Nang marinig ni Eldreed ang sagot ni Shayne, bigla siyang natigilan, ang ngiti niya bahagyang nanigas sa mukha.Napansin ito ni Shayne at sa wakas ay nakahinga siya nang maluwag. Hinila niya si Andeline na nakatayo sa tabi niya at agad na nagsalita,"Hon, hindi pa ako kumakain maghapon. Kakain muna ako kasama si Andeline. Ikaw na bahala sa mga bisita, siguraduhin mong pasalamatan sila sa pagdalo sa ating 100th days."Narinig ito ng mga negosyanteng nasa paligid at ngumiti ang mga ito."Walang problema, Mrs. Sandronal. Kumain na po kayo, huwag kayong mag-alala sa amin."Ngumiti si Shayne at tumango bilang pasasalamat. Bago siya tuluyang lumakad palayo, tinapunan niya si Eldreed ng pilyong sulyap at kumindat pa, saka hinila si Andeline papunta sa food area.Naninigas ang pisngi ni Eldreed, bahagyang kumibot ang kanyang labi, pero pinigilan niyang ipakita ito sa iba. Akala ng lahat, ito ay isang special na paraan ng "paalam" sa pagitan ng mag-asawa, kaya nagtawanan na lang ang mga bisita
Pero si Eldreed, na halos wala nang malay, ay parang isang malaking baka—hindi siya matulak ni Shayne. Sa halip na lumayo, lalo pa itong dumikit sa kanya, at mas hinigpitan pa ang pagkakayakap. Ang magandang mukha niya ay nakasubsob na ngayon sa dibdib ni Shayne habang mahina itong nagbulong, "Ang init..."Habang nagsasalita, tinanggal niya ang kanyang kurbata at sinimulang hubarin ang kanyang damit.Napanganga si Shayne sa gulat habang nakikita ang lalaking nasa harapan niya na tila nagsasagawa ng isang strip show. Mabilis niyang hinawakan ang kamay nito para pigilan.Alam niyang walang silbi ang pagsaway sa taong lasing, kaya naisip niyang kailangang gumamit ng puwersa. Sinamantala niya ang sandali habang si Eldreed ay abala sa pagbubukas ng damit at nakarelaks nang bahagya. Bigla siyang pumihit at nakawala sa ilalim nito, pagkatapos ay mabilis na pinigilan ang lalaki sa tubig.Nang lumubog ang katawan ni Eldreed sa malamig na tubig ng bathtub, unti-unti itong kumalma at tumigil sa
Kinabukasan, mataas na ang araw nang magising sina Eldreed at Shayne. Dahil sa sobrang dami ng nainom kagabi, nananatili pa ring hilo si Eldreed. Samantalang si Shayne naman, dahil sa abalang inabot sa pag-aalaga kay Eldreed, napagod nang husto kaya napasarap din ang tulog.Bahagyang gumalaw ang mga pilik-mata ni Eldreed, kumunot ang kanyang noo, at instinctively niyang inabot ang sentido niya para masahihin ito. Ngunit, bago pa man niya maigalaw nang maayos ang kanyang kamay, napansin niyang may mahigpit siyang yakap—hindi unan, kundi isang tao.Ano?! May niyayakap ako?! Gulat niya sa kanyang isipan.Gulat na iminulat ni Eldreed ang kanyang mga mata. Ang una niyang nakita ay isang maliit na ulo na may mahahabang hibla ng buhok, kasabay ng pamilyar na mabangong amoy. Shayne...Hindi niya maintindihan kung bakit, pero nang marealize niyang si Shayne iyon, bigla siyang nakahinga nang maluwag. Parang may bumagsak na malaking pabigat mula sa kanyang dibdib.Buti na lang… Buti na lang si
