Respect
One week had passed since school started. Sobrang dami agad ginagawa. Reporting dito, reporting doon at pasahan ng activities and repeat.Okay lang naman sa'kin ang mga school activities since gano'n naman talaga lalo na't ABM ang strand ko. Asahan na duguan talaga.Close na kami nila Kath at April. I'm so happy that I met a friend like them. 'Yong kalog, para nawawala ang stress ko sa school works. Close na rin sila ni Lucas. Lucas is just being friendly to everyone, that's why I can't believe what Kath and April's says about him.Hindi siya cold, sadyang gano'n lang talaga pag hindi mo pa kilala ang isang tao. Kilig na kilig nga si April noong unang beses nila na makilala at makausap si Lucas.Tuesday na naman at hinihintay namin ang next teacher namin para sa Business Finance."Wala tayong teacher para Business Finance! Magde-demo ang H.E para sa project nila sa'tin!" sigaw ng mga kaklase ko papasok ng room.Tumingin ako kanila Kath at April na nasa gilid ko. "Ano 'yon?" tanong ko."Pag may demo ang H.E, it means may free tastes tayong pagkain ngayon," sagot ni Kath habang inaayos ang buhok niya."Sana sila Lucas ang mapunta sa'tin. Kahit nakakataba ang pagkain, go lang ako!" saad naman ni April at bumungisngis pa siya.Umiling si Kath. "Nope! Sila kuya David at Blake ang mapupunta sa'tin," sagot niya bago bumulong. "alam mo naman, nandito si Alison na ex ni Blake.""Basta ako, kahit anong pagkain 'yan kakain ko. Lalo na't hindi ako nag-breakfast." nangalumbaba ako sa desk ko.Out of nowhere, I looked at Alison who's busy talking to her friends. Oh, yes! Classmates kami ng ex ng Blake na 'yan! Maamo ang mukha ni Alison, mas maputi nga lang ako sa kanya and of course! Mas maganda ako sa kanya.Naka-messy bun ang mahaba niyang buhok at may kaunti siyang make-up sa mukha. Tahimik lang si Alison since hindi naman kami close."Ba't ganon? Ang bata-bata pa nila, nagjo-jowa na sila agad." I sighed out of nowhere."Gano'n talaga ang mga kabataan ngayon, Ava!" sagot ni April. "bakit? wala ka pa bang nagiging boyfriend?""Wala pa," simpleng sagot ko.Gulat na tumingin sa'kin ang dalawa. "I mean, kahit manliligaw wala?" gulat na tanong ni Kath.Umirap ako. "As in wala! Wala!" sagot ko. "sa sobrang strict ng parents ko, walang nag balak na manligaw sa'kin. Isa pa, ayoko pang pumasok sa relationship."Natawa sila. "Sa ganda mong 'yan, Ava wala talaga?""Ang kulit niyo! Wala nga!"Umayos kami ng upo nang may pumasok sa room namin. Sila David at Blake. May dala silang mga tray at nilapag iyon sa table sa harapan. Seryoso ang mukha ng dalawa.David smiled in front of us. "Hi, guys!" kumaway siya. "I am pretty sure na alam niyo na ang dahilan bakit kami narito. I'm Davidson Lee Anderson and this is Blake Ivan Herrera. We're from H.E205 - Arellano and we're here to demo our first project to all of you guys!""Feel free to say anything about our food. Kain lang kayo ng kain then, write it here about what do you think of the food." paliwanag naman ni Blake at pinakita ang isang maliit na papel.My cellphone started beeping, so I took it carefully from pocket. Tumatawag si ate Emerald. Buti na lang at naka-off sounds ito. Bawal gumamit ng cellphone sa room, pero hindi naman sila teacher kaya sasagutin ko na lang.I was about to click the answered button when someone grabbed my phone away from me. Nagtaas ako ng tingin sa kumuha ng cellphone