QUARTER to seven na ng gabi nang mapagpasiyahan namin ni Maia na magligpit na. Tatlo lamang ang bumili, nabibilang lang din sa daliri ang mga naging customer namin ni Maia. Hindi na rin masama sa maghapon na pagbabantay. Sa halaga ba naman ng mga items nila rito ay tiyak makakabawi na rin sila. "Tamang tama lang pala ang pagdating namin." Biglang salita ng isa sa mga lalaking pumasok sa boutique. Akmang magsasalita na sana ako upang sabihin na magsasara na kami ng makita ko na ang isa sa mga lalaking pumasok sa botique ay si kuya Fred. Ang lapad ng mga ngiti nito sa labi. Nilingon ko si Maia na nakatayo sa aking likuran. Mahahalata na kinikilig ito."Goodevening, Sabrina. Goodevening, mahal." Isang tango lamang ang naging tugon ko kay kuya Fred na nagniningning ang mga mata habang nakatitig kay Maia. Ganito rin ang mga tinginan sa akin ni Roger noon. And speaking of Roger, nandito rin siya ngayon sa botique. Seryoso itong nakatayo sa hilera ng mga lingeries. kinatatayuan.
NATUKLASAN ko ang modus ni ninang. Palagi kasing binabanggit ng aking alaga na iniiwan siya ng kaniyang mommy at pinapaalagaan sa nanay ng lalaking nagngangalang Mister Abadilla. Umaalis ang mga ito at bumabalik naman kinagabihan. Ginagawa lamang na dahilan ni ninang na isama ang aking alaga. Madalas na iniiwan lamang ako nito sa botique upang magbantay. Ilang beses na rin ako nitong pinagcommute sa tuwing hindi ito makakauwi ng araw na iyon. Gusto ko sanang sumabay kay Maia. Ngunit, kabilin bilinan ni ninang sa akin na h'wag akong sumabay pauwi kay Maia dahil siya na ang susundo sa akin. Iyan ang palagi niyang nirarason. Inaabot pa ako ng dalawa o tatlong oras sa paghihintay sa kan'ya tapos ang ending hindi niya pala ako masusundo. Noong unang ginawa ni ninang ang hindi pagsundo sa akin ay natakot ako ng sobra. Ano ba ang alam ng isang probinsyanang katulad ko sa pasikot sikot ng syudad? Mabuti nalang talaga na tinuruan ako ni Maia gamitin ang google map, kung hindi, ay baka s
MIXED EMOTION ang nararamdam ko ngayon. Na-e-excite ako sa iisipin na kaming dalawa lang pala ni Roger ang nandito. Kabado rin dahil hindi ako prepared at nag-aalinlangan dahil asawa pa rin si Roger ni ninang. Nangungusap ang mga mata nitong nakatitig sa akin. Hindi ako makatingin ng diretso sa mga mata nito ngayon dahil natatakot ako na mabasa nito ang nasa aking isipan. Nagdalawang isip pa akong magpaalam dito na pupunta na ako sa aking silid o tatayo nalang ako rito sa harapan niya at makipagtitigan hanggang umaga. Hindi ko na maintindihan ang aking sarili lalo na nang hagurin ako ng tingin nito na puno nang pagnanasa. 'Bina, asawa siya ng ninang mo. H'wag na h'wag mong kalimutan iyon.'Pinipilit kong pinapaalala sa sarili ko ang katotohanang iyon ngunit, parang may sariling isip ang aking katawan. Nilapitan ako ni Roger. Nanatili lamang akong nakatayo, ni hindi ko ito nilayuan. Lumapit pa ito lalo sa akin. Hindi ako umalis, para ba akong itinulos sa harapan nito. "I miss y
