He turned off his phone. Itinapon niya sa labas ng sasakyan ang upos ng sigarilyo saka nilingon saglit ang kaibigan. “I don’t want to talk to her.” Mataman niyang sagot. Umiling si Patrick, halata sa mukha nito ang matinding pagkadismaya sa kaniyang mga desisyon. Isinandal niya ang ulo sa headrest at ibinaling muli ang tingin sa mansyon. Hindi siya natatakot sa ginagawang imbestigasyon ng mga pulis, dahil maliban sa corrupt video scandal nila ni Yvonne na pilit ni-re-retrieve ng mga pulis ay wala nang ibang ebidensya na magagamit laban sa kaniya. Napapaisip siya ngayon. Sino ang taong nagpadala ng video scandal nila ni Yvonne kay Yves Santiago? Ilang beses lang na pwedeng e-play ang video dahil nagse-self-destruct ang kopya pagkatapos. Kaya nahihirapan ngayon ang mga pulis na retrieve ang video para magamit sa korte bilang ebidensya. Ang video scandal ang dahilan kung bakit pagkatapos ng nangyari kay Yvonne ay pinuntahan siya ng mga pulis at tinanong. Hindi pa siya tuluya
Mas madali na sana ang lahat para kay Lindsy lalo pa ngayon na wala na si Yvonne Santiago. Wala nang magiging hadlang sa relasyon nila ni Archie, ngunit hindi niya nagugustuhan ang mga ikinikilos ng lalaki ngayon.He’s obviously avoiding me! Sigaw ng kaniyang isip.Nakita niya si Archie na nasa loob ng elevator, bago pa sumara ang pinto nito ay natanaw na niya ang pamilyar na mukha ng kaniyang nobyo. Pababa na ito sa basement ng condominium para muli na naman siyang iwasan.Kahit tumakbo siya papunta sa elevator ay hindi niya pa rin nagawang humabol. Sumara na iyon nang tuluyan, naiwan siyang nagmumura sa hangin.Why is he acting like that?!Bumukas ang elevator pagkatapos ng limang minutong paghihintay. Halos murahin niya pa ang mga taong nakakasabay niya pababa dahil mas lalong naaantala ang pagsunod niya kay Archie dahil sa maya't mayang pagtigil ng elevator.Sa parking lot ng condominium ay hindi na niya mahanap ang Volvo XC90 na sasakyan ni Archie. Kanina lamang ay nakapark pa it
Nang sumunod na araw, bumalik siya sa condo unit ni Archie. Alas nuebe na, ngunit ayon sa sekretaryo nitong si Xian ay wala pa rin sa opisina ang lalaki, kaya naisip niyang nasa condo pa ito.Hindi lumiliban sa trabaho si Archie maliban kung may importante itong lakad o masama ang pakiramdam kaya kailangan na pansamantalang lumiban para magpahinga.Archie has no appointment abroad. Alam niya rin na wala itong ibang pagkakaabalahan. Kaya baka masama ang pakiramdam?She pressed the doorbell anxiously.Hindi siya nakatulog ng maayos kagabi dahil hindi niya alam kung nasaan ang lalaki. Hindi pa sila nag-uusap ng matino simula ng huling bisita nito sa kanilang tahanan. Hindi na iyon nasundan at halatang pinagtataguan pa siya nito ngayon.Pagkatapos ng sunod-sunod na doorbell, bumukas sa wakas ang pinto.She stretched her lips to greet him with a smile.But she didn't expect what she saw. Her mouth dropped open.“Yes?” Nagtaas ng kilay ang babaeng nagbukas ng pinto.Kumurap-kurap ito, tila
