BUMALIK ako sa kwarto at nagkunwaring natutulog. llang minuto ang nakalipas ay narinig kong bumukas ang pintuan ng kwarto. Naamoy ko kaagad ang halimuyak ni Lance. Umupo siya sa kama at bumuntong hininga. Hinaplos niya ang aking buhok at ang aking pisngi. Mainit ang kanyang mga kamay at hindi ko kayang hindi dumilat sa kanyang haplos."Good morning!" Bati niya sabay halik sa aking noo.Tiningnan ko ang kumot na ibinalot ko sa aking sarili kanina pagkatapos kong tumakbo patungo dito.Kanina ko pa iniisip 'yong masasakit na salita na sinabi nong babae sa akin. Tanggap ko na maaaring maraming hahadlang sa amin na kaibigan ni Lance. At tanggap ko rin na maaaring hadlangan kami ng kanyang mommy at daddy. Syempre, ang isang Ialaking ganito ka successful ay para lang sa babaeng kasing successful. I'm a flaw on his credentials. I'm that one 'but' in his life."Good morning!" Ngiti ko pabalik.Kung may natutunan man ako, iyon ay ang pagsugal sa mga bagay na walang kasiguraduhan. Pag iisipan ko
NAKAPAG text ulit si Lance sa akin habang nag lelecture ang aming professor.Lance:I miss you in my office.Hindi ko mapigilan ang mapangiti. Ang corny niya pala.Ako:Corny mo pala, Sir. :DMabilis siyang nakapagreply.Laancee:You calling your boss corny? What a bad girl.Kinagat ko ang labi ko. Nababaliw na yata ako dito.Ako:Akala ko ba busy? Bakit nakakapag text?Lance:Nasa gitna ako ng meeting. May nag po-propose na possible assets. Wanna sit on my lap, lady? I wanna hug you from the back.Napatingin ako sa professor. Salamat hindi naman niya ako napapansin kaya panay ang reply ko.Ako:Makinig ka nga diyan. Siguro ay inaantok ka kaya tinitext mo ako?Naisip ko tuloy kung ano ang itsura niya habang may nagsasalita sa harapan. Tapos ako lang pala ang kanyang tinitext.Lance:No. Iniisip ko kung Sino ang mga nasa tabi mo. Iniisip ko rin na tamang uniform naman suot mo kanina. Wala namang nakikitang di ko gusto don. You should probably look around. Roll your eyes pag may nakikit
HINDI ko maintindihan kung bakit ayaw ni Kuya Renz na pababain ako. Natataranta na siya. Ganon ba kalupit ang parents ni Lance at bakit ganito maka asta ang driver para sa akin? Tama siguro si Erin, magagalit ang parents ni Lance sa akin. Lumunok ako at tiningnan ko ang cellphone ko."Sir?" Narinig kong nagsasalita si Kuya Renz.Hindi na siya ulit kumibo. Tulala lang siya at nakalagay ang cellphone niya sa kanyang tainga. Kumunot ang noo ko at napatingin sa likod. Narinig ko sa likod pa ng SUV kung saan sakay ang daddy ni Lance ay naroon din ang kanyang Prado. Nandito na si Labce!"Kuya, nandito na pala si Lance." Buntong hininga ko at agad na binuksan ang pintuan para lumabas.Kitang kita ko ang pagkakataranta ni Labce. Nilingon ko ang kanyang mommy na napatingin sa akin kahit medyo malayo siya. Ilang sandali ang nakalipas ay lumabas ang naka tight red dress na si Erin sa bahay ni Lance. "Mama!" Sigaw ni Lsnce at diretso ang tingin niya sa kanyang ina.Nilingon ko ang kanyang ina. H