HINDI AKO pinapasok ni Roger sa botique ngayong araw. Pinasama ako nito na maghanap nang magiging bagong yaya ni Reema. Pinakiusapan na lamang ni Roger si Analie na silang dalawa na lang muna ni Maia ang magbabantay sa botique. Kaagad naman itong pumayag. Bago kami gumayak ni Roger sa probinsya nila Analie ay dumaan muna kami sa isang depot mall. Bumili si Roger ng camping tent at ibang mga gamit para sa camping. Binilhan din niya ako ng mga damit at sapatos. Kung anong kulay ang damit na binili niya para sa akin ay gano'on din ang kulay ng binili niyang damit para sa kaniyang sarili. Pagkatapos naming mamili ng mga kagamitan ay lumipat kami sa isang grocery store upang mamili rin ng mga pagkain. "Ang dami naman ng pinamili natin, Roger. Ilang araw ba ang balak mong magstay roon?" Pagbubukas ko ng paksa rito habang tinatahak na namin ang daan patungo sa probinsya nila Analie. "Maybe three days but I think it's not enough for the both us to bonding there." Walang kagatol gatol
MGA BANDANG ALAS DOS buhat nang umalis ang tatlong binatilyong kapatid ni Analie dahil nauna na ang dalawang matanda kasabay ni Malou. "Wanna go for a walk? " Biglang aya sa akin ni Roger matapos namin ma-set-up ang tent. Kaagad akong tumango bilang pagsang-ayon sa naging alok nito sa akin. Habang naglalakad na kami ay ilang beses ko nang nahuli ito na kinukunan ako nito ng litrato. Hinayaan ko na lamang ito. Gusto ko rin magkaroon ng remembrance sa mga bagong lugar na napupuntahan ko. Tumigil muna si Roger sa paglalakad. Nakakunot noo pa ito na hindi ko maintindihan kong ano ang pinaggagawa nito. Tapos bigla na lang umaaliwalas ang mukha nito. "Did you hear that, boss?" Masigla nitong tanong sa akin. Tumigil rin ako at pinakinggan ang gusto nitong sabihin. Maya-maya ay naintindihan ko na ang sinasabi nito. May narinig akong lagaslas ng tubig. Sa tingin ko ay may isang batis na hindi kalayuan lamang sa aming kinatatayuan. "Tara puntahan natin. " Masigla kong aya kay Rog
MASAYA kaming umahon sa batis ni Roger matapos ang isang malupet at nakakapanghina na round. Magkahawak kamay rin kami habang naglalakad patungo sa kubo. Nang makarating na kami sa kubo ay hindi pa rin mapalis ang mga ngiti sa aking labi. Hindi ko kasi lubos maisip na ma-experience ko ang ganito. Pakiramdam ko ay nasa honeymoon stage kami ni Roger. Hindi ko na nga alam kung tama pa ba itong ginagawa ko, Pero isa lang ang alam ko, masaya ako sa piling niya. Alam kong mali ang magmahal ng taong pagmamay-ari na ng iba, ngunit, hindi ko maikakailang masaya sa pakiramdam na nakakatakot. Basta ang mahalaga sa akin ngayon ay masaya ako. Saka ko na siguro iisipin kapag nakabalik na ulit kami sa syudad. Susulitin ko muna ang pagstay namin dito. Pagkatapos namin kumain ng hapunan ay muling naglambing si Roger sa akin."Can I request for another round, boss?" Nagpapacute na ngumuso ito sa aking harapan. Pansamantala kaming nakaupo sa kubo upang magpababa ng kinain. "Ayoko nga. .Nakakaram
TULOG PA SI ROGER nang magising ako. Kaagad kong tinanggal ang braso nito na nakayakap pa sa akin. At dahan dahan na bumangon. Lumabas ako ng tent. Dumiretso sa ilalim ng kubo para maghanda ng lulutuin para sa almusal namin ni Roger. May dalawang klase ng lutuan sila dito. Isang maliit na stove at lutuan na kahoy ang panggatong. Ikatlo ang dala namin ni Roger na butane gas stove. Hindi na ako mahihirapan pa dahil marami akong pagpipilian. Pinili ko ang dalawang stove na paglulutuan dahil kapag 'yong lutuan na panggatong baka magising ko si Roger dahil sa usok na dulot nito. Isang sunny side up egg, scrambled egg na may onion leeks at kamatis, fried rice na may diced carrots, cabbage, green peas, shrimp paste at corn at syempre hindi nawawala ang bawang. Dinagdagan ko ng tocino, at adobong kangkong. Nagpainit na rin ako ng tubig para sa gatas at kape mamaya. Eksaktong kakatapos ko lang na mag-ayos ng mesa ng lumabas si Roger. "Hmm.. Smells good and tasty," yakap kaagad nito saak
