"ELISIA, di talaga makakabuti 'yang pag iyak mo." Sabi ni Bea, nag aalala niya.Kanina pa siya basa nang basa sa mga magazine ng tungkol sa pagbubuntis. Hindi ko naman kayang tumigil sa pag iyak. Tapos na akong humagulhol kanina. Nakahiga ako sa sofa ngayon at nanlulumo sa mga nangyari.Pabalik balik kong inisip 'yong galit sa mukha ni Lance kanina. Pabalik balik ko ring inisip ang bawat insulto ng kanyang mama at ng kanyang fiancee sa akin."Hindi ko lang talaga mapigilan." Sabi ko at pinunasan ang luha ko.Kahit na tahimik na ako ay pilit paring tumutulo ito. Basang basa na ang unan sa sofa. Kanina pa tumutunog sa mga mensahe ang cellphone ko at kanina ko pa din itong binabalewala."Stress affects the baby, Elisia." Sabay turo ni Bea sa isang pahina ng magazine.Umupo ako ng maayos at tumango. Alam ko naman iyon Kahit paano ay narinig ko na iyon sa TV o sa mga balita na hindi daw nakakabuti ang stress sa bata. Lahat ng emosyon ko, maaapektuhan ang bata. Sorry, baby, di lang maiwasan
SA BYAHE patungong Coleman Building ay inisip ko kung anong klaseng dinner ang inihanda ni Kid, lyon bang marami kami o kaming dalawa lang? Nagsisi ako kung bakit hindi ako nag tanong. Bakit nga ba? Mag babago ba ang isip ko kung kaming dalawa lang pala?Nakapag palit na ako pagkapasok ko ng Coleman building. Simpleng floral dress ang suot ko at flat shoes. Sa elevator ay panay ang isip ko kung saan nga ba ako pupunta? Nang tumigil ang elevator sa 1 5th floor, Yong palapag ng maintenance ay pumasok si Mrs. Chiu. Gulat na gulat siya nang nakita ako at hindi ko mapigilang ngumiti sa kanya at makipag kamustahan."Naku, di ko inakala na may share ka pala sa kompanya!Alam ba 'yon ni Sir Lance nong una kang pumasok? Bakit ka niya hinayaang mag janitress?" Umiling siya at doon ko lang din iyon narealize.Diretso ang tingin ko sa pintuan ng elevator. Maaaring alam niya, pero sa galit niya ay gusto niya akong pahirapan. Ngayon ay galit ulit siya sa akin. Anong klaseng paghihirap ang matatamo
NAKAKALITO ang ginawa kong trabaho. Kalahati pa lang ako ngunit inaantok na ako. Humikab ako pagkatapos kong itype ang pang ilan ko ng papel.Nakaupo ako sa isang abandonadong table dito sa Finance na palapag at kanina pa ako pinapanood ng mga tao dito na parang isa akong misteryo sa kinauupuan ko."Bilisan mo dyan, may ibibigay pa daw na pahabol si Lancs." Sabi nong head ng finance na si Ms. Mendez.Tumango ako at pinanood ko siya habang tumataas ang kilay at humahalukipkip sa harap ko. Mainit ang dugo niya sa akin kahit na halos ngayon lang kami nagkita.Narinig kong bumukas ang pintuan ng buong department. Binalewala ko iyon dahil palagi namang marami pumapasok at lumalabas doom Nagpatuloy ako sa pagtype nang napagtanto kong tumahimik ang kani kanina'y medyo maingay na palapag.Binalewala ko 'yon at nagpatuloy sa pag type nang bigla akong may narinig na mga yapak ng matulis na heels malapit sa akin.Tumingala ako at naaninag ko si Mrs. Coleman, naka puti at may malalaking gold na n
