan."Okay naman na kami eh. Nagtext na siya kahapon. Hindi ko man inaasahan na masigawan niya ako pero naintindihan ko naman. Siguro kailangan ko lang dumistansya konti."Drama mo pre. Sama ka na kasi." pagpupumilit nila."Next time. Promise." sagot ko. "Mauna na ako." paalam ko.Nagreklamo pa ang mga ito pero tinawanan ko lang sila.Nang makarating ako sa bahay ay agad akong pumasok sa kwarto at nagshower. Pagkabihis ko ay kumuha ako ng cup noodles at nilagyan ng mainit na tubig. Habang inaantay na lumambot ay nagbabasa muna ako ng isa sa mga librong ginagamit namin.Hindi ko first choice ang pagkuha ng law. Architecture ang gusto ko talaga pero da
ViaHalos mapahawak sa ulo ko ng maramdaman ko ang pagkahilo ko at kaunting pagkirot nito ng maanigan ko liwanag na tumatama sa akin.Tumagilid ako ng higa pero agad akong nagulat ng bigla akong mahulog mula sa kama na noo ko pa ang unang tumama sa sahig na kinadaing ko.Narinig ako sa labas na agad na kinaalerto nilang pumasok sa kwarto ko at nadatnan nila akong nakadapa."Anong ginagawa mo?" tanong sa akin ni Mayne nang lapitan ako at tinulungang bumangon.Ang bigat ng ulo ko. Napahawak pa ako sa noo ko ng maramdaman ang sakit nang pagkauntog nito.Agad akong napatayo ng bumaliktad ang sikmura ko at tumakbo sa CR para magsuka. Halos ilabas ko lahat ng laman ng tiyan ko at nang wala na akong mailabas ay naghilamos at nagmumog.Halos mapakapit pa ako sa gilid ng lababo ng makaramdam ako ng hilo at kirot ng ulo ko. Napahawak ako dito."Okay ka na?" tanong ni tita sa likod ko."Anong nangyari?" tanong kong hinang hina at halos hindi ko maalala kung ano ang nangyari kagabi."Wala kang maa
KianHalos mapadaing ako sa mga suntok at sipa na binibigay sa akin. Lumabas ang pulang likido sa bunganga ko habang nakahiga ako. Nanghihina at wala akong lakas. Hiniwalayan na ako ni Via kaya wala na akong rason para mabuhay pa. Siya nalang ang natitirang pag-asa at rason ko kung bakit patuloy akong lumalaban ngayon. Kung bakit nandito pa ako."Napatay mo ata pre." Narinig kong sambit ng isang lalaki na isa sa mga nagpahirap din sa akin ngayon."Hindi naman malakas yung pagkakapalo ko." kinakabahang sagot ng kausap."Putek. Malalagot tayo dito. Icheck mo." utos ng isa."Ikaw na. Baka bawian ako eh." takot ng kausap."Kahit kailan ka oh. Iwanan nalang natin. Mukhang humihinga pa naman." Saad ng isa at narinig ko silang naglakad palabas hanggang sa narinig ko ang pintong sinara.Minulat ko ng kaunti ang mata ko pero malabo ang nakikita ko."Via." sambit ko sa pangalan ng mahal ko at kirot sa dibdib ko ang naramdaman ko hanggang sa nawalan ako ng malay.Pagkagising ko ay nasa isang kwa
Via4 years ago"Ang pangit mo kabonding." singhal sa akin ni Gail nang magbigay ako ng komento sa pang-apat na manliligaw niya.Paano ba naman kasi, kung sino sino nalang diyan ang hinahayaan niyang manligaw keso siya nalang daw ang NBSB sa aming dalawa. Alam kong mali rin yung ginawa kong pagsagot kay Elthon a month ago. Mag 3 months na kami nextweek pero parang wala lang.2 years siyang nanligaw sa akin. 5 times siyang nagpaalam na manligaw pero binasted ko hanggang sa naawa ako. Oo, dahil sa awa yung pagpayag kong manligaw siya sa akin. Ang sama ko noh! Ayaw tumigil eh. Nakita ko naman kung gaano siya kaeffort sa lahat. Hindi tumigil kahit ang tagal na niyang nag-aantay. Sinagot ko siya 3 months ago dahil pinagalitan ako ni tita. Pinapaasa ko daw yung tao. Paanong pinapaasa eh 5 times ko nang binasted pero nandiyan parin siya. Pinakita ko naman na ayaw ko. Hindi pa ako handa. Nagmomove on pa pero andiyan parin at nangungulit. 