MADALING araw pa Iang ay umalis na ako kina Auntie Letty. Naisip ko si mama at gusto ko Iang siyang makausap ngayon. Alam kong hindi na siya sasagot at ang tanging magagawa ko ay kausapin siya. Kontento na ako sa pakikinig niya. Kontento na akong maramdaman na nandyan siya.Nilagyan ko ng tatlong rosas ang lapida ni mama at papa. Nag sindi ako ng kandila para sa kanilang dalawa at nag squat doon sa bermuda ng sementeryo.Ngayong nandito na ako ay hindi na ako makapag salita. Tumitig Iang ako sa kanilang dalawa at inisip ko kung ano ang sasabihin nila kung buhay pa sila dito. Bumunot bunot ako ng damo habang naghihintay ng tamang oras sa pagsasalita. Tumitig ako sa lapida ni mama at wala sa sarili kong sinabi ang mga problema ko. "Ma, ilang beses kitang sinumbatan non na hindi maganda ang umibig sa taong ganon. Mayaman at makapangyarihan, Mas Ialo kitang sinumbatan nong nalaman kong may asawa pala 'yong inibig mo."Nangilid ang luha ko. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil at leas
"SUMUSOBRA ka na, ah!" Susugod na sana si Kid ngunit hinawakan ko ang kanyang braso.Nakita ko ang titig ni Lance na dumapo naman ngayon sa kamay kong nakahawak sa braso ni Kid. Mabilis kong binitiwan ang braso niya. Nilingon niya ako sa pagtataka."Kid, sorry." Sabi ko at yumuko.Siguro nga ay tama si Bea. Dapat ay kinausap ko na lang si Lance. Dapat ay hindi ako umalis ng ganon. Nagpadalos dalos ako. Inisip kong hindi niya ako hahanapin dahil nakuha niya na ang gusto niya sa akin. May parte sa aking nangarap na sana nga ay mag hanap siya pero mas malaki ang parteng may alam na hindi niya ito gagawin. Now, I was wrong. Hinanap niya nga ako at heto siya ngayon.My decision is still the same. Hindi ko kayang pagbigyan ang sarili ko. Hindi nababago ng reaksyon niya ang pananaw ko. May mga takot akong mas malakas pa sa nararamdaman ko para sa kanya. Those fears are deep-rooted and I can't change my system."Elisia? Ano?" Tanong ni Kid.Nag angat ako ng tingin sa kanyang nagugulat na mukh
"LANCE, ibaba mo na ako. Paulit ulit ko 'tong sinabi habang nag dadrive siya sa highway."Saan ka tumitira? Don kita ibababa." Aniya."Dito lang ako. n Wala sa sarili kong sinabi."Pag di mo sasabihin sa akin, sa bahay kita dadalhin."Napatingin ako sa kanya. Lumingon din siya sa akin.Suminghap ako at sinabi ko sa kanya ang address. Pagod na pagod na ako.Niliko niya ang kanyang sasakyan patungo doon sa address na sinabi ko at mabagal niya itong pinatakbo."Elisia, come on. Alam kong marami kang insecurities. Alam ko kung ano ang iniisip mo tungkol sa akin and I understand that. I'm a jackass for using girls like that at hindi ko alam kung paano kita papaniwalain, just give me my chance." Marahan niyang sinabi.Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya. Hindi niya alam kung ano ang pakiramdam na mabuhay kasama si mama noong iniwan siya ng lalaking iyon. Unang subok niyang suicide ay ang pag inom ng maraming pills, pangalawa ay ang pag Ialaslas. Hindi ko na maalala ang sinabi ng
