Naestatwa ako habang tinitingnan si Lance na duguan at dinadaluhan ng iba't-ibang medic galing sa labas. May kausap ang ibang bouncer at nagkakagulo dahil sa pagpapaalis ng mga nanggulo.Nilapitan ako 'nong customer kanina, kaibigan nang nambastos at kinausap ngunit walang pumasok sa utak ko kundi ang duguang si Lance. Nakita ko kung paano siya umiling sa dumalo sa kanya. Ngumiwi ang babaeng mukhang medic at nakipag usap sa isang bouncer na para bang isinusumbong si Lance.Natauhan lang ako sa nang hinablot ni Bea ang bag ko. Binalingan ko siya at tinapunan niya ako ng irap."Ano? Daluhan mo na! Oh my God! Ako na ang kukuha ng TF mo tonight. Tsaka ako na rin mag re-remit." Singhal ni Bea.Tinikom ko ang bibig ko at binalingan ulit si Lance na nakataas ang t-shirt habang nilalagyan ng bulak nong babae. May kausap at ka high five siyang kakilala. Parang wala lang sa kanya.Nanginig ang binti ko nang nagsimulang humakbang palapit kay Lance. Hindi ko alam kung nanginginig ba ito dahil sa
SABAY kaming lumabas ng sasakyan. Sinalubong agad kami nong tinutukoy kong tauhan niyang may malaking katawaan at nasa mid thirties ang edad.Lumipad sa ere ang kamay ni Lance para warningan iyong tauhan na huwag mag salita. Sumunod ako kay Lance, syempre nag aalala iyon dahil sa duguang damit ni Lance.Nilingon ko si manong at kinausap. "Napa away siya sa bar kaya ganon. Hindi nagpagamot kaya mas lalong dumugo." Sabi 1
PINAGMASDAN ko kung paano niya ako tinalikuran. Kinukurot ang puso ko habang lumalayo siya. Pumikit ako at hinayaan ang sarili sa kung ano man ang gusto nitong gawin."Lance..." Tawag ko.Nasa pintuan na siya nang tinawag ko siya, Nakabukas na iyon at natigil lang siya sa pag alis nang tinawag ko. Nilingon niya ako."Hindi ko iyon sinabi saiyo para ma guilty ka, Elisia." Aniya.Umiling ako. 'I'm sorry." Paos ang pag kakasabi ko nito.Hindi siya kumibo. Nagpatuloy siya sa kanyang pag sarado sa pintuan hanggang sa tuluyan na siyang makaalis.Tumunganga ako sa kinatatayuan ko. Namanhid ang buong katawan ko dahil sa pangyayari. Pumikit ako at umupo sa kama.Walang kasiguraduhan ang takbo ng mundo. Kahit anong pigil mo para lang maging maayos ang mga bagay bagay, hindi ka parin makakasiguro sa kahit ano. Pilitin ko man ang buhay na maayos at normal para sa sarili ko, hindi ko parin malimot limot si Lance. Inisip ko kung anong gagawin ko kung di niya ako hinabol.Pinulupot ko ang kumot sa a
"I'LL BE A GOOD BOY. I'll be a very good boy." Malambing niyang sinabi na para bang makukumbinsi ako nito.Hinawakan niya ang baywang ko. Hinaplos niya iyon ng pabalik balik. Nagising halos lahat ng hibla ng katawan ko.Hinanap ko ang kanyang labi at marahan ko itong hinalikan.Pumikit siya at kitang kita ko ang kanyang buntong hininga. Tumigil ako sa paghalik. Dumilat siya at gulat na tumingin sa akin."I love you. I'm in love with you." Umiling siya.Ngumiti ako at hinalikan ko ulit siya. Bawat halik niya ay mababaw. Ang malambot niyang labi ay nambibitin sa akin. Naramdaman ko ang pagpipigil niya. Tumigil ako at tumingin sa kanya."I'm in love with you, Elisia Delgado. That doesn't mean I want you naked right now." Kumunot ang kanyang noo.Ngumuso ako. "l want you naked right now."Nanlaki ang mga mata niya. Lahat ng pagpipigil ay nawala sa kanyang ekspresyon. Mabilis niya akong sinikop sa sofa at inangat."Damn girl. We'll just sleep for tonight. Pinaghirapan ko ang mabalik ka sak
