BITBIT ang dalawang malalaking maleta, naghiwalay kami ng kakambal ko sa tapat ng bahay namin. There were no dramatic goodbyes. Not even pang-MMK na walling at pagtatanong kung bakit ganito ang binigay sa amin ng tadhana. Magaan sa loob naming tinanggap ang kapalaran ng paninirahan namin sa bahay na iyon. It was good 22 years. All I can say is that I am grateful to live a happy life. Magkikita din naman kami ni Calista bukas ng gabi kaya hindi naman ako apektado masyado."Are you seriously gonna ride the bus with those stuffs?Nandyan ba sa loob ang bahay niyo?"Imbes na 'magandang umaga', ang amo kong may sabing ako ang pinakapaborito niya ang nakasunod sa akin.Hindi ko pa din makakalimutan ang pagtatama niya sa sarili niya kagabi."Paborito kitang asarin, Cassandra. " Paulit ulit na nagrereplay yon sa aking utak. Pagkatapos kong magpakatotoo na isa siya sa mga paborito ko, gaganunin niya ako? Umirap ako at nagpatuloy sa paghila sa maleta ko kahit hirap na hirap na."Hindi, nandito
AMOY mabangong pagkain ang buong bahay nang magising ako mula sa afternoon nap. Nag-iinat pa ako nang bumukas ang pinto."Handa na po ang pananghalian, Mahal na Prinsesa.""Magaling, magaling!" I giggled. Nakasuot pa ng apron si Jascha at may hawak na sandok. Itinulog ko ang aking gutom kanina. Wala akong kakayanan na magluto ng masarap na pagkain, or worse, isang masarap na pagkain na papasa sa panlasa ni Jascha Alcantara."Hindi ka ba marunong mag-luto?" Tanong sa akin ni Jascha nang umupo kami sa harapan ng lamesa. In fairness, maganda ang pag-ka-kaayos niya. Restaurantish ito at merong pang vase na may fresh flowers."Ikaw naman, isang beses ka pa lang nag-luluto, nagrereklamo ka na. Kumakain ka ba kasi ngDinengdeng? O di kaya yung Ginisang Ampalaya?Misua con Patola?" Tanong ko habang humihiwa ng manok sa aking harapan. Mas mabango nga iyon sa malapitan."If that is food from the stars then I rather have my processed foods daily.""Hmm, ang sarap." Wika ko nang tikman ang manok.
"THAT doesn't look tasty." Puna ni Jascha sa iniluluto kong tinola pagkatapos naming umuwi."Dapat ay sa labas na tayo kumain." Napakamot siya ng kanyang ulo."Mahal sa labas. Hindi ka pa ba naipagluto ng ganito?Kawawa ka naman!""Well, I don't remember anymore. I grew up eating Western cuisine.""Sosyal! Magugustuhan mo din ito." Pangungumbinse ko. Hindi nga ako nagkamali. Nang ihanda ko iyon sa lamesa ay nakailang salin siya ng kanin."This is not bad. You should cook more of this and start acting like a girl.""l am a girl!" Nakasimangot na sabi ko. We fool around the whole day. Hindi namin napag-usapan si Gwen which is unusual. We played video games on our pajamas the whole day. We ate chips and ordered pizza to fill us up.That basically became a habit, I cook lunch and dinner, pero si Jascha naman ang sa breakfast para makatulog pa ako ng marami at tumangkad pa daw ako. Tuwing nasa bahay kami ay walang hanggan ang pang-iinsulto niya sa akin. Namanhid na nga ako ng husto. Ang ak