"SIGE, dito na lang muna ako." Aniya.Kumunot ang noo ko nang nakitang bumalik siya sa pagkakaupo doon sa mesa. 'Anong gagawin mo dito?""Wala akong trabaho, e." Aniya.Tumikhim ako at pumikit. Okay. Nilingon ko ulit si Auntie Letty at pinilit kong bumili ng pagkain galing sa kanya ngunit hindi niya ako pinabili kaya napilitan akong umakyat na lang at kainin ang natitira kong sardinas sa bag.Nagulat ako nang may nag text sa akin na isang hindi ko kilalang number. Si Auntie Letty at Bea pa lang ang nabibigyan ko nitong number ko. Sino naman 'to?Unknown Number:Anong kakainin mo dyan? At least wear pajamas when you go out.Mariin akong pumikit. Si Lance 'to. At siguradong si Auntie Letty ang nag bigay ng numero ko. Hindi ko na nireplyan. Ayokong patulan.Nagkulong ako sa kwarto maghapon. Ayoko nang lumabas dahil paniguradong nandoon na naman si Lance. Hindi na rin naman siya nag text ulit. Siguro ay naintindihan niya ang ibig sabihin ng hindi ko pagrereply.Napatalon ako nang tumunog
NAGMUMUKHA siyang college guy habang tumatagal.Dalawang linggo na ako sa school at panay parin ang sunod niya sa akin. Tinitigan ko siya habang lumilinga linga sa paligid para hanapin ko. Nag CR ako pagkatapos ng klase, sumunod siya pero nag CR din sa male CR kaya nauna akong lumabas at natakasan ko siya. Alam niya ang mga schedule ko, memorize na niya iyon sa ngayon. Pero walang susunod na klase kaya hindi niya alam ngayon kung saan ako hahanapin.Hindi ko alam kung ano ang gagawin niya. Inisip kong hindi siya tatagal ng isang linggo. Hindi ko siya pinapansin at binabalewala ko rin ang kanyang mga offer. I thought he would stop."Ihahatid lang naman kita. I swear to God, di kita kakausapin. If I'll piss you, di kita kakausapin, Elisia! Hatid lang!" 'Yan ang laging linya niya tuwing gusto niyang maihatid ako.Hindi ako pumapayag. Hindi sa hindi ako naniniwala pero umasa akong tumigil na siya. Na mapagod na siya. Sana mapagod na siya. Dahil napapagod na akong tanggihan siya palagi...
Naestatwa ako habang tinitingnan si Lance na duguan at dinadaluhan ng iba't-ibang medic galing sa labas. May kausap ang ibang bouncer at nagkakagulo dahil sa pagpapaalis ng mga nanggulo.Nilapitan ako 'nong customer kanina, kaibigan nang nambastos at kinausap ngunit walang pumasok sa utak ko kundi ang duguang si Lance. Nakita ko kung paano siya umiling sa dumalo sa kanya. Ngumiwi ang babaeng mukhang medic at nakipag usap sa isang bouncer na para bang isinusumbong si Lance.Natauhan lang ako sa nang hinablot ni Bea ang bag ko. Binalingan ko siya at tinapunan niya ako ng irap."Ano? Daluhan mo na! Oh my God! Ako na ang kukuha ng TF mo tonight. Tsaka ako na rin mag re-remit." Singhal ni Bea.Tinikom ko ang bibig ko at binalingan ulit si Lance na nakataas ang t-shirt habang nilalagyan ng bulak nong babae. May kausap at ka high five siyang kakilala. Parang wala lang sa kanya.Nanginig ang binti ko nang nagsimulang humakbang palapit kay Lance. Hindi ko alam kung nanginginig ba ito dahil sa
SABAY kaming lumabas ng sasakyan. Sinalubong agad kami nong tinutukoy kong tauhan niyang may malaking katawaan at nasa mid thirties ang edad.Lumipad sa ere ang kamay ni Lance para warningan iyong tauhan na huwag mag salita. Sumunod ako kay Lance, syempre nag aalala iyon dahil sa duguang damit ni Lance.Nilingon ko si manong at kinausap. "Napa away siya sa bar kaya ganon. Hindi nagpagamot kaya mas lalong dumugo." Sabi 1
