ILANG MINUTO na lang at alas-siete na at si Helaena na lang ang tao sa bahaging iyon ng building. Pero hindi iyon alintana ng dalaga at patuloy sa tahimik na pag-iyak.
Hindi niya matiyak kung pride nga lang ba ang nasaktan sa kanya o pati na puso. Matagal na siyang niloloko ni Harley at wala siyang kamalay-malay. And if there was one consolation for her, ay iyong hindi niya pagpayag sa gustong mangyari nito na mag-sex sila.
At kaya siya narito pa sa opisina hanggang sa mga sandaling iyon ay dahil hindi niya gustong umuwi at makipag-komprontasyon dito. At wala naman siyang mapupuntahang iba.
Kanina sa restaurant nang magkasalubong ang mga tingin nilang dalawa ni Harley ay kitang-kita niya ang biglang pagkailang nito. Guilt were written all over his face. Siguro ay marahil hindi gaanong mahalata ay tinanguan pa sila ni Keith. But he couldn't have waited to get out of the place as fast as he could.
Kinse minutos pagdating nila ni Keith sa opisina ay agad na tumawag si Harley sa kanya sa pamamagitan ng interphone.
"Helaena," tawag ni Keith na hawak ang receiver at isenenyas sa kanya.
Hindi man sabihin ay alam niyang si Harley ang nasa kabilang linya. Hindi sana niya ito gustong kausapin subalit naunahan siya ni Keith.
"Kausapin mo at tapusin mo ang dapat tapusin."
Mabigat ang mga hakbang na lumapit siya sa mesa ng kaibigan at kinuha ang interphone mula rito.
"Hello..."
"Helaena, let's talk tonight. I will explain," si Harley sa kabilang linya.
"What is there to explain, Harley?" sagot niya sa mahinang boses upang hindi marinig ng ibang mga empleyadong nasa malapit lang. "Maliwanag pa sa sikat ng araw ang panloloko mo sa akin."
Si Keith ay mataktikang tumayo at tinungo ang filing cabinet at kunwari ay may hinahanap.
"Helaena, please..."
"Walang dapat na pag-usapan pa. Wala ka na ring dapat pang ipaliwanag. At ayokong makipag-usap sa iyo..."
Nagsasalita pa ang nasa kabilang linya ay ibinaba na ni Helaena ang telepono. Kung magtatagal pa siyang makipag-usap sa lalaki ay baka maiyak siya. She had been trying to compose herself because of Keith.
Hindi niya gustong ipakita sa kaibigan na labis siyang naapektuhan sa nangyari.
At ngayon nga ay heto siya sa opisina at ibinubuhos ang matinding sama ng loob. Ni hindi niya napupunang pinatay na ng janitor bago ito umalis ang ibang ilaw sa floor na iyon maliban sa ilaw na nasa malapit sa tapat niya at isang nasa may pintuan palabas.
Kasabay ng paghikbi ay muli niyang tinitigan ang ginawang resignation letter kani-kanina lang. She really liked her job pero walang kabuluhang manatili pa. Hindi niya gustong magkikita pa sila ni Harley, sinasadya man o hindi. Niloko siya nito. Kaya pala ganoon na lang ang tanggi nito na sa Hayes Company siya pumasok.
SA FIFTH FLOOR ay nag-iinat na tumayo mula sa pagkakaupo sa high-backed swivel chair niya si David Samonte. Sinulyapan ang relo sa braso. Hindi niya namalayang inabot siya ng ganoong oras sa pag-aaral sa kontrata para sa susunod na project.
Kung sa bagay, hindi na niya kailangang dalhin pa sa bahay ang dokumento. Dito pa lang sa opisina ay naguhitan na niya ang mga clause and paragraphs na dapat niyang ipakipag-usap sa abogado ng kompanya bukas.
Dinampot niya ang attaché case sa mesa at ang susi ng sasakyan at lumabas ng opisina. Kasalukuyan niyang inila-lock ang silid nang mapansin ang guwardiya na nagra-round sa building.
"Good evening, Sir," magalang nitong bati.
