"THAT is ridiculous, Nicole! Ano na lang ang sasabihin ng Ina ni David?" si Mr. Bartolome na hinubad ang salamin sa mata.Nagkibit ng mga balikat ang dalaga. Brushed his father's suit for an imaginary dust."I'll handle him," puno ng kumpiyansa ang tinig ng boses niya. "Hindi ba gusto ninyong mapangasawa ko si David, Daddy?""Totoo iyon. And you almost did but you blew it away." Galit at panghihinayang ang nasa tinig ng matandang lalaki. "Dahil hindi ko maintindihan kung bakit noong magkasintahan na kayo ay pumapatol ka pa sa ibang lalaki!" "At pinagsisisihan ko na iyon, Daddy. Ipinangangako ko sa iyong makakasal na kaming tuluyan sa sandaling magkabalikan kami ni David. Kaya nga sinasabi ko sa inyo ang balak ko para kung saka-sakaling tawagan ka ng Ama niya ay hindi ka mabigla. At ako ang bahala doon.""Ano ang kinalaman ng bagong empleyado sa pagnanais mong mabalik uli ang pagtingin ni David sa iyo?"Nagkibit siya ngmga balikat. ''Nag-aalala akong baka mahulog ang loob ni David sa
NAGSALUBONG ang mga kilay ng personnel manager matapos sabihin ni Nicole ang sadya rito."I couldn't do that, Nicole. Maayos ang performance ni Miss Helaena. Besides, magli-leave na si Yvonne in less than two weeks from now."Humugot muna ng sigarilyo ang dalaga at nagsindi bago nagsalita. "Ang Daddy ang may gustong iparating ko sa iyo iyan, Sebastian. At isa pa ay nariyan naman si Fauna. Mas matagal na rito iyan kaysa kay Helaena. At may mga iba pang clerk na matagal na sa kompanya, habang nagpapa-advertise kang muli ng reliever." She blew her smoke, uncaring kung gustong maubo ng matandang lalaki."I do not understand this, Nicole. Ano ba ang naging problema ni Helaena? Puro papuri ang naririnig kong sinasabi ni Yvonne sa kanya." Magkadikit na ang mga kilay ni Sebastian sa pagkakatitig kay Nicole.Hindi iyon ang unang pagkakataong lumapit ang dalaga sa kanya at sabihing i-terminate si ganito at si ganoon. At wala naman siyang magagawa, bise-presidente ng finance ang ama nito. At tuw
BUMALANDRA sa sahig ang dalaga. Sindak na napatingala sa lalaki habang dinadama ng kamay ang pisnging nasaktan. Agad na tumayo nang humakbang si Harley palapit. "Kunwari ka pa na dinaig si maria clara sa pagiging mahinhin at ayaw ng premarital sex, iyon pala ay maghahanap ka lang ng mapera!" singhal nito."H-harley, nagkakamali ka ng akala.""Nakisama ka kay David dahil mayaman siya 'di ba!" "M-mahal... mahal ko si David, Harley. Hindi dahil may pera siya." Sa nanlalaking mga mata ay nakuhang mangatwiran ni Helaena. Hindi niya mapaniwalaang ito ang uri ng lalaking minsan ay minahal niya. At lalong hindi niya mapaniwalaang kaya siya nitong saktan siya.Lalong nagdilim ang mukha ng lalaki. "Mahal? My ass! At isiping halos para akong sira-ulong laging nakikiusap sa iyong sumama ka sa akin sa motel. Magkano ang ibinayad ni David sa iyo, Helaena? ""H-harley naman... please. Hindi ako binayaran ni David..." Napaatras siya nang humakbang ito palapit. Natatakot siya sa anyo nito. Akma siya