ko.Agad akong napatayo nang makita si Blake sa harapan ko. "Give me back my phone!""No phone during class hours, don't you know that?" malamig ang boses na pagkakasabi niya."But you're not a teacher, so please give it back to me! Ate ko ang tumatawag at mukhang emergency!"Ngumisi siya. "Kung gusto mong kunin, punta ka sa Principal's Office," malamig na sabi niya bago bumalik sa harapan.Natigilan ako sa mga sinabi niya. "You jerk!" sigaw ko.Napatingin sa'kin lahat ng tao sa room. Kailangan ko na sagutin ang tawag ni Ate Emerald!He turned around and our gaze met. "What did you say?" nakakunot ang noo na tanong niya.I rolled my eyes. "You are a jerk!" taas noong ulit ko. "alam ko na bawal ang mag-cellphone during class hours but you have no right to confiscate my cellphone. Maka-asta ka akala mo teacher ka!" matapang na saad ko sa kanya."Hindi nga ako teacher, but can you see that we are having a discussion here? Maka-asta ka, wala ka namang respesto sa tao rito sa harapan!"Nayukom ko ang dalawang kamao ko at masama ng tumingin sa kanya. Inis na inis na ako sa kanya! Ang kapal ng mukha! Ako pa ang walang respeto sa aming dalawa?"You can have my cellphone, I'll just buy a new one." I smirked at him. "lamunin mo kung gusto mo!"Umupo ako ulit sa upuan ko. Nakabusangot ang mukha ko hanggang sa matapos sila sa ginagawa nila."Ava, akala ko ba gutom ka?" bulong ni Kath sa'kin.Nagpapatikim na sila ng pagkain na dalawa. After niyan aalis na sila."Ava, ikaw na lang kulang sa section natin." sunod naman na saad ni April.Nakatingin ang mga classmates ko sa'kin. Nag-aabang na tatayo ako at kukuha pagkain na dala ng dalawa."Hindi ko kailangan iyang mga dala nila! Baka isuka ko pa 'yan!" matigas na sabi ko na rinig ng buong room.Inirapan ko si Blake na nakatingin lang sa'kin. Hindi ako kumuha kaya umalis na sila. Ang malas-malas ko naman ngayong araw!Oh, great! My cellphone got confiscated! Great!"Argh!" sigaw ko sa kwarto ko.Wala akong magawa rito sa bahay. Wala akong cellphone! Hindi ko pa rin nakukuha ang cellphone ko.Ewan! Ang sabi ko bibili ako ng bago, kaya hindi na ako pumunta ng Principal's Office para kunin. Ang taas din kasi ng pride ko!Inis na inis lang ako sa Blake na 'yan! Napakayabang na lalaki, akala mo kung sino. Peste siya!"Ava, what are you doing?" napatigil ako sa paggulong-gulong sa kama ko nang makitang pumasok ng kwarto ko si Ate Emerald.Nag-indian sit ako. "Ate Emerald! Nawawala yung cellphone ko!" ngumuso ako sa kanya. Ito lang ang magiging reason ko para mabilhan ako ng bago."Oh? Bakit mo nawala?" tanong niya bago umupo sa tabi ko.Nagkibit balikat ako. "I dunno! I think I lost it somewhere. " pagsisinungaling ko.Masuri niya akong tiningnan. "Really?"Nag-iwas ako ng tingin. "O-oo nga, Ate!""Okay, then," aniya bago nilabas ang credit card niya. "buy a new one."Masaya akong yumakap sa kanya. "Thank you, Ate Emerald! I really, really love you my sister! The best sister in the whole world!" paglambing ko sa kanya.Humiwalay siya sa'kin bago kinurot ang mataba kong pisngi. "Sus! Ako lang naman ang kapatid mo." natatawa na sambit niya. "go to mall and buy a new phone. Basta huwag mong ubusin ang laman ng credit card na 'yan."Nakangiti akong tumango bago pumunta ng closet para mamili ng dadamitin ko. I decided to wear a black ripped high waist short and baby blue crop top printed with flowers. Sinuot ko ang white