PAANO niya ako napaniwala sa kasinungalingan noya?"Eli, please, let me explain!" Aniya nang nakita ang poot sa aking mga mata. Hindi ko alam kung bakit nandito parin ako."Kayo... Kayo ang pamilyang 'yon?" Nanginginig ang boses ko habang tinatanong si Lance nito."Lance, hindi ba sinabi ko na sa iyo na tigilan mo ang-" Pinutol ni Lance ang kanyang ama."Papa! Please!?" Iritado at frustrated niyang boses. "Iwan niyo muna kami! Please, iwan niyo muna kaming dalawa dito! Give us a minute! Please!?"Umiling ako. Hindi ko na kailangan ng panahon. Kailangan ko lang ng sagot sa mga tanong na biglang gumulo sa aking utak. Hindi ako makapaniwala na ganito ang mangyayari. Hindi ko naisip na ganito! Hindi lang niya ako sinaktan, iginaya niya rin ako sa nangyari kay mama! Ginawa niya akong kabit! May fiancee na pala siya ngunit binilog niya ang utak ko!I want to hear his side. I badly want an explanation. I want to hear his words. I want him to wake me up from this dream. Pero ang kumpirmasyong
DUMATING ako ng apartment na umiiyak. Hindi ko matingnan si Auntie Letty na nakatingin sa akin habang nililinisan ang isa sa mga lamesa doon."O, Elisia, uuwi ka pala-" Hindi ko na siya pinatapos.Bukas ko na lang ako magpapaliwanag at hihingi ng tawad sa biglaan kong pag pasok. Ayoko lang muna talagang matanong ngayon."Elisia!" Narinig kong tawag ni Auntie Letty na hindi ko parin nilingon.Nang nakalapit na ako sa pintuan ng kwarto namin ni Bea ay tumunog na agad ang cellphone ko. Tumatawag si Lance ngunit hindi ko sinagot. Pinatay ko ang cellphone ko at naisip na baka puntahan niya ako dito. Diretso ang tulak ko sa pintuang hindi naman naka lock at agad akong napamura nang nakita ko si Kid na nakapatong kay Bea sa kama,Nilingon nila akong dalawa at nanlaki ang mga mata nila."Shit!" Sabi ko at agad ng lumabas ulit."Elisia!" Sigaw ni Bea.Hinihingal si Auntie Letty nang naabutan ako sa labas ng aming kwarto. Napakamot siya sa ulo at napangisi."Sasabihin ko sanang sa ibang kwarto
TUMIKHIM ako at natulala ulit. Roble knew... At paniguradong alam din ito ni Vince. Gusto rin ba nilang mag higanti si Lance sa akin? Hindi ko alam. Naging mabait silang dalawa sa akin. At kung parte man ito ng plano nila ay nakakapang hinayang naman."Niloko lang ako ni Lance." Sabi ko.Kumunot ang noo ni Bea. "Niloko ba 'yon? Halos mabaliw na naman siya sa kakahanap sayo! Aling parte don ang panloloko?""Bea, ang lalaking minahal ni mama maliban sa papa ko ay ang papa ni Lance. Nakilala ko sila kanina. Nakita ko 'yong mama ni Lance. Siya mismo 'yong babaeng sumulong sa bahay namin noon at pinag tatawag niya si mama na pokpok!" Ang sabihin ito ay mas nagpakurot sa aking dibdib.Hindi nakapagsalita si Bea sa nalaman. Parang nangangapa siya ng salita."'Yong mama mo, Elisia, kabit ni tito Marco?" Tanong ni Kid."Hindi nga, Elisia. Ang Iiit naman ng mundo para-" Ani Bea na agad kong pinutol."Sinadya ni Labce lahat. Ang rason kung bakit napadpad ako sa Coleman building ay dahil pinlano
NIYAYAKAP ko ang sarili ko habang tulala sa loob ng sasakyan. Hindi ako tumigil sa pagsuka kanina hanggang sa itinago ni Bea ang ibang pagkain sa drawer. Binigyan niya ako ng fries. Kumain ako ngunit nang nakita niyang gutom na gutom pa ako at inabutan niya ako ng cheese burger ay naduwal ulit ako kaya binigyan niya ako nong chicken meal.Nakaharap siya sa akin. Tahimik kaming tatlo sa sasakyan ni Kid. Naririnig ko na lang ang mga bulong ni Kid sa kanya pero binabalewala niya iyon."Bea, ibigay mo kay Lance 'yong juice." Ani Kid habang nag mamaneho.Matalim ang titig ni Bea sa akin. Kinagatan ko ag isa pang fries at ayokong tumingin sa kanya. Hindi ko rin naman naiwasan dahil maingay siyang tumikhim at nagsalita."Elisia, may sakit ka ba?" Tanong niya.Kumalabog ang puso ko. Wala akong sakit. lyon ang totoo. At natatakot ako sa pinag dududahan niya ngayon. Inisip ko 'yong iilang beses naming ginawa ni Lance at pare parehong walang proteksyon iyon. Hindi ko naman talaga inisip na kaila
