JUSTIN
“FUCK!” Hindi ko napigilan ang mapamura nang bigla na lang siyang nawalan ng malay. It’s obvious she’s not well, and my first instinct was to bring her to the hospital.
Binuhat ko siya at inilabas ng pinto saka dinala sa elevator. As the door closed, pinindot ko ang L para sa lobby. Nang makalabas kami ay nakita ako ng dalawang guards.
“Sir! Ano po ang nangyari?” hindi magkandatuto niyang tanong. Bago pa ako nakasagot ay sinenyasan niya na ang kasama niya na tawagan ang driver ko.
In times like this, they know what to do. Kasama iyon sa orientation nila. Malapit lang ang tinutuluyan na apartment ng driver ko rito sa office kaya makaraan ang ilang minuto ay dumating din siya.
I sat at the back while still holding her. Sinabi ko kay Roger na dalhin kami sa General. Habang nasa biyahe kami ay kung ano-ano ang naiisip ko. I don’t even know why I asked Rowan to look for her. At hindi lang iyon, sinabi ko pa sa kaniyang dalhin sa akin para makausap ko. After my accident two months ago, I lost some memories.
Nang tumigil ang kotse sa harap ng ospital ay kaagad kaming dinaluhan ng medical staff. I am one of the donors in this facility at hindi biro ang ibinibigay kong halaga sa kanila. They tended to . . . Ano nga ulit ang pangalan niya? Damn it.
“Sir, ano po ang pangalan ng pasyente?” tanong sa akin ng isang nurse.
Isa pa itong staff. Saglit akong napapikit at nag-isip. Finally, naalala ko rin.
“Arizona Consigna.”
“Ilang taon na po siya at ano po ang nangyari? May allergies po ba siya?”
“I don’t know exactly how old she is. But I think she may be pregnant.” Saglit na napaamang ang nurse. “She had weird cravings. I am not sure. Anyway, she passed out when she was about to leave at nasalo ko siya.”
“Sige po, sir. Kung may tanong pa po ako mam’ya ay lalapit uli ako.”
Tumango ako sa kaniya. Nang maglakad siya palayo ay tinawagan ko si Rowan para siya na lang ang mag-intindi ng kailangan ng babaeng iyon. But my fucking assistant had his phone turned off. Nagpaalam nga pala siya kanina at sinabing may out of town siya nang ilang araw. Hindi ko lang siya personal assistant, naging malapit na kaibigan ko na rin siya simula nang maaksidente ako. He was the only one who was there for me at nagtiyaga sa ugali ko. My mother is gone at halos magkasunod silang nawala ng stepfather ko. As for other family members, it’s a little complicated. May anak sa una ang stepfather ko but he remained illegitimate, isang bagay na ikinagalit niya sa akin nang labis lalo na noong gawin akong tagapagmana.
I have no choice but to stay here and look after her. I can always hire a private nurse for her pero sa tuwing titingin ako sa kaniyang mukha, palaging ipinararating n’on sa akin na kailangan niya ako. It may seem weird, but I can’t just walkaway from her.
Hinayaan ko ang doktor at mga kasamahan niya na gawin ang trabaho nila. Some minutes later, the doctor came to see me.
“Mr. Calderon, good evening,” bati niya sa akin. “I’m Dr. Mondejar.” Nakipagkamay siya sa akin at tinanggap ko iyon.
“How is the patient?” Sanay ako na deretso ang pakikipag-usap. And although I am not a fan of pleasantries, I still tried to at least gave him acknowledgment. Shaking his hand is one.
“She is fine. Just pregnant. Fainting during pregnancy is caused by a sudden drop in blood pressure. This is due to the hormones released during pregnancy that relax the blood vessels. The brain then receives insufficient blood.”
Wala akong alam sa medical terms, so as long as sinabi sa akin ng doktor na maayos ang babae ay okay na iyon.
“Okay.”