Lindsy gritted her teeth. Tumalikod siya kay Archie at pumasok sa kuwarto nito. Parang sinasaksak ang kaniyang dibdib habang sinusuyod ng tingin ang magulong silid. Nakakalat sa carpeted floor ang mga gamit at mga damit na napunit. Ang itim na panty ng babae kanina ay nasa paanan ng kama kasama ang itim na brassiere na halos mahulog na. Nanghihina ang tuhod ni Lindsy habang lumalapit sa magulong kama. She could imagine how wild Archie and the woman last night. Ibinaling niya sa ibang direksyon ang kaniyang tingin, nakita niya ang basag na bote ng pabango sa gilid, kaya nagkalat ang mga bubog sa sahig. Wala nang gamit sa ibabaw ng malaking drawer na nasa tapat ng salamin na orihinal na nasa tabi dapat ng kama. Nasa pinakasulok na ito ngayon at wala nang gamit sa ibabaw nito. Agad na pumasok sa isip ni Lindsy na posibleng isinampa ni Archie ang babae sa ibabaw ng drawer at doon ito pinaligaya. Naramdaman niyang parang pinupunit ang kaniyang pagkatao habang naiisip ang mga tagpo. Ga
Lumipas ang ilang araw, tahimik pa rin si Archie at palaging nasa malayo ang tingin. Magulo ang kaniyang isip kaya hindi siya makausap ng matino ng ibang tao. Wala siyang gana na kumausap ng kahit na sino.Ngunit mamayang gabi ang family reunion ng mga Alcazar. Post-celebration din ng engagement nila ni Lindsy kaya kahit hindi niya gusto, kailangan niya pa rin na pumunta at magpakita kay Fernando Alcazar, ang ama ni Lindsy.Kung siya ang tatanungin, ayaw niyang lumabas at makipaghalubilo sa ibang tao. Mas gusto niya na magkulong sa kaniyang kuwarto at matulog.Gusto niyang makapagpahinga. He wants to shut down the outside world.Para siyang tinakasan ng lakas at ganang makipagkompentisya sa labas ng mundo. Buong sistema niya ang pagod na pagod at hindi sapat ang bente kuwatro oras na tulog para makabawi sa kaniyang panghihina. Gusto niya ng mas mahabang oras ng pahinga, baka sakaling bumalik na sa katinuan ang kaniyang isip.Ngunit hindi niya maaaring biguin si Fernando, hindi pwede n
Aminado siya na may kasalanan siya. Parang wala siya sa kaniyang sarili nitong mga nagdaang araw. Hindi pa sila nakakapag-usap ng matino pagkatapos siya nitong mahuli na may kasamang ibang babae. Dapat ay makaramdam siya ng pagsisisi, lalo pa’t nakita niyang nasaktan niya si Lindsy. Nabigo niya ito, hindi siya tumupad sa kaniyang pangako. Ngunit bakit wala siyang maramdaman? Bakit hindi ganoon kabigat ang kaniyang dibdib kumpara sa tuwing sumasagi sa kaniyang isip si Yvonne? Nakarating siya sa basement. Tatlong sasakyan ang nakaparada sa eksklusibong parking space na kaniyang binayaran. Isang Range Rover, isang Volvo XC90, at isang Mercedes-Benz. Pinili niya ang huling sasakyan, dahil siguradong magpapayabangan ang mga Alcazar sa reunion mamaya. Ayaw niyang maging katatawanan. Kaya ang pinakabagong modelo ng Mercedes-Benz na kaniyang nabili ang dadalhin niya ngayong gabi upang makita ng mga Alcazar na totoong nakabalik na siya sa mataas na level ng kanilang lipunan. He wants to sho