sneakers shoes ko tsaka bumaba para hanapin si Mang Jose para ipag-drive ako papuntang Mall.Wala sila Mommy at Daddy dahil nasa Maynila sila dahil sa hotel namin doon. Kami lang nila Lola at Ate Emerald ang nandito kasama ang mga kasambahay."Mang Jose, punta po tayo ng mall," sabi ko sa kanya nang makita siya sa loob ng kusina namin.Tumango siya. "Hintayin mo ako sa labas ng bahay. Ilalabas ko ang sasakyan."Tumango lang ako bago lumabas ng bahay. Nilabas ni Mang Jose ang kotse kaya sumakay ako kaagad sa likod. Nakarating kami ng mall. Pinauwi ko si Mang Jose at tatawagan ko na lang siya para magpapasundo na ako since bibili naman ako ng cellphone.Una akong pumunta sa clothes department. Bibili muna ako ng damit bago bumili ng cellphone. Busy ako sa mamimili ng damit. Kinuha ko ang kulay pink na under knee dress tsaka pumunta sa dressing room para magsukat."Ate, saan po ang dressing room?" tanong ko sa sales lady nang makalapit sa kanya."Ma'am, sa pinaka-dulo po." nakangiting sagot niya.Sinunod ko ang sinabi ng sales lady. Nakita ko ang limang dressing room sa dulo. Sa unahang dressing room sana ako papasok ng may humigit sa kamay ko papasok ng pangalawang dressing room."What the—" hindi ko natuloy ang sasabihin dahil sa malaking palad na lumapat sa labi ko."Shh! Huwag kang maingay, baka marinig tayo sa labas," bulong ng lalaki.Napataas ang kilay ko nang makita kung sino ang humila sa'kin dito. Great! What a lucky day, Lord!Marahas ko na tinanggal ang kamay niya sa bibig ko. "What are you doing here in girl's dressing room? Manyakis ka ba, Blake?" Inis na bulong ko sa kanya."Si Alison, nandito," mahinang sagot niya tsaka sumilip mula sa labas ng dressing room."Stalker ka rin pala ng ex mo?""You have a problem with that? at bakit mo nalaman na ex ko si Alison?""E'di, malamang sinabi sa'kin ng mga classmates ko!" sarkastiko na sagot ko. "pwede ba umalis ka riyan!? Bibili pa ako ng bagong cellphone!"Humarap siya sa'kin. "Oh, about that," wika niya. "bibigay ko ang cellphone mo sa Monday, basta meet me on the rooftop during break time."Nagtataka akong tumingin sa kanya. "And why would I do that?" I crossed my arms in front of him."Dahil nasa sa'kin ang cellphone mo, so if you want me to give it back to you, meet me in the rooftop on Monday."Mapanuri ko siyang tiningnan. Baka nagsisinungaling, eh. "Talaga?"Tumango siya. "Oo nga, kaya h'wag ka ng gumastos ng pera para bumili ng bago. Ibabalik ko naman sa'yo ang cellphone mo.""Okay."Palihim kami na lumabas ng dressing room dahil baka kung anong isipin ng mga tao pagnakita kami ng dalawa na magkasama sa loob.Nawala na rin sa Alison. Hindi ko alam saan nagpunta. Palabas na kaming dalawa ni Blake ng Mall nang maalala ko na hindi ko pa natatawagan si Mang Jose."B-Blake, pwede pahiram ng cellphone mo?" tanong ko nang nasa parking lot na kami."Bakit?""Hindi ko alam pauwi sa'min. Kailangan ko na tawagan si Mang Jose para sunduin ako." sagot ko."Hatid na lang kita sa bahay niyo.""Really? Ihahatid mo ako?""Yes! Sakay na."Huminto kami sa isang kotse. kulay red 2019 Hyundai Veloster N ang tatak ng kotse. Sumakay ako sa kotse niya."Saan ka ba nakatira?" tanong niya bago pinandar ang kotse."Sa may River's Daile Subdivision. Kahit sa labas mo na lang ako ng Subdivision ihatid. Lalakarin ko na lang." sagot ko.Hindi na siya nagsalita pa. Nakarating kami Subdivision namin. Huminto ang