Isang tango ang isinagot niya. "Ako na lang ba ang natitira sa building, Vince?" tanong niya na ang ibig sabihin ay ang mga palapag na okupado ng Hayes Company, Inc. Sampung palapag ang building na ito sa may Ortigas at dalawang buong palapag ang okupado ng Hayes Company, Inc.
"May isa pa ho sa personnel, Sir. Nag-o-overtime yata."
Nagsalubong ang mga kilay niya. Overtime? Ano ang ipinao-overtime ni Mauro? Karaniwan na ay ang personnel and hindi gumagawa ng OT sa mga departments ng Hayes. Kapag may bidding na sinasalihan ang kompanya ay lagi nang overtime ang engineering department, a couple from the accounting people, sales at purchasing. Pero hindi ang personnel.
Nagkibit siya ng mga balikat at nagtuluytuloy na sa elevator. Didiinan na lang niya ang buton ng ground floor nang magbago ang isip at sa halip ay ang 4th floor ang napindot. Aalamin niya kung ano ang ginagawa ni Keith. Malamang na si Keith ang naroon dahil karaniwan na ay ito ang nagpapaiwan nang matagal.
SI HELAENA ay nakayupyop pa rin sa mesa niya at patuloy sa marahang paghikbi.
Okupado ang isip at darndarnin nangyari kaninang hapon. Ni hindi niya namamalayan ang marahang paglapit ni David.
Nang tumikhirn ito'y agad ang pag-angat ng ulo niya. At kung hindi niya natakpan agad ang bibig ay baka napasigaw siya sa gulat.
"Hindi kita intensiyong gulatin," pormal na wika ni David. Hinagod ng tingin ang kabuuan ng empleyado. Hindi nito inaasahang hindi si Keith ang nadatnan. Hindi nito kilala ang nasa harap na empleyado. Well, he wasn't actually familiar with the rank and file employees unless they had been with the company for years.
Ang nasa harap niya ay isang dalaga at magandang babae. Unusually pretty with her upturned nose, na namumula na. Sa kaiiyak marahil. Basa pa rin ng luha ang dulo ng mahahabang pilik mata sa kabila ng pagrnamadali nitong punasan ng panyo ang mukha.
Si Helaena ay hinahagod din ng tingin ang lalaki sa harap niya. He could be somebody from another department. He wasn't as tall as Harley who was a six footer. But still, he looked tall dahil tuwid na tuwid kung tumayo. Matipuno ang pangangatawan sa suot na light yellow designer's shirt at soft brown slacks.
Handsome? Lihim na umiling ang dalaga. Hindi iyon ang description na gusto niyang iakrna sa mukhang iyon.
He was too male and too musculine that 'handsome' would sound inappropriate. Parang nililok ng iskultor ang mga anggulo ng mukha. Ang klase ng mukhang imposibleng hindi mo lilingunin at titigan. Dark and prodding eyes. And a very... sensual mouth.
Sensual?
Goodness, Helaena! saway niya sa kanyang sarili. Kaya siya narito sa opisina hanggang ngayon ay dahil ipinaghihimutok niya ang kataksilan ni Harley. Pagkatapos sasabihin niyang sensual ang mga labi ng lalaking ito?
At kailan pa siya nagbigay ng ganoong description sa kanino mang lalaki?
"S-sino ka?" nauutal niyang tanong makalipas ang ilang sandali.
Bahagyang napaangat ang mga kilay ni Daavid sa tanong na iyon. Hindi siya kilala ng empleyadong ito? Imposible. Walang hindi nakakakilala sa kanya sa sariling kompanya lalo at babae— dangerous and predator women for that matter. They were all alike. Mahirap man o may sinasabi sa buhay. He thought cynically.
Hindi siya mayabang pero alam niya ang atraksiyon niya sa opposite sex. Huwag nang idagdag pa ang katayuan niya sa buhay. At hindi niya mapaniwalaang ang babaeng nasa harap niya ay hindi siya kilala?
Alin na lang sa dalawa? Kahapon lang ito na-hire o nagkukunwari upang hindi mapahiya dahil dinatnan niya sa isang hindi komportableng sitwasyon?
"How long have you been in this company?" he asked in his no nonsense tone. Pilit na itinatago ang iritasyon sa tinig dahil sa naiisip na maaaring nagkukunwari ang babaeng hindi siya nakikilala.
