“Tingnan mo lang ‘tong babaeng ‘to tatawag-tawag tapos biglang papatayin ang telepono,” inis na sambit ni Ciara sa sarili.“Matawagan nga,”bulong pa niya.Maka-ilang ulit niyang tinipak ang numero ni Kimberly ngunit hindi niya na ito makontak. Ang ipinagtataka niya ay parang kinakabahan ang babae at tila ba may narinig din siyang biglang bukas ng pinto at boses ng lalaki.“Hay naku alam kong may galit ka sa amin ni Loisa, Kimberly pero bakit parang nararamdaman kong nasa panganib ka?” Sambit pa ni Ciara.Upang mawala ang pagkabalisa ni Ciara ay tinawagan niya ang kanyang amo na si Abegail upang makahingi ng opinion kung bakit kinausap siya ni Kimberly.“Oh, Ciara napatawag ka?” Nagtatakang tanong naman ni Ciara.“Magandang araw po Ma’am Abegail, kasi po ma’am may sasabihin lang po ako sa inyo okay lang po ba?” Nahihiya pang sabi ni Ciara.“Go ahead it’s fine, what is it?” Sabi naman ng babae sa kabilang-linya.“Kasi po tumawag sa akin si Kimberly ma'am, kababago lang po,” sabi ni Ciar
“Magandang araw po ma’am, nandito na po lahat ang resulta ng imbestigasyon ko po tungkol kay Kimberly,” sabi ng lalaki.“Good morning too, sarhento,” bati rin ni Abegail.Inabot ng babae ang sobre at isa-isang tiningnan ang mga litrato na nakapaloob dito.“Kuha po ‘yan noong isang araw ma’am,” sabi naman ng sarhento.“Kung hindi ako nagkakamali dito to sa Negros, tama ba sarhento?” Tanong ni Abegail sa lalaki.“Tama po kayo ma’am,” kumpirma naman ng lalaki.“Sa pagkaka-alam ko ay hindi taga-rito sa Kimberly,”nagtatakang sabi ni Abegail.“At sino naman itong lalaking kasama niya?” Dagdag pa niyang sabi.“Tama po kayo ma’am hindi po tagarito si Kimberly, tubong Maynila po siya ma’am. Ang lalaki pong kasama niya siya po si Arnel ang dating kinakasama ni Kimberly,” kwento naman ng lalaki.“Si Arnel po ma’am ay dating preso dahil sa pag gamit at pagbibinta po ng mga ipinagbabawal na gamot. Siya rin po ang kakuntsaba ni Kimberly sa planong kidnapin ang mga kambal na anak ng isang mayamang
“Daddy Miguel,” sigaw ng kambal.Masayang sinalubong ni Miguel ang mga kambal.“Oh, dahan-dahan kids baka madapa kayo,”nakangiting sabi ni Miguel sa mga paslit.“Dahan-dahan mga anak,” paalala naman ni Loisa.Nang mapang-abot ay agad nag-aagawan ang dalawa kung sino ang maunan makarga ni Miguel.“Oh, huwag mag-agawan kids kaya kayong buhatin ng daddy,”masayang sabi naman ng lalaki.Hindi niya mawari kung bakit sobrang saya niya ngayong nakita muli si Loisa at ang mga bata.“Mga anak, naku pagod ang tito Miguel ninyo huwag n’yo munang istorbohin,” nag-aalala pang sabi ni Loisa.“Naku, it’s okay Loise nothing to worry dahil nakita ko na kayo biglang nawala ang halos isang buwan ko nang nararamdamang pagod,”nakangiting sabi ni Miguel ng makita si Loisa.“Ayan ka na naman nambobola,”nakangiti na ring sabi ni Loisa.“Hindi kaya, di ba Aling Marie magandang araw nga po pala,” bati naman ni Miguel sa matanda.“Magandang araw din iho, kamusta ang byahe?” Tanong ni Aling Marie kay Miguel.“Nak
“Handa na ba ang lahat my dear cousin?” Nakangiting tanong ni Steve sa pinsan.Kararating lang nila Steve sa hotel at agad siyang sinalubong ng pinsan sa may lobby.“Kamusta rito?” Tanong pa ng lalaki. “So far so good naman kaya nothing to worry,” nakangiti namang sabi ni Abegail.“Sinabi mo e,” sagot naman ni Steve.“Ang munting prinsesa mo nga pala bakit hindi sumama?” Nagtatakang tanong ni Abegail nang hindi makita ang pamangkin.“Susunod na sila ng mama at papa,” tugon naman ni Steve.“E, ang bruha balita ko narito na sa Negros pero hindi pa nagpaparamdam dito sa hotel,” sabi naman ni Abegail.“Never mind of her, caz,” sabi ng pinsan ni Abegail.“Siyanga pala nasaan si Miguel, hindi ba siya dadalo sa okasyon bukas?” Usisa ng babae.“Nope, humiling ng mahabang bakasyon kasi dadalo raw siya sa kaarawan ng anak ng bago niyang girlfriend,” nakangiting sabi ni Steve.“What! Anak ng bagong niyang girlfriend nawala ba ang utak niya caz, bakit may anak na ang bago niyang girlfriend?” Gula