PAGKABALIK ko sa Finance ay wala na masyadong tao. Umikot ang paningin ko at sumakit ang ulo ko. Hinawakan ko ang ulo ko sa sakit nito pagkatapos kong nilapag ang mga papel doon sa mesa.Tumunog ang cellphone ko. May tumatawag pero hindi ko na muna tiningnan dahil kailangan ko pang maging maayos. Kinabahan ako at luminga para makahanap ng tubig o kung ano man pero walang ganon sa paligid. Malayo pa ang water dispenser at kinailangan kong umupo dahil sa pagkakahilo ko.Pumikit ako ng ilang sandali. Nang medyo umayos ang pakiramdam ko ay huminga ako ng malalim at dumilat para lang makita ko si Lance na pumasok sa aming palapag. Mag isa siya.Kumalabog ang puso ko at pakiramdam ko ay mahihilo ulit ako. Tumayo ako at mabilis na kinuha ang bag ko para makaalis na."I'll get the data. Hindi mo na print? I need it." Sabi ni Lance nang nakalapit sa akin.Kinagat ko ang labi ko at binuksan na agad 'yong computer.Hindi ko naman alam na kakailanganin niya pala 'yon."Send mo na lang sakin. I'll
SA GULAT ni Jason ay hindi siya agad nakapagsalita. Binigyan niya lang ako ng ilan pang tissue. Kinuha ko ang alcohol ko sa aking bag at nilagay ko saking kamay para mahimasmasan at maging maayos na ang pakiramdam ko.Pinanood niya lang ako na para bang ilang sandali na lang ay sasabog na ako. Hinayaan ko siya. Alam kong nakakagulat iyon."Saan mo g-gustong kumain? O gusto mo ihatid na lang kita sa inyo? Masama pa ba ang pakiramdam mo?" Medyo nalilito niyang mga tanong.Umiling ako. "Nag promise ako sa'yo na babawi ako ngayon. Birthday mo. We'll celebrate it, Jason." Sabi ko.Tumango siya at tahimik akong inalalayan patungo sa kanyang sasakyan. Sa loob ay ganon parin. Pareho kaming tahimik sa loob ng sasakyan. Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay nasira ko ang buong gabi niya."Saan mo ba gustong kumain?" Tanong ko habang nag dadrive siya.Hindi niya ako sinagot, imbes ay pinaulanan niya ako ng mga tanong. "Nakapag pacheck up ka na ba sa doktor? Bakit ka nagtatrabaho kahit na ganito an
KINAUMAGAHAN ay tulog pa ang dalawa pagkaalis ko. Si Kid ay nasa couch natulog. Hindi na ako nagpaalam dahil ayaw kong gisingin silang dalawa. Itetext ko na lang si Bea at mag aapologize sa nangyaring away sa kanila ni Kid ngayon.Buong araw ay kasama ko si Jason sa school. Panay ang alok niya sa akin na siya na ang magdala ng bag ko pero inilingan ko lang siya at nginitian."Ayos lang ako, Jason. Salamat." Sabi ko tuwing ganon ang ginagawa niya.Sinabi niya rin sa akin na kung hindi kami makakapagpa appointment mamayang gabi, pagkatapos ng trabaho ay baka bukas, pwede na. Malaki ang pasasalamat ko sa tulong niya. Bukod sa libre ang magiging check up ay malaki din daw ang posibilidad na bibigyan din ako ng libreng mga vitamins.Nahihiya ako kaya hindi ko kayang seryosohin ang sinabi niya. Inihanda ko na rin naman ang ipon ko. Magbabayad naman ako. lyon nga lang, baka maubos iyon sa bayad at nahihiya ako kay Bea at Kid kung sila na naman ang bibili ng groceries. Isang beses lang yata a
"YEAH, like what, Elisia? Date an old friend? Kiss him inside his car? Really? Mas importante 'yon?" Tumaas ang tono ng boses niya.Hindi ko talaga alam kung paano niya nalaman ito? Inisip ko pa kung sinundan niya ba kami. At kung sinundan niya kami ay nakita niya kaya 'yong pagsusuka ko?"Hindi, Lance." Kinagat ko ang labi ko. Hindi ko pwedeng sabihin na pupuntahan ko si Bea at Kid."Then, what's more important than the documents, Elisia?" Tumagilid pa ulit ang ulo niya.Tumunog ang cellphone ko. Sabay kaming napatingin doon. Nag igting ang kanyang panga at ngumuso siya. Kitang kita ko ang galit sa nag aalab niyang titig.Marahan kong kinuha ang cellphone ko para basahin ang text ng kung Sino. Nakita ko doon ang text ni Jason.Jason:No prob, Lance. Lumala ba away nila? Sana bukas ay pwede ka na. I'm gonna fetch you, tonight. Kahit na idrop na lang kita sa condo. Di na ako aakyat para di na lumala ang away ng dalawa."Put your phone down." Malamig na sinabi ni Lance."Kailangan kong