HINDI ko na namalayan kung paano at kung kailan, basta nagising ako sa loob ng tub. Nagmamadali akong tumayo para mag-handa sa pagpasok. I took a quick shower and prepared for work. Amoy pangalmusal na pagkain nang bumaba ako mula sa silid. Nakaupo si Jascha sa upuan habang nakaharap kay Gwen na abala doon sa kusina. She's wearing his polosleeves like it is her own. Bagay na bagay sa kanyaKung ako ang mag-susuot non ay tiyak na magmumukha akong trying hard na multo. He's too big for me. Too tall, too strong and too honest enough to hurt me.Lumingon si Gwen para isalin ang pancakes sa plato ni Jascha. Nag-angat ito ng tingin nang makita ako."Cass!" Ngumiti si Gwen sa akin. "l hope you don't mind. Naparami ang inom namin ni Jascha kagabi. I prepared the both of you breakfast to pay you for crashing at your place. Pagkatapos nito ay aalis na din ako."Nag-paste din ako ng ngiti, "Walang anuman. Siguro ay hindi na ako makakasabay." Tumingin ako sa wristwatch ko, "Merong breakfast huddl
I HAVE NO IDEA that admitting you like someone would feel awkward. Sinimulan namin ang araw naming nagaaway, nauwi sa aminan, ngayon ay ilangan."This is really awkward." Huminga ako ng malalim habang tinitingnan si Jascha, rattling while fixing the table. Napag-usapan naming umuwi nang bahay nang sunduin niya ako sa opisina ni Calista. Naging sobrang tahimik nang biyaheng iyon. Crush palang ang aminan na naganap sa pagitan namin pero parang nag-aya na siya ng kasal at tumanggi ako kung makaasta kami."Ah! I can't do this." Ibinagsak ni Jascha ang kubyertos sa plato at gumawa iyon ng ingay."Aalis na ba ako?" Tumayo ako para kuhanin ang gamit."No! Just—just stay there."Bumalik ako sa upuan nang kinakabahan, "We can't let this happen." Aniya. Mabilis akong tumango."We cannot live like this. Ayoko nung pakiramdam na mahihimatay ako araw araw." Dagdag ko."Exactly. Wine. Tama. We should drink wine so we can laugh about it." Tumayo si Jascha at pumunta sa Wine cellar. Kumuha din siya n
"SO WHAT do we plan to do on our first day as boyfriend and girlfriend?" Tanong sa akin ni Jasscha.Awtomatikong namula ang pisngi ko. Hindi ako sanay sa label na iyon.I am somebody else's girlfriend. Astig!"Ano ba ang ginagawa ng magboyfriend at girlfriend? Tell me." Sumiksik ako sa kanyang dibdib habang nakatulala kami sa two-seater couch sa sitting room."Nasty things. They talk dirty. Kiss like there's no tomorrow. Sexy time."Hinampas ko siya sa balikat. "Hindi muna dapat maulit ang nangyari kagabi. Baka mag-bago ang isip natin tapos nakuha mo na ang lahat sa akin. Pero sabi mo nga, hindi naman ako hot, so palagay ko naman ay safe ako."Ngumisi siya at nawala ang mata. "You know, when the first scientists thought that the world is flat? I was like them, I first thought yours is flat but it isn't so----"Napabangon ako at hinampas siya sa balikat. "Sinilip mo?"His crisp laughter echoed to the whole house. "No. I really passed out. Sayang nga eh."Sumimangot ako. Hinuli niya ang
FIRST THING in the morning, my twin and I we went to the airport. Isang private jet ang sinakyan namin ni Calista, meron kaming kasabay na wedding suppliers na mag-aayos doon sa venue.Masayang masaya si Calista nang makita ang asul na tubig. Kakaibang pagod naman ang nararamdaman ko kaya nag-paalam akong mamamahinga muna sa villa.Naging panatag ako sa hampas ng alon sa dagat na maririnig sa nakabukas na wooden doors at windows ng villa. I slept soundly. Nanaginip nga lang ako nang isang kasal kung saan ako ang bisita at si Gwen at Jascha naman ang ikinakasal. Dagli akongnapabangon at saka kinilabutan dahil doon. Bangungot.Napatingin ako sa upuan at naroon ang one piece white swimsuit na iniwanan ni Calista para sa akin. Nagpalit ako ng suot at saka lumabas. Hindi ako halos makapaniwala kung gaano kapuro ang tubig at ang lamyos ng maliliit na alon sa tabing dagat sa pribadong isla. Hinayaan kong umapak ang paa ko sa mainit na buhangin nang may humintong frisbee sa paanan ko kasunod
