CATHLYNIlang minuto na rin akong nakatitig sa ceiling ng kuwarto ko. Hindi ako makapaniwala sa nakuha kong tawag mula kay Lucas kagabi pagkauwi ko galing sa shop."Ano? Nasaan si Maxine? Paanong umalis siya?" Nag-aalala kong tanong kay Lucas ng matanggap ko ang tawag niya.Ang buong akala ko ay ayus na ang dalawa at mabuti na ang kalagayan nito kay Lucas mula ng pansamantalang iwan ni Maxine ang asawa at umuwi ng La Union."Si Liza ang kumuha kay Maxine at hindi pa namin alam kung saan siya dinala ng babaeng iyon." Pagbabalita ni Lucas sa akin. Bakas sa boses nito ang lungkot at pagod.Bigla rin akong natakot para kay Maxine ng malaman kong nasa kamay ito ni Liza. Hindi pangkaraniwang ang babaeng si Liza base sa kuwento ni Maxine sa akin. At ngayon na magkasama ang dalawa ay hindi ako mapapanatag lalo at hanggang ngayon ay hindi pa rin nakikita ang kaibigan ko."Sige, pupunta ako d'yan sa bahay nyo para maalagaan ko rin ang anak ninyong dalawa habang hinahanap mo si Maxine at ang bru
CATHLYNKatulad ng nakasanayan ko ay maaga akong gumayak para magpunta sa shop.Wala akong idea kung makikita ko si Sir Ezekiel sa shop o hindi. Gagawin ko ang trabaho ko at ang sa tingin ko ay tamang dapat na gawin, at iyon ay ang magpatuloy sa buhay para sa mga bagay na gusto kong magkaroon ng katuparan.Kung titigil akong mag-isip, kumilos at palagi kong iisipin kung ano nga ba ang posibleng hatid ng hinaharap sa amin ni Sir Ezekiel ay baka tuluyan na akong panghinaan ng loob.Palagi ko lang kakaawaan ang sarili ko dahil hindi ko kayang panghawakan ang nararamdaman ko para sa kanya.Nang dahil lang sa biglang pag-iba ng nararadaman ko para sa kanya ay kakalimutan ko na ang lahat sa buhay ko.Kailangan kong magpatuloy at huwag hayaang diktahan ng puso ang isipan ko. kapag nangyari iyon, makukuha ko ang matagal ko ng inaasam na tagumpay sa buhay.Ganoon din si Sir Ezekiel, mas lalo siyang magiging matagumpay higit sa tinatamasa niyang buhay ngayon. Baka ganoon na lang talaga ang tadh
CATHLYNLumipas ang mga araw at hindi nga ganoon kadalas kaming magkita ni Sir Ezekiel sa shop. Tumatawag o nag te-text na lang siya kapag may importante itong dapat na sabihin sa akin.Hindi ko alam kung dapat ko ba itong ikatuwa dahil kahit papaano ay hindi nahihirapan ang puso ko sa tuwing nakikita ko siya ng madalas. Hinahayaan niya rin akong magdecide sa ilang bagay tungkol sa shop na hindi niya ako personal na kinakausap, may tiwala daw siya sa akin na kaya kong imanage ang business na tinayo naming dalawa.Sa kabilang banda, dapat din akong malungkot dahil parang iniiwasan niya akong makasama at makita na para bang kasalanan ang kausapin niya ako ng harapan.Unti-unti ay natutunan ko na an buhay sa shop na hindi ko kailangan tanungin ang sarili ko kung ano talaga ang magpapasaya sa akin.Sa tulong ni Sir Ezekiel, natagpuan ko kung ano talaga ang gusto kong marating sa buhay kaya kahit paano ay napapawi ng katotohanang iyon ang pangungulila ko sa kanya.Malamang na busy ito kay
