Zhykher pov.......
Kasama ko si mang Jose na pumunta ng palengke para tingnan ang area. Ang kompanya namin ang napili ni Mayor Robert Sanchez na mag-renovate sa naturang palengke sa bayan ng San Martin dito sa Zambales kung saan narito rin ang Isla ng aking Lolo na si Don Mariano Cruz ang ama ng aking ina.Nagtataka ba kayo kung bakit Cruz ang aking apilyedo? Kinamumuhian ko ang aking amang si Mhelchur Torio dahil inabandona niya kami at nagpakasarap sa kandungan ng kanyang kabit. Tatlo kaming magkakapatid dalawang lalaki at isang babae ang bunso namin. Lumaki kami sa aking Lolo at Lola habang si mommy at nagtatrabaho sa Singapore bilang isang doctor. Nang makuha ni mommy ang pagsawalang bisa ng kanilang kasal ay nag-asawa na rin siya sa Singapore. Isang may-ari ng hospital at mejo may edad na rin. Mabait ito at nakikita naming Mahal na Mahal nito ang aming ina. Nagkaroon sila ng dalawang anak na babae. At dahil wala silang anak na lalaki kami ni Zion ang itinuring niyang anak na lalaki. Siya ang tumulong sa akin hanggang matapos ko ang aking pag-aaral bilang kidney doctor.Kaya mas nanaisin ko pang ipako ang aking apilyedo sa Cruz kaysa ipako sa Torio.Nakuha ng isang magandang dilag na tindera ng isda ang aking attention. Napaka ganda at natural ang kanyang kagandahan. Narinig kong nilalait siya ng mga kapwa niya tindera dahil sa kanyang pagiging single mom. Napaka tanga ng lalaking nang-iwan sa kanya. Paano na kayang layuan at hindi panagutan ang isang dyosa.Pero believe ako sa diskarte niya at sa pagsagot niya sa kapwa tinderang walang ibang magawa sa sarili kundi laitin at kutsain ang dalaga. Kaya inutusan ko si mang Jose na pakyawin ang kanyang isda. Marami naman kaming tauhan sa bahay ni Lolo Mariano kaya pwedi na namin iyang iulam. Gusto ko lang na tulungan ang magandang dilag at ng makauwi na ito ng maaga para makaiwas sa mga chismosang tindera. Ang tanong paano naman niya iiwasan ang susunod na mga araw.Nai-submit na ang notice na isasara muna ang palengke habang ire-renovate ito. Maraming tindera ang maaapektuhan pero para rin naman sa kanilang ikakabuti ang ginagawa ni Mayor Robert Sanchez.Manong Jose umuwi na tayo baka naghihintay na si Lolo at Lola pa sa tanghalian.“Sige hijo mas mabuting maagang umuwi na tayo para mailuto na rin ang mga isdang pinamili mo. Natatawa ako sa dalagang iyon may pagkapilyang manalita. Pero alam kong may mabuting puso ito. Minsan talaga ang panginoon maraming pagsubok na ibinibigay sa mga mababait dahil mas lalo itong mananalig sa kanya. Mas lalong kumakapit sa panginoon at hindi agad sumusuko. Yung mga masasamang tao kunting problema lang di man lang iniisip ang diyos at agad-agad naglalasing, nagda-drugs at nagpapakamatay.”May punto po kayo mang Jose lahat po ng inyong sinasabi ay totoo. Kung sino ang mahirap siya pa ang mas matatag. Teka po kilala mo ba ang babaeng yon?“Hindi ko alam kung saan nakatira ang batang iyon. Pero mga isang taon na ay madalas ko silang nakikita dito na nagdadala ng isda sa palengke at ngayon nga ay napag-alaman kong may pwesto siya doon. Siguro bagong lipat lang din sila dito baka nagmula sila sa karatig baryo dito sa ating lugar San Martin.”Lolo mano po!