He cleared his throat and said, “She’s about eight weeks pregnant. When I ran a few tests, she seemed to be under a lot of stress. It was best that the patient gets plenty of rest and follow a healthy diet, especially since she is eating for two. Do you know if she’s taking prenatal vitamins?” When I looked at him blankly, hindi niya alam kung tatawa siya o iignorahin ang sinabi ko. He chose the latter. “I will have her prescription ready. Medyo mababa rin ang hemoglobin niya. She’s borderline anemic so we have to monitor her. Does she have an OB?”
“I am not sure.”
“Okay, I will make a referral. Is there a preference?”
Itinatanong niya sa akin kung babae o lalaki pero iling ang isinagot ko sa kaniya.
“Okay, I will have the discharge papers ready. You can see the patient for now while we do the paperwork.”
When he turned his back, I changed my mind and called him. “I prefer a female OB for her.”
“Yes, sir.”
I shouldn’t care. Hindi ko siya asawa. Pero bilang lalaki, if I had a wife, I don’t want a male OB either. Naglakad ako papunta sa kaniya at nakamulat na siya. Tumigil ako sa may footboard ng kama at tumingin sa kaniya. Mukha siyang hindi mapalagay.
“Puwede na ba ’kong umuwi? Hindi ako puwedeng magtagal dito.”
“Relax. You will be discharged tonight.” She looked relieved. “Saan nga pala ang bahay n’yo? Doon kita ipahahatid.”
Hindi ko alam kung guniguni ko lang pero may nakita ako sa mga mata niya na takot. Bakit kaya? I am ruthless, yes, but only in business. As a person, I mind my own thing unless I need to be an asshole, then that’s a different story.
“H-Huwag na. I’m just going to take a taxi from here.”
Napakunot-noo ako pero kung iyon ang gusto niya ay wala naman akong magagawa. I’ll just let her do whatever she wants. Mukha naman na nasa tamang edad na siya. Pero sa likod ng isip ko, idinidikta sa akin na buntis ang babae at hindi dapat umuwing mag-isa. She also left her things at my place. ’Tapos hinimatay pa siya kanina. Paano kung maulit ’yon at walang sumalo sa kaniya?
“Magkano n-nga pala ang bill?”
“It’s not much,” sagot ko sa kaniya.
“Have you seen my purse?”
“You left it in my place. Hindi kita kayang buhatin at bitbitin ang maleta at purse mo,” paliwanag ko sa kaniya.
Namula siya. “I’m sorry, naabala na kita. Kukunin ko lang ang gamit ko sa inyo at aalis na rin ako. Pasensiya na talaga.”
Hindi ko na napigil ang pagtatanong. “Naglayas ka ba kasi buntis ka?” Hindi siya umimik. “Why did you really come to see me? Dahil ba sa ipinagbubuntis mo? You’re eight weeks pregnant according to the doctor.”
“I’ve made a mistake. Can we just leave it at that?”
“Mistake? I was told you were determined to see Paul Gonzales. Nasa harap mo na ’ko, why chicken out now?” Ayaw niya akong sagutin nang maayos kaya nainis na ako.
“I’m pregnant.”
“I think it has been established already. Anything else you want to add?”
“You’re the father.”
Halos pabulong lang ang pagkakasabi niya pero rinig na rinig ko iyon. What kind of sick joke is this?
“Excuse me?”
“I said, you are the father. But don’t worry, I am not asking you to marry me or support the child. I mean unless you want to.” Arizona looked like she just wants to run away and not talk about her pregnancy. “Can we not talk about this anymore? I just want to go back to your place to get my things and I will be on my way.”
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. For a woman to tell me that I am about to be a father and then tell me she doesn’t want anything for me, why come see me?
“You can’t just tell me all those things and expect me to let you leave.”
Nagsalubong ang kilay niya at bumuka ang mga labi na parang may sasabihin pa pero hindi niya itinuloy.
“After you get discharged, I am taking you back to my place and we will talk. You can’t just blurt out things like that.”
Ano ba ang akala ng babaeng ito? Na okay lang magkaroon ng anak na bastardo?
Growing up without a father was not easy. And growing up without a father while we were dirt poor was even worse, lalo na kung ang mga tao sa paligid ay wala nang ginawa kung hindi pag-isipan at pagsalitaan ka ng masama. Isang kahig, isang tuka kami ni Nanay. At kung hindi pa niya nakilala si Papa ay hindi giginhawa ang buhay namin. Their love story was one for the books at masuwerte ako na hindi niya ako itinuring na iba.
