“Good morning po Ma’am Abegail,”nakangiting bati niya sa kanyang among babae. “Good morning too,”ganting bati ni Abegail. “By the way, Kim we will have a meeting few minutes from now with the CEO,”sabi ni Abegail. “Hindi pa kasi kita naipakilala sa kanya, e,”dagdag pa nitong sabi. “Segi po ma’am, ihahanda ko lang po ang notebook at ballpen ko po,”sabi ni Kimberly. “Pasensiya ka na ha kung ngayon lang kita ihaharap kay Steve, mahaba kasi ang baksayon niya noong mga nakaraang araw e,”paliwanag pa ni Abegail. “Naku wala pong problema sa akin ‘yon ma’am,”sabi ni Kimberly. “O, siya tayo na,”anyaya ni Abegail sa bagong tauhan. Ilang minuto lang ay nasa opisina na sila ni Steve. “Good morning,caz,”nakangiting bati ni Steve. “Good morning po sir,”bati rin ni Kimberly. “Good morning guys,”masayang bati ni Steve. “Maganda ‘ata ang gising natin ngayon,a,”sabi ni Abegail. “As always naman ah,”natatawang sabi ni Steve. “Hindi kaya,”irap na sabi ni Abegail sabay hatak ng kanyang mauu
Masinsinan silang nag-uusap ng biglang tumunog ang telepono at mabilis ‘yong sinagot ni Ciara.Isang tawag mula sa customer service ang kanyang natanggap.“Ano po, talaga!? Ano nga pong pangalan ulit?” Gulat na sabi ni Ciara sa kabilang-linya.Nagtaka namang napatitig sina Loisa at Abegail.“’Kako po ma’am nandito po si Mr. Noel Domingo, hinahanap po si Sir Steve,”sabi ng CS staff.“Paaakyatin ko po ba, upon checking sa list na merong appointment kay Sir Steve, unfortunately wala po ang pangalan ni Mr. Noel Domingo,” sabi ng staff.“Ganon ba, wala siya sa listahan na dapat may appointment kay sir today?” sabi ni Ciara. “Sandali lang ha may meeting pa po kasi si Sir Steve, ipapaalam ko lang po kay Ma’am Abegail,” dagdag pa nitong sabi.Matapos magsalita tinakpan agad ni Ciara ang receiver ng telepono.“Bakit, may problema ba?” Kinakabahang sabi ni Abegail.“Naku po ma’am, tadhana na po ang gumagawa ng paraan,”sabi ni Ciara na kinikilig pa.“Bakit ba, sabihin mo na,”halos tumaas na ang
“Bakit ba ang tagal nilang mag-usap, gusto ko ng umuwi,”reklamo ni Abegail. “Ma’am masyado pa pong maaga para umuwi po kayo,”nakangiting sabi ni Ciara. “E, sa gusto ko ng umuwi Ciara, wala ako sa mood magtrabaho ngayon,”nakasimangot na sabi ni Abegail. “Naku heto tayo e, hindi lang naisama ng crush sa loob nagmamaktol na agad,”nakangising sabi ni Ciara. Panay pa rin ang pang-aasar ni Ciara sa kanyang amo. Si Loisa kasi ay hindi pa nakabalik sa pwesto nito matapos maihatid ang kape ng dalawang lalaki. “Ituloy mo pa ang pang-aasar sa akin talagang tatanggalan kita ng bonus,” pagtataray na nito kay Ciara. “Si Ma’am naman hindi na mabiro, heto po isi-zip ko na po ang bibig ko,”suminyas pa ang babae na sinizip ang bibig. Gusto ng bumalahaw ni Ciara sa kakatawa habang pinagmamasdan ang among babae, ngunit pinigilan niya. Baka kasi mamaya trabaho na ang mawala sa kanya imbis bonus lang. Maya-maya lang ay bumukas na ang pinto ng opisina ni Steve, mula rito ay iniluwa ang tatlong pers
