Home / YA/TEEN / Fade: In his Memories (Tagalog) / Chapter 1: Bitterness Overload and LCH Guy

Share

Chapter 1: Bitterness Overload and LCH Guy

Author: SleepyGrey
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

"HOY BABAE! Ano na namang ka-bitteran ang pino-post mo diyan sa blog mo? Hoy! Anika, tigil-tigilan mo nga ‘yan kadramahan mo sa buhay mo! Kung dahil yan sa--

Hindi ko na hinayaan na matapos ni Felicity ang kanyang sasabihin at mabilis na kong pinutol iyon.

"Shut up! Ipinaglalaban ko lang ang mga babae hindi dahil sa kung ano pa man, totoong manloloko ang mga lalaki! Una, they will treat you nice kapag nakuha na nila ang loob mo, they will made you fall for them and lastly and worst, when they get—”

Ngunit gaya ng ginawa ko sa kanya ay pinutol niya rin ang aking pagsasalita at siya na rin ang nagpatuloy.

"—what they want they will left you into pieces. Yeah, yeah I know it already, Anika. Ilang beses mo na ‘yang ipinaglalaban pero kung ako sa ‘yo hindi mo naman kailangan ipaglaban ang mga babae it’s their own free will if magpapaloko sila o hindi. We have our own instincts, kaya kung ako sa ‘yo tigilan mo na ‘yan at mas pinapakita mo lang na bitter ka at manhater ka. Sige iwan na kita at may date pa kami ni Staze. Bye,” paalam niya sa akin.

"Mag-be-break din kayo tandaan mo ‘yan!" mariing sigaw ko sa kanya.

Lumingon pabalik sa akin si Felicity at muli na naman akong pinangaralan. "Tigilan mo na ‘yan Anika! Hindi ‘yan maganda sa health ‘yang sobrang ka-bitter-an mo! Sayonara!" paalam niyang muli.

Napapalatak ako sa sobrang inis. Kahit anong gawin mo mag-be-break din kayo ng Staze na ‘yan! Pare-pareho lang sila mga manloloko at paasa, mga walang pakiramdam at hindi marunong magpahalaga! How could they joke and make fun of their friends while mistreating women? Gano’n na lang ba kababa ang tingin nila sa atin at ginaganto lang nila tayo? Hindi ba nila alam na nasasaktan din tayo? Bakit ano bang tingin nila sa atin laruan? Nakakaasar, nakakainis pero hindi ako susuko ipaglalaban ko ang mga babae.

"Anika! And’yan na naman ‘yang bitter aura mo tigilan mo na ‘yan ampanget tignan," awat sa akin ni Mama na nakatayo sa gilid ng pinto ng aking k'warto na patuloy ang pagmamasid sa akin. “Tignan mo nagkalat dito sa loob ng k'warto mo!”

"Mama naman! Bakit hindi ka man lang po kumatok bago ka po pumasok nakakabigla ka po bibigyan niyo naman po ako niyan atake sa puso, ‘e,” pagrereklamo kong sabi sa kanya.

"Maam, kanina pa ako kumakatok hindi ka sumasagot kaya pumasok na ako. Tigil-tigilan mo na nga ‘yang pagiging bitter mo, bakit hindi mo na lang gayahin si Felicity na makikipag-date sa boyfriend niya ngayon?” tanong ni Mama sa akin.

Napapalatak ako sabay ikot ng aking mga mata. “Mama, maghihiwalay rin ang dalawang ‘yon makikita niyo at pupuntang umiiyak ‘yang si Felicity sa akin pagnagkataon,” buong kumpyansa kong sabi kay Mama.

“Naku, anak, ‘wag ka naman gan'yan sa kaibigan mo. Huwag mong idamay sa ka-ampalayahan mo ang ibang tao,” awat sa akin ni Mama. Naglakad si Mama papalapit sa aking kama at naupo sa tabi ko.

"Alam mo, anak, hindi ko alam kung saan at ano ‘yang pinanghuhugutan mo pero alam mo hindi mo naman makukuha ang maging masaya kung wala kang partner sa buhay mo o kaya ang nag-iisa ka. Ika nga, ‘di ba na ‘No man is an island'? Ang akin lang anak hindi ko man alam ang lahat na nangyayari sa ‘yo pero ang akin lang, oo nasasaktan tayo hindi dahil sa nagmahal, nagtiwala o niloko tayo ng taong mahal natin. Nasaktan tayo kasi minahal natin sila. Nagtiwala tayo hindi dahil sa mabait o pa-fall sila kung hindi dahil naramdaman natin na kahit minsan naramdaman natin ang maging komportable at masaya tayo sa piling ng taong minahal natin. At huli hindi tayo niloko sadyang may mga bagay lang na hindi nag-wo-work out in place kaya natatapos agad. Pero ito sana ang pakakatandaan mo hindi dahil sa nagmahal ka ay dapat masaya lang kailangan mo rin minsan maramdaman ang masakit na bagay para lalo pa kayong tumibay," paliwanag ni Mama sa akin at binigyan ako ng ngiti.