Si Eldreed ay naupo sa hapag-kainan at nagsimulang kumain, ngunit ang nasa isip lang niya ay ang ekspresyon ni Shayne na parang isang mabangis na pusa, kaya’t hindi niya napigilang mapangiti.Hindi niya namalayan na ang pang-aasar sa kanya ay naging isang hindi na maaaring mawala sa kanyang buhay.Napansin ng mga tagasilbi ang saya ni Eldreed at lihim silang nagkangitian. Mula nang dumating si Shayne, naging mas masayahin na si Eldreed. Dati, malamlam ang buong bahay—kahit umuuwi siya, hindi siya masyadong nagsasalita. Matapos kumain, diretso na siyang pumapasok sa kanyang silid-aklatan upang magtrabaho para sa kumpanya. Para bang sa trabaho lang umiikot ang kanyang mundo, at tila walang katapusan ito.Ngunit mula nang dumating si Shayne, halatang naging madaldal na siya at paminsan-minsan ay tumatawa pa. Kahit madalas silang nagtatalo ni Shayne, hindi na siya kasing subsob sa trabaho. Sa halip na agad na magkulong sa silid-aklatan, mas binibigyan na niya ng atensyon si Madame."Sir E
Narinig ni Eldreed ang galabog ng pinto habang binubuksan niya ito, ngunit wala siyang nakitang bakas ni Shayne sa loob ng silid. Ang dating magaan niyang pakiramdam ay agad na naglaho. Kumunot ang kanyang noo, bumalik siya sa ibaba at agad na nagtanong."Nasaan si Shayne?" tanong niya nang malamig."Ah... hindi ko po alam... Umalis po si Madame bandang alas-tres o alas-kuwatro ng hapon, pero... hindi pa po siya bumabalik," sagot ng isa sa mga kasambahay nang may pag-aalinlangan.Biglang dumilim ang mukha ni Eldreed. Hindi na siya nagdalawang-isip at agad na lumabas ng bahay.‘Ano na namang kalokohan 'to? Gabi na pero hindi pa rin siya umuuwi! Paano kung may nangyari sa kanya? Hindi pa ba sapat ang mga delikadong sitwasyong napasukan niya? Kung hindi siya naiipit sa isang plano, may ibang taong nagtatangkang lokohin siya. Masyado ba siyang inosente o sadyang hindi niya iniisip ang mga maaaring mangyari?’ sunod-sunod na sabi niya sa isipan. Mabilis siyang sumakay sa sasakyan at tinawa
Si Manang Lorna ay mabilis na sumunod sa utos ni Eldreed at agad na umakyat sa itaas upang ayusin ang kwarto para kay Shayne. Samantala, nakaupo si Eldreed sa sofa sa sala, bahagyang nakakunot ang noo, at panay ang sulyap sa kwarto sa ikalawang palapag.Kahit naiinis siya sa inasal ni Shayne, hindi niya maitanggi na wala pang sinumang nangahas na kagatin siya—Pero ang mas nakakapagtaka, hindi siya naiinis. Sa halip, parang natutuwa pa siya na inaapi siya nito.Napailing si Eldreed. "Mukhang nahawa na rin ako sa pagkabaliw niya, ah."Habang walang gana siyang nanonood ng TV, napansin niyang panay ang paglitaw ng mga babaeng artista na makapal ang make-up. Sa hindi maipaliwanag na dahilan, naisip niyang mas maganda pa rin si Shayne kaysa sa kanila."Ano ‘tong iniisip ko?!" Napabalikwas siya at dali-daling pinatay ang TV. Pasimpleng tumingin siya sa taas, at saktong nakita niyang palabas na si Manang Lorna mula sa kwarto ni Shayne. Napabuntong-hininga siya at agad na umakyat.Pagpasok ni
Biglang nagliwanag ang mga mata ni Shayne. Eason? Agad niyang kinuha ang kanyang cellphone at muling binasa ang pangalawang text message na ipinadala ni Andeline. Tama nga! Siya nga! Eason Valencia, anak ng isang famous chief prosecutor . Isang iginagalang na pamilya! Matagal na niya itong kilala. Minsan na silang ipinakilala ng kanyang ama at lolo sa isang engrandeng pagtitipon. Noong panahong iyon, labing-apat o labing-limang taong gulang pa lamang sila. Bata pa lang si Eason, nangingibabaw na ito sa karamihan. Dahil sa kanyang pambihirang katalinuhan at talento, matindi ang naging impresyon ni Shayne sa kanya noon. Ngunit siya noon ay payat pa at hindi pa lubusang nagdadalaga, kaya malamang, hindi naman siya binigyang pansin ni Eason. Dahil ayaw niyang mapahiya ang kanilang pamilya, nagsumikap siyang mag-aral nang mabuti upang makapasok sa isang prestihiyosong paaralan. Unti-unti siyang lumayo sa mundo ng tsismis. Kahit na naging magka-eskwela sila ni Eason, hindi niya ito sinub