NARINIG KO ANG papalapit na mga yabag ng binatang si Andoy sa kinaroroonan namin. Nababahala na ako dahil sa hindi pa rin inaangat ni Roger ang suot nitong pajama. Kanina ko pa ito sinenyasan na umayos pero hindi man lang ako nito pinansin. Tila ba ay wala itong narinig. Kaya nang makita ko na ang bulto ng binatang si Andoy na papunta sa kinaroroonan namin ay kaagad akong tumalikod. Nagkunwari ako na abala sa pagpitas ng mais. "Magandang umaga po, kuya Roger at ate Sabrina, " magalang na bati nito sa amin. Dahan dahan ko itong nilingon upang tugunin ang pagbati nito sa akin. "Magandang umaga rin sayo, Andoy, " nakangiting bati ko rito. Kaagad na hinagilap ng aking mata si Roger. Tahimik lamang itong nakatayo sa isang tabi. Nakaayos na ang suot nitong pajama. Kinabahan talaga ako kanina. Akala ko ay makipagmatigasan pa ito sa akin."Oo nga pala, muntik ko na po na makalimutan sabihin. Hindi muna kami mag-aani ng mais ngayon dahil pupunta kami sa bayan. " Nakangiting kwento nito
CANCEL ANG KLASE ko sa last subject. Pero bigla akong napaisip na masyado pang maaga para umuwi.. Kaya napagdesisyonan ko na lamang na magpalipas muna ng oras sa mall na malapit lamang sa aming university, tutal hindi naman ako naka-schedule na magbantay sa botique ngayon. Dumiretso kaagad ako papunta sa tindahan ng mga nagtitinda ng murang libro at mga magazines. Magmula kasi nang nakapagtrabaho na ako sa botique ay hindi talaga ako pumapalya sa pagbili ng libro o magasin na matipuhan. Hindi rin pinabayaan ni Roger ang aking pamilya sa probinsiya. Bale, siya na ang nagpatuloy sa pagpadala ng pera. Kahit na umayaw ako noong una sa nais niyang mangyari pero kalaunan ay napapayag din niya ako. Wala rin naman akong ibang pagpipilian kundi ang pumayag. Kaya ang natatanggap kong sahod mula sa pinagtrabahoan ko ay tinatabi ko na lamang, o 'di kaya ay pinambili ko ng mga ipapasalubong ko sa aking pag-uwi.Hindi pa ako naabutan ng ilang minuto sa pagtingin tingin ng mag
ILANG ARAW NA ANG LUMIPAS simula nang makauwi ako galing sa ospital. Matapos ang senaryong nangyari sa ospital kina ninang at Roger ay nagbago na ang pakikitungo ni ninang sa akin. Kung dati ay medyo mailap ito sa akin, ngayon ay naging mabait na ito. Hindi ako sigurado kung pakitang tao lamang ba itong pinapakitang kabutihan ni ninang, o talagang tuluyan na ba itong nagbago. Kaya unti-unti ko na rin ibinabalik ang dating pakikitungo ko sa kaniya. Ito na rin mismo ang nagrequest kay Roger na pag-aralin ako na ikinatuwa ko. Mantakin mo iyon hindi ko na kailangan na irequest pa kay Roger ito dahil si ninang na mismo ang nag-asikaso ng mga dokumento ko sa pagbabalik skwela ko. Malaki ang naging pasalamat ko sa kaniya dahil mabibigyan na ng sakatuparan ang aking mga pangarap. Kapalit ng libreng pag-aaral ko sa pamilyang Bernardino ay ang pagbabantay ko sa botique ni ate Rochelle. Habang tinutulungan ko si Analie sa mga gawaing bahay pagkauwi ko galing sa school. Tuwing umaga ay sumas