"Paano mo po ‘yan nasasabi, Mama, kung kayo nga iniwan ng taong pinakakahalagahan at pinakamamahal niyo? Hindi ka po ba nasasaktan dahil sa iniwan at pinagpalit ka niya sa iba?" tanong ko kay Mama.

Nagulat ako nang bigla akong yakapin ni Mama. Alam kong napasobra ang sinabi ko pero paano nagagawang ngumiti ni Mama at makapagsalita ng gano’n na sinaktan at iniwan lang siya ng lalaking ‘yon. Narinig ko ang malalim na pagbuntong-hininga ni Mama.

"Anak, oo iniwan at nasaktan ako ng Papa mo pero hindi no’n mababago na kahit isang saglit sa buhay niya na minahal niya ako at kayo ni Stacy ang naging bunga nito. Hindi mo ko maiintindihan anak hanggat hindi mo sinusubukang buksan ang puso mo sa taong handang pumasok sa buhay mo. May darating at mang-iiwan pero hindi lahat doon nagtatapos,” malumanay na paliwanag ni Mama.

Matapos nang mga salitang iyon naramdaman ko ang mainit na likidong tumulo sa aking damit. Umiiyak na naman si Mama. Ang sakit na makita siyang umiiyak at nasasaktan pero wala man lang akong magawa para hindi na siya masaktan. Ilang minuto ang lumipas at pinakawalan na ako ni Mama sa pagkakayakap.

"Oh, siya sige, anak, lalabas muna ako para makapag-isip-isip ka. Sana naman may magbago sa pananaw mo hindi masama anak ang mag-explore. Explore and enjoy. Huwag mong sayangin ang buhay mo, lumabas ka at magpakasaya hindi ‘yong buong araw ay nasa harap ka lang ng computer para sa mga bitter blogs mo. Find new love and romance. Sige ka baka tumanda ka niyang dalaga sayang ng ganda ko anak hindi mo man lang maipapamana sa mga magiging apo ko,” pagbibirong sabi ni Mama na may kasamang mahinang pagtawa.

"Mama!" sabi ko kasabay ng pagbato ko ng unan kay Mama pero naisara niya agad ang pinto kaya hindi siya natamaan.

"Kaasar ka, Mama! Alam mo po ‘yon?" sigaw ko kay Mama kahit na nakaalis na siya.

Muling bumukas ang pinto at dumungaw si Mama na may nakakalokong ngiti.

"Pag-isipan mo, anak. Gusto ko rin magka-apo," nang-aasar na pahabol ni Mama.

"Mama!" naiinis kong hiyaw kay Mama.

Kaasar si Mama, bakit niya ba kasi kailangan pa sabihin ang ganoon sa akin? Nakakaasar! Ano ba namang buhay ‘to? Bakit ganito ang mga taong mahal ko mga abnormal at positive sa mga pag-ibig?

Napahiga tuloy ako sa kama at napatingin sa ceiling. Ang gusto ko lang naman ay ‘wag masaktan ang mga babae masama ba ‘yon? Bakit hindi nila makita ang nakikita ko? Bakit parang ang hirap sa kanilang intindihin na mali ang ginagawa ng lalaki sa babae? Hindi ba dapat ang babae ay nirerespeto at minamahal? Hindi ba nila makita ang gusto kong mangyari?

"Naman! Bakit hindi nila makita?" napalamukos ako ng mukha sa sobrang inis at pagkasiphayo.

Napabuntong-hininga ako nang malalim at napatingin sa labas ng aking bintana. Sa tingin ko kailangan kong lumabas ngayon at masyadong mabigat ang hangin ngayon dito gusto ko ng mahihingahan ngayon. Napagpasyahan ko na umalis muna ng bahay at naglakad-lakad. Sa labis na mapang-asar ang pagkakataon, lahat na lang ng madaanan ko mga lalaking niloloko ang mga babae mga may pa-sweet-sweet pang nalalaman! Napaliyad ang aking mga mata sa sobrang inis. Parang sa hindi ko alam na iiwan din nila ang babae pag-nagsawa na sila. That is, and always will be, the nature of man.

