RIZ
HE doesn’t remember me, but why is he being nice to me? I’m not dense. Ramdam ko ang pag-aalinlangan niya sa akin at hindi ko siya masisi dahil hindi naman kami magkakilala. Ano lang ba iyong isang gabi? I can’t even remember it myself. Pero narito na ito at kung hindi niya ako paniniwalaan ay hindi ko na rin ipipilit. Susubukan kong bumalik sa aking ina, pero kahit maayos ang buhay niya ngayon, I doubt she would take me in.
Nang ibigay niya sa akin ang gatas ay pinilit kong uminom. Hindi ako fan ng gatas, pero tama siya: kailangan ito ng baby ko.
“Tell me exactly what happened today. Whatever you put on your face to hide your marks failed at hiding the swelling.” He got up again and went to the fridge. Nang magbalik siya ay may dala na siyang isang ice pack. “This will help.”
Bigla tuloy akong napahawak sa pisngi ko. There were a lot of things that happened today at sa totoo lang ay nawaglit na sa isipan ko ang ginawang pagsampal sa akin ng aking ama. Hindi kaagad ako nakapagsalita pero kinuha ko ang ice pack at inilapat sa pisngi ko. Naubos na yata ang adrenalin ko kaya ramdam ko na ngayon ang sakit. That was a hard slap.
“Arizona—”
“It’s Riz.” Kapag naririnig ko ang Arizona, pakiramdam ko ay nagagalit na teacher ang kausap ko.
“Okay, Riz. Why is your face swollen? Tell me who hit you.”
Ang paraan ng pagtatanong niya sa akin ay may halong pagtitimpi. Hindi siguro siya sanay na may nakikitang kagaya ko na pinagbuhatan ng kamay. For some reason, I can feel that he feels protective of me. Siguro dahil sinabi kong dala ko ang anak niya.
“You said we are going to talk about the baby.” Ayaw kong pag-usapan ang nangyari sa bahay.
“Bitbit mo ang isang luggage. Clearly, you left your house for a reason. Isa na roon na buntis ka. Since you came to see me, and you just told me that . . . I am the father, I think I have the right to ask who hurt the mother of my child.” Halata ang pagtitimpi niya. Those eyes may be beautiful but the coldness in them makes me want to shiver.
“I don’t stay where I am not wanted, so I left my father’s home. As for my swollen cheek, hindi ako nakatingin sa dinaraanan ko kaya . . . kaya nauntog ako.”
Kumunot ang noo niya at halatang hindi naniniwala. “Ang alam ko, kapag nauuntog ay noo ang nauuna. Puwede rin na bumbunan kung biglang tumayo. Pero pisngi? I find that hard to believe.”
“Maniwala ka man o hindi, wala akong magagawa.”
His face hardened. “So you left your home. Where are you going now?”
“It’s too late for me to find an apartment, so I’ll just look for a hotel and spend the night there.”
“At pagkatapos?” Lalong dumami ang gatla sa noo niya. Wala akong maisagot dahil wala pa naman akong nabubuong plano. I just know that I am keeping my baby no matter what happens. “Do you even have a job? Naka-graduate ka na ba?”
“I’m still looking for a job,” sagot ko sa kaniya. Kahit gusto kong sabihin na mayroon ay mukhang hindi rin siya maniniwala, so I just told him the truth.
“And let’s say you found a job, how are you going to work and take care of the baby at the same time? May pag-iiwanan ka ba ng bata? Hindi mo naman siya puwedeng isama sa trabaho.”
Ang sinasabi niya ngayon ay mga scenario na karaniwang nagaganap sa telebisyon. Isang teleserye na halos walang katapusan ang pagdurusa ng bida. But I intend to do better than a show.
“I’ll cross the bridge when I get there. Wala pa naman, e. Makakaipon pa ’ko bago ako makapanganak.” Nakita ko kung paano niya ako tingnan nang mariin. Para bang kulang na lang ay sabihin niya na easy for you to say. “Lumalalim na ang gabi. Kung wala ka nang itatanong ay aalis na ’ko. Baka kasi dumalang ang taxi at maglakad pa ako nang malayo papuntang hotel.”
“I don’t think it’s wise that you leave tonight. I have a guest room if you want to spend the night. I have other questions to ask but I know you are tired. You had a long day at ayaw kong makadagdag pa sa mga iniisip mo.”