PINAGMASDAN ko kung paano niya ako tinalikuran. Kinukurot ang puso ko habang lumalayo siya. Pumikit ako at hinayaan ang sarili sa kung ano man ang gusto nitong gawin."Lance..." Tawag ko.Nasa pintuan na siya nang tinawag ko siya, Nakabukas na iyon at natigil lang siya sa pag alis nang tinawag ko. Nilingon niya ako."Hindi ko iyon sinabi saiyo para ma guilty ka, Elisia." Aniya.Umiling ako. 'I'm sorry." Paos ang pag kakasabi ko nito.Hindi siya kumibo. Nagpatuloy siya sa kanyang pag sarado sa pintuan hanggang sa tuluyan na siyang makaalis.Tumunganga ako sa kinatatayuan ko. Namanhid ang buong katawan ko dahil sa pangyayari. Pumikit ako at umupo sa kama.Walang kasiguraduhan ang takbo ng mundo. Kahit anong pigil mo para lang maging maayos ang mga bagay bagay, hindi ka parin makakasiguro sa kahit ano. Pilitin ko man ang buhay na maayos at normal para sa sarili ko, hindi ko parin malimot limot si Lance. Inisip ko kung anong gagawin ko kung di niya ako hinabol.Pinulupot ko ang kumot sa a
NANGILID ang luha ko. Ayaw ko nang kumakalabog nang husto ang puso ko at naiisip na mahal na mahal ko siya kahit na may mga butas sa pagtingin niya sa akin. Matabang ang bawat sumasagi sa utak ko at gusto kong mawala ang pagmamahal ko sa kanya ngunit hindi ko magawa."Bitiwan mo ako!" Sabi ko sabay pilit na binawi ang braso ko."At saan ka na naman pupunta? Makakawala ka na naman? I tried my best to stop being possessive of you but everytime I loosen my grip, lagi kang nakakawala!" Sabi niya sabay hawak ulit sa braso ko."Sige nga, Lance, sabihin mo sa akin kung paano mo maaalagaan ang baby ko! Ako!" Sigaw ko nang na frustrate sa hawak niyang sobrang higpit.Titig na titig siya sa akin at dumidilim na. Ang pangarap kong mag tampisaw sa tubig ay nawala na."Hindi ako kailanman matatanggap ng mama mo! Sasaktan niya lang ako at ang baby ko! At ang pinakamamahal mong si Erin na siyang dapat ay pakasalan mo ay hinding hindi ko matatanggap!"Natahimik si Lance. Pinanood niya lang ako sa pag
NAKATINGIN parin ako sa mapa. Sa init ng sikat ng araw ay dinalaw ako ng uhaw at pagod. Kinailangan kong tumigil at kumain sa isang karenderya para makapag pahinga, makainom ng tubig at makakain na rim"Ale, alam niyo ba kung saan 'to?" Tanong ko sa matandang nakasalamin na mukhang may ari nong karenderya."Ay, Oo, Coron-Busuanga road, dito 'yon, e. Pero papasok pa yata 'yan, malapit 'yan sa dagat." Aniya habang ineeksamin ang dala kong papel na may nakalagay na address tulad ng nakalagay sa titulong dala ko.Tumango ako at nagtanong pa kung saan dadaanin iyon. Binigyan niya ako ng mga direksyon kung paano pupunta doon. Nalaman kong wala pa palang dadaan na mga bus o kahit ano patungo roon at nagdadalawang isip akong sumakay ng motor dahil sa kalagayan ko.Inisip kong makikisakay na lang siguro ako ng truck o di kaya ay ng tricycle. Mabuti na lang at nakahanap ako ng tricycle pagkatapos ng halos tatlumpong minutong paghihintay. Sinuyo ko pa ang driver para lang mapunta sa lugar na gus
