BRANDON“KUNG nagbibiro ka, hindi ako natutuwa. This is your lamest joke.” Mabilis ang pintig ng puso ko at parang hindi ako makahinga. Wala naman akong hika at nasa labas kami ngayon, sariwa ang hangin.Tinitigan ko siya at mabilis siyang nag-iwas ng tingin. She looked guilty of something at ayaw kong isipin na kaya gusto niyang makipaghiwalay ay hindi na niya ako mahal. Imposible naman na bigla na lang siyang nagkagusto kay Luis.“Naisip ko lang na malapit na ang graduation. Hindi ko pa nga alam kung makakapasok ako dahil wala pa akong pang-enrol. Imposible naman na dito ka sa Laguna magkolehiyo kung puwede naman na sa Maynila. Mahirap ang long distance at—”“Tangina. Ngayon mo pa naisip ang long distance?” “Huwag kang magmura.” Now she’s mad at nakakuyom na ang kamao.“Ano ba dapat? Humalakhak ako sa tuwa at magpasalamat sa ’yo? Kel, you’re breaking up with me over the stupidest reason. Kung long distance din lang ang problema, dito ako mag-aaral. Kahit sa community college pa kun
BRANDONIT’S been a few days since Lola got out of the hospital pero hindi pa rin ako pinatatahimik ng mga sinabi niya sa akin. Si Kelly ang nasaktan noon sa ginawa ni Mommy at kung hindi ko pa sila aksidenteng narinig na nagtatalo ni Ate ay hindi ko malalaman ang totoo. I was so angry with them dahil alam pala ng kapatid ko ang tungkol doon pero wala siyang sinabi sa akin. Pero higit ang galit ko kay Mommy dahil tinakot niya si Kelly at ginamit ang ama nito para makuha ang gusto. What would a sixteen-year-old supposed to do? Planong i-blackmail ni Mommy at kasuhan ng theft si Tatay. Madali lang daw niyang palabasin na kinuha nito ang pera nang walang pahintulot, pero ang totoo ay binibigyan niya. She planned everything so that Kelly would leave me. Bakit nga naman ako pipiliin ni Kelly kaysa sa kaniyang ama? “Bran, nakikinig ka ba? Kanina pa ’ko daldal nang daldal dito pero lutang ka,” natatawang wika ni Kelly sa akin. “I’m sorry. May iniisip lang ako. Ano’ng sabi mo?” Kinuha ko a
BRANDON“BRAN? It’s midnight. What could you possibly want at this hour?” yamot na tanong sa akin ni Ate nang sagutin niya ang tawag ko. The twelve-hour difference between New York and Philippines is not that bad . . . for me. Pero sa kapatid kong mahirap bumalik sa tulog, mahirap. “Sorry. I really need you.”Narinig ko ang pagbangon niya sa kama mula sa kabilang linya. Her footsteps were the next thing I heard then opening and closing the door. “What happened? Are you okay?” May pag-aalala sa kaniyang tinig. Somehow, I feel guilty for waking her up. Hindi ako mapakali dahil tatlong araw na lang at ikakasal na kami ni Kelly. Every time I call my sister, she’s always in a hurry. Meetings after meetings, events at school for her kids, and I don’t want to take away her remaining time with her husband. Not only that, I’ve been hiding a secret from her about Vina. I just . . . I can’t tell her. Not yet. Kapag sinabi ko sa kaniya ay baka hindi siya magpunta rito. Worse, she might convinc
BRANDONBEFORE I could say another word, the other guys came. Nakahinga ako nang maluwag nang senyasan niya ako na mamaya kami mag-usap kapag kami na lang ang magkaharap. Pero panandalian lang pala ’yon dahil ilang minuto lang ay dumating sina Kelly. My heart raced at pakiramdam ko ay aatakihin ako sa kaba.“Ang putla mo. May sakit ka ba?” May kalakip na pag-aalala ang tanong niya sa akin. I saw Flynn looking at us. Nabaling lang ang atensiyon niya kay Vicky nang lumapit ang asawa sa kaniya.I smiled at Kelly. “Hindi lang ako masyadong nakatulog kagabi, but I feel okay.” Hinawakan ko ang kamay niya.Mataman niya akong tiningnan. “You’re not having cold feet, are you?” “What? Of course not!” Niyakap ko siya nang mahigpit at hinalikan sa tuktok ng kaniyang ulo. “You’re overthinking again.” Hinagod ko ang likod niya para pakalmahin siya. “By the way, my sister is arriving this Friday. Susunduin ko siya sa airport.” Nag-angat siya ng mukha at tipid na ngumiti. “I’m glad she’s coming.”