Umiling ako. “That’s too much. Masyado na kitang naabala.”
“I am not letting you leave tonight unless you tell me that you are going back to your father’s home.”
What makes him think he can keep me here? We are not married and we are not even dating. Wala siyang karapatan na magdesisyon para sa akin. Besides, I can’t go back. Kapag dinala ko siya sa amin at ipinakilalang ama ng anak ko ay lalo nang magkakagulo ang lahat.
“I can leave whenever I want and you can’t stop me.”
Dumilim ang kaniyang mukha at tumitig sa akin. “It’s not safe for you to go out this late. Buntis ka.”
“Wala tayong relasyon.”
“You are right. But you are carrying my child, Riz. If it’s true that the baby is mine at may nangyari sa kanya dahil sa katigasan ng ulo mo, there will be hell to pay.” Tumayo siya at lumapit sa luggage ko. Hinila niya iyon papunta sa isang kuwarto.
“Bakit? Sasaktan mo rin ako?” Hindi ko naiwasang itanong sa kaniya iyon.
Tumigil siya sa paglalakad at mariin ang tingin sa akin. He looked pissed. “I’ve never hit a woman in my life at wala akong planong simulan. Finish your milk and get some rest. There are supplies in the bathroom if you need anything. And don’t even think about leaving. We are going to talk again tomorrow and have an agreement. See you in the morning.”
Nang iwan niya ako ay napapikit ako saglit. I don’t know what is worse: ang mapalayas ni Dad o ang hindi paalisin ni Paul? And when I thought about it, sayang pa ang isang gabing ibabayad ko sa hotel. Dagdag budget na rin iyon pag-alis ko rito.
Nang maubos ko ang gatas ko ay dinala ko iyon sa sink at hinugasan. Kahit naman may kasambahay kami noon sa bahay nina Dad at Madam ay gumagawa pa rin ako lalo na kung may business trip si Dad. Lahat ng iyon ay ginawa ko nang walang reklamo. For his peace of mind, kahit ang kapalit ay hirap para sa akin.
RIZI WOKE UP late this morning. Noong una ay nahihiya akong nauna pang magising sa akin ang may-ari ng bahay. But then I thought, natural lang na magising siya nang maaga dahil may trabaho, samantalang ako ay wala pang detalyadong plano.‘Positive thoughts only.’ Iyon ang sinabi ko sa aking sarili nang magising ako kanina. Hinagip ko ang isang rubber band at ipinusod ng kung paano lang ang aking buhok. Pasado alas-otso na nang tumingin ako sa wall clock kaya siguradong nakapasok na sa opisina si Paul . . . or Justin, whatever his name is. Nakilala ko siyang Paul, but that can be changed kung Justin ang sadyang itinatawag sa kaniya ng mga tao sa paligid niya.Nang magtungo ako sa banyo ay kinuha ko ang roba at isinuot saka naghilamos at nag-toothbrush. Nakaramdam ako ng panunubig at hustong flush ko ng toilet ay nakarinig ako ng ilang katok sa pinto.“Ma’am Riz, ipinapatawag po kayo ni Sir para kumain. Hindi daw po magandang nalilipasan ng gutom ang buntis,” sabi ni Manang sa likod ng
JUSTINSA pagod niya kagabi ay alam kong tatanghaliin siya ng gising. Besides, when my mother was pregnant before, madalas siyang antukin at late na rin magising. I don’t remember much. Ang sabi ng stepfather ko noon, may mga mood swings din si Nanay na pinagpapasensiyahan niya. At dahil hindi ako makatulog kagabi, nag-order ako ng ilang pregnancy books online. While waiting, I purchased a few e-books too and started reading. Late na rin akong nakatulog pero sanay ang katawan kong gumising nang maaga, so I got up at six.Naging habit ko na ang tumakbo sa umaga at kapag nasa Batangas ako ay sa labas ko iyon ginagawa. None of these gym equipments can satisfy me. Iba pa rin ang fresh air at natural na init ng araw. But my life has changed when I took over the business at sa treadmill na lang ako madalas tumakbo. I think the last time I visited Batangas was over three years ago.“Cat got your tongue?” Riz could be passive-aggressive sometimes. Iyon ang napuna ko sa kaniya. There were time