“Kaawaan ka ng diyos apo ko.Puntahan mo na ang iyong Lola sa kusina mukhang nagluluto ng kakanin para sa'yo.”Sige po Lolo punta lang ako kay Lola.Lola mano po!“Kaawaan ka ng diyos apo...mabuti at nariyan kana nagluto ako ng puto at suman kaya kumain kana.”Salamat po Lola the best po talaga kayo. Lola marami po akong pinamiling isda ipaluto mo nalang sa mga kasambahay at para pwedi nating itanghalian.“Naku bata ka pwedi naman tayong magpakuha ng isda sa palaisdaan ng Lolo mo bakit nagsayang ka pa ng pera para bumili ng isda.”Okay lang po Lola ang mas mahalaga ay nakatulong ako sa aking kapwa. Hindi naman po yan masasayang dahil makakain din naman natin yan.Lola pagkain ko nito mag-iikot ako sa tabi ng dagat huh. Hindi naman po mainit dahil may mga ulap, mukhang uulan yata mamayang gabi.“Sige basta mag-iingat ka at huwag kang magtagal dahil sabay-sabay tayong mananghalian.”Opo!...Ayon nga pagkatapos ko ngang kumain ay pumunta agad ako sa dalampasigan. Napakaganda talaga ng lugar na ito isang matatawag na stress reliever. Isang nature made na bato na sobrang ganda ang pagkahulma nito. At napapalibutan ito ng puting buhangin.Teka bakit may parang nagsisigaw at umiiyak? Tanghaling tapat na di kaya may isang serinang magpapakita sa'kin ngayon. Baliw kana Zyk at nagpapaniwala kana sa mga shokoy at serina.....kontra ng kabila kong isipan.Pinakinggan ko ng maigi kong tama ba ang naririnig ko. Dahan-dahan akong sumilip sa may batuhan. Laking gulat ko dahil ang nakita ko ngayon ay ang babaeng nagtitinda ng isda sa palengke. Ibig sabihin malapit lang dito ang bahay nila sa bahay ng aking Lolo Mariano.“Ate Leah, kung nasaan ka man ngayon ipagdasal mo ako sa panginoon na bigyan ako ng lakas para lumaban. At gabayan ako sa bawat pagsubok na darating sa buhay ko. Kakayanin ko po ang lahat kahit mahirap. Bantayan mo si Baby Zaile habang wala ako sa tabi niya.”Namatayan pala siya ng kapatid at baby Zaile ito siguro ang kanyang anak na inabandona ng ama. What a beautiful name. Ipinapangako ko sa aking sarili na hinding-hindi ko aabandunahin ang anak ko dahil naranasan ko kung gaano kasakit magkaroon ng sirang pamilya.Tumayo na ito at naghubad ng kanyang suot na blouse “F'ck!” hindi ko napaghandaan kaya nakapagmura ako. Sana nga lang ay hindi niya narinig ang boses ko. Agad akong umatras para makalayo sa kanyang kinaruruonan. Habang naglalakad ako apaalis ay biglang may bumato sa aking ulo.Oh f*ck! What the hell are you doing?Ouchh it's hurt woman, f*ck there's a blood. Ang sakit ng ulo ko at nagkasugat pa.“Hoy kurimaw huwag na huwag mo akong murahin dahil sa umpisa pa lang ikaw na itong may kasalanan. Napakamanyak mo at nagawa mo pang mambuso. Mamang shokoy sa syudad ka mambuso huwag dito sa lugar namin dahil bukol at taga ng itak ang aabutin mo.”Aba siya pa itong may kasalanan pero siya pa itong napaka tapang. Nakita kong nagmamadali na itong naglakad paalis.Hoy babae saan ka papunta?Ngunit hindi na ito lumingon halos lakad takbo na ang ginawa nito. Pambihira namang buhay oh, hindi man lang ako naisipang gamotin. Malamang natakot sa hitsura mo shokoy....kontra ng isip ko.Tang*na tinawag pa akong shokoy, sa kagwapohan kong ito pagkamalan pa akong shokoy.See you some other time babe. Malapit ka lang pala sa territory namin, ibig sabihin mapapadalas ang ating pagkikita.Mukhang interesting ang pananatili ko sa lugar na ito.Umuwi na ako sa bahay at pinagamot ang aking sugat. Maliit lang naman ito pero sa ulo tumama kaya dumugo talaga.