KELLYI LOVE Brandon but I am getting tired of the things I find out from time to time. Why can’t he just tell me everything and let me decide for myself? Ang hirap ng posisyon ko dahil ayaw kong bigyan ng puwang ang pagdududa sa kaniya pero palagi niya akong binibigyan ng dahilan para pag-isipan siya ng iba. And the things he did in the past, fine, it’s his way to get me back. I get it. But my gut is telling me there’s something more. I just . . . I just wish he would tell me before it consumes me. He took my hand and held it. For a bit, he didn’t say anything. Abot-abot ang kaba ko sa puwede niyang isiwalat. “Rest your mind and believe in our love. Can you do that?”I looked at him and his eyes were pleading. And that’s the thing with me: kapag nakikiusap siyang ganito ay hindi ako makatanggi. “Bran, believe me. I do, but—”“Baby, I really need you to trust me. Can you promise me na sa akin ka lang maniniwala?”Napaamang ako sa kaniya. Does that mean I’m about to find out someth
KELLYFRIDAY came at kahit ano pang kasabihan na malapit sa panganib kapag ikakasal na ay hindi nagpaawat si Brandon. He promised his sister that he will pick her up. I don’t know what it is today pero hindi ako mapakali. Maya’t maya ang paglabas ko sa silid kahit wala naman akong kukunin sa kusina o sa sala. Ni hindi ko kailangang gumamit ng washroom pero hindi ko mapigil ang sarili ko.Bukas na ang kasal namin. Normal ba itong kabog ng dibdib ko? Sobrang bilis at lakas, kulang na lang ay lumabas sa dibdib ko ang aking puso.“Anak, nahihilo na ako sa kapapauli mo. May problema ba?” tanong ni Nanay sa akin. Kasalukuyan siyang naghahanda ng pananghalian namin. Tumawag si Brandon sa akin kanina at sinabing nasa airport na siya. Hinihintay niya na lumapag ang eroplano ni Ate pero may kaunting delay raw sa Hong Kong. Ang siste, delay rin ang flight ng Hong Kong papuntang Pilipinas. Sa Maynila na raw sila manananghalian para hindi sila magmadali pauwi ng Laguna. Brandon wanted to book a
KELLYWE waited for Bran’s sister for a little bit more, pero dahil may kasunod kaming couple na ikakasal ng parehong judge ay tumuloy kami kahit wala pa siya. Bran smiled sadly but at least his sister will be there later at the reception.Getting married at the city hall was less stressful than having a church wedding. We can always have that kapag maayos na lahat sa amin ng mommy niya. Besides, an intimate courthouse wedding is what we agreed on. Kung sana lang ay narito ang ate niya. After hearing a few congratulations, all of us left the city hall to go to the hotel where Bran reserved a small hall for the reception. Magkahawak ang mga kamay namin nang lumabas ng city hall at nang makalapit sa kotse ay biglang nag-ring ang cell phone niya. Sinagot ’yon ni Bran at nagulat ako nang tumaas ang boses niya. “This is him. Yes, she’s my sister. Do what you need to do. We’ll be right there.” Kaagad niyang ibinaba ang tawag at pinagbuksan ako ng pinto. “Sakay.” Something is wrong and I
KELLYMY sister-in-law made it. Naging maayos ang surgery niya pero ang doktor ay sinabing bukas pa ito puwedeng ibiyahe kung gustong ilipat ng ospital. Mas kailangan daw nito ang pahinga sa ngayon. Kahit paano ay nakahinga nang maluwag si Brandon pero alam kong nag-iisip pa rin siya dahil sa pagdating ng kaniyang ina. “Kumain ka muna. Nagluto si Nanay ng sopas para sa atin.”“I’m not hungry,” sagot niya sa akin habang nakatitig sa kapatid na hanggang ngayon ay wala pang malay.The guests had their lunch at the hotel at pagkatapos ay pinauwi na ang mga ito ni Vicky. Some of them texted us to send their get well wishes to Ate. Kaninang hapon ay dinalhan kami nina Nanay ng pamalit na damit dahil nakasuot pa kami ng pangkasal. Dinalhan din nila kami ng kaunting pagkain dahil mula kaninang umaga ay wala pang laman ang sikmura namin. Si Brandon ay mukhang hindi nakararamdam ng gutom habang ako ay kumakalam na ang sikmura pero hindi ako nagpahalata. I couldn’t eat anyway knowing my husba