“I already told you, I don’t need your help anymore and that’s why I am leaving.” She looked mad.
Humalukipkip ako. “How old are you?”
“I’m twenty-one,” inis niyang sagot sa akin.
“Then why are you acting like a child when you’re actually an adult? In about seven months, you are giving birth. How do you expect to care for your child when you act like that?” I tried to remain calm pero ang pinakaayaw ko ay ang mga taong matigas ang ulo at nagpapadala sa emosyon. Arizona was clearly upset.
“If you are trying to insult me, take a number.” Tiningnan niya ang IV na nasa braso niya at inunti-unting tuklapin ang tape. Napangingiwi siya kapag natatanggal ang tape.
“I am not trying to insult you. Learn the difference between an insult and having an adult conversation.” Hindi siya umimik at patuloy pa rin ang pagtuklap sa buwisit na tape. “Stop doing that. Kapag nahila mo ’yan ay sasargo ang dugo ’tapos mai-stress ka na naman at hihimatayin.” Napatingala ako sa kisame at napapikit. Ang sakit niya sa ulo.
Nang tingnan ko siya uli ay nakatitig siya sa akin.
“What?”
Mabilis siyang nag-iwas ng tingin. “You sound like sinadya kong himatayin.”
Napanganga ako sa kaniya. “Come again?”
“Wala.”
Jeez! This woman will be the death of me. Kung titingnan siya ay mukhang hindi makabasag-pinggan. Siya iyong tipo na kahit ano’ng sabihin ay susunod, hindi matigas ang ulo, at hindi palaban. But she was the exact opposite with that smart mouth. Palaging may balik sa akin kung makipag-usap at determinadong makalayo sa akin. If she really wanted to get away from me, hindi niya dapat sinabi sa akin na ako ang ama ng bata. But even if she didn’t, I would have the question lingering at the back of my head at paiimbestigahan ko siya. No one dares to carry my child and expect that I won’t care. Kapag napatunayan na anak ko nga ang bata, dadalhin niya ang apelyido ko at sisiguraduhin ko na magiging maayos ang buhay niya.
Women keeping their children for themselves were not entirely being selfish. Lahat may kaniya-kaniyang rason. Some were meant to destroy the other party, but sometimes, it was kept to protect the father of their child. Whatever the reason was, that was between the two people who made the child. Once the decision was made, paninindigan iyon hanggang dulo.
Almost twenty minutes later, dumating ang staff at sinabing puwede na kaming umuwi. I asked them to send me the bill. Napansin kong mukhang nabunutan ng tinik si Arizona. Hanggang lumulan kami ng kotse ay napa-puzzle ako sa kaniya. I had slept with countless women. Sixteen pa lang ako ay may karanasan na ako but I always made sure that I am safe. Kaya kung totoo ang sinasabi niya na nagkita kami sa Club Pyre at may nangyari sa amin kaya siya nabuntis ay mahirap iyong paniwalaan sa parte ko. I’m thirty at hindi isang teenager na hindi marunong gumamit ng condom.
Unless the fucking condom broke.
Tinapunan ko siya uli ng tingin. She is not ugly but not my usual type either. I prefer my women tall, glamorous, short hair, and sophisticated. Arizona is not that tall but not too short either. Sa tantiya ko ay nasa limang talampakan at tatlong pulgada siya, at sa tangkad ko ay halos hindi siya umabot sa balikat ko. She doesn’t look sophisticated at all. Her nails were not manicured, although malinis ay maiksi ang kaniyang kuko. Her dark hair is past her shoulders and wavy. It looked a little dull, to be honest. Wala siyang makeup at kung pananamit din lang ay napakasimple niya. Siya iyong tipo ng babaeng hindi ko lilingunin kung magkasalubong kami sa daan. Arizona looked depressing.
So how the hell did I end up sleeping with her and knocking her up?
“Stop staring,” pagkuwa’y sabi niya sa akin.