EZEKIELI'm now in my own penhouse where I choose to stay. Kaaalis lang ni Pia kanina ng dumalaw siya at may dala pang mga pagkain.Lately, I refrained from visiting the shop and seeing Cathlyn. I made myself busy just not to think of her.Ang buong akala ko ay sapat na ang mapalapit sa kanya para makuha siya pati ang pag-ibig nito, but I discovered it wrong.Mas nasasaktan ako sa tuwing lumalapit ako sa kanya pero siya naman mismo ang lumalayo. At napatunayan ko iyon ng ilang beses ko siyang halikan.Alam kong napipilitan lang siyang sumunod sa akin just for the sake that we are business partners.Kahit na anong gawin ko ay hindi ko pa rin maramdaman na makakaya niya akong mahalin. There's a hesitation, fear and totally she's not comfortable being near with me.That's why I've decided to temporarily stay away from her.Ayoko siyang pilitin na magustuhan o mahalin ako ng sapilitan. Because it's not the way I wanted her to be in my life.Nahihirapan ako sa tuwing nakikita kong hindi si
CATHLYNLumipas ang ilang araw at hindi nan ga pinabalik ni Sir Ezekiel ang dalawang bodyguards na nagpunta sa shop para bantayan kami o ang mga mamimili.Unti-unti ay bumabalik na ulit ang mga costumer na regular na bumibili sa shop namin.Hindi ko rin namalayan at hapon na rin pala. Busy ang mga kasamahan ko sa shop sa pag e-entertain ng mga costumer.Nang silipin ko ang cellphone ko ay doon ko nakita ang isang text na galing kay Limuel.Busy daw ito sa trabaho kaya hindi nakakadalaw sa shop. Binanggit din nito ang tungkol sap ag franchise nito sa negosyo namin na nakalimutan kong banggitin kay Sir Ezekiel ng huli kaming magkita sa restaurant.Kahit papaano ay nalilibang ako sa mga ginagawa ko dito sa shop kaya paminsan-minsan ay nawawaglit sa isipan ko ang tungkol sa nararamdaman ko kay Sir Ezekiel.Nararamdaman ko na lang na kusang nakakalimot ang isip ko pero hindi ang puso. At kahit na hindi kami madalas na magkita ay namimiss ko pa rin siya.Iyong pagkamiss na gusto ko siyang p
CATHLYNHabang nasa daan kami pauwi ng condo ay hindi ako mapakali. Hindi' ko maiwasang hindi kabahan sa mga nangyayari.Dapat ay takot ang manaig sa akin dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin nakikita ang taong gumawa ng masama sa akin pero heto ako, kung ano-ano ang iniisip.Natutulala ako sa tuwing tatanawin ko si Sir Ezekiel sa tabi ko na nagmamaneho. Hindi ko inaasahan na siya pa mismo ang maghahatid sa akin pauwi ng condo.Alam ko naman na nag-alala din siya kahit paano sa akin dahil empleyado niya ako at may nangyaring masama sa akin kaya dapat lang na mag-alala ito. Pero hindi na siguro kasama sa pag-aalala nito ang mangako sa mga magulang ko na hindi niya ako pababayaan.Nagulat ako ng marinig ko mismo sa mga labi niya ang mga pangakong sinabi niya sa mga magulang ko na para bang hinihingi na nito ang kamay ko sa mga ito para pakasalan.Parang may mga nagliparang paru-paru sa tiyan ko sa isiping iyon na maaring niya akong pakasalan. Tama ng ako na lang ang matuwa dahil sa nak
CATHLYNKulang na lang ay hindi ako huminga habang patagilid akong nakahiga sa kama.Wala akong lakas ng loob para tumihaya o humarap kung saan ngayon kung saan nakapuwesto si Sir Ezekiel.Kung alam ko lang na ganito ang mararamdaman ko ay ako na lang sana ang nag initiate na sa sofa matulog ngayong gabi.Pinakaramdaman ko ang katabi ko sa kama habang nakatitig ako sa bukas na lampshade sa gilid ko.Wala akong naririnig na ingay mula dito maliban sa mahinang tunog ng aircon sa kuwarto.Nakatulog na kaya siya? Ang bilis naman atang gumawa ng tulog ng isa na'to.Sabagay, ikaw ba naman ang pagod maghapon ay hindi ka makatulog agad sa higaan once na masalat na ng likod mo ang kama?Dinama ko ang bawat pagtibok ng puso ko na halos marinig ko na sa sobrang lakas nito. Pinilit kong pakalmahin ang isip ko ng sa gayun ay makisama ito at makatulog na rin ako sa wakas.Buti at nakisama ang katawan ko at parang nakaramdam ako ng pagod kakaisip ng maraming bagay. Isama pa ang nangyaring aksidente
