I HAVE NO IDEA that admitting you like someone would feel awkward. Sinimulan namin ang araw naming nagaaway, nauwi sa aminan, ngayon ay ilangan."This is really awkward." Huminga ako ng malalim habang tinitingnan si Jascha, rattling while fixing the table. Napag-usapan naming umuwi nang bahay nang sunduin niya ako sa opisina ni Calista. Naging sobrang tahimik nang biyaheng iyon. Crush palang ang aminan na naganap sa pagitan namin pero parang nag-aya na siya ng kasal at tumanggi ako kung makaasta kami."Ah! I can't do this." Ibinagsak ni Jascha ang kubyertos sa plato at gumawa iyon ng ingay."Aalis na ba ako?" Tumayo ako para kuhanin ang gamit."No! Just—just stay there."Bumalik ako sa upuan nang kinakabahan, "We can't let this happen." Aniya. Mabilis akong tumango."We cannot live like this. Ayoko nung pakiramdam na mahihimatay ako araw araw." Dagdag ko."Exactly. Wine. Tama. We should drink wine so we can laugh about it." Tumayo si Jascha at pumunta sa Wine cellar. Kumuha din siya n
"SO WHAT do we plan to do on our first day as boyfriend and girlfriend?" Tanong sa akin ni Jasscha.Awtomatikong namula ang pisngi ko. Hindi ako sanay sa label na iyon.I am somebody else's girlfriend. Astig!"Ano ba ang ginagawa ng magboyfriend at girlfriend? Tell me." Sumiksik ako sa kanyang dibdib habang nakatulala kami sa two-seater couch sa sitting room."Nasty things. They talk dirty. Kiss like there's no tomorrow. Sexy time."Hinampas ko siya sa balikat. "Hindi muna dapat maulit ang nangyari kagabi. Baka mag-bago ang isip natin tapos nakuha mo na ang lahat sa akin. Pero sabi mo nga, hindi naman ako hot, so palagay ko naman ay safe ako."Ngumisi siya at nawala ang mata. "You know, when the first scientists thought that the world is flat? I was like them, I first thought yours is flat but it isn't so----"Napabangon ako at hinampas siya sa balikat. "Sinilip mo?"His crisp laughter echoed to the whole house. "No. I really passed out. Sayang nga eh."Sumimangot ako. Hinuli niya ang
FIRST THING in the morning, my twin and I we went to the airport. Isang private jet ang sinakyan namin ni Calista, meron kaming kasabay na wedding suppliers na mag-aayos doon sa venue.Masayang masaya si Calista nang makita ang asul na tubig. Kakaibang pagod naman ang nararamdaman ko kaya nag-paalam akong mamamahinga muna sa villa.Naging panatag ako sa hampas ng alon sa dagat na maririnig sa nakabukas na wooden doors at windows ng villa. I slept soundly. Nanaginip nga lang ako nang isang kasal kung saan ako ang bisita at si Gwen at Jascha naman ang ikinakasal. Dagli akongnapabangon at saka kinilabutan dahil doon. Bangungot.Napatingin ako sa upuan at naroon ang one piece white swimsuit na iniwanan ni Calista para sa akin. Nagpalit ako ng suot at saka lumabas. Hindi ako halos makapaniwala kung gaano kapuro ang tubig at ang lamyos ng maliliit na alon sa tabing dagat sa pribadong isla. Hinayaan kong umapak ang paa ko sa mainit na buhangin nang may humintong frisbee sa paanan ko kasunod