Nag-angat ng mukha si David at nang makita nito ang nag-iisang luhang umagos mula sa sulok ng mga mata ni Helaena ay sandali itong natigilan.Pero sandali lang iyon at muli ay pinaglakbay nito ang mga kamay sa katawan niya. Somehow, in between the roughness, may kakaibang damdaming gustong mangibabaw sa kanya. Sensations she didn't understand, dahil hindi niya dapat maramdaman iyon sa paraan nito ng pakikipagtalik sa kanya.But her pride wouldn't let it surface. David was taking her by force and anger. She couldn't give him the satisfaction of giving herself that easy; by succumbing to her baser feelings for this man.Because deep inside her heart, she loved him. Natanto niya iyon sa mismong sandaling iyon.When her heart ached for him. Magagawa nitong makipagtalik sa kanya sa tamang paraan subalit mas pinili ni David ang ganito upang sadya siyang saktan at parusahan."Mali ka nang iniisip sa akin, David... Hindi gano'n yun, makinig ka naman sa akin, oh..." pagsusumamo niya sa huling
SHE LAY in his arms sleepily. She was too tired. Mula sa panlalaban kay Harley at sa pananakit nito; mula sa naunang tensiyon sa pagitan nila ni David; and from that long, sweet and slow lovemaking they just shared.Though she was confused because she wanted more. Maliban sa pisikal na sakit na unti-unting nagmamaliw, there was that ache that wouldn't go away.Ganoon pa man, puno ng kasiyahan ang dibdib niya sa kabila ng lahat.The sound of her heartbeat still loud in her ears, or was it David's? Dumarami ang mga hindi nasasabi ngunit malalim na nararamdaman. Habang siya naman ay nakahimlay sa mga bisig ni David, tila ba naglalaro ang mga alaala ng mga sandaling iyon sa kanyang isipan.Nararamdaman niya ang paghalik ni David sa ibabaw ng ulo niya; ang pagbabataas ng kamay nito sa likod niya, caressing her softly.She found she could not believe that they had become intertwined, as one. She yawned and she raised her fingers to touch his cheek. She felt the roughness of his jaw, sanhi n
MGA HALIK pa rin nito ang gumising sa kanya makalipas ang mahabang oras ng pamamahinga.Agad ang pagmulat niya ng mga mata; ang pag-ikot ng paningin sa buong silid. Niyuko niya ang sahig kung saan alam niyang doon inihagis ni David ang mga kasuutan kagabi. Wala ang mga iyon. Ganoon din ang sapatos at medyas nito.Ganoon din ang amoy ng perfume nitong naiwan pa sa mga bedsheets at sa katawan niya."Hello, My princess" Nakangiti itong nakatunghay sa kanya, nangingislap ang mga mata. "Akala ko pa naman kuwentong pambata lang iyon. Hindi ko akalaing halik ko lang pala ang gigising sa iyo.""K-kanina ka pa gising?" she asked huskily.Marahang natawa si David. "Baby, galing na ako sa bangko sa bayan. Nakapagpasuweldo na rin ng mga tao sa dalawang asyenda." Namilog ang mga mata niya. "A-anong oras na?""Alas-kuwatro y media."Mabilis siyang bumangon. Bakit hindi siya ginising ni David? Hindi niya gustong mag-absent lalo na at nakikita niyang nahihirapan na sa pagkilus-kilos si Yvonne. At mar
TINAKPAN ng gabing iyon ang karahasan nang nagdaang gabi. Sa buong magdamag ay dalawang beses siyang nagising sa maiinit na halik mula kay David. At muli at muli ay nagpaubaya siya. Muli at muli rin ay dinala siya ni David sa dako pa roon ng kaligayahang walang katulad. Narinig na niya ang tilaok ng mga manok at nasisilip na ni Helaena mula sa kanyang bintana ang liwanag ng araw na nagsisimulang umahon mula sa mga bundok. Napansin niyang wala si David sa tabi niya.Bumangon siya at napahinto siya sa tapat ng tokador at napansin ang note na iniwan ng binata para sa kanya. Sa tabi niyon ay may ilang one thousand bills. Dinampot niya ang mensahe at binasa.Huwag ka nang pumasok. I've left some money.Do some shopping. May sorpresa ako sa iyo.SA OPISINA ay hindi naman mapalagay si Yvone. Tina-tap ng ball pen ang mesa nang muli siyang tawagin ni Sir Sebastian."Another termination, Yvonne," wika nito nang sumungaw siya sa pinto ng silid ng manager. "Please type another notice."" P-para
