DAVID SAMONTE couldn't understand why her answer pleased him so. Hinapit nito ang dalaga as his eyes scanned her face. "Sandali pa lang tayong magkasama but I have wonderedd a dozen times how you pleased me... Sometimes made me laught. At kung paanong nasisingit ka sa isip ko habang nasa gitna ako ng meeting," he said huskily. "Really?" Ikinawit niya ang mga braso sa leeg nito. "Really. And you amused and irritated me all at the same time. At sa loob ng tatlong araw na nakilala kita ay hindi mo minsan man ipinadama sa akin na may obligasyon akong makipag-sex sa iyo." Kumawala ang dalaga mula sa pagkakayakap nito. "Paano mo naman nasabing hindi iyon ang inaasahan ko sa'yo?" tuloy siya sa panunukso. She knew she was treading on dangerous topic subalit hindi niya maawat ang sarili. She enjoyed their bantering. "Mag-ingat ka sa mga sinasabi mo, my dear novice temptress," he warned. "Ang sabi ko, you didn't make me feel as if my primary obligation to you was to take you to bed. Pero
TAHIMIK na naghain si Helaena ng pagkain. At napalis ang pag-aalala niya nang magsimulang kumain si David. "Hmmm, Ang sarap naman nito, Lena. Ngaypn lang ako nakatikim nito," papuri ni David habang kumakain. "At kung ganito kasarap ito na sabi mo ay kinulang pa sa oras, lalo na siguro ang talagang sinaing ninyo. You will make a man a good wife, darling. " "Sus, bolero ka talaga." Bumakas ang kasiyahan sa mukha niya. "Bolero what? I'm not, huh. This is good or that you will make a man a good wife." "Pero pareho." He smiled at her gently. "Yes to both. And you have so many plus factors, sweetheart." Agad nitong inalis ang tingin sa mukha ng dalaga or he would kiss her again right there. Nakita ni David ang kasiyahan sa mukha ni Helaena sa papuri nito. She was so unaffected, he decided. Napakadaling pasayahin. He pleased his ex-girlfriends with diamond rings and signature women's clothings. Subalit ang dalaga ay kaunting compliment ay natutuwa na. At para kay David, Helaena was a
TINITIGAN ni Helaena ang natutulog na si David sa malaking sofa. Marahil ay talagang pagod ito sa trabahi. He looked younger in his sleep and less formidable. Bukas lahat ang butones ng polo shirt nito. Inalis niya ang mga mata sa pagkakatitig sa matipunong dibdib nito na kinakitaan niya ng pinong balahibo. She had been wanting to touch him... feel the touch of his skin in her hands. At kung sana lang ay hindi magigising si David sa sandaling gawin niya iyon. Huminga siya nang malalim at lumuhod sa upang gisingin ito. Malapit na ang alas-onse ng gabi at isang oras mahigit na itong nakakatulog. "David..." banayad niyang tawag. "Hmm," bahagyang nagmulat ito ng mga mata at inabot ang batok niya and kissed her hard for ages at muli ay gustong bumigay ni Helaena. "I know naman na you've been watching me hungrily for minutes, darling," wika ni David sa namamalat na tinig. Her face inches away from his. "I was hoping you'd ravish me. I am amazed by your self-control, Lena. Ang ibang nagi