Samantalang sa gusali ng Monteclaro Corporation ay napansin ni Kimberly ang pag-alis ng kanyang mga amo kasama ang dalawang sekretarya ni Steve at si Noel.Nasa lobby siya ng mga oras na iyon kung saan kagagaling niya lamang sa pagbili ng kanyang paboritong milk tea malapit sa kanilang gusali.“Saan kaya pupunta ang mga 'yon?” Nagtatakang tanong ni Kimberly.Nang maalala ng babae ang hinahangaang artista ay dali-dali nitong kinuha ang telepono sa bulsa at dinayal ang numero ni Crystal.Ibabalita niya dito ang pag-alis ng kanyang among lalaki kasama ang mga sekretarya nito. “Hello, Ma'am Crystal si Kimberly po ito,” pakilala ni Kimberly sa babaeng nasa kabilang-linya.“Yes, Kim what is it?” Tanong ni Crystal sa kausap.“Ibabalita ko lang po sana Ma'am na umalis ng opisina sina Sir Steve kasama po ang dalawang sekretarya,” sabi ni Kimberly.“The two secretary, but why? Where are they going?” Takang tanong ni Crystal.“A, e, hindi ko pa po naitanong sa guard ma'am kung saan po sila pupu
“Alam kong may inililihim kayo sa akin Abegail,” bulong ni Crystal sa sarili.“Humanda kayo hindi ako titigil hangga't hindi ko nakikilala kung sino ang kinababaliwan ng pinsan mo,”galit na sabi ni Crsytal.Inis na ibinalibag ni Crystal ang pintuan ng pinasukan niyang VIP room. Gulat na napatingin sa kinaroroonan niya sina Aurora at ang mga kausap na producers.“What?!” Taas kilay na sabi pa ni Crystal.“Excuse me po muna sir,” paalam ni Aurora sa mga kausap.Hinila nito papalabas ng silid ang alaga.“Ano bang ginagawa mo?”Galit na tanong ni Aurora kay Crystal.“Hindi ko sinasadya, malay ko bang malakas pala ang tunog nitong pinto kapag isinara,” depensa ni Crystal.“Pwede ba umayos ka, nakakahiya sa mga producers,” pigil ang galit na sabi ni Aurora kay Crystal.“Baka gusto mong mawalan tayo ng trabaho sa inaasal mo,”dagdag pang sabi ni Aurora.“Fine, okay let's go back to them,” wala sa loob na sabi ni Crystal.Walang nagawa si Aurora kundi ang umiling-iling na lamang, masyado niya
Nasa garahe na ng Monteclaro Corporation sina Steve at ang iba pa nitong mga kasama.Inalalayan ni Noel si Abegail na makababa ng sasakyan ng lalaki at magkasabay na lumapit kina Steve at dalawang sekretarya ng huli.“'Pano pare, hindi na ako sasama sa inyo sa pag-akyat. Marami pa kasi akong aasikasuhin sa paniderya,”sabi ni Noel.“Segi pare, sa muling pagkikita,”sabi naman ni Steve.“By the way, this coming Sunday is my birthday. Baka gusto nyo akong samahan mag celebrate sa aking munting resort,”nakangiting sabi pa ni Noel.“Nice to hear that, segi pare pupunta kami, di ba sweety?”Sabi ni Steve na nilingon si Loisa.“Oo naman sweety, hayaan mo Noel pupunta kami,”nakangiting sang-ayon naman ni Loisa.“Salamat naman, ikaw kaya Ms. Monteclaro sasama ka rin ba?”Nakangiting tanong ni Noel sa kanyang sinisinta.“Ha? Ah e, kung sasama sina Steve ay sasama na rin ako,”nahihiya pang sagot ni Abegail sa tanong ni Noel.“Well kung ganon hihintayin ko kayo sa resort ngayong linggo,”masayang sab
“Wow! Ang ganda naman dito Noel,”bulalas ni Ciara.Kahit ang tatlo pa niyang kasamahan ay sobrang natutuwa sa magandang tanawing kanilang nakikita. “Sulit ang pagod sa mahabang byahe, hindi mo kami binigo Noel,”masayang sabi ni Loisa.“Ako pa ba, Lois kelan ko pa kayo binigo?” Nakangiting sabi ni Noel sa kaibigan at dating kaeskweka.“Sabagay,”nakangiting sabi ni Loisa habang nakapalibot sa kapaligiran ang kanyang mga mata.Sino ba naman ang hindi matutuwa sa nakikita na animoy isang nakatagong paraiso ang kanilang napuntahan.Sa bukana pa lang ng bahay bakasyunan nina Noel makikita na ang mga nagtataasang puno ng niyog na hitik sa bunga. Meron ring mga iba't-ibang naglalakihang puno na siyang nagbibigay lilim mula sa mainit na sikat ng araw. Kay lamig ng simoy ng hangin, masasabi talagang birhin ang lugar. Hindi mababanaag ang pag-abuso sa kalikasan bagkus inalagaan at pinaganda pa itong lalo.Kulay asul ang dagat na natatanaw maliban sa isang malaking swimming pool na naroroon. “