"Nag-iisip ka na naman diyan sa ilalim ng punongduhat," si Duane na walang-ingay na nakalapit. "Ano ba talaga ang problema mo, Lae."Nilingon ni Helaena ang pinagmulan ng malalim na tinig. Ang kababatang si Duane.Lae. lyon ang tawag sa kanya ng kababata. Kahit ang mga magulang at mga kamag-anak niya. Pero mas matamis sa pandinig niya ang pangalang itinatawag sa kanya ni David.Helaena.She hid the pain at nginitian ang kababata at dating manliligaw. "Napasyal ka, Duane."Hindi ito nagsawang sulatan siya sa Maynila noon kahit na sinabi na niyang may boyfriend na siya. Si Harley nga.Magandang lalaki at matanda lang marahil sa kanya si Duane nang tatlong taon. May kabuhayan sa bayang ito ang mga magulang. May prutasan at pribadong beach. Galing sa mabuting pamilya. Sila marahil ang naging magkasintahan kung nanatili siya rito sa bayan nila."Dinalhan kita ng sariwang tulingan. May dumaong na bangka kaninang madaling-araw nang maghatid kami ni Tatang ng paninda sa palengke. Tutulungan k
PUMARADA ang itim na Hummer sa harap ng isang kubo. Mula roon ay lumabas si Zion. Tinanguan nito ang driver. "Hintayin mo ako..." Lumakad ito patungo sa kubo at kumatok. Isang babae ang nagbukas ng pinto. Zion smiled at her. Bumati ng magandang hapon. Kung hindi siya nagkakamali ay nasa mid-thirties ang lalaking iyon. She was undeniably handsome. lyon ay sa kabila ng lumang kasuotan at buhok na mahigpit na nakatali sa likod. She had dark eyes. Makakapal na pilikmata na nakita niya kay Leo. Umangat ang paningin ng babae sa multimillion vehicle. Tiyak na iyon ang unang pagkakataong may nakitang ganoong sasakyan sa lugar na iyon. Zion didn't want to use the Hummer. It's like showing off unnecessarily. Pero nagpilit ang kanyang Lolo na si Franz Samonte dahil walang ibang sasakyang naroroon kundi ang sasakyan lang ng kanyang daddy. Ang fourwheel drive ng lolo niya naman ay gamit ng kanyang Lola Bea at Lola Leoncia niya na nagtungo sa kabisera. The two grandmas hit it off like house on f
Sl KENT ang nakipag-usap sa mga pulis sa ibaba. Ipinangakong tutungo sa presinto ang lahat sa kinabukasan upang magbigay ng statement. Ang medic ng hotel ay pumanhik upang tingnan ang sugat ni David sa noo.The gun only winged him, na sana'y tatama kay Zion kung hindi sa mabilis niyang pagtakbo sa anak. The distance was too close at tatama si Nicole kahit hindi ito sharpshooter. Ang paglitaw tiyak ni David ang sandaling nagpalito rito. Ayon sa medic ay talagang madugo ang sugat sa ulo. Gayunpaman ay ipinayong magtungo si David sa kalapit na ER.But David wouldn't hear of it. Kahit na nagpipilit ang pamilya nito. Tama na ang ginawang first aid ng medic at ang pagbenda sa ulo nito.Si Grant ay tulalang nakaupo sa isa sa mga naroroong stuffed chair. Hawak nito ang brasong tumama sa gilid ng dingding nang ibalandra ito ni Nicole.Sinakop ng mga bisig ni David si Helaena.Mariing hinagkan sa buhok. "I'm so sorry, baby. I am so sorry. Hindi ko kayang isipin kung nahuli ako ng isang segundo.