NAINTRIGA ang matandang babae. Subalit hindi na nagpilit pa. Iniba niya ang usapan nila ng kanyang Anak. "Kumusta naman si Nicole, Anak?" "Wala na 'yon, Mommy. Nagsawa na siguro sa kasusunod sa akin. May bago siyang lalaking pinagkakaabalahan ngayon," bagot nitong sagot. "Hindi ako namimili ng mapapangasawa mo, David. In fact, gusto na kitang mag-asawa dahil matanda na ako at hindi pa rin nagkakaapo bukod pa sa trenta ka na. Pero kapag ang Nicole na iyon ang pinakasalan mo ay pupunta na lang ako sa America. Magtatampo ako habang buhay." "Mommy, Ang akala ko ba ay paborito ninyo ang anak ng isa sa mga executives ng Hayes Company?" sarkastikong sabi ni David. "lyon ay noong bago ko siya makitang may ibang lalaki sa Rustan's sa dalawang pagkakataon at parehong magkaibang tao na naghahalikan. At isipin mong sa time na iyon ay lagi siyang pumupunta rito para bisitahin ka, declaring her undying love for you that I almost believed her!" "Almost ba?" sarkastikong sagot nito. "Talagang na
"HOY, may problema ba?" ang agad na bungad ni Keith nang makitang namumugto ang mga mata ni Helaena, tila nag-aalala sa nangyari."What started to be a lovely night had suddenly turned into a nightmare, Keith," she confided. "Hanggang ngayon nga ay iniisip ko pa rin kung paanong nangyari 'yon. Na-misunderstood niya 'yong mga sinabi ko. He suddenly got so angry. Tapos bigla na lang siyang umalis na hindi man lang pinakinggan ang paliwanag ko. Parang biglang bumaligtad lahat. Ang saya naging lungkot, at parang ang gaan-gaan lang, biglang nagiging bigat. Pakiramdam ko tuloy, bawat salita'y dapat iniisip ng mabuti, para hindi magdulot ng gulo.""Gano'n talaga kapag lovers' fit. Normal lang 'yan.""Tinawagan ko na nga siya sa bahay nila kagabi para makapag-explain ako sa kanya at para na rin humingi ng paumanhin pero hindi niya man lang ako kinausap." She controlled her sobs. Magdamag halos na hindi siya nakatulog dahil sa kaiisip kay David. "Nakakapagod na rin, Keith. Parang gusto ko nang
IYON na ang ikalawang pagpanhik niya sa engineering department. Hindi niya pinansin ang humahangang mga mata. Nahagio ng paningin niya si Harley na nagsasalubong ang mga kilay pagkakita sa kanya. Hindi niya ito pinansin at tuloy-tuloy sa opisina ni David. Sa bawat hakbang ni Helaeba ay tila may determinasyong sumusulpot mula sa kanyang mga paa. Ang kanyang pagiging walang pakialam sa mga tingin ng iba ay nagbibigay sa kanya ng lakas ng loob. "Busy ba si David?" tanong niya sa sekretarya. Kinakabahan siya."Oo, eh. Bakit? Kanina pa nga sila nagmi-meeting sa loob lara sa bagong road project. May iniutos ba si Sir Samonte sa'yo? Importante ba 'yan? Gusto mo bang katukin ko na lang si Sir?"Umiling siya. Ang kaba ay nauwi sa dissapointment na hindi niya makakausap si David. Isang pilit na ngiti ang ibinigay niya sa sekretarya. "Babalik na lang siguro ako mamaya. Hindi bale na lang siguro."Akma na siyang tatalikod nang bumukas ang pinto ng silid ni David at tatlong executives ang lumaba
TULUY-TULOY si Helaena sa paglabas. She was relieved and happy. Her feelings were given a new lease of life."Let's live each day enjoying each other's company, Lena..."lyon ang sinabi ni David. Yes, she sighed.Until it's time for him to go.If only she could freeze each day with him. If only she could hold every moment and make it last forever.But nothing lasts forever. Lalo na ang mabuway nilang relasyon. Relasyong wala man lamang kahit na anong pundasyon.A few weeks old based on nothing relationship. Subalit para sa kanya ay sa nakalipas na ilang linggo pa lang nagsisimula ang buhay niya.Kahit alam niyang walang kasiguraduhan sa hinaharap ng kanilang relasyon, nagpatuloy pa rin si Helaena sa pagtanggap ng kahulugan ng bawat araw na kasama si David. Sa bawat tawa at yakap, tila ba nananatili sa kanyang isipan ang kahilingan na sana ay tumigil ang oras.Hindi niya naisip na ang kaniyang pagmamahal kay David ay katulad ng buhangin sa palad, ngunit sa tuwing naglalakad silang magk