HINDI ko maaalala kung paano ako nakawala sa mga kamay ng security. Hiningal ako sa kakatakbo palayo sa building. Nasa gilid na ako ng kalsada ngayon, mabilis ang pintig ng aking puso at sobrang sakit nito.Tinukod ko ang aking kamay sa aking tuhod at hinabol ang aking hininga. Dinig ko ang mga yapak na sumusunod sa akin."Elisia, asan na ang pera?" Ani Uncle habang pumipikit pikit pa ako sa kakahingal. "Wag mo na kaming paghintayin! Pwede nang lumabas ang Auntie mo! At kapag di ka magbibigay ng pera ngayon ay mas Ialong Ialaki ang bayarin sa ospital!"Halos mahilo ako sa kakahingal ko ngunit pinilit kong maging maayos. Kabado parin ako sa kahihinatnan ng mga ito. Ayaw kong maapektuhan ang baby ngunit pakiramdam ko ay kapag nandito pa ako ay mas Ialo lang itong Ialala."Ano?" Ani Uncle.Nilingon ko siya. Hindi ko alam kung saan ako kukuha ng pera."Ibenta na kasi 'yang singsing mo!" Ani Trisha, tinitingnan ang singsing ko sa daliri.Itinago ko ang aking daliri. Kahit na alam kong sa n
UMUPO ako sa tabi ni Lance. Kanina pa siya nakaupo sa pool. Wala nang tao sa dining table na nasa tabi lang nito. Nag liligpit na ang mga katulong na ngayon ko lang nakitang umapak sa bahay nina Lance. Hindi ako sigurado kung nasa bahay pa ba ang mga bisita nila. Nanatili ako sa tabi niya kanina habang isa-isang nag si alisan ang mga bisita sa pag aalala sa kanyang ina.Huminga ako ng malalim at umupo sa tabi niya. Malungkot siyang nakatingin sa swimming pool at nilingon niya ako, pinipilit na ngumisi."Sorry." Sabi ko.Umiling siya. "Ako dapat ang mag sorry. Wag mo nang isipin'yong mga sinabi ni mama."Umiling din ako. "Lance, tama siya. Kung iniisip mong papakasalan mo lang ako kasi-"Pumikit siya. "Eli, I made up my mind the night you walked out of my life. I told my self I'm gonna marry you. I'm gonna marry you no matter what."Tumitig ako sa kanya. Hinintay niya ang sasabihin ko ngunit nawalan na ako ng salita. Kahit na ilang beses niya itong sabihin sa akin ay parehong gulat at
"W-WALA akong cash ngayon." Sambit ko, nangingilid ang luha ko habang hinaharap si Uncle pagkatapos kong pasukin si Auntie sa kanyang room.May tubig daw sa baga ni Auntie at maraming kailangang itest para mas makita kung anu-ano pa ang problema niya doon. Tulog siya pagkapasok ko at naabutan ko pa ang nurse na nag tuturok sa kanya ng medisina."Anong wala?" Sigaw ni Uncle. "Huwag ka ngang madamot!Alam namin kung ano na ang nangyari sa buhay mo! Nakapag asawa ka ng mayaman!""Hindi 'yan totoo!" Sabi ko. Hindi ko alam saan nila napulot ito pero nakakahiya naman ang mga pinagsasabi nila.Tinulak ako ni Uncle sa dingding at napapikit ako sa sakit na naramdaman ko sa likod ko. Halos mapamura ako sa kaba.Tulad ito nong kabang naramdaman ko nang sinaktan ako ni Erin! Natatakot akong may mangyaring masama sa baby ko.Hindi ko alam kung Ialaban ba dapat ako o kumalma na lang. Parehong nakakasama iyon para sa akin!"Hoy, Elisia. Tigilan mo ako sa pag iinarte mo, madamot ka! Kung gusto pa nam
DAHIL sa pagod ko ay diretso ang tulog ko sa aking kama.Nagislng na lang ako na mabilis ang kalabog ng puso ko. Mabilis din ang hininga ko at agad napabangon. Tumindig ang balahibo ko nang naalala ko kung ano 'yong napanaginipan ko.Nilingon ko si Lance at nakita kong wala siya sa tabi ko. Pagkalagay niya sa akin sa kama kagabi ay mabilis na akong naidlip. Ni hindi ko na nalaman kung nagkabati ba si Bea at Kid.Pinagtabi ko ang hita ko at yinakap ko ang aking tuhod. Napanaginipan ko na hindi pa tinatanggal ni Lance ng lubusan ang underwear ko ay hinaplos niya na ako agad. Ngumuso ako at pumikit. Bakit ganon ang panaginip ko?Dahan dahan akong lumabas ng kwarto at naabutan ko na naman siya sa kusina na naka topless at nagluluto ng almusal ko. Kinagat ko ang labi ko habang tinitingnan ang ibabang likod niya. Naglakbay ang mga mata ko pataas sa kanyang gumagalaw na muscles sa likod.Lumingon siya sa akin at nagpunas ng kamay. Naabutan niya ang pagkagat labi ko kaya nagtaas siya ng kilay