"A—a month ago," sagot ni Helaena na nakatingala pa rin sa lalaki.
His brows furrowed. She was his employee for a month at hindi pa rin ito kilala. Hindi makapaniwala ang lalaki. Sino ang babaeng ito at hindi man lang pinagkaabalahang kilalanin ang pinaka-boss ng kompanyang pinagtratrabahuan niya?
Si Helaena ay wala sa loob na dinala sa ilong ang panyo and delicately blew her nose, upang pagluwagin ang paghinga.
Lumalim ang kunot sa noo ni David sa ginawa ng dalaga. Ang iritasyon ay napalitan ng amusement. How could this woman afford to look so unaffected and natural?
Kung ibang babae pa iyon ay natitiyak nitong hindi hihinto sa kagagalaw ng buhok patalikod and would try so hard to look very pretty. Ang isang ito ay mugto pa ang mga mata at nakuha pang suminga.
She didn't probably notice, too, that her hair was dishevelled. Though it only added attraction to the already beautiful face.
He cleared his throat. "Why are you here in this semi-darkened room crying your heart out?" muli nitong tanong. "Alam mo bang maliban sa akin ay nag-iisa ka na lang sa buong building. "
Hindi sumagot si Helaena. Paano niyang sasabihin sa estrangherong itong hindi niya napansin ang oras? Isa pa ay saan siya pupunta ngayon? Hindi niya gustong umuwi at harapin si Harley. At sana ay nakiusap na lang siya kay Keith na doon muna sa kanila kahit ngayong gabi lang. Natitiyak niyang hindi siya tatanggihan ng kaibigan.
Kitang-kita ni David ang paghahalili ng emosyon sa mukha ng dalaga. And for the life of him, he was intrigued! He never bothered himself with his employees' personal problems before, malibang direktang sangkot ang kompanya. "Ano ang problema mo?Were you harassed by your co-employees?" Mabilis na umiling ang dalaga. "H-hindi sa ganoon... it's personal." Sa wakas ay nakahagilap siya ng sasabihin. Nag-angat siya ng mukha at tiningala ang lalaki. Suddenly, nakadama siya ng panganib. Kung saan man nanggaling ang damdaming iyon ay hindi niya alam. Subalit hindi panganib na baka siya gawan ng masama nito. Natitiyak niyang hindi gagawin ng lalaki iyon. But she felt it in her bones that this man was dangerous. Kung saan ay hindi niya matukoy. Kumuha ng silya si David at naupo roon. "Care to tell me about it?" Nangunot ang noo ng dalaga. "About what?" Nagkibit ng mga balikat si David. "Kung ano man ang problema mo?" "Why should I do that?" May bahagyang iritasyon siyang nadama. She thoug
IMPOSIBLE! Naghuhumiyaw iyon sa isip ni Helaena. Kinakabahang nag-angat siya ng mukha upang tumitig sa lalaki. His eyes danced in silent amusement confirming her thoughts. "H-hindi ikaw si..." Umiling siya. "N-no..." She stammered. "You can call me David, my friends do. Mr. Samonte lang ako rito sa opisina," walang anumang wika ng lalaki. "Oh!" Clutching her bag, she closed her eyes at nanlulumong napasandal sa dingding. How could she be so stupid na ipagkamaling ordinaryong empleyado ang lalaking ito'? No one in her right mind would think so. Nothing in this man was ordinary. But then she was not in her right mind, was she? Bukod doon ay hindi pa naman talaga niya nakikita si Mr. Samonte. Kung si Harley nga minsan lang naman sila magkita, maliban kung pareho nilang bababain o aakyatin ang isa't isa'y tsansa nang magkita sila sa elevator o sa canteen o hindi kaya ay sa company parking area, ang David pa kayang ito? "Ano ang ibig sabihin ng 'oh' na iyan?" amused nitong tanong. An