kotse sa tapat ng gate."Monday. Rooftop. Don't forget about that." paalala niya bago ako lumabas ng kotse niya."Oo na," sagot ko. "Salamat sa paghatid!""You're welcome," He said, smiling.Lumabas ako sa kotse niya at pumasok sa loob ng Subdivision.DareMonday came at umagang-umaga pinagtitinginan ako ng tao sa school. Nahiya tuloy ako habang papasok sa campus. Ang dami nila na nagbubulungan habang nakatingin sa'kin. Hindi ko na lang pinansin at dumiretso sa room dahil maaga pa para sa flag ceremony mamaya. "Savannah Leigh Aragon!" Wala pa ako sa room nang makita kong patakbong papalapit sa'kin ang dalawa kong kaibigan.Kumunot ang noo ko sa dalawang kaibigan. "Anong problema ninyong dalawa? Ang aga-aga." tanong ko nang huminto sila sa harapan ko. Hinihingal ang dalawa. Maya-maya ay ngumiti ang dalawa sa'kin. "Ikaw, ah!" hinampas ako ni April sa braso. "akala ko ba hate mo si Blake, pero bakit may pa-mall at pahatid siya sa'yo sa bahay niyo? Tell us everything, Savannah!" Kathlyn crossed her arms. "Yes! You need tell us everything why you and Blake go to mall together!" Napa-irap ako sa hangin. "At sino naman ang nagsabi niyan sa inyo?" "Someone saw you and Blake sa mall noong Saturda
Deal"Hoy! Saan mo ba ako dadalhin!?" sigaw ko kay Blake habang hila-hila ako."Sa rooftop," sagot niya.Umakyat kami sa rooftop ng lumang building katabi ng grade 10 building. Binuksan niya ang pintuan ng rooftop at bumungad sa akin ang tanawin ng buong St. Willford."Ang sabi ko hintayin mo ako rito," saad niya. "hindi ka dumating."Humarap ako sa kanya at sumimangot ang mukha. "Wala kang sinabi na sa lumang building magkita," tugon ko sa kanya. "where's my phone?" dugtong ko."One condition though, Ava." malamig na sambit niya."Ano na naman 'yan, Blake?" napakamot ako sa batok dahil sa inis.Sumilay ang ngiti sa mga labi niya. "You call me babe early," He said. "Why?""That was just a dare. Sa sobrang inis ko sa'yo dahil wala ka kanina sa rooftop at kanila Jyra at Alyssa kaya pinatulan ko." palinawag ko.Ngumisi siya. "Then, let's continue doing that."Kumunot ang noo ko dahil sa s
Friends"Boring!" sigaw ko sa loob ng kwarto ko. Humilata ako sa kama at tumingin sa kisame bago bumuntong hininga ako.Kanina pa ako pabalik-balik sa baba at sa kwarto ko. Ako lang mag-isa rito sa bahay kasama sila Mang Jose at ibang kasambahay.Wala si Ate Emerald dahil pumunta siya ng Manila para sa Hotels namin doon. Kasama niya sila Mommy at Daddy. Next month pa raw ang uwi nila.Si Lola naman nasa bayan dahil sa Hotel din namin. Siya lang ang pwedeng mag-asikaso dahil siya lang ang naiwan dito sa Isla. Kaya ito ako ngayon, walang nagawa sa buhay. Walang kaming pasok every Friday sa school. Tumayo ako sa kama para bumaba. Kakain na lang siguro ako. Pagbaba ko ay diretso ako sa ref para maghanap ng makakain. Kinuha ko ang Red Velvet cake na hindi pa nabubuksan. Naglagay ako sa plato ng Red Velvet cake at umakyat ulit sa kwarto ko.I opened my television to watch some movies when my phone started ringing. Habang kumakain ng cake a