Isang linya na lamang ang mga kilay ni Archie dahil sa pagtatagpo nito sa gitna. Ang kaniyang mukha ay tuluyang naging madilim ang ekspresyon habang tinitingnan ng mabuti si Lindsy.Marriage has no value to him. Pagkatapos nang nangyari sa kanila ni Yvonne noon, nagbago na ang pananaw niya sa kasal at legal na pagsasama ng dalawang tao. Hindi na iyon gaanong importante sa kaniya, lalo pa’t nadungisan na ang kaniyang paniniwala.He gritted his teeth.Noon, walang problema kung maikasal sila ni Lindsy sa kahit na anong araw, buwan at taon. Wala siyang reklamo dahil alam niya sa kaniyang sarili na responsabilidad niyang pakasalan ang babae pagkatapos ng mga naitulong nito sa kaniya.Without Lindsy and Fernando Alcazar, I'd still be that homeless and scared little rat.Dahan-dahan niyang itinango ang kaniyang ulo.“So be it.” Sagot niya.“If your Dad wants us to marry tomorrow, then let’s marry tomorrow.”Nag-angat ng tingin si Lindsy sa kaniya. Halos pabigla at gulat na gulat ang ekspres
There’s a growing anger inside Archie’s heart. Noon, nag-usap sila ni Fernando na hindi nito pakikialaman ang mga Santiago dahil personal ang naging kasalanan ng pamilyang iyon sa kaniya, kaya siya lang dapat ang maningil at wala nang iba. “Archie!” Natanaw nila ang paglapit ni Fernando sa kanila. Matangkad ito at malaki ang pangangatawanan. Medyo lumubo ito dahil na rin sa kasaganahang natatamasa. “Dad.” Bati ni Lindsy sa lalaki at sinalubong ito. Agad din na ibinalik sa kaniya ni Fernando ang tingin pagkatapos na yakapin ang anak. “Magandang gabi po, Tito.” Bati niya sa mababang boses, kahit na parang may halimaw sa kaniyang loob na nagwawala at nagsisisigaw. “Finally, you’re here. I’m glad that despite your busy schedule, you still find time to celebrate the Alcazars family reunion.” Ngumiti ito sa kaniya at marahan na tinapik ang kaniyang balikat. “You asked him to come, Dad. He'd do so.” Mahinang turan ni Lindsy. Ngumiti si Fernando, tumango ito at halatang natutuw
There was confusion. Then fear.Ngunit mabilis na kumurap ang babae kaya nawala iyon. Ang pagkalito at takot na saglit niyang nasulyapan ay napalitan ng lungkot at pagsisisi.Humakbang ito palapit kaya naman nahigit ni Archie ang kaniyang hininga.She's definitely the woman I've been dreaming of. Bulong niya sa sarili.Sigurado siya na ang babaeng ito ay si Yvonne. Dahil kung hindi si Yvonne ang nasa harap niya, bakit bumibilis ang tibok ng kaniyang puso?Bakit nabubuhol ang kaniyang dila?Bakit nagiging mababaw ang kaniyang paghinga?"Hon." Mahina nitong sambit.Umawang ang kaniyang labi at tuluyang nawalan ng hangin ang kaniyang baga.Isang hakbang pa'y inaasahan na niyang titigil ito sa harap niya ngunit nabasag lamang ang kaniyang pagpapantasya nang humakbang pa ito at nilagpasan siya nang tuluyan na para lamang siyang isang hangin."Hon." Tawag muli ng babae.Nang lingunin niya ito para sundan ng tingin, nakita niyang sinalubong ng babae si Rizzo Galvez na nagmamadaling lumapit.