NAGTAGO ako sa likod ng puno. Dinig ko ang malakas na pagtangis ni Jascha doon sa casita at ang kalmadong pang-aalo sa kanya ni Gwen. Hindi ko maintindihan pero alam kong nasasaktan siya.Pinalis ko ang luha ko dahil alam kong hindi ako ang makakapagpagaan non at naging doble ang sakit non. Nakita kong sinarhan ni Gwen ang pinto ng casita, ilang sandali pa ay namatay na din ang ilaw.Tumigil ang pag-iyak ni Jascha o hindi ko na lang iyon narinig. Napalitan iyon ng pagbagsak ng malalaking patak ng malungkot na ulan. Hindi ko ininda iyon. Baka sakaling kailanganin niya ako, hindi na niya kakailanganing maglakad, sasalubungin ko siya. Niyakap ko ang sarili ko sa pag-ihip ng malamig na hangin at ang pag-tulak ng alon sa may dalampasigan. Kasabay ng pagbuhos ng ulan ay ang pagpatak ng luha ko.I stayed there until I don't remember anymore. May payong na tumakip sa akin at sa aking pagtingala, nakita ko doon si Ashton, umiling siya at hinaplos ang balikat ko para patigilin din ako sa pag-iya
WE went to a restaurant that Jascha's mother booked.Mula sa glass walls ay nakita ko agad ang pamilya ni Jascha na tahimik na nakaupo sa mga lamesa. Some of his relatives were here and it seems like the whole restaurant were booked for us.The whole place went silent as we entered. I flashed a smile and everyone smiled awkwardly in return. 'Mga apo.." Granny called. Lumapit kami sa kanyang lamesa kung nasaan ang Mommy at Daddy ni Jascha."Kumusta ka?" Aleana asked me. "Okay lang po, Tita. Medyo hirap nang maglakad pero nakakapasok pa ako sa opisina."Meico and Tonio set up a small office. Sa Nemesis din naman iyon at binigyan kami ng maliit na space ni Jascha para sa sarili naming business."Oh, the perfume business." Granny smiled with acknowledgement. "Napakacute ng business mo, Cass. Bagay na bagay sa personality mo."Tumango ako, "Padadalhan ko po kayo ng samples kapag nailabas na ang first batch, Tita, Granny. Wala pa kaming scent na panlalaki kaya hindi pa kita mabibigyan Tito
BUMANGON ako sa kama at hindi na kami naghiwalay pa ni Jascha. Magkatalikuran kaming nagbihis at saka patakbong bumaba ng bahay dala lamang ang overnight bag. We played alternative music to keep us occupied while were on the road. Binaybay namin ang mahabang kalsada paakyat ng Antipolo at nagbakasakali kaming magbook sa isang Cafe na merong bed and breakfast."Magkasama kami ng room." Mabilis kong sinabj sa receptionist na hindi mapawi ang ngiti."Oo naman, Ma'am..""Sinisiguro ko tang, I don't really want to stay in a room, alone." Ulit ko.Napatingin ako kay Jascha nang may mapaglarong ngiti, lumapit ako sa kanya para bumulong, "Hm, mukhang tumaas ang confidence mo doon. I don't want to be eaten by the demon. That's it.""Ako din naman." Umakbay sa akin si Jascha. Umakyat kami ng isang palapag patungo sa hotel room na napili namin. The hotel room doesn't need to be so high to have a breathtaking view. Ang malaking bintana ay nakapaharap sa ibaba kung saan makikita ang metro. The roo