Nanumbalik ako sa aking huwisyo nang bigla ako bumangga sa isang matigas na bagay.

"Aray! Ano ba 'to, pader?" reklamo kong sabi.

Napahimas ako sa noo ko, ang sakit. Sa sobrang pre-occupied ng utak ko hindi ko na napapansin ang mga nasa paligid ko. Napatingin ako sa kung anong nabangga ko, to check kung saan ako bumangga at nang makita ko isang LCH (short for Low class hypocrite) pala ang nakabangga sa akin. Aray sobrang sakit talaga habang hinihimas ko ang masakit kong noo.

"Are you alright, mi'lady?" tanong ng LCH sa akin.

Ngunit biglang nanlaki ang aking mga mata at nag-init ang aking ulo sa aking narinig. Ano raw? Mi'lady? Mi'lady ng mukha mo! Hindi lang pala ito LCH may SoA syndrome pa! (Short term for "Sack of Air") Ang mga lalaki talaga hindi lang manloloko ang yayabang pa! Nakakapang-init lalo ng ulo! Nakakaasar!

"Mi'lady, are you all right? Is there anything hurting?"

Hahawakan niya sana ako pero agad kong tinabig ang kanyang kamay na papalapit sa aking braso.

"Huwag na huwag mo akong matawag-tawag na Mi'lady dahil hindi mo ako pagmamay-ari. Kunwari pa kasing concern sa mga babae tapos lolokohin, sasaktan at iiwan niyo lang! Mga manloloko! Mga LCH talaga kayo dapat sainyo maglaho!" sigaw ko sa kanyang pagmumukha.

"Wait, Mi'lady what are you talking about?" naguguluhang tanong sa akin ng LCH.

Hahawakan niya na naman sana ako pero lumayo ako kaagad.

"Don't you dare lay a finger on me! And stop calling us girls, Mi'lady, since we're not your women to flirt, to crushed or to played with! Pare-pareho talaga kayong mga lalaki mga mapagkunwari. Kunwari pa kayong mabait pero pare-parehas lang kayo manloloko! Mga LCH!" singhal ko sa kanya.

Matapos ko siyang bungangaan umalis na ako agad dahil sa masyadong nakakuha ng atensyon ang pagbubunganga ko sa kanya dahilan para pagtinginan na kami ng mga tao. Nakakahiya. Lumampas na naman ako hindi ko na naman napigilan sarili ko, nakakahiya talaga. Pero teka, bakit ako mahihiya kulang pa nga 'yon sa lahat ng mga ginagawa nila sa mga babae. Kulang pa. Kung ang iba naloloko nila pwes, ibahin nila ako hindi ako magpapaloko sa kanila. Hindi na.

Related chapters

  • Fade: In his Memories (Tagalog)   Chapter 2: Flashbacks

    NAKAKAINIS talaga kahit kailan ang mga lalaki! Napakasinungaling na nga, manloloko at mahangin pa! Kailan ba darating na titino ang mga lalaki? Sabagay, ano pa nga ba ang aasahan mo sa mga lalaki, kung noong una ngang panahon nakakapagloko at nakakagawa ng mararahas ang mga lalaki paano pa kaya ngayon? Ano ba na lang ang dapat gawin ng babae? Hindi naman sila sinasaktan, minamahal at inaalagaan pa nga sila pero ano pa nga ba ang dahilan nila para saktan nila ang mga babae? Nakakaasar talaga ang mga lalaki! Mga abnormal na sadista!Sa sobra kong inis pumunta na lang ako sa lugar kung saan madalas ako pumunta kapag may mga masasamang aura ang pumapalibot sa akin. Kumbaga tambayan ko lang at relaxing place ko kapag ganito ako.Ininat ko ang aking mga braso kasabay noon ay ang pahabang buga ang aking ginawa. “Ang sarap talaga rito, hanggang ngayon hindi pa rin nagbabago,” saad ko habang pinagmamasdan ang buong paligid.Marami na ngang nagbago sa akin per