RIZ“WHY are you being mean to me?” I knew he was going to find out who my father is, I just didn’t think he would be this quick. I couldn’t read his face. It’s hard to tell if he was serious or just trying to intimidate me para gawin ko ang gusto niya.“They don’t call me that for nothing. Let’s use the elevator at ihahatid na kita sa Batangas.”“Sino’ng may sabi sa ’yo na pupunta ’ko roon?” As far as I know, wala kaming napagkasunduan and I am free to go.Namulsa siya at tumitig sa akin. “We both know you don’t have a job. At kung may dala ka man na pera ngayon, hindi iyon sapat hanggang makapanganak ka. Paano ka magpapa-checkup? It’s expensive. You have no place to stay and let’s be real about this: walang magha-hire ng buntis na magma-maternity leave a few months later. Hindi ko nilalahat, but you know what I mean. Bihira ang matatagpuan mong trabaho na tatanggapin ka.”Tama siya sa lahat ng sinabi niya. How he can read people this fast is a gift. Kaya siguro siya palaging nananal
RIZ“Kahit hindi mo sabihin, malalaman ko rin kung sino ang gumawa niyan and there will be hell to pay. No one hurts the mother of my child and gets away with it.” Malamig ang boses niya at walang ibang emosyon kung hindi nagbabadyang galit.The car was ready when we reached the basement. Ipinagbukas kami ng pinto ni Manong. Nang makapagsuot kami ng seatbelt ay umandar na ang sasakyan. Just like the owner of the car, intimidating din ang loob ng kotse at para bang ibinagay ang design sa mga executive na katulad niya. The seats were made of leather, mabango ang loob at wala ni kaunting kalat. Even the damn windows were clear kahit na maitim ang tint nito.Habang umaandar kami ay tumitipa siya sa kaniyang cell phone. Nang matapos siya ay ibinalik niya iyon sa bulsa sa kaniyang dibdib.“What is it?” tanong niya sa akin. Naramdaman siguro niya ang pagtitig ko sa kaniya.“I just wanted to know kung ano ang itatawag ko sa ’yo. I met you as Paul but I don’t think the people around you call y
JUSTINEVER since Riz came, para akong nakasakay sa isang roller coaster. It was easy for her to rile me. Kahit mahaba ang pasensiya ko ay may mga oras na gusto nang malagot ng katinuan ko. Dealing with her was like disciplining a child with tantrums. Aminado naman siya na hindi ito ang ugali niya. I’ve read that in the pregnancy book as well. Pregnant women go through a lot of changes. Their hormones were acting up along with other several things.“You always use him against me,” sikmat niya sa akin.Hindi ko siya sinagot at sa halip ay tinawagan ang isang designer. “Renata, I need a white dress. No, short. Like one of those cocktail black dresses you have but I want white. Off-white is fine. Size?” Tiningnan ko siya. “Send me two dresses, size two and four. I’ll pay for both. I want different designs. Send me some shoes as well.” When I ended the call, nakatingin siya sa akin. “What is it?”“Ganyan ka ba talaga? Hindi ka marunong magpasalamat?”“Am I supposed to? It’s business. I pa
RIZI ONLY said that so he would change his mind. Gusto niyang magpakasal for the wrong reason. Oo, buntis ako. But it doesn’t mean he has to marry me. Para sa isang katulad ko na lumaki sa isang dysfunctional na pamilya, pangarap kong makasal at bumuo ng pamilya na may pagmamahal sa isa’t isa. Sa gusto niyang mangyari ay hindi na magkakatotoo ang nais ko.“It’s a marriage of convenience.” Intimidating ang tono ng boses niya pero hindi ako magpapadaig sa takot. He was not here to hurt me. Justin was actually doing the opposite. He was trying to take care of me and the baby.“It is. Kaya nga huwag na nating ituloy. Don’t make it more complicated than it is now. Mananatili ako dito hanggang makapanganak, pero huwag na tayong magpakasal.”“And if Veronica comes here, what are you going to say to her?”Naumid ako at hindi kaagad nakapagsalita. Ano nga ba ang sasabihin ko sa fiancée niya kung magkaharap kami?“You see? But if we are married, you can tell her that you’re my wife.”“Fine. Le
