Hi, sorry for the late update. Emjoy reading. :)
KANINA ko pa gustong lapitan ang ma'am Sol na may-ari ng resort na kasalukuyan na tinutuluyan namin ngayon. Ngunit, nagdalawang- isip rin ako na baka kahawig niya lamang si tiya Leda. Si tiya Leda ay ang matalik na kaibigan ni tiya Judith, katulad ng pagkakaibigan nila ate Sandy at ninang Marites. Natapos nalang kaming kumain ay hindi ko pa rin maiaalis ang tingin dito. "Yaya Sab, are you okay now? Can you able to carry me in the pool? I really wanted to swim but ate Mel is still busy," nagmamakaawa pa nitong pakiusap sa akin," please...""Sure baby. No problem. "Hinawakan ko ang maliit nitong kamay at inakay papalapit sa swimming pool na nakap'westo lamang sa harapan ng malawak na garden. Nakita ko na masayang naglalaro ang mga batang sina Bea at Roxanne. Parehong nakasakay ang mga ito sa salbabidang may mga cartoon characters pa na hugis. Nakaalalay kay Bea ang nanay nitong si ate Angie at sa tabi naman ni Roxanne si Maia. Sa kabilang bahagi naman ng pool nakalutang ang sa
ANG LIKURANG bahagi ng private resort ni ma'am Sol ay isang beach. Kasalukuyan kaming nakaupo sa buhangin. Nakabuo kami ng pabilog na hugis na pag-upo. Napagitnaan ako nina ate Angie at Maia. Nasa tapat ko naman nakaupo si Roger na abala makipagkwentuhan kay kuya Fred. "Sisimulan ko na ang ating palaro, guys!" May kalakasan na pag-anunsyo ni sir Joel sa lahat. Tama lang upang tumigil ang lahat sa ginawang pakikipagdaldalan. Inilabas nito ang isang bote ng alak na wala ng laman. Ipin'westo ito sa gitna namin at sinimulan na paikutin. Seryosong nakatutok ang lahat sa bote na umiikot. Nang tumigil ang pag-ikot nito ay sinundan namin kung kanino nakatapat ang ulo ng bote. Unang tumigil ang bote sa tapat ni Maia. Pinapili siya kung truth or dare. Ang pinili niya ay truth. Tinanong kami ni sir Joel kung sino ang gusto na magtanong kay Maia. Kaagad na nagtaas ng kamay si Analie. "Ako ang unang magtatanong. Papaano mo naging tatay si kuya Oming? Eh hindi naman sila nagkaanak ng na
WHEN ROGER kissed me back hungrily. Muling nagdagsaan ang lahat ng mga ala-ala ko sa kahapon na pilit ko nang kinakalimutan. Hindi ko na naman ito naagapan, dahil tuluyan nang bumigay ang depensa ko sa katawan. Bumabalik na naman sa akin ang mga alaala kung papaano nito nakamit ang aking first kiss. Nanumbalik na naman ang lahat.Simula ng unang tagpo namin sa balon ay napapadalas na ang pagdalaw ni Roger sa lugar namin. At ang palaging rason nito tuwing dumadalaw ay inuutusan ito ni ninang. Sa bahay nila tiyo Samuel ito palaging nagpupunta si Roger at tuwing dumadalaw ito ay hindi ito pumapalya sa pagdadala ng kung ano-anong mga pasalubong.Isang beses na tinanong ako nito kung ano ang pangarap ko sa buhay. Matapos ko sagutin ito ay palagi na akong dinadalhan nito ng iba't ibang klase ng libro, at mga magasin. Natatandaan ko pa ang sinabi nito na," hindi ito bigay ni Tess. Binili ko talaga iyan para palagi mo akong maalala."Hanggang sa namalayan ko nalang ang aking sarili