"Ano ang gusto mo?" tanong ni David sa kanya. "Or you preferred that I order for you?" "Kung... ano ang gusto mo," sagot niya kasabay ng paghinga nang malalim. Gusto niyang umalma kung hindi lang siya magmumukhang gaga sa harap ng waiter. David smiled. Alam nitong nanggigigil siya sa inis pero hindi makapalag. He couldn't remember forcing any woman to join him for dinner. And he was amused by the novelty of it. Tumingala ito sa waiter. "T-bone. Medium rare sa akin, well-done for the lady. French orange juice and scotch, double." Pagkaalis ng waiter ay inikot ng dalaga ang paningin sa loob ng restaurant upang huwag lang matuon sa lalaki ang paningin niya. Sa kabila ng inis ay may iba pang damdaming sumasalit at hindi niya iyon mabigyan ng pangalan. "Relax, Lena," banayad na sabi ni David. "Kakain lang tayo at pagkatapos ay ihahatid na kita pauwi sa inyo." Isang buntong-hininga pa uli ang pinakawalan ng dalaga at sinikap na ang sarili sa kabila ng alam niyang nasa kanya nakatuon ang
NAPAAWANG ang mga labi ni helaena sa narinig. Tiniyak na hindi niya ito napakinggan nang mabuti. "I—I beg your pardon? "1 want you to be my girl" ulit ni David. "You are joking, Mr. Samonte. At hindi ako natatawa. " "Totoo sa loob ko ang sinasabi ko I want you to be my girl. And at the risk of being accused as conceited, I am a better Catch than Harley, aren't I?" She was speechless. For a few seconds she was gaping at him. "Hey, I am only asking you to be my girl. Hindi kita pinatatalon sa building ngopisina," wika ni David, an indulgent smile on his lips. "W-why would you want to do that?" Bale-walang nagkibit ng mga balikat si David. "Perhaps I have developed an instant fondness for you." His eyes held hers and he had this feeling that what he said was true. He liked her. She almost rolled her eyes in disbelief. "Pinatatalon mo ba ako sa proverbial frying pan para mapunta sa apoy?" Tumaas ang sulok ng bibig ni David. "Isang buwan ka pa lang sa opisina. At kanina lang tayo
NANUNURI ang mga matang matiim na tinitigan ni Keith si Helaena. Hindi naman malaman ng dalaga kung paano sasalubungin ang mga mata ng kaibigan. "Pinapapanhik ka sa office ni David. May alam ka ba kung bakit?" "B-bakit daw?" "I am asking you." She shook her head hoping Keith couldn't see through her. "I—I have no idea." Nakatitig pa rin si Keith sa kanya. "I find it unusual, Helaena. Hindi ka ipatatawag ni David nang ganoon lang kung hindi ka niya kilala, And you're not acting as if you were surprised that the boss wanted to see you." "Keith..." Huminga nang malalim si Keitj at iwinasiwas ang kamay. "Don't tell me another surprise, Helaena, na matagal mo nang kilala si David bago ka pa napasok sa opisinang ito." "N-no." Umiling siya at tumayo. "Saka ko na sasabihin sa iyo. In the meantime, saang banda ang office ni David, sa fifth floor ba?" "Engineering muna. Itanong mo sa mga empleyado sa itaas. Lumakad ka na" Tumango ang dalaga at lumabas ng personnel. Ginamit niya ang h
DAHAN-DAHANG lumapat sa mga labi ni Helaena ang mga labi ni David. Soft yet firm.Warm and passionate. And he was tasting each corner of her lips with wet kisses. Suckling her lower lip gently. Hindi nagmamadali. Binibigyan siya ng pagkakataong damhin din ito. Hindi tulad ni Harley na hindi niya malaman kung saan ibabaling ang mukha. "I want to kiss you properly, Lena," he murmured in her lips. "Part your mouth for me, darling." She did and David plunged his tongue inside her mouth. At may pakiramdam si Helaena na matutunaw siya anumang sandali. Tinakasan ang buong katawan niya ang lahat ng lakas. Now she knew what the line of a song meant: 'when I kiss your lips, I feel the rolling thunder on my fingertips... ' David was taking his time in exploring her mouth with expertise. His tongue searching... playing and tasting. At hindi makapaniwala si Helaena na sa kanya nanggagaling ang ungol na naririnig niya. She never moaned with Harley! Kung gaano katagal inangkin ni David ang mga la