2 years siyang nag-antay pero hindi parin sumuko. Naappr
Via A month after the proposal, we got married. It was the happiest moment of my life. Yung hindi mo inaasahan lahat. Grabe pala makasurprise si Kian at ngayon ko lang yun nalaman. Lumipas ang ilang buwan ay marami nang nagtatanong sa akin kung may laman na ba. I was hoping too na sana ay meron na but sad to say ay wala pang positive result sa ilang beses na pagsusubok namin. Everytime na bumibisita ako kina Lalaine ay nakakaramdam ako ng inggit sa tuwing napapatingin ako sa matambok nitong tiyan. 5 months preggy na ito. Si Gail naman ay 1 month pregnant nadin. Nauna ang laman bago ang kasal. Alam kong dissappointed si tito pero andon na eh. "Love, bilisan mo." pagmamadali ko kay Kian. Araw ng kasal ni Gail at Elthon ngayon kaya dapat maaga kami. Ako kasi ang maid of honor at si Kian naman ang best man. Oh diba? Napilitan lang niya tinanggap dahil ayaw niyang ipartner ako sa iba. "Relax love, we'll be there in just 15 minutes." sagot niya. "Huwag mong sabihin paliliparin mo na nam
Via"Ha? Ano daw ang kaso? Bakit hinuli?""Talaga? Kaya pala hindi na natin sila nakita kahapon.""Grabe, kasing demonyo pala ng mukha ang mga ginawa niya.""Sabi na eh, sa mukha palang ni sir Kenji papatay na talaga ng tao yun."Sari sari't komento ng mga empleyado dito sa kumpanya ang naririnig ko mula sa balitang panghuli sa mag-inang Prescila Del Valle at Kenji Del Valle kahapon. Nagsilabasan ang ebidensya na halos hindi ko alam kung saan nanggaling. Maski sa news ay naipakita rin ang naretrieve na video ng CCTV na pagpasok ni Kenji sa bahay namin bago ito masunog. Speechless ako pero nakaramdam na kaginhawaan sa pakiramdam ko dahil nakamit ko ang hustisya sa pagkamatay ng magulang ko."Napakahayop ng mag-inang iyon. Mabuti at hindi ka nahulog sa pinapakita ng baliw na lalaking iyon noon Via." ngumiti lang ako sa sunod sunod na lintaya ni Nadine at Guia sa gilid ko."Mabuti nalang at hindi siya totoong Del Valle kundi malaking kahihiyan ang idudulot niya sa buong kumpanya. Hayp di
Third person POV"Don't be too obvious Kenji, lalo kang pagduduhan ni Kian.""Paano ako hindi mapapakali kung nakalabas na pala sa kulungan ang Joy na yun.""I told you to calm Kenji. Hindi ka ba nakakaintindi? Nothing will happen if you know where to place yourself." sermon nito sa anak. "I have a plan now on how to get rid of that lady, so don't ever middle again." warning sa anak."Wala akong gagawin mom? I want to help!" Lumapit agad ang ina nito sakanya. Napaatras naman siya ng bahagya at kita nito sa mukha ng ina ang matang nagpipigil sa galit at inis na pinapakita nito."When I told not to help, just obey." diin nito na waring may laman at ibig sabihin. Nanginig bigla si Kenji sa narinig mula sakanyang ina. Kilala niya ito kaya tumango siya agad na may takot sa mukha at pilit na ngumiti sa harapan ng ina. "That's my boy." she smirked and tap the cheek of her son.Umalis ang ina nito at naiwan si kenji sa kwarto nitong hindi parin makapaniwala sa nasaksihang ugali ng ina. Biglan