JUSTIN“YOU may now kiss your wife,” wika ni Ninong habang nakangiti.Nang tingnan ko si Riz ay para siyang hindi humihinga. Is that how much she didn’t want to marry me? O talagang ninenerbiyos lang siya? I am not going to deny it. What I did was similar to a shotgun wedding, pero para din naman sa kaniya iyon. If her father hit her or someone in her family noong nalaman na buntis siya, mas lalo siyang masasaktan kapag nagsama kami sa iisang bahay na hindi legal. And then there’s also Veronica na nagmamadaling magpakasal kami sa kung anong kadahilanan. Pakiramdam ko, may hindi ako maalala tungkol sa kaniya.“Sa pisngi lang,” bulong sa akin ni Riz nang yumuko ako.Napangiti ako nang marinig ko ang sinabi niya. Higit pa nga sa halik sa pisngi ang ginawa naming dalawa, pero ngayon kasal na kami ay hindi puwede sa labi? Forget that. I kissed her lips instead. At dahil sa gulat ay bahagyang napaawang ang mga labi niya. I took that chance to deepen the kiss. I didn’t care if there were oth
RIZJUSTIN was not in the room when I woke up in the morning. Napansin ko na wala ako sa guest room na pinagbihisan ko kahapon bago ang kasal. At ang matindi, malaking T-shirt na ang suot ko. I was so tired last night, naubos na siguro ang adrenalin ko pagkatapos naming makasal ni Justin. Hindi ko man aminin sa sarili ko at sa kaniya, I felt relieved na maayos ang kalagayan namin ng ipinagbubuntis ko sa piling niya. Hindi pa man ako nanganganak, responsable na siyang ama . . . at asawa.Ang maleta ko ay nakatabi sa isang sulok at sa hula ko ay nailagay na niya sa closet ang mga damit ko. I can’t get out of the room wearing just a big shirt kaya nang bumangon ako mula sa kama ay kumuha kaagad ako ng pamalit. I want to take a quick shower before I eat breakfast. Iniwan ko sa kama ang pamalit ko saglit para i-check ang cell phone ko. Walang tawag.Malinis ang loob ng banyo at halatang magaling mag-maintain ang katiwala. I saw a big tub at bigla akong na-excite. Kahit may tub noon sa baha
JUSTIN, Wintara Sands IT’S been ten years since the twins were born. Pero heto at nakahabol pa kami ng isang bunso. Riz is about to give birth in two months. We regularly go for checkups dahil na rin sa edad niya. She’s thiry-nine and considered high risk. After the twins were born, we tried to get pregnant again but we had no luck. We didn’t use any contraception because we wanted more children. Akala namin ay hindi na kami makahihirit. But a few months from now, ready na uli kaming magpuyat at magpalit ng maraming diaper. “Luto na ba ’yan? Nagugutom na ’yong kambal mo.” It’s the weekend at nakasanayan na naming magkakapatid na once a month ay narito kami sa resort na binili ko para kay Riz. Nagluluto kami ni Priam ng barbeque habang si Paris ay bantay ng mga bata. “Mga bata o ikaw?” tatawa-tawang tanong ni Priam sa bunso naming kapatid. “Tsk! Siyempre, ako rin. Luto na ba ’yong isaw ko?” Binigyan ko siya ng hilaw at sinamaan niya ako ng tingin. “Isusumbong kita kay Riri.” Hindi