“Sino ba kasi ang nambato sa'yo apo at nagkasugat pa talaga iyang ulo mo?...tanong ni Lola sa akin.May narinig kasi akong umiiyak doon sa dalampasigan Lola. Lahat ng hinanakit niya ay isinisigaw niya kaya napasilip ako. Hindi ko naman akalain na maghuhubad siya kaya bigla akong napamura. Akala siguro niya binusuhan ko siya kaya niya ako binato at tumama sa aking ulo.“Maganda ba ang dilag na iyon apo?”Opo! Maganda mo siya mahaba ang buhok parang model ng shampoo. Matangos ang ilong, maganda ang hugis ng mukha at may malalim na biloy sa kanang pisngi. Maganda rin po ang mata at matangkad.“Naku apo mukhang na love at first sight ka. Tinanong ko lang kung maganda ba siya pero memoryado mo na kaagad ang kabuo-an niya. Mukhang nakahanap kana ng taong ihaharap mo sa dambana ng diyos.”Ikaw talaga Lola, tinatanong mo kasi ako kaya sinabi ko na baka kasi makilala mo kung sino siya.“Tama ka apo kilala ko ang dalagang sinasabi mo. Isa siyang tindera ng isda sa palengke. May dalawang kapatid na pinapaaral isa sa college at isa sa high school. Na stroke ang kanyang mekanikong ama kaya hindi na ito makapagtrabaho. At may sanggol pang binubuhay. Hanga ako sa dalagang iyon apo dahil kahit gaano kahirap ang buhay hindi mo siya makikitaan ng kalungkutan. Palaging masaya ito na nagtatawag ng mga kustomer sa palengke.Tama ka Lola sa nakikita ko kaninang umaga sa palengke nakikitaan ko siya ng katapangan. Pero nang makita ko siya kaninang tanghali nakita ko rin ang kanyang kahinaan. Kaya niyang itago ang kanyang emotions sa harap ng karamihan. Pero kapag siya nalang mag-isa saka niya pinapakawalan ang totoo niyang nararamdaman. Totoo ang sinasabi ni mang Jose na mas matatag ang emotion ng mga mahihirap kaysa mga mayayaman."Oh apo bakit natulala ka diyan? Talagang mabighani ka sa taglay na kagandahan ni Lessery.”Naputol ang aking pagmumuni-moni sa sinabi ni Lola.Ano po uli ang pangalan niya Lola?“Ang buong pangalan niya ay Lessery Sarreal.”What a nice name.... I murmured.Panibagong umaga panibagong hamon ng buhay naimbag nga bigat sarreal pamilya."Huwag ka ngang maingay ate natutulog pa si Zaile eh."....si LeandroNaku kapatid gisingin mo na yan, kagabi pa yan tulog hindi pa ba yan gutom. "Naku ate nagpapataba at nagpapalakas ng mga kasu-kasuan yan kaya mahimbing ang tulog."...si LerianLeandro bilisan mo na baka maubos na nilang pakyawin ang mga isda at wala na tayong maibibinta.Nanay, tatay aalis na po kami ingat po kayo dito."Anak kayo ang mag-iingat huh, hayaan mo na silang pumutak huwag mo nalang patulan huh."...si tataySige po tay!"Heto na yung baon nyong agahan, huwag nyong kalimutan kumain. At ikaw Leandro anak bago pumasok sa eskwela kumain ka muna.""Syempre po inay kakain po ako, kapag hindi kumain si ate po nangungurot ng singit."Uy grabeh ka naman brother, hindi na ako nangungurot ngayon malaki kana eh. Takot ko lang baka madali ng kurot ko ang patutoy at itlog mo."Bunganga mo talaga teh nahawa na sa puwet ng manok."Tayo na nga,