MATAPOS mangyari ang gabing iyon ay tuluyan ko nang inilayo ang aking loob kay Roger. Kahit mahirap para sa akin ay kinakaya ko nalang para sa aking mga pangarap. At ayokong biguin si nanay. Mabuti na nga lang at bihira nalang kaming magkita rito. Maliban na lang talaga sa araw ng linggo dahil ito ang pahinga niya.Mukhang naiintindihan naman nito ang ginawa kong pag-iwas sa kan'ya. Hindi na ako nito kinukulit. Kung nag-uusap man kami ay saka ko pa ito kakausapin kapag kailangan na kailangan talaga. Pero bakit gan'on? Hindi ako masaya sa pambabalewala nito sa'kin? Nadidismaya pa nga ako kapag wala nang pahabol na tanong ito sa akin. Hindi na rin ako nito tinititigan katulad ng dati. Tila ba nawalan na ito ng spark para sa'kin. Kaya hindi ko maiwasan na mamimiss ang presensya nito. Lalo na ang pasimpleng paglalambing nito sa akin dati. At sa ikasampung pagkakataon, nasaktan na naman ako.Narealize ko na mabuti na siguro ito para hindi na ako umasa ng sobra. Panahon na talag
QUARTER to seven na ng gabi nang mapagpasiyahan namin ni Maia na magligpit na. Tatlo lamang ang bumili, nabibilang lang din sa daliri ang mga naging customer namin ni Maia. Hindi na rin masama sa maghapon na pagbabantay. Sa halaga ba naman ng mga items nila rito ay tiyak makakabawi na rin sila. "Tamang tama lang pala ang pagdating namin." Biglang salita ng isa sa mga lalaking pumasok sa boutique. Akmang magsasalita na sana ako upang sabihin na magsasara na kami ng makita ko na ang isa sa mga lalaking pumasok sa botique ay si kuya Fred. Ang lapad ng mga ngiti nito sa labi. Nilingon ko si Maia na nakatayo sa aking likuran. Mahahalata na kinikilig ito."Goodevening, Sabrina. Goodevening, mahal." Isang tango lamang ang naging tugon ko kay kuya Fred na nagniningning ang mga mata habang nakatitig kay Maia. Ganito rin ang mga tinginan sa akin ni Roger noon. And speaking of Roger, nandito rin siya ngayon sa botique. Seryoso itong nakatayo sa hilera ng mga lingeries. kinatatayuan.
NATUKLASAN ko ang modus ni ninang. Palagi kasing binabanggit ng aking alaga na iniiwan siya ng kaniyang mommy at pinapaalagaan sa nanay ng lalaking nagngangalang Mister Abadilla. Umaalis ang mga ito at bumabalik naman kinagabihan. Ginagawa lamang na dahilan ni ninang na isama ang aking alaga. Madalas na iniiwan lamang ako nito sa botique upang magbantay. Ilang beses na rin ako nitong pinagcommute sa tuwing hindi ito makakauwi ng araw na iyon. Gusto ko sanang sumabay kay Maia. Ngunit, kabilin bilinan ni ninang sa akin na h'wag akong sumabay pauwi kay Maia dahil siya na ang susundo sa akin. Iyan ang palagi niyang nirarason. Inaabot pa ako ng dalawa o tatlong oras sa paghihintay sa kan'ya tapos ang ending hindi niya pala ako masusundo. Noong unang ginawa ni ninang ang hindi pagsundo sa akin ay natakot ako ng sobra. Ano ba ang alam ng isang probinsyanang katulad ko sa pasikot sikot ng syudad? Mabuti nalang talaga na tinuruan ako ni Maia gamitin ang google map, kung hindi, ay baka s
MIXED EMOTION ang nararamdam ko ngayon. Na-e-excite ako sa iisipin na kaming dalawa lang pala ni Roger ang nandito. Kabado rin dahil hindi ako prepared at nag-aalinlangan dahil asawa pa rin si Roger ni ninang. Nangungusap ang mga mata nitong nakatitig sa akin. Hindi ako makatingin ng diretso sa mga mata nito ngayon dahil natatakot ako na mabasa nito ang nasa aking isipan. Nagdalawang isip pa akong magpaalam dito na pupunta na ako sa aking silid o tatayo nalang ako rito sa harapan niya at makipagtitigan hanggang umaga. Hindi ko na maintindihan ang aking sarili lalo na nang hagurin ako ng tingin nito na puno nang pagnanasa. 'Bina, asawa siya ng ninang mo. H'wag na h'wag mong kalimutan iyon.'Pinipilit kong pinapaalala sa sarili ko ang katotohanang iyon ngunit, parang may sariling isip ang aking katawan. Nilapitan ako ni Roger. Nanatili lamang akong nakatayo, ni hindi ko ito nilayuan. Lumapit pa ito lalo sa akin. Hindi ako umalis, para ba akong itinulos sa harapan nito. "I miss y
