Isang linggo ang nakalipas mula ng mag-aaprobahan ng kampo nina Crystal ang proposal nina Steve ay bumalik ito sa opisina ng lalaki. Habang nasa elevator ay kanina pa napapansin ni Crystal na tila merong mahinang boses ng isang babae na parang tumitili. Tiningnan niya ang isang kasama. “Excuse me, miss are you okay?”Tanong ni Crystal. “Y-yes po Ma’am Crystal,”mahabang ngiti ang sumilay sa mukha ng babae. Nakatingala ito sa dalaga na tantiya niya ay nasa limang talampakan at anim na pulgada ang taas hindi pa kasama ang tatlong pulgadang taas ng takong ng sapatos nito, ngunit samantalang siya ay nasa limang talampakan at dalawang pulgada lamang, suot niya pa ay isang flat shoes. “Do you know me and do I know you?”Takang tanong naman ni Crystal. “Yes po ma’am kilala ko po kayo sa katunayan po ay iniidolo ko po kayo,”kinikilig na sabi ng babae. Isang kilalang sikat na artista at modelo si Crystal Lacuesta. Noon pa mang nabubuhay pa si Lina, ang namayapang maybahay ni Steve, ay may
“Good morning po Ma’am Abegail,”nakangiting bati niya sa kanyang among babae. “Good morning too,”ganting bati ni Abegail. “By the way, Kim we will have a meeting few minutes from now with the CEO,”sabi ni Abegail. “Hindi pa kasi kita naipakilala sa kanya, e,”dagdag pa nitong sabi. “Segi po ma’am, ihahanda ko lang po ang notebook at ballpen ko po,”sabi ni Kimberly. “Pasensiya ka na ha kung ngayon lang kita ihaharap kay Steve, mahaba kasi ang baksayon niya noong mga nakaraang araw e,”paliwanag pa ni Abegail. “Naku wala pong problema sa akin ‘yon ma’am,”sabi ni Kimberly. “O, siya tayo na,”anyaya ni Abegail sa bagong tauhan. Ilang minuto lang ay nasa opisina na sila ni Steve. “Good morning,caz,”nakangiting bati ni Steve. “Good morning po sir,”bati rin ni Kimberly. “Good morning guys,”masayang bati ni Steve. “Maganda ‘ata ang gising natin ngayon,a,”sabi ni Abegail. “As always naman ah,”natatawang sabi ni Steve. “Hindi kaya,”irap na sabi ni Abegail sabay hatak ng kanyang mauu
Masinsinan silang nag-uusap ng biglang tumunog ang telepono at mabilis ‘yong sinagot ni Ciara.Isang tawag mula sa customer service ang kanyang natanggap.“Ano po, talaga!? Ano nga pong pangalan ulit?” Gulat na sabi ni Ciara sa kabilang-linya.Nagtaka namang napatitig sina Loisa at Abegail.“’Kako po ma’am nandito po si Mr. Noel Domingo, hinahanap po si Sir Steve,”sabi ng CS staff.“Paaakyatin ko po ba, upon checking sa list na merong appointment kay Sir Steve, unfortunately wala po ang pangalan ni Mr. Noel Domingo,” sabi ng staff.“Ganon ba, wala siya sa listahan na dapat may appointment kay sir today?” sabi ni Ciara. “Sandali lang ha may meeting pa po kasi si Sir Steve, ipapaalam ko lang po kay Ma’am Abegail,” dagdag pa nitong sabi.Matapos magsalita tinakpan agad ni Ciara ang receiver ng telepono.“Bakit, may problema ba?” Kinakabahang sabi ni Abegail.“Naku po ma’am, tadhana na po ang gumagawa ng paraan,”sabi ni Ciara na kinikilig pa.“Bakit ba, sabihin mo na,”halos tumaas na ang
“Bakit ba ang tagal nilang mag-usap, gusto ko ng umuwi,”reklamo ni Abegail. “Ma’am masyado pa pong maaga para umuwi po kayo,”nakangiting sabi ni Ciara. “E, sa gusto ko ng umuwi Ciara, wala ako sa mood magtrabaho ngayon,”nakasimangot na sabi ni Abegail. “Naku heto tayo e, hindi lang naisama ng crush sa loob nagmamaktol na agad,”nakangising sabi ni Ciara. Panay pa rin ang pang-aasar ni Ciara sa kanyang amo. Si Loisa kasi ay hindi pa nakabalik sa pwesto nito matapos maihatid ang kape ng dalawang lalaki. “Ituloy mo pa ang pang-aasar sa akin talagang tatanggalan kita ng bonus,” pagtataray na nito kay Ciara. “Si Ma’am naman hindi na mabiro, heto po isi-zip ko na po ang bibig ko,”suminyas pa ang babae na sinizip ang bibig. Gusto ng bumalahaw ni Ciara sa kakatawa habang pinagmamasdan ang among babae, ngunit pinigilan niya. Baka kasi mamaya trabaho na ang mawala sa kanya imbis bonus lang. Maya-maya lang ay bumukas na ang pinto ng opisina ni Steve, mula rito ay iniluwa ang tatlong pers