“Kids are you excited now?” Masayang tanong ni Miguel sa mga kambal.Sa wakas, dumating na rin ang araw kung saan gaganapin ang ikalimang-taong kaarawan ng mga kambal. Sa isang kilalang resort sa bayan mas pinili ni Loisa gaganapin ang kaarawan ng mga anak. Simpleng handaan lang, maliban sa kanilang mag-iina, Si Aling Marie at si Miguel ay ang mga malalapit na kamag-anak ng kanilang nanay-nanayan ang kanilang mga bisita.Nasa kalagit-naan na sila ng pagdiriwang ng dumating si Arnel may dala itong mga regalo at tag-iisa ang mga bata.“Naku, Arnel nag-abala ka pa, gayunpaman maraming salamat,” nakangiting sabi ni Loisa.“Walang anuman, Loisa kahit papano naging malapit na rin ako sa kambal,” sabi naman ni Arnel.“Nanay Marie, kamusta po kayo mukhang bumabata at lalo po tayong gumaganda ah,” papuri ng lalaki sa matanda.“Naku palabiro ka talaga iho,” natawa tuloy ang matanda sa sinabi ng lalaki.“Totoo po ang sinabi ko nanay Marie,” sabi ni Arnel.“O siya maraming salamat sa papuri kahi
“Finally you answered my call,” inis na sabi ni Abegail.“Pasensiya na maingay kasi dito sa kinatatayuan ko, hindi ko agad nasagot ang tawag mo, Abe,” hinging paumanhin ni Miguel.Makailang tawag na pala si Abegail kay Miguel, mabuti na lang ay nagawa niyang kunin ang telepono sa bulsa upang tingnan kung merong bagong mensahe at hindi nga siya nagkamali maliban sa mensahe ay nakasampung miss call na pala si Abegail sa kanya.“Bakit ka nga pala tumawag hindi ba nasabi ni Steve sa iyo na naka leave ako ng ilang araw?” Inis na sabi ni Miguel.“Sinabi, o e, ano ngayon dati-rati kahit nasa bakasyon ka naman ay pwede kang tawagan at istorbohin ah,”sabi ni Abegail.“Gaano ba ‘yan ka importante sa buhay mo at talagang hindi ka pwedeng maistorbo?” dagdag pa ng babae.“Hindi naman sa nagrereklamo ako kaya lang nasabi ko na ahead of time na magbabakasyon ako, aatend kasi ako ng kaarawan ng kambal,”paliwanag ni Miguel.“Ang gusto ko ay ma-enjoy ang moment with them,” sabi pa niya.“Kelan mo lang
“O siya segi Miguel mag-iingat ka sa biyahe papuntang bayan,” nakangiti namang sabi ni Aling Marie.“Hayaan po ninyo, Aling Marie pagkatapos ko pong maasikaso ang problema sa opisana babalik po ako rito agad,” sabi naman ni Miguel.“Laging bukas ang bahay namin para sa iyo iho, kahit anong oras at araw maari mong bisitahin ang mga bata,”sabi naman ng matanda.“Salamat po, Aling Marie,” sagot naman ng binata.“Pare, mauna na ako sa iyo ikaw na muna ang bahala kina Loisa, Aling Marie at mga bata,”sabi ni Miguel ng si Arnel naman ang hinarap nito.“Huwag kang mag-alala pare akong bahala sa kanila, lalo na sa mga kambal,” nakangising sabi naman ni Arnel.“Salamat pare, mauna na ako,” paalam ni Miguel.Lingid sa kaalaman nilang lahat ang masamang plano ni Arnel at walang kaalam-alam si Miguel na kinasabwat na pala ni Arnel ang isang magician upang makuha niya ang mga kambal.Matapos ang ilang oras ng palaro ay nag-anunsyo na ang salamangkero kung sino ang gustong manood ng kanyang mahika.