MAY MGA BULONG akong nauulinigan. Sa aking hinuha, nasa malapit lamang sila. Pinakinggan kong mabuti kung ano ang pinag-uusapan nila, kaso masyadong mabilis at pahina ng pahina ang mga boses. Kaya dahan dahan akong nagmulat ng aking mga mata. Bumungad naman sa aking paningin ang nakasisilaw na liwanag. Kumukurap kurap ako upang sanayin ang aking paningin sa liwanag. Kaagad na inilinga ko ang aking mga mata sa buong paligid. Nasa loob ako ng isang puting silid. Nakaramdam ako ng takot. Baka biglang dumating si Ian at kung ano na naman ang gawin nito sa akin.Kaagad kung hinanap si Roger pero hindi ko ito makita sa silid na aking kinahigaan. Nakarinig ako ng mga yabag na paparating. Nagmamadali akong umakyat sa hospital bed at mabilis na humiga at nagkunwaring nakapikit. Tama nga ako at sa silid ko papunta ang mga yabag na ito. Narinig ko ang malakas na pag-ingit ng bakal na pintuan. Pumasok sa silid ko ang mga yabag. Nang maisara ng kung sinong nagmamay-ari ng mga yabag ang pinto
NAALIMPUNGATAN ako sa malakas na kalabog mula sa labas ng pintuan. "Neng? Ayos ka lang ba dyan?" Malakas na sigaw ni ate Mel. Napadilat ako ng mata. Gusto ko sanang sumigaw kaso nakabusal ang aking bibig. Pinilit kung igalaw ang aking katawan pero hindi ko ito maigalaw. Nakatali sa magkabilaang bahagi ng headboard ang aking mga kamay pati na rin ng aking magkabilaang mga paa. Nakangising tiningala ako ni Ian na kanina ay abala kakahalik sa pribadong parte ng aking katawan. "Kahit ano pa ang gagawin mo. Wala ka nang magagawa kundi ipaubaya sa akin ang sarili mo." Nang-uuyam na halakhak nito na ikinagalit ko. Nandiri pa ako lalo ng dinilaan nito ang aking kaliwang dibdib. Nagpupumiglas ako sa pagkatali nito pero sobrang higpit, pero 'di pa rin ako nawalan ng pag-asa na matanggal ito. 'Roger, nasaan ka na? Umuwi ka na, please! Iligtas mo ako sa hayok sa laman na si Ian!'Napaiyak na lamang ako ng nakarating na si Ian sa bandang puson ko. Pinipilit ko pa rin na makawala sa pagk
NAGPUPUNAS AKO ng mga alikabok sa sala ng biglang sumulpot si Ian sa aking tabi. Napahawak ako sa aking dibdib dahil sa pagkabigla. " Nerbyosa ka pala, Sabrina." ani niya. "Hindi naman po." Matipid kong sagot dito. 'Sino ba naman kasi ang hindi magugulat kung bigla ka na lang sumulpot at magsalita?' Aburido kong pagrereklamo sa aking isipan. "Ready ka na bang gawin ang ipagawa ko sayo ngayon?" Makahulugan itong ngumiti sa akin. 'Magpalinis lang ng silid ang dami pang pasakalye nito.' Naiimbyerna na pagmamaktol ko sa aking isipan. "Ano po ba ang ipapagawa mo sa akin, sir?" Mahinahon na tanong ko pa rito. "Basta. Halika na, at nang maaga natin masimulan ang ipapagawa ko sayo.." Malambing na wika pa nito sa akin. Nangangaliskag ang mga balahibo ko sa katawan sa inakto nito. Hindi naman panget si Ian. Kung tutuusin ay may hitsura ito. Pero dahil sa manyakis ito kaya hindi nakakahalina ang katikasan nito sa aking paningin. Siguro kung ibang babae ay tiyak na mahuhumaling kaagad d
"AYOS KA LANG BA, neng?" Bungad salubong na bulong sa akin ni ate Melleza. Mahahalata sa boses nito ang labis na pag-aalala."A-ayos lang po ako," pilit kung pinapakalma ang aking boses dahil alam kong nakasunod sa akin si Ian. Makahulugan kong tinitigan si ate Mel at nakuha naman nito kaagad ang gusto kong iparating. Pagkapasok namin ay iniba nito ang usapan. Nag-utos si ate Mel ng mga maaari kung maitutulong sa kan'ya. Ang mga pinamili ko sa palengke ngayon ay ang stocks ng kakainin naming tatlo. Kahit papaano ay nawaglit sa isipan ko ang takot na naramdaman ko para kay Ian. Nagsimula nang magluto si ate Melleza, habang sinasalansan ko ang mga pinamili ko sa lagayan."Gusto mo bang sa kwarto ko muna matulog ngayong gabi, neng?" Biglang alok ni ate Melleza sa akin. Napalingon kaagad ako sa aking likuran bago ko tiningnan ang kinaroonan niya. Medyo nahimasmasan ang aking nararamdaman nang mapagtanto ko na hindi na pala sumunod si Ian dito sa kusina. "Sige po, te. Kukuha l