HINDI AKO pinapasok ni Roger sa botique ngayong araw. Pinasama ako nito na maghanap nang magiging bagong yaya ni Reema. Pinakiusapan na lamang ni Roger si Analie na silang dalawa na lang muna ni Maia ang magbabantay sa botique. Kaagad naman itong pumayag. Bago kami gumayak ni Roger sa probinsya nila Analie ay dumaan muna kami sa isang depot mall. Bumili si Roger ng camping tent at ibang mga gamit para sa camping. Binilhan din niya ako ng mga damit at sapatos. Kung anong kulay ang damit na binili niya para sa akin ay gano'on din ang kulay ng binili niyang damit para sa kaniyang sarili. Pagkatapos naming mamili ng mga kagamitan ay lumipat kami sa isang grocery store upang mamili rin ng mga pagkain. "Ang dami naman ng pinamili natin, Roger. Ilang araw ba ang balak mong magstay roon?" Pagbubukas ko ng paksa rito habang tinatahak na namin ang daan patungo sa probinsya nila Analie. "Maybe three days but I think it's not enough for the both us to bonding there." Walang kagatol gatol
CANCEL ANG KLASE ko sa last subject. Pero bigla akong napaisip na masyado pang maaga para umuwi.. Kaya napagdesisyonan ko na lamang na magpalipas muna ng oras sa mall na malapit lamang sa aming university, tutal hindi naman ako naka-schedule na magbantay sa botique ngayon. Dumiretso kaagad ako papunta sa tindahan ng mga nagtitinda ng murang libro at mga magazines. Magmula kasi nang nakapagtrabaho na ako sa botique ay hindi talaga ako pumapalya sa pagbili ng libro o magasin na matipuhan. Hindi rin pinabayaan ni Roger ang aking pamilya sa probinsiya. Bale, siya na ang nagpatuloy sa pagpadala ng pera. Kahit na umayaw ako noong una sa nais niyang mangyari pero kalaunan ay napapayag din niya ako. Wala rin naman akong ibang pagpipilian kundi ang pumayag. Kaya ang natatanggap kong sahod mula sa pinagtrabahoan ko ay tinatabi ko na lamang, o 'di kaya ay pinambili ko ng mga ipapasalubong ko sa aking pag-uwi.Hindi pa ako naabutan ng ilang minuto sa pagtingin tingin ng mag
ILANG ARAW NA ANG LUMIPAS simula nang makauwi ako galing sa ospital. Matapos ang senaryong nangyari sa ospital kina ninang at Roger ay nagbago na ang pakikitungo ni ninang sa akin. Kung dati ay medyo mailap ito sa akin, ngayon ay naging mabait na ito. Hindi ako sigurado kung pakitang tao lamang ba itong pinapakitang kabutihan ni ninang, o talagang tuluyan na ba itong nagbago. Kaya unti-unti ko na rin ibinabalik ang dating pakikitungo ko sa kaniya. Ito na rin mismo ang nagrequest kay Roger na pag-aralin ako na ikinatuwa ko. Mantakin mo iyon hindi ko na kailangan na irequest pa kay Roger ito dahil si ninang na mismo ang nag-asikaso ng mga dokumento ko sa pagbabalik skwela ko. Malaki ang naging pasalamat ko sa kaniya dahil mabibigyan na ng sakatuparan ang aking mga pangarap. Kapalit ng libreng pag-aaral ko sa pamilyang Bernardino ay ang pagbabantay ko sa botique ni ate Rochelle. Habang tinutulungan ko si Analie sa mga gawaing bahay pagkauwi ko galing sa school. Tuwing umaga ay sumas