“Bakit parang boses ni Loisa ang narinig kong tumawag kay Miguel kanina?” Bulong ni Abegail sa sarili.“Hey, caz bakit parang tulala ka?” Tanong ni Steve sa pinsan.“Gosh, what have you done?” Inis na sabi ni Abegail sa pinsan.“Hey, easy what’s wrong with you magbihis ka na lang ulit sa room mo,” nakangiting sabi ni Steve.Talagang naaaliw siya kapag nagtataray ang pinsan, gayunpaman hindi niya pa rin ito magawang patulan.“Oh, I’m sorry may naiisip lang ako and your right I need to change next time kasi huwag kang manggugulat,” sabi pa ng babae.“Oh, sorry,” taas-kamay pang sabi ni Steve.Padabog na tumalikod si Abegail pabalik ng kanyang kwarto ng biglang tumunog ang kanyang telepono.“Yes, Ciara nasa event area ka na ba?” Masayang bati ni Abegail sa tauhan.Ilang araw din silang hindi nagkita ng babae, nang dumating ito kanina ay hindi niya na din nagawa pang kitain dahil pareho silang merong kanya-kanyang pinagkaka-abalahan.“Ma’am Abegail masamang balita po,” nanginginig na bose
Alas singko na ng hapon ng matapos ng makapag-ayos sina Loisa at mga bata, maging si Aling Marie ay handa na rin.“Nasaan na po ba si Miguel, anong oras raw po tayo susunduin nanay Marie?” Tanong ni Loisa sa matanda.Sa pagkaka-alam kasi ni Loisa ay iniimbitahan sila ni Miguel na kumain sa mamahaling restaurant sa siyudad. Hindi niya na to nakausap kanina dahil inasikaso niya muna ang mga kambal. Kahit ayaw niya munang umalis ng bahay ng dahil sa nangyari ay napilitan pa rin siya ng mga kasama sa bahay.“Nariyan na raw sa labas, halina na kayo at medyo mahaba pa raw ang biyahe natin,” sabi naman ni Aling Marie. “Sabi ko naman po kasi Nanay, pwede naman po sa makalawa o sa susunod na linggo na lang po, kasi hindi pa po tayo nakakarecover sa nangyari kahapon,” sabi ni Loisa.“Naku, ano ka ba pagbigyan na natin si Miguel, alam mo namang bilang lang ang bakasyon nong tao,” sabi pa ng matanda.“Segi na nga po,” tanging nasabi na lamang ni Loisa.Hindi na nagtagal dumating na rin sila sa v
“Salamat sa Diyos at ligtas kayong lahat lalo na ang mga bata,” maluha-luha bati ni Aling Marie.“Nanay Marie,” masayang salubong ng kambal sa kanilang lola.“Mga apo ko, kamusta kayo siguro nagugutom ang mga bata hali kayo may pagkaing inihanda ang lola,” masayang bati ng matanda sa mga bata.Bumaba na rin si Steve sa kanyang sasakyan at tahimik lamang na nakatayo sa likod nina Loisa.“Daddy Steve,” sigaw ni Loyd.Mabilis na lumapit ang bata sa lalaki ng mapagkilanlan ang kinilalang pangalawang ama.Masayang nagyakap ang dalawa. Saglit pa tumulo ang kanyang luha ng mahigpit siyang niyakap ni Loyd, sobrang miss na miss niya na ang kanyang mag-ina.Maging sina Loisa ay naluha din sa nakita kahit siya rin naman ay sobra niyang na mi-miss ang lalaking kanyang minahal. Ngunit ng dahil sa nangyari kilangan niya munang pag-ukulan ng atensiyon ang kanyang mga kambal.“Kamusta ka na anak?” Masayang sabi ni Steve kay Loyd.“Okay lang po ako daddy Steve,” nakangiting sabi ni Loyd.“Kayo po kamu