ALAS-SAIS pasado na nang bumaba si Helaena sa parking area dahil iyon ang sinabi ni David sa intercom. May business associate pa itong dumating ng bandang alas singko. Para kay Helaena ay mas mabuting pagabi na nga ang pagbaba niya upang walang mga ka-opisinang maaaring makakita sa kanila. Nakabukas na ang pinto ng Mercedes Benz ni David paglapit niya. Sumakay siya at isinara ang pinto. She winced inwardly. Para siyang mistress. Ang kaibahan ay walang asawa si David. "Saan tayo pupunta?" may kaba at anticipation sa dibdib niya sa tanong na iyon. Hindi agad sumagot si David. Ginagap ang kamay niya at dinala sa bibig and tongue kissed her palm. Nanlaki ang mga matang biglang binawi ni Helaena ang kamay. Tila live wire ang dumampi sa kamay ng dalaga. Nangingiting nilingon siya ni David sa ginawi niya. "Why? Don't you like it?" She cleared her throat twice, bago sumagot. "Uhm... It's... It's sensuous..." She groaned inwardly. Saan ba galing ang salitang lumabas sa bibig niya? Nanunuk
"NAGUGULUHAN AKO. I'm having doubts kung talagang sa kaibigan mo ang unit na ito o nirerentahan mo o pag-aari mo. Basta mo na lang ako dinala at pinatira dito in no time at all. Ngayon, pati grocery ko ay gusto mong ikaw ang bumili. I wouldn't be surprised if one of these days ay bibigyan mo ako ng pera." Akmang magsasalita si David subalit nagpatuloy ang dalaga. "Please don't, David. Pakiramdam ko ba ay isa akong itinatagong babae. Kung puwede nga lang ay sa room for rent na lang ako tumira," she said wearily. Nagbuntong-hininga si David. "I'm sorry, Lena. Kung 'yan ang naramdaman mo. I was just so excited to do all these things for you. Maniwala ka man o hindi ay wala pa akong ginawan ng ganito kundi ikaw. I didn't mean to offend you. Honestly" "Dahil ako lang ang mahirap sa lahat ng naging girlfriends mo, ganoon ba?" Bahagya siyang nakadama ng habag sa sarili roon. But she dismissed the thought immediately. "Inakala mo bang mao-overwhelmed ako sa lahat ng luxury na ito? Well, I
PUMARADA ang itim na Hummer sa harap ng isang kubo. Mula roon ay lumabas si Zion. Tinanguan nito ang driver. "Hintayin mo ako..." Lumakad ito patungo sa kubo at kumatok. Isang babae ang nagbukas ng pinto. Zion smiled at her. Bumati ng magandang hapon. Kung hindi siya nagkakamali ay nasa mid-thirties ang lalaking iyon. She was undeniably handsome. lyon ay sa kabila ng lumang kasuotan at buhok na mahigpit na nakatali sa likod. She had dark eyes. Makakapal na pilikmata na nakita niya kay Leo. Umangat ang paningin ng babae sa multimillion vehicle. Tiyak na iyon ang unang pagkakataong may nakitang ganoong sasakyan sa lugar na iyon. Zion didn't want to use the Hummer. It's like showing off unnecessarily. Pero nagpilit ang kanyang Lolo na si Franz Samonte dahil walang ibang sasakyang naroroon kundi ang sasakyan lang ng kanyang daddy. Ang fourwheel drive ng lolo niya naman ay gamit ng kanyang Lola Bea at Lola Leoncia niya na nagtungo sa kabisera. The two grandmas hit it off like house on f
Sl KENT ang nakipag-usap sa mga pulis sa ibaba. Ipinangakong tutungo sa presinto ang lahat sa kinabukasan upang magbigay ng statement. Ang medic ng hotel ay pumanhik upang tingnan ang sugat ni David sa noo.The gun only winged him, na sana'y tatama kay Zion kung hindi sa mabilis niyang pagtakbo sa anak. The distance was too close at tatama si Nicole kahit hindi ito sharpshooter. Ang paglitaw tiyak ni David ang sandaling nagpalito rito. Ayon sa medic ay talagang madugo ang sugat sa ulo. Gayunpaman ay ipinayong magtungo si David sa kalapit na ER.But David wouldn't hear of it. Kahit na nagpipilit ang pamilya nito. Tama na ang ginawang first aid ng medic at ang pagbenda sa ulo nito.Si Grant ay tulalang nakaupo sa isa sa mga naroroong stuffed chair. Hawak nito ang brasong tumama sa gilid ng dingding nang ibalandra ito ni Nicole.Sinakop ng mga bisig ni David si Helaena.Mariing hinagkan sa buhok. "I'm so sorry, baby. I am so sorry. Hindi ko kayang isipin kung nahuli ako ng isang segundo.