Samantalang sa gusali ng Monteclaro Corporation ay napansin ni Kimberly ang pag-alis ng kanyang mga amo kasama ang dalawang sekretarya ni Steve at si Noel.Nasa lobby siya ng mga oras na iyon kung saan kagagaling niya lamang sa pagbili ng kanyang paboritong milk tea malapit sa kanilang gusali.“Saan kaya pupunta ang mga 'yon?” Nagtatakang tanong ni Kimberly.Nang maalala ng babae ang hinahangaang artista ay dali-dali nitong kinuha ang telepono sa bulsa at dinayal ang numero ni Crystal.Ibabalita niya dito ang pag-alis ng kanyang among lalaki kasama ang mga sekretarya nito. “Hello, Ma'am Crystal si Kimberly po ito,” pakilala ni Kimberly sa babaeng nasa kabilang-linya.“Yes, Kim what is it?” Tanong ni Crystal sa kausap.“Ibabalita ko lang po sana Ma'am na umalis ng opisina sina Sir Steve kasama po ang dalawang sekretarya,” sabi ni Kimberly.“The two secretary, but why? Where are they going?” Takang tanong ni Crystal.“A, e, hindi ko pa po naitanong sa guard ma'am kung saan po sila pupu
“Alam kong may inililihim kayo sa akin Abegail,” bulong ni Crystal sa sarili.“Humanda kayo hindi ako titigil hangga't hindi ko nakikilala kung sino ang kinababaliwan ng pinsan mo,”galit na sabi ni Crsytal.Inis na ibinalibag ni Crystal ang pintuan ng pinasukan niyang VIP room. Gulat na napatingin sa kinaroroonan niya sina Aurora at ang mga kausap na producers.“What?!” Taas kilay na sabi pa ni Crystal.“Excuse me po muna sir,” paalam ni Aurora sa mga kausap.Hinila nito papalabas ng silid ang alaga.“Ano bang ginagawa mo?”Galit na tanong ni Aurora kay Crystal.“Hindi ko sinasadya, malay ko bang malakas pala ang tunog nitong pinto kapag isinara,” depensa ni Crystal.“Pwede ba umayos ka, nakakahiya sa mga producers,” pigil ang galit na sabi ni Aurora kay Crystal.“Baka gusto mong mawalan tayo ng trabaho sa inaasal mo,”dagdag pang sabi ni Aurora.“Fine, okay let's go back to them,” wala sa loob na sabi ni Crystal.Walang nagawa si Aurora kundi ang umiling-iling na lamang, masyado niya
Nasa garahe na ng Monteclaro Corporation sina Steve at ang iba pa nitong mga kasama.Inalalayan ni Noel si Abegail na makababa ng sasakyan ng lalaki at magkasabay na lumapit kina Steve at dalawang sekretarya ng huli.“'Pano pare, hindi na ako sasama sa inyo sa pag-akyat. Marami pa kasi akong aasikasuhin sa paniderya,”sabi ni Noel.“Segi pare, sa muling pagkikita,”sabi naman ni Steve.“By the way, this coming Sunday is my birthday. Baka gusto nyo akong samahan mag celebrate sa aking munting resort,”nakangiting sabi pa ni Noel.“Nice to hear that, segi pare pupunta kami, di ba sweety?”Sabi ni Steve na nilingon si Loisa.“Oo naman sweety, hayaan mo Noel pupunta kami,”nakangiting sang-ayon naman ni Loisa.“Salamat naman, ikaw kaya Ms. Monteclaro sasama ka rin ba?”Nakangiting tanong ni Noel sa kanyang sinisinta.“Ha? Ah e, kung sasama sina Steve ay sasama na rin ako,”nahihiya pang sagot ni Abegail sa tanong ni Noel.“Well kung ganon hihintayin ko kayo sa resort ngayong linggo,”masayang sab
“Wow! Ang ganda naman dito Noel,”bulalas ni Ciara.Kahit ang tatlo pa niyang kasamahan ay sobrang natutuwa sa magandang tanawing kanilang nakikita. “Sulit ang pagod sa mahabang byahe, hindi mo kami binigo Noel,”masayang sabi ni Loisa.“Ako pa ba, Lois kelan ko pa kayo binigo?” Nakangiting sabi ni Noel sa kaibigan at dating kaeskweka.“Sabagay,”nakangiting sabi ni Loisa habang nakapalibot sa kapaligiran ang kanyang mga mata.Sino ba naman ang hindi matutuwa sa nakikita na animoy isang nakatagong paraiso ang kanilang napuntahan.Sa bukana pa lang ng bahay bakasyunan nina Noel makikita na ang mga nagtataasang puno ng niyog na hitik sa bunga. Meron ring mga iba't-ibang naglalakihang puno na siyang nagbibigay lilim mula sa mainit na sikat ng araw. Kay lamig ng simoy ng hangin, masasabi talagang birhin ang lugar. Hindi mababanaag ang pag-abuso sa kalikasan bagkus inalagaan at pinaganda pa itong lalo.Kulay asul ang dagat na natatanaw maliban sa isang malaking swimming pool na naroroon. “