CATHLYNHindi ko namalayan na naubos na pala ang lamang kape ng tasa sa harapan ko. Palitan kong sinusulyapan si Sir Ezekiel at Limuel na kapwa nasa tabi ko.Parang nagtatagisan sila ng tingin at walang gustong magpatalo. Naalala ko tuloy ang ganitong senaryo ng aksidente kaming magkita ni Limuel sa floating restaurant."About the franchising, I'm serious about it." Narinig kong sabi ni Limuel kay Sir Ezekiel."Really?" nang-uuyam na sagot nito kay Limuel."Yeah. Do you have any problem with that? Kinausap ko na si Cathlyn tungkol sa bagay na'yun. And as your business partner, siguro naman may karapatan siyang mag decide para sa negosyo ninyong dalawa hindi? After all, pareho kayong naghirap para maitayo ang business nyo."Hindi agad sumagot si Sir Ezekiel sa sinabi ni Limuel. Ako naman ay tahimik lang na nakasamid sa mga sasabihin at pangyayari sa aming tatlo sa mga oras na'yun.Bago nagsalita si Sir Ezekiel ay tumingin muna ito sa akin saglit."Ano naman ang pinag-usapan nyong dalaw
CATHLYNKagagaling lang namin sa doctor ngayon araw. Hindi pumayag si Ezekiel na hindi ako magpacheck-up pagkagaling namin sa Cavite kinabukasan. Gusto daw niyang malaman ang kalagayan ng baby namin.Natuwa naman ako dahil siya pa mismo ang nangungulit na magpunta kami sa doctor kahit na alam kong marami itong ginagawa sa trabaho.Tinulungan niya akong makahiga ng maayos sa kama. Lahat ng kilos ko ay bantay sarado niya.Natatakot daw kasi siyang isang kilos ko ay bigla akong mabuwal o mabunggo at mapahamak ako at ang anak namin.Akala ko ay hihiga na rin siya pagkatapos niya akong tulungan maging komportable sa kama na siyang una naming tinulugan ng tumungtong ako dito sa mansyon."Saan ka pupunta?" tanong ko sa kanya ng tangka siyang babaling paharap ng pinto.Nagulat din ako sa tanong ko sa kanya. Ayoko namang maging possessive katulad niya pero mas ayokong makita at maramdaman na malayo siya sa akin kahit ilang minuto lang."I'll just take a call, love." Itinaas nito ang cellphone
CATHLYNBantay sarado ako ni Ezekiel simula ng magkita kami sa hospital. Hindi niya ako hinahayaang kumilos na hindi ito nakaalalay sa akin. Kulang na lang ay buhatin niya ako sa tuwing pumupunta ako sa banyo huwag lang akong mahirapang maglakad.Ito ang pinangarap kong mga sandali kasama siya. Ang manatili ito sa tabi ko habangbuhay.Walang ibang salita ang makakapag paliwanag ng sayang nararamdaman ko sa piling niya sa mga oras na ito.Pero sa tuwing sumasagi sa isip ko ang mga sinabi ng mga kinagisnan kong magulang kanina tungkol sa lahat ng pinagtapat ng totoo kong ama ay hindi ko pa rin maiwasang hindi malungkot.It's been twenty-six years since I believe in the truth that I am Cathlyn Agustin. Isang kasinungalingan na nagdala sa sitwasyon ko ngayon.Hindi ko lubos maisip kung paano ako nabuhay sa kasinungaliang iyon.Natuklasan ko mula sa mga bibig nila na totoo ang mga pinagtapat ng tunay kong ama. Humingi sila ng tawad pero sa akin pero sa tingin ko ay kailangan pa ng panahon