"THAT is ridiculous, Nicole! Ano na lang ang sasabihin ng Ina ni David?" si Mr. Bartolome na hinubad ang salamin sa mata.Nagkibit ng mga balikat ang dalaga. Brushed his father's suit for an imaginary dust."I'll handle him," puno ng kumpiyansa ang tinig ng boses niya. "Hindi ba gusto ninyong mapangasawa ko si David, Daddy?""Totoo iyon. And you almost did but you blew it away." Galit at panghihinayang ang nasa tinig ng matandang lalaki. "Dahil hindi ko maintindihan kung bakit noong magkasintahan na kayo ay pumapatol ka pa sa ibang lalaki!" "At pinagsisisihan ko na iyon, Daddy. Ipinangangako ko sa iyong makakasal na kaming tuluyan sa sandaling magkabalikan kami ni David. Kaya nga sinasabi ko sa inyo ang balak ko para kung saka-sakaling tawagan ka ng Ama niya ay hindi ka mabigla. At ako ang bahala doon.""Ano ang kinalaman ng bagong empleyado sa pagnanais mong mabalik uli ang pagtingin ni David sa iyo?"Nagkibit siya ngmga balikat. ''Nag-aalala akong baka mahulog ang loob ni David sa
PUMARADA ang itim na Hummer sa harap ng isang kubo. Mula roon ay lumabas si Zion. Tinanguan nito ang driver. "Hintayin mo ako..." Lumakad ito patungo sa kubo at kumatok. Isang babae ang nagbukas ng pinto. Zion smiled at her. Bumati ng magandang hapon. Kung hindi siya nagkakamali ay nasa mid-thirties ang lalaking iyon. She was undeniably handsome. lyon ay sa kabila ng lumang kasuotan at buhok na mahigpit na nakatali sa likod. She had dark eyes. Makakapal na pilikmata na nakita niya kay Leo. Umangat ang paningin ng babae sa multimillion vehicle. Tiyak na iyon ang unang pagkakataong may nakitang ganoong sasakyan sa lugar na iyon. Zion didn't want to use the Hummer. It's like showing off unnecessarily. Pero nagpilit ang kanyang Lolo na si Franz Samonte dahil walang ibang sasakyang naroroon kundi ang sasakyan lang ng kanyang daddy. Ang fourwheel drive ng lolo niya naman ay gamit ng kanyang Lola Bea at Lola Leoncia niya na nagtungo sa kabisera. The two grandmas hit it off like house on f
Sl KENT ang nakipag-usap sa mga pulis sa ibaba. Ipinangakong tutungo sa presinto ang lahat sa kinabukasan upang magbigay ng statement. Ang medic ng hotel ay pumanhik upang tingnan ang sugat ni David sa noo.The gun only winged him, na sana'y tatama kay Zion kung hindi sa mabilis niyang pagtakbo sa anak. The distance was too close at tatama si Nicole kahit hindi ito sharpshooter. Ang paglitaw tiyak ni David ang sandaling nagpalito rito. Ayon sa medic ay talagang madugo ang sugat sa ulo. Gayunpaman ay ipinayong magtungo si David sa kalapit na ER.But David wouldn't hear of it. Kahit na nagpipilit ang pamilya nito. Tama na ang ginawang first aid ng medic at ang pagbenda sa ulo nito.Si Grant ay tulalang nakaupo sa isa sa mga naroroong stuffed chair. Hawak nito ang brasong tumama sa gilid ng dingding nang ibalandra ito ni Nicole.Sinakop ng mga bisig ni David si Helaena.Mariing hinagkan sa buhok. "I'm so sorry, baby. I am so sorry. Hindi ko kayang isipin kung nahuli ako ng isang segundo.