HINILA ni Helaena ang silya upang maupo nang marinig niya ang sliding door na bumukas. Baka ang isa sa mga waiter at may nalimutang dalhin. She craned her neck toward the living room. Nagsalubong ang mga kilay niya nang makilala ang pumasok.Alaina met her yesterday. llang beses niyangsinikap na maalala ito subalit nabigo siya."Hello, Helaena. It's late for breakfast. Kunsabagay ay ganyan naman ang mga mayayaman, 'di ba?"Helaena frowned at the tone of her unwanted visitor's voice. Hindi tiyak naitulak pasara ng mga waiter ang gate nang bumaba ang mga ito sa eleventh floor. The gate would lock automatically.Umangat ang mga kilay ni Nicole, as if reading her thoughts. "Naabutan ko ang mga waiter, Helaena. Ang isa sa kanila ay malapad pang binuksan ang gate para sa akin. At kahit pa nakasara na ang gate, you would open it for me. Wouldn't you?"Hindi mapapasubalian ni Helaena ang sinabi nito. Pero hindi niya isinatinig ang nasa isip.Nicole looked around. Then her eyes went back to He
MAKAHAS nyang amampot ang cell pnone sa Ikaapat na ring nito. "Hello!" she snapped. Ang tiyahin niya ang nasa linya. "Tiyakin mong may maganda kang balita sa akin. Is Helaena dead? I hope hindi ninyo gaanong sinaktan si David.""N-nahuli si Pancho at ang mga tao niya," nanginginig ang tinig at puno ng takot na sabi ni Asunta."Ano!" Pahablot nitong inalis ang kumot na nakatabing sa katawan at bumangon. Kasabay ng matinding tambol sa dibdib niya. " Paanong nangyari?""N-nasa loob ako ng sasakyan sa kabilang bahagi ng kalye. Nakaparada ang van sa isang walang-taong bahay at naghihintay sa kanila. Nakita kong biglang nagliwanag ang buong kabahayan ng mga Samonte. Kinabahan na ako."Hindi lumalabas ng bahay Sina Pancho at dalawang kasama. Kalahating oras ang nakalipas nang may dumating na itim na sasakyan at kinuha mula sa loob Sina Pancho. At hindi ko matiyak kung si Pancho ang pinagtulungang buhatin ng mga lalaki!" Humagulhol na si Asunta.Hindi agad siya makapagsalita sa pinagsamang ka
"SA MARTES ng umaga ang uwi ni David at Helaena sa bahay nila," wika niya sa kausap sa telepono. "Sa hapon ang meeting. Maghanda ka. Pasukin mo ang bahay pagdating ng hatinggabi at patayin si Helaena.Saktan mo si David pero huwag mong papatayin. "Palabasin mong pagnanakaw ang motibo.""Linggo na ng gabi ngayon. Masyado naman yatang apurahan iyan.""May dalawang araw ka, Pancho. Kailangan mong gawin dahil baka wala na tayong pagkakataon. David will leave the country with Helaena!" Nagpupuyos ang dibdib niya sa matinding poot."Sa subdivision pa lang ay mahihirapan na ako. Paano pa kaya ang bahay na natitiyak kong may security guard?""Sa Neopolitan ang bahay ni David. Hindi mahirap pasukin dahil open space at layo-layo ang mga bahay.lyong security guard sa bahay niya ay madali.Patulugin mo. Isingit mo sa ilalim ng gate. Natitiyak kong may tatlong bodyguards si David na parati niyang kasama. Hindi nila aasahan ang pagdating ninyo. You have the element of surprise. Alam mo dapat ang g
MAY PAKIRAMDAM si Helaena na inaasahan ni David na makikilala o maaalala niya ang pangalang binanggit nito. Tulad din ng banggitin nito ang pangalan nghuling tumawag."Should I know this Nicole Bartolome?""Kilala mo siya. She had been my father's kasosyo when we first met. A couple of years older than you."Something flickered in her eyes. Not recognition, but something akin to jealousy. Sa tinig ni David ay parang may kinalaman sa buhay nito ang pangalang binanggit.Tumayo siya. Self-consciously, itinapi sa katawan ang kumot. But not before David took a glimpse of his wife's nudity.Hindi kataasan si Helaena. But she was slim. Not modelslim though. But with curves at the right places. She was forty-three now but she still had the body of a goddess. The ugly scar on her arm and the one that was so prominent on her leg didn't even mar her beauty.Ipaaalala niya sa sariling aalukin niya ang asawa kung gugustuhin nitong ipa-plastic surgery ang malaki at malalim na Pilat sa braso at bin