RIZWHAT would it take for you to get over your anger and forgive someone? Hindi ba’t kalimitan ay nagiging posible lang ito kapag pumanaw na ang isang tao? It’s like you’re able to let go of it all because the person is no longer there. Nakalilimutan mo ang lahat ng hinanakit, sama ng loob, tampo, at napapalitan ng lungkot. Binabalot ang puso natin ng kahungkagan. We are breathing. We are alive. But there’s something missing. Iyong maliit na parte at sulok sa puso natin na hindi na mapupunan dahil alam nating hindi na babalik ’yong dating naroon. That’s what I felt the moment I saw my parents drenched in blood. At dumoble ’yon nang makita ko ang asawa kong walang ulirat at duguan. Parang hinahalukay ang sikmura ko at pakiramdam ko ay nalulunod ako sa isang malalim na karagatan at walang darating na tulong. Hindi ko alam kung sino’ng unang pupuntahan ko. Pabalik-balik ako. At kung puwede ko lang hatiin ang sarili ko sa tatlo ay ginawa ko na para wala akong iwan sa kanila.Si Dad.Si N
RIZDAD knew we were going to see him. He was hoping that I would be able to convince Nanay to come with me. Siguro gusto na rin niyang magkaayos sila. Nanawa na silang magpalitan ng masasakit na salita. Wala naman kaming balak magtagal sa bahay ni Dad pero gusto niyang mananghalian kami roon habang nag-uusap. Sa kotse ay panay ang tanong ni Nanay.“Alam niya.”Napahilot siya sa sentido. “Baka magkagulo. Alam mo naman si Liberty. Dapat pinapunta mo na lang ang daddy mo sa penthouse mo at doon na lang tayo nag-usap. Mas safe doon.”Napangiwi ako. “’Nay naman, para kang si Justin. ’Yan din ang sabi niya kanina.”“May punto naman ang asawa mo. Ang iniisip ko lang, buntis ka. Para namang hindi mo kilala si Liberty. Walang sinasanto ’yon. Nakita ko nga ’yon minsan na nakikipagtalo sa isang babae. Mukhang mayaman rin.”Tahimik akong nakinig sa kuwento ni Nanay. Ang mga sinasabi niya tungkol kay Liberty ay hindi na bago sa akin. Kung isang character sa libro si Liberty, siya na siguro ’yong
RIZ Earlier that day . . .IT was the familiar smell of my bakeshop that took me back to reality. Iyon pa rin ang ayos ng loob at katulad ng dati, busy ang mga staff. The only difference now is the store expanded. Nakuha na rin namin ang katabing building at ipina-renovate para madagdagan ang mga mesa. The shop became a favorite hangout for people in all ages. Nakatutuwang isipin na nagsimula lang ang business na ito sa penthouse at sa pangungulit ni Justin. Encouragement from the people you love and care about makes you brave. And the bakeshop business has made a name in the industry.Nang marinig ko ang lagitik ng tangkay ng mop na nalaglag sa sahig ay napatingin ako sa taong may hawak nito. In front of me is a woman in her late forties. Bukod sa lipstick na hindi masyadong mapula at kilay na ginuhitan ng eyebrow pencil ay wala na siyang ibang kolorete sa mukha. Maayos na nakapusod ang kaniyang buhok at hindi alintana ang ilang ub
JUSTIN“W-What are you even doing here? Where’s my wife?” Nasapo ko ang noo ko dahil nakaramdam ako ng hilo. It must be the meds they gave me.“Riri just left to see her parents in the other wing. Ano ba’ng meron sa araw na ’to at tatlo kayong nabaril?” kunot-noong tanong niya sa akin.“Her parents got shot?”Bago pa siya nakasagot ay bumukas ang pinto at pumasok si Priam. Ano’ng ginagawa ng mga kapatid ko dito? Iniabot ni Priam ang paperbag kay Paris para ito ang mag-ayos ng pagkain mesa. Ano bang oras na?“I’m glad you’re awake. Mukhang lalo kang pumangit nang masalinan ka ng dugo ni Paris. Kamukha mo na ’tong unggoy na ’to— Aray!”Binato ni Paris ng isang pirasong ubas si Priam at tinamaan ito sa pisngi. Alam na nilang kapatid nila ako. And with Paris donating blood to me, I will be forever grateful to him. Hindi lahat ng half brothers ay kailangang maging mailap sa isa’t isa. Totoong nasa pagpapalaki iyon ng magulang at sa crowd na pinipili nilang samahan.“Huwag kang magsayang ng
