Maaga kaming umalis ng mansyon ni Rio dahil maaga din naman kaming nagising. Wala na sila Mommy at Daddy dahil nauna na silang umalis. Hindi na rin kami dito mag aalmusal at sa mansyon nalang daw niya, pumayag naman ako dahil ayokong maabala pa si Manang na mukhang kagigising lang din.
"I'll visit again here, Manang."
"Oh sige, mag ingat kayo sa daan, ha?"
Tumango ako at sumakay na sa kotse ko, dala ni Rio ang kanya at dala ko naman ang akin kaya hindi na ako sumabay sakanya. Nauna akong umalis at nakabuntot naman siya sa likod ko.
Nang makarating kami sa mansyon niya ay parang takot na takot ang mga kasambahay kay Rio dahil hindi sila makatingin ng diretso sakanya, hindi gaya noon na nakangiti pa sila kung bumati. Lahat sila ay nakayuko habang papasok kami, si Julius lang ata ang nakangiting tinapik sa balikat si Rio at tinignan ako.
"Hello, madame. Goodmorning," utas niya.
"Mm, morning."
Ngu
Naramdaman ko ang bigat ng ulo ko ng magising ako. Ang init ng pakiramdam ko, tsaka sinisipon din ako. Pagdating kase namin kanina ni Kira ay naligo ako at natulog. Tinignan ko ang orasan sa bedside table ko. 5:00 na pala, medyo madilim na sa labas. Mukhang magkakasakit pa ata ako. Bonak ka kase, Lawliet! Ikaw nagpumilit na sumulong sa ulan, ayan tuloy. Tumayo ako kahit feel ko matutumba ako dahil sa hilo. Dala ang kumot na binalot ko sa katawan ko ay lumabas ako ng kwarto, magtatanong ako kung meron ba silang stock ng gamot, kailangan kong uminom. Hindi pwedeng lagnatin ako ng matagal, may pasok na sa lunes. Nanginginig na humakbang ako pababa ng hagdan. Ang lamig... Mabilis lang talaga ako lagnatin, ewan ko ba kung bakit. "Hey," sulpot ni Julius sa gilid ko. Nakasuot siya ng formal suit at mukhang may pu
"Okay lang ba 'tong suot ko?" Sinuri ako ni Kira mula ulo hanggang paa. Hindi pa nakuntento at inikutan pa ako. "Hmm... Pwede na, pero mas maganda siguro kung may blazer siya," komento niya. Kanina pa ako nagsusukat ng mga damit na pwede kong suotin bukas. Since wala dito si Ruru at wala akong mapagtanungan ng opinyon about sa suot ko, pinatawag ko nalang si Kira. Mukha namang may taste siya sa mga damit e. Sinunod ko ang sinabi niya, kumuha ako ng dark blue blazer at pinatong sa suot kong white c top blouse na medyo fitted sa'kin. Nakasuot lang din ako ng black highwaisted bf jeans. Bagay daw 'to sa suot ko sabi ni Kira. Pinagsuot din niya ako ng two inches nude pointed heels na sakto lang para makapaglakad ako ng maayos. "Perfect!" puri niya ng matapos ako. Natawa naman ako sa reaction niya, may palakpak pa kasing kasama. Pinasalamatan ko siya sa tulong niya at pumasok na sa walk-in closet ko at hi
"You ready?"Napairap nalang ako sa ilang beses na pagtatanong ni Rio.Hindi ko siya sinagot. I've been avoiding him since that night. Ngayon ay sabay kaming papasok ng opisina, nakabihis na 'ko lahat lahat siya ay hindi pa.Kaya naman sobrang inis ko sakanya ngayong araw na 'to dahil napaka kupad. Ayaw pa ngang pumasok dahil mukha raw akong wala sa mood kaya mag stay nalang muna kami sa mansyon. Hindi ko alam na napaka concerned naman ng boss ko sa'kin, oh please the sarcasm!I heard him sighed and open the door of his car. Pumasok ako at hindi pa rin siya kinikibo.Lalo pa't nalaman ko na nasa kompanya niya din 'yung Loviere na 'yon! Syempre dahil curious ako, hindi ko na naiwasang magtanong tanong kay Julius.Ang sabi niya, ex fiancee daw 'yon ni Rio. Hindi natuloy ang kasal kase sa trahedyang nangyare sa pamilyang Folkvangr. Instead of staying beside Rio, she broke up with him. What a bitch... Nasa kom
Agad akong naalimpungatan nang narinig ko ang pagbukas ng pinto ng kwarto ko. Napatingin ako sa orasan sa gilid ng kama ko, it's 9:06 PM. Nakatulugan ko na ang paghihintay kay Rio kanina dahil ang tagal niyang umuwi.Nakita ko siyang pumasok at pasuray suray na naglakad papunta sa kama ko."Rio, kararating mo lang?"Napalingon agad siya sa'kin. Tinanggal muna niya ang coat niya bago ako sinagot."Y-Yeah, sorry to make you wait."Napabuntong hininga ako nang marinig ang lasing na boses niya. Tumayo ako at pinuntahan siya."Let me," utas ko at ako na mismo ang nagtanggal ng necktie niya.Lasing siya... So, uminom silang dalawa ng ex-fiancee niya? Akala ko ba usap lang?Seryoso niya akong tinignan habang tinatanggal ang kanyang necktie. Nang matapos ay sinimulan ko na ding tanggalin ang butones ng polo niya, amoy alak siya."You're so beautiful, wife."Hinaw
