"WHAT the hell! Paano ka nakapasok sa kwarto ko?" Bakas ang matinding gulat sa mukha n'ya nang makita akong nakapaibabaw sa kanya. Hindi ko s'ya masisisi sa naging reaksyon n'ya. Hating-gabi na nang pumuslit ako sa loob ng kwarto n'ya.
I'm his beautiful intruder. Aba! Dapat magpasalamat s'ya dahil ako na mismo ang lumapit sa kanya para harutin s'ya.By the way, I'm Fana. I'm a pure-blood vampire who hates human blood but when I tasted his blood everything changed. Reiner Judd Peterson. Parang Domaine Romanee-conti na isa sa pinaka-masarap at expensive na wine sa buong mundo ang kanyang dugo, and the smell arrggh! I'm addicted.Now, I'm here to taste his blood...and lips again. Gagawin ko ang lahat para malasahan lang ulit ang dugo n'ya. Kahit magmukha akong pinakamaganda at sexy na akyat-bahay ay gagawin ko.Oww. Ginawa ko na pala ngayon. Hahaha! Silly me.I licked my lower lips before claiming his delicate lips. Nakapaibabaw ako sa kanya ngayon habang abala sa paggalaw ang labi ko sa kissable lips n'ya. Damn! Ang sarap."Kiss me back," utos ko sa kanya."I don't know how to k-kiss a girl," pag-amin n'ya. Ilang sandali akong napatitig sa mukha n'ya bago humagalpak ng tawa.This boy needs a lesson."Let me teach you boy." Mapang-akit ang boses ko na bulong sa kanya habang hinahaplos ang matipuno n'yang dibdib. Not bad for a 23 year old boy. "Sabayan mo lang ang paggalaw ng labi ko." dugtong ko before crashing our lips once again.Napangiti ako sa gitna ng kissing session namin nang maramdaman ko ang paggalaw ng labi n'ya. Nagsimulang lumikot ang kamay ko sa loob ng t-shirt n'ya na halatang nagugustuhan ng katawan n'ya. He's reacting to my touches."Ahhh," d***g n'ya nang kagatin ko ang ibang labi n'ya dahilan para masugatan ko s'ya."Yum," usal ko nang malasan muli ang dugo n'ya. Sh*t! I need to get hold of myself. Baka mawalan ako ng control sa sarili ko at maubos ko ang dugo nang batang 'to."Your eyes," saad n'ya."I know." My eyes are changing their color. Ganito kaming mga bampira kapag nakakalasa ng dugo. "Are you scared of me?""No. Y-Your pretty." Tinitigan kong mabuti ang mga mata n'ya. His brown orbs are fascinating. This boy is something. Alam kong malayo s'ya sa mga lalaking pinaglalaruan ko pero bakit nagagawa n'yang hatakin ang atensyon ko at palakasin pa lalo ang pagnanasa ko sa kanya?Nagsimulang maging abnormal ang pagtibok ng puso ko at hindi magandang senyales iyon para sa akin. Naupo ako sa hita n'ya at napasapo sa dibdib ko. Parang ano mang oras ay sasabog ang dibdib ko. What the hell!Hinampas ko ang dibdib ko nang paulit-ulit dahil hindi ko maipaliwanag ang nangyayari sa puso ko. This is new to me. Alam kong hindi ako nauuhaw at hindi rin ako gutom kaya bakit nagkakaganito ito ngayon."Ayos ka lang ba? H-Hoy miss! Bakit mas lalo kang namumutla?" taranta n'yang tanong.Nang maupo s'ya ay kaagad kong ipinulupot sa bewang n'ya ang mga binti ko. Akmang kakagatin ko na sana ang leeg n'ya nang mapatigil ako dahil sa pagyakap n'ya sa bewang ko at paghaplos ng mga kamay n'ya sa likuran ko."Ang lamig mo," bulong n'ya.What's happening to me? Kanina lang ay gusto kong sakmalin ang leeg n'ya at ubusin ang natitirang patak ng dugo sa katawan n'ya pero nagawa n'yang pakalmahin ang halimaw sa loob ko sa pamamagitan lang ng pagyakap n'ya sa akin.His voice and his touch are soothing and his arms seem the best place for me.Abnormal pa rin ang pagtibok ng puso ko pero mas masarap na ito ngayon sa pakiramdam, hindi katulad nang nauna na may halong