"UUTUSAN SANA KITA na mamalengke ngayon, Sabrina. Kaso, ikaw at si Ian ang magkasama. Kaya, ako na lamang ang aalis. Ikaw na muna ang bahala na magbantay rito, ha? H'wag kang basta-basta magpapasok nang mga hindi mo kakilala rito. Dahil hindi rin talaga safe. " Saad pa ni ate Melleza sa akin.Gusto ko sana na ako ang magstay rito na mag-isa kaso naisip ko rin na baka kung magpaiwan ako rito sa bahay, baka pagnanakaw naman ang ibebentang sa akin ni ninang. Kaya imbes na sang-ayonan ang sinasabi ni ate Melleza sa akin, ay nagpresinta na lamang ako na ang mamalengke."Sigurado ka na ba sa desisyon mo, neng?" medyo may pag-alinlangan pa na tingin sa akin ni ate Melleza."Opo. Ayos lang po ako. Mas mabuti po na ikaw ang magstay rito kasi mahirap na rin po na ako ang maiwanan dito. " aniya ko pa rito.Nababahala pa rin ang hitsura ni ate Melleza sa naging desisyon ko pero napapayag ko pa rin ito sa huli.Binigay kaagad ni ate Melleza sa akin ang listahan ng mga bibilhin. Tinawag nito si Ia
"BAKIT HINDI NINYO KAAGAD sinabi sa akin na may sakit pala si Roger?"Nakapameywang na tanong ni ninang sa amin. Kasalukuyan na tiningnan ng private doctor nila ito sa silid nito. "Kanina pa po kasi namin gustong ipaliwanag sayo 'yong totoong dahilan kung bakit hindi kaagad nasabi sa inyo ni Sabrina ang totoo." Malamig na sagot ni Malou kay ninang. Bagay lang talaga na si Malou ang napili ni Roger na maging kapalit ko. Mukhang hindi kasi ito basta basta na lang na maaapi. "Okay, I apologize for what I did. " Tagos sa ilong na paghingi pa nito nang paumanhin sa amin. Halata namang napipilitan lamang ito na humingi ng despensa. Pero malaki ang pasalamat ko kay Malou at denepensahan pa rin ako nito kahit na alam nitong puro kasinungalingan lamang ang sinasabi nito kay ninang. "By the way, Sabrina. Since nandito na ang magiging kapalit mo kay Reema ay pansamantala ka munang magstay sa room ni mang Oming dahil you can't stay in the guest room dahil nand'yan ang pinsan kong si Ian. "
MGA BANDANG ALA UNA na kami bumiyahe. Kinailangan pa kasi namin na hintayin matapos kumain ni Roger dahil alas onse na ito nagising. Mabuti na lamang talaga na tinulungan ako ng magkapatid na magligpit ng mga gamit namin. Kaya natapos kaagad. Habang nasa byahe ay walang ibang ginawa si Roger kundi ang matulog. Hinayaan na lang namin ni Malou ito. Nagkuwentuhan din kami ni Malou. Kailangan ko siya kausapin dahil baka bigla na lamang itong antukin sa byahe. Pare-pareho pa naman kaming puyat. Nagbukas ako nang paksa. Nakiusap ako sa kaniya na h'wag sabihin kay ninang na magkasama kami ni Roger ng ilang araw. Basta kapag tinanong siya nito, sasabihin lamang niya na sinundo nila ako sa terminal ng bus. Hindi naman ito nagtanong pa kung bakit, kaagad itong sumang-ayon sa pinakiusap ko rito. Tinanong ko rin ito tungkol sa sunog. Medyo may pag-alinlangan pa itong ngumiti sa akin bago nagsalita."Inggit ang dahilan sa sunog noon. At ang iginigiit ng nahuling salarin na si kuya Ben ang may