Third person POV5 years agoNakailang lakad at balik si Lyn sa harap ng isang malaking gate. Sa loob nito ay isang malawak, maganda at malaking bahay."Dodoorbell na ba ako?" tanong nito sa sarili. Huminga ito ng malalim saka pinindot ang doorbell.Agad may nagsalita na kinagulat niya."Ano po iyon maam?" Hinanap niya iyon pero wala naman siyang makita sa paligid."Sino ka?" tanong nito na may takot at kaba sa dibdib."Gwardiya po dito. May kailangan po kayo?" dagdag tanong nito."Ah o-opo. Kung pupwede ko bang makausap si Senior Del Valle?" Hiling nito."Ano ang pangalan?""Marilyn Gutierrez.""Saglit lang po." Makalipas ang ilang minutong pag-aantay ay binuksan na ang gate. "Pasok na po kayo."Pumasok si Lyn na mangha sa mga nakikita sa paligid."Wow. Totoo ba ang mga yan?" Mangha niya sa halaman at disenyong nakikita niya sa labas palang. Punong puno ito ng makukulay na bulaklak na para bang alagang-alaga ang mga ito."Opo. Dito po ang daan. Sa unang pintuan ay kumatok po kayo doo
Via POV Nakakainis talaga yung Trisha na yun. Alam na nga na out yung bola hinabol at tinira pa. Edi sa kabila ang points dahil hindi rin naman pumasok yung tira niya. Nakakasakit sa ulong kateam ito. Masyadong pasikat. Badtrip kong tinapon ang sumbrero ko sa upuan. Tiningnan ko ang paligid para hanapin si Kian pero hindi ko siya mahanap. "Via! Next game na! Doon tayo sa swimming pool." tawag sa akin Nadine. "Saan yung swimming pool dito?" hanap ko. "Doon sa resort nila ofcourse. Halika na." Excited nitong hila sa akin. "Wait lang, kunin ko lang yung gamit ko." Agad kong kinuha ang mga nilapag kong gamit sa inupuan ko kanina. Pagdating namin doon ay naroon na ang ibang mga kateam namin. Lumingon ulit ako sa paligid pero hindi ko parin makita si Kian. "Trisha? Andito ba si Trisha?" Tawag ni Marco. Siya nag team leader namin sa Red. 4 groups lang kami. Yellow, green, Pink at Red. "Nag CR daw." Aniya ni Adelfa. "Kanina pa yun ah." pansin ni Guia. "Baka kinarma dahil siya nagpa
Kian POV"Please. Answer the call Via." bulong ko sa sarili. Kanina ko pa tinatawagan si Via pero unattended ito kanina pa.Katatawag lang sa akin ni Rico na bumaba si Via at umiiyak itong nagmamakaawang bumaba. Hindi niya sinabi kung anong rason. "Whom are we waiting for? Let's go." utos ni lolo at sasakay na sana sila sa private plane ng magsalita ako."You can go ahead lo." saad ko. Saka tiningnan ang ilang mga kasama namin dito."What's wrong?" Tanong balik sa akin."I have to meet someone." Saka tiningnan ang watch ko. Baka maabutan ko pa si Via kung saan siya bumaba kanina."Are you sure?" pagdududa ni Chelsea.I look at her. "I won't care if you wouldn't believe me." Sagot ko dito saka tatalikod na sana ng magsalita ang nakababatang kapatid ni Kenjie na si Keanna."Baka naman tumatakas ka lang." saad nito.Nilingon ko siya."Malinis ang konsensiya ko para may takasan Keanna. Diba Kenji?" tanong ko kay Kenji na agad na kinasama ng tingin sa akin. Ngumisi naman ako."Make sure