takot at kaba dahil sa pagpapanic ko kanina.Did he bewitch me?FANA 24 HOURS EARLIER Hindi naka-base sa dugo ng tao ang pagiging immortal naming mga vampira, it's in our veins and blood. Kahit uminom ako ng dugo ng hayop sa ilang libong taon kung pamumuhay sa mundong 'to ay wala 'yong magiging masamang epekto sa katawan ko. Basta busog ako ay solve na ako. Simula nang mapalayas ako isang libong taon na ang nakakalipas sa teritoryo ng angkan ko ay nanirahan na ako kasama ng mga tao sa ciudad. Masyadong magulo ang buhay naming mga bampira lalo na kapag magkakasama kami sa iisang lugar kaya naman blessing in disguise ang ginawa nilang pagpapalayas sa akin. "Oh sh*t! Those tits are amazing," Papuri sa akin ng isang lalaki nang dumaan ako sa harap ng mesa nilang magbabarkada. Sa isang libong taon kong pamumuhay bilang isang mortal ay may naipundar na ako para sa sarili ko. I owned a bar in a city at walang gabi na hindi dinadagsa ang pinasok kong negosyo. I love the noise, the crowd and the hotties who are eyeing me right now. Marami sila and I l
PRESENT He's so warm. Gusto ko ang init nang katawan n'ya at ang init na ibinibigay n'ya sa akin. I want him. I want to touch him now. "T-Teka lang miss." Hinuli n'ya ang kamay ko bago pa man ito pumasok ko sa loob ng boxer n'ya."Ayaw mo ba?" kunot-noong tanong ko kay Reiner. Nakita ko ang pagtaas-baba ng adams apple n'ya kaya naman lihim akong napangisi dahil alam kong may epekto ako sa kanya."I-I don't even know you. Hindi ko alam kung paano ka nakapasok rito sa kwarto ko. Kapag nalaman ni mama na may babae rito ay siguradong gugulpihin n'ya ako. Sorry, but you have to leave miss. Okay ka naman na diba?""I'm Fana and I'm a vampire." Walang pag-aalinlangan kong pakilala sa kanya. "Ayan, magkakilala na tayo." Pinunit ko ang suot n'yang t-shirt na ikinagulat n'ya. Bago ko pa man s'ya muling mahalikan ay naitulak n'ya ako nang malakas bago takpan ng kumot ang buo n'yang katawan.I'm 100% sure that his still a virgin. Interesting."Nababaliw ka na ba?!" asik n'ya. "Pwede bang umalis
REINER I met a real life vampire. Sinampal ko ang sarili ko para ibalik sa tamang katinuan ang sarili ko. Bampira ba talaga s'ya? Well, she jump out of my window at walang normal na babae ang makaka-survive 'don depende na lang kung pinagkalooban ka ng kakaibang kapangyarihan. She's a vampire. Her eyes and her ability says it all. But wait, hindi ko pa nakikita ang pangil n'ya. Maniniwala lang ako kung makikita ko ang pangil n'ya. "Anak, ayos ka lang ba?" tanong ni mama nang ipatong n'ya sa harap ko ang gatas na tinimpla n'ya para sa akin. "Mom, I'm not a kid anymore. Bakit gatas?" "Anak, mas masustansya 'yan kesa sa kape." Napabuntonghininga na lang ako. Kung makikipagtalo pa ako kay mama ay baka mapunta na naman ang sermon n'ya simula nang iluwal n'ya ako hanggang sa kasalukuyang hinanaing n'ya sa akin. Wala akong nagawa kundi ang inumin ang gatas na nasa harapan ko. Yum–uckkk! "Son, are you sure you don't want to come with me?" tanong ni mama sa akin. She will be flyigng nex