ILANG araw akong nanatili doon sa bahay ni Kid. Nahihiya na ako at panay ang text ko kay Bea at Kid na nakahanap na ako ng malilipatang apartment. Gustong gusto ko nang bumalik ng school para ipagpatuloy ang nasimulan ko ngunit ang isiping nandoon si Lance ay nagpapasikip sa dibdib ko. Ang lungkot at panghihinayang ko sa aming dalawa noon ay napalitan na lang ng galit ngayon. Galit dahil sa mga kasinungalingan at sa lahat ng nagawa niya, ng kanyang pamilya, sa aming dalawa ni mama.Inalala ko kung paano kami pinagtabuyan noon sa bahay namin ni mama kaya kami napunta kina Auntie. Ang sinabi ni mama sa akin ay pag aaari iyon ng kanyang kaibigan, ngunit nang pumunta si Mrs. Coleman doon at nagkasagutan sila ay pinalayas kami doon.Linunok ko ang nagbabadyang Iuha. Kahit anong gawin ko, may bahid na ang relasyon namin ni Lance. Hinding hindi na kami pwede. Inisip ko din kung paano niya pinlano 'yong pag hihiganti at ang relasyon nilang dalawa ni Erin.Sumakit ang ulo ko sa kakaisip at big
NANGILID ang luha ko. Ayaw ko nang kumakalabog nang husto ang puso ko at naiisip na mahal na mahal ko siya kahit na may mga butas sa pagtingin niya sa akin. Matabang ang bawat sumasagi sa utak ko at gusto kong mawala ang pagmamahal ko sa kanya ngunit hindi ko magawa."Bitiwan mo ako!" Sabi ko sabay pilit na binawi ang braso ko."At saan ka na naman pupunta? Makakawala ka na naman? I tried my best to stop being possessive of you but everytime I loosen my grip, lagi kang nakakawala!" Sabi niya sabay hawak ulit sa braso ko."Sige nga, Lance, sabihin mo sa akin kung paano mo maaalagaan ang baby ko! Ako!" Sigaw ko nang na frustrate sa hawak niyang sobrang higpit.Titig na titig siya sa akin at dumidilim na. Ang pangarap kong mag tampisaw sa tubig ay nawala na."Hindi ako kailanman matatanggap ng mama mo! Sasaktan niya lang ako at ang baby ko! At ang pinakamamahal mong si Erin na siyang dapat ay pakasalan mo ay hinding hindi ko matatanggap!"Natahimik si Lance. Pinanood niya lang ako sa pag
NAKATINGIN parin ako sa mapa. Sa init ng sikat ng araw ay dinalaw ako ng uhaw at pagod. Kinailangan kong tumigil at kumain sa isang karenderya para makapag pahinga, makainom ng tubig at makakain na rim"Ale, alam niyo ba kung saan 'to?" Tanong ko sa matandang nakasalamin na mukhang may ari nong karenderya."Ay, Oo, Coron-Busuanga road, dito 'yon, e. Pero papasok pa yata 'yan, malapit 'yan sa dagat." Aniya habang ineeksamin ang dala kong papel na may nakalagay na address tulad ng nakalagay sa titulong dala ko.Tumango ako at nagtanong pa kung saan dadaanin iyon. Binigyan niya ako ng mga direksyon kung paano pupunta doon. Nalaman kong wala pa palang dadaan na mga bus o kahit ano patungo roon at nagdadalawang isip akong sumakay ng motor dahil sa kalagayan ko.Inisip kong makikisakay na lang siguro ako ng truck o di kaya ay ng tricycle. Mabuti na lang at nakahanap ako ng tricycle pagkatapos ng halos tatlumpong minutong paghihintay. Sinuyo ko pa ang driver para lang mapunta sa lugar na gus