Meeting his family"Mang Jose, tara na po?" tawag ko kay Mang Jose sa labas ng gate namin. Kausap niya si Aling Marga na kasambahay nila Lucas. Masaya siyang tumango bago sumakay ng kotse."Mang Jose, ano na po ba ang score mo kay Aling Marga?" pang-aasar ko sa kanya nang makasakay ako ng kotse.Nahihiya na ngumiti siya sa'kin mula sa view mirror ng kotse. "Magkaibigan kami, Ava." aniya"Sus! Huwag mo po akong pinagloloko, Mang Jose! Ang tagal mo sa aming nagtatrabaho kaya alam ko na may something sa inyo." patuloy ang pang-aasar ko.Wala pang asawa si Mang Jose dahil mas focused siyang alagaan ang Nanay niyang nasa probinsya. Forty years old na siya at mabait si Mang Jose.Sa 20 years niyang driver ng family namin ay kilala ko na siya. Hindi siya nakapag-asawa dahil siyam silang magkakapatid at siya lang may matinong trabaho kaya nawala na sa isip niya ang pag-aasawa."Mabait si Marga at ang kanyang anak," tugon niya. "naghihintay pa ako ng tamang tiyempo, Ava."Ngumiti ako sa kanya.
Herrera familyTulala ako buong klase. Hindi pa rin kasi ako makapaniwala na makikita ko ang pamilya ni Blake ngayong araw. Of course, I am nervous!Sinong hindi nenerbiyosin sa kalagayan ko. Hindi naman talaga totoong kami ni Blake. Anong mukha ang ihaharap ko sa parents niya?I took a deep sighed. Walang pumapasok sa utak ko na lesson at hindi pwede 'to! I tried to focus on my studies pero walang effect.Potek talaga!"Ava, okay ka lang ba?" napatingin ako kay Kath.Ngumuso ako sa kanya. "I'm not okay, Kath." malungkot na saad ko."Ano ka ba! Mabait ang Herrera's family, kaya huwag kang mag-alala." bulong niya dahil may klase ba kami."Paano mo nasabi?" "Teacher ang Mama ko sa University ng St. Willford at kaibigan niya si Mrs. Snow Herrera na Mama ni Blake." paliwanag niya bago ngumiti. "Mabait at sobrang gwapo ng anak nila na si Timothy. Jusko!"Sinamaan ko siya ng tingin. "Wala talagang palya sa'yo basta't gwapo eh, 'no?" I sarcastically said.Ngumisi lang siya sa'kin. "Ganiyan
GalitTwo weeks had passed. Friday ngayon at walang pasok. Bukas ang birthday ni David kaya ngayon ang alis namin. I already packed my things. Nag-aayos na lang ako ng sarili at hinihintay si Lucas na sunduin ako. Ang usapan magkikita kami sa bahay nila Kath dahil Van nila ang sasakyan namin.I looked myself in the mirror. I'm wearing a white printed crop top, a gingham wrap mini skirt, white chunky sneakers and a small red bag. Naka-braided half up ang ayos ng buhok ko.Napangiti ako nang makitang maayos na akong tingnan."Ava, nandiyan na si Lucas." pumasok si Yaya Berta sa kwarto ko."Pasabi po, pababa na," sagot ko.Kinuha ko ang mga gamit ko bago bumaba. Nakita ko si Lucas na masayang kausap si Lola. Close na close talaga sila ni Lola."Tara na?" tinapik ko sa balikat si Lucas.He looked at me with amusement on his eyes. Pansin ko na tulala siya kaya tinaas ko kamay ko at hinagayway 'yon sa harapan niya. "Earth to Lucas!" tawag ko.Ngumiti siya pagkuwan. "Ako na magdadala ng gamit
Ngiti"We have four rooms here. We can use that for us. Of course, magkahiwalay ang kwarto ng babae at ng lalaki." natawa si David sa huli niyang sinabi bago tumingin kay Blake.Nagkibit ng balikat si Blake bago ngumisi."The four of us, we'll be using one room." nakangiting sambit ni Kath sa amin.Napangiwi si Althea. "Kasya ba tayo ng apat sa isang kama?" tanong niya.Pilyang ngumiti si Kath. "Syempre, ihanda ko na 'to Althea. Duh! Pinaayos ko sa maids ang kwarto natin. May apat nang single bed doon!"Nakahinga ako ng mahuwag. Hindi kasi ako sanay na may katabi sa kama. Noong bata ako, lagi kong gustong tumabi kay Ate Emerald. Pero when I get older, I would rather be alone than be with anyone else in my room.Umakyat kami sa pangalawang palapag ng Villa at pumunta sa kwarto namin. May apat na single bed nga roon."Ako sa tapat ng veranda!" mabilis na sabi ni April bago tumakbo roon at nilagay ang mga gamit niya.Natawa kami. Mula sa veranda ay kita ang pool nila Kath, pero mas nakan