"Toy?" pagak akong napatawa. "Yes. You heard me right, baby." mapang-akit na saad ni Fana na nagpataas ng mga balahibo ko. Baby? What hell? "Wait, saan ka pupunta?" "Uuwi na," sagot ko. "And I don't want to be your toy. Hindi porket mas mahina kaming mga mortal sa inyong mga bampira ay magagawa n'yo na ang gusto n'yong gawin sa amin. Ang pinaka-ayoko sa lahat ay ang dinidiktahan ang galaw at mga desisyon ko," pahayag ko. Lalabas na sana ako nang may malakas na kamay ang humatak sa braso ko. Napaubo at napadaing sa sakit ng tumama ang likuran ko sa malamig na pader. "At ang pinaka-ayoko sa lahat ay ang tinatanggihan ako." Tiim-bagang na pahayag ni Fana habang nanlilisik ang mga mata n'yang nakatitig sa akin pero unti-unti ring lumambot ang ekspresyon n'ya nang mapansin siguro nito ang pagngiwi ko dahil sa sakit. "Ang tigas kasi ng ulo mo." Halos pabulong na saad n'ya. Kasalanan ko pa ngayon? Wala sa sariling napalunok ako ng laway ng idiin n'ya ang katawan n'ya sa akin saka n'ya
"T*ngina! Saan ka kumuha ng gatas?" tanong sa akin ni Ryder habang masama ang tingin sa hawak kong boxed milk. "Sa akin na nga 'yan!" Kinuha n'ya ito sa akin kaya ang straw na lang ang naiwan sa bibig ko saka n'ya 'yon ibinato sa malayo. Narinig ko pang may d*****g na natamaan dahil sa ginawa ni Ryder. Mabuti na lang karton 'yon at hindi bote.G*go rin kasi 'tong si Ryder."Nasa bar tayo, Reiner at wala sa ilalim ng daster ng nanay natin." Inilapag n'ya sa harap ko ang baso ng beer."Mag-aala dragon ang mama ko kapag nakita n'yang hindi ko ininom ang ipinuslit n'yang gatas sa bag ko," depensa ko."You can throw it, Reiner kung napipilitan kang uminom ng gatas.""I know, pero hindi ako katulad mong walang konsensya," pambabara ko sa kanya na ikinatawa n'ya nang malakas.Kinuha ko ang kaharap kong alak at nilagok iyon. Napangiwi pa ako nang humagod ang pait at lamig sa lalamunan ko. Umiinom din naman ako ng alak pero bihira lang. Hindi katulad ni Ryder na ginawa ng tubig ang beer."Isa p
FANA“What happened? Bakit nakabusangot ka?” tanong sa akin ni Toby habang abala s'ya sa paggawa ng mojito na request ko sa kanya.“Wala,” saad ko kahit ang totoo ay badtrip na badtrip ako dahil sa nangyari kanina.Ang lakas ng loob ng mortal na ‘yon na tanggihan ang offer ko tapos sa pangit lang pala ako ipagpapalit! Arrghh! Humanda s’ya sa akin mamaya. Pupuslit ako sa kwarto n’ya at sasakalin s’ya sa pagtulog n’ya hanggang sa malagutan s’ya ng hininga.Hmp. Akala n’ya siguro magiging mabait ako porket may utang na loob ako sa kanya.Never!“S’ya nga pala, nakita ko ang lalaking niligtas mo noong nakaraang araw kay Mateo?” pahayag ni Toby.“Oh tapos?” labas sa ilong na tanong ko.“Wala lang,” natatawang saad n’ya kaya naman sinamaan ko s’ya ng tingin. Alam na alam ko kapag nakabungisngis ang bampirang ‘to.Yup! Toby is a pure blood vampire like me. S’ya lang ang nag-iisang bampira na pinagkakatiwalaan ko, because like me, he hates killing humans to fullfill his hunger. Yes, he drinks
"Fana," untag sa akin ni Toby kaya naman naputol ang pag-iisip ko nang malalim. "Kanina pa kita tinatawag pero titig na titig ka d'yan sa freezer sa refrigerator. Init na init ka ba sa buhay mo?" tanong ni Toby. Kaagad kong isinara ang pinto ng ref saka ko hinaplos ang batok ko. I'm having this weird feeling. Para bang may nakamasid sa bawat galaw ko nitong mga nakaraang araw. Sinusubukan kong pakiramdaman kung saan nanggagaling ang presensya ng lapastangan pero hindi ko s'ya magawang mahanap. Vampires. Nagsimula 'to noong unang burol ni Rosarie at ngayon nga ay huling araw na ng kaibigan ko bago s'ya ilibing bukas. "W-Wala na pala akong stock ng dugo," pagdadahilan ko kay Toby. "Uuwi muna ako sa cabin para kumuha ng stock," dagdag ko bago dali-daling lumabas ng bahay. Tumalim ang mga mata ko habang nililibot ang tingin sa madilim at malamig na kapaligiran. Kung nitong lumipas na araw ay natago pa nila ang amoy nila ngayon ay hindi na. What do they want?