Anak nagpunta nga pala dito kanina si Donya Carmella ang sabi may malaking handaan daw sa kanilang bahay sa lunes dahil kaarawan ng kanyang asawa na si Don Mariano. Kailangan daw niya ng katuwang sa paghahanda. Alam mo naman na ang kasambahay nila ay nag-iisa lamang at may kaidaran na rin ito.Idagdag pa na nariyan ang kanyang apo niya na inhinyero mula sa maynila. Ang kompanya daw nito ang kinuha ni Mayor Robert Sanchez na mag-renovate ng palengke sa bayan. Darating din daw kasi ang mga kaibigan nito.Sa dinami-daming tao dito sa lugar natin bakit ako pa ang napili ni Donya Carmella na maging katuwang niya nay.Sige kung ayaw mo ako nalang anak. Ikaw nalang ang magbabantay Kay Zaile at sa papa mo. Inhinyero ang kanyang apo kaya napag-alaman siguro ng donya na nawawalan tayo ng pwesto sa palengke. Kilala kana niya at alam niyang mabait ka kaya ikaw ang pinili niya para na rin makatulong. Alam mo naman ang panahon ngayon mahirap pagkatiwalaan ang mga hindi kilala. At saka pwedi kang um
Lola Carmella may ipapagawa pa po ba kayo? Kung wala na po uuwi na po ako sa bahay. Babalik nalang po ako ng maaga bukas para tumulong po sa paghahanda.“Dito ka nalang maghaponan hija malapit nang maluto ang sinaing ni nanay Nida mo. Ipapahatid nalang kita kay Jose para ligtas kang makarating sa inyo.”Naku po! Sa bahay nalang po ako maghahaponan hindi pa naman po ako gutom dahil nakapag meryenda naman po ako kanina lang. “Kung hindi talaga kita mapipigilan sige mag-iingat ka Lessery. Hayaan mo kapag nakapunta ako sa bayan ibibili kita ng cellphone para matawagan kita o makakatawag ka kapag ikaw ay nakarating na sa inyong bahay.”Hindi na po kailangan Lola Carmella, ligtas naman po ang lugar natin. Wala pa naman pong napabalita na may masamang nangyayari. At saka mga mababait po ang mga kapitbahay natin.“Huwag kang pakampanti hija sa panahon ngayon mahirap ng magtiwala. Kapag ang tao ay nagigipit minsan sa patalim kumakapit.”Si Lola talaga tinatakot ako. Para panatag po kayo Lola
Zhykher povWhat a f*ck! Damn it, ano bang pinagsasabi ko kay Lessery. Bakit ba ako nagpadala sa inis ko doon sa lalaking kasama niya, oh sh*t!.Kahapon bago siya umuwi sa bahay nila naririnig ko siyang kausap si Lola at nanay Nida. Nakakatuwa tingnan ang maaliwalas na hitsura ni Lola sa mga banat ni Lessery. They find themselves as a good friends, for an instant.The heck! Wala siyang cellphone kahit normal man lang? Mga kabataan ngayon namamatay dahil sa kagagamit ng cellphones magdamag pero si Lessery pangtawag man lang wala.Nais ko sana siyang ihatid pauwi sa bahay nila. Kaya lang baka susungitan na naman ako. Habang naglalakad siya nakasunod lang ako sa kanya. I just want to see that she gets home safely....yon nga lang ba ang dahilan zhyk?....kontra ng kabila kong isip.Madaling araw pa lang maaga na akong gumising para mag-jogging. Sinasadya ko rin para makasabay siya habang papunta siya sa bahay ni Lolo. Hindi ko naiintindihan ang sarili ko kung bakit gusto ko siyang makita.