BRANDON Three months later . . . I WILL never understand why my father had to cheat. If he was no longer happy, bakit hindi na lang niya kinausap si Mommy at nakipaghiwalay nang maayos? Siguro nga ay wala ako sa posisyon para sabihin kung alin ang tama at mali. I just know that I will be a better father to my kids and a better husband to my wife. Ngayong alam ko ang dinanas ni Mommy sa piling ng asawa niya, naiintindihan ko na kung saan siya nanggagaling. She was simply trying to shield me from harm. Sa takot niya, sumobra naman. Idagdag pa na may pangyayari mula sa nakaraan sa pagitan nila ng pamilya ng magulang ni Kelly. “I thought this day would never come,” bulong sa akin ni Kelly habang pinagmamasdan si Mommy kasama ang mga biyenan ko. Narito sila ngayon sa bahay namin ni Kelly. As soon as the doctor gave us the go signal, isinama ko ang aking ina pauwi ng Pilipinas. Gusto kong maiba ang paligid niya. Gusto kong maramdaman niya na hindi siya nag-iisa. Bilang na bilang sa d
BRANDONIT’S been two weeks since the accident, and instead of going home to our condo, my wife and I stayed at my parents’ house. Pangalawang araw namin dito ngayon. Bukod sa walang kasama si Mommy, si Kelly rin ang may gusto nito para maalagaan niya kami nang sabay. Hindi raw dapat iniaasa sa kasambahay o sa nurse ang pag-aalaga sa pamilya kung mayroon namang kapamilya na available—at siya ’yon. “I didn’t expect to find you here.” Nang lumingon ako ay nakita ko ang aking ama na kararating lang. He looked exhausted from his trip. Ako dapat ang magsabi sa kaniya na hindi ko siya inaasahang makita rito. My mother told me that their divorce was finalized a few days ago. Ni hindi ko nakita si Dad sa ospital at ang sabi sa akin ni Ate ay nasa Australia pa ito. “That makes two of us. What brought you here?” tanong ko sa kaniya. Hindi ko alam kung aware si Mommy na darating ang aking ama ngayon. “I just came to pick up a few things. This is still my house, Brandon.” Humila siya ng isan
KELLY“SHE’S my half sister . . . but nevertheless, still a sister. My mother got pregnant pero hindi pinanagutan ng aking ama. My father married someone he loves at hindi ang nanay ko ’yon. I was a product of a one-night stand, believe it or not. Bihira kaming magkita ni Cordelia, pero tuwing dadalawin ako ni Tatay sa birthday ko ay isinasama niya ang kapatid ko. Some people don’t like it. Ayaw nila na may kahati. Pero ang pusong puno ng pagmamahal, kaya niyang tanggapin halos lahat. And I love my sister. She’s nice to me even though I think she’s a brat. Hindi sila mayaman, pero dahil iisa siyang anak ay nagagawa niya ang lahat ng ibigin—including taking your father away from your mother.”Sinabi sa akin ni Nanay ang tungkol kay Cordelia pero katulad niya ay hindi ko alam na may nakatatandang kapatid ito. “Eventually, my mother married someone, mahirap din katulad niya, pero hindi sila nagkaanak at sa kalaunan ay naghiwalay rin. I don’t know where he is now but when my mother died,
KELLYTHE woman just looked at me and left immediately. There were tears in her eyes at kahit hindi ko alam kung ano ang una kong mararamdaman sa kaniya, pinili kong huwag makaramdam ng galit. Labas ako sa nangyari noon.Huminga ako nang malalim at inayos ang expression ng aking mukha. Nang pumasok ako ng silid ay mabilis na pinahid ni Mommy ang luha niya. “Bakit ang tagal mo?!” May angil ang pagtatanong niya. She’s trying to cover up her anger . . . and sadness. I smiled at my mother-in-law. “May pila po kasi sa cafeteria.”Mommy made a face but didn’t comment.“Hindi ko po pala naitanong kung ano’ng gusto n’yong tea. Binili ko na po ’yong tatlong available. Green tea, chamomile, at—”“Green tea na lang. Iyong chamomile, sa ’yo na para makatulog ka.” It’s funny how she’s giving me a cold treatment, and a few seconds later, she would give me words that let me know she cares. And it made of think of how she was before all this mess. Mas mapagmahal ba siya o sadyang ganito na ang uga
KELLYNANG pumasok ako sa silid ni Mommy ay nadatnan ko siyang gising at nanonood ng TV. Her leg and arm is on a cast and I feel bad for her. Kahit pangatlong beses ko pa lang siyang nakikita, I know she’s a proud woman. Siya iyong tipo ng tao na hindi tumatanggap basta-basta ng tulong. “Good evening po,” bati ko sa kaniya.She didn’t bother to look at me but she didn’t send me away so I will take it as a good sign. Naupo ako sa isang silya roon at sumandal. Gusto ko sanang itaas ang binti ko pero nahihiya ako. “If you want to put your feet up, do it,” paangil niyang wika sa akin. Hindi ako tumingin sa kaniya pero ginawa ko ang sinabi niya. Naroon ang concern sa salita niya kapag hindi pinansin ang tono. She was watching some movie that I am not familiar with. Baka naghanap lang siya ng mapanonood para pampalipas ng oras. Nilingon ko siya and that’s when I noticed the remote was too far from her. Kaya pala parang wala siya sa mood kanina pa, hindi mailipat ang channel. I wondered w