“Ano ba ang kasalanan ko sa iyo, Kimberly at pati mga anak ko ay ipinagkanulo mo kay Crystal?” Galit na tanong ni Loisa kay Kimberly.Matapos maipakilala ni Loisa ang kambal sa kanilang Tita Abegail ay nauna na ang mga ito na lumabas ng bahay. Samantalang nagpa-iwan si Steve at Loisa upang kausapin ng masinsinan sina Arnel at Kimberly.“Patawarin mo ako Loisa masyado akong nasilaw sa perang ibinigay ni Crystal,” sabi ni Kimberly.“Noong nalaman ni Crystal na merong karelasyon si Sir Steve sa opisina ay hindi niya matanggap,”kwento pa nito.“Kinausap niya ako at sinabi niyang babayaran niya ako sa tuwing meron akong magandang balita na ibibigay sa kanya,” sabi pa ni Kimberly.“Nong una masaya ako kasi sino ba naman ang ayaw sa pera, Loisa pero kalaunan nong nalaman kung tatangayin niya ang mga kambal at ituturing niya na parang sariling anak niya, doon na ako umalma,” naluluhang sabi pa niya.“Hindi mo ba naisip na masakit sa isang tulad ko ang mawalay sa mga anak kahit segundo lang, K
Nakagapos ng inilabas si Crystal sa lumang bahay na pinagdalhan sa mga bata. Hindi pa man siya nakapasok sa sasakyan ng mga awtoridad ay sinalubong agad siya ni Loisa ng mag-asawang sampal.Samantalang sabunot naman ang inabot niya kay Abegail.Dali-daling namagitan sina Steve at Miguel sa pagitan ni Crystal at ng dalawang babae.“Nanahimik ako Crystal nagpakalayo-layo kami ng mga anak ko, pero bakit mo kami ginulo,” galit na tanong ni Loisa kay Crystal.“Ano ang kasalanan ko sa ‘yong babae ka bakit pati ang mga anak ko dinamay mo sa galit mo sa akin,”umiiyak pero pilit na inaabot ang babae.“Tama na po misis kami na po ang bahala sa kanya,” awat naman ng isang pulis.“Segi na boss pakidala na sa presento ang babaeng ‘yan,” sabi naman ni Steve.“Tahan na sweetie, maaayos din ang lahat,” sabi naman ni Steve sabay yakap kay Loisa.“Ang mga anak ko, nasaan ang mga anak ko?” Tarantang tanong ni Loisa kay Steve ng hindi makita ang mga bata.“Kumalma ka nasa loob sila kasama ng mga tauhan k
Pagkatanggap ni Steve ng lokasyon kung saan dinala ang kanyang mga anak ay wala na silang sinayang na oras. Nagunit napagtanto nila na hindi ganon kadaling lusubin ang grupo ng mga taong dumukot sa mga bata. Kahit marami sila, nariyan ang mga grupo ng sarhento, mga pulis at ang kanyang mga tauhan.Sanay siya sa bakbakan pero hindi niya pwedeng isa-alang alang ang buhay ng kanyang mga kambal. “Anong sitwasyon dito?” Derestsahang tanong ng lalaki sa sarhento.Matapos malaman ni Steve ang buong detalye ay maingat na ibinato sa mga tauhan kung ano ang kinakailangan nilang gawin.“Ayaw ko ng bulilyaso kung ayaw n’yong pati kayo ay ibaon ko sa hukay,” galit na sabi pa ni Steve.“Copy, sir,” sagot naman ng mga tauhan. Kusa ng naghanda ang mga lalaki na tila animoy sanay sa ganitong gawain.Tantiyado ang bawat kilos.Nakahanda na ang lahat, tanging ang hudyat na lamang mula kay Steve ang hinihintay ng lahat para lusubin ang kinapupwestuhan ng mga taong dumukot sa kambal nila ni Loisa.Nan
Nang dahil sa ilang araw na pagod at puyat upang maisakatuparan ang plano ay medyo napahimbing ang kanilang mga tulog.Nagulat na lamang si Arnel nang pagbuka ng kanyang mga mata ay nasa harapan na ng kama si Crystal at kampanteng nakaupo habang nakatoon sa kanila ang paningin.“Ma’am Crystal, kanina pa po ba kayo diyan?” Gulat na tanong ni Arnel.“Mukha yatang napagod ka sa party kahapon at hindi mo napansin ang pagdating ko, Arnel,”nakangising sabi ni Crystal.Saka naman naalimpungatan si Kimberly para lang magulat sa presensiya ni Crystal.“Ma’am Crystal,” gulat na sabi ni Kimberly.“Good morning, Kimberly how’s your sleep,” nakangising bati ni Crystal sa babae.Wala sa loob na niyakap ni Kimberly ang mga bata, halata sa kanyang pagkatao ang panginginig ng kanyang buong katawan ng dahil sa takot.Kinakabahan kasi siya sa posibleng mangyari matapos makuha ni Crystal ang kambal. Duda niya narinig ng mga ito ang pinag-usapan at plano ni Arnel.Paano na lang ang mga bata kapag malayo n