Pagkatapos nilang kumain ng meryenda ay agad ko namang niligpit para hugasan ang mga plato, kutchara at baso. Nakita kong lumabas silang lahat kasama si Lolo Mariano. Pero ang shokoy nagpaiwan at tinulungan ako sa pagliligpit. Hindi ko na siya kinibo pa, kahit aangal ako wala parin naman akong mapapala.“Lessy, galit ka parin ba?”.....basag niya sa katahimikan.“Hindi po!”....maikling sagot ko saka naglakad pabalik sa kusina.“O hijo bakit ikaw ang nagdala niyan? Kaya na ni Lessery yan, ipasyal mo na ang mga kaibigan mo sa labas.”....si nanay Nida“Okay lang po nay, nandoon naman si Lolo kasama nila.”“Naku nay, nagpapabango yan sa kanyang irog. Mukhang may aabangan na kaming kasalan ng taon.”“Queen, napakaingay mo mabuti nalang wala si clea.”“O siya lumayas ka na, girl bonding muna kami chupiii.”...Si ate Afsheen ay may tinawagan ito sa telephone at naka-video call pa. Hindi ko alam kong sino pero babae ito, baka kaibigan nya.“Tita Malou kumusta po?" Okay naman po kami and guess
Pwedi tayong mag-usap sa favourite place ko Sheen. Gabi na hindi ka ba natatakot?“Ano ka ba Less, ang liwanag ng buwan oh anong ikinakatakot mo. Sanay ako sa madilim na mundo Less, dahil sa trabaho ko. Bilang isang secret agent ng Canada sa gabi kami lumalabas para mag-manman sa mga kasong hawak namin para hindi kami makilala ng kalaban. At bilang isang sundalo sanay kami sa sagupaan kaya wala kang dapat ipag-alala habang kasama mo ako.Ang galing mo naman Sheen. “Nagmana lang ako sa ugali at katapangan Ng Papa ko Less. Don't worry you will know the real Afsheen Della Torres Aragon later. Yugto ng buhay mo ito kaya sa'yo dapat naka-focus ang daloy ng kwento. Palamuti lang kami I mean back up mo para masaya ang daloy ng kwento mo.”Hahaha nakakatawa ka naman. Dito tayo Sheen sa malaking bato maupo. Mas maganda kong sa araw mo marating ang lugar na ito para makita mo ang kagandahan ng buong paligid. Ano nga ba ang pag-uusapan natin Sheen?“May itatanong lang akong personal na bagay sa'
5 am pa lang gising na kaming lahat para ihanda ang mga almusal. Soldier na soldier talaga si Afsheen dahil napaka dali magluto. Naka assist lang ako sa kanya ng magluto siya ng pansit. Kailangan ko rin mag double time para sabayan ang galaw niya. Buti nalang dumating rin ng maaga ang mga kapatid ko kahit papaano nakatulong si Lerian sa paghanda ng lamesa.Nagtimpla kami ng coffee at inilagay sa tatlong flasks. Tuwang-tuwa si Lolo Mariano at Lola Carmella dahil nagkaroon daw ng kulay ang bahay niya. Ito daw ang pinakaunang kaarawan ni Lolo na sobrang ingrande at napakasaya. Naiinggit ang mga kapatid at ina ni senyorito Zhykher dahil hindi ito nakauwi. Akala nila isang simpling handaan lang ang magaganap pero nang makita daw nito ang video umiiyak sa inis ang ina at kapatid na babae dahil sobrang unfair daw ng mag-lolo.Nangako naman si Lolo Mariano na next year uulitin ito at kailangan kompleto ang lahat. Si Lola Carmella ang taga tikim ng mga luto ni Afsheen. Sabi pa ni Lola magpapa-