3rd person POV"Linisan mo yan. Ang bagal mong gumalaw." reklamo ng isang babae saka binato ang isang pamunas sa kausap nito habang nagpupunas ng sahig sa seldang kinaroroonan nila.Binalingan niya ito ng matalim na tingin na agad napansin ng pumuna sakanya na agad namang kinaiwas."Sinasamaan mo ako ng tingin? Huh!" Galit nitong wika saka lumapit at hinila ang buhok na kinamilipit sa sakit ng babae."H-hindi. H-hi-hindi." sagot nito na halata ang nginig sa boses."Linda!" Tawag ng isa sa mga kasama nila doon. "Maglaan naman kayo ng kaunting awa kay Lyn. Bagong salta palang yan dito at paniguradong nani-""Baka gusto mo sayo ko ibaling ang inis ko sakanya. Gusto mo?" banta nitong agad kinatikom ng nagsalita. Marahas nitong binitawan ang buhok ni Lyn na halos masubsub ito sa sahig na nililinisan niya."Ang gusto ko lang sabihin sana ay - "Agad lumapit si Linda sa kumakausap sakanya at akmang kwekwelyohan na agad naagapan ng mga pulis na nagbabantay sa bawat selda sa kulungan."Anong n
ViaKanina ko pa kinukurot ang daliri ko. Kinakabahan ako sa maaaring malaman ko ngayon. Nasa isang coffee shop ako at halos hindi na ako mapakali dito.Nang dumating na ang mga inaantay ko ay agad akong tumayo para salubungin sila. Mukhang hindi pa sila ayos."Elthon. Ano nga pala yung sasabihin mo patungkol kay tita." Agad kong bukas.Tumingin saglit si Elthon kay Gail bago ito nagsalita."Nabalitaan ko kasi ang nangyari sa tita mo at sinubukan kong hingin ang side nito pero hindi siya nagsasalita. Sinubukan kong sinearch ang pangalan niya pero puro Manilyn Gutierrez ang lumalabas. Clear ang records niya hanggang sa ibigay sa akin ng isang nurse sa hospital kung saan nakaconfine ang pamangkin mo na nahulog ito ng tita mo. Yung wallet niya." nilabas niya ito at binigay sa akin.Kinuha ko iyon at binuklat ko."May ilang pera, ID, resibo. Nandiyan din ang isang calling card na may nakalagay na pangalan na Ken Del Valle. Kung hindi ako nagkakamali, siya ang ama ni Kian, tama ba?"Agad n
ViaNakarating ako sa apartment pasado 2:30 am na ng madaling araw. Sobrang napagod ako. Bente pesos nalang din natira sa pera ko. Kakasya pa kaya ito sa pamasahe kong pupunta ng office bukas?Bubuksan ko na sana ang pinto ng tumunog ang phone ko na agad kong kinuha sa bag ko at pangalan ni sir Ivan ang nagpakita doon."Hello po sir.""Salamat Via." napangiti ako at sumandal sa pader na katabi ng pintuan ko."Ako pa po dapat ang humingi ng tawad sa inyo dahil sa ginawa ng tita ko. Alam ko pong malaking kasalanan ang ginawa niya sa inyong mag-asawa. Ang pagkuha at paglayo ng anak niyo sa inyo ay mabigat na para sa inyo bilang magulang. How much more sa bata na maghahanap yan balang araw ng totoong magulang kung malalaman niyang hindi siya totoong anak nito."Yan ang bagay na hindi ginawa noong nalaman kong ampon ako. Bukod sa napakaswerte ko na at ramdam ko ang pagmamahal ng mga nilakihang magulang ko ay hindi na ako naghangad na hanapin pa ang mga ito."Malaking sakripisyo ang ginawa m