"You have a conference meeting at 2:30, two investors will meet you at Hanna's Cafe at exactly 4:00 PM for the discussion of your upcoming project and lastly, my parents just scheduled a dinner for us tonight at 7:00," basa ko sa panghapon niyang schedule.Katatapos lang ng mga appointments niya ngayong umaga at habang nagla-lunch kami ay pinapaalala ko na sakanya ang mga naka set para mamaya.I didn't know that my parents scheduled a dinner tho, maybe they missed me. It's been weeks since I didn't see them, they're too busy with the company and so do I with my job. Sa tawag nalang kami halos nag-uusap."Okay, I'll take you to the conference meeting but after that, go home. Get yourself ready for the dinner, I'm gonna meet the investors alone, I can handle it."Tumango nalang ako sa sinabi niya at nagpatuloy sa pagkain.Naging maganda naman ang resulta ng pag-amin namin sa isa't isa, we've decided to be in a relationship tho
"Mom, I don't need a party. A simple dinner with you and some relatives will do!"Nandito ako ngayon sa kwarto ko at kausap si Mommy. Sa isang buwan kasing pagpaplano niya sa magiging ganap sa 20th birthday ko, hanggang ngayon ay pinipilit ko pa rin siyang wag na ituloy. Napaka gastos lang no'n, tsaka hindi talaga ako sanay sa mga parties. Although medyo nasasanay naman na ako makihalubilo sa mga empleyado ni Rio sa company, hindi pa rin talaga ako totally sanay na madaming tao.Narinig ko ang pagbuntong hininga niya."Honey, it's your 20th birthday. Napag-usapan na natin 'to, right? Even your husband agreed, pinayagan na kita sa hiling mo nung graduation mo. This time, I want a birthday party for you."Napahilamos nalang ako ng mukha."B-But, Mom. Hindi ba't busy din kayo sa company? Hassle lang ang ganyan," utas ko."We can han
Halos magda-dalawang oras na akong naghihintay dito sa living room, natapos na lamang sila Manang Loli na kumain, wala pa ring Rio na dumating. Nakailang tawag na rin ako. Halong pag-aalala at inis ang nararamdaman ko ngayon sakanya, kanina pa ako pinipilit nila Julius na kumain na at baka raw magutuman ako sa kakahintay pero umayaw ako. Wala silang magawa nang sabihin kong mauna na silang matulog. It's already quater to 9:00 at hindi ko na alintana ang gutom.Napabuntong hininga ako. Nasaan ka na ba, Rio?Tumayo ako mula sa kinauupuan ko at napagpasyahang ligpitin na ang mga natirang pagkain para sa amin ni Rio. Pagod na ako sa halos ilang oras na pag-upo, pagod na rin akong maghintay. Aakyat na ako para matulog, wala na akong ganang kumain, gusto ko nalang magmukmok sa kwarto ko. Nasayang lahat ng effort namin ngayon dahil sa hindi niya pagdating.Kasalukuyan kong nililigpit ang mga nasa lamesa nang makarinig ako ng ugong ng sasakyan sa labas
Nagising ako sa init na tumatama sa aking balat, napamulat ako at agad na nasilaw sa sinag ng araw na nagmumula sa aking bintana.What time is it? Bakit ganito nalang kasakit sa balat ang tama ng araw? Tanghali na ba? Naguguluhan kong ani sa utak ko.Agad akong napabangon sa kinahihigaan ko nang maalala ang mga nangyare kagabi. Julius injected me something that makes me sleep and Rio... My husband...Dali dali akong tumayo at bumalikwas ng bangon bago tumakbo palabas ng aking kwarto.I need to know if they are already here and I want to make sure that Rio is safe...Tumakbo ako pababa ng hagdan at nakita si Kira kasama ang isa pang kasambahay na may mga dalang pagkain.Kira looked at me. "Gising ka na pala, your breakfast is re–""Where's my husband, Kira? Nakauwi na ba sila? Is he okay? Tell me, nasaan na