Tatlong katok ang nagpabalik sa kamalayan ni Steve.“Sweetheart may problema ba? Kanina pa kasi ako kumakatok hindi ka naman sumasagot,” alalang sabi ni Loisa.“Nothing, sweetheart,” hinging paumanhin ni Steve sa nobya ng mapagbuksan niya ng pinto ang nobya.“Are you sure na walang problema?” Balisa pa ring sabi ni Loisa.Halata sa mukha nito ang pag-alala sa ikinikilos ng nobyo.“Yeah, everything is gonna be alright and nothing to worry sweetheart,”sabi ni Steve.Pilit ang ngiting sabi nito sa kasintahan. At upang hindi na mag-alala pa ang pinakamamahal na nobya ay niyakap na lamang nya ito. “Bakit ka nga pala narito?” Tanong ni Steve ng bitawan ang kasintahan mula sa pagkakayakap dito. “Baka gusto mo kasing mamasyal sweetheart yayayain sana kita,”masaya ang ngiti sa mukha ni Loisa.“Sure, bakit hindi 'yon lang pala e,” nakangiti na ring sabi ni Steve sa nobya.“So let's go?” Sabi ni Loisa kay Steve.Nakangiting tumango si Steve sabay hawak sa kamay ng nobya.Magkahawak kamay na bi
“Hello, Ciara si Kimberly ‘to,” bati ni Kimberly sa kasamahan.“Milagro anong nakain mo at tinawagan mo ako?” Masungit pa na sagot ni Ciara.“Pwede ka bang maka-usap saglit?” Tanong naman ng babae.“Anong meron at nakuha mong pag-aksayahan ako ngayon ng panahon?” Pagtataray pa rin ni Ciara.“Please, Ciara hindi ito ang tamang panahon para mag-asaran tayo,” sabi naman ni Kimberly. “Oh siya, bilisan mo ang sasabihin mo,”sabi ni Ciara.“Nasaan ka ba ngayon, Cia?” Tanong ni Kimberly.“Huwag mo ng alamin, sabihin mo na kung ano ang gusto mong sabihin,” irritable ng sabi ni Ciara.“Importante kasi itong sasabihin ko sa ’yo gusto kong malaman kung saan ang lokasyon mo?” Paliwanag pa ni Kimberly.“Kung hindi ka magsasalita puputulin ko itong tawag mo,” inis ng sabi ni Ciara kay Kim.“Magsasalita na ako, pero sana atin-atin lang ito, Ciara kasi,”nanginginig pang sabi ni Kimberly.“Ano bang kadramahan mo, napipikon na ‘ko sa ‘yo Kimberly ah,”galit na sabi ni Ciara.“Kalma ka lang kasi ganito
Dali-daling bumalik si Kimberly sa kanilang opisina upang kausapin sana ang kanyang among babae na si Abegail. Subalit hindi na pala ito pumasok nang araw na iyon.Sinubukan niyang tawagan ang babae sa telepono ngunit hindi nya na rin ito matawagan.Umupo siya sa kaniyang cubicle at binuksan ang computer, sa isang ticketing website nagmamadali siyang makapag-book ng ticket papuntang Negros.Ngayon niya lang napagtanto na hindi pala kakayanin ng kanyang konsensiya ang masamang balak ni Crystal para sa mag-ina ng kanyang among lalaki na si Steve Monteclaro.“Buti na lang nakahabol pa ako, salamat naman at hindi matraffic,” masayang bulong ni Kimberly sa sarili.Nakalimutan niya palang itanong kay Arnel kung saang barangay sa nayon ng Negros ang bahay nina Loisa.“Arnel,” banggit niya sa pangalan ng lalaki na nasa kabilang-linya.“Napatawag ka ah, di ba bago lang tayong nag-usap na miss mo ko agad?” Nakangiting biro pa ni Arnel.“Tumigil ka nga, may nakalimutan lang akong itanong,” sabi