MAY MGA BULONG akong nauulinigan. Sa aking hinuha, nasa malapit lamang sila. Pinakinggan kong mabuti kung ano ang pinag-uusapan nila, kaso masyadong mabilis at pahina ng pahina ang mga boses. Kaya dahan dahan akong nagmulat ng aking mga mata. Bumungad naman sa aking paningin ang nakasisilaw na liwanag. Kumukurap kurap ako upang sanayin ang aking paningin sa liwanag. Kaagad na inilinga ko ang aking mga mata sa buong paligid. Nasa loob ako ng isang puting silid. Nakaramdam ako ng takot. Baka biglang dumating si Ian at kung ano na naman ang gawin nito sa akin.Kaagad kung hinanap si Roger pero hindi ko ito makita sa silid na aking kinahigaan. Nakarinig ako ng mga yabag na paparating. Nagmamadali akong umakyat sa hospital bed at mabilis na humiga at nagkunwaring nakapikit. Tama nga ako at sa silid ko papunta ang mga yabag na ito. Narinig ko ang malakas na pag-ingit ng bakal na pintuan. Pumasok sa silid ko ang mga yabag. Nang maisara ng kung sinong nagmamay-ari ng mga yabag ang pinto
NAALIMPUNGATAN ako sa malakas na kalabog mula sa labas ng pintuan. "Neng? Ayos ka lang ba dyan?" Malakas na sigaw ni ate Mel. Napadilat ako ng mata. Gusto ko sanang sumigaw kaso nakabusal ang aking bibig. Pinilit kung igalaw ang aking katawan pero hindi ko ito maigalaw. Nakatali sa magkabilaang bahagi ng headboard ang aking mga kamay pati na rin ng aking magkabilaang mga paa. Nakangising tiningala ako ni Ian na kanina ay abala kakahalik sa pribadong parte ng aking katawan. "Kahit ano pa ang gagawin mo. Wala ka nang magagawa kundi ipaubaya sa akin ang sarili mo." Nang-uuyam na halakhak nito na ikinagalit ko. Nandiri pa ako lalo ng dinilaan nito ang aking kaliwang dibdib. Nagpupumiglas ako sa pagkatali nito pero sobrang higpit, pero 'di pa rin ako nawalan ng pag-asa na matanggal ito. 'Roger, nasaan ka na? Umuwi ka na, please! Iligtas mo ako sa hayok sa laman na si Ian!'Napaiyak na lamang ako ng nakarating na si Ian sa bandang puson ko. Pinipilit ko pa rin na makawala sa pagk
NAGPUPUNAS AKO ng mga alikabok sa sala ng biglang sumulpot si Ian sa aking tabi. Napahawak ako sa aking dibdib dahil sa pagkabigla. " Nerbyosa ka pala, Sabrina." ani niya. "Hindi naman po." Matipid kong sagot dito. 'Sino ba naman kasi ang hindi magugulat kung bigla ka na lang sumulpot at magsalita?' Aburido kong pagrereklamo sa aking isipan. "Ready ka na bang gawin ang ipagawa ko sayo ngayon?" Makahulugan itong ngumiti sa akin. 'Magpalinis lang ng silid ang dami pang pasakalye nito.' Naiimbyerna na pagmamaktol ko sa aking isipan. "Ano po ba ang ipapagawa mo sa akin, sir?" Mahinahon na tanong ko pa rito. "Basta. Halika na, at nang maaga natin masimulan ang ipapagawa ko sayo.." Malambing na wika pa nito sa akin. Nangangaliskag ang mga balahibo ko sa katawan sa inakto nito. Hindi naman panget si Ian. Kung tutuusin ay may hitsura ito. Pero dahil sa manyakis ito kaya hindi nakakahalina ang katikasan nito sa aking paningin. Siguro kung ibang babae ay tiyak na mahuhumaling kaagad d
"AYOS KA LANG BA, neng?" Bungad salubong na bulong sa akin ni ate Melleza. Mahahalata sa boses nito ang labis na pag-aalala."A-ayos lang po ako," pilit kung pinapakalma ang aking boses dahil alam kong nakasunod sa akin si Ian. Makahulugan kong tinitigan si ate Mel at nakuha naman nito kaagad ang gusto kong iparating. Pagkapasok namin ay iniba nito ang usapan. Nag-utos si ate Mel ng mga maaari kung maitutulong sa kan'ya. Ang mga pinamili ko sa palengke ngayon ay ang stocks ng kakainin naming tatlo. Kahit papaano ay nawaglit sa isipan ko ang takot na naramdaman ko para kay Ian. Nagsimula nang magluto si ate Melleza, habang sinasalansan ko ang mga pinamili ko sa lagayan."Gusto mo bang sa kwarto ko muna matulog ngayong gabi, neng?" Biglang alok ni ate Melleza sa akin. Napalingon kaagad ako sa aking likuran bago ko tiningnan ang kinaroonan niya. Medyo nahimasmasan ang aking nararamdaman nang mapagtanto ko na hindi na pala sumunod si Ian dito sa kusina. "Sige po, te. Kukuha l