Nagising ako sa mga halik na dumadapo sa buong mukha ko. Nagmulat ako ng mata at natagpuan si Rio na pinapaulanan ako ng halik habang nakapatong sa akin ang kaniyang matipunong katawan. Napa-angil ako nang halikan niya ako sa labi at kinagat-kagat ang ibabang labi ko. "Rio, I'm still sleepy," asik ko sakanya at pumikit. "Then sleep, wife. Hindi naman kita pinipigilan–" "But you're kissing me, dumbass. Syempre magigising talaga ako," sinamaan ko siya ng tingin. He chuckled, "Ang ganda mo kahit nakasimangot," puri niya sa akin na ikinapula ng aking mga pisngi. "Oh, stop it, Rio. You're making me blush early in the morning." Tinakpan ko ang mukha ko ng dalawang kamay dahil wagas siya kung makatitig. Tumawa lang ulit siya at tinanggal ang kamay ko sa mukha. Ang tawa niya ay naging banayad hanggang sa seryoso na siyang nakatingin sa akin ngayon. I can see lust and hunger on his eyes. Bumaba ang tingin niya sa nakaawang kong labi. He didn't gave me a chance to talk and just claime
"Do we have the deal or not?" Kanina pa ako nangangating bunutin ang baril ko sa tagiliran at iputok ito sa ulo ng kaharap ko. I've been so patient ever since we got here. Kahit pa ramdam kong kumukulo na ang dugo ko sa loob. But I can't ruin my plan, I need to know if we have the deal first before I kill him. Nakapwesto na rin ang iba kong tauhan at hinihintay nalang ang signal ko bago sila gumalaw. "Of course, Folkvangr. Walang makakatanggi sa offer mo, nagtataka lang ako kung bakit mukhang nagbago ata ang pananaw mo sa amin?" Nakangiti pa ito at tila tuwang tuwa sa presensya ko sa harap niya. I smirked, "Because is business is business. I don't take it too personal, we both want the same, and that is power and money. Now that I'm giving it to you, we can be partners too," I lied just to get his trust. Kapag pumirma siya sa kontrata, mamatay man siya ay magiging valid pa rin iyon at matutupad ang deal namin, I already have my lawyer and my associates to do the work for me. Makuk
Life for me was so messed up. Sometimes, the thought of killing myself was crossing my mind. I've been miserable for these past few years. I have everything I want now, except for one. It took me long to kill those bastards because I changed my plan. They're wicked, they're good at hiding too. And I can't risk targeting them now without a concrete plan, may humaharang sa mga plano ko noon pa at alam kong bigatin din ang pumo-protekta sakanila. So instead of rushing myself to kill them, I made them chill for 4 fucking years. So if I ever attack them anytime now, they will not have the chance to escape. I'm preparing for my element of surprise. Now I'm leading two organizations, and opportunities are knocking on my door. Pero kahit anong pagbabago ang nangyayari sa akin ngayon, there's still one thing that I've been longing for, I cannot erase her on my mind and I don't have the plan to. Sa malayo ko lang siya tinatanaw. She's living in Paris, and I'm happy to see her with a smile
RIO YVL'S POV Lagapak ng sampal ni Loviere ang naging sagot niya sa ginawa ko matapos niyang makita ang umiiyak na imahe ni Lawliet na mabilis na umalis nang makita ang ginagawa namin. "What the hell, Yvl! Are you crazy?" I know how mad she is right now because she called me using my second name. Tumalikod lang ako sakanya at nagsalin ng alak sa baso ko na nakapatong sa office table ko. Kanina pa ako umiinom dito bago ko naisip na gawin ang eksenang ito. "Answer me! Damn it! Your wife saw us, Yvl! Wala ka bang gagawin?" She's shouting at me now. Inisang lagok ko muna ang alak sa baso ko at tumingin sa glass wall ng opisina ko. I saw her... I saw my wife running, she's talking to someone on her phone while crying. Mabilis din itong nagmaneho paalis ng kumpanya ko. Doon ko lang nilingon si Loviere at pagod na tinignan. "It's for the better, go home now–" "Fuck you, Yvl! You're using me for what? I'm here to bid my goodbye but you just put me into a scene that broke your wife's
"What are you doing here?" Hinawakan ko ang coat niyang nilagay sa balikat ko at sinubukan itong tanggalin pero pinigilan niya ako. He hold my hand to stop me so I look at him sharply. "I'm not cold–" "You're shivering, kanina pa kita pinagmamasdan. You can't lie to me, wife." "Can you please stop calling me wife? Why don't you go back inside and dance with your girlfriend all night?" Asik ko sakanya. Halata ang pagka-inis sa boses ko. I saw him smirked and fixed his coat on my shoulder. "You're jealous, right?" I moved away from him and rolled my eyes. "In your dreams, Mr. Folkvangr." "It should be– my husband. Stop the formality," natatawa niyang sambit. Naiirita ako sa pagtawa tawa niya. Mukha ba akong clown dito at kung makatawa e akala mo nagbibiro ako? Maglalakad na sana ako paalis nang hawakan niya ako sa braso para pigilan. "Hey, not so fast! Stay here," wika niya. I released a deep sigh before facing him. "What do you want, Rio? Nandito ako para magpahangin,