NAGTAGO ako sa likod ng puno. Dinig ko ang malakas na pagtangis ni Jascha doon sa casita at ang kalmadong pang-aalo sa kanya ni Gwen. Hindi ko maintindihan pero alam kong nasasaktan siya.Pinalis ko ang luha ko dahil alam kong hindi ako ang makakapagpagaan non at naging doble ang sakit non. Nakita kong sinarhan ni Gwen ang pinto ng casita, ilang sandali pa ay namatay na din ang ilaw.Tumigil ang pag-iyak ni Jascha o hindi ko na lang iyon narinig. Napalitan iyon ng pagbagsak ng malalaking patak ng malungkot na ulan. Hindi ko ininda iyon. Baka sakaling kailanganin niya ako, hindi na niya kakailanganing maglakad, sasalubungin ko siya. Niyakap ko ang sarili ko sa pag-ihip ng malamig na hangin at ang pag-tulak ng alon sa may dalampasigan. Kasabay ng pagbuhos ng ulan ay ang pagpatak ng luha ko.I stayed there until I don't remember anymore. May payong na tumakip sa akin at sa aking pagtingala, nakita ko doon si Ashton, umiling siya at hinaplos ang balikat ko para patigilin din ako sa pag-iya
"GALIT AKO!" Itinulak ni Calista ang aking ulo kahit nakaayos na ang buhok ko. Napagdesisyunan naming isang intimate dinner na lang para sa lahat ang magaganap. We announced that we got married secretly. "Maid of honor ako eh!" Buong panghihinayang na wika niya. "Ang guguwapo pa naman ng mga kaibigan ni Jascha! Sino kaya doon ang makakapartner ko dapat?""Si Eros." I giggled."Yung crush mo? Naku sayang naman! Nakita ko sa magazine iyon. Very single daw iyon!""Basta guwapo ang lakas lakas ng radar mo.""Siyempre. Kailangang lumagare. Naiuwi ng kakambal ko ang isa sa most sought after bachelor, hindi maaring magpahuli din ako.""Dasal lang, dasal lang talaga.." Biro ko."Ang ganda ganda mo.." Iniwan kami ng make up artist at mahigpit akong niyakap ng kakambal ko. I am wearing a white venus cut flowing dress, kulay blue naman ang summer dress ng kapatid ko na dapat ay motif ng kasal. "Huwag kang maniwala kay Jascha kapag sinabi niyang hindi. He's just insecure. Takot lang non na maagaw
"SINO ang kamaganak ng pasyente?" Lumabas ang doktor mula sa treatment room at sabay kaming naglakad ni Jascha papalapit doon. Tiningnan niya ako ng masama pero hindi ko iyon inalintana."The patient is in a stable condition right now. Tumaas ng husto ang blood pressure niya and she has to stay here for a couple of days hanggang sa bumaba iyon. At her age, hindi na dapat tumataas ng ganon but you may see her now." Tumango ang doktor at iniwan kami. Naging malalaki ang hakbang ko pero bago ko pa man mabuksan ang pinto ay hinawakan na ni Jascha ang kamay ko."Wait." Pigil niya sa akin. Tumiim bagang siya nang magkatinginan kami."We have to convince Abuela that we are okay now. We cannot risk her health."Kumunot ang noo ko."l know I said things. Let's delay our plan of separating. Although Abuela is really at fault, I don't want her to feel guilty. She's old, I should understand her." "Naiintindihan mo si Granny, pero ako, hindi?""You are at the right state of mind." Umiwas siya ng t
TINITIGAN ko ang Blueberry cheesecake sa aking harapan. Ang sabi ni Chesca doon sa Accounting Department, meron daw nagpapabigay pero hindi ko tinikman dahil baka galing kay Jascha at gusto niyang pasakitin ang tiyan ko. Dumapo ang tingin ko kay Jacha na lantarang nakatingin sa akin na parang malalim ang iniisip.Napailing ako at bumalik sa pagtitipa sa aking laptop.Tumunog ang telepono ko at tinanggap ang tawag mula sa receptionist, "Miss Cass, nandito po si Miss Gwen, gusto po kayong makausap ni Sir Jascha."Hindi na ako nagtanong pa sa kanya. I know that he has time for Gwen kaya kahit na nagbabara ang lalamunan ay nagdesisyon ako."Papasukin mo."llang segundo lang akong nag-intay, mayroong mahihinang katok pagkatapos ay bumukas na ang pinto. Bakas ang gulat kay Jascha nang mapatingin siya doon sa pintuan. Lumipat ang nagtataka niyang mga mata sa akin."Hi Gwen." Kalmado akong bumati sa kanya at ngumiti. She's breathtaking in her all white slitted dress. She beamed a smile and tu