Confirm or ignoreBuong gabi ay hindi nawala sa isip ko ang nangyari kanina sa pool. I tried to sleep, pero hindi ko kaya. Every time I think about it, namumula lang ang pisngi ko. Hindi ko tuloy matingnan ng maayos si Blake kanina habang lahat kami ay nasa baba.Pagod ang lahat kaya eleven pa lang ay mga natulog na sila at heto ako. Alas does na ng umaga pero hindi ako makatulog! Umayos ako ng higa sa kama ko at nagkalukbong ng comforter. Madilim na ang pagilid dahil tulog na ang lahat.Umilaw ang cellphone ko kaya kinuha ko iyon sa tabi ng unan ko. Halos mapatayo ako nang makita ang pangalan ni Blake sa screen.He texted me!I bit my lower lip before I clicked his message.Blake:Tulog ka na?Iyon lang nakalagay na mensahe. Umayos ako ng upo bago nagtipa ng mensahe para sa kanya.Ako:Hindi pa. Why?Naka-indian sit ako sa kama habang nakabalot ng comforter ang buong katawan ko hanggang ulo. Nakatingin ako sa cellphone ko na nasa harapan ko. Hinihintay kung mag re-reply siya. Halos m
WakasI'm happy with life. I have a family who supported me through everything. My life was just simple before. To have a nice and meaningful teenage. To have a girlfriend who loves me because that's what we explored our teenage years. Kaya noong makilala ko si Alison, masaya ako.Minahal ko si Alison, alam 'yon ng lahat. Halos lahat kaya kong ibigay sa kanya mag-stay lang siya sa'kin. She's my first girlfriend, so my heart can't accept the truth when she cheated on me.My heart broke into pieces when she broke up with me. After two years, she just forget everything we've been through together. Hindi ko matanggap na may mahal na siyang iba. Halos mabaliw ako noong dahil doon.I keep telling to myself, that maybe this is my fault why she broke up with me. Maybe she find me boring. Dahil ang sabi sa'kin nila Mama at Papa, kung mahal ka ng tao, mag-i-stay siya sa tabi mo kahit anong mangyari.That's why I keep asking myself when I can found a woman who'll love me the way that I do. Kasi
EternallyI smiled widely as I hide my gift for him this New Year. Nilagay ko 'yon sa pinaka-ilalim sa loob ng maleta ko bago sinarado 'yon. Kinuha ko na ang damit na susuotin para mamaya. Lumabas ako nang kwarto namin at nakita siyang nagluluto ng hapunan namin. Lumingon diya sa kin bago ngumiti.He raised his thick eyebrows. "Today is New Year's Eve. Handa na ko sa regalo mo."Ngumiti lang ako. "Later, you're find out, blakey-baby," sambit ko. "bababa lang ako para sa reservation natin mamaya."Tumango lang siya at nagpatuloy sa ginagawa. I went outside our unit. Dumiretso ako sa sa staff ng hotel. "Is everything's okay for laters event?" tanong ko sa staff ng Hotel.She nodded her head. "Yes, Ms. Aragon. Everything is settled now. You can visit the place if you want to check."Ngumiti ako sa kanya. "Thank you!"Nagpa-reserve ako para sa labas kami ng Hotel magce-celebrate ng New Year. Sinamaan ako ng staff sa lugar para mamaya. Pumunta kami sa isang open place ng Hotel.Napaka-natu