"UUTUSAN SANA KITA na mamalengke ngayon, Sabrina. Kaso, ikaw at si Ian ang magkasama. Kaya, ako na lamang ang aalis. Ikaw na muna ang bahala na magbantay rito, ha? H'wag kang basta-basta magpapasok nang mga hindi mo kakilala rito. Dahil hindi rin talaga safe. " Saad pa ni ate Melleza sa akin.Gusto ko sana na ako ang magstay rito na mag-isa kaso naisip ko rin na baka kung magpaiwan ako rito sa bahay, baka pagnanakaw naman ang ibebentang sa akin ni ninang. Kaya imbes na sang-ayonan ang sinasabi ni ate Melleza sa akin, ay nagpresinta na lamang ako na ang mamalengke."Sigurado ka na ba sa desisyon mo, neng?" medyo may pag-alinlangan pa na tingin sa akin ni ate Melleza."Opo. Ayos lang po ako. Mas mabuti po na ikaw ang magstay rito kasi mahirap na rin po na ako ang maiwanan dito. " aniya ko pa rito.Nababahala pa rin ang hitsura ni ate Melleza sa naging desisyon ko pero napapayag ko pa rin ito sa huli.Binigay kaagad ni ate Melleza sa akin ang listahan ng mga bibilhin. Tinawag nito si Ia
"BAKIT HINDI NINYO KAAGAD sinabi sa akin na may sakit pala si Roger?"Nakapameywang na tanong ni ninang sa amin. Kasalukuyan na tiningnan ng private doctor nila ito sa silid nito. "Kanina pa po kasi namin gustong ipaliwanag sayo 'yong totoong dahilan kung bakit hindi kaagad nasabi sa inyo ni Sabrina ang totoo." Malamig na sagot ni Malou kay ninang. Bagay lang talaga na si Malou ang napili ni Roger na maging kapalit ko. Mukhang hindi kasi ito basta basta na lang na maaapi. "Okay, I apologize for what I did. " Tagos sa ilong na paghingi pa nito nang paumanhin sa amin. Halata namang napipilitan lamang ito na humingi ng despensa. Pero malaki ang pasalamat ko kay Malou at denepensahan pa rin ako nito kahit na alam nitong puro kasinungalingan lamang ang sinasabi nito kay ninang. "By the way, Sabrina. Since nandito na ang magiging kapalit mo kay Reema ay pansamantala ka munang magstay sa room ni mang Oming dahil you can't stay in the guest room dahil nand'yan ang pinsan kong si Ian. "
MGA BANDANG ALA UNA na kami bumiyahe. Kinailangan pa kasi namin na hintayin matapos kumain ni Roger dahil alas onse na ito nagising. Mabuti na lamang talaga na tinulungan ako ng magkapatid na magligpit ng mga gamit namin. Kaya natapos kaagad. Habang nasa byahe ay walang ibang ginawa si Roger kundi ang matulog. Hinayaan na lang namin ni Malou ito. Nagkuwentuhan din kami ni Malou. Kailangan ko siya kausapin dahil baka bigla na lamang itong antukin sa byahe. Pare-pareho pa naman kaming puyat. Nagbukas ako nang paksa. Nakiusap ako sa kaniya na h'wag sabihin kay ninang na magkasama kami ni Roger ng ilang araw. Basta kapag tinanong siya nito, sasabihin lamang niya na sinundo nila ako sa terminal ng bus. Hindi naman ito nagtanong pa kung bakit, kaagad itong sumang-ayon sa pinakiusap ko rito. Tinanong ko rin ito tungkol sa sunog. Medyo may pag-alinlangan pa itong ngumiti sa akin bago nagsalita."Inggit ang dahilan sa sunog noon. At ang iginigiit ng nahuling salarin na si kuya Ben ang may