Bigla ay lumuwang ang pagkakahawak ni Loisa sa baywang ni Steve. Mabuti na lang ay maagap si Steve kung hindi malamang matutumba ang babae.Ang malapitang pagkabuwal ni Loisa ay epekto ng gamot na ibinigay sa kanya kanina ng nurse. Binuhat siya agad ni Steve at dinala sa bakanteng kwarto upang makapagpahinga.“Umamin ka nga, Miguel ginalaw mo ba si Loisa?” Seryosong tanong ni Abegail sa lalaki habang nasa labas sila ng kwarto ni Loisa.“Of course not, hindi si Loisa ang tipo ng babae na madaling ikama, Abe,” depensa naman ni Miguel.“Subukan mo nang paglamayan ka namin,” singit ni Steve.Nasa bungad na pala siya ng pinto ng marinig ang pag-uusap ng kaibigan at pinsan.“Bro, I’m sorry hindi ko talaga alam na si Loisa ang hinahanap mo,” hinging-paumanhin ni Miguel kay Steve.“Kaya pala caz, nong kausap ko si Miguel ay naulinigan ko ang boses na para bang boses ni Loisa iyon pala siya nga ang babaeng mahal mo,” sabi ni Abegail.“Kasi naman ikaw Miguel ilang beses kong sinabi sa’yo na gu
“Talaga bang nasundan mo ang address na nandito sa mensahe, caz?” Inis na sabi ni Abegail sa pinsan.Kanina pa sila paikot-ikot at pabalik-balik sa kanilang mga dinaanan. Dahil gabi na medyo nahirapan si Steve na malocate ang saktong daan base sa address na ibinigay. “Hindi ko nga maintindihan, caz kung bakit hindi ko matumbok ang exact location,” nakasimangot ang mukha na sagot ni Steve sa pinsan.“Tawagan mo nga ‘yang kilala mo baka mamaya pinaglalaruan tayo, sabihin mo sa kanya umayos siya kung ayaw niyang paglamayan siya bukas,” inis pa niyang sabi.“Heto na, kumalma ka na diyan,” sabi naman ni Abegail.Dahil sa kasalukuyang nangyayari batid niyang kayang tutuhanin ng pinsan ang mga pinagsasabi nito. Kaya dali-dali niya na ring tinawagan ang sarhento upang makakuha ng tamang guide kung nasaan ang kinaroroonan ni Loisa.Ilang minuto pa ay natunton na nina Steve ang kinaroroonan ng babae.Hindi pa nga naiparada ng maayos ni Steve ang sasakyan ay dali-dali na siyang bumaba ng makita
“Loise, how’s the kids?” Natatarantang sabi ni Miguel pagkababa ng kotse. “Miguel tulungan mo kami, ang mga anak ko,” walang patid ang luha ng babae mula pa kaninang natangay ang mga anak nito.“Huwag kang mag-alala tinawagan na namin ang mga pulis, papunta na sila rito,” sabi naman ni Miguel.“Huwag, Miguel sinabihan ako ng kidnapper kapag tatawag ako ng pulis papatayin nila ang kambal ko,”lumuluha pa ring sumbong ni Loisa.“Miguel, hindi pa nila nakikita ang kanilang ama ikamamatay ko kung merong masamang mangyari sa kanila,” dagdag pa niyang sabi.Nagtaka si Miguel, tama ba ang narinig niya na hindi pa nakikita ng mga kambal ang kanilang ama? Ibig bang sabihin ay buhay pa ang ama ng dalawang bata? Bakit kaya inilihim ito ni Loisa? Mga katanungan gustong sabihin ni Miguel sa babae ngunit naisip niya ng hindi pa nanapanahong pag-usapan ang mga bagay na iyon.“Miguel, may balita na ba ang mga pulis kung nakita na nila ang mga apo ko?” Mangiyak-ngiyak rin tanong ni Aling Marie sa atto