DINILAT ko ang mga mata ko kinaumagahan. Nang napansin ko ang maliwanag na araw sa veranda ni Lance ay halos tumalon ako sa aking pagkakahiga. Mali-late na ako sa klase!Kinusot ko ang mga mata ko at mabilis na umapak sa sahig para makaalis don. Nilingon ko ang kama at wala si Lance doon. Lumabas ako ng kanyang kwarto para hanapin siya. Bumaba ako ng hagdanan at hindi ko mapigilan ang pag lipad ng utak ko.Nang nakababa ako ay naamoy ko kaagad ang ulam sa kusina. Siguro ay nag luluto siya?Lumapit ako sa kusina at narinig ko kaagad ang boses niya habang nagluluto."I'm okay. I need to go...' Aniya sa cellphone.Pinanood ko ang kanyang Iikod. Nilalagay niya ang nilutong bacon sa isang pinggan habang ang isang kamay ay nakahawak sa cellphone."1 said, I'm okay. Hindi naman ako napuruhan... Yeah, magpapacheck ako sa ospital. Don't..."Kumunot ang noo ko. Sino kaya ang kausap niya? Ang mommy o daddy niya?"I'm busy. Wag kang pupunta dito." Aniya at nilapag ang pinggan sa counter.Nanlaki
NGUMITI ako at nilingon siya. Papalabas kami sa classroom ngayon. Wala ng estudyante. Maaga pa para mag lunch kaya naisipan kong puntahan na lang siguro ang grupo ko para mag pasa na rin ng consolidated output dahil tapos na ang aming report."You done for today?" Tanong niya sakin."Hmm. Yup. Mag pa-pass na lang ako ng output. Hahanapin ko na lang ang mga kagrupo ko saglit-" Naputol ang pagsasalita ko nang narinig ko ang kanyang cellphone na tumutunog.Tumigil ako sa paglalakad at tiningnan siya. Nakita ko kung paano niya pinatay ang tawag."Saan tayo mag lu-lunch?" Tanong niya. "Wanna-" Natigil ulit siya dahil sa pagtunog ng kanyang cellphone."Sino ba 'yan? Baka improtante? Sagutin mo." Sabi ko, dinudungaw ang kanyang cellphone.Kinuha ko ang cellphone ko sa aking bulsa. Walang mensahe doon. Syempre si Lance at Bea lang naman ang may number sa akin. Kanina pa ako tinext ni Bea kung papasok ba ako mamaya. Aba, syempre, papasok ako. Hindi naman ibig sabihin na dahil kami ni Bea ay hi
HINDI na ako nagpumilit sa pera ko. Nahiya tuloy ako kay Jason. Hindi na ako makapagsalita at tingin ko ay naramdaman niya iyon."Nga pala... so working ka?" Aniya habang sumusubo sa kaninTumango ako. "Oo. Pero tuwing Byernes at Sabado ng gabi lang. Sa club lang."Sandaling napatitig siya sa akin. 'Mahirap na trabaho 'yon ah? Puyatan at maraming mambabastos sa'yo!""Oo, e, pero kailangan ko. 'Yon lang kasi ang pwede sa schedule ko." Paliwanag ko."Pinayagan ka 'nong boyfriend mo? May trabaho ba ang boyfriend mo? Mukhang mayaman." Naguguluhan niyang sinabi."Oo. Tsaka gusto ko rin naman kasing magtrabaho. Ayokong umasa sa kanya.Binitiwan niya ang kanyang kutsara at tinidor at humalukipkip siya sa harap ko. Natigil ako sa pagkain at pinagmasdan ko siya."Hindi ako makapaniwala. Kung ako ang boyfriend mo, di ko hahayaang magtrabaho ka ng ganon." Mariin ang pagkakabigkas niya rito."Kagustuhan ko rin kasi ito. I wanna be independent." Paliwanag ko ulit.Kinumbinsi niya akong tumigil sa