CATHLYNNapahawak ako sa aking tiyan ng maramdaman ko ang unti-unting pagdilat ng mga mata ko.Ang takot na kanina ay naramdaman ko ang siyang unang rumihistro sa utak ko kaya agad kong inisip kung ano ang nangyari sa anak ko.Nang makasiguro akong hindi nawala ang pinakaiingatan kong sanggol sa sinapupunan ko ay tila parang isang tinik ang kusang nabunot sa dibdib ko at dahil dun ay tuluyan kong idinilat ang mga mata ko mula sa ilang oras na pagkakatulog.Hindi ko alam kung ano ang ginawa ng mga doctor sa akin pagkatapos akong ipasok sa emergency room at maging sila Manong Cardo ay hindi ko na rin nakita pagkatapos.Nang tuluyang kong imulat ang mga mata ko ay unang hinanap ng paningin ko ang mga taong tumulong sa akin para makarating dito sa hospital at hindi ko inaasahan na makikita ko ang isang taong kinamumuhian ko.Madilim ang mga mata niya na tila nag-aapoy sa galit. Ang kilay niya ay halos mag-abot na ang dulo dahil sa pagkakakunot nito.Tinapatan ko ang bagsik ng tingin niya
4 Months Later"Ate Cathlyn." Napalingon ako sa boses na narinig ko mula sa likuran ko. Tahimik akong nakaupo sa isang upuan na gawa sa kahoy habang hawak ko ang nakaumbok kong tiyan.Hingal na hingal si Angeline ng makarating ito sa kinaroroonan ko."Kanina pa po kayo hinahanap ni papa, ate." Pagbabalita nito sa akin.Nang gabing makatakas ako sa mansyon ng mga Montalvo ay dito ako sa Laguna napadpad. Kasalukuyan kong pinapanuod ang mga isdang naglalangoy ng sabay-sabay sa isang sikat na park dito.Kung bakit ako napadpad sa lugar na ito ay dahil sa kagustuhan kong makatakas sa buhay na inakala kong maliwanag at masaya sa piling ni Ezekiel, pero hindi pala.Dito sa lugar na ito ako napadpad para magtago sa mga taong gusto kong makalimutan at hindi na maging parte ng buhay ko.Habang nag-iisip ako kung saan ako maaaring manatili para tuluyan akong makalayo kay Ezekiel ay naisipan kong dalawin si Mang Cardo na dating siyang una kong nakagisnan na driver sa bahay nila mommy at daddy.Na
CATHLYNLumipas ang isang lingo at nagpatuloy akong nakatira sa bahay ng mga magulang ni Ezekiel. Hindi ko nakitang nag-iba ang tingin nila sa akin simula ng iuwi na ako ni Ezekiel sa mansyon.Palagi nila akong tinatanong kung ano ang gusto kong gawin sa araw-araw para naman hindi ako masyadong ma bored.Hindi ko naman naramdaman ang ganun pakiramdam dahil palagi akong nililibang ni Manang Fe at ng ibang mga katulong sa mansyon.Minsan ay naisipan ko ring tanungin si Ezekiel kung puwede na akong bumalik sa pag mamanage ng shop namin na dalawa na naiwan ko ng pumunta kami na Kalinga pero hindi pa niya ako pinayagan.Natatakot daw siya na baka maulit ang nangyari dati sa shop kung saan ay may pumasok na isang masamang lalake na kalauanan ay nalaman naming isa sa mga empleyado ng kumpanya nila daddy na nagtanim ng galit hanggang sa mamatay ito sa isang aksidente sa Kalinga na ito mismo ang may kagagawan.Simula ng mangyari ang aksidenteng iyon ay natahimik ng kaunti ang takot ko pero nal
CATHLYNGumising ako kinabukasan na mag-isa na lang sa kama. Hindi ko alam kung anong oras na kaya unti-unti akong bumangon para silipin ang labas mula sa Sheer Curtains ng balcony ng kuwarto ni Ezekiel.Mataas na ang araw at sa palagay ko ay nasarap na naman ako ng matulog dahil sa pagod kagabi lalo na at hindi na naman tumigil si Ezekiel hanggang hindi nito nagagawa ang gusto.Napangiti ako ng maalala ko ang pinagsaluhan namin na mga sandali na talagang nagbibigay sa akin ng kakaibang saya sa araw-araw simula ng magsama na kaming dalawa sa iisang bahay.Hindi ko napigilang mapaisip kung posible kayang may nabuo na sa pagniniig namin ng maraming beses? Parang may kung anong kaba ang kumurot sa dibdib ko pero nawala rin ito pagdaka ng maisip ko kung ano ang magiging reaksyon ni Ezekiel kung sakaling magkakaanak na kami.Hinimas ko ang pipis kong tiyan na para bang iniimagine kong katulad ni Maxine ay mae-experience ko na rin na maging isang ina katulad nito.Mahilig ako sa mga bata ka