DIRE-DIRETSO ako papalabas kahit naririnig kong sumisigaw ang kakambal ko. Mabuti at nakakuha agad ako ng taxi at nagpahatid ako sa lugar kung nasaan daw dapat ako.Nasisilaw ako sa repleksyon ng araw sa wind chimes na display sa pintuan ng bahay. llang minuto na akong nakatayo doon nang walang ginagawa. Hindi ko matanawan si Sirius mula sa loob. Alanganin kong pinindot ang doorbell. Nakatatlong pindot ako nang bumukas ang pinto ni Jascha, napalunok ako."Cassandra." There's no warmth or any trace of smile on his face when he saw me."H-hi.." Umangat ang isang palad ko."Jascha!" Isang babae na nakasuot lang ng pantulog ang sumilip sa pinto at hinila ang kamay ni Jascha. Napasinghap ako.Kaya naman pala hindi na ako binalikan ng walanghiya! May ibinabahay na agad?!"Cassandra."Agad kong hinila ang malaking maleta na bitbit ko papalayo."Cass!" The wheels of my luggage made rough noises against the road. Mas marahas na paghila, mas nilalamon ang boses ni Cass sa ingay.Hindi ako lumin
THE DAYS may not always be happy and sunny, but for me, I was at peace. Nag-iintay ako ng delubyong babagsak muli sa harapan ko isang linggo na ang nakakaraan pero wala din namang nangyari. Sumubo ako ng pomelo na isinawsaw ko sa patis at sili, napangiwi si Meico at Tonio habang pinapanood ako."Ah! Ang baboy mol" Maarteng napapikit si Tonio.Napangiwi ako at ibinaba ang pomelo na hawak ko. Nalungkot ako sa pandidiri nila."Sorry.." I burped."Hoy!" Mula sa likuran ay binatukan ni Calista si Tonio, "Palibhasa wala kang matres! Ganyan talaga ang naglilihi. Sige lang Cassandra, kumain ka pa." Inilahad sa akin ni Calista ang karagdagang pomelo. I smiled and eat happily. At least my twin accepts me for who I am."Okay, fine! Pupwede na ba nating pag-usapan ang future?" Tanong ni Tonio."Babalik ako sa States.." Paalala ko."Babalik tayo sa States pero hindi muna ngayon, you have to limit your travel dahil ang ibang nagbubuntis nga ng kambal ay kailangan ng bedrest. Sorry pero bawal tayong
"PUMIKIT.."I did as I told."Tapos dumilat ka.""Pikit.. Tapos dilat. Pikit ulit tapos dilat.." Tumigil ako sa pagsunod."Ano ba? Sabi ko pikit! Ba't di ka pumikit!""Niloloko mo ba ako?""Hindi nga. Akala ko ba naniniwala ka sa'kin?""No. My wife believes you." Huminga ako ng malalim at saka pumikit. Sinunod ko si Dr. Lester Concepcion.Pagkagaling sa Ilocos, dumiretso agad ako dito. Tell me I am crazy. Malapit na talaga akong mabaliw dahil sa mga nangyayari sa akin. My life was not like this months ago nang hindi pa bumabalik si Cassandra, maayos na sana ako noon. Pakiramdam ko, okay lang untiuntiin ang muling pagbangon. The only thing that matters to me was to go back and handle my business, she was out of the picture and part of the memory that I have lost. She did not stay, so I did not bother knowing her.Pero nang dumating siya kasama na ang gulong ito, nauhaw ako sa katotohanan. Ramdam kong mahalaga siya. Ramdam kong kailangan niya ako. But having no idea who she really is in
UMUNGOL ako sa matinding pananakit ng ulo.Dark, it was so dark. Naririnig ko ang ugong ng aircon at ang mahinang tawanan mula sa labas.Napabalikwas ako. Nasaan ako?Pinakiramdaman ko ang aking sarili ko, wala akong nararamdamang pananakit ng katawan bukod sa pananakit ng ulo marahil dahil sa malalim na pagtulog.My hands traveled to my body and my eyes widened to find out that I am completely naked! Binuksan ko ang ilaw ng lampshade at nakahinga ako ng maluwag nang mapansin kong naroon pa din ako sa hotel room ko.I heard a groan, agad kong nilingon kung sino iyon at ganon na lang ang gulat ko nang makita ko doon si Geo sa tabi ko, kagaya ko ay wala din siyang malay."Geo..." Agad ko siyang kinalabit. "Hey, Geo." But to no avail, wala talaga siyang malay.The drink. That was the last thing I remember. Tumayo ako agad para hanapin ang mga damit ko. Nasa ganoong ayos nang bumukas ang pinto mula sa adjacent room ni Jascha. If I was horrified, Jascha was ten times more. Agad akong napal