Maraming tao sa loob ng ospital. Maliban sa mayroong pila ng check-up para sa mga buntis sa may entrance ay kapansin-pansin din na paroo't parito ang mga pasyente, nurse at mga doktor sa koridor.Hindi makapagtanong si Mexan sa hospital staff dahil abalang-abala ang lahat. Kaya naman dumiretso ang kaniyang assistant sa nurse station para ipagtanong kung saan ang pediatric ward."Sa kaliwa, Sir." Sagot ng attending nurse sabay turo sa pasilyo."Mayroong elevator sa dulo, sa second floor sa kanan na koridor ang pediatric ward. Pinakadulo naman ng koridor ang private pediatric ward." Imporma nito.Nang marinig niya ang sinabi ng nurse, hindi na niya hinintay na ulitin pa ni Mexan ang impormasyon. Naglakad na siya patungo sa direksyon na itinuro nito.Nakahabol naman agad sa kaniya ang assitant nang nasa elevator na siya.Nang sumarado na ang elevator ay saka naman niya tiningnan ang oras sa suot na relo.It's already 9:45 in the morning. Bulong ng kaniyang isip.Alas dyes ay may meeting
Naiwan siyang nakatulala nang umalis si Lindsy.Ang sugat na matagal nang nakakubli ay tila inalisan ng harang. Nalantad iyon ay humapdi dahil sa mga matatalim na salita ng babae. Ngayon niya napagtanto na mas malalim pala ang sugat kumpara sa kaniyang iniisip. O baka mas lumalim iyon dahil hinayaan niyang nakakubli?Maybe she was right. Bulong niya.Maybe I've been so guilty for the past years that I no longer care about money. It means nothing to me. Humugot siya ng malalim na hininga at nang mapuno ng hangin ang kaniyang baga ay sumikip naman ang kaniyang dibdib.Noon pa man, alam na niya na nagkakaroon lamang ng halaga ang pera kapag nagagamit niya iyon sa may kabuluhang bagay.Kagaya na lamang nang magpagawa siya ng mausoleum.Milyones ang inilabas niyang pera para lamang maging maganda ang libingan ni Yvonne. Binayaran niya rin ang ilang pulitiko at mambabatas para lamang mabigyan siya ng legal na permiso na hukayin ang labi ng babae at ilipat iyon sa mausoleum na kaniyang pina
The hurt was visible in Lindsy's eyes, but Archie didn't show regret at all.Nang malaman niya ang ginawa ni Lindsy kay Yves, tuluyan niyang napagdesisyunan na tapusin na lamang ang relasyon nilang dalawa ni Lindsy.It's not like we're still in a relationship, but I was considering the idea to offer her friendship. But after what she did, I don't think I want to stay friends with her. Bulong ng kaniyang isip.Sa naunang tatlong taon ay lihim niya pa rin na tinutulungan ang mga Alcazar sa abot ng kaniyang makakaya. Hindi niya nakalimutan na may utang na loob siya kay Fernando Alcazar, ngunit hindi niya rin hinayaan na dahil sa utang na loob na iyon ay itutuloy niya pa rin ang pagpapakasal kay Lindsy.Simula nang malaman ng mga kakompetinsya nila sa industriya na hindi niya itinuloy ang kasal, naging easy target na lamang ng mga malalaking kompanya ang mga Alcazar at pilit na pinabagsak ang mga negosyo nito dahil nagiging banta sa pag-angat ng ibang negosyo't korporasyon.Noong mga pana
"It was photoshopped!" Sigaw niya dahil sa takot. Napaahon siya sa kaniyang upuan at dahan-dahan na umiling. Tumitig naman sa kaniya si Archie, hindi kumbinsido sa kaniyang sinabi. Mas lalo siyang natakot na baka may alam si Archie sa mga ginagawa niya noong nakaraang mga taon. "A-archie." "Dr. Asuzion was a former psychiatric doctor in the mental institution where Mrs. Santiago was entrusted, right?" Mas lalong lumamig ang tingin ni Archie sa babae. Napaatras muli si Lindsy, kinakabahan ng husto sa madilim na mga mata ng binata. "You had an affair with him despite the fact that he's already married and had two children, right? In return with your sexual services, you asked him for information about Mrs. Santiago. You even asked him to slowly take away her mental capacity to recover from the trauma." He said firmly. Muling napaatras si Lindsy. Gusto na niyang tumakbo palayo ngunit hindi niya magawa. Natatakot siya ng husto. "N-no, that's not true!" Mariin niyang tanggi. Sh*t!