Hindi na ako sumagot at hinintay na lang na makarating kami sa penthouse. As soon as we walked in, inihanda niya ang kaniyang gamit. Ang purse niya ay inilagay niya sa ibabaw ng luggage at hinila papunta sa tabi ng front door. Doon siya naghintay na para bang kakausapin ko siya nang nakatayo.
“Sit down and let’s talk. Do you want milk?”
I don’t know a lot about pregnant women, maliban na lang noong nagbuntis si Nanay at nakita kong dinadalhan siya ng mainit na gatas ni Papa. Sadly, she had a miscarriage at hindi na nagbuntis uli. Papa was a good man at hindi nagpadala sa kalungkutan. He deals with his pain when he thinks no one was looking. Pero nakita ko siya minsan na umiinom ng alak at tahimik na umiiyak. I let him be.
Arizona looked surprised. Bakit ba tuwing may iaalok sa kaniya o may gagawin para sa kaniya ay parang gulat na gulat siya? Was her family not treating her well? Na-bully ba siya? I suddenly felt protective of the mother of my child. She claimed it at kahit may mga alinlangan ako, I’m going to play along until I have proof.
“I don’t drink—”
“The baby needs it,” giit ko. Tumango siya at wala nang nagawa nang sabihin ko iyon. Good. At least she has concern for the baby.
RIZHE doesn’t remember me, but why is he being nice to me? I’m not dense. Ramdam ko ang pag-aalinlangan niya sa akin at hindi ko siya masisi dahil hindi naman kami magkakilala. Ano lang ba iyong isang gabi? I can’t even remember it myself. Pero narito na ito at kung hindi niya ako paniniwalaan ay hindi ko na rin ipipilit. Susubukan kong bumalik sa aking ina, pero kahit maayos ang buhay niya ngayon, I doubt she would take me in.Nang ibigay niya sa akin ang gatas ay pinilit kong uminom. Hindi ako fan ng gatas, pero tama siya: kailangan ito ng baby ko.“Tell me exactly what happened today. Whatever you put on your face to hide your marks failed at hiding the swelling.” He got up again and went to the fridge. Nang magbalik siya ay may dala na siyang isang ice pack. “This will help.”Bigla tuloy akong napahawak sa pisngi ko. There were a lot of things that happened today at sa totoo lang ay nawaglit na sa isipan ko ang ginawang pagsampal sa akin ng aking ama. Hindi kaagad ako nakapagsali
RIZI WOKE UP late this morning. Noong una ay nahihiya akong nauna pang magising sa akin ang may-ari ng bahay. But then I thought, natural lang na magising siya nang maaga dahil may trabaho, samantalang ako ay wala pang detalyadong plano.‘Positive thoughts only.’ Iyon ang sinabi ko sa aking sarili nang magising ako kanina. Hinagip ko ang isang rubber band at ipinusod ng kung paano lang ang aking buhok. Pasado alas-otso na nang tumingin ako sa wall clock kaya siguradong nakapasok na sa opisina si Paul . . . or Justin, whatever his name is. Nakilala ko siyang Paul, but that can be changed kung Justin ang sadyang itinatawag sa kaniya ng mga tao sa paligid niya.Nang magtungo ako sa banyo ay kinuha ko ang roba at isinuot saka naghilamos at nag-toothbrush. Nakaramdam ako ng panunubig at hustong flush ko ng toilet ay nakarinig ako ng ilang katok sa pinto.“Ma’am Riz, ipinapatawag po kayo ni Sir para kumain. Hindi daw po magandang nalilipasan ng gutom ang buntis,” sabi ni Manang sa likod ng