“Talaga nga namang kagwa-gwapo nitong mga anak ni Steve,” bulong ni Crystal sa sarili.Halos isang linggo na siyang nasa Pilipinas at kasalukuyan niyang pinagmamasdan ang larawan ng mga munting anghel nina Steve at Loisa.Mag-lilimang taon na ang mga kambal at mahabang panahon na rin na nangungulila si Steve sa mga anak nito.“Sa palagay ko Loisa sapat na ang limang taon upang makasama mo ang mga anak ni Steve,” nakangiting sabi ni Crystal habang pinagmamasdan ang larawan ng mag-ina.“Napapanahon na na ako na naman ang mga-aalga sa mga bata upang tuluyan ng mapapasa-akin si Steve,” dagdag pa nitong sabi.Dinampot niya ang teleponong nasa ibabaw ng lamesa.Si Arnel ang tumatawag na nasa kabiling-linya.“Siguraduhin mong maganda ang ibabalita mo sa akin,” mataray na sabi ni Crystal sa taong inutusan niya upang maigawa nila ang masamang balak para sa kambal.“Magandang araw po, Ma’am Crystal huwag po kayong mag-alala plantsado na po ang lahat,” nakangising sabi ng kausap.“Mabuti naman k
“Ok seryoso, kamusta ka na at ang mga bata?” Tanong ni Miguel kay Loisa.“Okay lang kami, Miguel huwag kang mag-alala,” sabi naman ng babae.“Hindi ka ba nahihirapan sa preparasyon, ang mga kambal hindi ba pasaway sa’yo?” Nag-aalalang wika ni Miguel.Natawa tuloy si Loisa sa mga pinagsasabi ng kaibigan.“Ano ka ba Miguel, kung makapag-alala ka parang ikaw ang ama ng mga anak ko,” sabi pa ni Loisa.“Pwede naman ‘yong ganon di ba, ang maging ama ng mga anak mo,”seryosong wika ng binata.“Naku, Miguel alam kung abala ka diyan sa trabaho mo, pag pasensiyahan mo na ang panganay ko kung na-istorbo ka niya,” iwas ni Loisa sa kanilang usapan.Noong umpisa pa silang magkakilala ni Miguel ay hindi na lingid sa binata kung ano ang totoong nararamdaman niya dito. At alam ‘yon ng binata na hanggang pakikipag-kaibigan lang talaga ang kayang ialay sa kanya ni Loisa.“Wala ‘yon alam mo naman na kahit anong oras ay handa akong pag-alayan kayo ng panahon,” sabi ng attorney kay Loisa.“Alam namin ‘yon a
“Sa palagay mo may kinalaman ba sa babaeng mahal ko ang biglaang pag-uwi ni Crystal diyan sa Pinas?” Seryosong tanong ni Steve kay Miguel.“Hindi natin masabi ‘yon bro kasi di ba artista ang kasintahan mo, malamang marami siyang inaasikasong mahahalagang transaksiyon din dito,” sagot naman ng attorney.“Hindi ko siya totoong kasintahan, alam mo ‘yan Miguel,”inis sa boses ang namutawi mula kay Steve.“Kalma bro biro ko lang ‘yon,” natawa pang sabi ni Miguel.“Puwes hindi nakakatawa,”sabi naman ni Steve.“Okay, sorry na,” hinging paumanhin ni Miguel.“Anyways, mabalik tayo sa usapan gusto mo bang sabihan ko na ang grupo na pasundan si Crystal?”Tanong ni Miguel sa kaibigan.“Gawin mo ang nararapat,”simpleng sagot naman ni Steve.“Okay ako na ang bahala,”sabi ni Miguel.“Kapag totoo nga ang hinala ko sa ikinikilos ni Crystal at kung meron ka ng maibigay sa akin na magandang solusyon saka lamang ako papayag sa hiling mo,” sabi naman ni Steve.“Bro, naman parang unfair ‘yata ‘yon,” birong-r
“Abegail, papunta ng Pilipinas si Crystal today sabi ng mama,” balita ni Steve sa pinsan pagkarating niya ng opisina.Mula ng malaman niya sa ina ang pagluwas ng babae sa Pilipinas ay hindi na siya napakali kung kaya agad niyang tinawagan ang pinsan.“Oh, really akala ko ba two weeks from now pa ‘yong byahe ninyo papunta dito?”Nagtataka namang tanong ni Abegail.“’That’s as far as I know, ewan ko ba kung ano ang nakain ng babaeng ‘yon at iniba niya ang plano,” nalilitong sabi ni Steve sa pinsan.“Hindi ko nga maintindihan kung bakit biglang sabihin niya kay mama na luluwas siya ng Pinas today?” Dagdag niya pang sabi.“Hindi ba kayo nag-usap lately?”Usisa ni Abegail sa pinsan.“Nope,” maikling sagot naman ni Steve.“O di tawagan mo at itanong kung anong napasok sa kukuti nya at biglang uuwi siya dito,” bigla naiiritang sbai ni Abegail sa pinsan.“Alam mo kung hindi lang dahil sa pinaki-usapan mo akong manahimik, naku Steve sinasabi ko sa ‘yo noon pa binugbog ko na ‘yang babaeng ‘yan,”