HE didn't need an answer. Alam niya sa sarili niya na mahal na mahal ko parin siya at gustong gusto ko rin siyang makasama. Not just for our baby's sake but it's also for me."Do you love me back, Elisia? Do you still want to be with me?" Tanong niya pagkatapos kong punasan ang aking Iuha.Tumango ako at agad niya akong binalot sa mainit niyang yakap."Good girl." At hinalikan niya ang ulo ko.Pagkatapos naming kumain sa labas ay dumiretso na kami sa ospital para magpacheck up. Sa labas ng clinic ay may nakita akong dalawang pares ng mag asawa. 'Yong isa ay sobrang laki na ng tiyan na tingin ko ay malapit na ang due date niya, samantalang mukhang maagang pagbubuntis pa lang 'yong isa.Pinagmasdan ko sila habang tahimik kami ni Lance.Nakahawak siya sa kamay ko, pinaglalaruan ang mga daliri ko. Alam kong medyo kabado siya at hindi ko alam kung bakit hindi naman ako tulad niyang kabado kahit na ako ang titignan ng doktor."Ang sakit sakit ng balakang ko." Reklamo nong isang buntis na ma
BUMAGSAK ang mga mata ko sa aming mga kamay na magkahawak. Pumasok kami sa elevator at nilingon niya ako. Hindi ko siya matignan. May nararamdaman ako ngayon. Naramdaman ko na ito noon."Are you hungry, Elisia?" Tanong niya.Dahan dahan akong tumango nang di siya nililingon.Marahan niya akong hinila patungo sa kanyang katawan at pinulupot niya ang kanyang kamay sa aking braso. Kinagat ko ang labi ko. Hinalikan niya ang aking ulo."Then we'll eat first. What do you want to eat? May pinaglilihian ka ba?" Bulong niya at dinungaw ako.Pinaglaruan ko ang mga daliri ko habang naghihintay siya sa aking sagot."W-WaIa." iling ko."Okay then what do you want to eat tonight?" Tanong ni Lance.Napatingin ako sa kanya. Tumunog ang elevator at lumabas kami doon. Nang nasa lobby kami ay naabutan namin ang kanyang mama na papasok din sana ng elevator ngunit natigilan dahil nakita kaming dalawa. Mabilis na kumunot ang kanyang noo at bakas sa mukha ang pagkakairita."What's the meaning of this, Lance
PAPASOK ako sa cafe na sinabi niya. Naroon na siya sa gitnang table at umiinom ng juice. Nang namataan niya akong papasok sa cafe ay humalukipkip siya at pinanood niya ang bawat paggalaw ko na para bang naghihintay na magkamali.lginala ko ang mga mata ko sa buong cafe at nakita kong marami namang tao doon. Pinag titinginan pa siya ng iilang kumakain, siguro dahil namumukhaan siya.Tumayo ako sa harap ng kanyang mesa. Inilahad niya ang kanyang kamay sa upuan sa tapat ko."Upo ka," aniya.Dahan dahan akong umupo roon sa tapat niya. Pinanood niya ang pag upo ko nang nakakunot ang noo. Huminga siya ng malalim at nagsalita."Hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa, Elisia. Gusto kong malaman..."Marami akong naisip. Alam niya kaya na buntis ako? Sinabi kaya ni Lance sa lahat?"May plano ka bang balikan si Lance?" Bahagya siyang tumawa. "Oh that's a stupid question. Of course, gusto mo siyang balikan. Who would not want Lance Coleman, right?"Hindi ako nagsalita. Sa sarili ko ay hindi ko rin al