HINILA ni Helaena ang silya upang maupo nang marinig niya ang sliding door na bumukas. Baka ang isa sa mga waiter at may nalimutang dalhin. She craned her neck toward the living room. Nagsalubong ang mga kilay niya nang makilala ang pumasok.Alaina met her yesterday. llang beses niyangsinikap na maalala ito subalit nabigo siya."Hello, Helaena. It's late for breakfast. Kunsabagay ay ganyan naman ang mga mayayaman, 'di ba?"Helaena frowned at the tone of her unwanted visitor's voice. Hindi tiyak naitulak pasara ng mga waiter ang gate nang bumaba ang mga ito sa eleventh floor. The gate would lock automatically.Umangat ang mga kilay ni Nicole, as if reading her thoughts. "Naabutan ko ang mga waiter, Helaena. Ang isa sa kanila ay malapad pang binuksan ang gate para sa akin. At kahit pa nakasara na ang gate, you would open it for me. Wouldn't you?"Hindi mapapasubalian ni Helaena ang sinabi nito. Pero hindi niya isinatinig ang nasa isip.Nicole looked around. Then her eyes went back to He
MAKAHAS nyang amampot ang cell pnone sa Ikaapat na ring nito. "Hello!" she snapped. Ang tiyahin niya ang nasa linya. "Tiyakin mong may maganda kang balita sa akin. Is Helaena dead? I hope hindi ninyo gaanong sinaktan si David.""N-nahuli si Pancho at ang mga tao niya," nanginginig ang tinig at puno ng takot na sabi ni Asunta."Ano!" Pahablot nitong inalis ang kumot na nakatabing sa katawan at bumangon. Kasabay ng matinding tambol sa dibdib niya. " Paanong nangyari?""N-nasa loob ako ng sasakyan sa kabilang bahagi ng kalye. Nakaparada ang van sa isang walang-taong bahay at naghihintay sa kanila. Nakita kong biglang nagliwanag ang buong kabahayan ng mga Samonte. Kinabahan na ako."Hindi lumalabas ng bahay Sina Pancho at dalawang kasama. Kalahating oras ang nakalipas nang may dumating na itim na sasakyan at kinuha mula sa loob Sina Pancho. At hindi ko matiyak kung si Pancho ang pinagtulungang buhatin ng mga lalaki!" Humagulhol na si Asunta.Hindi agad siya makapagsalita sa pinagsamang ka
"SA MARTES ng umaga ang uwi ni David at Helaena sa bahay nila," wika niya sa kausap sa telepono. "Sa hapon ang meeting. Maghanda ka. Pasukin mo ang bahay pagdating ng hatinggabi at patayin si Helaena.Saktan mo si David pero huwag mong papatayin. "Palabasin mong pagnanakaw ang motibo.""Linggo na ng gabi ngayon. Masyado naman yatang apurahan iyan.""May dalawang araw ka, Pancho. Kailangan mong gawin dahil baka wala na tayong pagkakataon. David will leave the country with Helaena!" Nagpupuyos ang dibdib niya sa matinding poot."Sa subdivision pa lang ay mahihirapan na ako. Paano pa kaya ang bahay na natitiyak kong may security guard?""Sa Neopolitan ang bahay ni David. Hindi mahirap pasukin dahil open space at layo-layo ang mga bahay.lyong security guard sa bahay niya ay madali.Patulugin mo. Isingit mo sa ilalim ng gate. Natitiyak kong may tatlong bodyguards si David na parati niyang kasama. Hindi nila aasahan ang pagdating ninyo. You have the element of surprise. Alam mo dapat ang g
MAY PAKIRAMDAM si Helaena na inaasahan ni David na makikilala o maaalala niya ang pangalang binanggit nito. Tulad din ng banggitin nito ang pangalan nghuling tumawag."Should I know this Nicole Bartolome?""Kilala mo siya. She had been my father's kasosyo when we first met. A couple of years older than you."Something flickered in her eyes. Not recognition, but something akin to jealousy. Sa tinig ni David ay parang may kinalaman sa buhay nito ang pangalang binanggit.Tumayo siya. Self-consciously, itinapi sa katawan ang kumot. But not before David took a glimpse of his wife's nudity.Hindi kataasan si Helaena. But she was slim. Not modelslim though. But with curves at the right places. She was forty-three now but she still had the body of a goddess. The ugly scar on her arm and the one that was so prominent on her leg didn't even mar her beauty.Ipaaalala niya sa sariling aalukin niya ang asawa kung gugustuhin nitong ipa-plastic surgery ang malaki at malalim na Pilat sa braso at bin