Tuluyan akong nakahinga nang maluwag nang maglaho sa harap ko ang kapatid ko. Alam kong nasaktan ko s'ya sa mga sinabi ko pero 'yon lang ang nakikita kong paraan para umalis s'ya at sana lang ay 'wag na s'yang matangkang bumalik pa. Napalingon ako kay Reiner nang maramdaman ko ang kamay n'ya sa balikat ko. Bakas ang pagaalala sa mukha n'ya habang nakatitig sa duguan kong braso dahil sa pagkagat sa akin ni Flavia. "You're bleeding." "I know. I can see that," saad ko. Aalis na sana ako nang maramdaman ko ang biglang pag-angat ng katawan ko. Mabilis akong napakapit sa balikat ni Reiner nang buhatin n'ya ako paakyat sa cabin ko. Pinilit kong itago ang kilig na nararamdaman ko pero hindi ko mapigilan ang ngiti na pilit na kumakawala sa labi ko. Hindi naman binti ko ang may tama at sigurado akong kaya ko ang sarili ko pero dahil gusto ko ang kiliting 'to sa sikmura ko ay hinayaan ko na lang s'ya. This is what humans called, 'Butterfly in my stomach.' Huh! This fee
So here's another cunning but not a vampire-ish story...***MANY YEARS LATERCHILDHOOD DAYS "Lumayo-layo ka sa akin kung ayaw mong tapusin ko ang buhay mong h*nayupak ka," pagbabanta ni Flavia nang maramdaman ang presensya ni Toby nang tumabi ito sa bakanteng swing na katabi n'ya. Kahit hindi n'ya ito lingunin ay sigurado s'yang ito ang lalaking kinamumunghian n'ya ng maraming taon. His scent is still the same. Walang pinagbago ang lalaki sa maraming taong paghihiwalay nila. "Stalking those kids again?" "Shut up," madiing saad ni Flavia. "Balita ko ay break na kayo ng long time boyfriend mo." Mabilis na napalingon si Flavia kay Toby dahil sa naging pahayag nito. Nakangiti ito sa kanya ng pagkalawak-lawak kaya hindi n'ya mapigilang mairita pa lalo sa pagmumukha nito. "Huh! Mukhang maling chismiss ang nasagap mo. Hawk and I are getting married soon. Oo, break na kami sa pagiging mag-boyfriend at girlfriend dahil magiging mag-asawa na kami." Pagmamalaking ni Flavia na nagpa-igtin
5 YEARS LATER"Fanessa!" Natigil ako sa dapat na pagpindot ng doorbell mula sa kaharap kong gate nang muling marinig ang pangalan na 'yon matapos ang limang taon. May epekto pa rin pala sa akin ang pangalan ni Fana. Nagagawa pa rin nitong patibukin ng mabilis ang puso ko kahit maraming taon na s'yang wala sa tabi ko.5 years had passed, pero s'ya pa rin ang laman ng puso ko. I never move on. Nakita ko ang isang batang babae na lumabas sa kaharap kong bahay habang yakap-yakap ang isang...uwak? Tama! Isang uwak nga ang yakap n'ya. Hindi ba delekado para sa batang katulad n'ya ang gan'yang hayop?Natigil lang s'ya sa pagtakbo nang makita ako. "Hi po. Ikaw po ba ang sinasabi ni daddy ka na bisita n'ya today?" Inosenteng tanong n'ya sa akin. "O-Oo. Ako nga. I'm your tito ninong Reiner.""Tito ninong! Yehey! Kita na kita." Hagikgik n'ya. S'ya na mismo ang nagbukas ng gate. Binitawan n'ya ang hawak n'yang uwak saka n'ya hinawakan ang kamay ko. Hinila n'ya ako papasok pero kaaga