WITH a smile, lumakad siya pabalik sa silid. Gising na si Helaena at nakangiti sa kanya, the white sheet wrapping around her body. His heart took an overdrive. It was the same smile he remembered of her always.A seductive, dazzling, morning-after smile that not even she was aware of it. The kind of smilethat drove a man crazy. And his wife drove him crazy that he wanted to be inside her again.For crying out loud, they were not young people anymore! But then, he found his intense desire for his wife a novelty after almost fifteen years. At namamangha siya sa sarili kung saan siya kumuha ng lakas.Nang matitigan nito ang kahubdan niya ay namula ang mga pisngi at bahagyang iniwas ang mga mata sa kanya. David had always loved her when she blushed."You'll caught pneumonia, David. It's too cold outside," naiilang nitong sabi"Labis ang init na naipon sa katawan ko mula pa kagabi, darling. And right now, I am so hot! Isn't it obvious?" he teased, niyuko ang ibabang katawan.Tuluyan nang p
TUNOG ng cell phone niya ang gumising kay David. Kinapa niya iyon sa sidetable at sinagot. "Hold on..." aniya sa mouthpiece without looking at the caller ID.Nilingon niya si Helaena na bahagyang umungol pero muli ring nagbalik sa pagtulog. He smiled softly, bent his head and planted a soft kiss on her slightly parted lips. Mag-uumaga na nang patulugin niya ang asawa. Nagpahinga lang siya nang sandali at pagkatapos ay muli itong inangkin.Hindi siya makapaniwalang inibig niya ito sa buong magdamag. More than twice. Para siyang bagong nagbibinata sa pananabik niya rito. Nagising siya sa kalagitnaan ng gabi at muli av inangkin niva ito. Helaena let down her guard last night. It was the same Helaena in bed fifteen years ago. Passionate. Almost wanton.At pagkalipas ng mga taon, sa ikalawang pagkakataon mula kagabi ay nakatulog siya nang mahimbing habang yakap ang asawa. Mahigpit na yakap na para bang natatakot siyang paggising niya sa kinabukasan ay maglaho itong parang bula.Tumayo siya
"HEY..."Mula sa pagkakatitig sa kadiliman sa labas ay lumingon si Helaena. Nakatayo sa entrada ng balkonahe si David. Nakasandal ito sa hamba ng French door. Tanging tuwalya ang tumatapi sa ibabang bahagi ng katawan nito.Helaena's heart stopped at the sight of his nakedness. Kapagkuwa'y muli ring nagsimulang tumibok, erratically this time. The man was incredibly gorgeous.David was in his late forties. But every inch of him finely chiseled muscle and flesh. Napanood na niya ang ilang video nilang dalawa noong bago silang kasal. Sa bawat kinunang larawan, bawat kuwadro ay nagpapahiwatig ng pag-ibig niya sa lalaking ito.Natitiyak niya ring walang babaeng hindi magnanais na mapansin nito ano man ang edad. He was truly handsome the rugged way. Ang mga hibla ng buhok na nagsisimula nang mamuti sa magkabilang sintido nito ay karagdagan lamang sa atraksiyon ni David.Humakbang si David at niyakap siya mula sa likuran at hinagkan ang ibabaw ng ulo niya. Nalalanghap niya mula rito ang amoy