KELLY“WHAT are you doing here?”He is Brandon’s ex. At alam kong noong unang makita ko siya sa ospital ay naroon siya dahil tumulong siya sa airlift assistance ni Ate. This time though, she is not needed here.Saglit na gumuhit sa mga mata niya ang pagkagulat at umawang ang mga labi niya. I bet she wasn’t expecting my tone. Iyong tanong ko, normal ’yon. Pero iyong tono ko, that’s me marking my territory. My hunch was right when the thought crossed that she’s still pining over my husband. They were over a long time ago. And she’s pregnant for fuck’s sake. Kapatid pa ni Brandon ang ama ng bata. It’s ridiculous!“I heard about the accident on the news and I—”“He is in the intensive care right now. Visitor’s hours are over. You can leave now,” malamig kong tugon sa kaniya. If she was just a plain friend, bakit ako magagalit na dumalaw siya? May hidden agenda siya at iyon ang hindi ko gusto. I am no saint at hindi ko ugali ang makipag-away lalo na kung tungkol sa lalaki rin lang. But Br
KELLYI COULDN’T feel anything when I heard the news. Naaksidente si Bran at ang mommy niya nang pauwi na sila sa bahay ng huli. It has stopped snowing and the road has been plowed and salted nang sumakay ako ng taxi kanina papunta rito sa ospital. Susunduin sana ako ni Ate pero sinabi kong magta-taxi na lang ako at doon na lang kami magkita. Ayaw ko nang magpabalik-balik pa siya at maaksidente rin. “Kel,” tawag niya sa akin nang matanaw ko siya sa pasilyo. “Ate, kumusta sila?”Niyakap niya ako nang makalapit ako sa kaniya. Halatang galing sa pag-iyak ang mga mata niya. Ako man ay hindi matigil sa pag-iyak kanina at hindi ko na pinansin ang taxi driver na patingin-tingin sa akin. “Mom fractured her arm and leg. But Bran hit his head, may bubog din na tumama sa may tiyan niya. He lost a lot of blood. Hindi kami magka-match ng dugo. I was hoping you’re an O negative. B kami ni Mommy.” She was shaking in fear. “B rin ako, Ate. Pero si Daddy, ka-match siya ni Bran. Natawagan mo na ba
KELLYI DIDN’T have the chance to talk after she answered my question. When Bran came back to the dining room, siyang tayo ni Mommy at pinuntahan si Ate para magpaalam. She took her purse at walang lingon-likod na tinungo ang pinto. I saw her car drove away from the window. Nag-aya nang umuwi si Bran para makapagpahinga na ako. Ate wanted us to stay a little bit longer lalo na at naunang nagpaalam si Mommy pero sinabi ng asawa ko na dadalaw na lang kami uli.Nag-shower ako nang makauwi kami sa bahay at nagpalit ng damit. Suot ko ang T-shirt ni Bran nang sumampa ako sa kama. Automatic ang pagyakap niya sa akin. I noticed he hasn’t changed his clothes. “Hindi ka pa ba magpapalit ng damit?”“I will, in a second.”Narinig ko ang pagbuntonghininga niya. Tahimik lang siyang nakayakap sa akin. Bilang asawa niya, ramdam ko ang bigat na nararamdaman niya ngayong oras na ito. It’s not easy to be around people who doesn’t like being around you. Patunay ako roon kung gaano ka-awkward ang pakira
KELLYTHE day I was dreading came after two weeks. Makahaharap ko na ang biyenan ko at hindi ko alam kung ano’ng sasabihin ko. Hindi naman ako galit sa kaniya sa mga binitiwan niyang salita kay Bran. Knowing what her marriage was like made me sad for her, actually. Kahit ’yong mga pangyayari noong high school kami ni Bran at pananakot niya sa akin ay napatawad ko na rin. She did what she thought was best for her son at the time. “Happy birthday, Ate.” Iniabot ko sa kaniya ang dala naming regalo at nang kunin niya ’yon ay binigyan niya ako ng isang mainit na yakap.“I’m glad you came. Tayo lang naman ang narito. I didn’t invite any friends because we already went out a few days ago. Kaya malaya tayong makakapagkuwentuhan.” She giggled. “I’m going to offer you wine but I don’t think it’s a good idea. Baka magkakaroon na ako ng pamangkin,” tukso niya sa akin. Nahilo kasi ako noong isang araw at si Brandon na overacting, dinala kaagad ako sa doktor. Nag-order ng urinalysis at bloodwork