'You're stronger than you think, Reiner. Kahit wala ako sa tabi mo ay alam kong magagawa mong tumayo sa sarili mong mga paa. Lagi mong tatandaan, mahal na mahal na mahal kita.' – Gustuhin ko man na sumunod sa kanya ay iyon naman ang paulit-ulit na nagpi-play sa utak ko sa tuwing sinusubukan kong kitilin ang sarili kong buhay.Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang buhay ko ngayong wala na s'ya sa tabi ko. "Naayos mo na ba ang mga gamit na dadalhin mo, anak?" tanong sa akin ni mama pagpasok n'ya sa kwarto ko."Opo," tipid kong sagot–walang kabuhay-buhay ang boses ko at walang emosyon ang mukha ko. "Kung ganun ay ibaba mo na ang mga maleta mo. Mayamaya lang ay nandito na 'yon si Ryder para ihatid tayo sa airport." Tumango lang ako kay mama bilang sagot.Limang buwan na ang lumipas nang mamatay si Fana pero para sa akin ay parang kahapon lang nangyari ang lahat. Masakit pa rin. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang gagawin ko para maibsan ang sakit na nararamdaman ko sa
REINER"Fana! Wait!" sigaw ko habang hinahabol ang papalayo n'yang bulto. Kanina pa ako tumatakbo papalapit sa kanya pero hindi ko s'ya magawang abutin. "Fana!" pagtawag ko ulit sa kanya. Nagbabakasakaling lingunin n'ya ako pero nagpatuloy lang s'ya sa paglalakad palayo sa akin.She can't hear me.Napahawak ako sa magkabila kong tuhod habang hinahabol ang hininga ko dahil sa kapaguran. "Reiner."Mabilis akong napaangat nang tingin kay Fanessa ng tawagin n'ya ako. Nakaharap na s'ya ngayon sa akin pero dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha n'ya ay hindi ko gaanong makita ang maganda n'yang mukha pero alam kong nakangiti s'ya sa akin. I can feel it."F-Fana, come here." Binuksan ko ang mga braso ko, naghihintay na tumakbo s'ya papunta sa akin at yakapin ako pero bumagsak ang mga balikat ko nang dahan-dahan s'yang umiling. "Kailangan ko nang umalis. Take care of yourself, Reiner. Habang wala ako ay gusto kong alagain mong mabuti ang sarili mo. I won't forbid you to fall
Napadaing ako nang idiin pa lalo ng bantay ang sibat sa leeg ko. Hinawakan ko ang handle at pinilit na ilayo ang talim sa laman ko pero nanalo pa rin s'ya sa pagbaon nito pabalik sa sugat ko. "Hahaha! Iyan ang mga napapala ng traydor na katulad mo! Isusunod ko ang kapatid mo kapag napatay na kita!"Muli akong namilipit sa sakit. Hindi ko magawang pagalingin ang sarili ko dahil sa paulit-ulit n'yang pagsaksak sa akin. Kapag ipinagpatuloy n'ya pa ito ay siguradong tuluyang hihiwalay ang leeg ko sa katawan ko.Nakangising lumapit sa akin si Oslo saka n'ya hinawakan ang buhok ko at hinila 'yon."Ahhhhh!" Nanggagalaiti kong sigaw sa kanya."Cut her throat–No. Cut her whole neck," utos n'ya sa bantay. Binunot ng bantay ang sibat sa leeg ko pero bago pa man 'yon muling dumikit sa balat ko ay mabilis nang nawala sa harap ko ang lalaki. Narinig ko na lang ang malakas na pagbitak ng mga pader sa dulo ng hallway kung saan nandoon ang bantay at nakahandusay.Bigla ring nawala si Oslo sa
"Fana!" tawag sa akin ni Thana nang makapasok ako sa kwartong pinagdalhan sa akin ni ama at Zel. Nasa loob si Fana, Ryder, Reiner at si ina na mukhang kanina pa naghihintay sa pagdating namin. "A-Anong ibigsabihin nito?" Naguguluhan kong tanong. Dapat ay kagabi pa sila umalis pero bakit nandito pa rin sila?"Sinalakay ng mga tauhan ni Supremo ang pinagtataguan nila kahapon. Mabuti na lang at nandoon din ako at si Zel kaya nagawa namin silang protektahan. Kung hindi siguro nag-cross ang landas namin ng apo ko ay baka nagawa na ni Supremo ang plano n'ya sa mga kaibigan mo," sagot ni ama.Mahigpit akong yinakap ni Thana nang makalapit s'ya sa akin. "Pinag-alala mo ako." Iyak n'ya kaya naman ginantihan ko rin s'ya nang mahigpit na yakap. "Thana, kakausapin ko lang muna sina ama." "S-Sige." Bumaling ulit ako kay ama at Zel nang bumalik si Thana kina Ryder. Hindi ko na tinapunan pa ng tingin si Reiner dahil ramdam ko ang masama ng n'yang tingin sa akin. "Ano nang manyayari ngay