Namula agad si Shayne nang marinig niya iyon. Maging si Eason ay napatingin din sa kanya, at bahagyang nag-init ang kanyang mukha. Agad niyang kinawayan ang clerk at nagmadaling nagpalinawag."Hindi... Hindi, magkaibigan lang kami."Pagkasabi nito, parang bigla siyang kinabahan. Magkaibigan na ba talaga sila ni Shayne? Sa pagkakaalam niya, ngayon pa lang dapat sila nagkita sa unang pagkakataon.Hindi pa nga sila lubos na magkakilala, pero napaka-kumpiyansa niyang sinabi ito. Bigla siyang nakaramdam ng pag-aalinlangan kaya lihim niyang sinulyapan si Shayne.Ngunit ngumiti lang ito nang magaan at tumango sa mga clerk."Oo, magkaibigan lang kami ni Eason. Saan naman ako makakahanap ng swerte para magkaroon ng boyfriend na kasing-gwapo niya, hehe."Nang marinig ito ng mga clerk, napatingin silang lahat kay Eason at kinantiyawan siya."Eason, kita mo? Ang dami mong puntos ngayon! Mabait ang dalaga, huwag mong pakakawalan."Kahit biro lang iyon, hindi pa rin napigilan ni Eason na mapahiya.
Nanginginig pa rin ang katawan ni Mayor Vasquez sa matinding galit. Ang mga mata niya'y nanlilisik habang matalim na nakatitig sa dalawa.Hindi makasagot si Carla at Cassy. Alam nilang may punto si Mayor Vasquez — naging pabaya sila. Dapat ay naging maingat sila para hindi sila mahuli, ngunit dahil sa kagustuhan nilang agawin si Eldreed, naging palpak ang lahat.Si Cassy na duguan ang noo, na kadalasan ay nagrereklamo kahit simpleng sugat lang, ngayon ay tahimik na nakayakap kay Carla. Takot na takot siyang magsalita o humikbi man lang. Alam niyang galit na galit ang ama niya — at sa oras na ito, wala siyang karapatang magsumbong o umangal.Matapos ang ilang minutong katahimikan, naglakas-loob si Carla na magsalita habang patuloy na niyayakap si Cassy. "M-mahal... aminado kaming nagkamali. Pero wala kaming choice noong mga oras na 'yon. Kailangan naming kumilos agad, kung hindi, tuluyan nang magpapatuloy ang kasal nina Eldreed at Shayne."Nanatili lang na nakatitig si Mayor Vasquez, p
Tumayo si Eldreed, kinuha ang coat niya at dire-diretsong lumabas ng bahay, iniwang nanghihina ang pamilya Vasquez.Sa isip niya, wala na siyang ibang iniintindi. Dahil si Shayne lang ang babae na gusto niyang protektahan habambuhay.Ang narinig na iyon ni Mayor Vasquez ay nagpatibay lalo sa kanyang desisyon na magpaikot ng usapan na tila isang mabangis na tigre na nakangiti."Wala akong ganong balak." Ngunit laking gulat niya nang mariing sumagot si Eldreed, hindi man lang siya binigyan ng kahit anong pabor. "Pero sana, Mayor Vasquez, iparating n'yo sa anak n'yo na huwag na huwag na niyang gagambalain ang asawa ko. Kung may plano pa siyang manggulo, o kukuha pa siya ng tao para guluhin si Shayne, ipinapangako kong hindi ko siya patatawarin. Hindi ko na poprotektahan ang negosyo n'yo.”Habang sinasabi iyon ni Eldreed, nilingon niya ng malamig na tingin si Cassy — isang tinging nagpanginig sa katawan ng dalaga. Para bang kahit anong oras ay kayang-kaya siyang basagin ni Eldreed."Miss