JUSTINSeveral days later . . .“ARE you sure you’re not going to the office today?” tanong ko kay Riz nang sabihin niya na magpapahatid siya sa bakeshop. Gusto raw niyang makausap si Nanay.“I’m sure. I want to take a day off and rest. Aayain ko siyang magpunta kay Dad pagkatapos. I want to talk to the both of them for once. Iyong magkaharap sila at ayusin na ang lahat. Ilang buwan mula ngayon ay manganganak ako. I just want everything to be in order, you know? Nakakapagod na rin ’yong puro away.”Kumunot ang noo ko. “Is his wife going to be home? Baka magkagulo roon kapag dinala mo si Nanay.”“Hindi. Ako ang bahala,” paniniguro niya sa akin.“You’re pregnant, baby. Baka mapaano kayo.” Minsan, hindi ko alam kung naaalala niyang buntis siya. But I know she’s being careful. Ayaw ko lang na may mangyari na naman. Kahit alam kong walang may gusto ng nangyari noon, mas mabuti na rin ’yong nag-iingat ngayon.“I don’t think Madam would harm a pregnant woman.”“She might if it’s you,” sagot
JUSTIN“ARAY!”Tinaliman niya ako ng mga mata. Akma niya akong kukurutin pero inunahan ko na siya at umaray na kaagad ako habang tumatawa. I know Dad’s plan wasn’t the best. ’Yong mga ipinakita kong panlalamig kay Riz nang dumating siya ay sarili ko nang plano. It did work though: buntis na siya ngayon at hindi pa siya bumabalik sa States.“Pasalamat ka talaga at mahal kita, kung hindi ipapakulam kita.” Pinandilatan niya ako ng mga mata at humalukipkip.“Wala ka namang kilalang mangkukulam.” Binigyan ko siya ng maliliit na halik sa pisngi, sa noo, sa panga, at sa kung saan pa na puwede.“Pag-aaralan ko at ako na lang ang gagawa. Nakakainis ka! Mabuti na lang at pareho kayo ng kuwento ni Nina. Kung hindi, iisipin ko talagang may gusto ka sa kaniya.”“I never liked her more than a sister. She’s like Ryleigh to me.”“I know. I just . . . It’s just a little hard to believe that men like you still exist. Abstinence isn’t easy— Bakit ka tumatawa?”“Paano mo alam na wala nga?” Okay, that was
JUSTINNAALIMPUNGATAN ako nang lumundo ang kama at makita ang asawa ko na ngayon pa lang mahihiga. Napasarap siguro ang kuwentuhan nila ni Nina. Pumihit ako paharap sa kaniya at yumakap. I didn’t want to leave them at the living room earlier pero mukhang may gusto silang pag-usapan na hindi ko puwedeng marinig. And when it comes to women, I know how much privacy means to them. Bata pa lang ako ay palagi na ’yong ipinapaalala ni Nanay sa akin.“What time is it?” tanong ko sa kaniya.“Late.”“Baby, bawal sa ’yo ang mapuyat,” paalala ko sa kaniya. “Umuwi ba si Nina o napilit mong matulog sa guest room?”“Nagpilit umuwi, e. Kaya hindi ko na pinigilan.” Humalik ako sa sentido niya at saka ipinikit ang mga mata ko. I should have known na wala siyang planong pabalikin ako sa tulog kaagad. “How did you meet her again?”“Gusto mo talagang mapuyat?” I lightly tapped the tip of her nose.“Ten minutes and I will go to sleep. Magkuwento ka na.”Ipinaalala pa niya sa akin na hindi raw dapat sumasam
RIZSA pagod ko, maaga akong nakatulog. I woke up the next morning that Justin was no longer in bed. Hinagip ko ang roba ko sa gilid at saka isinuot. Ipinusod ko ang buhok ko at saka naglakad palabas.“Good morning, baby,” bati niya sa akin habang nagsasangag ng kanin.I felt queasy in an instant. I loved the smell of fried rice but today, sobrang baho nito na hindi ko kayang amuyin. Nagtatakbo ako papunta sa powder room at doon sumuka pero wala naman akong inilabas. Puro laway lang at sobrang sakit ng ulo ko.“Are you okay?” nag-aalalang tanong niya sa akin.“Ang kalan?” Napangiwi siya dahil hindi ko sinagot ang kaniyang tanong. Ang isip ko ay nasa niluluto niya dahil baka masunog.“Nasusuka ka pero ’yong kalan pa ang inaalala mo?” Napahilamos siya sa kaniyang mukha. “Masakit ba ang ulo mo?” Tumango ako. “Dizzy?” Tumango ako uli. “I’m taking you to the hospital. Baka kung ano na ’yan. Kahapon pa masakit ang ulo mo. Mas mabuti na ’yong malaman natin para maagapan kung tumor.”I rolled