WITH a smile, lumakad siya pabalik sa silid. Gising na si Helaena at nakangiti sa kanya, the white sheet wrapping around her body. His heart took an overdrive. It was the same smile he remembered of her always.A seductive, dazzling, morning-after smile that not even she was aware of it. The kind of smilethat drove a man crazy. And his wife drove him crazy that he wanted to be inside her again.For crying out loud, they were not young people anymore! But then, he found his intense desire for his wife a novelty after almost fifteen years. At namamangha siya sa sarili kung saan siya kumuha ng lakas.Nang matitigan nito ang kahubdan niya ay namula ang mga pisngi at bahagyang iniwas ang mga mata sa kanya. David had always loved her when she blushed."You'll caught pneumonia, David. It's too cold outside," naiilang nitong sabi"Labis ang init na naipon sa katawan ko mula pa kagabi, darling. And right now, I am so hot! Isn't it obvious?" he teased, niyuko ang ibabang katawan.Tuluyan nang p
TUNOG ng cell phone niya ang gumising kay David. Kinapa niya iyon sa sidetable at sinagot. "Hold on..." aniya sa mouthpiece without looking at the caller ID.Nilingon niya si Helaena na bahagyang umungol pero muli ring nagbalik sa pagtulog. He smiled softly, bent his head and planted a soft kiss on her slightly parted lips. Mag-uumaga na nang patulugin niya ang asawa. Nagpahinga lang siya nang sandali at pagkatapos ay muli itong inangkin.Hindi siya makapaniwalang inibig niya ito sa buong magdamag. More than twice. Para siyang bagong nagbibinata sa pananabik niya rito. Nagising siya sa kalagitnaan ng gabi at muli av inangkin niva ito. Helaena let down her guard last night. It was the same Helaena in bed fifteen years ago. Passionate. Almost wanton.At pagkalipas ng mga taon, sa ikalawang pagkakataon mula kagabi ay nakatulog siya nang mahimbing habang yakap ang asawa. Mahigpit na yakap na para bang natatakot siyang paggising niya sa kinabukasan ay maglaho itong parang bula.Tumayo siya
"HEY..."Mula sa pagkakatitig sa kadiliman sa labas ay lumingon si Helaena. Nakatayo sa entrada ng balkonahe si David. Nakasandal ito sa hamba ng French door. Tanging tuwalya ang tumatapi sa ibabang bahagi ng katawan nito.Helaena's heart stopped at the sight of his nakedness. Kapagkuwa'y muli ring nagsimulang tumibok, erratically this time. The man was incredibly gorgeous.David was in his late forties. But every inch of him finely chiseled muscle and flesh. Napanood na niya ang ilang video nilang dalawa noong bago silang kasal. Sa bawat kinunang larawan, bawat kuwadro ay nagpapahiwatig ng pag-ibig niya sa lalaking ito.Natitiyak niya ring walang babaeng hindi magnanais na mapansin nito ano man ang edad. He was truly handsome the rugged way. Ang mga hibla ng buhok na nagsisimula nang mamuti sa magkabilang sintido nito ay karagdagan lamang sa atraksiyon ni David.Humakbang si David at niyakap siya mula sa likuran at hinagkan ang ibabaw ng ulo niya. Nalalanghap niya mula rito ang amoy