JUSTINSA pagod niya kagabi ay alam kong tatanghaliin siya ng gising. Besides, when my mother was pregnant before, madalas siyang antukin at late na rin magising. I don’t remember much. Ang sabi ng stepfather ko noon, may mga mood swings din si Nanay na pinagpapasensiyahan niya. At dahil hindi ako makatulog kagabi, nag-order ako ng ilang pregnancy books online. While waiting, I purchased a few e-books too and started reading. Late na rin akong nakatulog pero sanay ang katawan kong gumising nang maaga, so I got up at six.Naging habit ko na ang tumakbo sa umaga at kapag nasa Batangas ako ay sa labas ko iyon ginagawa. None of these gym equipments can satisfy me. Iba pa rin ang fresh air at natural na init ng araw. But my life has changed when I took over the business at sa treadmill na lang ako madalas tumakbo. I think the last time I visited Batangas was over three years ago.“Cat got your tongue?” Riz could be passive-aggressive sometimes. Iyon ang napuna ko sa kaniya. There were time
RIZ“WHY are you being mean to me?” I knew he was going to find out who my father is, I just didn’t think he would be this quick. I couldn’t read his face. It’s hard to tell if he was serious or just trying to intimidate me para gawin ko ang gusto niya.“They don’t call me that for nothing. Let’s use the elevator at ihahatid na kita sa Batangas.”“Sino’ng may sabi sa ’yo na pupunta ’ko roon?” As far as I know, wala kaming napagkasunduan and I am free to go.Namulsa siya at tumitig sa akin. “We both know you don’t have a job. At kung may dala ka man na pera ngayon, hindi iyon sapat hanggang makapanganak ka. Paano ka magpapa-checkup? It’s expensive. You have no place to stay and let’s be real about this: walang magha-hire ng buntis na magma-maternity leave a few months later. Hindi ko nilalahat, but you know what I mean. Bihira ang matatagpuan mong trabaho na tatanggapin ka.”Tama siya sa lahat ng sinabi niya. How he can read people this fast is a gift. Kaya siguro siya palaging nananal
RIZ“Kahit hindi mo sabihin, malalaman ko rin kung sino ang gumawa niyan and there will be hell to pay. No one hurts the mother of my child and gets away with it.” Malamig ang boses niya at walang ibang emosyon kung hindi nagbabadyang galit.The car was ready when we reached the basement. Ipinagbukas kami ng pinto ni Manong. Nang makapagsuot kami ng seatbelt ay umandar na ang sasakyan. Just like the owner of the car, intimidating din ang loob ng kotse at para bang ibinagay ang design sa mga executive na katulad niya. The seats were made of leather, mabango ang loob at wala ni kaunting kalat. Even the damn windows were clear kahit na maitim ang tint nito.Habang umaandar kami ay tumitipa siya sa kaniyang cell phone. Nang matapos siya ay ibinalik niya iyon sa bulsa sa kaniyang dibdib.“What is it?” tanong niya sa akin. Naramdaman siguro niya ang pagtitig ko sa kaniya.“I just wanted to know kung ano ang itatawag ko sa ’yo. I met you as Paul but I don’t think the people around you call y
JUSTINEVER since Riz came, para akong nakasakay sa isang roller coaster. It was easy for her to rile me. Kahit mahaba ang pasensiya ko ay may mga oras na gusto nang malagot ng katinuan ko. Dealing with her was like disciplining a child with tantrums. Aminado naman siya na hindi ito ang ugali niya. I’ve read that in the pregnancy book as well. Pregnant women go through a lot of changes. Their hormones were acting up along with other several things.“You always use him against me,” sikmat niya sa akin.Hindi ko siya sinagot at sa halip ay tinawagan ang isang designer. “Renata, I need a white dress. No, short. Like one of those cocktail black dresses you have but I want white. Off-white is fine. Size?” Tiningnan ko siya. “Send me two dresses, size two and four. I’ll pay for both. I want different designs. Send me some shoes as well.” When I ended the call, nakatingin siya sa akin. “What is it?”“Ganyan ka ba talaga? Hindi ka marunong magpasalamat?”“Am I supposed to? It’s business. I pa