Jascha Adam Algin"BITUIN, bituin, sabihin sa akin, ang kapalaran ng lalaki sa aking paningin. Bituin, bituin, puso niya ay pakalmahin, sa isang babaeng paparating na dala ng — ' Paulit ulit na hinaplos ng manghuhula ng Mommy ni Ashton ang kamay ko na parang hindi makapaniwala at nag-angat ng tingin. "Ng--Bituin."Kinilabutan ako nang tingnan ako ng matandang manghuhula na diretso sa mga mata. "Babaeng dala ng bituin?" Binalikan niya muli ang kamay ko na para talagang merong binabasa doon,"Hinagpis mula sa isang halaman ngunit mamumukadkad muli ito sa iyong harapan. May nawala na ba sayong Lily ang pangalan?" Dugtong niya.Tumingin ako sa kaliwa at kanan, sinubukan kong bawiin ang kamay ko pero pinigilan iyon ng matandang manghuhula, "Babaeng kasing ganda ng bulaklak ng halaman ang papalit sa hinagpis ng nakaraan, sa kanya ang iyong kaligayahan, pitasin nang iyong matikman.""Madam Charing, you are talking in riddles. My tagalog is really bad.." Reklamo ko. I heard crickets between us
WE went to a restaurant that Jascha's mother booked.Mula sa glass walls ay nakita ko agad ang pamilya ni Jascha na tahimik na nakaupo sa mga lamesa. Some of his relatives were here and it seems like the whole restaurant were booked for us.The whole place went silent as we entered. I flashed a smile and everyone smiled awkwardly in return. 'Mga apo.." Granny called. Lumapit kami sa kanyang lamesa kung nasaan ang Mommy at Daddy ni Jascha."Kumusta ka?" Aleana asked me. "Okay lang po, Tita. Medyo hirap nang maglakad pero nakakapasok pa ako sa opisina."Meico and Tonio set up a small office. Sa Nemesis din naman iyon at binigyan kami ng maliit na space ni Jascha para sa sarili naming business."Oh, the perfume business." Granny smiled with acknowledgement. "Napakacute ng business mo, Cass. Bagay na bagay sa personality mo."Tumango ako, "Padadalhan ko po kayo ng samples kapag nailabas na ang first batch, Tita, Granny. Wala pa kaming scent na panlalaki kaya hindi pa kita mabibigyan Tito
BUMANGON ako sa kama at hindi na kami naghiwalay pa ni Jascha. Magkatalikuran kaming nagbihis at saka patakbong bumaba ng bahay dala lamang ang overnight bag. We played alternative music to keep us occupied while were on the road. Binaybay namin ang mahabang kalsada paakyat ng Antipolo at nagbakasakali kaming magbook sa isang Cafe na merong bed and breakfast."Magkasama kami ng room." Mabilis kong sinabj sa receptionist na hindi mapawi ang ngiti."Oo naman, Ma'am..""Sinisiguro ko tang, I don't really want to stay in a room, alone." Ulit ko.Napatingin ako kay Jascha nang may mapaglarong ngiti, lumapit ako sa kanya para bumulong, "Hm, mukhang tumaas ang confidence mo doon. I don't want to be eaten by the demon. That's it.""Ako din naman." Umakbay sa akin si Jascha. Umakyat kami ng isang palapag patungo sa hotel room na napili namin. The hotel room doesn't need to be so high to have a breathtaking view. Ang malaking bintana ay nakapaharap sa ibaba kung saan makikita ang metro. The roo