NAGMARTSA ako paakyat ng hagdanan. Magbibihis na sana ako sa kwarto ni Lance pero napagtanto kong hindi ako matatahimik pag ganito kaming dalawa. Binuksan ko ang pintuan ng kanyang gym at agad kong narinig ang pagsuntok niya sa punching bag.Tinahak ng mga mata ko ang kanyang dibdib para hanapin 'yong sugat. Isang maliit na plaster na lang ang nandoon Lumunok ako at nag alala na baka mapano ang sugat ngayong malalakas ang mga suntok niya sa punching bag."Lance," Nilunod ng tunog ng punching bag ang aking boses.Tumigil ako sa pagsasalita at pumasok doon. Humalukipkip ako sa kanyang harapan. Kitang kita ko ang sulyap niya ngunit pinipilit niyang wag akong pansinin."Lance..." Ulit ko at agad siyang tumigil sa pagsuntok. Hinawakan niya ang punching bag para mapatigil iyon sa pag galaw. Huminga siya ng malalim at binalingan ako."Baka dumugo ulit ang sugat mo." Sabi ko.Nag iwas siya ng tingin. "I'm fine."Tinitigan ko siya. "Bakit ka ba nagagalit?"Mariing ikinuyom ni Lance ang kanyang
NANGILID ang luha ko. Ayaw ko nang kumakalabog nang husto ang puso ko at naiisip na mahal na mahal ko siya kahit na may mga butas sa pagtingin niya sa akin. Matabang ang bawat sumasagi sa utak ko at gusto kong mawala ang pagmamahal ko sa kanya ngunit hindi ko magawa."Bitiwan mo ako!" Sabi ko sabay pilit na binawi ang braso ko."At saan ka na naman pupunta? Makakawala ka na naman? I tried my best to stop being possessive of you but everytime I loosen my grip, lagi kang nakakawala!" Sabi niya sabay hawak ulit sa braso ko."Sige nga, Lance, sabihin mo sa akin kung paano mo maaalagaan ang baby ko! Ako!" Sigaw ko nang na frustrate sa hawak niyang sobrang higpit.Titig na titig siya sa akin at dumidilim na. Ang pangarap kong mag tampisaw sa tubig ay nawala na."Hindi ako kailanman matatanggap ng mama mo! Sasaktan niya lang ako at ang baby ko! At ang pinakamamahal mong si Erin na siyang dapat ay pakasalan mo ay hinding hindi ko matatanggap!"Natahimik si Lance. Pinanood niya lang ako sa pag
NAKATINGIN parin ako sa mapa. Sa init ng sikat ng araw ay dinalaw ako ng uhaw at pagod. Kinailangan kong tumigil at kumain sa isang karenderya para makapag pahinga, makainom ng tubig at makakain na rim"Ale, alam niyo ba kung saan 'to?" Tanong ko sa matandang nakasalamin na mukhang may ari nong karenderya."Ay, Oo, Coron-Busuanga road, dito 'yon, e. Pero papasok pa yata 'yan, malapit 'yan sa dagat." Aniya habang ineeksamin ang dala kong papel na may nakalagay na address tulad ng nakalagay sa titulong dala ko.Tumango ako at nagtanong pa kung saan dadaanin iyon. Binigyan niya ako ng mga direksyon kung paano pupunta doon. Nalaman kong wala pa palang dadaan na mga bus o kahit ano patungo roon at nagdadalawang isip akong sumakay ng motor dahil sa kalagayan ko.Inisip kong makikisakay na lang siguro ako ng truck o di kaya ay ng tricycle. Mabuti na lang at nakahanap ako ng tricycle pagkatapos ng halos tatlumpong minutong paghihintay. Sinuyo ko pa ang driver para lang mapunta sa lugar na gus