Narinig ni Eldreed ang sinabi ni Mayor Vasquez, ngunit imbes na matuwa, bigla niyang naramdaman na parang lumubog ang puso niya. Napansin niya ang sariling kamay na kanina'y naglalaro sa kanyang singsing, ngunit ngayon ay bigla itong napahinto. Unti-unti niyang ibinalik ang sarili sa katinuan at may malamig na ngiti sa kanyang labi nang magtanong siya."Paano n'yo po nalaman na magbibusiness trip ako, Mayor Vasquez?"Bigla itong nagbigay ng tensyon sa paligid. Alam ni Eldreed na hindi pa niya ipinapahayag ang tungkol sa pagkasunog ng kanilang warehouse sa American branch, at kakaunti lamang sa Pilipinas ang may kaalaman tungkol dito. Kaya't ang tanong niya ngayon ay — paano nalaman ni Mayor Vasquez na aalis siya?Sa kabila ng malamig na tono ni Eldreed, tila hindi napansin ni Mayor Vasquez ang bigat ng kanyang salita. Ngumiti ito ng bahagya at mayabang na sumagot, "Ah, wala naman. Syempre, dahil malapit ako sa pamilya niyo at nagkataon lang na may narinig akong balita, naisip ko lang
Matapos inumin ni Eldreed ang tsaa, marahan niyang ibinaba ang tasa at ngumiti ng bahagya. "Masarap nga. Kaya pala napakamahal." Sandali siyang tumigil bago idinugtong ang mga salitang tila may tusok, "Nakakagulat lang na ang isang opisyal ng gobyerno tulad ni Mayor Vasquez ay nakakabili ng ganito kamahal na tsaa. Nakakatuwang malaman na may panggastos pala kayo para sa mga bagay na ito."Biglang nanigas ang ngiti ni Mayor Vasquez. Parang may mabigat na bagay na bumagsak sa balikat niya. Si Carla naman ay lalong naging alerto — pakiramdam niya'y may kakaibang pakay si Eldreed sa pagpunta rito.Samantalang si Cassy ay tila wala sa sarili, lubos na nahumaling pa rin kay Eldreed. Hindi niya man lang naintindihan ang ibig ipahiwatig ng sinabi nito.Kung ibang tao lang ang nasa pwesto ni Mayor Vasquez, tiyak na matitigilan siya sa matalim na salita ni Eldreed. Pero dahil sanay na si Mayor Vasquez sa politika, mabilis siyang nakaisip ng palusot. Ngumiti ito ng peke at pilit na inayos ang si
Malapit nang magtaglagas, kaya unti-unti nang lumalamig ang panahon. Ang dating maliwanag na kalangitan ay naging kulay abo na, at ang mga babaeng dating nakasuot ng maiikling palda ay unti-unti nang nagsusuot ng pantalon.Pagdating ni Eldreed sa bahay ng mga Jane, si Cassy ang nagbukas ng pinto. Nang makita niya kung sino ang bisita, nanlaki ang mga mata niya na parang hindi makapaniwala."E-Eldreed... Ah, hindi—Mr. Sandronal! A-Ano pong ginagawa niyo dito?" tanong ni Cassy na halatang kinikilig.Kung hindi mo alam ang nangyari sa kanila noon, aakalain mong malapit talaga si Cassy kay Eldreed. Walang bahid ng kahihiyan o guilt na makikita sa mukha niya, kahit na ilang araw lang ang nakalipas mula nang sinampal siya ni Eldreed.Nagmamadali niyang pinapasok si Eldreed, sabay sumigaw papunta sa loob. "Mama, Papa! Tingnan niyo kung sino ang dumating!"Parang may fiancèe na sumasalubong sa kanyang nobyo ang kilos ni Cassy, ngunit nanatili lang na malamig ang ekspresyon ni Eldreed. Walang
Isang hindi maipaliwanag na init ang nagmula sa mga daliri ni Eldreed papunta sa buong katawan niya, dahilan para mapatulala si Shayne habang nakatitig sa matikas na mukha ng lalaki sa harapan niya.Dahan-dahang kinagat ni Eldreed ang kanyang daliri, at kahit banayad lamang ang pagkagat, parang mas naging malambing pa ito kaysa sa simpleng pagdampi. Dahil dito, namula ang mukha ni Shayne hanggang sa puno ng kanyang tenga.Sa gitna ng kanyang pagka-balisa, bigla na lang binitiwan ni Eldreed ang daliri niya at marahang hinawakan ito sa kanyang palad."Sa susunod na gawin mo ulit 'yan habang natutulog ako, hindi na kita palalagpasin ng ganon kadali."Malambing at banayad ang tono ng boses ni Eldreed, puno ng lambing na parang hindi naman galit o nanunumbat. Pero sa pandinig ni Shayne, parang may ibang ibig sabihin iyon—parang nagpapahiwatig ng isang bagay na mas malalim.Napaisip si Shayne ng kung anu-ano, dahilan para lalong mamula ang kanyang mukha. Hindi niya alam kung inaasar lang si