DIRE-DIRETSO ako papalabas kahit naririnig kong sumisigaw ang kakambal ko. Mabuti at nakakuha agad ako ng taxi at nagpahatid ako sa lugar kung nasaan daw dapat ako.Nasisilaw ako sa repleksyon ng araw sa wind chimes na display sa pintuan ng bahay. llang minuto na akong nakatayo doon nang walang ginagawa. Hindi ko matanawan si Sirius mula sa loob. Alanganin kong pinindot ang doorbell. Nakatatlong pindot ako nang bumukas ang pinto ni Jascha, napalunok ako."Cassandra." There's no warmth or any trace of smile on his face when he saw me."H-hi.." Umangat ang isang palad ko."Jascha!" Isang babae na nakasuot lang ng pantulog ang sumilip sa pinto at hinila ang kamay ni Jascha. Napasinghap ako.Kaya naman pala hindi na ako binalikan ng walanghiya! May ibinabahay na agad?!"Cassandra."Agad kong hinila ang malaking maleta na bitbit ko papalayo."Cass!" The wheels of my luggage made rough noises against the road. Mas marahas na paghila, mas nilalamon ang boses ni Cass sa ingay.Hindi ako lumin
THE DAYS may not always be happy and sunny, but for me, I was at peace. Nag-iintay ako ng delubyong babagsak muli sa harapan ko isang linggo na ang nakakaraan pero wala din namang nangyari. Sumubo ako ng pomelo na isinawsaw ko sa patis at sili, napangiwi si Meico at Tonio habang pinapanood ako."Ah! Ang baboy mol" Maarteng napapikit si Tonio.Napangiwi ako at ibinaba ang pomelo na hawak ko. Nalungkot ako sa pandidiri nila."Sorry.." I burped."Hoy!" Mula sa likuran ay binatukan ni Calista si Tonio, "Palibhasa wala kang matres! Ganyan talaga ang naglilihi. Sige lang Cassandra, kumain ka pa." Inilahad sa akin ni Calista ang karagdagang pomelo. I smiled and eat happily. At least my twin accepts me for who I am."Okay, fine! Pupwede na ba nating pag-usapan ang future?" Tanong ni Tonio."Babalik ako sa States.." Paalala ko."Babalik tayo sa States pero hindi muna ngayon, you have to limit your travel dahil ang ibang nagbubuntis nga ng kambal ay kailangan ng bedrest. Sorry pero bawal tayong
"PUMIKIT.."I did as I told."Tapos dumilat ka.""Pikit.. Tapos dilat. Pikit ulit tapos dilat.." Tumigil ako sa pagsunod."Ano ba? Sabi ko pikit! Ba't di ka pumikit!""Niloloko mo ba ako?""Hindi nga. Akala ko ba naniniwala ka sa'kin?""No. My wife believes you." Huminga ako ng malalim at saka pumikit. Sinunod ko si Dr. Lester Concepcion.Pagkagaling sa Ilocos, dumiretso agad ako dito. Tell me I am crazy. Malapit na talaga akong mabaliw dahil sa mga nangyayari sa akin. My life was not like this months ago nang hindi pa bumabalik si Cassandra, maayos na sana ako noon. Pakiramdam ko, okay lang untiuntiin ang muling pagbangon. The only thing that matters to me was to go back and handle my business, she was out of the picture and part of the memory that I have lost. She did not stay, so I did not bother knowing her.Pero nang dumating siya kasama na ang gulong ito, nauhaw ako sa katotohanan. Ramdam kong mahalaga siya. Ramdam kong kailangan niya ako. But having no idea who she really is in
UMUNGOL ako sa matinding pananakit ng ulo.Dark, it was so dark. Naririnig ko ang ugong ng aircon at ang mahinang tawanan mula sa labas.Napabalikwas ako. Nasaan ako?Pinakiramdaman ko ang aking sarili ko, wala akong nararamdamang pananakit ng katawan bukod sa pananakit ng ulo marahil dahil sa malalim na pagtulog.My hands traveled to my body and my eyes widened to find out that I am completely naked! Binuksan ko ang ilaw ng lampshade at nakahinga ako ng maluwag nang mapansin kong naroon pa din ako sa hotel room ko.I heard a groan, agad kong nilingon kung sino iyon at ganon na lang ang gulat ko nang makita ko doon si Geo sa tabi ko, kagaya ko ay wala din siyang malay."Geo..." Agad ko siyang kinalabit. "Hey, Geo." But to no avail, wala talaga siyang malay.The drink. That was the last thing I remember. Tumayo ako agad para hanapin ang mga damit ko. Nasa ganoong ayos nang bumukas ang pinto mula sa adjacent room ni Jascha. If I was horrified, Jascha was ten times more. Agad akong napal