Right timeKinabukasan, nagising akong masakit ang katawan. I groaned when I feel so sore right now. I can't even moved my legs because it hurts a lot.Napabangon ako sa kama. Blake was still sleeping peacefully. Nakatagilid siya sa pwesto ko. I bit my lower lips, when I try to stand up. Dahan-dahan ay inangat ko ang sarili. Luckyly, I was able to stand up and walk. Kaya kong maglakad, kaya lumakad ako nang dahan-dahan papunta sa banyo. Masakit nga lang pero kaya ko namang i-handle. After I pee, bumalik ako sa kama namin.Nakita kong kakagising lang ni Blake. When he noticed I can't walk properly, he eventually went towards me."Are you okay?" He asked. Worried was written on his face while his he put his hand on my waist and other hand on my shoulder."M-masakit ng kaunti, pero kanya ko naman," sagot ko nang nakangiwi.Mabilis niya akong binuhat sa mga bisig niya at dinala sa kama. He carefully put me on our bed. Para akong babasagin na bagay at ingat na ingat siya sa paglagay sa'ki
GiftFrom Galway, we went to Cork to celebrate Christmas there. Mag-stay kami sa The River Lee Hotel. Soothing understated décor adorns these spacious and luxuriously appointed air-conditioned rooms, which feature complimentary Wi-Fi, 55’’ HD LED Television, super-comfortable king-sized bed and Single bed dressed in crisp white linen and sumptuous duck down duvets, a spacious bathroom with a separate shower and bath. Our rooms also have their own seating area, tea and coffee making facilities, 24-hour room service and a comfortable workspace. "Ang daya naman!" reklamo ko habang tinapon ang baraha sa lapag.Ngumisi siya. "Anong madaya? Malas ka lang talaga, Pandak!" humalakhak siya pagkatapos kinuha ang lipstick ko. "come here."Sumimangot ako bago tinukod ang dalawang kamay at nilapit ang mukha sa kanya. Mariin kong napikit ang mata dahil sa lipstick na dumikit sa balat ko. He drew a large circle on my cheeks.Malakas ko siyang hinampas sa braso. "Ang daya mo talaga! Isang guhit lang,
TogetherWalang humpay kong hinampas siya sa dibdib. "I-I thought you're not coming!"He quickly grabbed my hand, pulled me closer to him and hugged me. "I'm sorry," malumanay na wika. "stop crying, please?"Humikbi-hikbi ako habang umiiyak sa dibdib niya, hindi alintala ang lamig na nararamdaman dahil nasa pinto pa kami nang apartment. He carefully caressed my hair. "I am so sorry, baby," He whispered.I continue sobbing. Para na akong nabaliw sa isip na hindi siya makakapunta tapos kanina pa pala siya nandito. Dahan-dahan niya akong inalalayan sa loob ng apartment.Diretso kami sa kusina at nilapag niya ang cake kasama ang bouquet of tulips. Suminghut-singhot pa ako habang kinukusot ang mga mata na nakatingin sa kanya. He opened the box of cake and put it in front of me. Sinindihan niya rin ang kandila bago umupo sa tabi ko."I-I you're really not coming..." umiiyak pa rin ako na parang bata sa harapan niya. "sobra akong excited na magkita tayo ulit. I tried to understand you when y
DisappointedKumain ako ng breakfast at nang sumapit ang ala-una ng hapon ay magpalit ako ng damit para mag-shopping. Since we're going to celebrate Christmas and New Year here, I'll just buy a gift for him.Malamig sa labas dahil sa snow kaya nagsuot ako ng makapal na damit. I grabbed a taxi to go to the mall. Nang makarating sa Mall mabilis akong nagikot-ikot. I also buy clothes and gift souvenirs to my family and Blake's family. Syempre, nabili rin ako ng mga regalo ko para sa mga kaibigan at ina-anak ko sa kanila.Malawak ang ngiti sa labi ko habang dala-dala ang mga pinamili ko nang tumunog ang cellphone ko. Mula sa bulsa ay sinagot ko ang tawag ni Blake."Hey," masiglang sambit ko. "just call me when you're already here.""Pandak, 'yon ang dahilan kaya ako tumawag," Mahinang wika niya.Kumunot ang noo ko habang naglalakad sa mall. "Bakit?"Natigilan siya sandali sa kabilang linya. Tila ba may gustong sabihin sa'kin. "Eh, kasi...""Kasi?"He sighed. "I can't go there today."Ako