HINILA ni Helaena ang silya upang maupo nang marinig niya ang sliding door na bumukas. Baka ang isa sa mga waiter at may nalimutang dalhin. She craned her neck toward the living room. Nagsalubong ang mga kilay niya nang makilala ang pumasok.Alaina met her yesterday. llang beses niyangsinikap na maalala ito subalit nabigo siya."Hello, Helaena. It's late for breakfast. Kunsabagay ay ganyan naman ang mga mayayaman, 'di ba?"Helaena frowned at the tone of her unwanted visitor's voice. Hindi tiyak naitulak pasara ng mga waiter ang gate nang bumaba ang mga ito sa eleventh floor. The gate would lock automatically.Umangat ang mga kilay ni Nicole, as if reading her thoughts. "Naabutan ko ang mga waiter, Helaena. Ang isa sa kanila ay malapad pang binuksan ang gate para sa akin. At kahit pa nakasara na ang gate, you would open it for me. Wouldn't you?"Hindi mapapasubalian ni Helaena ang sinabi nito. Pero hindi niya isinatinig ang nasa isip.Nicole looked around. Then her eyes went back to He
MAKAHAS nyang amampot ang cell pnone sa Ikaapat na ring nito. "Hello!" she snapped. Ang tiyahin niya ang nasa linya. "Tiyakin mong may maganda kang balita sa akin. Is Helaena dead? I hope hindi ninyo gaanong sinaktan si David.""N-nahuli si Pancho at ang mga tao niya," nanginginig ang tinig at puno ng takot na sabi ni Asunta."Ano!" Pahablot nitong inalis ang kumot na nakatabing sa katawan at bumangon. Kasabay ng matinding tambol sa dibdib niya. " Paanong nangyari?""N-nasa loob ako ng sasakyan sa kabilang bahagi ng kalye. Nakaparada ang van sa isang walang-taong bahay at naghihintay sa kanila. Nakita kong biglang nagliwanag ang buong kabahayan ng mga Samonte. Kinabahan na ako."Hindi lumalabas ng bahay Sina Pancho at dalawang kasama. Kalahating oras ang nakalipas nang may dumating na itim na sasakyan at kinuha mula sa loob Sina Pancho. At hindi ko matiyak kung si Pancho ang pinagtulungang buhatin ng mga lalaki!" Humagulhol na si Asunta.Hindi agad siya makapagsalita sa pinagsamang ka
"SA MARTES ng umaga ang uwi ni David at Helaena sa bahay nila," wika niya sa kausap sa telepono. "Sa hapon ang meeting. Maghanda ka. Pasukin mo ang bahay pagdating ng hatinggabi at patayin si Helaena.Saktan mo si David pero huwag mong papatayin. "Palabasin mong pagnanakaw ang motibo.""Linggo na ng gabi ngayon. Masyado naman yatang apurahan iyan.""May dalawang araw ka, Pancho. Kailangan mong gawin dahil baka wala na tayong pagkakataon. David will leave the country with Helaena!" Nagpupuyos ang dibdib niya sa matinding poot."Sa subdivision pa lang ay mahihirapan na ako. Paano pa kaya ang bahay na natitiyak kong may security guard?""Sa Neopolitan ang bahay ni David. Hindi mahirap pasukin dahil open space at layo-layo ang mga bahay.lyong security guard sa bahay niya ay madali.Patulugin mo. Isingit mo sa ilalim ng gate. Natitiyak kong may tatlong bodyguards si David na parati niyang kasama. Hindi nila aasahan ang pagdating ninyo. You have the element of surprise. Alam mo dapat ang g
MAY PAKIRAMDAM si Helaena na inaasahan ni David na makikilala o maaalala niya ang pangalang binanggit nito. Tulad din ng banggitin nito ang pangalan nghuling tumawag."Should I know this Nicole Bartolome?""Kilala mo siya. She had been my father's kasosyo when we first met. A couple of years older than you."Something flickered in her eyes. Not recognition, but something akin to jealousy. Sa tinig ni David ay parang may kinalaman sa buhay nito ang pangalang binanggit.Tumayo siya. Self-consciously, itinapi sa katawan ang kumot. But not before David took a glimpse of his wife's nudity.Hindi kataasan si Helaena. But she was slim. Not modelslim though. But with curves at the right places. She was forty-three now but she still had the body of a goddess. The ugly scar on her arm and the one that was so prominent on her leg didn't even mar her beauty.Ipaaalala niya sa sariling aalukin niya ang asawa kung gugustuhin nitong ipa-plastic surgery ang malaki at malalim na Pilat sa braso at bin