Bago mag 9:00 am nakauwi na kami sa bahay. Isa sa the best moment ng aking buhay dahil sa unang pagkakataon na makasakay ako ng helicopter. Tuwang-tuwa rin ang aking mga kapatid hindi rin nila inaasahan na ang dating tinatanaw lang sa himpapawid ang kanilang masasasakyan.Sheen, maraming salamat sa experience na pinaranas mo sa amin. Pasalamat ko kay Afsheen pagkababa namin.“Asus walang anuman, masaya rin ako na napapasaya ko kayo. Tara na baka nagsidatingan na ang mga bisita ni Lolo Mariano. Hello people we're home!”...sigaw ni Afsheen napaka pasaway talaga parang bata kung umasta.“Mabuti naman at nakarating kayo kaagad.”si Lolo Mariano.“Leandro at Lerian umuwi kayo para magbihis ng inyong uniform pero kailangan bumalik kayo kaagad dito. Pakitulongan niyo ang ate ninyo sa pag-aasikaso.”...si Lola Carmella.“Sige po Lola babalik ako kaagad.”...sagot naman ni Lerian. Hindi na daw uuwi si Leandro dahil hubarin nalang niya ang kanyang t-shirt na uniform dahil may shirt naman siyang su
Babe, kumusta kaya ang dinner date ni ate Reese at Justine.“Huwag mo silang isipin because tonight is for us only.”Nagawa mo na kagabi ang advanced honeymoon Mr.“Babe, first night natin bilang mag-asawa palalampasin pa ba natin.”Ang harot mo talagang lalaki ka para kang naka robust. Inaantok na ako kaya pwedi ba behave ka muna tonight.Kinuha ko ang roba at tuwalya sa lalagyanan. Nanglalagkit na kasi ako sa buong araw na activities. Hihirit pa ang shokoy kahit naka-score na siya kagabi at bunos pa ang kaninang umaga.Isasara ko na sana ang pinto ng bigla niyang ihinarang ang kanyang kamay. “Sabay na tayo babe para tipid sa tubig atsaka para maibsan ang lamig. Sinamaan ko siya ng tingin pero kinindatan at tinawanan lang ako.Shokoy sa talaga agad na hinubad ang kanyang mga kasuotan. Naiilang parin ako sa taba at haba ng kanyang saging.“Done eye raping me my wife? Sa'yong sa'yo na yan. Legit na ikaw na ang nagmamay-ari. You can do whatever you want.”Talaga? Pinahintulutan mo ako s
Ihahagis ko na ang bouquet ko kaya pumwesto na ang mga single. Babe halika dito sabay nating ihahagis ang garter at bouquet para maiba naman kaysa nakasanayan. Tumayo na rin ang masunurin kong asawa.“Singles are you ready?”.....si Zhy“Yes! We are all ready.”.....panabay nilang sagot.Atat ang mga single....sigaw ko naman.Ready one! Two! Three.....Kay Justine napunta ang garter at kay ate Angela naman napunta bridal bouquet.Nagsisigaw pa si Ate Angela kasi tinulak siya ni Zhianna para makuha ang bulaklak.“Grabe ka naman Zhianna kung makatulak ka akala mo despirada na akong makuha ang bridal bouquet. Nakita ninyo yun buwis buhay kong natanggap ang bridal bouquet. Atat na silang maikasal ako.”“Kasi natutuyuan at mukhang pasara na ang iyong matris.”....panabay na sigaw nina Queen, Clea, Gracey.“OB-Gyne ba kayo? Baril lang naman ang mga sandata ninyo.”“Get ready na po! Justine lumapit kana dito huwag kang pahalatang takot ka sa amazona.”“Queen, im not afraid to the Amazonas."“T
Uy hala anak ng baklang serina pesti ka Sheen. Saan mo yan nakuha?“Captured from palengke first day na nakita ka ni Zhyk, sa bahay ni Lolo Mariano sa mismong birthday niya. Sa tabing dagat noong tayo ay nag-bonding. Ang ganda mong tingnan dyan at una ka naming makitang kumanta. Umani ng almost 70 million views sa reel ni Justine.Sa hospital habang nasa hospital si baby Zaile dahil nilagnat at nagka- allergy. Sobrang obsessed na iyang asawa mo sa'yo noon pa man. Habang naglalaba ka, nagluluto at naglilinis ka ng bahay. Tumutugtog ka ng guitar habang kasama mo sina Lolo at Lola. Kahit saang anggulo makukuhanan ka niya ng mga stolen photos.”