Kanina pa ako paikot-ikot para hanapin si Blaire. Sumasakit na rin ang mga paa ko sa kakalakad sa napakalawak na University na ‘to. Nakarating na ako sa food court ngunit wala akong nakitang babaeng sosyalera na, maarte pa kaya umalis din ako kaagad.
Natagpuan ko ang sarili kong nasa gitna na ng quadrangle habang inililibot ang paningin. Daig ko pa ang isang paslit na nawawala sa gitna ng kagubatan dahil sa babaeng spoiled na ‘yon.
Unang araw ng enrollment ngayon kaya maraming estudyante ang nagkalat sa paligid. May mga nagpi-fill up ng forms, ang iba ay kumukuha ng litrato, pero halos karamihan ay nakikipagkwentuhan sa mga kakilala o tropa nila. Marahil nag-uusap kung anong course ang kinuha, kung anong section, at kung anong schedule ang napunta sa bawat isa. O kaya naman ay matagal na hindi nagkita kaya nagkukumustahan. Lalo pa at kagagaling lang namin sa bakasyon.
Paubos na ang pasensya ko at balak ko na siyang iwan kung wala pa rin siya nang may mahagip ang mga mata ko sa ‘di kalayuan. Awtomatikong naningkit ang mga mata ko sa kinaroroonan ni Blaire at agad siyang pinuntahan.
“Beech!” tawag ko sa kanya, mabibilis ang ginawa kong paghakbang. Nang mabosesan siguro ako ay agad siyang napalingon sa gawi ko.
May kausap siyang lalaki na napatingin din sa ‘kin. Kakilala niya? Enrollment pa lang, humaharot na agad ang babaeng ‘to. But in fairness, may hitsura naman ang lalaki. Pero parang may pagkapilyo kung titingnan nang mabuti.
“Amazona, watch out!” sigaw niya at nanlaki ang mga mata. Napatakip pa siya sa kanyang bibig kaya kumunot ang noo ko sa pagtataka. Akala ko ay nag-iinarte lang siya. May pagka-overreacting pa naman ang isang ‘to paminsan-minsan. Mali, madalas pala.
Bago pa ako makalapit sa kanya ay may naramdaman akong bumangga sa likod ko dahilan para maitulak ako pauna at ma-out of balance sa pagkabigla.
Hindi ko ‘yon inaasahan.
Namalayan ko na lang na nakikipaghalikan na ako sa bermuda grass. Agaw-eksena ang nangyari at sobrang kahihiyan ang inabot ko dahil karamihan sa nakasaksi ay napatawa sa kinahinatnan ko.
Ampota.
“I told you not to throw the ball, Sato!” galit na sigaw ng kung sino sa may likuran ko.
“Shit! I’m sorry, man!”
“Are you okay, Miss?” Isang nag-aalalang tinig ang nagpabalik sa katinuan ko.
Naningkit ang mga mata ko. “Mukha ba akong okay sa lagay kong ‘to?!” I snapped irritably and stood up on my own. Ramdam ko ang pamumula ng mukha ko dahil sa galit at kahihiyan. Sanay ako sa bugbugan pero ang ganitong eksena ay talaga namang nakakapang-init ng ulo.
“Let me help you,” aniya at naglahad ng kamay sa harapan ko. Hinawi ko lang iyon at nanlilisik ang matang hinarap siya pero ganoon na lang ang paninigas ko nang mapagtanto kung sino ito.
Sana hindi na lang pala ako humarap.
Umawang ang mga labi ko at saglit na nablangko. Parang tumahimik bigla ang paligid ko at tanging pagsinghap lang nito ang narinig ko.
“L-Lia...?” gulat din niyang untag ngunit may pag-aalangan ang tinig niya. Marahil ay hindi na niya ako masyadong mamukhaan dahil marami nang nagbago sa ‘kin. Isa na roon ang bagong gupit at kulay ng buhok ko na nagpa-mature sa features ng mukha ko. Kung dati ay hanggang baiwang ang itim kong buhok, ngayon ay hangang balikat na lang at kulay ash grey na ito. Nadagdagan din ang taas ko ng tatlong pulgada.
Ganoon din naman ako sa kanya dahil halos hindi ko na mapamilyaran ang boses niya. Malalim iyon at may pagkapaos. Ang dating kayumangging kulay ng balat niya ay naging mapusyaw na ngayon, na bagama't ipinagtaka ko, ay hindi ko na lang pinagtuunan ng pansin. Tumangkad din siya at halos hanggang sa may pangahan na niya lang umabot ang taas ko.
“It’s you,” hindi makapaniwalang sabi niya nang matitigan ako.
Hindi ko namalayang napatagal ang pagtitig ko sa kanya at ganoon na lang ang pagpuna ko sa mga pagbabago niya. Mabilis akong nagbawi ng tingin at umaktong hindi siya kilala. Pinagpagan ko ang damit kong nadikitan ng mga damo ‘tsaka hinarap si Blaire at mabilis na hinila paalis. Wala akong pake kung nabastusan ang kausap niya dahil sa ginawa ko.