MATALIM ko siyang tinitigan. Humakbang siya palapit sa akin. Hindi parin ako tumigil sa pagtitig ko sa kanya. Nakita kong umigting ulit ang kanyang bagang. Hinaplos niya ang aking braso. Halos mapatalon ako sa ginawa niya. Nilingon ko ang nanunuyang haplos niya. Hinabol ko ulit ang hininga ko.Simpleng haplos niya lang ay naghuhuramentado na ako."Why is your breath hitching... so bad? Hmmm?" Aniya habang pinapaatras ulit ako sa dingding.Lintik talaga. Hindi ko mapigilan ang paghinga ko ng mababaw at mabilis. Nangatog ang binti ko at tumindig ang balahibo ko."B-Bitiwan mo ako, Lance." Sabi ko, nanginginig."You miss me so much, don't you? Huh?" Bulong niya.Halos mapunit ko na ang labi ko sa kakakagat. Bakit niya ginagawa sakin 'to?"I want to see you hurt so bad, Elisia. Sana magselos ka nang husto. I want to see a reaction from you. And this reaction is all I was dreaming of..." Patuloy ang paghaplos niya sa likod ng braso ko.Halos manginig ako sa sobrang kiliti at sobrang init n
NANGILID ang luha ko. Ayaw ko nang kumakalabog nang husto ang puso ko at naiisip na mahal na mahal ko siya kahit na may mga butas sa pagtingin niya sa akin. Matabang ang bawat sumasagi sa utak ko at gusto kong mawala ang pagmamahal ko sa kanya ngunit hindi ko magawa."Bitiwan mo ako!" Sabi ko sabay pilit na binawi ang braso ko."At saan ka na naman pupunta? Makakawala ka na naman? I tried my best to stop being possessive of you but everytime I loosen my grip, lagi kang nakakawala!" Sabi niya sabay hawak ulit sa braso ko."Sige nga, Lance, sabihin mo sa akin kung paano mo maaalagaan ang baby ko! Ako!" Sigaw ko nang na frustrate sa hawak niyang sobrang higpit.Titig na titig siya sa akin at dumidilim na. Ang pangarap kong mag tampisaw sa tubig ay nawala na."Hindi ako kailanman matatanggap ng mama mo! Sasaktan niya lang ako at ang baby ko! At ang pinakamamahal mong si Erin na siyang dapat ay pakasalan mo ay hinding hindi ko matatanggap!"Natahimik si Lance. Pinanood niya lang ako sa pag
NAKATINGIN parin ako sa mapa. Sa init ng sikat ng araw ay dinalaw ako ng uhaw at pagod. Kinailangan kong tumigil at kumain sa isang karenderya para makapag pahinga, makainom ng tubig at makakain na rim"Ale, alam niyo ba kung saan 'to?" Tanong ko sa matandang nakasalamin na mukhang may ari nong karenderya."Ay, Oo, Coron-Busuanga road, dito 'yon, e. Pero papasok pa yata 'yan, malapit 'yan sa dagat." Aniya habang ineeksamin ang dala kong papel na may nakalagay na address tulad ng nakalagay sa titulong dala ko.Tumango ako at nagtanong pa kung saan dadaanin iyon. Binigyan niya ako ng mga direksyon kung paano pupunta doon. Nalaman kong wala pa palang dadaan na mga bus o kahit ano patungo roon at nagdadalawang isip akong sumakay ng motor dahil sa kalagayan ko.Inisip kong makikisakay na lang siguro ako ng truck o di kaya ay ng tricycle. Mabuti na lang at nakahanap ako ng tricycle pagkatapos ng halos tatlumpong minutong paghihintay. Sinuyo ko pa ang driver para lang mapunta sa lugar na gus