WITH a smile, lumakad siya pabalik sa silid. Gising na si Helaena at nakangiti sa kanya, the white sheet wrapping around her body. His heart took an overdrive. It was the same smile he remembered of her always.A seductive, dazzling, morning-after smile that not even she was aware of it. The kind of smilethat drove a man crazy. And his wife drove him crazy that he wanted to be inside her again.For crying out loud, they were not young people anymore! But then, he found his intense desire for his wife a novelty after almost fifteen years. At namamangha siya sa sarili kung saan siya kumuha ng lakas.Nang matitigan nito ang kahubdan niya ay namula ang mga pisngi at bahagyang iniwas ang mga mata sa kanya. David had always loved her when she blushed."You'll caught pneumonia, David. It's too cold outside," naiilang nitong sabi"Labis ang init na naipon sa katawan ko mula pa kagabi, darling. And right now, I am so hot! Isn't it obvious?" he teased, niyuko ang ibabang katawan.Tuluyan nang p
TUNOG ng cell phone niya ang gumising kay David. Kinapa niya iyon sa sidetable at sinagot. "Hold on..." aniya sa mouthpiece without looking at the caller ID.Nilingon niya si Helaena na bahagyang umungol pero muli ring nagbalik sa pagtulog. He smiled softly, bent his head and planted a soft kiss on her slightly parted lips. Mag-uumaga na nang patulugin niya ang asawa. Nagpahinga lang siya nang sandali at pagkatapos ay muli itong inangkin.Hindi siya makapaniwalang inibig niya ito sa buong magdamag. More than twice. Para siyang bagong nagbibinata sa pananabik niya rito. Nagising siya sa kalagitnaan ng gabi at muli av inangkin niva ito. Helaena let down her guard last night. It was the same Helaena in bed fifteen years ago. Passionate. Almost wanton.At pagkalipas ng mga taon, sa ikalawang pagkakataon mula kagabi ay nakatulog siya nang mahimbing habang yakap ang asawa. Mahigpit na yakap na para bang natatakot siyang paggising niya sa kinabukasan ay maglaho itong parang bula.Tumayo siya
"HEY..."Mula sa pagkakatitig sa kadiliman sa labas ay lumingon si Helaena. Nakatayo sa entrada ng balkonahe si David. Nakasandal ito sa hamba ng French door. Tanging tuwalya ang tumatapi sa ibabang bahagi ng katawan nito.Helaena's heart stopped at the sight of his nakedness. Kapagkuwa'y muli ring nagsimulang tumibok, erratically this time. The man was incredibly gorgeous.David was in his late forties. But every inch of him finely chiseled muscle and flesh. Napanood na niya ang ilang video nilang dalawa noong bago silang kasal. Sa bawat kinunang larawan, bawat kuwadro ay nagpapahiwatig ng pag-ibig niya sa lalaking ito.Natitiyak niya ring walang babaeng hindi magnanais na mapansin nito ano man ang edad. He was truly handsome the rugged way. Ang mga hibla ng buhok na nagsisimula nang mamuti sa magkabilang sintido nito ay karagdagan lamang sa atraksiyon ni David.Humakbang si David at niyakap siya mula sa likuran at hinagkan ang ibabaw ng ulo niya. Nalalanghap niya mula rito ang amoy