RIZI ONLY said that so he would change his mind. Gusto niyang magpakasal for the wrong reason. Oo, buntis ako. But it doesn’t mean he has to marry me. Para sa isang katulad ko na lumaki sa isang dysfunctional na pamilya, pangarap kong makasal at bumuo ng pamilya na may pagmamahal sa isa’t isa. Sa gusto niyang mangyari ay hindi na magkakatotoo ang nais ko.“It’s a marriage of convenience.” Intimidating ang tono ng boses niya pero hindi ako magpapadaig sa takot. He was not here to hurt me. Justin was actually doing the opposite. He was trying to take care of me and the baby.“It is. Kaya nga huwag na nating ituloy. Don’t make it more complicated than it is now. Mananatili ako dito hanggang makapanganak, pero huwag na tayong magpakasal.”“And if Veronica comes here, what are you going to say to her?”Naumid ako at hindi kaagad nakapagsalita. Ano nga ba ang sasabihin ko sa fiancée niya kung magkaharap kami?“You see? But if we are married, you can tell her that you’re my wife.”“Fine. Le
JUSTIN“YOU may now kiss your wife,” wika ni Ninong habang nakangiti.Nang tingnan ko si Riz ay para siyang hindi humihinga. Is that how much she didn’t want to marry me? O talagang ninenerbiyos lang siya? I am not going to deny it. What I did was similar to a shotgun wedding, pero para din naman sa kaniya iyon. If her father hit her or someone in her family noong nalaman na buntis siya, mas lalo siyang masasaktan kapag nagsama kami sa iisang bahay na hindi legal. And then there’s also Veronica na nagmamadaling magpakasal kami sa kung anong kadahilanan. Pakiramdam ko, may hindi ako maalala tungkol sa kaniya.“Sa pisngi lang,” bulong sa akin ni Riz nang yumuko ako.Napangiti ako nang marinig ko ang sinabi niya. Higit pa nga sa halik sa pisngi ang ginawa naming dalawa, pero ngayon kasal na kami ay hindi puwede sa labi? Forget that. I kissed her lips instead. At dahil sa gulat ay bahagyang napaawang ang mga labi niya. I took that chance to deepen the kiss. I didn’t care if there were oth
JUSTIN, Wintara Sands IT’S been ten years since the twins were born. Pero heto at nakahabol pa kami ng isang bunso. Riz is about to give birth in two months. We regularly go for checkups dahil na rin sa edad niya. She’s thiry-nine and considered high risk. After the twins were born, we tried to get pregnant again but we had no luck. We didn’t use any contraception because we wanted more children. Akala namin ay hindi na kami makahihirit. But a few months from now, ready na uli kaming magpuyat at magpalit ng maraming diaper. “Luto na ba ’yan? Nagugutom na ’yong kambal mo.” It’s the weekend at nakasanayan na naming magkakapatid na once a month ay narito kami sa resort na binili ko para kay Riz. Nagluluto kami ni Priam ng barbeque habang si Paris ay bantay ng mga bata. “Mga bata o ikaw?” tatawa-tawang tanong ni Priam sa bunso naming kapatid. “Tsk! Siyempre, ako rin. Luto na ba ’yong isaw ko?” Binigyan ko siya ng hilaw at sinamaan niya ako ng tingin. “Isusumbong kita kay Riri.” Hindi
RIZWHAT would it take for you to get over your anger and forgive someone? Hindi ba’t kalimitan ay nagiging posible lang ito kapag pumanaw na ang isang tao? It’s like you’re able to let go of it all because the person is no longer there. Nakalilimutan mo ang lahat ng hinanakit, sama ng loob, tampo, at napapalitan ng lungkot. Binabalot ang puso natin ng kahungkagan. We are breathing. We are alive. But there’s something missing. Iyong maliit na parte at sulok sa puso natin na hindi na mapupunan dahil alam nating hindi na babalik ’yong dating naroon. That’s what I felt the moment I saw my parents drenched in blood. At dumoble ’yon nang makita ko ang asawa kong walang ulirat at duguan. Parang hinahalukay ang sikmura ko at pakiramdam ko ay nalulunod ako sa isang malalim na karagatan at walang darating na tulong. Hindi ko alam kung sino’ng unang pupuntahan ko. Pabalik-balik ako. At kung puwede ko lang hatiin ang sarili ko sa tatlo ay ginawa ko na para wala akong iwan sa kanila.Si Dad.Si N