I need to get away from here! Damn it! Bakit sa rami ng tao sa University, siya pa ang makakabangga sa ‘kin?! Isa ba 'tong parusa para sa mga nagawa ko?! Dahil hindi ko maisip na coincidence lang ito! At mas lalong hindi ako makakapayag na itinadhana ang pagkikita naming dalawa!
“Dahan-dahan lang, amazona!” reklamo ni Blaire at binitawan ko lang siya nang makarating kami sa parking lot.
Nakonsensya naman ako nang sumandal ito sa hood ng kotse at hinilot ang mga paa niya. Ngayon lang pumasok sa isip ko na naka-heels nga pala siya. Fashionista talaga. Pero kung sa bagay, hindi na rapat ipagtaka pa ‘yon dahil nagmo-model na rin siya. Iyon bang model ng iba’t ibang brands ng mga damit.
“Umuwi na tayo,” sabi ko at tumalikod para sana pumasok sa loob ng kotse niya pero mabilis din niyang nahawakan ang braso ko para pigilan. Wala pa akong sariling sasakyan dahil mag-isa lang akong bumubuhay sa sarili ko. Iyong kinikita ko sa trabaho ay ginagastos ko sa bayarin sa school at sa necessities ko. Konti pa lang din ang naiipon ko at para 'yon sa future gastusin ko, kung sakali. Hindi iyon para sa mga luho at hindi naman kailangang gastusan.
She crossed her arms. “Tell me, kilala mo ba ang lalaking ‘yon?” usisa niya at pinaningkitan pa ako ng mga mata.
I shook my head nonchalantly. “No.”
Kailangan na naming makaalis dito. Kung kinakailangang magpalit ako ng University para lang hindi siya makita ay gagawin ko!
“Then why are you so eager to go home? ‘Di ba may usapan tayong lilibutin natin ang University para ‘di tayo mangapa once the class started?” puno ng kaguluhang sambit niya. Mukhang napikon na rin siya sa inaasal ko. Bigla-bigla naman kasing nagbago ang desisyon ko. Alam kong naramdaman niyang umiiwas lang ako.
Luminga ako sa paligid, nangangambang baka sinundan niya kami rito. Huminga ako nang malalim bago siya hinarap. Hindi niya kilala si Ramhir dahil hindi naman ako nagkukwento sa kanya ng tungkol sa nakaraan ko. ‘Tsaka, sa tingin ko naman ay hindi ko na kailangang ikwento pa ang bagay na ‘yon sa kanya. Kinalimutan ko na ‘yon at ayaw ko nang maalala pa.
Hindi rin naman siya nang-uusisa tungkol doon dahil ganoon din ako sa kanya. But that doesn’t mean na wala kaming tiwala sa isa’t isa. Nirerespeto namin ang opinyon, saloobin, at desisyon ng bawat isa. Siguro ay naghihintayan lang kaming magkusa... iyong bukal sa loob.
Ilang beses din naman akong nagtangka na banggitin sa kanya... kaya lang ay nauunahan ako ng sakit at poot. Nawawalan ako ng gana. Pakiramdam ko’y hindi pa ako handang ungkatin ang nangyari sa ‘kin sa nakaraan. At isa pa, para saan pa ba kung sasabihin ko ang tungkol doon? Anong mahihita ko?
Bumuntong-hininga ako at sumuko na lang sa huli. “Tama ka. Kilala ko siya. H-He... is,” Napatitig ako sa likuran niya nang may mahagip ang mga mata ko. Para akong hindi makahinga bigla. “...my ex.”
The ex who I thought was different from the others. Nabulag ako sa pagmamahal ko sa kanya. I almost forgot he was just the same, typical man. Akala ko kasi seryoso siya, iyong tipong pangmatagalan na ang gusto niya. Matagal niya akong sinuyo, naghintay siya sa ‘kin hanggang sa maibalik ko sa kanya ang pagmamahal na binibigay niya.
Siya rin kasi iyong tipo ng lalaki na madaling magustuhan. O siguro nahumaling lang ako hindi dahil gwapo siya, matangkad, may sinasabi sa buhay, matalino, kung hindi dahil parehas kaming may interest sa ball sports. Hinangaan namin ang isa’t isa sa kung paano kami maglaro.
Hindi ko nga lang alam na ang paghangang ‘yon ay mauuwi lang sa pagkadismaya.
Emmett Kristoff Sandoval.
The man who made me feel special before but, hurt me in the process.
The man who fell out of love. Mali pala. He did’t fall out of love because he was never really in love with me in the first place.
Everything he did and showed me were all lies. It all started with a bet.
Bakit kailangang magtagpo pa ang landas naming dalawa? Bakit hindi na lang siya nanatili roon?