"R-R-Reiner," utal kong tawag sa kanya nang tanggalin ko ang pangil ko sa leeg n'ya. Mabilis na bumagsak ang mga luha ko nang tuluyan kong mapagtanto kung ano ang ginawa ko sa kanya. Nanginginig ang mga kamay kong hinaplos ang malamig n'yang pisngi saka ako sumigaw nang sumigaw."H-Hindi! P-Please wake up! Reiner! H-Hindi ko sinasadya!" Hagulgol ko. Mahigpit kong yinakap ang wala n'yang buhay na katawan at muling sumigaw dahil sa matinding lungkot at galit para sa sarili ko.I-I killed him. Naulit na naman ang mga nangyari noon. Namatay s'ya katulad nang ginawa kong pagpatay kay Reign at Rei.***MABIBIGAT ang mga talukap ng mga mata ko nang unti-unti ko iyong idilat. Natulog lang naman ako pero bakit pagod na pagod ang katawan ko? Muli akong pumikit para pakalmahin ang dibdib ko na puno ng kaba at takot.Alam kong panaginip lang ang mga nakita ko kanina na kagagawan ni Supremo pero bakit ang sakit-sakit? Para bang totoong-totoo ang mga nasaksihan at ginawa ko kay Reiner.Supremo
YEARS AGO "Bakit ka umaakyat sa puno?" puno ng pagtataka kong tanong kay Reign nang maabutan ko s'yang nag-aala unggoy."Mamimitas ako ng prutas," sagot n'ya sa akin. "Ako na lang gagawa nun. Baka mahulog ka. Mahihina pa naman ang mga buto n'yong mga mortal," pahayag ko na ikinatawa n'ya nang malakas kaya napasimangot ako. Ano namang nakakatawa sa sinabi ko? Totoo naman talagang mahihina ang mga buto nilang mga mortal. Ang bilis nilang mapilayan at masugatan hindi katulad saming mga bampira."Kung makapagsalita ka ay parang hindi ka mortal, binibini."Hindi naman kasi talaga ako mortal. Gusto ko 'yong sabihin sa kanya pero mas pinili kong itikom na lang ang bibig ko.Ipinagpatuloy n'ya ang pag-aktay sa puno. Hindi ko maiwasang mag-aalala dahil kitang-kita ko na nahihirapan s'yang abutin ang isang bunga. Isang maling galaw n'ya lang ay siguradong lalagapak s'ya sa lupa. Nag-abang ako sa ibaba para in case na mahulog s'ya ay ako na lang ang sasalo sa kanya."Mukhang hinog na
FANA"Where are they?" walang kabuhay-buhay kong tanong kay Toby habang nakatitig sa walang malay na katawan ni Reiner."Kasama nila ngayon si Flavia. Aalis sila mamayang hating-gabi kaya wala ka ng dapat pang ipag-alala. Makakaalis sila sa lugar na 'to nang hindi nalalaman ni Supremo o ni Oslo." Paninigurado sa akin ni Toby."Salamat." Naglakad ako palayo at naupo sa kama patalikod sa kanila. Doon ako tahimik na umiyak. Sobrang bigat para sa akin ng desisyon kong ito pero para rin naman sa kapakanan nila kung bakit ko kailangang isakripisyo ang sarili ko. "Aalis na kami."Tumango ako. "Takecare of them.""Okay," sagot sa akin ni Toby. Isinampa n'ya sa balikat n'ya si Reiner bago tuluyang lumabas nang kwarto ko. Nang mawala sila sa paningin ko ay doon na ako napasalampak sa sahig at humagulgol nang iyak. Abot kamay ko na ulit s'ya pero mas pinili kong pakawalan si Reiner sa pangalawang pagkakataon. Katangahan ba ang ginawa kong pagbitaw sa kanya? Katangahan ba ang ginagaw