“Ikaw babe huh! Dakilang mambubuso ka pala. Pesti ka baka kinuhanan mo rin ako ng stolen shoot habang tumatae. Tamo oh, mobile mo na hacked nila.”....nagsitawanan ang lahat.Sa math competition ng triplets, sa swimming competition ng apat mong bubuyog.”“Pre, best photographer ka pala bukod sa pagiging engineer, doctor at negosyante mo.”....si Ryan
Congratulations newly wed couple!!!!!Pagkapasok namin sa restaurant/hotel ni Lola sinalubong agad kami ni Tita Lily ng napaka-bonggang pag welcome.Ang asawa ko ay tudo alalay,Waring ayaw na akong mawalay.Akala niya tatahakin namin ay tulay,Natakot na baka ako ay madulas o mapilay.Kung siya ay makaagapay,Akala mo ako ay malambot na tinapay.Gusto ko tuloy maglakad na may pamaypay,Ikimbot ang puwet at kamay ay ikapay-kapay.“Babe why you smiling?”Bakit ba? May fines naba ang pagngiti ngayon?“Ang singit mo naman para kang may regla.”Huwag mong gisingin ang natutulog kong regla babe dahil baka isang linggong mapupurnada ang ana-ana este honeymoon mo.“Huwag naman ganun babe, sayang ang first night natin.”Sayang ka dyan nag-advanced kana nga kagabi eh.Since tanghali na naka serve na ang lunch nang lahat. Nakaupo kami sa harapan. Ang traditional wedding buffet kanya-kanya kuha ng pagkain. Pero sa amin nakahanda na sa mesa na puno ng mga pagkain. Nakakagutom as in nagwawala agad
“Lessery Clarkson Cruz it's your turn.”...sigaw ni Sheen.Queen, wala akong kudigo....I, Lessery Sarreal Clarkson, take you Zyrenity Zhykher Cruz, to be my husband.I promise to never lose our spark and to always do the little things to make you happy. I promise na iipunin ko ang alitaptap ng Saint Martin manatili lang ang spark ng pagmamahal natin.Tangene walang kudigo yarnnnn....sigaw ni Sheen. Bubuhayin pa yata ang mga kaluluwa ng mga makata.Panira ka ng momentum sheen...sigaw ko rin.Hindi ako magaling magluto pero yung lumpia na pusit mukhang sapat na para mapasaya kita. Hayaan mo magpaturo akong magluto sa dalawang baliw na chef.I will always love you no matter what. Kahit kidnapin pa ako at ang ransom ay i-unloved ka hindi ko gagawin.“Yoooohhhhhhoooooo may nananalo na.”..sigaw ni Afzal.I promise to always make you laugh and to laugh together. Kahit magmukha na tayong baliw basta sabay tayong maaaliw.I vow that we will be a family forever.Huwag mo lang dagdagan ng pangal
Zhykher povBakit ba ang tagal nila? Malapit na ang oras ng binyag ng mga bata oh. Napapraning na siya kakatingin ng kanyang relo at sa bukana ng pintuan sa simbahan. Bakit ba kasi nauso yang make-up thingy na yan. Maganda naman ang bride ko kahit walang make-up.“Kailan kapa naging kuripot Zhykher Cruz? Mukhang nagtitipid ka sa gastos ng make-up ah.”.....si Jeremy.“Pre, baka pinatakas na nila si Lessery. Malay natin nagalit pala si Less sa surprisang ginawa natin.”....its AxelDamn it jerk, huwag kang gumawa ng kwento“Hey dude nasa simbahan tayo kaya huwag kang magmura.”....si Afzal“Pre, para kang pusang hindi mapatae. Hindi ka ba nagbawas bago pumunta rito?”....si Gian“Naku huwag na ninyong asarin si kuya Zhyk baka himatayin na yan. Look he is sweating kahit malamig naman ang temperature ng London.”.... komento ng kapatid niyang si Zhiandro“Ayan mahilig kasi sa kape kaya tudo nervous ang resulta.”....si Justine.“At sino naman ang hinahanap ng mga mata mo Justine Araneta?”....s