HINDI ko maaalala kung paano ako nakawala sa mga kamay ng security. Hiningal ako sa kakatakbo palayo sa building. Nasa gilid na ako ng kalsada ngayon, mabilis ang pintig ng aking puso at sobrang sakit nito.Tinukod ko ang aking kamay sa aking tuhod at hinabol ang aking hininga. Dinig ko ang mga yapak na sumusunod sa akin."Elisia, asan na ang pera?" Ani Uncle habang pumipikit pikit pa ako sa kakahingal. "Wag mo na kaming paghintayin! Pwede nang lumabas ang Auntie mo! At kapag di ka magbibigay ng pera ngayon ay mas Ialong Ialaki ang bayarin sa ospital!"Halos mahilo ako sa kakahingal ko ngunit pinilit kong maging maayos. Kabado parin ako sa kahihinatnan ng mga ito. Ayaw kong maapektuhan ang baby ngunit pakiramdam ko ay kapag nandito pa ako ay mas Ialo lang itong Ialala."Ano?" Ani Uncle.Nilingon ko siya. Hindi ko alam kung saan ako kukuha ng pera."Ibenta na kasi 'yang singsing mo!" Ani Trisha, tinitingnan ang singsing ko sa daliri.Itinago ko ang aking daliri. Kahit na alam kong sa n
UMUPO ako sa tabi ni Lance. Kanina pa siya nakaupo sa pool. Wala nang tao sa dining table na nasa tabi lang nito. Nag liligpit na ang mga katulong na ngayon ko lang nakitang umapak sa bahay nina Lance. Hindi ako sigurado kung nasa bahay pa ba ang mga bisita nila. Nanatili ako sa tabi niya kanina habang isa-isang nag si alisan ang mga bisita sa pag aalala sa kanyang ina.Huminga ako ng malalim at umupo sa tabi niya. Malungkot siyang nakatingin sa swimming pool at nilingon niya ako, pinipilit na ngumisi."Sorry." Sabi ko.Umiling siya. "Ako dapat ang mag sorry. Wag mo nang isipin'yong mga sinabi ni mama."Umiling din ako. "Lance, tama siya. Kung iniisip mong papakasalan mo lang ako kasi-"Pumikit siya. "Eli, I made up my mind the night you walked out of my life. I told my self I'm gonna marry you. I'm gonna marry you no matter what."Tumitig ako sa kanya. Hinintay niya ang sasabihin ko ngunit nawalan na ako ng salita. Kahit na ilang beses niya itong sabihin sa akin ay parehong gulat at
"W-WALA akong cash ngayon." Sambit ko, nangingilid ang luha ko habang hinaharap si Uncle pagkatapos kong pasukin si Auntie sa kanyang room.May tubig daw sa baga ni Auntie at maraming kailangang itest para mas makita kung anu-ano pa ang problema niya doon. Tulog siya pagkapasok ko at naabutan ko pa ang nurse na nag tuturok sa kanya ng medisina."Anong wala?" Sigaw ni Uncle. "Huwag ka ngang madamot!Alam namin kung ano na ang nangyari sa buhay mo! Nakapag asawa ka ng mayaman!""Hindi 'yan totoo!" Sabi ko. Hindi ko alam saan nila napulot ito pero nakakahiya naman ang mga pinagsasabi nila.Tinulak ako ni Uncle sa dingding at napapikit ako sa sakit na naramdaman ko sa likod ko. Halos mapamura ako sa kaba.Tulad ito nong kabang naramdaman ko nang sinaktan ako ni Erin! Natatakot akong may mangyaring masama sa baby ko.Hindi ko alam kung Ialaban ba dapat ako o kumalma na lang. Parehong nakakasama iyon para sa akin!"Hoy, Elisia. Tigilan mo ako sa pag iinarte mo, madamot ka! Kung gusto pa nam
DAHIL sa pagod ko ay diretso ang tulog ko sa aking kama.Nagislng na lang ako na mabilis ang kalabog ng puso ko. Mabilis din ang hininga ko at agad napabangon. Tumindig ang balahibo ko nang naalala ko kung ano 'yong napanaginipan ko.Nilingon ko si Lance at nakita kong wala siya sa tabi ko. Pagkalagay niya sa akin sa kama kagabi ay mabilis na akong naidlip. Ni hindi ko na nalaman kung nagkabati ba si Bea at Kid.Pinagtabi ko ang hita ko at yinakap ko ang aking tuhod. Napanaginipan ko na hindi pa tinatanggal ni Lance ng lubusan ang underwear ko ay hinaplos niya na ako agad. Ngumuso ako at pumikit. Bakit ganon ang panaginip ko?Dahan dahan akong lumabas ng kwarto at naabutan ko na naman siya sa kusina na naka topless at nagluluto ng almusal ko. Kinagat ko ang labi ko habang tinitingnan ang ibabang likod niya. Naglakbay ang mga mata ko pataas sa kanyang gumagalaw na muscles sa likod.Lumingon siya sa akin at nagpunas ng kamay. Naabutan niya ang pagkagat labi ko kaya nagtaas siya ng kilay