HINDI ko maaalala kung paano ako nakawala sa mga kamay ng security. Hiningal ako sa kakatakbo palayo sa building. Nasa gilid na ako ng kalsada ngayon, mabilis ang pintig ng aking puso at sobrang sakit nito.Tinukod ko ang aking kamay sa aking tuhod at hinabol ang aking hininga. Dinig ko ang mga yapak na sumusunod sa akin."Elisia, asan na ang pera?" Ani Uncle habang pumipikit pikit pa ako sa kakahingal. "Wag mo na kaming paghintayin! Pwede nang lumabas ang Auntie mo! At kapag di ka magbibigay ng pera ngayon ay mas Ialong Ialaki ang bayarin sa ospital!"Halos mahilo ako sa kakahingal ko ngunit pinilit kong maging maayos. Kabado parin ako sa kahihinatnan ng mga ito. Ayaw kong maapektuhan ang baby ngunit pakiramdam ko ay kapag nandito pa ako ay mas Ialo lang itong Ialala."Ano?" Ani Uncle.Nilingon ko siya. Hindi ko alam kung saan ako kukuha ng pera."Ibenta na kasi 'yang singsing mo!" Ani Trisha, tinitingnan ang singsing ko sa daliri.Itinago ko ang aking daliri. Kahit na alam kong sa n
UMUPO ako sa tabi ni Lance. Kanina pa siya nakaupo sa pool. Wala nang tao sa dining table na nasa tabi lang nito. Nag liligpit na ang mga katulong na ngayon ko lang nakitang umapak sa bahay nina Lance. Hindi ako sigurado kung nasa bahay pa ba ang mga bisita nila. Nanatili ako sa tabi niya kanina habang isa-isang nag si alisan ang mga bisita sa pag aalala sa kanyang ina.Huminga ako ng malalim at umupo sa tabi niya. Malungkot siyang nakatingin sa swimming pool at nilingon niya ako, pinipilit na ngumisi."Sorry." Sabi ko.Umiling siya. "Ako dapat ang mag sorry. Wag mo nang isipin'yong mga sinabi ni mama."Umiling din ako. "Lance, tama siya. Kung iniisip mong papakasalan mo lang ako kasi-"Pumikit siya. "Eli, I made up my mind the night you walked out of my life. I told my self I'm gonna marry you. I'm gonna marry you no matter what."Tumitig ako sa kanya. Hinintay niya ang sasabihin ko ngunit nawalan na ako ng salita. Kahit na ilang beses niya itong sabihin sa akin ay parehong gulat at
"W-WALA akong cash ngayon." Sambit ko, nangingilid ang luha ko habang hinaharap si Uncle pagkatapos kong pasukin si Auntie sa kanyang room.May tubig daw sa baga ni Auntie at maraming kailangang itest para mas makita kung anu-ano pa ang problema niya doon. Tulog siya pagkapasok ko at naabutan ko pa ang nurse na nag tuturok sa kanya ng medisina."Anong wala?" Sigaw ni Uncle. "Huwag ka ngang madamot!Alam namin kung ano na ang nangyari sa buhay mo! Nakapag asawa ka ng mayaman!""Hindi 'yan totoo!" Sabi ko. Hindi ko alam saan nila napulot ito pero nakakahiya naman ang mga pinagsasabi nila.Tinulak ako ni Uncle sa dingding at napapikit ako sa sakit na naramdaman ko sa likod ko. Halos mapamura ako sa kaba.Tulad ito nong kabang naramdaman ko nang sinaktan ako ni Erin! Natatakot akong may mangyaring masama sa baby ko.Hindi ko alam kung Ialaban ba dapat ako o kumalma na lang. Parehong nakakasama iyon para sa akin!"Hoy, Elisia. Tigilan mo ako sa pag iinarte mo, madamot ka! Kung gusto pa nam
DAHIL sa pagod ko ay diretso ang tulog ko sa aking kama.Nagislng na lang ako na mabilis ang kalabog ng puso ko. Mabilis din ang hininga ko at agad napabangon. Tumindig ang balahibo ko nang naalala ko kung ano 'yong napanaginipan ko.Nilingon ko si Lance at nakita kong wala siya sa tabi ko. Pagkalagay niya sa akin sa kama kagabi ay mabilis na akong naidlip. Ni hindi ko na nalaman kung nagkabati ba si Bea at Kid.Pinagtabi ko ang hita ko at yinakap ko ang aking tuhod. Napanaginipan ko na hindi pa tinatanggal ni Lance ng lubusan ang underwear ko ay hinaplos niya na ako agad. Ngumuso ako at pumikit. Bakit ganon ang panaginip ko?Dahan dahan akong lumabas ng kwarto at naabutan ko na naman siya sa kusina na naka topless at nagluluto ng almusal ko. Kinagat ko ang labi ko habang tinitingnan ang ibabang likod niya. Naglakbay ang mga mata ko pataas sa kanyang gumagalaw na muscles sa likod.Lumingon siya sa akin at nagpunas ng kamay. Naabutan niya ang pagkagat labi ko kaya nagtaas siya ng kilay