Dahil sa pagkakakita ko sa kanya, muling dumagsa sa isipan ko ang lahat ng ala-alang pinilit ko nang kalimutan.
“Tumigil ka nga! Nakakasakal na ‘yang pagseselos mo na wala namang basehan!” Awtomatikong napahinto sa paghakbang ang paa ko papasok sa bahay nang maulinigan ko ang sigaw na ‘yon. Sigurado akong nasa ikalawang palapag nanggagaling ang ingay pero dahil sa lakas noon, at dala na rin na walang ibang tao sa loob, ay aakalain mong nasa salas lang nagmumula iyon. Bumuntong-hininga ako at tumalikod. Lumabas ulit ako sa gate at naupo sa may gilid ng daan para magpalipas muna ng oras. Kakauwi ko lang galing school at gusto ko sanang magpahinga saglit dahil pagod ako sa tryout ng softball. Pero nakakawalang gana ang sumalubong sa ‘kin. Tumingala ako sa kalangitan at pinagmasdan kung paano tabunan ng kadiliman ang kulay kahel na langit. Hindi iilang beses kong nadatnan ang ganoong eksena. Madalas nga ay magtatalo sila sa harapan ko, o ‘yong alam nilang nakikinig ako sa debate nila. Kasal sila nang lagay na ‘yan. Akala ko noon, kapag sinabing kasal, nagmamahalan na... Ayaw na nilang magh
“Strike three! Out!”Ang malakas na sigaw ng Umpire ang bumuhay sa galak ng aking kalooban. Palihim akong napangisi bago tinanggal ang helmet sa ulo. Hindi tinamaan ng batter ang bola at saktong nasalo ko naman iyon. Tuloy ay dismayadong ibinaba nito ang hawak na bat sa plate.Mabilis lang lumipas ang mga araw. Kasalukuyang nagaganap ang Intramurals sa school namin. Puno ng bandiritas ang school, nakasabit ang mga ito puno sa puno. Maingay rin dahil sa sigawan ng mga estudyanteng sumusuporta sa kanilang manlalaro at isama pa na malakas ang tugtugin ng sound system na halos dumagundong na sa aming mga tainga. Buti na lang at hindi nakakairita ang mga kantang pinapatugtog ng Dedication Booth. Iyon nga lang, dahil nga pwedeng magpa-dedicate ng kanta na may kasamang letter, ilang beses na napapahinto sa paglalaro kaming mga players dahil naririnig namin ang mga confession letters ng kung sinumang nagbigay o gumawa pagkatapos ay magpapatugtog ng kantang ni-request. Karamihan doon ay puro
“Anexelia Contes? Laya ka na!” sabi ng bantay sa jail booth. Tamad akong tumayo sa pagkakaupo sa bermuda at lumapit sa front desk. Seniors ang naka-assign sa jail booth. Juniors naman ay sa mga refreshments stalls. Tapos sophomores naman ang sa dedication booth at sound system. Kaming freshmen naman ay sa photo booth for remembrance and souvenirs. ‘Yong mga walang sinalihan na kahit anong sports ang mga nag-aasikaso sa mga booths. Malaki rin ‘tong school, at dahil public, maraming mga students na pumapasok dito. Halos nasa lima hanggang pitong section kasi ang bawat grade level. “Who paid for me?” tanong ko dahil wala naman akong nasabihan sa team ko na nakulong ako. Third day na ng Intrams namin at nakakahiyang na-late ako ng pasok dahil nagkagulo na naman sa bahay. As usual. Auto pasok tuloy ako sa jail booth dahil bawal ang mga late. “Pogi, pero ‘di sinabi ang pangalan. Umalis agad,” pahayag ng bantay at inabot sa ‘kin ang ID after ko pumirma sa listahan katabi ng pangalan ko.

Kanina pa ako paikot-ikot para hanapin si Blaire. Sumasakit na rin ang mga paa ko sa kakalakad sa napakalawak na University na ‘to. Nakarating na ako sa food court ngunit wala akong nakitang babaeng sosyalera na, maarte pa kaya umalis din ako kaagad. Natagpuan ko ang sarili kong nasa gitna na ng quadrangle habang inililibot ang paningin. Daig ko pa ang isang paslit na nawawala sa gitna ng kagubatan dahil sa babaeng spoiled na ‘yon.Unang araw ng enrollment ngayon kaya maraming estudyante ang nagkalat sa paligid. May mga nagpi-fill up ng forms, ang iba ay kumukuha ng litrato, pero halos karamihan ay nakikipagkwentuhan sa mga kakilala o tropa nila. Marahil nag-uusap kung anong course ang kinuha, kung anong section, at kung anong schedule ang napunta sa bawat isa. O kaya naman ay matagal na hindi nagkita kaya nagkukumustahan. Lalo pa at kagagaling lang namin sa bakasyon. Paubos na ang pasensya ko at balak ko na siyang iwan kung wala pa rin siya nang may mahagip ang mga mata ko sa ‘di k