  • Fade: In his Memories (Tagalog)   Chapter 3: Re-encounter

    NATAUHAN ako nang magsalita siyang muli at dahil do’n sa 'di ko inaasahan bigla na lang kumilos ang kamay ko at sinampal siya. Halatang nagulat siya sa biglaang pagsampal ko sa kanya kaya agad akong tumayo at tumakbo papalayo. Ayoko nang makita siya. Ayoko nang malaman kung ano ang nangyari sa kanya o kahit na ano pa man na may kaugnayan tungkol sa kanya. Bakit? Bakit pa siya nagpakita sa akin? Bakit? Muli, bumuhos na naman ang luha sa aking mga mata. Pilit kong pinipigilan na 'wag ito kumawala sa aking mga mata ngunit ayaw nito magpaawat at pilit na kumakawala sa aking mga mata.Ambilis ng mangyari ang lahat sa aming dalawa hindi ko aakalain na hahantong kami sa ganito. Hindi kapani-paniwala. Ang sarap, ang saya na naramdaman at pinadama namin sa isa’t isa nang mga panahong iyo ay para na lamang isang panaginip. Isang ilusyon na nagawa akong linlangin ng mga panahong 'yon, parang ayaw ko ng gumising pero ika nga ang lahat ay may wakas, at ang pagmamahalan naming

  • Fade: In his Memories (Tagalog)   Prologue

    Aasa ka? Masasaktan ka? Iiyak ka? Bakit? Kasalanan mo nagpakatanga ka, nagpaloko ka at nagpa-fall ka! Tapos sasabihin mo masakit? Bakit kailangan mangyari yan sayo? Kasalanan mo kasi nag-assume ka alam mo naman sila, pa-fall naniwala ka naman. Dinaan ka lang sa pa-sweet sweet talk naniwala ka naman na sweet siya at mabait. Wake up girl! Hindi ka naman siguro bulag para hindi mo makita na ang mga lalaki nabuhay sa mundo para lang manakit at pagtawanan ang mga babaeng madaling mauto tulad mo. Iyan kasi ang problema sa ating mga babae madaling maniwala at magtiwala kaya ayan naloloko at nasasaktan tayo. Men are born to play and harm us, and we are born to be broken and wounded. Pero, no this must be stop! Hindi porket babae weak na agad we need to learn how to fight and protect ourselves against such low-class hypocrites. Dapat galangin nila ang nararamdaman natin at ang pagkatao natin hindi porket matapos nila makuha ang lahat sayo at pagsawaan iiwan na lang ikaw ng basta. No! I will

Latest chapter

  • Fade: In his Memories (Tagalog)   Chapter 1: Bitterness Overload and LCH Guy

    "HOY BABAE! Ano na namang ka-bitteran ang pino-post mo diyan sa blog mo? Hoy! Anika, tigil-tigilan mo nga ‘yan kadramahan mo sa buhay mo! Kung dahil yan sa--Hindi ko na hinayaan na matapos ni Felicity ang kanyang sasabihin at mabilis na kong pinutol iyon."Shut up! Ipinaglalaban ko lang ang mga babae hindi dahil sa kung ano pa man, totoong manloloko ang mga lalaki! Una, they will treat you nice kapag nakuha na nila ang loob mo, they will made you fall for them and lastly and worst, when they get—”Ngunit gaya ng ginawa ko sa kanya ay pinutol niya rin ang aking pagsasalita at siya na rin ang nagpatuloy."—what they want they will left you into pieces. Yeah, yeah I know it already, Anika. Ilang beses mo na ‘yang ipinaglalaban pero kung ako sa ‘yo hindi mo naman kailangan ipaglaban ang mga babae it’s their own free will if magpapaloko sila o hindi. We have our own instincts, kaya kung ako sa ‘yo tigilan mo na

  • Fade: In his Memories (Tagalog)   Prologue

    Aasa ka? Masasaktan ka? Iiyak ka? Bakit? Kasalanan mo nagpakatanga ka, nagpaloko ka at nagpa-fall ka! Tapos sasabihin mo masakit? Bakit kailangan mangyari yan sayo? Kasalanan mo kasi nag-assume ka alam mo naman sila, pa-fall naniwala ka naman. Dinaan ka lang sa pa-sweet sweet talk naniwala ka naman na sweet siya at mabait. Wake up girl! Hindi ka naman siguro bulag para hindi mo makita na ang mga lalaki nabuhay sa mundo para lang manakit at pagtawanan ang mga babaeng madaling mauto tulad mo. Iyan kasi ang problema sa ating mga babae madaling maniwala at magtiwala kaya ayan naloloko at nasasaktan tayo. Men are born to play and harm us, and we are born to be broken and wounded. Pero, no this must be stop! Hindi porket babae weak na agad we need to learn how to fight and protect ourselves against such low-class hypocrites. Dapat galangin nila ang nararamdaman natin at ang pagkatao natin hindi porket matapos nila makuha ang lahat sayo at pagsawaan iiwan na lang ikaw ng basta. No! I will

DMCA.com Protection Status