Lumipas ang ilang oras.Tahimik ang buong paligid, tanging ang tunog ng mga daliri ni Eldreed na pumipindot sa keyboard ang maririnig. Ngunit sa gitna ng pagtipa, bigla itong tumigil.Ibinaling ni Eldreed ang tingin kay Shayne at nakita niya itong mahimbing nang natutulog sa kanyang balikat. Mapulang-mapula ang pisngi nito, at sa simpleng pagmasid niya rito, tila nadagdagan ang tibok ng kanyang puso.Hindi niya maintindihan kung bakit, pero tila hindi niya magawang alisin ang tingin sa kanya. Maya-maya, gumalaw si Shayne—siguro'y hindi komportable sa kanyang balikat—at sa huli, humiga ito sa kanyang hita.Muling bumilis ang tibok ng puso ni Eldreed. Pinagmasdan niya ito sa kanyang kandungan, at matapos ang ilang sandali, hindi niya napigilang ngitian ito. Marahan niyang hinaplos ang pisngi ni Shayne bago muling bumalik sa trabaho.Pinag-igihan niya ang pagtatapos ng kanyang gawain, at nang matapos, nag-type siya ng isang linya sa chat ng kanyang assistant:"Pagod na ako. Matutulog mu
Nararamdaman pa rin ni Eldreed ang bigat ng mga tanong sa kanyang isipan habang nasa opisina. Nang makabalik siya sa wisyo, madilim na ang paligid.Naalala niya ang sinabi ni Shayne bago siya umalis, "Kahit gaano pa ka-late, hihintayin kitang umuwi." Tumayo siya at naglakad pauwi.Ang tanong—Gising pa kaya siya at naghihintay?May bahagyang pag-aalinlangan sa kanyang puso. Bahagi ng sarili niya ang umaasang naghihintay pa ito, ngunit kasabay nito ay ang pag-aalala na baka hindi pa ito kumain. Mas gugustuhin niyang hindi ito magpuyat para lang maghintay sa kanya.Ngunit anuman ang sagot, isa lang ang nasa isip niya ngayon—umuwi.Pagkapasok niya sa bahay, agad niyang tiningnan ang hapag-kainan, ngunit wala siyang nakita. Parang biglang lumamig ang pakiramdam niya."Sabi niya maghihintay siya..."Isang mapait na ngiti ang lumabas sa kanyang labi. Pinagtawanan niya ang sarili sa pagiging tanga sa paniniwala rito. Hindi siya madaling magtiwala sa ibang tao, pero nang sabihin ni Shayne na m
Kasama sa umalis ang kaklase nilang si Eason. Wari'y wala namang pinagkaiba ang tingin ni Shayne sa kanya kumpara sa ibang kaklase, kaya't sa wakas, hindi na nagselos si Eldreed. Nakangiting sinabi nito kay Eason, "Punta ka ulit dito kapag may oras ka."Napangiwi si Shayne sa narinig. ‘Sa seloso mong 'yan, sa tingin mo ba may lakas ng loob pang bumalik si Eason?’Matapos maihatid ang mga bisita, napabuntong-hininga si Shayne. Busog na busog siya, at tulad ng dati, inaantok siya kapag ganoon. Agad siyang pumasok sa kwarto ni Eldreed at padapang bumagsak sa malambot na kama.Pagpasok ni Eldreed, napakunot ang noo niya nang makita si Shayne na nakahilata roon. Umupo siya sa sofa sa tabi ng kama at hindi na nagsalita.Tahimik lang ang dalawa, ngunit hindi naman nakakailang ang katahimikan. Para bang matagal na silang ganito sa isa't isa.Nasa kalagitnaan na ng antok si Shayne nang biglang tumunog ang cellphone ni Eldreed. Sinagot nito ang tawag at biglang nagbago ang tono ng boses niya, "