Share

CHAPTER 94

“Nanay Marie, sa palagay n’yo po ay kumpleto na itong lahat na gagamitin natin para po sa kaarawan ng kambal?” Kinakabahang tanong ni Loisa sa kanyang nanay-nayan.

“Naku iha meron pa tayong dalawang linggo para mailagay sa ayos ang lahat kaya huwag ka ng kabahan diyan,” nakangiting sabi ni Aling Marie.

“Dahil pati ako ay natataranta sa ‘yo,” dagdag pa nitong sabi.

“Hindi ko din po alam Nanay kung bakit po ako natataranta at kinakabahan hindi naman po ako ganito nong dati,” sabi ni Loisa.

“Naku normal lang ‘yan iha kasi di ba nga lumalaki na ang kambal at marunong ng magtanong at maghanap,” sabi naman ni Aling Marie.

“At natural lang ang nararamdaman mong kaba kasi maging hanggang ngayon ay hindi pa kayo nagkikita ni Steve,” dagdag pang sabi ng matanda.

“Ilang taon na din ang lumipas iha, hindi kaya panahon na para makita at makilala ni Steve ang mga anak n’yo?” Masinsinang tanong pa ni Aling Marie kay Loisa.

“Para saan pa po, Nanay ayoko pong makagulo sa pagsasama nila ng kaibigan ko
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status