HINDI ko maaalala kung paano ako nakawala sa mga kamay ng security. Hiningal ako sa kakatakbo palayo sa building. Nasa gilid na ako ng kalsada ngayon, mabilis ang pintig ng aking puso at sobrang sakit nito.Tinukod ko ang aking kamay sa aking tuhod at hinabol ang aking hininga. Dinig ko ang mga yapak na sumusunod sa akin."Elisia, asan na ang pera?" Ani Uncle habang pumipikit pikit pa ako sa kakahingal. "Wag mo na kaming paghintayin! Pwede nang lumabas ang Auntie mo! At kapag di ka magbibigay ng pera ngayon ay mas Ialong Ialaki ang bayarin sa ospital!"Halos mahilo ako sa kakahingal ko ngunit pinilit kong maging maayos. Kabado parin ako sa kahihinatnan ng mga ito. Ayaw kong maapektuhan ang baby ngunit pakiramdam ko ay kapag nandito pa ako ay mas Ialo lang itong Ialala."Ano?" Ani Uncle.Nilingon ko siya. Hindi ko alam kung saan ako kukuha ng pera."Ibenta na kasi 'yang singsing mo!" Ani Trisha, tinitingnan ang singsing ko sa daliri.Itinago ko ang aking daliri. Kahit na alam kong sa n
UMUPO ako sa tabi ni Lance. Kanina pa siya nakaupo sa pool. Wala nang tao sa dining table na nasa tabi lang nito. Nag liligpit na ang mga katulong na ngayon ko lang nakitang umapak sa bahay nina Lance. Hindi ako sigurado kung nasa bahay pa ba ang mga bisita nila. Nanatili ako sa tabi niya kanina habang isa-isang nag si alisan ang mga bisita sa pag aalala sa kanyang ina.Huminga ako ng malalim at umupo sa tabi niya. Malungkot siyang nakatingin sa swimming pool at nilingon niya ako, pinipilit na ngumisi."Sorry." Sabi ko.Umiling siya. "Ako dapat ang mag sorry. Wag mo nang isipin'yong mga sinabi ni mama."Umiling din ako. "Lance, tama siya. Kung iniisip mong papakasalan mo lang ako kasi-"Pumikit siya. "Eli, I made up my mind the night you walked out of my life. I told my self I'm gonna marry you. I'm gonna marry you no matter what."Tumitig ako sa kanya. Hinintay niya ang sasabihin ko ngunit nawalan na ako ng salita. Kahit na ilang beses niya itong sabihin sa akin ay parehong gulat at
"W-WALA akong cash ngayon." Sambit ko, nangingilid ang luha ko habang hinaharap si Uncle pagkatapos kong pasukin si Auntie sa kanyang room.May tubig daw sa baga ni Auntie at maraming kailangang itest para mas makita kung anu-ano pa ang problema niya doon. Tulog siya pagkapasok ko at naabutan ko pa ang nurse na nag tuturok sa kanya ng medisina."Anong wala?" Sigaw ni Uncle. "Huwag ka ngang madamot!Alam namin kung ano na ang nangyari sa buhay mo! Nakapag asawa ka ng mayaman!""Hindi 'yan totoo!" Sabi ko. Hindi ko alam saan nila napulot ito pero nakakahiya naman ang mga pinagsasabi nila.Tinulak ako ni Uncle sa dingding at napapikit ako sa sakit na naramdaman ko sa likod ko. Halos mapamura ako sa kaba.Tulad ito nong kabang naramdaman ko nang sinaktan ako ni Erin! Natatakot akong may mangyaring masama sa baby ko.Hindi ko alam kung Ialaban ba dapat ako o kumalma na lang. Parehong nakakasama iyon para sa akin!"Hoy, Elisia. Tigilan mo ako sa pag iinarte mo, madamot ka! Kung gusto pa nam
DAHIL sa pagod ko ay diretso ang tulog ko sa aking kama.Nagislng na lang ako na mabilis ang kalabog ng puso ko. Mabilis din ang hininga ko at agad napabangon. Tumindig ang balahibo ko nang naalala ko kung ano 'yong napanaginipan ko.Nilingon ko si Lance at nakita kong wala siya sa tabi ko. Pagkalagay niya sa akin sa kama kagabi ay mabilis na akong naidlip. Ni hindi ko na nalaman kung nagkabati ba si Bea at Kid.Pinagtabi ko ang hita ko at yinakap ko ang aking tuhod. Napanaginipan ko na hindi pa tinatanggal ni Lance ng lubusan ang underwear ko ay hinaplos niya na ako agad. Ngumuso ako at pumikit. Bakit ganon ang panaginip ko?Dahan dahan akong lumabas ng kwarto at naabutan ko na naman siya sa kusina na naka topless at nagluluto ng almusal ko. Kinagat ko ang labi ko habang tinitingnan ang ibabang likod niya. Naglakbay ang mga mata ko pataas sa kanyang gumagalaw na muscles sa likod.Lumingon siya sa akin at nagpunas ng kamay. Naabutan niya ang pagkagat labi ko kaya nagtaas siya ng kilay