RIZDAD knew we were going to see him. He was hoping that I would be able to convince Nanay to come with me. Siguro gusto na rin niyang magkaayos sila. Nanawa na silang magpalitan ng masasakit na salita. Wala naman kaming balak magtagal sa bahay ni Dad pero gusto niyang mananghalian kami roon habang nag-uusap. Sa kotse ay panay ang tanong ni Nanay.“Alam niya.”Napahilot siya sa sentido. “Baka magkagulo. Alam mo naman si Liberty. Dapat pinapunta mo na lang ang daddy mo sa penthouse mo at doon na lang tayo nag-usap. Mas safe doon.”Napangiwi ako. “’Nay naman, para kang si Justin. ’Yan din ang sabi niya kanina.”“May punto naman ang asawa mo. Ang iniisip ko lang, buntis ka. Para namang hindi mo kilala si Liberty. Walang sinasanto ’yon. Nakita ko nga ’yon minsan na nakikipagtalo sa isang babae. Mukhang mayaman rin.”Tahimik akong nakinig sa kuwento ni Nanay. Ang mga sinasabi niya tungkol kay Liberty ay hindi na bago sa akin. Kung isang character sa libro si Liberty, siya na siguro ’yong
RIZ Earlier that day . . .IT was the familiar smell of my bakeshop that took me back to reality. Iyon pa rin ang ayos ng loob at katulad ng dati, busy ang mga staff. The only difference now is the store expanded. Nakuha na rin namin ang katabing building at ipina-renovate para madagdagan ang mga mesa. The shop became a favorite hangout for people in all ages. Nakatutuwang isipin na nagsimula lang ang business na ito sa penthouse at sa pangungulit ni Justin. Encouragement from the people you love and care about makes you brave. And the bakeshop business has made a name in the industry.Nang marinig ko ang lagitik ng tangkay ng mop na nalaglag sa sahig ay napatingin ako sa taong may hawak nito. In front of me is a woman in her late forties. Bukod sa lipstick na hindi masyadong mapula at kilay na ginuhitan ng eyebrow pencil ay wala na siyang ibang kolorete sa mukha. Maayos na nakapusod ang kaniyang buhok at hindi alintana ang ilang ub
JUSTIN“W-What are you even doing here? Where’s my wife?” Nasapo ko ang noo ko dahil nakaramdam ako ng hilo. It must be the meds they gave me.“Riri just left to see her parents in the other wing. Ano ba’ng meron sa araw na ’to at tatlo kayong nabaril?” kunot-noong tanong niya sa akin.“Her parents got shot?”Bago pa siya nakasagot ay bumukas ang pinto at pumasok si Priam. Ano’ng ginagawa ng mga kapatid ko dito? Iniabot ni Priam ang paperbag kay Paris para ito ang mag-ayos ng pagkain mesa. Ano bang oras na?“I’m glad you’re awake. Mukhang lalo kang pumangit nang masalinan ka ng dugo ni Paris. Kamukha mo na ’tong unggoy na ’to— Aray!”Binato ni Paris ng isang pirasong ubas si Priam at tinamaan ito sa pisngi. Alam na nilang kapatid nila ako. And with Paris donating blood to me, I will be forever grateful to him. Hindi lahat ng half brothers ay kailangang maging mailap sa isa’t isa. Totoong nasa pagpapalaki iyon ng magulang at sa crowd na pinipili nilang samahan.“Huwag kang magsayang ng