"YOU HEARD, Stephanie. Include Cassandra's name in the list of contestants for Miss DVC." Buong awtoridad na sambit ni Jascha habang nagsusumiksik ako sa kanyang kili-kili dahil sa pagpahiya. Yung boss ko pa talaga ang nag-rehistro sa pangalan ko. Baka isipin nila na isa iyong emotional blackmail kahit deserve ko naman talaga ang titulo. Paano na lang kapag nanalo ako? lisipin nilang luto ang pageant kahit wala naman talagang papantay sa karakas ko sa mga nandirito."Okay Sir.." Nginitian ako ni Stephanie pero umiwas akong muli ng tingin dahil tiyak kong namumula pa ang mga mata ko dahil sa luha.Nang makaalis kami sa HR Department, nanatili ako sa likod ni Jascha habang naglalakad, nahihiya."Psst.. Cassandra.." Naririnig kong bulong ni Jax, tipid ko siyang nilingon pagkatapos ay bumalik sa pagkakayuko. Hanggang sa makarating kami sa opisina ni Mikel, nanatili akong ganon."Water?" Alok ni Jascha nang makaupo na ako sa aking puwesto at ipinatong ang bag sa lamesa.Umiling ako pero tu
"ANG HAROT HAROT kasi! Ayan ang napapala mol" Inginudngod ako ni Lexy sa kaharap kong mixture ng polvoron na ipapamahagi ko bukas para madami ang magchi-cheer sa akin sa Miss DVC. Akala ng Jascha na yan, magpapaawat ang kagandahan ko sa paghahanash niya!"Bakit? Ikaw ba ang pinahiya? Ako naman di ba? Akala ko ba tutulungan ako non? Gusto lang ata akong soplakin non para makaganti. Ano bang ginawa ko kay Jascha?" Sunod sunod na tanong ko. Natulala sa akin si Lexy at nakapamewang na napailing."l don't know. I wish I know. I tried to ask pero mukhang sa inyong dalawa lang ang dahilan ng break up niyo eh." Napakamot ng ulo si Lexy na halatang naguguluhan din."Sa daldal kong ito, nailihim ko pa sa iyo?""Maybe because it is too painful.. You changed a lot when you broke up." Nakuha ni Lexy ang atensyon ko dahil sa kanyang sinabi."Gaya ng?""Well, surprisingly, you became better, strong, independent woman. Hindi ko nga iniisip na mabubuhay kang wala si Jascha. But you made it, you are se
MAGBA-BRA o tatanggalin ang bra? Eh paano yun kapag natukso? Eh di kasalanan ko na naman. Mas lalo lang siyang magagalit sa akin!Eh paano naman kung magka-breast cancer ako dahil matutusok ako ng bra wire kapag natutulog?Ang tagal kong nag-iisip sa harap ng salamin habang nakaambang tatanggalin ang hook ng bra ko. Tsk, hindi ko na nga lang tatanggalin. Ako na lang ang magaadjust. Isang gabi lang naman ito. Tumalikod na ako at lalabas na sana ng banyo nang matigilan.Humarap akong muli sa salamin at pinagmasdan ang suot kong pajama, hindi naman ito revealing kaya dapat hindi manggigil si Jascha sa presensya ko. Walang wala naman ang pananamit ko kumpara sa damit ni Gwen. Nung highschool pa lang kami, pa-sexy na yon eh. Lagi nga niya akong binubully dahil magastos daw ako sa tela. Aktibista ata yun ng mga sinulid at silk worms kaya galit na galit sa mga matataba na nakakaconsumo ng maraming tela. Anong kayang adbokasiya niya? 'Kungangmga ahas nga kinakaibigan mo pa. Mga uuod pa kaya?