"YOU HEARD, Stephanie. Include Cassandra's name in the list of contestants for Miss DVC." Buong awtoridad na sambit ni Jascha habang nagsusumiksik ako sa kanyang kili-kili dahil sa pagpahiya. Yung boss ko pa talaga ang nag-rehistro sa pangalan ko. Baka isipin nila na isa iyong emotional blackmail kahit deserve ko naman talaga ang titulo. Paano na lang kapag nanalo ako? lisipin nilang luto ang pageant kahit wala naman talagang papantay sa karakas ko sa mga nandirito."Okay Sir.." Nginitian ako ni Stephanie pero umiwas akong muli ng tingin dahil tiyak kong namumula pa ang mga mata ko dahil sa luha.Nang makaalis kami sa HR Department, nanatili ako sa likod ni Jascha habang naglalakad, nahihiya."Psst.. Cassandra.." Naririnig kong bulong ni Jax, tipid ko siyang nilingon pagkatapos ay bumalik sa pagkakayuko. Hanggang sa makarating kami sa opisina ni Mikel, nanatili akong ganon."Water?" Alok ni Jascha nang makaupo na ako sa aking puwesto at ipinatong ang bag sa lamesa.Umiling ako pero tu
"ANG HAROT HAROT kasi! Ayan ang napapala mol" Inginudngod ako ni Lexy sa kaharap kong mixture ng polvoron na ipapamahagi ko bukas para madami ang magchi-cheer sa akin sa Miss DVC. Akala ng Jascha na yan, magpapaawat ang kagandahan ko sa paghahanash niya!"Bakit? Ikaw ba ang pinahiya? Ako naman di ba? Akala ko ba tutulungan ako non? Gusto lang ata akong soplakin non para makaganti. Ano bang ginawa ko kay Jascha?" Sunod sunod na tanong ko. Natulala sa akin si Lexy at nakapamewang na napailing."l don't know. I wish I know. I tried to ask pero mukhang sa inyong dalawa lang ang dahilan ng break up niyo eh." Napakamot ng ulo si Lexy na halatang naguguluhan din."Sa daldal kong ito, nailihim ko pa sa iyo?""Maybe because it is too painful.. You changed a lot when you broke up." Nakuha ni Lexy ang atensyon ko dahil sa kanyang sinabi."Gaya ng?""Well, surprisingly, you became better, strong, independent woman. Hindi ko nga iniisip na mabubuhay kang wala si Jascha. But you made it, you are se
MAGBA-BRA o tatanggalin ang bra? Eh paano yun kapag natukso? Eh di kasalanan ko na naman. Mas lalo lang siyang magagalit sa akin!Eh paano naman kung magka-breast cancer ako dahil matutusok ako ng bra wire kapag natutulog?Ang tagal kong nag-iisip sa harap ng salamin habang nakaambang tatanggalin ang hook ng bra ko. Tsk, hindi ko na nga lang tatanggalin. Ako na lang ang magaadjust. Isang gabi lang naman ito. Tumalikod na ako at lalabas na sana ng banyo nang matigilan.Humarap akong muli sa salamin at pinagmasdan ang suot kong pajama, hindi naman ito revealing kaya dapat hindi manggigil si Jascha sa presensya ko. Walang wala naman ang pananamit ko kumpara sa damit ni Gwen. Nung highschool pa lang kami, pa-sexy na yon eh. Lagi nga niya akong binubully dahil magastos daw ako sa tela. Aktibista ata yun ng mga sinulid at silk worms kaya galit na galit sa mga matataba na nakakaconsumo ng maraming tela. Anong kayang adbokasiya niya? 'Kungangmga ahas nga kinakaibigan mo pa. Mga uuod pa kaya?