HE didn't need an answer. Alam niya sa sarili niya na mahal na mahal ko parin siya at gustong gusto ko rin siyang makasama. Not just for our baby's sake but it's also for me."Do you love me back, Elisia? Do you still want to be with me?" Tanong niya pagkatapos kong punasan ang aking Iuha.Tumango ako at agad niya akong binalot sa mainit niyang yakap."Good girl." At hinalikan niya ang ulo ko.Pagkatapos naming kumain sa labas ay dumiretso na kami sa ospital para magpacheck up. Sa labas ng clinic ay may nakita akong dalawang pares ng mag asawa. 'Yong isa ay sobrang laki na ng tiyan na tingin ko ay malapit na ang due date niya, samantalang mukhang maagang pagbubuntis pa lang 'yong isa.Pinagmasdan ko sila habang tahimik kami ni Lance.Nakahawak siya sa kamay ko, pinaglalaruan ang mga daliri ko. Alam kong medyo kabado siya at hindi ko alam kung bakit hindi naman ako tulad niyang kabado kahit na ako ang titignan ng doktor."Ang sakit sakit ng balakang ko." Reklamo nong isang buntis na ma
BUMAGSAK ang mga mata ko sa aming mga kamay na magkahawak. Pumasok kami sa elevator at nilingon niya ako. Hindi ko siya matignan. May nararamdaman ako ngayon. Naramdaman ko na ito noon."Are you hungry, Elisia?" Tanong niya.Dahan dahan akong tumango nang di siya nililingon.Marahan niya akong hinila patungo sa kanyang katawan at pinulupot niya ang kanyang kamay sa aking braso. Kinagat ko ang labi ko. Hinalikan niya ang aking ulo."Then we'll eat first. What do you want to eat? May pinaglilihian ka ba?" Bulong niya at dinungaw ako.Pinaglaruan ko ang mga daliri ko habang naghihintay siya sa aking sagot."W-WaIa." iling ko."Okay then what do you want to eat tonight?" Tanong ni Lance.Napatingin ako sa kanya. Tumunog ang elevator at lumabas kami doon. Nang nasa lobby kami ay naabutan namin ang kanyang mama na papasok din sana ng elevator ngunit natigilan dahil nakita kaming dalawa. Mabilis na kumunot ang kanyang noo at bakas sa mukha ang pagkakairita."What's the meaning of this, Lance
PAPASOK ako sa cafe na sinabi niya. Naroon na siya sa gitnang table at umiinom ng juice. Nang namataan niya akong papasok sa cafe ay humalukipkip siya at pinanood niya ang bawat paggalaw ko na para bang naghihintay na magkamali.lginala ko ang mga mata ko sa buong cafe at nakita kong marami namang tao doon. Pinag titinginan pa siya ng iilang kumakain, siguro dahil namumukhaan siya.Tumayo ako sa harap ng kanyang mesa. Inilahad niya ang kanyang kamay sa upuan sa tapat ko."Upo ka," aniya.Dahan dahan akong umupo roon sa tapat niya. Pinanood niya ang pag upo ko nang nakakunot ang noo. Huminga siya ng malalim at nagsalita."Hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa, Elisia. Gusto kong malaman..."Marami akong naisip. Alam niya kaya na buntis ako? Sinabi kaya ni Lance sa lahat?"May plano ka bang balikan si Lance?" Bahagya siyang tumawa. "Oh that's a stupid question. Of course, gusto mo siyang balikan. Who would not want Lance Coleman, right?"Hindi ako nagsalita. Sa sarili ko ay hindi ko rin al