It's a prank na 'to?Grabeh kayo, baka maglupasay na ako sa tuwa tapos at the end sabay-sabay ninyong isisigaw it's a prank.May cameraman pa at organizer ano ba yan? Please naman, huwag naman na ganitong prank.“Ang OA mo Less, naghihintay na yung groom mo sa loob. Baka isipin na naman nun na itinakas ka namin.”....si Afsheen.Ipinasuot na nila sa akin ang pinakamagandang top ng gown. Bali ang suot ko kanina sa binyag ay ang pang ilalim. May make-up artist din na nagre-retouch ng make-up ko.Kaya pala pariho silang lahat ng gown na suot. Ang mga lukaret naisahan ako, buong team pa talaga ang naging kasabwat. Kaya pala kapag nagsasalita sila kapag may kamuntikan ng madulas tinatakpan kaagad.Isa-isa na silang naglalakad ang maid of honour ko daw ay ni-raffle nila para pair. Ang nabunot nila ay si Ate Reese, di pa sana siya pumayag kasi old maid na daw siya. Kahit 26 palang siya nai-insecure daw siya sa amin. Hindi naman halata ang edad niya dahil sobrang bata ng hitsura niya para lang
"Grabeh ang bakbakan kagabi at talagang tinanghali pa kayo. Worth it ba ang surpresa namin besh?"....si Afsheen Mga siraulo talaga kayo at talagang pinagtitripan nyo pa ako. Alam nyo bang halos hihimatayin na ako sa takot."Halata nga teh kaya halos hihimatayin na rin kami sa kakatawa. First ever in the history na ang isang s--- (sabay na tinakpan ni Clearose at Afsheen ang bibig ni Gracey dahil sa kadaldalan nito.)....ay naging comedy night."....si Gracey Mga walanghiya kayo kulang nalang busuan ninyo kami.“Naku kagabi gusto ko na talagang gibain yung pader para lang makita ang pinsan kong gumigiling ng erotic dance.”...si ate Reese."Naku Less, nanghihinayang pa nga si pareng Jeremy kasi bakit hindi daw namin nilagyan ng CCTV ang lugar kung saan sumasayaw si Zhykher ng erotic dance hahaha."....si Clearose“Less, magaling ba talagang gumiling ang shokoy mo?”....si Afsheen“Si ate Afza parang tanga ang tanong. Magaling ngang bumayo dahil palaging pasok sa banga ang semilya. Pagili
Babe, gising na male-late na tayo sa binyag ng mga babies. Niyapos niya ang nobya at nilalambing para magising. Sobrang napagod ito kagabi kaya tulog na tulog. Na guilty pa siya ng makitang medyo namumula ang dalawang pulsohan dahil sa pagpupumilit na makawala sa tali. Actually si Queen at Clea ang nagbihis at nagtali sa nobya. Wala naman siyang masabi sa set-up ng magkakaibigan dahil napaka romantic nga naman nito. Pati bathtub ay puno ng mga rose petals na talagang pinag-gagadtusan nila. Sabi pa ng mga ito stag party daw nila ito pero ang kaibahan ay silang dalawa lang. At para sa mga kaibigan naging comedy naman ang hatid.Babe, 7 am na late na tayo sa binyag ng quadro natin. Dahan-dahan namang nagdilat ng mga mata ang kanyang nobya kaya nginitian niya ito ng ubod ng tamis.“Ngingiti-ngiti mo dyan naiinis parin ako sa'yo shokoy ka.”Gusto mo tanggalin ko ulit iyang inis mo hmmm. Agad niya itong kinubabawan nobya at pinaghahalikan ang buong mukha. Agad namang tinakpan ni Lessery ang