JUSTINSeveral days later . . .“ARE you sure you’re not going to the office today?” tanong ko kay Riz nang sabihin niya na magpapahatid siya sa bakeshop. Gusto raw niyang makausap si Nanay.“I’m sure. I want to take a day off and rest. Aayain ko siyang magpunta kay Dad pagkatapos. I want to talk to the both of them for once. Iyong magkaharap sila at ayusin na ang lahat. Ilang buwan mula ngayon ay manganganak ako. I just want everything to be in order, you know? Nakakapagod na rin ’yong puro away.”Kumunot ang noo ko. “Is his wife going to be home? Baka magkagulo roon kapag dinala mo si Nanay.”“Hindi. Ako ang bahala,” paniniguro niya sa akin.“You’re pregnant, baby. Baka mapaano kayo.” Minsan, hindi ko alam kung naaalala niyang buntis siya. But I know she’s being careful. Ayaw ko lang na may mangyari na naman. Kahit alam kong walang may gusto ng nangyari noon, mas mabuti na rin ’yong nag-iingat ngayon.“I don’t think Madam would harm a pregnant woman.”“She might if it’s you,” sagot
JUSTIN“ARAY!”Tinaliman niya ako ng mga mata. Akma niya akong kukurutin pero inunahan ko na siya at umaray na kaagad ako habang tumatawa. I know Dad’s plan wasn’t the best. ’Yong mga ipinakita kong panlalamig kay Riz nang dumating siya ay sarili ko nang plano. It did work though: buntis na siya ngayon at hindi pa siya bumabalik sa States.“Pasalamat ka talaga at mahal kita, kung hindi ipapakulam kita.” Pinandilatan niya ako ng mga mata at humalukipkip.“Wala ka namang kilalang mangkukulam.” Binigyan ko siya ng maliliit na halik sa pisngi, sa noo, sa panga, at sa kung saan pa na puwede.“Pag-aaralan ko at ako na lang ang gagawa. Nakakainis ka! Mabuti na lang at pareho kayo ng kuwento ni Nina. Kung hindi, iisipin ko talagang may gusto ka sa kaniya.”“I never liked her more than a sister. She’s like Ryleigh to me.”“I know. I just . . . It’s just a little hard to believe that men like you still exist. Abstinence isn’t easy— Bakit ka tumatawa?”“Paano mo alam na wala nga?” Okay, that was
JUSTINNAALIMPUNGATAN ako nang lumundo ang kama at makita ang asawa ko na ngayon pa lang mahihiga. Napasarap siguro ang kuwentuhan nila ni Nina. Pumihit ako paharap sa kaniya at yumakap. I didn’t want to leave them at the living room earlier pero mukhang may gusto silang pag-usapan na hindi ko puwedeng marinig. And when it comes to women, I know how much privacy means to them. Bata pa lang ako ay palagi na ’yong ipinapaalala ni Nanay sa akin.“What time is it?” tanong ko sa kaniya.“Late.”“Baby, bawal sa ’yo ang mapuyat,” paalala ko sa kaniya. “Umuwi ba si Nina o napilit mong matulog sa guest room?”“Nagpilit umuwi, e. Kaya hindi ko na pinigilan.” Humalik ako sa sentido niya at saka ipinikit ang mga mata ko. I should have known na wala siyang planong pabalikin ako sa tulog kaagad. “How did you meet her again?”“Gusto mo talagang mapuyat?” I lightly tapped the tip of her nose.“Ten minutes and I will go to sleep. Magkuwento ka na.”Ipinaalala pa niya sa akin na hindi raw dapat sumasam
RIZSA pagod ko, maaga akong nakatulog. I woke up the next morning that Justin was no longer in bed. Hinagip ko ang roba ko sa gilid at saka isinuot. Ipinusod ko ang buhok ko at saka naglakad palabas.“Good morning, baby,” bati niya sa akin habang nagsasangag ng kanin.I felt queasy in an instant. I loved the smell of fried rice but today, sobrang baho nito na hindi ko kayang amuyin. Nagtatakbo ako papunta sa powder room at doon sumuka pero wala naman akong inilabas. Puro laway lang at sobrang sakit ng ulo ko.“Are you okay?” nag-aalalang tanong niya sa akin.“Ang kalan?” Napangiwi siya dahil hindi ko sinagot ang kaniyang tanong. Ang isip ko ay nasa niluluto niya dahil baka masunog.“Nasusuka ka pero ’yong kalan pa ang inaalala mo?” Napahilamos siya sa kaniyang mukha. “Masakit ba ang ulo mo?” Tumango ako. “Dizzy?” Tumango ako uli. “I’m taking you to the hospital. Baka kung ano na ’yan. Kahapon pa masakit ang ulo mo. Mas mabuti na ’yong malaman natin para maagapan kung tumor.”I rolled