HE didn't need an answer. Alam niya sa sarili niya na mahal na mahal ko parin siya at gustong gusto ko rin siyang makasama. Not just for our baby's sake but it's also for me."Do you love me back, Elisia? Do you still want to be with me?" Tanong niya pagkatapos kong punasan ang aking Iuha.Tumango ako at agad niya akong binalot sa mainit niyang yakap."Good girl." At hinalikan niya ang ulo ko.Pagkatapos naming kumain sa labas ay dumiretso na kami sa ospital para magpacheck up. Sa labas ng clinic ay may nakita akong dalawang pares ng mag asawa. 'Yong isa ay sobrang laki na ng tiyan na tingin ko ay malapit na ang due date niya, samantalang mukhang maagang pagbubuntis pa lang 'yong isa.Pinagmasdan ko sila habang tahimik kami ni Lance.Nakahawak siya sa kamay ko, pinaglalaruan ang mga daliri ko. Alam kong medyo kabado siya at hindi ko alam kung bakit hindi naman ako tulad niyang kabado kahit na ako ang titignan ng doktor."Ang sakit sakit ng balakang ko." Reklamo nong isang buntis na ma
BUMAGSAK ang mga mata ko sa aming mga kamay na magkahawak. Pumasok kami sa elevator at nilingon niya ako. Hindi ko siya matignan. May nararamdaman ako ngayon. Naramdaman ko na ito noon."Are you hungry, Elisia?" Tanong niya.Dahan dahan akong tumango nang di siya nililingon.Marahan niya akong hinila patungo sa kanyang katawan at pinulupot niya ang kanyang kamay sa aking braso. Kinagat ko ang labi ko. Hinalikan niya ang aking ulo."Then we'll eat first. What do you want to eat? May pinaglilihian ka ba?" Bulong niya at dinungaw ako.Pinaglaruan ko ang mga daliri ko habang naghihintay siya sa aking sagot."W-WaIa." iling ko."Okay then what do you want to eat tonight?" Tanong ni Lance.Napatingin ako sa kanya. Tumunog ang elevator at lumabas kami doon. Nang nasa lobby kami ay naabutan namin ang kanyang mama na papasok din sana ng elevator ngunit natigilan dahil nakita kaming dalawa. Mabilis na kumunot ang kanyang noo at bakas sa mukha ang pagkakairita."What's the meaning of this, Lance
PAPASOK ako sa cafe na sinabi niya. Naroon na siya sa gitnang table at umiinom ng juice. Nang namataan niya akong papasok sa cafe ay humalukipkip siya at pinanood niya ang bawat paggalaw ko na para bang naghihintay na magkamali.lginala ko ang mga mata ko sa buong cafe at nakita kong marami namang tao doon. Pinag titinginan pa siya ng iilang kumakain, siguro dahil namumukhaan siya.Tumayo ako sa harap ng kanyang mesa. Inilahad niya ang kanyang kamay sa upuan sa tapat ko."Upo ka," aniya.Dahan dahan akong umupo roon sa tapat niya. Pinanood niya ang pag upo ko nang nakakunot ang noo. Huminga siya ng malalim at nagsalita."Hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa, Elisia. Gusto kong malaman..."Marami akong naisip. Alam niya kaya na buntis ako? Sinabi kaya ni Lance sa lahat?"May plano ka bang balikan si Lance?" Bahagya siyang tumawa. "Oh that's a stupid question. Of course, gusto mo siyang balikan. Who would not want Lance Coleman, right?"Hindi ako nagsalita. Sa sarili ko ay hindi ko rin al