Pumasok si Lindsy sa kompanya. Nakataas ang noo at tinatanggap lahat ng pagbati ng mga empleyado."Good morning, Miss Alcazar." Bati ng mga empleyadong nasa cubicle nang mapadaan siya.Ginawaran niya lamang ng isang tingin ang mga empleyado at hindi na bumati pabalik.Okay, let's say that Archie is doing something behind our back. Maybe he already bought a big share of stocks, but we still have the forty-percent share. That means, we're still one of the major stock holder in the company.Habang naglalakad sa hallway ay pinanatag niya ang kaniyang loob sa kaisipan na kahit hindi na sila ang may pinakamalaking share ay isa pa rin sila sa major stock holder. Hindi siya maaaring alisin na lang ni Archie sa kompanya at hindi rin magbabago ang tingin sa kaniya ng mga empleyado.Nasa mataas na posisyon pa rin siya.Isa pa, kung pareho silang major stock holder, hindi ba't ibigsabihin lang nito ay pareho silang magtratrabaho sa kompanya para mas mapalago ito?She will finally have a chance to
It was harder than I thought. Bulong ni Lindsy sa kaniyang sarili. Ngayon na ang kaniyang ama na mismo ang nagsasabi sa kaniya na humingi ng tulong kay Archie ay nanghihina na agad ang kaniyang sistema. Sure, I want him back. I badly needed him. But I don't want to look like a hungry ex, begging for his mercy and compassion. Kontra ng kaniyang isip. Nagtagis ang kaniyang bagang. Nakita niyang sumusulyap sa kaniya ang driver ng sasakyan kaya sinamaan niya ito ng tingin sa repleksyon ng rearview mirror. "What are you staring at?" Galit niyang tanong. Agad naman nag-iwas ng tingin ang driver at kabadong sumagot. "S-sorry, Ma'am. K-kanina pa po kasi kayo tahimik. M-mukha pong hindi maganda ang umaga niyo. Nag-aalala lang po ako." Nagtaas siya ng kilay at mas lalo lamang nairita. This nosy driver is making an excuse pa ha? Nagtagis na naman ang kaniyang bagang. "Hindi ko kailangan ng pag-aalala mo. Kaya sa susunod, stop glancing at me over the mirror. Okay? Fucos on driving! Napak
Nang sumunod na umaga, nasa terrace silang dalawa ni Fernando para kumain nang almusal. Dahil magiging hassle pa kung bababa sa dining area ang matandang Alcazar, napagpasyahan niyang sa terrace ng kuwarto nito sila kumain.Ngayon ang unang umaga nila sa Pilipinas, kaya gusto nito na makasabay siyang kumain ng almusal. Magkatapat silang dalawa sa bilugang mesa na puno ng pagkain. Ang kaniyang mga mata ay nakapokus lamang sa pagkain Lindsy at ang kaniyang bibig ay hindi maibuka ng maayos.Wala siyang ganang kumain. Kung hindi lamang dahil sa request nito na sabay silang kumain ay baka umalis na lamang siya at dumiretso na sa kompanya.Hindi niya alam kung dahil ba iyon sa excited pa rin siyang makita si Archie o dahil sa gusto na niyang malaman kung ano ang mangyayari sa kompanya.Nag-angat siya ng tingin at nasulyapan ang kaniyang ama. Maingay itong kumain at madalas na murahin ang personal nurse nito na siyang nagsusubo ng pagkain nito.Simula nang atakehin sa puso si Fernando, kala
Nagsalubong ang kaniyang kilay at saglit siyang natahimik. Is that even a threat? Tanong niya sa sarili. Maybe. Maybe it is a threat. Napaayos siya ng upo at pinakatitigan si attorney Dela Paz. She felt threatened deep inside. Simula nang magkalabuan na sila ni Archie, natakot ang kaniyang Daddy na baka tumilawag ito sa organisasyon at bigla na lamang iwanan ang posisyon sa kompanya. Baka hindi na ito magtrabaho sa kanila at iwanan na lamang sila. Sure, they can still thrive without Archie. Kaya nilang pamahalaan ang mga negosyo na wala ito, pero alam nila sa kanilang sarili na malaking bagay pa rin kung mawawala si Archie. He has a good leadership skills. Magaling ito sa pamamahala ng kompanya at matalino sa paggamit ng pera. Dahil kay Archie, mas naging mabilis ang pasok ng pera sa kanilang bank account. Triple ang kanilang kinikita buwan-buwan, kaya hindi pa man nag-iisang taon ay may sapat na silang pera masunod ang kanilang mga luho. Ni-hindi na kailangan na magtrabaho ni F