Nakahanda na ang lahat ng gamit ni Crsytal pabalik ng Pilipinas, kinuha niya ang telepono sa bag upang tawagan ang ina ni Steve.“Hello po mama, good morning po,” bati ni Crystal kay Mrs. Monteclaro.Kahit nasusuka na siyang makipag-mabutihan sa ginang ay nagkukunwari pa rin siya sa pakikitungo dito para meron siyang kakampi upang mapasakanya si Steve.“Oh, iha magandang umaga rin sa ‘yo,”masayang bati rin ng ginang.“Kamusta ka na iha halos isang linggo ka nang hindi nagagawi rito sa mansiyon, nag-away ba kayo ni Steve?”Nag-aalalang tanong pa niya.“Alam n’yo naman po si Steve mama daig pa po ang babae dahil sa pabago-bago ng pagtrato niya po sa akin,” sabi ni Crystal sa ginang.“Pero huwag po kayong mag-alala ma, sanay na po ako sa ugali ng anak ninyo,” dagdag pa niyang sabi.“Pagpasensiyahan mo na muna si Steve iha, hayaan mo kakausapin ko siya ulit na maging mabait sa iyo,” sabi ng matanda.“Huwag na po kayong mag-alala mama, okay lang po sa akin na ganon si Steve,” sagot naman ni
“Nanay Marie, sa palagay n’yo po ay kumpleto na itong lahat na gagamitin natin para po sa kaarawan ng kambal?” Kinakabahang tanong ni Loisa sa kanyang nanay-nayan.“Naku iha meron pa tayong dalawang linggo para mailagay sa ayos ang lahat kaya huwag ka ng kabahan diyan,” nakangiting sabi ni Aling Marie.“Dahil pati ako ay natataranta sa ‘yo,” dagdag pa nitong sabi.“Hindi ko din po alam Nanay kung bakit po ako natataranta at kinakabahan hindi naman po ako ganito nong dati,” sabi ni Loisa. “Naku normal lang ‘yan iha kasi di ba nga lumalaki na ang kambal at marunong ng magtanong at maghanap,” sabi naman ni Aling Marie.“At natural lang ang nararamdaman mong kaba kasi maging hanggang ngayon ay hindi pa kayo nagkikita ni Steve,” dagdag pang sabi ng matanda.“Ilang taon na din ang lumipas iha, hindi kaya panahon na para makita at makilala ni Steve ang mga anak n’yo?” Masinsinang tanong pa ni Aling Marie kay Loisa.“Para saan pa po, Nanay ayoko pong makagulo sa pagsasama nila ng kaibigan ko
“Finally nahanap na rin kita, Loisa,” masayang wika ni Crystal.Matapos ibinalita ni Kimberly kay Crystal na nasa kabilang-linya ang matagumpay na paghahanap ni Arnel sa kinaroroonan ni Loisa at ng mga anak nito.“Ah, Ma’am Crystal ngayong alam n’yo na po kung nasaan si Loisa pupuntahan n’yo na po ba?” Nakangiting tanong ni Kimberly sa babae.“Nag-iisip ka ba, Kimberly saksakan ka talaga ng kabobohan, sa palagay mo ano ang gagawin ko matapos kung ipahanap sa inyo ang malanding babaeng ‘yan?!” Biglang singhal naman ni Crystal.Subrang naiinis siya sa katangahan ni Kimberly, hindi niya alam kung bakit hindi nito nagagawang pag-isipan muna ang bawat tanong na ibinabato sa kanya.“Sorry po Ma’am Crystal,” hinging paumanhin naman ng babae.“Alam mo bago ka mag-tanong sa akin kung pwede lang sana, Kimberly pag-isipan mo munang mabuti kung dapat mo bang itanong sa akin o hindi,” inis na sabi ni Crytsal sa babae.“Do you understand me, sa palagay mo bakit gumasta ako ng malaking pera para lan