Pigil na pigil akong hindi tumingin sa kabilang side ng mga upuan dahil alam kong doon nakapwesto si Rio. Natapos na ang vows at kissing scene nila kaya naman oras na para sa picture taking. Pinauna muna ang parents ng mga ikinasal at sumunod na kaming mga pinsan at mga abay. Pumwesto ako sa gilid ni Ate Cannarie at binigyan muna siya ng halik sa pisngi bago humarap sa camera. "I'm sorry, I forgot to tell you. Mom said you almost tripped while walking on the aisle awhile ago, are you sure you're fine?" Pasimpleng tanong sa akin ng pinsan ko habang kinukuhaan kami ng picture. I can see on my peripheral vision that Rio is just beside Kuya Valerio's parents. Kaya naman tutok na tutok ang mata ko sa camera. "I'm fine, naapakan ko lang kanina ang gown ko kaya muntik na akong matumba. Don't worry about me, Ate. It's your day, let's just enjoy the party later," pabulong ko namang sagot. "Alright, just remember, hindi ka pwede sa kahit anong klase ng alak, drink water or juice will do,"
Kasalukuyan kaming kumakain nang tumunog ang cellphone ni Kuya Valerio at nakita ko ang paglitaw ng pangalan ni Rio. Katabi ko lang kase siya at nakapatong sa lamesa ang kaniyang cellphone. Napahinto ako sa pagkain at napatingin sakanya. "Excuse me, I will just answer this," paalam niya sa amin bago tumayo. Kumakain kase kami ng almusal, kasama ko sa hapag ang mga pinsan ko, at sila Ruru. Ako lang ata ang nakakita kung sino ang tumatawag. Mabilis kong tinapos ang kinakain ko at agad na sinundan sa labas si Kuya Valerio. Susundan pa sana ako ng nurse ko nang senyasan ko siyang huwag na. I don't need any assistance or a chaperone dahil hindi naman ako lalabas ng mansyon. Hinanap ng mata ko kung nasaan si Kuya at nang makita ay mabilis akong lumapit sakanya. Sakto namang pagbaba niya ng cellphone niya kaya humarap na siya at napatingin sa akin. "Are you done eating?" I nodded. "I saw who's calling. May gusto lang sana ako itanong," diretso kong sambit. "Sure, go ahead." "U-Uh
Now it makes sense. I already noticed the tension between Loviere and Demethri 4 years ago. Noong oras na pinatay ang mommy ni Rio at nandoon si Loviere sa hideout nila sa mansion at ginagamot ang asawa ko. I saw how mad Demethri was when he told Loviere to get out. Loviere's first love was Rio. But when she met Demethri, things changed. He pursued her, he flirt with her until Loviere fell inlove with him. Kaya pala noong pinatay ang daddy at ang kapatid ni Rio ay kinancel nalang ni Loviere ang nalalapit sana nilang kasal dahil hindi maatim ng konsensya niyang lokohin si Rio. Demethri told me everything. But what confused me is the scene on Rio's office where Loviere was begging him to talk, alone. I still remember that. Alam kaya ni Rio na tinalo ng pinsan niya ang kaniyang fiancee? Ano kaya ang naramdaman niya about doon? Mukha naman silang walang alitan noon, o bulag lang talaga ako that time at hindi ko makita? Also the reason why they broke up too. Kung bakit iniwan din siya
It's been two days since I visited Rio and Demethri is still out of contact, I don't know if he's avoiding me or what. Maybe Leuco told him that he already blew the whistle and maybe Dem thinks that I'm mad at him. I'm kinda mad though. Pero mas nangingibabaw ang pagkaka-ibigan namin at ang pagkaka-intindi ko sa lahat ng ginawa nila. If it's for my safety, I don't have the right to be mad at him. He took care of me, he kept me safe for 4 years, I think that's long enough to forget that he lied to me. Ngayong araw na rin ay naisipan kong kailangan ko nang bumalik sa kumpanya ko. The board of directors are asking my secretary about me, bakit daw bigla akong nawala for days. Sinabi ko nalang sa secretary ko na nasa overseas meeting ako at may kailangan muna akong ayusin at ngayon nga ang balik ko. Mabuti nalang at hindi naman na umangal sila Kuya Connor at pinayagan ako sa gusto ko. I'm feeling quite better now. Nagsuot lang ako ng isang royal whole body suit na may anim na butone