IrelandHuminga ako nang malalim bago sumandal sa swivel chair ko sa office. Nihilot ko ang sintido bago ko narinig na may pumasok sa loob ng office ko. Then, I saw my secretary, Mich, walking inside my office with a glass of pineapple juice on her hand."Here's your juice, Ma'am Ava," She said, smiling.She put down my juice on my table and leave my office immediately. Uminom ko ang pineapple juice bago pinagpatuloy ang ginagawa. Nang matapos ako sa lahat ginawa ay ngayon ko lang naramdaman ang pagod. It's already dark outside but I can still see how beautiful the one of the most beautiful cities in Ireland, Dublin.Mula sa kinauupuan ko, kitang-kita ko kung gaano maganda ang Samuel Beckett Bridge. I can see how the lights of this city looks more beautiful tuwing sasapit ang gabi. Cobblestone streets abound, adding to the city's charm, it made me calm.Tamang-tama na lang na dito natayo ang Hotel namin. It's one of best spots here in Ireland. Where you
Nagising ako kinabukasan dahil sa sikat ng araw na tumama sa mukha ko. Bumangon ako para hanapin si Blake at nakita ko siya na papasok nang kwarto namin. He's wearing a maong pants and blue polo shirt. Kitang-kita ko tuloy ang muscles niya na naiipit dahil sa polo na suot.Magulo pa ang buhok niya at may hawak siyang tray na may laman na gatas at toasted bread. I also noticed that I'm now wearing my black lace panty and his long sleeve that he wore last night. Wala akong bra kaya alam kong kita ang dibdib ko dahil sa manipis niyang long sleeve."Good morning," He said as he sat down beside me. "kain ka muna nito tapos baba na tayo sa buffet dahil nandoon sila Papa."Inom ko ang gatas. "Okay," sagot ko bago kinagatan ang toasted bread. Napangiwi ako dahil kulang sa'kin 'to. Humalakhak siya nang mapansin ako. "Kulang?" He asked, laughing."Wala na bang mas masarap pa dito?" sumimangot ako. "hindi naman nakakabusog 'to, Blake!"Tumaas ang gilid ng labi niya. Tila ba may iniisip na kakaib
ContentedAs soon as we entered our room, his lips crashed into mine. My body was pressing against the door as his kissed became aggressive. Naging malikot ang mga kamay niya at agad na sumapo 'yon sa dibdib ko.Kahit na nakasuot pa ako ng dress ay ramdam na ramdam ko ang init ng palad niyang marahan na humahaplos sa dalawang dibdib ko. I felt his tongue started penetrating my mouth, so I opened it widely for him.A moan escaped from my mouth when I felt his tongue sucking and biting my lips. Para siyang nangigigil sa bawat halik at haplos niya. He lips went down to my neck. Impit akong napahiyaw ng maramdaman na marahan niyang kinagat-kagat ang balay ko doon."F*ck this dress!" He cursed when he couldn't touch me there.Marahan ko siyang tinulak nang mapansin ko na parang gusto niyang punitin ang dress ko. "Don't rip it!""Ayaw natanggap, eh!"Napa-irap na lang ako dahil sa pagmamadali Niya. "E 'di, tanggalin mo nang maayos. Hindi 'yong sisirain mo!