CATHLYNKatulad ng sinabi ni Ezekiel sa mga magulang nito ay sa kuwarto niya ako mismo pinatuloy pagkatapos naming kumain ng sabay-sabay sa dining area. Sakto rin na kadarating lang ng inutusan ni Ezekiel na isa sa mga kasambahay ng mga ito para kunin ang mga gamit ko sa condo."Love," tawag ko sa kanya ng makita kong tinatanggal na nito ang mga gamit ko sa loob ng maleta habang ako ay prenteng nakaupo sa kama nito sa kuwarto."Yes, love?" saglit niya akong tinangnan pero patuloy pa rin ito sa ginagaawa."Sigurado ba na okay lang sa mga parents mo na dito ako sa kuwarto mo tumuloy? Baka kasi----" nag-aalala lang naman ako sa puwede nilang isipin sa akin, sa amin ni Ezekiel dahil sa padlos-dalos na desisyon ng anak nilang bunso.Oo at may nangyari na sa aming dalawa at huli na para mag inarte pa ako, nasa tamang gulang na rin kami para sa mga bagay-bagay. Kaya lang ay iba syempre ang mga paniniwala ng mga magulang pagdating sa ganitong issue lalo na at hindi pa alam ng mga magulang ko
CATHLYNNagulat kami ni Ezekiel ng ilang minuto pagkatapos ng aksidente ay dumating sila Manong Lito sa lugar kung saan nahulog ang taong sumunod sa amin ng umalis kami sa village.Nag-alala daw si Manong Lito na baka may mangyaring masama sa amin hanggang hindi pa kami nakakababa ng kapatagan kaya sinundan nila kami kasama niya sila Sandro at ang isa pang lalake na may-ari ng sinakyan nilang owner pababa ng kapatagan.Hinayaan na nila kaming makaalis para hindi na kami madamay pa sa imbistigasyon. Sasabihin nilang aksidente ang lahat kaya nahulog ang lalakeng nakaharap ni Ezekiel kanina.Habang nasa biyahe kaming dalawa at nasa kabayanan na ay pareho kaming tahimik. Hindi ko naman siya magawang kausapin dahil parang ang lamin ng iniisip niya.Ang pagiging tahimik niya ay bunga na rin siguro ng sinabi ng lalakeng nahulog kanina sa bangin. Na kahit mamatay ito ay hindi pa rin matatahimik ang buhay naming dalawa at ng pamilya ko.Sunod kong narinig ang pagtunog ng cellphone ni Ezekiel a
CATHLYNKatulad ng naging plano namin ni Ezekiel ay maaga kaming gumayak ng sumunod na araw para makabalik na kami ng Manila sa lalong madaling panahon."Sir Ezekiel, Ma'am Cathlyn...salamat po sa pagbisita nyo dito sa lugar namin. Sana ay maisipan nyo pong bumalik uli dito." Sa una ay masayang sabi ni Manong Lito pero sa huli ay nalungkot din ito lalo na at sa ilang araw namin siyang nakasama. Naging mabait siya sa amin ni Ezekiel."Huwag kayong mag-alala Manong Lito, babalik kami ng asawa ko may aayusin lang kaming mahalagang bagay sa Manila." Paniniguro ni Ezekiel kay Manong Lito, ngumiti naman ito pagkatapos."Masaya kami ni Sandro na nakilala namin kayong dalawa Sir Ezekiel, Ma'am Cathlyn." Si Helen naman ang nagsalita na mangiyak ngiyak ang boses habang nagsasalita.Napangiti naman ako sa sinabi ni Helen at nilapitan siya."Ako rin Helen, masaya na makilala ko kayong lahat dito. At asahan mo na babalik ulit kami dito ni Ezekiel sa lugar nyo." Tumingin ako sa gawi ni Sandro na na