HE didn't need an answer. Alam niya sa sarili niya na mahal na mahal ko parin siya at gustong gusto ko rin siyang makasama. Not just for our baby's sake but it's also for me."Do you love me back, Elisia? Do you still want to be with me?" Tanong niya pagkatapos kong punasan ang aking Iuha.Tumango ako at agad niya akong binalot sa mainit niyang yakap."Good girl." At hinalikan niya ang ulo ko.Pagkatapos naming kumain sa labas ay dumiretso na kami sa ospital para magpacheck up. Sa labas ng clinic ay may nakita akong dalawang pares ng mag asawa. 'Yong isa ay sobrang laki na ng tiyan na tingin ko ay malapit na ang due date niya, samantalang mukhang maagang pagbubuntis pa lang 'yong isa.Pinagmasdan ko sila habang tahimik kami ni Lance.Nakahawak siya sa kamay ko, pinaglalaruan ang mga daliri ko. Alam kong medyo kabado siya at hindi ko alam kung bakit hindi naman ako tulad niyang kabado kahit na ako ang titignan ng doktor."Ang sakit sakit ng balakang ko." Reklamo nong isang buntis na ma
BUMAGSAK ang mga mata ko sa aming mga kamay na magkahawak. Pumasok kami sa elevator at nilingon niya ako. Hindi ko siya matignan. May nararamdaman ako ngayon. Naramdaman ko na ito noon."Are you hungry, Elisia?" Tanong niya.Dahan dahan akong tumango nang di siya nililingon.Marahan niya akong hinila patungo sa kanyang katawan at pinulupot niya ang kanyang kamay sa aking braso. Kinagat ko ang labi ko. Hinalikan niya ang aking ulo."Then we'll eat first. What do you want to eat? May pinaglilihian ka ba?" Bulong niya at dinungaw ako.Pinaglaruan ko ang mga daliri ko habang naghihintay siya sa aking sagot."W-WaIa." iling ko."Okay then what do you want to eat tonight?" Tanong ni Lance.Napatingin ako sa kanya. Tumunog ang elevator at lumabas kami doon. Nang nasa lobby kami ay naabutan namin ang kanyang mama na papasok din sana ng elevator ngunit natigilan dahil nakita kaming dalawa. Mabilis na kumunot ang kanyang noo at bakas sa mukha ang pagkakairita."What's the meaning of this, Lance
PAPASOK ako sa cafe na sinabi niya. Naroon na siya sa gitnang table at umiinom ng juice. Nang namataan niya akong papasok sa cafe ay humalukipkip siya at pinanood niya ang bawat paggalaw ko na para bang naghihintay na magkamali.lginala ko ang mga mata ko sa buong cafe at nakita kong marami namang tao doon. Pinag titinginan pa siya ng iilang kumakain, siguro dahil namumukhaan siya.Tumayo ako sa harap ng kanyang mesa. Inilahad niya ang kanyang kamay sa upuan sa tapat ko."Upo ka," aniya.Dahan dahan akong umupo roon sa tapat niya. Pinanood niya ang pag upo ko nang nakakunot ang noo. Huminga siya ng malalim at nagsalita."Hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa, Elisia. Gusto kong malaman..."Marami akong naisip. Alam niya kaya na buntis ako? Sinabi kaya ni Lance sa lahat?"May plano ka bang balikan si Lance?" Bahagya siyang tumawa. "Oh that's a stupid question. Of course, gusto mo siyang balikan. Who would not want Lance Coleman, right?"Hindi ako nagsalita. Sa sarili ko ay hindi ko rin al